THE DAYS have been passed quickly. At hindi niya namamalayan na mag-iisang linggo na simula nang magdesisyon siyang umalis sa banda. At simula no'n ay tila nawala na sa direksyon ang buhay niya. Mabuti na lamang at napagbubuntungan niya pa rin ng panahon ang paglalaro ng gitara sa tuwing may bakanteng oras sa school. Para na rin kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Katulad ngayon na hindi naman pumasok ang professor nila sa isang major subject kung kaya't nagpasya na muna siyang mapag-isa sa may teresita ng building. Kung saan ay natatanaw niya sa baba ang gymnasium.Kasalukuyan niyang tinutugtog ang bago niyang ikinompose na kanta nang bigla siyang nilapitan ni Czarina. "Wow! Iyan 'yong bago n'yong song na nag-viral online, hah? Mas maganda pala pakinggan sa personal!" Kahit na narinig niya nang malinaw ang mga sinabi ni Czarina ay tila nagbingi-bingihan siya sa sinabi nito. In fact, she just wanted to be alone. Pero dahil nanatili siyang tulala sa kawalan habang tumutugtog n
IT WAS on the fourteenth day of February or the most awaited day of people who are in love with each other-- Valentines day. Ngunit para kay Rosette ay tila normal na araw lamang. Lalo na't mahigit isang linggo na rin silang hindi nagkikita ni Fifth. Of course, Fifth was insisting, pero sinadya niya talagang hindi sila magtagpo everytime binabalak nito na ihatid siya pauwi o kahit ang bisitahin man lang siya sa bahay at workplace. All the reasons were covered with lies, pero hindi naging rason 'yon para basta na lamang siyang sukuan ni Fifth. And what surprised her, was the braviest side of him. Tipong walang anong dahilan ang makakapagpapigil dito. Luckily, hindi naman niya pinahahalata sa lahat na lihim siyang nasasaktan everytime na iniiwasan niyang makita si Fifth. Nakakapagtrabaho pa naman siya nang maayos, nakakapag-focus sa studies at higit sa lahat ay nakakapagtugtog pa siya kahit sa bahay lang. But, of course, hindi niya maitatanggi sa sarili na nami-miss niya na si Fifth. "
FIFTH only mistake is he would comfortably expect that there was something special between him and Rosette. The truth is, their feeling is not really mutual, in which he was willing to take a risk despite of any single chance that they deserve. Batid niya na kahit hindi nito aminin ay may nararamdaman na rin ito para sa kaniya, patunay na lamang ang gabing sinabi nitong gusto siya nito sa kabila nang kalasingan. Ang kaso lang, 'di tulad niya ay tila takot namang sumugal si Rosette sa pag-ibig, lalo na't posibleng sa isang iglap ay bigla na lamang gumuho ang mga pangarap nito kapag nagbunga nga ang isang gabi nilang pagkakamali. Na para sa kaniya ay isang bagay na hindi niya basta-basta malilimutan. Nadatnan siya nitong tahimik lamang habang nagyoyosi sa may cabin. Of course, there's nothing change with his expression but one thing was he really sure, that his heart is so happy to see her watching him."Hinanap kita kung saan-saan, akala ko ay iniwan mo na talaga ko," may lungkot sa to
MABILIS NA tumakbo ang mga araw at hindi akalain ni Rosette ang malaking pagbabago na darating sa buhay niya. Ang bagay na kinatatakutan niya.Perhaps, it was a mixed emotion feeling and the moment of truth that she has been expecting. The cause and effect of her stupidity. For some reason, nagawa niyang mag-research sa mga karaniwang sintomas ng buntis. At tila ba sinampal siya ng katotohanan dahil ilan sa mga ito ay kaniyang nararanasan. Nahihilo, pagsakit ng ulo, sikmura at puson at paglakas ng kaniyang pang-amoy. May ilang pagkain din siyang hinahanap at may mga pagkain siya noon na paborito niya naman kainin ngunit ayaw nang panlasa niya ngayon.Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano niya iyon ipagtatapat sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang ina na batid niyang unang-unang madi-disappoint sa kaniya. Kasalukuyang paalis na no'n si Aleng Rosalinda ng kanilang bahay matapos niya itong tulungan ayusin ang mga panindang tsinelas. "O, anak, papunta na ako sa palengke, hindi ka
DALAWANG LINYA ang nakita ni Rosette sa unang beses na paggamit niya ng pregnancy test. At sa sarili ay hindi siya lubos na makapaniwala na nagbunga nga ang nangyari sa kanila ni Fifth. Takot at pangamba ang namayani sa kaniya. Hindi niya kasi alam kung paano siya magiging mabuting ina sa batang dinadala niya kung mismong siya nga ay naging pabaya sa pag-ibig.Pagkatapos pa nang natuklasan niya tungkol sa pagdadalang tao ni Eunice ay tila ba ayaw na niyang ituloy pa ang pagbubuntis na ito. Tutal naman ay wala pang kaalam-alam si Fifth at mas lalong hindi niya gugustuhin na malaman ito ni Fifth. Marahil ay si Eunice na nga ang panalo ngayon dahil handa naman itong maging ina ng magiging anak nito kay Fifth, hindi tulad niya na tila hindi pa rin matanggap. Bukod kasi sa katotohanang nagdadalang tao siya ay ang pakiramdam na unti-unti nang guguho ang lahat ng pangarap niya. Pakiramdam niya ay magiging hadlang ang batang dinadala niya sa kaniyang mga pangarap. At sadyang napakasakit nito s
"YOU HAVE to marry my daughter, Fifth, as soon as possible." Tila nabingi siya sa sinabing iyon ng ama ni Eunice. Given the fact that he was expecting it to happen. Kasi naman, nabuntis niya lang naman daw ang kaisa-isa nilang anak. E, kahit sa panaginip ay hindi niya nga matandaan kung paano siya naging ama nang dinadala nito. Pinagmasdan niya si Eunice, na mukhang nagsasaya ang puso ngayon dahil sa pagiging pabor ng magulang nito sa kagustuhang maikasal silang dalawa sa lalong madaling panahon. Hanggang sa nagkaroon na rin siya ng tapang na sumagot, "I'm sorry, tito, I won't do that. Hindi ko po mahal si Eunice. But, I would assure you na magiging mabuti akong ama sa batang dinadala niya." "But my daughter loves you and wants you to be her husband. Hindi mo ba talaga kayang pakasalan ang anak ko?" pilit pa nitong pangungumbinse sa kaniya. And for him, it's his final decision and no one could change it. Nakita niya ang masamang tingin ni Eunice sa kawalan ng sandaling iyon. Lal
"Dahil lang sa nangyari sa inyo ni Rosette ay aalis ka na rin ng banda?" tanong ni Jed sa kaniya matapos niyang sabihin sa mga ito na baka ito na ang huling araw na tutugtog siya sa banda."Jed, para saan pa ba ang saysay nitong pagbabanda ko kung wala na rin namang saysay ang buhay ko?" Tinapik siya ni Jed, habang pinagmamasdan lamang sila nina Oliver at Jemuel. "Par, hindi naman sa pangingialam pero hindi mo dapat idinadamay ang pangarap mo nang dahil sa nangyari. Oo, katulad mo ay nasasaktan din kami sa nangyari sa inyo ni Rosette, kasi pareho namin kayong kaibigan, e. Pero, par, dapat tuloy pa rin ang buhay, tuloy pa rin ang pagtugtog." Dahil doon ay tinanggap niya ang akap ng tatlong kaibigan, kung saan ay hindi basta-basta gugustuhin ng mga ito na tuluyan niyang iwan ang banda. "Par, p'wede ka namang magpahinga, e. 'Wag na 'wag ka lang susuko," dagdag pa ni Oliver. "Alright! Let's get it on!" masiglang pagsang-ayon naman ni Jemuel.And their rehearsal has become smooth as they
"Bakit hindi mo sinabi kay Fifth ang totoo?" nagtatakang katanungan sa kaniya ni Czarina matapos tuluyang makaalis ni Fifth kasama sina Jed, Oliver at Jemuel."M-mas mabuti nang gano'n ang pagkakaalam niya at mas mabuti nang masamâ ang tingin niya sa akin nang sa gano'n ay mas mabilis niya akong makalimutan," may kirot sa dibdib na pagkakasabi niya. "Hindi rin ba 'to alam nila Jed?" Bahagya siyang napatango sa katanungang iyon. Kaya naman labis ang pag-aalala ni Czarina sa kaniya. "Pero nasasaktan ka, Rosette. At ikaw na nga itong nagsabi na kahit anong pilit mo ay hindi mo siya makalimutan. Kaya bakit mo gugustuhing habang buhay lang siyang magalit sa'yo?"Sinentro niya ito ng tingin. "Para saan pa ba, Cza? Sa tingin mo ba ay gano'n lang kadali na magsabi ng totoo? Kung sa katotohanang iyon, siya ang sinisisi ko kung bakit limitado na ngayon ang mga pangarap ko! At saka, magkakaanak na rin naman na siya kay Eunice, e, kaya ano pang saysay kung ipagduduldulan ko sa kaniya ang anak nam
MAHIGPIT NA yakap ang isinalubong ni Rosette nang makita niyang buhay na buhay si Fifth. Habang dinakip naman ng mga pulis si Eunice at ang mga kasabwat nito. Natumbok din ng police captain na si Aron Dominguez ang isang kasabwat na pulis ni Eunice kung kaya't agad itong nasibak sa pwesto. "Sandali! Hindi p'wedeng kami lang ang hulihin n'yo!" hinaing ni Eunice. At nang lumingon ito sa kaibigang si Cassandra ay mas hinigpitan naman ni Samuel ang paghawak sa asawa. "Kusang sumuko si Cassandra sa mga pulis, at saka wala naman talaga siyang kinalaman sa pagpapadukot mo kay Fifth, e, ikaw ang mastermind, Eunice at wala ng iba kasabay nang pagpapasunog mo sa shop nila!" matapang na pagkakasabi ni Samuel. "Cassandra, ano 'to? Laglagan? Ikaw malaya habang ako ay habang buhay na makukulong?" "Hindi ako katulad mo, Eunice na walang konsensya. Magkaibigan nga tayo pero hindi tayo pareho nang takbo ng utak," sagot ni Cassandra habang may bahid na kirot iyon sa kaniyang kalooban. Sa totoo lang
FEW YEARS LATER.. Sa sobrang dami nang nangyari sa nakalipas na anim na taon ay hindi namalayan nina Rosette at Fifth na malaki ang ipinagbago ng kanilang buhay. Malayong-malayo ito noong nagsisimula pa lamang silang magsama. Matapos ma-promote ni Fifth bilang sales supervisor sa kompanyang pinapasukan niya ay mas na-promote pa siya sa trabaho bilang isang regional manager. Kaya naman sakop na niya ang buong Region ng Calabarzon, dahilan para mas magpursige silang magsimula ng negosyo ni Fifth, kung saan ay isang phone accesories and repair shop ang kanilang naisipang itayong negosyo. Kaya naman naging magaan ang pagpasok ng pera sa kanilang pagsasama. Dahil dito ay nakabili na sila ng rent to own na bahay sa Batangas. Nakabili na rin sila ng four wheel na sasakyan, napagtapos niya na rin ng pag-aaral si Roselle kaya may magandang trabaho na rin ito habang ilang taon na lang ay graduating na rin ang bunso nilang kapatid na si Rowel at mismong si Roselle na ang nakatokang mgpatapos dit
"Mom, where the hell are you saying the most liable lawyer in the country? Kailangan ko ba talagang amagin dito bago mapiyansahan?" bulalas ni Eunice nang magawa itong bisitahin ng kaniyang ina. "I'm so sorry, my daughter, I did my best to find the most dedicated and liable lawyer but unfortunately, they would not willing to help you. No bail at masyadong mabigat ang kinakaharap mong kaso and you had no other options kundi ang pagbayaran ito ng ilang taon."Napasabunot sa sariling buhok si Eunice matapos na mabigo sa narinig. Ngunit, hindi naman siya papayag na gano'n-gano'n na lang ang kahahantungan niya. "Ano? But it was just an attempted homicide, not a frustrated one! Malaki ang pagkakaiba no'n. And you see, mom? Buhay na buhay si Fifth, hindi ba nila naisip na ako rin ang dahilan kung bakit buhay pa rin siya ngayon?" "I knew it, Eunice. But you have to accept na hindi lang iyon ang kasong isinampa nila laban sa'yo, kidnapping, theft and even fencing. My daughter, kahit bailable
AFTER SEVERAL months ay tuluyan na muling nakapaglakad si Fifth sa tulong ng kaniyang walk therapy session. At kasabay nang pagsisikap ni Rosette na balikan nila ang lahat ng kanilang alaala ay unti-unti na ngang bumalik ang kaniyang mga alaala.Sa kasalukuyan ay naibalik na rin sa pangangalaga niya ang kaniyang Suzuki Burgman na motorsiklo. Kung saan ay malaki ang pasasalamat niya sa Makati police station sa pag-iingat nito sa kaniyang pag-aari. Dahil dito ay nanaig sa kaniyang isipan na dapat lamang niyang kausapin sina Eunice at Zoren sa pagbabalak nito ng masama noon sa kaniyang motorsiklo. Gayundin sa pangingialam ni Eunice sa kaniyang sariling ipon na para sana ay sa kinabukasan nilang dalawa ni Rosette. Kahit papaano ay nawawala ang mga isipin niya magmula nang magpasya na rin siyang bumalik sa pagbabanda at ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng mga nangyari. Hindi niya lubos akalain na pareho lang pala silang nangulila ni Rosette, at nais niyang bumawi rito sa mga panahong nawal
ONE UNEXPECTED call from Fifth was approaching in the middle of the night. Buong akala ni Rosette ay namamalikmata lamang siya ngunit nang idilat niyang muli ang mga mata ay doon niya lang napatunayan na tumatawag nga ito. Walang paligoy-ligoy na sinagot niya ang tawag habang namumuhay ang kaba sa kaniya. "Hello?" pagbungad niyang sabi.It tooks ten seconds before she heard his voice. "Rosette." Tila ba kay sarap marinig iyon mula kay Fifth na sinasambit nito ang kaniyang pangalan."O? Akala ko, ayaw mo akong makausap," prangkang pagkakasabi niya ngunit sinigurado niyang hindi tataas ang tono ng kaniyang boses."Ang totoo niyan. I would like to apologize to you." Sandali siyang napaupo mula sa pagkakahiga. Kasalukuyan na kasi siyang nagpapahinga ng mga oras na 'yon habang nagluluto naman ng hapunan ang kaniyang ina. Hindi pa man siya nakakaimik ay nagawa na muli nitong magsalita, "Maraming na-i'kwento sa akin si mama about you, and I'm so sorry kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin tal
DUMATING ANG araw kung saan ay kailangan na ring magdesisyon ni Rosette. Aaminin niyang ilang araw niya rin itong pinag-isipan, matapos sumubok muli ni Levi na manligaw sa kaniya ay siyang pagbabalik naman ni Fifth sa kanilang buhay ni Baby Seven. At dahil doon ay napagtanto niya kung sino ang mas matimbang sa puso niya. "Levi, magkita tayo mamaya." Iyon ang mga tinipa niya sa screen ng kaniyang cellphone bago pa man muling magsimula ang araw niya sa trabaho.Matatandaang nakakailang puntos na rin si Levi simula nang magpatuloy ito sa panliligaw at minsan niya na ring kwinestyon ang kaniyang sarili sa tunay na nararamdaman niya sa binata."Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? As in-- final na?" paniniguro sa kaniya ni Julianna habang sabay silang kumakain no'ng lunch break. Silang dalawa lang ngayon ang magkasama dahil nataong day off ni Mikaela. Sinentro niya ng tingin si Julianna at sinabi, "Oo, Juls, sigurado ako." Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Julianna bag
NAGPATULOY ang recovery ni Fifth kasabay ng walk therapy niya. In fact, pinayagan naman na ng therapist si Fifth na sa bahay na lamang siya mag-ensayong maglakad-lakad lalo na't sadyang malayo ang distansya ng bahay ng magulang niya sa clinic. Wala rin naman kasing permanenteng resident address si Fifth sa ngayon kung kaya't hindi rin alam ng therapist nito kung paano makakapag-adjust sa oras. At para siguraduhin kung talagang may improvement na ba sa kaniyang paglalakad ay kinakailangan nilang lumuwas mag-ina sa Maynila. "It's good to know that he has been more improving since day one," wika ng physical therapist na si Mr. Dizon. Fifth was smiled. But for a second, he used to think of something, maybe because, it was still confusing to think what life he used to be before. Kahit na palaging sinasabi sa kaniya ng parents niya na mayroon siyang girlfriend ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit parang hindi iyon natatandaan ng puso niya. Siguro ay kinakailangan niya munang makit
HINDI NAGLAON ay nakarating sa kaalaman ng mga magulang ni Eunice ang nangyari sa kaniya."What the mess that you've done, Eunice?" singhal ng ama niya habang napupuno nang pagkadismaya ang mukha nito sa harapan niya. "Felipe, you don't have to say that to our daughter!" saway dito ng kaniyang ina na si Ezra. "At kinukunsinte mo pa talaga ang anak natin, hah?" ganting sagot ng kaniyang ama. Lulan na rin ng galit nito sa mga natuklasang pinaggagawa niya. Mula sa pagpapanggap na buntis ito at si Fifth mismo ang ama hanggang sa patong-patong na kasong kinakaharap nito. "Dad, mom, hindi n'yo kailangang mag-away, I know all my fault at pinagbabayaran ko na 'yon ngayon." "And you are proud of what you've done? Eunice, ang taas ng expectation namin sa'yo ng mommy mo. And do you think sa ginawa mo ay matutulungan ka pa naming makalaya? Even the most reliable attorney would not help you. Just because, matindi ang karampatang parusa ng mga ginawa mo!" Napahikbi si Eunice sa pamamagitan ng l
THE DAYS have been better approaching as the stars were starting to light again. Ngayong panatag na si Rosette na nasa piling na ng magulang nito si Fifth, ay umaasa siya isang araw na magbabalik ito sa buhay nila ni Baby Seven. "O, anak, mag-ingat ka sa pagpasok, hah?" "Opo, nay. Bye, anak!" Pinapak niya ng halik si Baby Seven at sa pagkakataon na 'yon ay tila mabigat sa kalooban niya na iwan ito. Ewan ba niya, nasanay lang siguro siya na palaging kapiling ang anak no'ng naka-maternity leave siya. Pero ngayon ay back to reality na talaga kung saan ay kinakailangan niyang maghanap buhay. Habang sakay ng tricycle ay sandali niyang pinag-isipan ang sinabi sa kaniya ni Jed. "Panahon na nga ba para bumalik ako sa pagbabanda? O baka naman may mas maganda pang oportunidad ang naghihintay sa akin sa musika?" tanong niya sa sarili. Naisip niya kasi na kung babalik siya pagbabanda ay hindi malabong awayin lang ulit siya ni Miriam, bagay na ayaw niya ulit mangyari. Saka niya naalala ang min