Share

Chapter 19- Sukdulan

"Bakit hindi mo sinabi kay Fifth ang totoo?" nagtatakang katanungan sa kaniya ni Czarina matapos tuluyang makaalis ni Fifth kasama sina Jed, Oliver at Jemuel.

"M-mas mabuti nang gano'n ang pagkakaalam niya at mas mabuti nang masamâ ang tingin niya sa akin nang sa gano'n ay mas mabilis niya akong makalimutan," may kirot sa dibdib na pagkakasabi niya.

"Hindi rin ba 'to alam nila Jed?" Bahagya siyang napatango sa katanungang iyon. Kaya naman labis ang pag-aalala ni Czarina sa kaniya. "Pero nasasaktan ka, Rosette. At ikaw na nga itong nagsabi na kahit anong pilit mo ay hindi mo siya makalimutan. Kaya bakit mo gugustuhing habang buhay lang siyang magalit sa'yo?"

Sinentro niya ito ng tingin. "Para saan pa ba, Cza? Sa tingin mo ba ay gano'n lang kadali na magsabi ng totoo? Kung sa katotohanang iyon, siya ang sinisisi ko kung bakit limitado na ngayon ang mga pangarap ko! At saka, magkakaanak na rin naman na siya kay Eunice, e, kaya ano pang saysay kung ipagduduldulan ko sa kaniya ang anak nam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status