ALINTANA ANG banda nang magsimula na itong tumugtog at mas lalo pa itong sumigla nang magsimulang kumanta ang vocalist na si Rosette.
Nakakaindak ang tugtuging bumabalot sa paligid sa pagkanta ng banda sa kantang, "Ang Huling El Bimbo," ng Eraserheads. At ewan ba niya ngunit para siyang nililipad sa kung saan sa tuwing kumakanta si Rosette, lalo na't di hamak na magaling talaga ito sa pagkanta. Isabay pa ang magandang blending ng boses nito mula sa mga music instruments. Katulad kagabi ay nagtungo pa rin sila sa resto na 'yon kahit nagdala siya ng kahihiyan. Bagay na hindi naman matanggihan ni Samuel dahil sa kagustuhan din naman nitong makabingwit ng babae. Nanatili lamang siyang nakikinig hanggang sa dumating ang bridge ng kanta. No wonder how he was smiling for the whole song. At tila nagbibigay iyon sa kaniya ng relaxation sa kabila ng realidad ng buhay. In fact, they used to go for a vacation for enjoyment, and it was the motivation of their company for all of their employees like him. "Hey, Fifth, you are smiling, hah?" pagpuna sa kaniya ni Samuel. Katulad nang nangyari kagabi ay um-order muli sila ng alak habang nakikinig sa song performance ng bandang kinabibilangan ni Rosette. Natural na iyon sa kanila bilang magkaibigan, ang maging bonding ang pag-inom ng alak. Pero dahil ayaw na rin maulit pa ni Fifth ang nangyari kagabi ay siya itong nag-control sa pag-inom. "I think I need to enjoy this night," makahulugang aniya. At sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang umakyat ng stage si Fifth upang sabayan sa pagkanta si Rosette. Ikinabigla iyon ni Rosette habang hindi naman inaasahang magugustuhan iyon ng madla. Nevertheless, mabuti na lamang ay pamilyar siya sa kanta. He never used to look away his eyes from this woman, without any reasons, and Rosette would finally just go with the flow of what he wanted to happen. "Magkahawak ang ating kamay,At walang kamalay-malay..Na tinuruan mo ang puso ko,Na umibig na tunay.." Magkasabay nilang pagkanta sa koro. Hanggang sa matapos nila ang buong kanta. At alinsunod ang malakas na palakpakan sa kanila ng mga tao. And how funny why people would recognize him as a performer. Subalit ang sandaling iyon ay pinutol ni Rosette nang isinama siya nito patungo sa may guest room. Halatang dismayado ang itsura nito at nakompirma niya lang iyon nang magtagpo ang kanilang mga mata. "Bakit ka pa ba nandito? Sinira mo ang performance ng banda, e." Nakatingin sa kawalan si Rosette habang nakapamewang nang sumali sa usapan nila si Jed na isang pianist sa grupo. Hindi niya akalaing nakasunod na rin pala ang mga ito sa kanila. "Uy, boss, ang galing kaya niya, nagmukha ngang romantic ang performance, e, 'di ba, guys?" anito. At saka nagsitanguan ang iba pa nilang mga ka-banda. Subalit tila hindi nagustuhan ni Rosette ang kaniyang narinig. Dahilan para sandali itong mapapikit. At sa isang iglap ay napadilat ito nang magawa niyang magsalita. "I didn't meant to ruin your performance. Ang totoo niyan ay nag-enjoy akong kasama kang mag-perform at sana lang ay nag-enjoy ka rin." Napangisi lamang si Rosette. "Honestly, I would willing to take this moment to say sorry, again." Sandaling natigilan sa sinabi niya si Rosette. Subalit sadyang mataas talaga ang pride nito, dahil na rin sa kawalan nito ng interes sa isang katulad niya. "Sorry? At sa ganitong paraan talaga? Kung gusto mo talagang mag-sorry, matuto kang rumespeto ng tao. Saka, halatang nakainom ka pa rin, o, kaya hindi ako naniniwala sa sorry mo.” Doon na nagawang sumali ni Jed sa usapan. "Sandali, boss, nagso-sorry naman na 'yung tao, o, saka lasing lang siya kagabi." "Iyon na nga, e. Lasing siya at tapos ngayon naman ay nakainom din siya. Kaya wala akong ibang iisiping iba kundi masama ang balak niya. Kaya, p'wede ba? Kung ikasisiya mo ang panggugulo sa performance namin, makakaalis ka na," ani Rosette na unti-unting nagpaalis kay Fifth. Without knowing them that coincidentally, she has a monthly period-- that's why she become easily irritated at all times. At kung bakit hindi maintindihan ng dalaga kung paano nagawang mas pagandahin ni Fifth ang performance nila. And that moment, they wouldn't thought that their talent manager, Ms. Savana has able to tell them a good news. "Soul Magnificent, congratulations! Dahil dinagdagan ng manager ng resto ang talent fee n'yo!" Nagsitalunan sa kasiyahan ang mga kabanda niya habang si Rosette ay tila napahiya sa katotohanang hindi mangyayari 'yon kung hindi dahil kay Fifth. "Yes! Ang galing naman kasi ng vocalist natin, e! A-at ni kuya!" wika pa ni Jed. Ngunit hindi pa man sila nakaka-get over sa magandang balita ay muli na namang may sinabi si Ms. Savana, "At hindi lang 'yon, nagbigay din ng tip ang ilang customer na nagustuhan ang performance. At heto pa, nagre-request pa sila ng another moment para sa kilig scene kasi medyo nakakabitin daw." Rosette just speechless and a little bit of her would realize that she regret everything that she have said. Sa katunayan ay dapat nga na maging thankful pa siya dahil mas tumaas ang ibinayad sa kanilang talent fee ng manager ng resto, bukod pa ang mga tips mula sa mga customer na sadyang nagustuhan ang kanilang performance at dahil iyon sa lalaking kinaiinisan niya simula pa lang. "Congrats, guys!" masayang wika ni Oliver, ang isa sa guitarist. "Congrats!" ganting wika ni Rosette, subalit tila may hinahanap-hanap ang mata niya. Dahil batid niyang nasaktan ang damdamin ni Fifth sa nasabi niya kanina. Kaya naman sa gitna ng kasiyahang iyon ay hindi niya magawang maging lubusang masaya lalo na't malaki ang kasalanan niya sa isang lalaking nakatulong sa kanila financially. Hence, before the night ends, Rosette was able to find the room of Fifth. Dahil na rin sa tulong ng kaniyang mga kabanda. And since, it was their last day, she would willing to lower her pride for the sake of her peace of mind. Aniya'y hindi naman na sila magkikita nito kaya mabuti pa na wakasan niya na agad ng kabutihan ang naitulong nito sa kanilang banda.Hanggang sa madatnan niya ito sa may harap ng karagatan."Fifth, may naghahanap sa'yo!" Boses iyon ni Ryan na nadatnan siyang tumutungga pa rin ng beer doon sa may dalampasigan. Matapos niya kasing maihatid sa k’warto si Samuel ay pinili niya na munang mapag-isa. "Kanina pa kita hinahanap kasi may taong gusto kang makausap," wika pa nito na bahagyang nagpalingon sa kaniya. "Kung sino man siya ay wala akong pakialam. Basta, gusto ko lang mapag-isa--" natigilang aniya. "K-kahit ako?" nauutal na wika ni Rosette. "R-rosette.." He stood up after saying her name. Tila ba mabilis nitong nabago ang malungkot na mood niya. At kahit medyo nahihilo na siya dala ng alak ay malinaw niya pa rin nakikita ang magandang ngiti nito. Ibang-iba ang awra nito kumpara no'ng una at huli silang magkita at labis niya iyong ipinagtaka. "Ah, sige, maiwan ko na kayo, Fifth. At pagkatapos ay kung p'wede, bumalik ka na sa room," pakiusap ni Ryan. "Okay, Ryan," tanging sagot niya. At saka niya binalikan ng tingin si Rosette. "Bakit ka nandito? Pagkatapos mo akong paalisin kanina--" "No, wala akong intensyon na masamâ, wala akong balak na awayin ka ulit, ang totoo niyan.. ay gusto kong humingi ng sorry." Nakakunot ang noo habang nakangiting wika nito at aaminin ni Fifth na first time niyang makitang ngumiti ang dalaga. Bagay na nagbigay ng dahilan sa kaniya para sandaling matigilan. Iisipin na sana niyang panaginip lamang ang lahat. Pero muli na naman itong nagsalita, "I'm sorry, Fifth. At gusto ko lang din magpasalamat.. kasi kundi dahil sa'yo ay hindi malaki ang ibabayad sa aming talent fee bukod pa ang tip galing sa mga customers." Napayuko pa ito sa harapan niya at makikita ang pagsusumamo sa mga mata. Doon niya nabitawan ang bote ng beer na hawak-hawak niya. "At dahil sa'yo ay malaki ang maitutulong sa akin nito financially lalo na sa kinukuha kong kurso. Thank you and sorry sa mga nasabi ko sa'yo." Hindi makapaniwala si Fifth sa mga narinig. It feels like a dream that this woman could appreciate his presence, for the first time. Kaya naman kinuha niya ang pagkakataon na 'yon para samantalahin ang kaniyang kagustuhan na mas makilala pa ito. "It may sound strange but, the first time I saw you, I just couldn't help myself, para lang mapalapit sa'yo." Sandali pa siyang napangiti habang nanatiling nakikinig sa kaniya ang dalaga. At doo'y klaro niya nang sinabi ang mga katagang nais niyang hilingin dito. "Pagkatapos ba nito ay p'wede na tayong maging magkaibigan?" umaasang aniya. Nakita niya naman ang sandaling pagkunot ng noo nito. "Pero, last night na namin dito." "Walang problema, p'wede ko naman makuha ang number mo, 'di ba?" Doo'y unti-unting napatango ang dalaga bilang pagtanggap nito sa inaalok niyang friendship. "Akin na ang phone mo." Inabot niya ang kaniyang cellphone rito at ito na ang kusang nagtipa ng numero nito sa screen at nang sandaling iyon ay hindi niya namalayan na malapad na pala ang ngiti niya.TILA SA isang iglap ay bumalik ang masayang alaala sa isipan ni Fifth sa Batangas kung saan sila una at huling nagkita ni Rosette. Simula nang araw na iyon ay hindi na sila muling nagkita pa, pero dahil sa tulong ng communication ay madalas niya itong nakakausap. Doon niya napagtanto na maliit na mundo lang pala ang ginagalawan nila. Dahil sa mismong city kung saan sila madalas dumayo ng masarap na pagkain kasama ang kaniyang mga ka-workmates at kaibigan na sina Samuel at Andrew ay ang lugar kung saan nakatira si Rosette.Doon niya mas nakilala si Rosette at ang buhay nito. Isa pala itong breadwinner sa kanilang pamilya dahil matagal nang pumanaw ang ama nito, habang nagtitinda lamang ng tsinelas at damit ang ina nito sa palengke. Pero dahil kasyang-kasya lamang ang kita ng ina nito sa pangkain araw-araw ay si Rosette ang tumutulong sa ina sa pagbayad ng kuryente at tubig buwan-buwan. Si Rosette kasi ang panganay sa tatlong magkakapatid at graduating na rin sa kursong Psychology. At an
SA PAGLIIT ng mundong ginagalawan ngayon nina Fifth at Rosette ay hindi maitatangging mas lumalim pa ang kanilang samahan. In fact, hindi na nga kataka-taka ang bawat pa-fall actions ni Fifth kay Rosette dahil nilinaw naman niya noong una pa na higit pa sa magkaibigan ang nais niya para sa kanilang dalawa. Ang kaso-- parang si Rosette naman ang may problema. During the rehearsal break ay mas pinili ni Rosette na mapag-isa. Napuna naman agad iyon ni Fifth kaya napasunod siya rito. Without knowing that Rosette would trying to ignore him on purpose. "Bakit nag-iisa ka rito? Didn't you enjoyed our rehearsal?" Bahagya itong napalingon sa kaniya kasabay nang isang pagbuntong hininga. Doo'y bigla niyang naisip na baka naninibago pa rin ito na bahagi na siya ng bandang Soul Magnificent."Ha? Siyempre, hindi." Doo'y sandaling napakunot ang noo niya. "Ahm, ang ibig kong sabihin, n-nag-enjoy ako.." Sinubukan niya itong sentruhin ng tingin subalit mabilis naman nitong naililihis ang mga mata sa
"KAILAN ka pa nanliligaw sa anak ko?" Tila nagpantig pa ang tainga ni Rosette sa sumunod na katanungang iyon ng ina. Habang nanatili namang magkahawak ang kamay nilang dalawa ni Fifth. For some reason, iyon ang pinakakinatatakutan niyang mangyari. Lalo na't batid niya sa sarili na ang kaniyang ina ang unang tututol sa courting stage nilang dalawa. Nanatiling tahimik ang buong kabahayan hanggang sa hindi niya muling inaasahan ang isasagot ni Fifth, "Ahm, actually po, ngayon pa lang sana ako pormal na magpapaalam sa'yo tita. P'wede bang ligawan ko si Rosette?" Sandali pa siyang nilingon ng binata. At kusang kumalas ang kamay ni Fifth sa kamay niya nang sabihin ng ina ang mga katagang, "Hindi!" Sandali pa ulit silang nagkatinginan ni Fifth. "Pero kung susundin mo ang isa kong kondisyon, baka ngayon pa lang ay pumayag na ako." Tila nabuhayan ng pag-asa si Fifth, kaya naman kusang lumabas ang matamis na ngiti nito. "Ano po 'yon, tita?" Nais niya nang humanga sa pagiging matapang ni Fif
SA KABILA nang paglalim ng gabi ay ang pananatiling masaya ng puso niya ng mga oras na iyon. Sadyang nakaka-relax ng feeling ang kanilang roadtrip at nasundan pa 'yon ng kwentuhan nang magpasya silang mag-stop over muna upang magpahinga sa biyahe. Sinabayan pa ng malakas na soundtrip ni Ryan habang humihithit ng yosi sina Fifth, Samuel, Andrew at ang boyfriend ni Eunice na si Zoren.Nag-usap-usap naman ang mga girlfriend nina Samuel, Andrew at Ryan na sina Cassandra, Eva at Ira. Habang doon naman siya nagawang kausapin nina Eunice."Hi, nice to meet you, Rosette, am I right?" Bahagya siyang napatango at napangiti. "Oo, salamat. And you are?" "Eunice," tipid nitong pagpapakilala at saka naman nito nagawang ipakilala sina Cassandra, Eva at Ira. "Ahm, si Cassandra nga pala, she's Samuel's girlfriend." "Hi," wika ni Cassandra habang kumakaway pa sa kaniya. Gayong kumaway din naman siya pabalik. "Of course, Meet Eva, Andrew's girlfriend." "Hello," wika naman ni Eva na nakangiti habang
SA NALALAPIT na kapaskuhan ay nagawang magsimba ni Rosette kasama ang kaniyang ina at dalawang kapatid na sina Roselle at Rowel, dahil iyon ang unang araw ng simbang gabi. Nakagawian na nila iyong gawin taon-taon. Kaya naman walang hiling si Rosette na hindi natupad dahil nakukompleto niya talaga ang simbang gabi. Hanggang sa sumapit ang huling araw ng simbang gabi. At sadyang hindi siya nagising sa kaniyang alarm. Mabuti na lamang at nagising ang kaniyang ina kung kaya't ginising siya nito, maging sina Roselle at Rowel. Kaya naman gahol na gahol na sila sa pagkilos para lang mahabol ang umpisa ng misa. E, nasanay na silang sila ang naghihintay sa pagdating ng pari hindi 'yung mauuna itong dumating."Ano ba naman 'yan, Rosette, kung kailan huling araw na ng simbang gabi ay saka ka naman hindi nagising. Ano ba kasing pinagpuyatan mo kagabi?" And the truth has going to exposed. Dahil ang totoo ay napuyat siya na kausap si Fifth kagabi mula sa kabilang linya."Pasensya na, nay, si Fift
AS THE NEW Year comes, ay hindi naman din nila namalayan ang mabilis na pagtakbo ng mga araw. Nasa kalagitnaan na ng Enero at nagbalik na naman si Rosette sa eskwela. Masyado na namang hectic ang schedule niya pagdating sa school, trabaho at pagbabanda. Pero kinakaya naman niyang hati-hatiin ang oras. Lalo na kapag rest day niya na dapat ay pahinga niya na lang ngunit inilalaan pa niya sa pagko-compose ng bagong kanta. "Hindi ko alam kung ano ang mayro'n ka, Bigla na lang, may nadama sa'yo sinta..Kahit na alam kong mayro'n kang iba,Patuloy na ako'y umaasa.. Kinanta niya iyon nang kinanta hanggang sa matapos-- tumugtog siya nang tumugtog hanggang sa huling tono ng kanta. At tila ba kakaibang kasiyahan ang namayani sa kaniya."Ayos!" Hindi niya naiwasang mapasigaw sa kasiyahan dahil sa wakas ay nakatapos siyang muli ng isang kanta. Aaminin niyang inspirasyon niya ngayon si Fifth kung kaya't mas madali na lang sa kaniya ang umisip ng liriko ng kanta.Hanggang sa hindi niya namalayan
NAALIMPUNGATAN si Rosette nang makita ang sarili na walang saplot at tanging puting kumot lamang ang bumabalot sa kaniyang katawan. Pero mas naalimpungatan siya nang makitang mahimbing na natutulog si Fifth sa tabi niya. Pinagmasdan pa niya ang paligid at sigurado siyang wala sila sa sariling bahay nito. Dahil mukhang private room ang silid na iyon.Nang sandaling iyon ay napasilip siyang muli sa sarili niyang katawan at napahalukipkip dahil doon pa lang ay batid na niyang may nangyari sa kanila ni Fifth."Naku! Hindi p'wede," napapailing na wika niya sa sarili. Wari ay bigla na lamang nasira ang pangarap niya sa isiping baka magbunga ang nangyari sa kanila ni Fifth. Naisip niya rin na kamumuhian siya ng ina kapag nabuntis siya. At naiinis siya dahil hindi niya man lang namalayan ang nangyari kagabi nang dahil sa kalasingan. Isabay pa ang pagtanaw niya nang pagiging mababa sa sarili. Sa sobrang pagkainis ay mabilis siyang tumayo. Nakita niyang nagkalat ang kanilang damit at underwear
MAGKASUNOD na tawag ang natanggap niya mula sa talent manager nila na si Ms. Savana at kay Jed na hindi niya inaasahang magri-reach out sa kaniya. Matapos kasi siyang kumbinsihin ni Ms. Savana na 'wag iwan ang banda ay mabilis nitong ibinalita sa mga kabanda ang naging desisyon niya. "Jed.""Tumawag sa akin si madam at nakiusap siya na kumbinsihin kitang 'wag tuluyang iwan ang banda. Dahil ba sa tampuhan natin, kaya mo naisip na umalis na lang sa banda?" May tonong pagtatampo sa boses nito. "Jed hindi--" "Hindi mo na kailangang mag-explain, Rosette. At kahit na ilang beses mong i-deny ay parang gano'n pa rin ang dating dahil batid din ng mga kabanda natin na hindi tayo okay." "Sinabi nang hindi, e!" napalakas sa tonong sabi niya. At doo'y hindi niya na napigilan ang sarili niyang luha na pumatak. "A-akala mo ba ay madali lang sa akin ang desisyon na 'to? Jed, bakit ko naman bibitiwan nang basta-basta ang pangarap ko? Aber?" "Malay ko ba sa'yo kung bakit biglang nagbago ang desisyo
MAHIGPIT NA yakap ang isinalubong ni Rosette nang makita niyang buhay na buhay si Fifth. Habang dinakip naman ng mga pulis si Eunice at ang mga kasabwat nito. Natumbok din ng police captain na si Aron Dominguez ang isang kasabwat na pulis ni Eunice kung kaya't agad itong nasibak sa pwesto. "Sandali! Hindi p'wedeng kami lang ang hulihin n'yo!" hinaing ni Eunice. At nang lumingon ito sa kaibigang si Cassandra ay mas hinigpitan naman ni Samuel ang paghawak sa asawa. "Kusang sumuko si Cassandra sa mga pulis, at saka wala naman talaga siyang kinalaman sa pagpapadukot mo kay Fifth, e, ikaw ang mastermind, Eunice at wala ng iba kasabay nang pagpapasunog mo sa shop nila!" matapang na pagkakasabi ni Samuel. "Cassandra, ano 'to? Laglagan? Ikaw malaya habang ako ay habang buhay na makukulong?" "Hindi ako katulad mo, Eunice na walang konsensya. Magkaibigan nga tayo pero hindi tayo pareho nang takbo ng utak," sagot ni Cassandra habang may bahid na kirot iyon sa kaniyang kalooban. Sa totoo lang
FEW YEARS LATER.. Sa sobrang dami nang nangyari sa nakalipas na anim na taon ay hindi namalayan nina Rosette at Fifth na malaki ang ipinagbago ng kanilang buhay. Malayong-malayo ito noong nagsisimula pa lamang silang magsama. Matapos ma-promote ni Fifth bilang sales supervisor sa kompanyang pinapasukan niya ay mas na-promote pa siya sa trabaho bilang isang regional manager. Kaya naman sakop na niya ang buong Region ng Calabarzon, dahilan para mas magpursige silang magsimula ng negosyo ni Fifth, kung saan ay isang phone accesories and repair shop ang kanilang naisipang itayong negosyo. Kaya naman naging magaan ang pagpasok ng pera sa kanilang pagsasama. Dahil dito ay nakabili na sila ng rent to own na bahay sa Batangas. Nakabili na rin sila ng four wheel na sasakyan, napagtapos niya na rin ng pag-aaral si Roselle kaya may magandang trabaho na rin ito habang ilang taon na lang ay graduating na rin ang bunso nilang kapatid na si Rowel at mismong si Roselle na ang nakatokang mgpatapos dit
"Mom, where the hell are you saying the most liable lawyer in the country? Kailangan ko ba talagang amagin dito bago mapiyansahan?" bulalas ni Eunice nang magawa itong bisitahin ng kaniyang ina. "I'm so sorry, my daughter, I did my best to find the most dedicated and liable lawyer but unfortunately, they would not willing to help you. No bail at masyadong mabigat ang kinakaharap mong kaso and you had no other options kundi ang pagbayaran ito ng ilang taon."Napasabunot sa sariling buhok si Eunice matapos na mabigo sa narinig. Ngunit, hindi naman siya papayag na gano'n-gano'n na lang ang kahahantungan niya. "Ano? But it was just an attempted homicide, not a frustrated one! Malaki ang pagkakaiba no'n. And you see, mom? Buhay na buhay si Fifth, hindi ba nila naisip na ako rin ang dahilan kung bakit buhay pa rin siya ngayon?" "I knew it, Eunice. But you have to accept na hindi lang iyon ang kasong isinampa nila laban sa'yo, kidnapping, theft and even fencing. My daughter, kahit bailable
AFTER SEVERAL months ay tuluyan na muling nakapaglakad si Fifth sa tulong ng kaniyang walk therapy session. At kasabay nang pagsisikap ni Rosette na balikan nila ang lahat ng kanilang alaala ay unti-unti na ngang bumalik ang kaniyang mga alaala.Sa kasalukuyan ay naibalik na rin sa pangangalaga niya ang kaniyang Suzuki Burgman na motorsiklo. Kung saan ay malaki ang pasasalamat niya sa Makati police station sa pag-iingat nito sa kaniyang pag-aari. Dahil dito ay nanaig sa kaniyang isipan na dapat lamang niyang kausapin sina Eunice at Zoren sa pagbabalak nito ng masama noon sa kaniyang motorsiklo. Gayundin sa pangingialam ni Eunice sa kaniyang sariling ipon na para sana ay sa kinabukasan nilang dalawa ni Rosette. Kahit papaano ay nawawala ang mga isipin niya magmula nang magpasya na rin siyang bumalik sa pagbabanda at ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng mga nangyari. Hindi niya lubos akalain na pareho lang pala silang nangulila ni Rosette, at nais niyang bumawi rito sa mga panahong nawal
ONE UNEXPECTED call from Fifth was approaching in the middle of the night. Buong akala ni Rosette ay namamalikmata lamang siya ngunit nang idilat niyang muli ang mga mata ay doon niya lang napatunayan na tumatawag nga ito. Walang paligoy-ligoy na sinagot niya ang tawag habang namumuhay ang kaba sa kaniya. "Hello?" pagbungad niyang sabi.It tooks ten seconds before she heard his voice. "Rosette." Tila ba kay sarap marinig iyon mula kay Fifth na sinasambit nito ang kaniyang pangalan."O? Akala ko, ayaw mo akong makausap," prangkang pagkakasabi niya ngunit sinigurado niyang hindi tataas ang tono ng kaniyang boses."Ang totoo niyan. I would like to apologize to you." Sandali siyang napaupo mula sa pagkakahiga. Kasalukuyan na kasi siyang nagpapahinga ng mga oras na 'yon habang nagluluto naman ng hapunan ang kaniyang ina. Hindi pa man siya nakakaimik ay nagawa na muli nitong magsalita, "Maraming na-i'kwento sa akin si mama about you, and I'm so sorry kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin tal
DUMATING ANG araw kung saan ay kailangan na ring magdesisyon ni Rosette. Aaminin niyang ilang araw niya rin itong pinag-isipan, matapos sumubok muli ni Levi na manligaw sa kaniya ay siyang pagbabalik naman ni Fifth sa kanilang buhay ni Baby Seven. At dahil doon ay napagtanto niya kung sino ang mas matimbang sa puso niya. "Levi, magkita tayo mamaya." Iyon ang mga tinipa niya sa screen ng kaniyang cellphone bago pa man muling magsimula ang araw niya sa trabaho.Matatandaang nakakailang puntos na rin si Levi simula nang magpatuloy ito sa panliligaw at minsan niya na ring kwinestyon ang kaniyang sarili sa tunay na nararamdaman niya sa binata."Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? As in-- final na?" paniniguro sa kaniya ni Julianna habang sabay silang kumakain no'ng lunch break. Silang dalawa lang ngayon ang magkasama dahil nataong day off ni Mikaela. Sinentro niya ng tingin si Julianna at sinabi, "Oo, Juls, sigurado ako." Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Julianna bag
NAGPATULOY ang recovery ni Fifth kasabay ng walk therapy niya. In fact, pinayagan naman na ng therapist si Fifth na sa bahay na lamang siya mag-ensayong maglakad-lakad lalo na't sadyang malayo ang distansya ng bahay ng magulang niya sa clinic. Wala rin naman kasing permanenteng resident address si Fifth sa ngayon kung kaya't hindi rin alam ng therapist nito kung paano makakapag-adjust sa oras. At para siguraduhin kung talagang may improvement na ba sa kaniyang paglalakad ay kinakailangan nilang lumuwas mag-ina sa Maynila. "It's good to know that he has been more improving since day one," wika ng physical therapist na si Mr. Dizon. Fifth was smiled. But for a second, he used to think of something, maybe because, it was still confusing to think what life he used to be before. Kahit na palaging sinasabi sa kaniya ng parents niya na mayroon siyang girlfriend ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit parang hindi iyon natatandaan ng puso niya. Siguro ay kinakailangan niya munang makit
HINDI NAGLAON ay nakarating sa kaalaman ng mga magulang ni Eunice ang nangyari sa kaniya."What the mess that you've done, Eunice?" singhal ng ama niya habang napupuno nang pagkadismaya ang mukha nito sa harapan niya. "Felipe, you don't have to say that to our daughter!" saway dito ng kaniyang ina na si Ezra. "At kinukunsinte mo pa talaga ang anak natin, hah?" ganting sagot ng kaniyang ama. Lulan na rin ng galit nito sa mga natuklasang pinaggagawa niya. Mula sa pagpapanggap na buntis ito at si Fifth mismo ang ama hanggang sa patong-patong na kasong kinakaharap nito. "Dad, mom, hindi n'yo kailangang mag-away, I know all my fault at pinagbabayaran ko na 'yon ngayon." "And you are proud of what you've done? Eunice, ang taas ng expectation namin sa'yo ng mommy mo. And do you think sa ginawa mo ay matutulungan ka pa naming makalaya? Even the most reliable attorney would not help you. Just because, matindi ang karampatang parusa ng mga ginawa mo!" Napahikbi si Eunice sa pamamagitan ng l
THE DAYS have been better approaching as the stars were starting to light again. Ngayong panatag na si Rosette na nasa piling na ng magulang nito si Fifth, ay umaasa siya isang araw na magbabalik ito sa buhay nila ni Baby Seven. "O, anak, mag-ingat ka sa pagpasok, hah?" "Opo, nay. Bye, anak!" Pinapak niya ng halik si Baby Seven at sa pagkakataon na 'yon ay tila mabigat sa kalooban niya na iwan ito. Ewan ba niya, nasanay lang siguro siya na palaging kapiling ang anak no'ng naka-maternity leave siya. Pero ngayon ay back to reality na talaga kung saan ay kinakailangan niyang maghanap buhay. Habang sakay ng tricycle ay sandali niyang pinag-isipan ang sinabi sa kaniya ni Jed. "Panahon na nga ba para bumalik ako sa pagbabanda? O baka naman may mas maganda pang oportunidad ang naghihintay sa akin sa musika?" tanong niya sa sarili. Naisip niya kasi na kung babalik siya pagbabanda ay hindi malabong awayin lang ulit siya ni Miriam, bagay na ayaw niya ulit mangyari. Saka niya naalala ang min