Home / Romance / Wrath of the Mafia Boss / KABANATA 1: Ambush

Share

Wrath of the Mafia Boss
Wrath of the Mafia Boss
Author: Jenanaa

KABANATA 1: Ambush

Author: Jenanaa
last update Huling Na-update: 2022-09-26 01:30:11

NAKAPUWESTO na ang lahat sa kani-kanilang mga area kung saan sila itinalaga. Magkatabi ang dalagang si Louise at ng kasintahan nitong si Blake. Pareho silang nakadapa sa damuhan na seryosong inaayos ang kanilang mga hawak-hawak na baril.

Nang magkatagpo ang kanilang mga mata ay pareho na lamang silang napangiti. Halata sa kanilang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Hinawakan ng binata ang kamay ng kaniyang nobya at marahang hinaplos iyon.

"Magkasama nating tatapusin ang laban na 'to at pareho tayong uuwi nang may ngiting tagumpay sa mga labi natin. Kailangan mong tumupad sa pangakong iyon, mahal," wika nito sa kasintahan.

Tumango ito sa kaniya. Hinaplos niya rin siya pabalik bago tumugon. "Nangangako ako sa 'yo, Blake. Ilang araw na lang ay magaganap na ang kasal natin. Ngayon pa ba tayo matatakot? Marami na rin tayong labang pinagsamahan kaya magtiwala ka sa kakayahan ng grupo. Mananalo tayo rito kahit na ano pa man ang mangyari." Kung makapagsalita ang dalaga ay parang natitiyak nitong mapagtatagumpayan nga nila ang misyong iyon ngunit sa loob niya'y hindi nito maiwasang kabahan sa mga maaari nilang sapitin.

Napanatag ang lagay ni Blake sa mga salitang binitawan nito. Hindi kasi niya maiwasang matakot dahil malaki ang pagkakaiba ng mga nakalaban nila noon kumpara sa makakaharap pa lang nila ngayon.

Mga miyembro ng ibang mafia group na hindi masyadong kagalingan ang palagi nilang natatalo samantalang ang babanggahin naman nila ngayon ay ang mga pulis na walang kupas pagdating sa pakikipaglabanan, idagdag pa ang kanilang katalinuhang taglay sa pagbuo ng mga hakbang na kanilang isinasagawa.

Ngunit napagplanuhan na ng grupo noon pa man nang mabuti kung paano nila ito tutugisin. Sisimulan nila iyon sa pamamagitan ng pag-ambush sa gubat kung saan dadaan ng ruta ang mga unipormadong pulis. At ngayon ang nakatakdang araw upang maisakatuparan ang mga iyon.

Sumipol nang malakas si Ezekiel, ang lider ng kanilang pangkat, na kasalukuyang nasa itaas ng puno upang magsilbing tagapagmatiyag. Nagsihandaan ang lahat dahil iyon na ang senyales na paparating na ang mga parak sa kanilang gawi. Magkakasabay nilang isinuot ang itim nilang mga mask upang hindi makilala ang kanilang pagkakakilanlan.

Tatlong naglalakihang sasakyan ang tinadtad nilang pinaputukan ng kanilang mga bala nang ito ay dumaan sa kanilang puwesto. Walang preno nilang pinaambunan iyon ng magkakasunod na putok hanggang sa wala ng masyadong natitirang bala sa kanilang mga baril.

Hindi kalaunan ay napatingin silang lahat sa mga kotseng kasalukuyan na ngayong inuusok. Ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang mapangiti kasabay ng pagkalaho ng kabang naramdaman nila kanina dahil sa wakas ay natapos na ang kanilang misyon para sa araw na iyon. Nagbunga na ang kanilang mga paghihirap at pagod sa pag-eensayo sa nagdaang buwan.

Nagtawag ng tatlong pangalan si Ezekiel upang suriin ang mga sasakyan. Bumaba ang mga ito nang kalmado lamang sapagkat inaakala nilang natuldukan na nga talaga ang laban. Ngunit ang malakas na kutob ni Blake ay ibinubulong sa kaniyang sarili na parang may kakaiba. Imbes na makaramdam siya ng tuwa kagaya ng mga kasamahan niya ay takot at pangamba ang siyang bumalot sa kaniyang buong sistema.

"Hindi ganito kadaling patumbahin ang mga parak. Napakaimposible dahil mahuhusay ang mga iyon sa pakikipaglabanan tapos wala man lang ni isa sa grupo namin ang namatay. Parang... parang may mali," bulong nito sa kaniyang sarili kasabay ng malalakas na pagpintig ng puso niya.

Nagmasid siya sa paligid nila at mula sa hindi kalayuan ay may mga pulis siyang natanaw na nakatutok na sa kanilang gawi ang mga baril na dala-dala ng mga ito. Agad na nanlaki ang mga mata niya't sisigaw pa lamang sana sa mga kasamahan niya ngunit huli na ang lahat nang sumabog ang kotse kanina na nasundan ng putukan ng mga baril.

Sa isang iglap ay marami na ang binawian ng buhay mula sa kanilang panig. Karamihan sa kanila ay iyong may mga asawa't anak na. Nasasaktan siya sa nasasaksihan niya. Ang kinatatakutan niya ay tuluyan na ngang nangyayari.

"Umalis na tayo! Hindi natin sila kaya!" malakas na sigaw ng kanilang lider na abala sa pakikipagpalitan ng bala sa mga pulis. Sa kanang braso nito ay mapapansing dumudugo iyon, senyales na natamaan din maging ito ng bala.

Ang ilan ay nagsimula nang umatras pabalik sa kanilang basement na sa kasamaang palad ay may kalayuan mula sa kinaroroonan nila ngayon. Ngunit mula roon ay may nakaabang na ilang tao sakali mang magkaaberya na siyang nangyari na nga dahil kasalukuyan na sila ngayong nagtatakbuhan.

Nakabalik sa reyalidad si Blake. Kahit na nanginginig siya sa labis na takot ay buong tapang siyang tumayo upang hatakin si Louise na noon lamang niya napunang may tama na pala sa bandang paa nito dahilan upang hirap siya sa paglalakad.

Ngunit kahit na gano'n pa man ay hindi sumuko si Blake. Pinilit niyang buhatin ang kaniyang mapapangasawa sa abot ng kaniyang makakaya ngunit hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay pareho na silang natumba sa berdeng damuhan.

Lumuluhang napatingala ang dalaga kay Blake. "Umalis ka na. Hindi ka makakatakas dito kung isasama mo pa ako dahil magiging pabigat lang ako sa 'yo at sa grupo," turan nito sa binata na mariing napailing lamang nang ilang ulit bilang pagtutol nito.

Hindi niya kayang iwanan na lang doon ang minamahal niya. Kung siya ay papipiliin ay mas gugustuhin pa nitong mamatay kasama ni Louise kaysa ang mabuhay nang wala na ito sa kaniyang tabi. Nangako silang dalawa sa isa't isa at ayaw niya itong buwagin nang gano'n-gano'n lang.

"Ayaw ko. Kung hindi natin kayang tumakas, sabay na lang tayong mamatay hanggang sa dulo nang sa gayon ay magkakasama pa rin tayong dalawa kahit na sa kabilang buhay na," nakangiti nitong usal sa dalaga. "Ayaw mo niyon? Sa langit natin ipagpapatuloy ang walang hanggang pagmamahalan natin," dagdag pa nito.

Ngunit tila naging bingi ang dalaga dahil hindi nito pinakinggan man lang ang mga binitawang salita ni Blake. Ang tanging nasa isipan lang niya ay kung paano mabubuhay ang binata.

Kumalas siya mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya nito bago sumigaw sa kaniyang mga kasamahan. "Ezekiel! Parang awa niyo na, iligtas ninyo si Blake! Sinisigurado ko sa inyong magiging mahusay siya sa kasalukuyan!" sigaw nito sa kanilang lider na agad napalingon sa kanilang gawi. Kahit na may pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata ay tipid pa rin itong tumango sa kaniyang pakiusap bago magsimulang tumakbo nang nakadapa sa kanilang gawi.

Nang makalapit ito nang tuluyan ay agad niyang hinila si Blake palayo roon. Pumalag ang binata ngunit wala siyang nagawa laban sa lakas ng kanilang lider. Bago pa man sila tuluyang makalayo ay narinig pa nito ang mga huling salita ni Louise sa kaniya.

"Mabuhay ka, Xavier. Ipaghiganti mo kaming lahat na mamamatay ngayon nang sa gayon ay hindi mapunta sa wala ang mga buhay namin. Lagi mo sanang tatandaan na kahit wala na ako sa tabi mo ay palagi pa rin akong nakatingin sa 'yo mula sa langit. Hanggang sa muli, mahal ko," saad nito bago pinilit na tumayo upang magsilbing harang sa mga pulis para makabili ng oras ang mga kasamahan niya na makalayo mula sa lugar na iyon. Sumigaw ito nang malakas bago pinutok ang baril na hawak niya.

"Huwag! Louise!" Naghihinagpis ang boses ni Blake nang matumba ang babaeng mahal niya sa damuhan. Napagmasdan pa ng dalawa niyang mga mata kung sino ang bumaril dito. Isa iyong babae na sa tingin niya'y ito ang namumuno sa kanilang lahat.

Kumulo ang dugo niya nang makita kung paano ngumiti nang malawak ang babae. Iniisip nitong wala siyang puso sapagkat mukhang ang kasiyahan nito ay ang makitang mawalan ng buhay ang mga kasamahan nila.

Nawalan na ng pag-asa ang mga pulis na mahabol pa ang grupo nila Ezekiel dahil nakalayo na sila. Sinuri nila ang babae na siyang humarang kanina.

Hinayaan nila ang manggagamot na kanilang isinama sa labang iyon upang sumuri sa kalagayan ng mga kalaban kung humihinga pa ba ang mga ito nang sa gayon ay madala nila sa hospital.

Inanunsiyo ng babaeng manggagamot sa isa sa mga pulis na katabi niya ang nalaman nito. Tumingin ang pulis kay Aurelia, ang nangunguna sa kanilang lahat.

"Lieutenant Aurelia, may sanggol pong namatay sa sinapupunan ng babae!" sigaw nito upang marinig ng kanilang lider mula sa malayo. Ngunit hindi lang si Aurelia ang nakarinig niyon dahil kahit na nakalayo na sila Blake ay rinig niya iyon nang mas malinaw pa sa sikat ng araw.

Napatulala siya at mas dumoble pa ang kirot na kaniyang naramdaman sa mga oras na iyon. Bago siya mawalan ng malay dahil sa kaniyang mga narinig ay muli pang kumawala ang mga butil ng luha sa kaniyang mga mata sabay sabing, "Ang mag-ina ko."

Noon lamang nito napagtantong may dinadala palang sanggol si Louise na huli na upang kaniyang pagsisihan pa. Isinumpa niya nang sukdulan ang pumaslang sa mag-ina niya at itinatak niya rin ang wangis ng babaeng iyon sa kaniyang isipan maging ng pangalan nito na Aurelia bago kinain ng dilim ang kaniyang paningin.

Kaugnay na kabanata

  • Wrath of the Mafia Boss   KABANATA 2: Selebrasyon

    "DADDY! I made it! 'Yong ipinagkatiwala sa akin ni Major Cessar na malaking project, napagtagumpayan namin ng mga naka-aasigned sa akin! Pinuri lahat nila ako nang ilang ulit!" Pagkatapos ng nakapapagod na araw ni Aurelia sa trabaho ay agad siyang nagtungo sa kanilang mansiyon upang maligayang ibalita iyon sa kaniyang pamilya. Nauna lamang niyang inanunsiyo sa ama nito na nadatnan niyang abala sa kung ano man ang ginagawa nito sa laptop niya.Tinanggal nito ang reading eyeglasses niya na suot sa mata bago ngitian nang malawak ang kaniyang anak. "Good job, Aurelia. You really did it! Keep it up, anak," puri nito sa dalaga na mas lalong napatalon-talon sa tuwa. Iyon kasi ang unang pinamunuhan niya na malaking misyon kumpara noon na madadali lang ang ipinapagawa sa kaniya.Nagmadali rin siyang nagpunta sa ina nito pati na rin sa kapatid niyang lalaki na abala sa pag-eensayo ng baril sa tagong practice room nila. Kagaya ng reaksyon ng kaniyang ama ay gano'n din ang natanggap niya sa ina a

    Huling Na-update : 2022-09-26
  • Wrath of the Mafia Boss   KABANATA 3: Kuya?

    "SIGURADO po ba talaga kayong isasama namin 'yang si Xavier sa new mission, General?" Muling napatango ang boss nila nang magtanong ulit sa kaniya si Aurelia. Agad na makikita sa mukha nito ang labis na pagtutol. "General, alam niyo naman siguro kung gaano kalampa 'yon? Maski maliliit na bagay ay palagi siyang palpak!" Hindi niya mapigilang mapahilot sa kaniyang sentido habang inaalala lahat ng mga walang ambag na ginawa ni Xavier, ang bagong pulis na nadestino sa kanilang distrito.Sa kamalas-malasan pa ay kay Aurelia siya naitalaga upang ito ay maturuan. Kada nakikita niya ang binatang iyon ay kumukulo ang kaniyang dugo dahil pagod na siya sa kakaturo tapos parang wala man lang natutunan ni katiting ito."Kaya nga isasama ninyo siya sa pakikipaglabanan nang matuto pa. Hindi naman siya makikigyera, magmamasid lamang siya sa mga galawan ninyo at malay natin kung balang araw ay gumaling na 'yan," paliwanag ni General Fernandez sa dalaga.Napilitang napatango siya dahil kung iisipin ay

    Huling Na-update : 2022-09-26
  • Wrath of the Mafia Boss   KABANATA 4: Katotohanan

    KINAUMAGAHAN ay nagising si Aurelia nang may naramdaman siyang pagtapik ng kung sino man sa kaniyang pisngi. Hindi na muna ito nagmulat ng kaniyang mga mata. Natatatakot siya na baka totoo ang mga huling naalala nito bago siya mawalan ng malay.Sa mga oras na iyon ay hinihiling niyang bangungot lang ang nangyari't mahimbing lamang siyang natutulog sa kaniyang kuwarto pagkagising niya. Ngunit nang maglakas-loob siyang magmulat ay hindi pamilyar na lugar ang siyang bumungad sa kaniyang paningin dahilan upang ang kapiranggot na natitirang pag-asa sa loob niya ay biglang naglaho."Aurelia, makinig ka sa 'kin." Naagaw ang kaniyang atensiyon nang marinig ang boses na iyon na ayaw niya muna sanang marinig pansamantala. Kahit hindi niya man gustuhin ay hinarap niya ang kaniyang nakatatandang kapatid na kasalukuyan siyang pinagmamasdan nito na tila ba siya ay natatakot sa ano mang magiging reaksyon ng dalaga.Nagkatinginan silang dalawa. Gustong magsalita ni Aurelia, marami siyang nais na itan

    Huling Na-update : 2022-10-01
  • Wrath of the Mafia Boss   KABANATA 5: Nakakahanga

    "ANO?! Dalawa lang ang natira sa halos batalyong pulis na kasamahan mo, Major Aragon?!" pagalit na katanungan ni General Fernandez sa dalagang si Aurelia na kasalukuyang tinatanggap ang mga sermon niya mula pa kanina. Natapango ito bilang pagtugon. "Opo, General. Lahat po ay patay na nang sinuri namin muli ang lugar," dagdag salaysay niya pa upang maireport ang lahat ng nangyari."Kahapon pa naganap ang pagsugod ninyo roon, hindi ba? Bakit ngayong kinaumagahan lang din kayo nagtungo rito kung gano'n?" kuwestiyon pa nito.Malalim na lamang na napabuntong-hininga si Aurelia. Buong buhay niya ay ngayon lamang siya napagalitan, lahat noon ay perpekto, ngayon lamang ito nagkapalpak sa trabaho. "Nadakip po kami ng mga kalaban, General. Nakatakas lang po kami noong tulog pa ang mga sindikatong iyon. Sabay po kaming tumakas ng mga kasama ko. Pagkatapos po niyon ay nagpunta kami sa lugar upang tingnan kung may nakaligtas pong mga pulis pero sa kasamaang palad ay binawian na po silang lahat ng

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Wrath of the Mafia Boss   KABANATA 6: Hangarin

    HINDI NA kinailangan pa ni Aurelia na ipakita ang ID card nito sa guard nang sila'y makarating na sa tagong bar. Kilala na kasi ito sa lugar na iyon ngunit hindi maitatago ang kuryosidad sa mukha ng guard dahil ang kasama ng dalaga ay hindi ang mga dati nitong kainuman, idagdag pa na bagong mukha lamang si Xavier sa paningin nito. Paano nga ba naman sasama ang mga dating kainuman ni Aurelia kung wala na silang buhay ngayon dahil sa ginawa ng grupo ng kaniyang kapatid. Sa huli ay pinagpatuloy na lamang ng bantay ang trabaho nito nang may magsidatingan nang mga iba pa.Bumungad sa kanilang pandinig ang naglalakasang tugtog ng musika. Inilibot ni Xavier ang kaniyang paningin sa paligid nito. May mga eksaheradong nagsasayawan, may mga mangilan-ilan namang umiiyak dahil siguro sa pagiging sawi nila, may mga lumalaklak din sa kani-kanilang mga alak, at ang mas ikinagulat pa niya ay iyong mga gumagawa ng kababalaghan na walang kahit na anong bahid ng kahihiyan na nararamdaman kahit hubo't hu

    Huling Na-update : 2023-04-07

Pinakabagong kabanata

  • Wrath of the Mafia Boss   KABANATA 1: Ambush

    NAKAPUWESTO na ang lahat sa kani-kanilang mga area kung saan sila itinalaga. Magkatabi ang dalagang si Louise at ng kasintahan nitong si Blake. Pareho silang nakadapa sa damuhan na seryosong inaayos ang kanilang mga hawak-hawak na baril.Nang magkatagpo ang kanilang mga mata ay pareho na lamang silang napangiti. Halata sa kanilang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Hinawakan ng binata ang kamay ng kaniyang nobya at marahang hinaplos iyon."Magkasama nating tatapusin ang laban na 'to at pareho tayong uuwi nang may ngiting tagumpay sa mga labi natin. Kailangan mong tumupad sa pangakong iyon, mahal," wika nito sa kasintahan.Tumango ito sa kaniya. Hinaplos niya rin siya pabalik bago tumugon. "Nangangako ako sa 'yo, Blake. Ilang araw na lang ay magaganap na ang kasal natin. Ngayon pa ba tayo matatakot? Marami na rin tayong labang pinagsamahan kaya magtiwala ka sa kakayahan ng grupo. Mananalo tayo rito kahit na ano pa man ang mangyari." Kung makapagsalita ang dalaga ay parang na

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status