"DADDY! I made it! 'Yong ipinagkatiwala sa akin ni Major Cessar na malaking project, napagtagumpayan namin ng mga naka-aasigned sa akin! Pinuri lahat nila ako nang ilang ulit!" Pagkatapos ng nakapapagod na araw ni Aurelia sa trabaho ay agad siyang nagtungo sa kanilang mansiyon upang maligayang ibalita iyon sa kaniyang pamilya. Nauna lamang niyang inanunsiyo sa ama nito na nadatnan niyang abala sa kung ano man ang ginagawa nito sa laptop niya.
Tinanggal nito ang reading eyeglasses niya na suot sa mata bago ngitian nang malawak ang kaniyang anak. "Good job, Aurelia. You really did it! Keep it up, anak," puri nito sa dalaga na mas lalong napatalon-talon sa tuwa. Iyon kasi ang unang pinamunuhan niya na malaking misyon kumpara noon na madadali lang ang ipinapagawa sa kaniya.Nagmadali rin siyang nagpunta sa ina nito pati na rin sa kapatid niyang lalaki na abala sa pag-eensayo ng baril sa tagong practice room nila. Kagaya ng reaksyon ng kaniyang ama ay gano'n din ang natanggap niya sa ina at kuya niya.Dahil na rin doon ay napagpasyahan ng kaniyang pamilya na magdiwang ng salo-salo para sa archivements ni Aurelia. Abala na ngayon ang mga katulong nila sa bahay maging ang ina nito sa paghahanda ng lahat. Medyo malaki ang salo-salong iyon dahil halos lahat ng taong kakilala nila ay kanilang inimbitahan.Mahigpit na niyakap ni Aurelia ang kapatid nitong si Jaxon matapos ibuhos ang galit niya sa pagbabaril. Tuwing wala kasi ito sa mood ay lagi siyang nakatambay roon. Niyakap niya rin pabalik ang kapatid niyang babae ngunit dumistansiya rin pagkatapos dahil pinagpapawisan pa raw ito."Ano ka ba, mabango ka pa rin naman, Kuya Jax! Ako nga itong kailangan na yata ng ligo," nakanguso nitong turan sa kapatid na natawa na lamang sa kaniya."How about we'll take a bath together in a separate room?" Kinuha nito ang towel na ipinunas sa basa niyang katawan.Ngumiti ang dalaga sa kaniya. "Fine. Anyway, thank you pala sa inyo ni Daddy. Kung hindi ninyo ako sinanay noon sa paghawak ng baril at mga diskarte ay tiyak na wala ako ngayon sa kinaroroonan ko," sinsero nitong pasasalamat.Nasa bukana na ng pinto si Jax nang seryoso itong mapabaling ng tingin kay Aurelia. "No, don't thank us. It was all because of your hardwork. Learn also to give credit to yourself, you dummy." Napanguso na lamang ang dalaga dahil sa tinawag na naman siya nang gano'n ng kaniyang kuya pero sa kabila niyon ay hindi niya maiwasang mapangiti. Nagpapasalamat siya na mayroon itong napakabait na pamilya.Bago ito pumasok sa comfort room ay inimbitahan niya muna ang mga kasamahan niyang pulis upang makisalo sa kanilang handaan. Napasimangot na lamang siya nang isinagot nilang lahat na baka raw hindi sila makakadalo sapagkat may mga pinagkakaabalahan pa raw ang mga ito.Wala naman siyang ibang magagawa pa kun'di ang pumasok na lamang sa banyo upang makaligo na at ng matangkilik na rin niya ang mga nagsisidatingan nang bisita.Nang siya ay makababa na ay nagulat pa ito dahil marami na nga talagang tao ang naroon. Ilang minuto lang yata nang siya ay mawala. Hindi na rin ito magtataka pa kung bakit dahil kakapanalo lang noong nakaraang buwan ng kaniyang kapatid sa posisyong Congressman habang ang ama naman nito ay sa posisyong Governor na matagal na rin sa serbisyo't marami na ring naibahaging magaganda sa mga lugar na kaniyang nasasakupan.Ngunit simula rin noon ay nagkandasunod-sunod ang mga pagbabanta sa kanilang pamilya.Bata pa lamang si Aurelia nang malaklak sa politika ang kaniyang ama kaya simula noon ay pareho siyang tinuruan ng kapatid nito't ama sa pakikipaglaban kung sakali man na siya ay madamay. Iyon ang dahilan din ng dalaga kung bakit siya pumasok sa pagiging pulis ay upang maprotektahan sa kapahamakan ang kaniyang buong pamilya. Kaya sa bawat araw na nagdaraan ay talagang pinagbubutihan nito ang trabaho niya.No'ng magsimula na ang pagdiriwang ay payapa lamang na ine-enjoy ng dalaga ang kaniyang pagkain nang bigla na lamang nagkagulo ang mga panauhin nila. Nagtipon-tipon sila sa may bandang garden kung nasaan kanina nag-iinuman ang kaniyang ama't mga kumpare nito.Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata kasabay ng pagdagundong ng kaniyang dibdib dahil sa kaba. Hindi na lamang niya naiwasang maluha nang makita sa sahig ang kaniyang ama na duguan sa bandang sikmura nito. Naroon pa ang punyal na ginamit sa pagpaslang dito."Kuya Jax! Dalhin niyo siya sa hospital. Hahabulin ko lang iyong hangal na gumawa nito kay Daddy!" Nanginginig siya sa galit at bigla ay parang hindi siya magkakaroon ng awang paslangin ang siyang gumawa niyon.Pinagtulong-tulungan nilang buhatin ang Governor upang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan habang si Aurelia naman ay pokus na pokus sa pagmamanman sa kaniyang paligid. Malakas ang kutob nito na hindi pa nakalalayo ang salarin.Tama nga siya nang makita niya mula sa hindi kalayuan ang isang lalaking kahina-hinala ang mga galawan dahil patingin-tingin ito sa kaniyang paligid. Walang dalang baril ang dalaga kung kaya't nagmadali siyang dumampot ng kutsilyo sa kanilang kusina bago takbuhin ang distansiya nila ng lalaking iyon.Agad nitong pinatumba sa damuhan ang lalaki habang siya ay nakapatong dito na nakatutok na ngayon sa leeg nito ang patalim na hawak niya. Nang masilayan ang mukha nito ay hindi niya maiwasang magulat."James?!" Sunod-sunod ang paghinga nito nang malalim dahil hindi niya lubos akalaing iyon ang nakababatang kaibigan niya na kailan lang noong nagtapat ito sa kaniya ng kaniyang pag-ibig ngunit ni-reject ng dalaga dahil kaibigan lang ang tingin nito sa kaniya.Napailing nang ilang ulit ang binata. Kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pangamba't takot. "H-hindi, Aurelia. Maniwala ka, hindi ako ang gumawa niyon sa ama mo!" tanggi nito na hindi alam ng dalaga kung maniniwala ba siya o hindi."Sa presinto ka na magpaliwanag." Mas malamig pa kaysa sa yelo ang boses ng dalaga nang sabihin niya iyon. Walang halaga sa kaniya ang salitang pagkakaibiganan kung dawit na ang pangalan ng kaniyang pamilya."ANO ANG pangalan mo't naparito ka sa tagong kuta namin?" tanong ni Ezekiel sa estrangherong lalaki na bigla-bigla na lamang sumulpot habang abala ang bawat isa sa kanilang pag-eensayo.Sariwa pa sa kanilang lahat ang kanilang sinapit noong nakaraang buwan na kung saan ay pumanaw ang kani-kanilang mga mahal sa buhay. Ibang-iba na ngayon ang mukha ni Blake kumpara noong nariyan pa't nabubuhay sa kaniyang tabi ang kasintahan nitong si Louise.Kung dati ay pala-ngiti siya na parang wala ng bukas, ngayon ay hindi na kailanman sumisilay ang matatamis niyang mga ngiti. Humaba na rin nang kaunti ang bigote nito maging ng kaniyang buhok. Pansin din ang pagbagsak ng timbang niya sa katawan dahil paanong hindi iyon mangyayari kung palaging wala siyang ganang kumain. Bukod doon ay walang kahit na anong mapagmamasdan sa kaniyang emosyon maliban sa galit. Galit sa mga pulis at sa babaeng pumaslang kay Louise."James Santiago ang pangalan ko. Narito ako ngayon sa inyong harapan upang makipag-isa sa inyong grupo," taas-noo nitong sagot na para bang wala siya ngayon sa kapahamakan gayong ang mga taong kaharap niya ay walang pusong pumapatay ng mga tao, mapa-inosente man o hindi. Kasalukuyang nakatutok sa kaniya ang maraming mga baril ngunit parang hindi man lang din ito kinakabahan o natakot ni katiting.Napangisi nang may galit ang lider nilang ni Ezekiel sa lapastangang lalaking iyon. "At ano naman sa tingin mo ang mapapakinabangan namin sa isang katulad mo?" tanong nito bago niya pinagmasdan mula ulo hanggang paa si James na para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao nito."Huwag ninyo akong minamaliit nang gan'yan. Marami akong dalang impormasyon tungkol sa mga pulis na tumugis noon sa grupo ninyo na tiyak na makakatulong sa inyo, kung hindi ako nagkakamali?" Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang makita nito kung gaano kagulat ang mga kaharap niya.Pagkarinig pa lamang ng salitang pulis ni Blake ay agad na itong tumayo mula sa pagkakaupo niya upang lapitan ang lalaki. Galit na kinuwelyuhan niya ito habang nakatingin gamit ang nanliliksik niyang mga mata."Ano'ng kaugnayan mo sa mga pulis? At bakit mo nais na traydurin sila?" walang emosyong katanungan nito kay James.Humikab ang lalaki na tila ba nabuburyo sa usapan nila. "Nakababatang kaibigan ko lang naman si Aurelia Raine Aragon, ang babaeng namuno noon na nagplano kung paano kayo isa-isang tugisin. Nakakuha siya ng order mula sa itaas kaya wala siyang kasalanan sa nangyari pero alam niyo bang nagdiwang pa sila sa bahay nila noong nakaraang buwan dahil sa pagkapanalo sa laban habang kayo ay nagluluksa sa pagkamatay ng mga minamahal ninyo?" Napakuyom ang kamao ni Blake habang ang mga kasamahan naman niya ay nagliliyab na ngayon sa galit. "Traydurin? Hindi ko kailanman inisip na magagawa ko silang talikuran sa kabila ng mga nagawa nilang magaganda sa akin pero ginagawa ko ito ngayon upang maghiganti sa kanila, sa pamilya ni Aurelia." Makikita sa mga mata nito't mararamdaman din sa tinig niya ang galit habang nagsasalaysay.Ngunit kahit na gano'n pa man ay hindi pa rin basta-bastang nagtiwala si Blake. Napatingin siya kay Ezekiel na parang humihingi ito ng permisyon na suriin si James. Tipid na napatango sa kaniya ang kanilang lider dahilan upang magtanong muli ang binata."Ano ba ang pangunahing rason mo kung bakit ka naghihiganti sa kanila?" Napatingin sa asul na kalangitan si James na tila ba iyon ang paraan niya sa pagpigil nito sa mga namumuong luha na pilit kumakawala sa kaniyang mga mata.Bumuntonghininga na muna siya nang malalim na para bang doon siya humuhugot ng lakas upang makasagot sa kanilang mga katanungan. "Noong nakaraang buwan lang din ito nangyari. Habang nagdiriwang silang lahat ay nasaksihan ko kung paano sinaksak sa sikmura ang ama niya habang nakikipagtawanan kaya ayon at nataranta ako dahil kilala ko kung sino ang taong iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga panahong 'yon kaya lumayo ako pero nagulat na lamang nang bigla akong daganan ni Aurelia. Ako raw ang gumawa niyon sa ama niya kaya dinala niya ako sa presinto. Nagpaliwanag ako at paulit-ulit na sinabing hindi ako ang salarin. Tinortured nila ako sa loob ng kulungan hanggang sa makakuha ako ng tamang tiyempo para makatakas. Tutal ay mainit ako sa mga mata ng parak dahil nasa politiko ang ama niya ay naisipan kong sumanib na lang sa grupo ninyo bilang paghihiganti ko. Hindi lang iyon ang rason, mayroon pang mas malalim na dahilan ngunit patawad, hindi ko iyon masasabi sa ngayon dahil masakit pa rin. Hindi naman siguro 'yon kailangan dahil wala naman kayong mapapala," mahaba-haba nitong salaysay."Paano mo nalaman itong taguang lugar namin?" tanong ni Ezekiel nang natahimik ang lahat maging si Blake.Bago pa man ito makasagot ay may biglang nagsalita mula sa kanilang likuran. Lumitaw roon si Irene na kabilang sa kanilang pangkat. Sabay-sabay na napalingon silang lahat sa kaniya."Kapatid ko po siya, boss. Nagkahiwalay kami noong mga bata pa lamang kami. Mahaba pong kuwento kung bakit pero sinabi ko sa kaniya ang pinagtataguan natin kung sakaling magbago ang isip niya tungkol sa pangungumbinsi ko sa kaniya lagi na sumanib sa grupo natin. Pangako po, boss, mapagkakatiwalaan po 'yan at may maiaambag sa pangkat," turan nito.Sandali munang nag-isip nang malalim ang kanilang lider bago ito nagpasiyang tanggapin ang bagong miyembro nila sa grupo. Ngunit magkasalubong ang kilay ni Blake nang siya ay muling magsalita matapos itong matahimik nang ilang minuto."Kung gano'n ay sabihin mo sa amin ngayon din ang lahat-lahat ng mga nalalaman mo tungkol sa kanila." Tukoy nito sa mga parak. Isinalaysay naman nito kaagad simula noong una mapahanggang sa huli ang lahat. Wala itong nilampasan na impormasyon na hindi naitatala sa kanila.Nang magkaroon na ang grupong iyon ng ideya kung paano nila maipaghihiganti ang kanilang mga kasamahang pumanaw ay mas pinagbutihan pa nila ang pag-eensayo para maisagawa ang kanilang plano nang tagumpay at hindi na muli pang mabibigo sa kahit na sino pa man ang kanilang makakabangga sa kasalukuyan."SIGURADO po ba talaga kayong isasama namin 'yang si Xavier sa new mission, General?" Muling napatango ang boss nila nang magtanong ulit sa kaniya si Aurelia. Agad na makikita sa mukha nito ang labis na pagtutol. "General, alam niyo naman siguro kung gaano kalampa 'yon? Maski maliliit na bagay ay palagi siyang palpak!" Hindi niya mapigilang mapahilot sa kaniyang sentido habang inaalala lahat ng mga walang ambag na ginawa ni Xavier, ang bagong pulis na nadestino sa kanilang distrito.Sa kamalas-malasan pa ay kay Aurelia siya naitalaga upang ito ay maturuan. Kada nakikita niya ang binatang iyon ay kumukulo ang kaniyang dugo dahil pagod na siya sa kakaturo tapos parang wala man lang natutunan ni katiting ito."Kaya nga isasama ninyo siya sa pakikipaglabanan nang matuto pa. Hindi naman siya makikigyera, magmamasid lamang siya sa mga galawan ninyo at malay natin kung balang araw ay gumaling na 'yan," paliwanag ni General Fernandez sa dalaga.Napilitang napatango siya dahil kung iisipin ay
KINAUMAGAHAN ay nagising si Aurelia nang may naramdaman siyang pagtapik ng kung sino man sa kaniyang pisngi. Hindi na muna ito nagmulat ng kaniyang mga mata. Natatatakot siya na baka totoo ang mga huling naalala nito bago siya mawalan ng malay.Sa mga oras na iyon ay hinihiling niyang bangungot lang ang nangyari't mahimbing lamang siyang natutulog sa kaniyang kuwarto pagkagising niya. Ngunit nang maglakas-loob siyang magmulat ay hindi pamilyar na lugar ang siyang bumungad sa kaniyang paningin dahilan upang ang kapiranggot na natitirang pag-asa sa loob niya ay biglang naglaho."Aurelia, makinig ka sa 'kin." Naagaw ang kaniyang atensiyon nang marinig ang boses na iyon na ayaw niya muna sanang marinig pansamantala. Kahit hindi niya man gustuhin ay hinarap niya ang kaniyang nakatatandang kapatid na kasalukuyan siyang pinagmamasdan nito na tila ba siya ay natatakot sa ano mang magiging reaksyon ng dalaga.Nagkatinginan silang dalawa. Gustong magsalita ni Aurelia, marami siyang nais na itan
"ANO?! Dalawa lang ang natira sa halos batalyong pulis na kasamahan mo, Major Aragon?!" pagalit na katanungan ni General Fernandez sa dalagang si Aurelia na kasalukuyang tinatanggap ang mga sermon niya mula pa kanina. Natapango ito bilang pagtugon. "Opo, General. Lahat po ay patay na nang sinuri namin muli ang lugar," dagdag salaysay niya pa upang maireport ang lahat ng nangyari."Kahapon pa naganap ang pagsugod ninyo roon, hindi ba? Bakit ngayong kinaumagahan lang din kayo nagtungo rito kung gano'n?" kuwestiyon pa nito.Malalim na lamang na napabuntong-hininga si Aurelia. Buong buhay niya ay ngayon lamang siya napagalitan, lahat noon ay perpekto, ngayon lamang ito nagkapalpak sa trabaho. "Nadakip po kami ng mga kalaban, General. Nakatakas lang po kami noong tulog pa ang mga sindikatong iyon. Sabay po kaming tumakas ng mga kasama ko. Pagkatapos po niyon ay nagpunta kami sa lugar upang tingnan kung may nakaligtas pong mga pulis pero sa kasamaang palad ay binawian na po silang lahat ng
HINDI NA kinailangan pa ni Aurelia na ipakita ang ID card nito sa guard nang sila'y makarating na sa tagong bar. Kilala na kasi ito sa lugar na iyon ngunit hindi maitatago ang kuryosidad sa mukha ng guard dahil ang kasama ng dalaga ay hindi ang mga dati nitong kainuman, idagdag pa na bagong mukha lamang si Xavier sa paningin nito. Paano nga ba naman sasama ang mga dating kainuman ni Aurelia kung wala na silang buhay ngayon dahil sa ginawa ng grupo ng kaniyang kapatid. Sa huli ay pinagpatuloy na lamang ng bantay ang trabaho nito nang may magsidatingan nang mga iba pa.Bumungad sa kanilang pandinig ang naglalakasang tugtog ng musika. Inilibot ni Xavier ang kaniyang paningin sa paligid nito. May mga eksaheradong nagsasayawan, may mga mangilan-ilan namang umiiyak dahil siguro sa pagiging sawi nila, may mga lumalaklak din sa kani-kanilang mga alak, at ang mas ikinagulat pa niya ay iyong mga gumagawa ng kababalaghan na walang kahit na anong bahid ng kahihiyan na nararamdaman kahit hubo't hu
NAKAPUWESTO na ang lahat sa kani-kanilang mga area kung saan sila itinalaga. Magkatabi ang dalagang si Louise at ng kasintahan nitong si Blake. Pareho silang nakadapa sa damuhan na seryosong inaayos ang kanilang mga hawak-hawak na baril.Nang magkatagpo ang kanilang mga mata ay pareho na lamang silang napangiti. Halata sa kanilang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Hinawakan ng binata ang kamay ng kaniyang nobya at marahang hinaplos iyon."Magkasama nating tatapusin ang laban na 'to at pareho tayong uuwi nang may ngiting tagumpay sa mga labi natin. Kailangan mong tumupad sa pangakong iyon, mahal," wika nito sa kasintahan.Tumango ito sa kaniya. Hinaplos niya rin siya pabalik bago tumugon. "Nangangako ako sa 'yo, Blake. Ilang araw na lang ay magaganap na ang kasal natin. Ngayon pa ba tayo matatakot? Marami na rin tayong labang pinagsamahan kaya magtiwala ka sa kakayahan ng grupo. Mananalo tayo rito kahit na ano pa man ang mangyari." Kung makapagsalita ang dalaga ay parang na