DUMATING ANG araw ng graduation pictorial nila, bilang isa na rin sa mga requirements para sa kanilang graduation, ang toga picture. Dahil doon ay bumisita sa kanilang munting bahay si Czarina. At dahil first time nitong makapunta sa bahay nila ay hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya. "Pagpasensyahan mo na ang bahay namin, Cza, hah?" "Ano ka ba, ayos lang. At saka, wala naman sa laki o liit ng bahay 'yan, e. Ang importante ay panatilihing maayos at malinis ang bahay katulad nito," may pagpuri pang sabi nito. "Ikaw talaga, palagi mo na lang pinapagaan ang loob ko. Pero salamat, Cza sa pagpunta, hah? Alam mo, kahit maliit lang ang bahay namin, marami na ring nakapasok dito at masasabi kong palaging pinupuri ang bahay namin dahil sa kalinisan, si nanay kasi ay ayaw talaga no'n ng madumi, ultimo kanin sa sahig noon, pinapagalitan niya kami kapag nagkalat," masayang pagbabahagi pa niya.At doon nama'y nagawang sumingit ng kaniyang ina sa kanilang usapan. "Anak, kumain na muna kayo ng
"Uy, bakla! Nandiyan na 'yung sundo mo!" kinikilig na wika pa ni Julianna. Bale nag-half day lang siya ngayon dahil na rin sa schedule niya kanina sa school para sa graduation pictorial. Kung tutuusin ay part time job niya lang naman ito dati, pero simula nang umalis siya sa pagbabanda at nag-sembreak ay nakiusap siya sa manager na kung p'wedeng i-full time job na lang ito. Natanaw niya naman si Fifth na naghihintay lamang sa may bandang sulok. At sandali pang nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niya kung paano ito ngumiti habang kumakaway sa kaniya. Kaya naman hindi niya na namalayan ang sinasabi ng customer sa kaniyang harapan. "Miss? Ang sabi ko, pahinging tubig." "Ah-- sorry po," paghingi niya ng pasensya. Saka naman siya dali-daling kumuha ng tubig para sa customer. At pagkatapos niyang maibigay iyon ay nagpasalamat naman ito. Sakto naman at pa-out na rin siya kung kaya't iyon na ang huling customer na in-assist niya. Saka naman din pumasok ang mga empleyadong pang-night s
IT'S LIKE a usual day for Rosette, nang mamulatan niyang wala na si Fifth sa tabi niya. Hindi niya alam pero parang unti-unti na namang dinudurog ang puso niya sa kalungkutan. Hindi naman na ito bago sa kaniya, pero hindi pa rin siya sanay. Ibang-iba ito noong nasanay siya noon na wala na si Fifth sa buhay niya, kasi nga ay napuno siya ng galit. Pero ngayong nagbalik na ito at nagawang itama ang lahat, at ngayong kailan lang naman ulit sila hindi nagkaintindihan, she was thinking that it is the best time to recall for him. She just wanted to lower her pride for the sake of their relationship-- for the sake of Fifth. Pagkabangon niya ay si Fifth na agad ang hanap-hanap ng mata niya. Inaasahan niyang madadatnan niya ito sa may kusina ngunit nadismaya lamang siya nang makitang wala ito. Hanggang sa marinig niya na lang ang boses ng ina. "Si Fifth ba ang hinahanap mo, anak? Aba, e, kakaalis lang." "Talaga, nay? E, bakit hindi niya man lang ako ginising para magpaalam?" Napabuntong hini
"Bakit mo ginawa 'yon kay Rosette?" Puno ng galit ang mga mata ni Fifth nang komprontahin niya si Eunice.They were in the middle of the building, kung saan ay masasalubong nila ang mga taong sumasakay at bumababa sa elevator.At kung anong tindi nang pagkakatitig niya rito ay anong higpit din naman nang pagkakakapit niya sa braso nito. "Ano ba? Nasasaktan ako, Fifth!" giit nito. "Nasasaktan ka? E, sa tingin mo ba ay hindi ako nasasaktan sa idinulot mong stress kay Rosette? How could you do that?" Of course, he was guilt. Pero hindi naman siya ganoon kasamâ para manatiling mahigpit ang pagkakakapit niya sa braso nito. Kaya naman bago pa ito magpumilit na kumalas sa kaniyang kamay ay siya na mismo ang kusang bumitiw sa braso nito. Saka siya nito nagawang titigan sa mata. "Nag-aalala ka sa nararamdaman niya, and how about me? Hindi ba ako nasasaktan?" Nakita niya na naman ang munting luha sa mga mata nito. "All through the years that I know you, alam ko sa sarili kong ikaw lang ang gus
'CAUSE this is the first time that he will going to celebrate his birthday with Rosette, ay pinaghandaan din naman ni Rosette ang mahalagang araw na ito para sa kaniya. Pareho silang nagpa-rest day sa trabaho kung kaya't tuloy na tuloy na ang kaniyang planong ipakilala ito sa kaniyang magulang."Mag-iingat kayo sa biyahe, hah? Fifth, ingatan mo ang anak ko," pagpapaalala pa ni Aleng Rosalinda sa kaniya."Yes po, tita. Iingatan at aalagaan ko po ang anak n'yo," aniya na nagpakorte naman nang pagngiti kay Rosette. Marahil ay pasimple itong kinilig sa sinabi niya.Maaga silang umalis dahil nais niyang doon sila mananghalian sa bahay ng kaniyang magulang. At habang nasa biyahe sila ay hindi niya naiwasang tanungin ang nobya. "Teka, how did you know my birthday kung never ko pa naman itong nabanggit sa'yo no'n?" "Ah.. dahil kay Eunice. Natatandaan mo 'yung araw na nagkita kami? Doon ko nalaman sa kaniya na magbi-birthday ka na pala." Tipid pa itong natawa. "Alam mo, kahit nauwi sa away ang
HIS BIRTHDAY celebration was extended on the day after. Pagka-out sa trabaho ay nagdesisyon silang magkakaibigan na dumiretso sa bahay nila Samuel. Bumili na rin sila ng dalawang case ng beer at maraming yelo sa malapit na convenience store. Kagaya nang naipangakong celebration sa kaniya ng mga malalapit na kaibigan na sina Samuel, Andrew at Ryan. Pero siyempre, it should be for boys fun only, kaya naman sandali nilang kinalimutan na mayroon silang mga nobya.Naroon sila sa bahay ni Samuel kung saan ay napili nilang venue. For some reason ay nagpaalam naman sila sa kani-kanilang mga nobya na magkakaroon sila ng bonding na magkakaibigan. Kung saan ay sila-sila lamang. Bagay na naunawaan naman ng kani-kanilang mga nobya. Especially for Rosette, who was fully understand Fifth's independently."Happy birthday, Fifth!" sabay-sabay nilang sabi matapos mag-cheers sa isa't isa. Kaniya-kaniya silang hawak ng baso na naglalaman ng malamig na beer. Isabay pa ang masarap na pulutan na inihain ni S
"Nay, hindi pa raw ba siya aalis?" Pasimpleng katanungan ni Rosette nang pinili na niyang bumangon para mag-asikaso sa pagpasok sa trabaho. Ayaw niya kasing kausapin si Fifth dahil sa pambabalewala nito sa nararamdaman niya kagabi.Sandaling napabuntong hininga ang ina habang hinahanda at inaayos ang mga panindang tsinelas. "Ayaw niya raw umalis hangga't hindi mo raw kinakain ang binili niyang pandesal para sa'yo, e." Habang nakikinig siya sa sinabi ng ina ay hindi naman niya alintana ang pagtunog ng kaniyang gitara na ngayo'y gamit ni Fifth.Doo'y bumungad ang isang awitin ng Eraserheads na, "Ligaya," at sadyang mabilis na nakapagpabago ng kaniyang emosyon. At habang kumakanta si Fifth ay hindi niya akalain na nahihipnotismo siya ng tinig nito."Ligaya.. at asahang iibigin ka.. sa tanghali, sa gabi at umaga.." Aaminin niyang hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig ng mga oras na iyon at aaminin niya rin na mas nakakag'wapo kay Fifth kapag kumakanta ito. Nakakainis lang dahil hindi ni
MABILIS PANG lumakad ang mga araw at dumating na rin ang pinakahihintay na araw ng bandang Soul Magnificent. Isa ang banda nila Fifth na magpe-perform sa isang battle of the band na gaganapin sa Marikina sports center. Kung saan ay imbitado ring mag-perform ang mga sikat na banda katulad ng Itchyworms at Silent Sanctuary. At bilang kanilang final rehearsal ay naroon ang presensya ni Rosette kasama ang mga kaibigan nitong sina Czarina, Julianna at Mikaela upang ipakita ang suporta sa kanila. "Ang galing-galing n'yo na! Solid!" masayang sabi pa ng kaniyang nobya. Kaya naman nang matapos ang kanta ay sandali niyang iniwan ang gitara upang bigyan ito ng isang mahigpit na yakap. Hindi naman naiwasang magpakita ng kilig ng mga kaibigan ni Rosette. At nang humiwalay sila pareho sa yakap ay sinabi niya ang mga katagang, "Thank you, love. Kahit wala ka na sa banda ay todo support ka pa rin sa amin!" "Oo naman, nakakalungkot lang kasi, magkasama sana dapat tayong inaabot ang pangarap natin s