"SIGURADO po ba talaga kayong isasama namin 'yang si Xavier sa new mission, General?" Muling napatango ang boss nila nang magtanong ulit sa kaniya si Aurelia. Agad na makikita sa mukha nito ang labis na pagtutol. "General, alam niyo naman siguro kung gaano kalampa 'yon? Maski maliliit na bagay ay palagi siyang palpak!" Hindi niya mapigilang mapahilot sa kaniyang sentido habang inaalala lahat ng mga walang ambag na ginawa ni Xavier, ang bagong pulis na nadestino sa kanilang distrito.
Sa kamalas-malasan pa ay kay Aurelia siya naitalaga upang ito ay maturuan. Kada nakikita niya ang binatang iyon ay kumukulo ang kaniyang dugo dahil pagod na siya sa kakaturo tapos parang wala man lang natutunan ni katiting ito."Kaya nga isasama ninyo siya sa pakikipaglabanan nang matuto pa. Hindi naman siya makikigyera, magmamasid lamang siya sa mga galawan ninyo at malay natin kung balang araw ay gumaling na 'yan," paliwanag ni General Fernandez sa dalaga.Napilitang napatango siya dahil kung iisipin ay may punto rin naman ang kanilang boss. Sumaludo ito bilang paggalang bago siya umalis sa opisina upang magtungo sa mga kasamahan niyang naroon na sa labas kabilang si Xavier na kaniyang kinaiinisan.Humugot na muna ito ng isang malalim na buntong hininga bago senyasan ang lahat na sumakay na sa nag-iisang malaking kotse na nasa harapan lang nila. Ngayon na nila isasagawa ang misyon dahil may kailangan pang asikasuhin si Aurelia sa mas malaki pang misyon na ibinigay sa kaniya.Nang makasakay na silang lahat ay nagtungo na ang dalaga sa harapan na katabi ng driver's seat. Papaandarin na sana ng magmamaneho ang sasakyan nang may bigla silang narinig na ingay."Ano 'yon? Ba't 'di mo pa 'yan paandarin? Nagmamadali tayo!" inis na turan niya sa katabi. Iyon palang yata ang unang beses na napasigaw siya dahil talagang nawalan na ito ng mood.Bumaba ang isa sa kanila upang tingnan ang kalagayan ng sasakyan. Ilang segundo ay dismayado na lamang itong napailing-iling bago i-report iyon kay Aurelia. "Major Aragon, flat po ang gulong ng sasakyan," anito.Isa na siya ngayong Police Major dahil sa mga malalaking isda na nabibingwit niya noon na siyang naging dahilan kung bakit nahalal siya sa posisyong iyon.Pinakalma ng dalaga ang kaniyang sarili at baka tuluyan na siyang sasabog sa galit na unti-unti niyang nararamdaman. "Sino ba kasi ang naka-aasigned na magche-check ng gagamiting kotse?" mahinahon nitong tanong, nagtitimpi.Sabay-sabay nilang itinuro ang baguhang pulis na si Xavier na napapakamot na lamang sa kaniyang ulo dahil alam nitong nagkamali na naman siya. Simula nang siya ay pumasok sa pagkakapulis ay wala pa itong matandaan na may nagawa na siyang makakaambag sa kanilang grupo. Ginagawa naman nito ang lahat ng kaniyang makakaya ngunit wala talaga, lagi lang siyang dismayado at pabigat."Sorry, Major. Hindi ko po masyadong----" Hindi na nito pinatapos ng dalaga sa pagsasalita dahil baka masigawan niya pa ito na siyang ayaw niyang gawin dahil kahit na papaano ay naintindihan niya pa rin naman si Xavier. Lahat naman ay nagsisimula sa pagiging walang alam bago mahasa sa pakikipaglabanan."Ayos lang. Huwag mo ng intindihin," turan nito. "Lahat kayo ay bumaba na muna. Dale, ikaw na lang ang mag-ayos at kung maaari ay bilisan mo lang dahil baka mahuli na tayo't wala na tayong maabutan na kalaban sa destinasyon natin," utos nito na tinanguan naman ng kaniyang kausap.Habang naghihintay ay napapatingin nang madalas si Aurelia sa kaniyang relo upang tingnan ang oras. Si Xavier naman ay nasa isang sulok na nakayuko lamang ang kaniyang ulo dahil sa kahihiyang natamo na naman niya.Kapagkuwan ay nakaisip ito ng magandang ideya upang kahit na papaano man lang ay makabawi siya sa kaniyang mga kasamahan na palagi siyang inuunawa. Nagpunta na muna siya sa loob ng headquarters nila at nang siya'y makabalik na ay may dala-dala na itong tray na may nakapatong na juice roon at mga meryenda.Inabot niya iyon isa-isa sa mga kasamahan nila na masaya naman nilang tinaggap at pinasalamatan si Xavier pagkatapos. Natuwa ang binata sa mga narinig niya. Nagtungo naman ito sa gawi ni Aurelia upang iabot 'yong meryendang inihanda nito. Malapit na sana siya nang bigla itong matumba dahil sa may kalakihang bato na nakaharang sa daraanan niya.Namalayan na lamang nitong nabuhusan ng juice ang dalaga na gulat na gulat sa nangyari dahil abala lang naman ito sa pangangamusta sa kaniyang pamilya tapos bigla na lang naging gano'n ang kaniyang kahihinatnan.Napatingin siya kay Xavier na kakamot-kamot na naman sa kaniyang ulo. Gano'n ito sa tuwing nakakagawa siya ng mga bagay na hindi gaanong nakakatuwa.Bago pa man makapagsalita ang binata ay naglakad na palayo si Aurelia upang pakalmahin muli ang kaniyang sarili. Sunod-sunod ang paghinga niya nang makatungtong sa sarili nitong opisina. Mabuti na lamang dahil mayroon siyang extra uniform doon kaya nagpalit na lamang ito.Nang siya ay lumabas ay eksaktong natapos na ang pag-aayos sa gulong na nasira. Walang salita silang sumakay roon bago pinaharurot ang sasakyan. Tahimik lamang sila buong byahe't walang nagtangka kahit na isa na magsalita.Ilang minuto lang ang itinagal bago sila tuluyang makarating. Nag-ayos na sila sa kani-kanilang mga puwesto. Nasa isang abandonadong building sila. Laking pasasalamat na lamang ni Aurelia dahil wala pang mga tao ang naroon kaya may tama pang oras na maghanda.Ngunit hindi rin nagtagal ay unti-unti nang nagsisidatingan ang mga magkabilang grupo. Ang isa ay may hawak na case na siguradong ang laman niyon ay mga droga habang ang isa naman ay gano'n din na ang laman naman ay limpak-limpak na salapi.May pinag-usapan ang mga ito ngunit hindi marinig nila Aurelia dahil may kalayuan ang kanilang puwesto mula roon. Abala ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa nang bigla na lamang bumahing nang sobrang lakas si Xavier dahilan upang nalaman ng mga kalaban ang kanilang presensya.Nagsitakbuhan na sila at dinepensahan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng bala. Hindi maitatago ang dismayadong nararamdaman ni Aurelia para sa binata ngayon. Mukhang ang tagumpay na misyon nila ay mapupunta sa wala dahil sa baguhang pulis.Inaamin ni Aurelia sa kaniyang sarili na sukdulan na ngayon ang inis na nararamdaman niya lalo na noong napagmasdan niya si Xavier na hindi gumagalaw sa kaniyang puwesto't mukhang bata kung umasta dahil sa mangiyak-iyak na naman ito. Nagmadali itong puntahan ang lalaki dahil hindi ligtas ang siyang kinaroroonan nito. Oo nga't galit siya pero ayaw niyang may mamatay ni isa sa kaniyang pangkat. Para sa kaniya ay hindi na baleng mabigo sila sa laban basta't kumpleto lamang silang lahat na uuwi sa kani-kanilang mga tahanan."Sumama ka sa 'kin. Walang magagawa ang pag-iyak mo riyan, Xavier. Huwag mo ng alalahanin ang nangyari kanina. Walang may kasalanan niyon kaya halika na," pagpapagaan nito sa loob niya. Tumango ito sa kaniya bago punasan ang mga luhang namuo sa mga mata nito.Sabay silang gumapang upang pumuwestong muli. Mas marami ang bilang ng mga kalaban kaysa sa kanila ngunit hindi basehan iyon dahil alam ng bawat isa sa kanila na mas mahusay sila kaysa sa mga kaharap nila ngayon."Walang tatakbo hangga't may natitira pa tayong bala!" sigaw ng dalaga pero hindi na nakasagot pa ang ilan dahil abala sila sa pakikipagputukan. Kahit na gano'n pa man ay alam naman ni Aurelia na narinig nilang lahat iyon.Tumagal na ng ilang minuto ay mapapansing marami ng binawian ng buhay sa panig ng mga kalaban habang kila Aurelia naman ay mabibilang lang sa mga daliri ang mga sugatan. Ngunit laking gulat na lamang nilang lahat nang may biglang dumating na sunod-sunod na sasakyan sa building na iyon.Apat iyon nang bilangin ng dalaga. Nagsilabasan doon ang mga hindi pamilyar na armadong mga kalalakihan. Nangangapa pa sila ng sagot kung sino ang mga iyon pero noong itinutok nila ang kanilang baril sa gawi nila ay roon nila napagtantong nagtawag pala ng back up ang mga kalaban. Mautak nga naman kung tutuusin.Hindi kayang ibuwis ni Aurelia ang mga buhay ng kanilang kasamahan para lang mahuli ang mga masasamang taong iyon kaya nagbigay siya ng utos na aalis na sila bago pa man mahuli ang lahat."Major, hindi po tayo makakadaan sa likuran gayundin sa harapan dahil may mga bilang ng mga kalaban ang naroon na nag-aabang. Ano na ngayon ang gagawin natin?" Nataranta si Aurelia lalo na noong masaksihan mismo ng dalawa niyang mga mata kung paano natamaan ng bala sa mismong ulo si Dale na ngayon ay wala ng buhay.Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Doon lamang nito nalaman na tanging siya, si Xavier, at ang kumausap na lamang sa kaniya ang natitira. Ang iba ay nakahandusay na ngayon sa sahig, duguan. Huli na rin para sa kaniya ang magdesisyon pa dahil kasalukuyan na silang napapalibutan.Babarilin na sana nila ang dalawa niya pang kasama ngunit lumuhod siya sa kalaban kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang mga luha. "Huwag. Nakikiusap ako sa inyo." Buong buhay nito ay ngayon lamang siya nagmakaawa ngunit wala na siyang pakialam pa dahil hindi niya alam kung kakayanin pa ba ng kaniyang konsenya sa oras na mawala pa ang dalawang natitirang kasamahan niya."Dalhin ang mga 'yan sa teritoryo natin. Siguradong mapapakinabangan ang mga 'yan lalo na 'yang babae. Sibat na!" Nanlaki ang mga mata ni Aurelia, hindi dahil sa mga binitawang salita ng lalaki kun'di ay dahil sa napakapamilyar na boses nito. Hindi siya pupuwedeng magkamali sa kaniyang hinala.Upang kumpirmahin ay dahan-dahan siyang nag-angat ng kaniyang tingin nang sa gayon ay mapagmasdan niya ang hitsura ng lalaking iyon. Pero bago pa man siya makapag-angat ay pinukpok na nang malakas ang kaniyang ulo.Subalit sa kabila niyon ay pinilit niya pa ring magmulat ng kaniyang papasarado ng mga mata na pinagsisisihan niya rin dahil napatunayan niya na ang kaniyang kutob ay tama."Kuya Jax?" nanghihina nitong tanong. Nagkagulatan pa silang dalawa nang magtama ang kanilang paningin bago tuluyang mawalan ng malay si Aurelia.KINAUMAGAHAN ay nagising si Aurelia nang may naramdaman siyang pagtapik ng kung sino man sa kaniyang pisngi. Hindi na muna ito nagmulat ng kaniyang mga mata. Natatatakot siya na baka totoo ang mga huling naalala nito bago siya mawalan ng malay.Sa mga oras na iyon ay hinihiling niyang bangungot lang ang nangyari't mahimbing lamang siyang natutulog sa kaniyang kuwarto pagkagising niya. Ngunit nang maglakas-loob siyang magmulat ay hindi pamilyar na lugar ang siyang bumungad sa kaniyang paningin dahilan upang ang kapiranggot na natitirang pag-asa sa loob niya ay biglang naglaho."Aurelia, makinig ka sa 'kin." Naagaw ang kaniyang atensiyon nang marinig ang boses na iyon na ayaw niya muna sanang marinig pansamantala. Kahit hindi niya man gustuhin ay hinarap niya ang kaniyang nakatatandang kapatid na kasalukuyan siyang pinagmamasdan nito na tila ba siya ay natatakot sa ano mang magiging reaksyon ng dalaga.Nagkatinginan silang dalawa. Gustong magsalita ni Aurelia, marami siyang nais na itan
"ANO?! Dalawa lang ang natira sa halos batalyong pulis na kasamahan mo, Major Aragon?!" pagalit na katanungan ni General Fernandez sa dalagang si Aurelia na kasalukuyang tinatanggap ang mga sermon niya mula pa kanina. Natapango ito bilang pagtugon. "Opo, General. Lahat po ay patay na nang sinuri namin muli ang lugar," dagdag salaysay niya pa upang maireport ang lahat ng nangyari."Kahapon pa naganap ang pagsugod ninyo roon, hindi ba? Bakit ngayong kinaumagahan lang din kayo nagtungo rito kung gano'n?" kuwestiyon pa nito.Malalim na lamang na napabuntong-hininga si Aurelia. Buong buhay niya ay ngayon lamang siya napagalitan, lahat noon ay perpekto, ngayon lamang ito nagkapalpak sa trabaho. "Nadakip po kami ng mga kalaban, General. Nakatakas lang po kami noong tulog pa ang mga sindikatong iyon. Sabay po kaming tumakas ng mga kasama ko. Pagkatapos po niyon ay nagpunta kami sa lugar upang tingnan kung may nakaligtas pong mga pulis pero sa kasamaang palad ay binawian na po silang lahat ng
HINDI NA kinailangan pa ni Aurelia na ipakita ang ID card nito sa guard nang sila'y makarating na sa tagong bar. Kilala na kasi ito sa lugar na iyon ngunit hindi maitatago ang kuryosidad sa mukha ng guard dahil ang kasama ng dalaga ay hindi ang mga dati nitong kainuman, idagdag pa na bagong mukha lamang si Xavier sa paningin nito. Paano nga ba naman sasama ang mga dating kainuman ni Aurelia kung wala na silang buhay ngayon dahil sa ginawa ng grupo ng kaniyang kapatid. Sa huli ay pinagpatuloy na lamang ng bantay ang trabaho nito nang may magsidatingan nang mga iba pa.Bumungad sa kanilang pandinig ang naglalakasang tugtog ng musika. Inilibot ni Xavier ang kaniyang paningin sa paligid nito. May mga eksaheradong nagsasayawan, may mga mangilan-ilan namang umiiyak dahil siguro sa pagiging sawi nila, may mga lumalaklak din sa kani-kanilang mga alak, at ang mas ikinagulat pa niya ay iyong mga gumagawa ng kababalaghan na walang kahit na anong bahid ng kahihiyan na nararamdaman kahit hubo't hu
NAKAPUWESTO na ang lahat sa kani-kanilang mga area kung saan sila itinalaga. Magkatabi ang dalagang si Louise at ng kasintahan nitong si Blake. Pareho silang nakadapa sa damuhan na seryosong inaayos ang kanilang mga hawak-hawak na baril.Nang magkatagpo ang kanilang mga mata ay pareho na lamang silang napangiti. Halata sa kanilang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Hinawakan ng binata ang kamay ng kaniyang nobya at marahang hinaplos iyon."Magkasama nating tatapusin ang laban na 'to at pareho tayong uuwi nang may ngiting tagumpay sa mga labi natin. Kailangan mong tumupad sa pangakong iyon, mahal," wika nito sa kasintahan.Tumango ito sa kaniya. Hinaplos niya rin siya pabalik bago tumugon. "Nangangako ako sa 'yo, Blake. Ilang araw na lang ay magaganap na ang kasal natin. Ngayon pa ba tayo matatakot? Marami na rin tayong labang pinagsamahan kaya magtiwala ka sa kakayahan ng grupo. Mananalo tayo rito kahit na ano pa man ang mangyari." Kung makapagsalita ang dalaga ay parang na
"DADDY! I made it! 'Yong ipinagkatiwala sa akin ni Major Cessar na malaking project, napagtagumpayan namin ng mga naka-aasigned sa akin! Pinuri lahat nila ako nang ilang ulit!" Pagkatapos ng nakapapagod na araw ni Aurelia sa trabaho ay agad siyang nagtungo sa kanilang mansiyon upang maligayang ibalita iyon sa kaniyang pamilya. Nauna lamang niyang inanunsiyo sa ama nito na nadatnan niyang abala sa kung ano man ang ginagawa nito sa laptop niya.Tinanggal nito ang reading eyeglasses niya na suot sa mata bago ngitian nang malawak ang kaniyang anak. "Good job, Aurelia. You really did it! Keep it up, anak," puri nito sa dalaga na mas lalong napatalon-talon sa tuwa. Iyon kasi ang unang pinamunuhan niya na malaking misyon kumpara noon na madadali lang ang ipinapagawa sa kaniya.Nagmadali rin siyang nagpunta sa ina nito pati na rin sa kapatid niyang lalaki na abala sa pag-eensayo ng baril sa tagong practice room nila. Kagaya ng reaksyon ng kaniyang ama ay gano'n din ang natanggap niya sa ina a