“MGA WALANGHIYA kayo! Mga manloloko! Ginawa niyo pa talagang motel itong opisina ko!” sigaw ni Saskia, sa kabila ng galit at panggigigil.
Pagbukas niya ng pinto ng opisina, nabungaran niya ang kanyang nobyong si Gerald, kasalukuyang Chief Financial Officer ng MS Wine Haven, na siyang pag-aari ng kanilang pamilya, at si Vivian, ang kanyang pinsang buo at sekretarya, na nagtatalik.
Dahil sa pagkagulat sa kanyang presensiya, agad-agad na nag-ayos ng kani-kanilang sarili ang dalawa.
“Gerald, isang buwan na lang ay ikakasal na tayo. Pero ano ‘tong ginagawa mo?!” mariing sambit niya, pilit pinipigilan ang sariling huwag maiyak. “At ikaw naman, Vivian, baling niya sa pinsan. “Paano mo nagawa sa ‘kin ito? Lahat ng ganap namin sa buhay, lahat sinasabi ko sa ‘yo! Kaya bakit? Bakit si Gerald pa?” nanggagalaiti niyang tanong sa pinsan.
Gustuhin man niyang manakit, hindi niya magawa dahil hindi siya bayolenteng tao.
“Ba-Babe, magpapali—”
Hindi na niya pinapatapos ang pagsasalita ng kanyang nobyo.
“Ito ang tatandaan mo, Gerald, wala nang kasalang magaganap! At ikaw Vivian,” dinuro niya pa ito. “Itinatakwil na kita bilang kadugo at kamag-anak! Wala kayong kasing sama! Mga taksiiil!” Halos maputol ang litid niya sa leeg sa lakas ng kanyang pagsigaw. Umaalingawngaw sa apat na sulok ng kanyang opisina ang malakas niyang boses.
Mabuti na lang at sila pa lang ang naroroon, dahil alas-siete pa lang ng umaga. Hindi talaga inaasahan ng dalawa na papasok siya sa kompanya, dahil madaling araw kanina ay tinawagan niya si Gerald at sinabing hindi siya makakapasok dahil sa masamang pakiramdam.
Pero dahil siya ang CEO ng kompanya, at the same time, COO, napilitan siyang pumasok kahit na masama ang pakiramdam, dahil malaki ang responsibilidad niya sa kompanya. At mahalaga ang presensiya niya araw-araw.
Pagkatapos niyang sumigaw, walang lingon-likod na iniwan niya ang dalawa. Akala pa naman niya ay masusurpresa si Gerald sa pagpasok niya, ngunit siya pala ang masusurpresa sa madadatnang eksena.
Dahil sa nangyari, umuwi siya sa kanilang bahay upang magsumbong sa mga magulang. Pagkababa niya ng minamanehong sasakyan, patakbo siyang pumasok sa bahay. Pagpasok niya sa pintuan, nakita agad niya ang inang prenteng nakaupo sa sofa, habang nagbabasa ng magazine.
“Mom!” tawag niya rito.
“O, bakit narito ka?” tanong nito nang hindi man lang inaalis ang mga mata sa binabasang magazine.
“Mom, si Gerald at saka si Vivian, nahuli ko silang nagtatalik sa loob mismo ng opisina ko!” sumbong niya sa ina habang umiiyak. Doon pa lang nito ibinaba ang binabasa at tumingin sa kanyang direksyon.
“Pinagsasabi mo riyan, Kia! Huwag na huwag mong ibibintang iyan sa nobyo at sa pinsan mo! Dahil kung hindi dahil sa tulong nila, hindi gagaan ang trabaho mo sa kompanya! Mahiya ka naman!” galit na tugon ng kanyang ina.
Eksaktong lumabas mula sa pintuan ng kusina ang kanyang amang may bitbit na isang tasa ng kape.
“Ano ba ang pinagtatalunan ninyo at ang lalakas ng mga boses ninyo? At ikaw, Kia, bakit naririto ka? Hindi ba dapat nasa kompanya ka sa ganitong oras? Alalahanin mo, bawat minuto, oras, at segundo ay mahalaga para sa kompanya. Kaya anong ginagawa mo rito?” sambit ng strikto niyang ama.
“Iyang magaling mong anak, umuwi lang rito para maghatid ng walang kakwenta-kwentang balita! Pagbintangan ba namang nagtatalik sina Gerald at Vivian sa kanyang opisina? Sa tingin mo, hindi mapapalakas ang boses ko riyan?!" sabat ng kanyang ina.
“Ano ba naman iyan, Kia? Kung sino pa iyong may malaking ambag at naitutulong sa paglago ng ating kompanya, sila pa ang ginagawan mo ng isyu. At saka, hindi ka ba nahihiya? Nagkakalat ka ng maling balita tungkol sa nobyo mo, gayong ikakasal na kayo sa susunod na buwan?” sambit ng kanyang ama.
“But, Dad, I swear, nakita ko at nasaksihan ko ang ginawa nilang pagtataksil sa—”
“Enough, Kia! Alam kong hindi lingid sa ‘yong kaalaman ang paghanga ko sa dalawa, kaya gusto mo silang sirain sa paningin namin ng mommy mo. Ayaw ko nang makarinig pa ng kung anu-ano pang kasinungalingan mula sa ‘yo!” may kalakasang sambit ng kanyang ama.
Kapag ganoon na ang tono ng kanyang ama, alam niyang galit na ito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa kanyang kwarto. Doon niya ipinagpatuloy ang walang katapusang pagluha dulot ng sobrang sakit na nararamdaman ng kanyang puso, dagdagan pa ng hindi siya pinaniwalaan ng kanyang mommy at daddy. Pakiramdam niya‘y nag-iisa siya at walang kakampi.
Maghapon siyang nagmukmok sa loob ng kanyang kwarto. Kahit pa kinakatok siya ng kanyang mommy at daddy upang piliting pumasok sa kompanya, hindi siya nagpatinag. Kinagabihan, habang tulog na ang lahat, nag-impake siya ng ilang damit. Balak niyang lumayo muna upang makapag-isip-isip at pansamantalang makalimutan ang ginawang pagtataksil ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya.
Dinala siya ng kanyang sarili sa isang private resort sa isang malayong probinsiya. Hanggang doon, ay wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.
***
“WESTON, nasaan ka ba? Kanina pa rito naghihintay sa ‘yo si Katrina! Hanggang kailan mo ba siya paaasahin at paghihintayin na pakasalan mo?” tinig iyon ng kanyang ina sa kabilang linya.
“Hanggang sa magsawa siya at kusang layuan ako. Alam niyo naman na wala akong gusto ni katiting sa babaeng iyan, pero ipinagpipilitan niyo pa rin ang gusto niyo. Kahit anong gawin niyo, at kahit anong mangyari, hinding-hindi ko magugustuhan iyan,” seryosong tugon niya sa ina.
“Aba‘t—”
Hindi na niya hinintay pang marinig ang iba pang sasabihin ng ina, kusa niyang pinutol ang tawag. Kabastusan man, pero naririndi na kasi siya sa paulit-ulit na pngungulit nito sa araw-araw.
Hanggang dito ba naman sa resort na gusto niyang mag-unwind, iniistorbo pa rin siya dahil sa bagay na iyon?
Tumayo siya mula sa kinauupuang bangko nang may marinig siyang parang umiiyak. Sinilip niya ang katabing cottage na kinaroroonan niya. Isang babae ang mag-isang nakaupo at umiiyak. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa ilaw, nakilala niya ang babae, hudyat para lapitan ito.
“Anong ginagawa mong mag-isa rito sa ganitong kalagayan, Ms. Santos?”
Iniangat ng babae ang mukha at tumingin sa kanya na nakakunot-noo, marahil nagtataka kung bakit kilala niya ito. Kahit kailan, hindi man lang nabura sa kanyang isipan ang maganda at maamo nitong mukha. Nagdadalaga pa lang ito noong una niyang makita, na alam niyang may espesyal na puwang sa kanyang puso. At masaya siya na muli itong nakita.
“Pasensiya na po, pero hindi ko po kayo kilala. Hindi ko po matandaan kung nagkita na ba tayo dati,” tugon nito habang panaka-nakang nagpupunas ng luha.
Umupo siya sa tabi nito. Pwede ka namang mag-share sa ‘kin ng problema mo kung gusto mo. Ako ma‘y naririto rin dahil may problema rin ako,” sambit niya.
Gulat itong napatingin sa kanya. Sa una‘y nakita niya ang pag-aalangan sa ekspresyon nito, pero sa huli, mas pinili nitong sabihin sa kanya ang kasalukuyang pinagdaraanan.
Nakasilip tuloy siya ng pagkakataon para maangkin ito. At isa pa, makakalaya na siya sa babaeng gustong ipakasal sa kanya ng mga magulang.
“Magpakasal tayo, Saskia,” walang gatol na sambit niya sa babaeng labis-labis ang pagkagulat na nakalarawan sa mukha. Hindi niya alam kung gulat dahil sa alok niyang kasal o gulat dahil sa pagbigkas niya ng buong pangalan nito.
GULAT NA GULAT si Saskia sa sinabi sa kanya ng estrangherong lalaki. Hindi tuloy niya maiwasang titigan ito nang maigi habang nakakunot ang kanyang noo. Kanina pa man din siya nagtataka kung paano siya nakilala ng lalaki, kaya naguguluhan siya at pilit na inaalala kung nagkita na ba sila noon.Ngunit habang tumatagal ang pagkakatitig niya rito, para siyang nawawala sa kanyang sarili, na para bang nahihipnotismo. Napakagwapo pala nito at parang wala man lang kapintasan sa hitsura. Perkpektong-perpekto sa kanyang paningin ang pagkakahulma sa bawat bahagi ng pigura nito na para bang inukit ng isang magaling na manlililok.Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang malaki at maskulado nitong katawan na hindi kayang itago ng suot nitong makapal na jacket. Pakiramdam niya’y nakita na niya ito dahil naging pamilyar sa kanya ang mukha nito matapos niya itong titigan.Nagbalik lang siya sa reyalidad nang tumikhim ito.“Hmmm, may problema ba sa mukha ko at ganoon ka na lang makatitig sa ‘kin?
NAIINIS si Saskia sa kanyang sarili dahil hindi niya mapigilang nerbyusin at mautal kapag nasa harapan siya ng binata. Nahihinuha naman niya na posibleng gumawa ito ng kontrata, ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na magulat.Todo ensayo pa siya bago umalis kung paano aaktong normal kapag magkaharap na sila, pero ang lintik niyang puso ay ayaw makisama. Medyo may kakapalan ang kontratang binabasa niya at napakarami ring nakasulat, kaya nilaktawan na lang niya ang iba at binuklat ang pahina nito sa pinakadulong bahagi, at pinirmahan.Napaigtad pa siya nang biglang magsalita ang binata.“Delikado ang basta na lang nagpipirma ng hindi binabasa lahat ng nakasaad,” sambit nito sa seryosong tinig.“Isa lang din naman ang patutunguhan natin, ang magpakasal. Wala ka naman sigurong inilagay dito na ikapapahamak ko, ‘di ba?” pilit niyang pinapakalma ang sarili para hindi siya pumiyok.Tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata. “Wala akong ibang gusto kundi ang maging akin ka, Saskia
“KIA, pwede ka namang magpahinga kung napapagod ka sa trabaho, hindi iyong kung anu-ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo para gawing excuse. Una, sinisiraan mo sina Gerald at Vivian na may lihim na relasyon. At ngayon naman, sinasabi mo na kasal ka na. Kia, nasa normal ka pa bang pag-iisip?” sambit ng kanyang ina.“Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na ipasa mo na kay Vivian ang pagiging COO ng kompanya, dahil mabigat na responsibilidad talaga ang pagiging CEO at COO. Ang tigas kasi ng ulo mo, eh! Kayang-kaya naman iyan ni Vivian! Hindi ko nga alam kung bakit parang wala kang tiwala sa pinsan mo,” sabat ng kanyang ama.“Dad, Mom, wala ito sa kung napapagod ako. Totoo ang sinasabi ko, kasal na ako,” sagot niya sa mga ito.“Kung gano’n, kaninong pipitsuging lalaki ka naman nagpakasal, ha? Nagpakasal ka ng wala man lang basbas at pahintulot namin? Wala kang respeto!” sigaw ng kanyang ina.“Dahil sa ginawa mong ‘yan, Kia, pinatunayan mo lang sa ‘min na isa kang suwail na anak! Kaya siguro
KATULAD ng unang gabing umalis siya, ganoon din ang binabalak na gawin ngayon ni Saskia. Wala rin naman siyang mapapala kung titira pa siya sa bahay kasama ng mga magulang, gayong kahit hindi man sabihin ng mga ito na itinatakwil na siya, sa mga ipinapakita at ipinaparamdam ng mga ito sa kanya, parang ganoon na nga.Sabayan pa ng hindi niya kayang makita at makasama sa iisang bubong ang traydor at mang-aagaw niyang pinsan. Bata pa lang siya, doon na rin ito sa kanila nakatira.Habang tulog na ang lahat, muli siyang umalis sakay ng kanyang kotse. Nagulat siya nang biglang may humarang na itim na sasakyan sa harapan niya at lumabas mula roon ang dalawang lalaking parehong nakaitim.Napahinga siya nang maluwag nang makilalang mga bodyguard ni Weston ang mga ito. Lumapit ang dalawa sa sasakyan niya at kinatok ang pintuan nito.“Ma’am, saan po ba ang punta ninyo? Gabing-gabi na po,” tanong ng isa.Ibinaba niya ang salamin ng sasakyan upang sagutin ito.“Ahm, hindi ko nga alam, eh. Nakalimu
HALOS hindi magawang lunukin ni Saskia ang pagkaing nasa kanyang bibig dahil sa sinabi ni Weston. Hindi pa nga siya nakakabawi mula sa nangyari sa pagitan nila ng kanyang pamilya, heto’t mukhang ang pamilya naman nito ang kailangan niyang harapin.Pero nakakahiya naman sa kanyang asawa kung hindi niya ito pagbibigyan, lalo na’t nasa poder siya nito.“Si-sige, walang problema,” sambit niya at sinabayan iyon ng isang pilit na ngiti.“Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayan,” pampalubag-loob ni Weston.“Kailan ba tayo pupunta roon?” tanong niya.“Pwede na siguro bukas, kasi nakita ka na ni Katrina. Alam kong magsusumbong na ‘yon kina mommy at daddy na may kasama akong babae rito sa bahay.”“Sige,” pagsang-ayon na lang niya.Pagkatapos nilang kumain, siya na ang kusang naghugas ng mga pinagkainan nila. Gusto pa sana siyang tulungan ng asawa, ngunit mariin niya itong tinanggihan. Pagkatapos maghugas, pumunta muna siya sa living room para hintayin na lumabas si Weston dahil nakita niya i
DAHIL SA KURYUSIDAD, ay unti-unting nilingon ni Saskia ang lalaking nagsalita mula sa kanilang likuran. Ganoon na lamang ang pagkabiglang rumehistro sa magandang mukha niya nang mapagsino ang lalaki.“Ge-Gerald?!” gulat na sambit niya sa pangalan nito.“Ba-Babe?” gulat na sagot din nito sa kanya.Nakakunot-noo naman at nakarehistro rin ang pagkalito sa mukha ng mga taong nasa paligid nila, lalong-lalo na si Weston.“Magkakilala kayo?” kunot-noong tanong ni Weston sa kanila, nagpalipat-lipat din ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Gerald.Sa halip na sagutin ni Gerald ang tanong ni Weston, ay iba ang isinagot nito.“Tito Weston, bakit kasama mo siya? Kailan pa kayo nagkakilala? At, kaano-ano mo siya?” sunud-sunod na katanungan ni Gerald.Samantalang siya naman ay sobra na ring naguguluhan. Bakit narito si Gerald? At bakit tito ang tawag nito kay Weston? Hindi kaya…“Magkamag-anak kayo?” naguguluhang tanong niya kay Weston at Gerald.“Yes, Baby. Pamangkin ko siya, anak siya ni ate Gla
HINDI INAKALA ni Weston na mauuwi sa matinding pagtatalo ng buo niyang pamilya ang pagdala niya kay Saskia sa mansyon. Nahihinuha niyang maaaring hindi sumang-ayon ang pamilya niya sa biglaang pagkakaroon niya ng asawa, pero ang naganap na pagtatalo sa pagitan nilang pamilya ang hindi niya inaasahan.Halos hindi niya magawang lingunin ang katabi niyang dalaga na kanina pa humahagulgol sa pag-iyak. Siguro ay dahil sa labis na tensyon. Kahit siya ay hindi makapaniwala na ito pala ang limang taon nang kasintahan ng paborito at close na close niyang pamangkin na si Gerald.Oo, close na close sila at paborito niya rin ito dahil ito lang naman ang nag-iisa niyang pamangkin. Sampung taong gulang lang ang agwat niya rito dahil maagang nabuntis ang ate niya. Nakita niya ang sakit na nakalarawan sa mga mata ni Gerald nang ipakilala niya bilang asawa si Saskia. Kaya magulo rin ang kanyang isipan dahil sa mga nalaman.Naigarahe na lang niya ang kanyang sasakyan sa bakuran ng kanyang bahay, ay hin
TUWANG-TUWA si Vivian dahil sa wakas, ay tuluyan na niyang nasira ang kanyang pinsang si Saskia sa pamilya nito at maging sa nobyo nitong si Gerald. Bata pa lang siya ay inggit na inggit na siya rito, lalo na ‘t sampid lang siya sa pamilya Santos.Halos magkasing edad lang sila ni Saskia. Anim na taong gulang pa lang siya nang iwanan siya ng kanyang ina na kapatid ng tito Juancho niya sa poder ng mga ito. Pagkatapos noon, ay wala na siyang naging balita sa kanyang ina. Hindi na siya binalikan pa o kahit na ang magpakita man lang.Hindi rin niya kilala kung sino ang ama niya. Kaya lumaki siyang ang tita Sania niya na ina ni Saskia at ang tito Juancho niya na ama nito ang kinilala niyang legal guardians. Lahat ng mayroon si Saskia, ay mayroon din siya. Iisa lang din ang mga paaralang pinasukan nila simula elementary hanggang highschool. Medyo napariwara lang siya pagtuntong ng college kaya hindi siya nakapagtapos. Hanggang third year lang ang inabot niya kaya ang siste, naging secretary
“TALAGANG masasaktan ko siya, Gerald! Dahil inagaw niya sa ‘kin ang tito mo! Kahit naman siguro ikaw, ay masasaktan mo rin ang taong umagaw sa mahal mo!” sagot dito ni Katrina.“Para sa kaalaman mo, ate Kat. Si Saskia lang naman ang long time girlfriend ko at CEO ng MS Wine Haven na siyang pinagtatrabahuhan ko ngayon. Dahil sa nalaman ko na sinaktan mo ang babaeng mahal ko, mukhang magbabago na rin ang treatment at pakikitungo ko sa ‘yo. Botong-boto pa naman ako sa ‘yo noon para kay tito, pero may itinatago ka rin pala na kakaibang ugali,” pagkasabi niyon ay agad na tumalikod si Gerald at sumakay sa sasakyan nito sa hindi kalayuan.Nakanganga namang naiwan si Katrina na para bang shock na shock sa nalaman. At saka lang ito nahimasmasan nang makitang papalayo na ang sasakyan ni Gerald.“Gerald, hintayin mo ‘ko! Wala akong masasakyan! Gerald!” kahit anong sigaw nito ay wala na rin itong magagawa dahil tuluyan nang nawala sa kanilang paningin ang sasakyan ni Gerald.“Nalagasan ka na nam
“ANAK, anong sabi ng asawa mo?” tanong ng mommy niya pagkalabas niya ng silid nila ni Saskia.“Hayun, takot na takot sa inyo at ayaw nang lumabas ng kanyang silid. Mabuti na lang at pumayag din na makasama ka namin dito dahil pinaki-usapan ko ng malumanay. Hindi mo rin naman kasi siya masisisi, simula pa lang kasi sa mansyon ay hindi niyo na siya tinrato ng maayos. Pero de bale, nakalipas na ‘yon kaya kalimutan na natin ‘yon. Ang mahalaga ay ‘yong ngayon.”“Maraming-maraming salamat, anak. Hinding-hindi ko talaga sasayangin itong huling pagkakataon na ibinigay mo.”“May paki-usap lang sana ako, Mom. Sana, lalo na kung wala ako, huwag niyo na lang po siyang lalapitan o kahit kakausapin dahil nga takot na takot siya sa inyo. Hayaan niyo na po muna siya. Baka kapag tumagal ay masanay na rin siya sa ‘yo , at ‘yon na lang siguro ang panahon na dapat ninyong hintayin.”“Oo, anak. Makakaasa ka na gagawin at susundin ko ‘yang mga sinabi mo. Hindi ako lalabag.”“Salamat kung gano’n.”“Sir, na
PINAUPO muna ni Weston ang kanyang mommy sa sofa, pagkatapos ay pinabigyan niya ito ng maiinom kay nanay Lita para saglit niyang puntahan si Saskia sa kwarto. Wala siyang ideya kung ano ba ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nito na kasama niya ang kanyang mommy ngayon. Kumatok muna siya bago pumasok bilang paalala.Nadatnan niya itong nanonood ng TV habang nakasandal sa headboard ng kama at kumakain ng chips.“Hey, Baby. Kumusta ang araw mo, ha?” bati niya rito sabay halik sa noo.“Medyo okay na. Nabawasan na rin ang pananakit ng ulo ko. Bakit pala medyo na-late ka? Akala ko mag-e-early out ka? Kinabahan tuloy ako dahil kanina pa kita hinihintay, baka kako nadisgrasya ka na kasi hindi ka naman nag te-text o tumatawag.”“O, my God! Pinag-alala ba kita, Baby? I’m so sorry, hindi ko sinasadya. Sobrang dami lang kasi ng mga papeles na nire-review ko na kailangan ng approval at pirma ko,” pagpapaliwanag niya."Sorry din kasi hindi pumasok sa isip ko na baka sobrang busy mo lang talag
“ANAK, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam kong hindi madali para sa ‘yo ang ibalik ang dating tiwala mo sa ‘kin, sa ‘min ng pamilya mo. Pero hindi ‘yon mahalaga sa ngayon, dahil ang mahalaga sa ngayon ay maipaalam ko sa ‘yo na mag-ingat kayong mag-asawa. Pwede mo akong hindi pagkatiwalaan sa ibang bagay, pero please, anak, kahit itong sasabihin ko na lang ang paniwalaan mo.” Nang hindi siya nagsalita o umimik man lang ay dinugtungan nito ang sinabi.“Kahapon ko lang na-realize anak, kung gaano ako naging pabayang ina sa ‘yo, inaamin ko ‘yan. Pati pagmamahal ng isang ina ay naipagkait ko pa sa ‘yo. Hindi ko pinapansin bawat hinaing mo sa ‘kin, lahat ng iyon, ay binabalewala namin. Pinaramdam namin sa ‘yo na mag-isa ka lang at walang katuwang sa buhay, walang masasandalan at mapagtatanungan, walang masusumbungan. Pero sa kabila ng iyon, aminin ko man sa hindi, ay ipinagmamalaki kita, anak. Dahil nadala mo sa matayog na tagumpay ang iyong sarili kahit na walang sumusuporta sa lik
“ANO PA po ba ang kailangan ninyo, mommy? Hindi pa ba sapat sa inyo na nabugbog na ninyo si Saskia noong isang araw? Himala nga at hindi mo kasama ‘yong isang bruha! Puro na lang gulo ang mga dala ninyo!” galit na wika niya sa ina.Hindi na siya mangingiming ipakita at iparamdam dito ang kanyang galit para naman matuto itong dumistansya.“Anak, pumunta ako rito kahapon, pero wala ka. Kaya bumalik ulit ako ngayon. Hindi na rin pala ako pinayagan ng guard na pumasok dahil utos mo raw iyon sa kanila. Pero okay lang sa ‘kin ‘yon anak, kasi alam kong iniiwasan mo lang na makagawa kami ng gulo sa loob ng kompanya na pwede mong ikahiya sa tao. Naparito ako para kausapin ka, hindi para gumawa ng gulo,” wika nito sa mahinahong tinig.Hindi nga niya maintindihan kung tama ba ang nababasa niyang lungkot at pag-aalala sa mukha nito. Pero hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin at agad na iwinaksi sa kanyang isipan.“Kung ginagawa niyo ito para lang muling makuha ang loob ko at umuwi sa mansyon
KINABUKASAN ay pareho silang hindi pumasok ni Weston sa kompanya. Lumala kasi ang pananakit ng kanyang ulo gawa ng malakas na paghila ni Katrina sa kanyang buhok. Gusto pa sana siyang dalhin ni Weston sa ospital para ipasuri sa doctor, pero tumanggi siya. Mas gusto niya na lang na magpahinga sa bahay.Magang-maga ang kanyang dalawang pisngi dahil sa tinamong mga malalakas na sampal buhat sa kanyang mga magulang nung umaga at kinahapunan naman, ay sa mommy naman ni Weston. Maga ito at maraming pasa. Masakit na masakit din ang kanyang anit.Mas gusto niyang humiga at matulog buong araw dahil pakiramdam niya ‘y iyon lang naman ang makakapagpagaling sa kanya. Matyaga naman siyang binabantayan at inaalagan ng asawa.Ang mga pasa niya sa mukha ay dinadampian nito ng maliit na towel na inilubog sa mainit na tubig, sa paraang iyon ay madali raw na gagaling ang kanyang mga pasa. Sinusubuan din siya nito kapag kumakain hanggang sa matapos, at inaalalayan sa pagligo.Doon niya mas lalong naramda
NGAYON lang niya nakita sa buong buhay niya kung gaano kagalit ang kanyang anak na si Weston kanina. Damang-dama niya sa mga kilos at pananalita nito ang pagmamahal nito sa asawa. Para siyang natauhan sa mga sinabi nito sa kanya.Nagkamali at nagkasala siya sa kanyang anak. Dahil sa pagiging bulag niya at manhid para lamang masunod ang kagustuhan nilang mag-asawa na si Katrina dapat ang maging asawa nito, ay hindi nila namamalayan na nadidiktahan na pala nila ang damdamin ng anak.May sumungaw na luha mula sa kanyang dalawang mga mata. Pero agad siyang tumingin sa taas para pigilan ang pagpatak niyon. Ayaw niyang makita siya ni Katrina sa ganoong sitwasyon.“Ti-Tita, ano na ang gagawin natin? Mukhang ayaw talaga sa ‘kin ni Weston. Paano naman ako? At saka, kapag nalaman ito ni daddy, magkakagulo tayong lahat, kilala mo naman siya, ‘di ba?” sumisinghot-singhot na wika nito.“Hija, siguro kailangan mo na talagang tanggapin na hindi kayo para sa isa ‘t isa ni Weston. Nasa tamang edad na
SAGLIT muna niyang iniwan ang kanyang asawa sa sasakyan dahil may kukunin siyang mahahalagang dokumento para sa kompanya na naiwan pala niya nung umalis sila. Nakaugalian na kasi niyang mag-uwi ng mga papeles sa tuwing hindi niya natatapos ang pagpipirma sa kanyang opisina, kaya ngayon ay nagmamadali siyang hanapin ang mga iyon.Hindi na kasi sumama sa kanya si Saskia dahil ang sabi niya ‘y madali lang naman siya. Habang naghahanap siya ay parang may naririnig siyang nagsasagutan sa labas na para bang nag aaway. Ipinagsawalang bahala na lang niya iyon at hindi pinansin dahil alam niyang mag-isa lang naman doon si Saskia. Baka ingay lang iyon ng mga kapitbahay niya.Ngunit napahinto siya sa paghahanap nung maging malinaw na sa kanyang pandinig ang ingay na naririnig niya. Bosesi iyon ni Saskia na sumisigaw na para bang nasasaktan at nakikiusap. Bigla ang kabang naramdaman niya kaya iniwan niya ang paghahanap sa mga papeles at mabilis na lumabas.Gayon na lamang ang galit na biglang umu
DUMAAN muna saglit sina Saskia at Weston sa dating bahay kung saan sila nakatira para tingnan ito. Simula kasi nung dinala siya sa Villa ni Weston ay doon na rin sila umuuwi. Saglit siyang iniwan ng asawa sa sasakyan dahil may kukunin lang daw ito sa loob saglit, kaya nagpasiya siyang huwag nang sumama at hintayin na lamang ito roon.Ngunit hindi pa man nagtatagal nung pumasok si Weston sa loob ng bahay, ay nagulat siya nang biglang may kumatok sa pintuan ng sasakyan. Nakita niyang si Katrina ang kumakatok at kasama nito ang ina ni Weston na kahit isang beses pa lang niyang nakita ay nakaukit na sa kanyang isip ang imahe ng mukha nito.Kinakabahan man ay nagpasiya siyang buksan ang pintuan at lumabas sa sasakyan para maayos na harapin ang dalawa kahit na parang mananakmal ang hitsura ni Katrina at parang mangangain naman ng buhay naman ina ni Weston.“Natyempuhan ka rin namin, bitch! Ang feeling mo rin eh, ‘no? Talagang pinaninindigan mo ang pagiging asawa kay Weston, huh? At saka, pa