"KAILAN ka pa nanliligaw sa anak ko?" Tila nagpantig pa ang tainga ni Rosette sa sumunod na katanungang iyon ng ina. Habang nanatili namang magkahawak ang kamay nilang dalawa ni Fifth.
For some reason, iyon ang pinakakinatatakutan niyang mangyari. Lalo na't batid niya sa sarili na ang kaniyang ina ang unang tututol sa courting stage nilang dalawa.Nanatiling tahimik ang buong kabahayan hanggang sa hindi niya muling inaasahan ang isasagot ni Fifth, "Ahm, actually po, ngayon pa lang sana ako pormal na magpapaalam sa'yo tita. P'wede bang ligawan ko si Rosette?" Sandali pa siyang nilingon ng binata.At kusang kumalas ang kamay ni Fifth sa kamay niya nang sabihin ng ina ang mga katagang, "Hindi!" Sandali pa ulit silang nagkatinginan ni Fifth. "Pero kung susundin mo ang isa kong kondisyon, baka ngayon pa lang ay pumayag na ako."Tila nabuhayan ng pag-asa si Fifth, kaya naman kusang lumabas ang matamis na ngiti nito. "Ano po 'yon, tita?"Nais niya nang humanga sa pagiging matapang ni Fifth na pagsagot sa katanungan ng ina. Pero dahil ayaw din naman niyang ipakitang kinakabahan siya ay mas pinili niya na lang na makinig sa sasabihin ng ina. "Gusto kong sa akin muna dadaan kung may usapan kayo na lalabas dalawa. Nagkakaintindihan ba tayo?""Nay naman, kailangan po ba talaga 'yon?" Sinikap niyang suwayin ang naging kondisyon ng ina.Doo' y nakita niya agad ang salubong na kilay ng ina bilang tanda nang hindi pagsang-ayon nito. Magsasalita pa lang sana ito nang marinig ulit nila ang boses ni Fifth." Okay, tita. No problem po. Ahm, nabanggit nga po pala sa akin ni Rosette na may pwesto raw po kayo sa palengke. 'Di bale, tita, I will find you po whenever we have a date together." Pasimple pa itong kumindat sa kaniya.Kaya naman hindi maiwasang mapaawang ng labi niya sa pagiging presko nito sa pagsagot sa mga katanungan.Kalaunan nga'y mas naging komportable pa si Fifth na kausap si Aleng Rosalinda, ang kaniyang ina. Bagay na hindi niya inaasahang mangyayari sa araw na iyon.Simula kasi nang mamatay ang kaniyang ama ay bihira niya na lamang makitang ngumiti ang kaniyang ina. Madalas pa nga itong nakabulyaw sa tuwing nadadatnang makalat ang bahay. Nauunawaan niya naman na dahil iyon sa pagod. At madalas pa nga, hindi sila sabay-sabay na kumakain sa almusal, tanghalian at hapunan. Pero bakit tila sa isang iglap ay binago ni Fifth ang takbo ng buhay nila?Katulad ngayon na salu-salo silang kumakain sa lamesa. "Napakasarap mo naman pa lang magluto, tita! Parang dito ko na lang po gugustuhing kumain palagi!" pahapyaw na pambobola pa ni Fifth.Kaya naman pasimple niya itong tinapik sa braso. Habang nakita niya naman na tila siyang-siya pa ang kaniyang ina sa sinabi ng binata. "Ikaw naman, binobola mo pa ako, e. Ah, ayos lang naman, Fifth kung dito ka madalas na kakain, pero asahan mong hindi palagi ganito kasarap ang ulam na nakahain sa lamesa, hah?""Ay! Kahit anong ulam pa 'yan, kakainin ko po, tita! Basta luto mo po!"Dinig na dinig pa niya ang malakas na pagtawa ng ina habang pasimple naman siyang tinutukso ng kaniyang dalawang nakababatang kapatid na sina Roselle at Rowel. "Uy, si ate! Tahimik lang pero kinikilig!" wika ni Roselle. Mga apat na taon ang tanda niya rito at dalawang taon na lang aypapasok na ito sa kolehiyo. Habang dalawang taon naman ang tanda nito kay Rowel, bilang bunso sa kanilang magkakapatid, at ngayon ay graduating na rin ng elementary."Mamaya lang ay tatalon-talon pa 'yan sa k'warto habang kausap si Kuya Fifth!" dagdag pa ni Rowel.Kaya naman hindi niya maiwasang pandilatan ng mga mata ang dalawa. "Hoy,' wag nga kayong maingay. At saka, kailan mo ako nakitang tumatalon sa kilig, hah? Bunso?" giit pa niya. At sakto namang hindi iyon naiwasang marinig ni Fifth."Totoo ba' yon, Sette?""Naku, si ate! Dide-deny pa, e!" natatawang wikang muli ni Roselle."Hoy, kayo, Roselle at Rowel, masyado pa kayong bata para gawing topic ang mga ganiyang bagay," pagsaway ng kanilang ina, dahilan para bumalik na sa pagkain sina Roselle at Rowel.Ngunit hindi naman nagpapigil si Roselle sa pangangatwiran. "Bata pa ba ako? E, nireregla na kayo ako, nay!" Agad niyang tinakpan ang walang prenong bibig ni Roselle. Nais niya kasi na maging conservative ito sa mga binibitawang salita lalo na't nasa third year high school na ito.Samantala'y hindi na lamang maiwasang magpatay malisya ni Fifth sa narinig habang tatawa-tawa naman ang bunso niyang kapatid na si Rowel.Sa paglipas pa ng mga araw ay maayos namang tumupad si Fifth sa naging kasunduan nito ng kanilang ina. Kahit medyo malayo ang Makati sa Marikina ay bumabiyahe ito ng maaga para lang makadaan sa pwesto nila sa palengke, at upang ipagpaalam siya na makasamang kumain sa labas. Kaya naman hindi inaasahang madadatnan siya nitong pa-out pa lamang sa trabaho.Buong akala pa niya ay oorder lamang ito nang makakain, iyon pala ay para rin pasimple siyang makausap."Hi, hintayin kita sa may parking, hah?"Hindi niya maiwasang matigilan habang tinititigan ang maamong mukha nito.Bagay na hindi naiwasang pagmulan ng tukso ng kaniyang dalawang kaibigan sa trabaho na sina Julianna at Mikaela habang naglalakad na palabas si Fifth. "Uy, bakla, boyfriend mo? Ang g'wapo, hah?"Hindi niya maiwasang mapakagat labi sa pasimpleng katanungan ni Julianna. Subalit hindi pa man siya nakasasagot ay bumanat din naman ng panunukso si Mikaela. "Ikaw, hah? Hindi mo naman nasabi sa amin na may mayaman at g'wapo ka pa lang boyfriend!"Malaki na sana ang ngiti ng dalawa subalit pinutol niya ang sandaling kasiyahan iyon nang dahil sa sinabi niya, "Ano bang sinasabi n'yo? Hindi ko siya boyfriend. Ahm, m-manliligaw pa lang."Napahalukipkip naman ang dalawa. "Sus! E, doon din naman papunta 'yon, e. Pero teka, may pag-asa ba, bakla?" pang-uusisa pa ni Julianna.Bagay na nagawa niya na lamang ngiwian habang nagtatanggal na rin siya ng apron at cap. Saka dumiretso sa may locker room bago pa man siya magpaalam nang umuwi sa kanilang manager.Without any notice of the time left before her call time from school. At nang madatnan niya na naghihintay sa may parking area si Fifth ay segundo pa ang lumipas bago pa siya magdesisyon na umangkas sa Suzuki nitong motorsiklo."Hold me tighter, Sette," pagpapaalala pa nito. Bagay na hindi niya maiwasang ika-ilang.Given the fact that she was secretly smiling. And it was really touch her heart whenever he gave her a caring words."Bakit nga pala napaaga ang pagsundo mo? Mamaya pa naman ang out ko sa school, e," pag-iiba niya ng usapan.Doon nama'y hindi siya binigong sagutin ni Fifth. "Of course, I wanted to see you. In fact, nagkaayaan muli ang tropa na kumain sa paborito naming kainan ditong resto, so dinaanan na rin kita."Napatango naman siya sa mahabang sinabi nito. "E, alam ba 'to ni nanay?"Nakita niya ang pahapyaw na paglingon nito sa kaniya mula sa side mirror. "Oo naman. At siyempre, ipinagpaalam na rin kita na makasamang mag-roadtriplater."Biglang napakunot ang noo niya. "Sandali-- roadtrip? As in, rides?""Oo, I guess, it's about time para makilala mo rin personally ang mga circle of friends ko. The same goes with me no'ng maging parte ako ng banda n'yo." Hindi niya maiwasang mapahalupkip.It was on the first week of December at ramdam na ramdam niya na ang lamig ng panahon. Kaya hindi niya maiwasang mag-alala na baka mas lamigin siya sa biyahe. "O, bakit bigla kang natahimik? Hindi ka ba willing na sumama kasi kung hindi I will cancel--""Ahm, wala kasi akong baong jacket, e. Baka lamigin ako sa biyahe?" hindi siguradong aniya.At doo'y hindi niya inaasahan ang malakas na paghagikhik nito. "Don't you worry, Sette, ako ang bahala sa'yo. Basta sumama ka lang." Pasimple pa nitong pinisil ang kamay niyang nakakapit sa bewang nito at ewan ba niya kung bakit tila nakararamdam siya ng kuryente sa kaniyang katawan.Ilang minuto lang ang lumipas ay hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa may Marikina State College. At doo'y hindi niya inaasahan na masusundan pa ang kanilang masayang pag-uusap."Nga pala, 'wag mong kalimutang kainin' tong binili kong food for you. Ikaw kasi, napakasipag mo, e. Parang nakakalimutan mo na tuloy kumain. Tingnan mo ang pisngi mo, o, pumapayat na," may halo pang biro na sabi nito.Kapagkuwa'y doon niya lang napagtanto ang paglapat ng palad nito sa kaniyang pisngi. Dahil kinurot lang naman nito ang magkabila niyang pisngi. Few seconds has passed before he used to speak again. "Ito naman, masyadong sineryoso! Biro lang!" natatawang sabi pa nito.Hindi niya na lang tuloy naiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ito. Hanggang sa magkaroon na rin siya nang lakas ng loob na sabihing, "Alam mo, Fifth, sobrang nagpapasalamat ako sa'yo.""Bakit naman?""Kasi.. sa isang iglap, binago mo ang buhay ko. Para bang naging magaan na lang ang bawat problema sa tuwing kasama kita." Sinikap niyang lumihis ng tingin dahil batid niya na kusa nanv papatak ang luha sa kaniyang mga mata. "Hay, basta! Salamat. Hindi ko alam, kung ano ba talagang purpose ko sa buhay mo. E, isa lang naman akong band vocalist na sinungitan ka noong una."Hindi na lamang maiwasang matawa ni Fifth sa mga sinabi niya habang binabalikan nila ang unang pagkakataon na nagkakilala sila. "Parang kailan lang 'no? Parang allergic ka nga no'n sa akin tapos ngayon, parang ayaw mo na akong umalis sa tabi mo."Hindi maiwasang manlaki ng mga mata niya sa narinig. "Hoy!" Nais niyang iparamdam dito na hindi pa naman talaga siya tuluyang na-a-attached dito. Pero bakit parang umaayon ang puso niya sa sinabi nito?"O, sige na, mukhang kailangan mo nang pumasok sa first class mo. Take care and see you later.""Okay, ikaw din, see you."-Nang dahil sa kanilang naging huling usapan ni Fifth ay tila binalikan niya ang mga nangyari simula pa noong una. Natatandaan niyang hindi naging maganda ang kanilang unang pagkikita ngunit masasabi niyang isa iyon sa mga pangyayaring hindi niya malilimutan. Dahil kung hindi niya siguro nakita ang ganoong side ni Fifth, ay hindi niya makikita ang tunay na ugali nito.Sa kabila ng mabigat na responsibilidad na kinakaharap niya ay hindi niya inakalang mapapagaan ni Fifth ang kaniyang mga dinadalang problema.In fact, Rosette did not thought that it was easy to her mother to accept the reality of Fifth's courting. Sa isang iglap ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya nang naging maluwag na rin sa kaniya ang ina sa tuluyang pagpasok ni Fifth sa buhay niya. Marahil ay naiintindihan na nito na hindi lang basta sa mga sa school o sa trabaho tumatakbo ang buhay niya. For short, kailangan din niyang piliing maging masaya, especially her heart.Kaya nga mahirap na para sa kaniya ang maglihim pang muli sa ina, lalo na't batid niya naman na simula pa lang ay kapakanan lamang nilang magkakapatid ang iniisip nito.Pagkatapos nga ng klase niya ay natupad nga ang usapan nina Fifth, Samuel at iba pang ka-officemate nito na mag-rides sa Mckinley Hills. Malawak at safe kasi ang lugar na 'yon para sa roadtrip dahil mayroon din iyong mga pasyalan at p'wedeng maging lugar hintuan nila habang nagpapahinga. Doon niya rin nakilala sina Eunice, Andrew at Ryan. Kung saan ay angkas ng mga lalaking kaibigan ni Fifth ang mga girlfriend nito habang si Eunice naman ay nakaangkas sa boyfriend nitong nakilala lang online. At dahil nga wala siyang baong jacket ay ipinasuot na muna sa kaniya ni Fifth ang jacket nito bago pa man magsimula ang biyahe."E, paano ka pala?" nag-aalalang tanong niya.Subalit umiling lamang ito at ngumiti. "'Wag mo na akong isipin, what important is you."Hindi naman naiwasang marinig iyon ni Samuel kaya naman bumanat ito nang panunukso sa kanila. "Wow naman! Ang sabihin mo, Fifth, ngayon ka lang ulit may mai-aangkas na babae sa rides natin!""Tse! Shut up, Samuel!" ganting sagot pa ni Fifth kahit na medyo naiilang itong malaman niya ang totoo. Without thinking that Fifth is eager to find a woman, na mabibigyan nito ng anak. Dahil takot lamang nito na baka ma-expired ang semilya nito para makabuo pa ng anak.Out of nowhere ay natatawa na lamang si Fifth sa isiping iyon. Habang siya naman ay feel na feel suotin ang jacket ni Fifth. Aaminin niyang parang kayakap niya na rin ito ng mga sandaling iyon at hindi niya maiwasang mag-imagine kung gaano kaalagang boyfriend si Fifth."Rosette, 'wag kang mahihiyang makipag-usap sa amin, hah? Ganito lang talaga kami kapag magkakasama, biruan hanggang sa magkapikunan," pabirong sabi pa ni Samuel na higit niyang nakikilalang kaibigan ni Fifth kaysa sa iba.Nasundan pa nga ang masaya nilang kwentuhan hanggang sa magsimula na nga ang biyahe kung saan ay marami silang nakasasabay na malalaking sasakyan na lalong nagpapakaba sa kaniya. Papunta pa lamang sila ng Mckinley hills ng mga sandaling iyon. At doon sila nagkita-kita sa may BGC. Pamilyar naman siya sa lugar na iyon dahil na rin sa dami ng lugar na pinuntahan nila mula sa pagbabanda."Natatakot ka pa rin ba?" Hindi naiwasang maitanong ni Fifth sa kaniya."Ahm, o-oo, e," nauutal niyang sabi.At bago pa man siya muling kumapit dito ay muli itong nagpakilig sa kaniya, "Don't be scared, Sette. You'll be safe with me. " Sa kaniyang pagngiti ay hindi rin naiwasang mapangiti ng puso niya at sa pagkakataon na 'yon ay mas naging mahigpit ang pagkapit niya kay Fifth.SA KABILA nang paglalim ng gabi ay ang pananatiling masaya ng puso niya ng mga oras na iyon. Sadyang nakaka-relax ng feeling ang kanilang roadtrip at nasundan pa 'yon ng kwentuhan nang magpasya silang mag-stop over muna upang magpahinga sa biyahe. Sinabayan pa ng malakas na soundtrip ni Ryan habang humihithit ng yosi sina Fifth, Samuel, Andrew at ang boyfriend ni Eunice na si Zoren.Nag-usap-usap naman ang mga girlfriend nina Samuel, Andrew at Ryan na sina Cassandra, Eva at Ira. Habang doon naman siya nagawang kausapin nina Eunice."Hi, nice to meet you, Rosette, am I right?" Bahagya siyang napatango at napangiti. "Oo, salamat. And you are?" "Eunice," tipid nitong pagpapakilala at saka naman nito nagawang ipakilala sina Cassandra, Eva at Ira. "Ahm, si Cassandra nga pala, she's Samuel's girlfriend." "Hi," wika ni Cassandra habang kumakaway pa sa kaniya. Gayong kumaway din naman siya pabalik. "Of course, Meet Eva, Andrew's girlfriend." "Hello," wika naman ni Eva na nakangiti habang
SA NALALAPIT na kapaskuhan ay nagawang magsimba ni Rosette kasama ang kaniyang ina at dalawang kapatid na sina Roselle at Rowel, dahil iyon ang unang araw ng simbang gabi. Nakagawian na nila iyong gawin taon-taon. Kaya naman walang hiling si Rosette na hindi natupad dahil nakukompleto niya talaga ang simbang gabi. Hanggang sa sumapit ang huling araw ng simbang gabi. At sadyang hindi siya nagising sa kaniyang alarm. Mabuti na lamang at nagising ang kaniyang ina kung kaya't ginising siya nito, maging sina Roselle at Rowel. Kaya naman gahol na gahol na sila sa pagkilos para lang mahabol ang umpisa ng misa. E, nasanay na silang sila ang naghihintay sa pagdating ng pari hindi 'yung mauuna itong dumating."Ano ba naman 'yan, Rosette, kung kailan huling araw na ng simbang gabi ay saka ka naman hindi nagising. Ano ba kasing pinagpuyatan mo kagabi?" And the truth has going to exposed. Dahil ang totoo ay napuyat siya na kausap si Fifth kagabi mula sa kabilang linya."Pasensya na, nay, si Fift
AS THE NEW Year comes, ay hindi naman din nila namalayan ang mabilis na pagtakbo ng mga araw. Nasa kalagitnaan na ng Enero at nagbalik na naman si Rosette sa eskwela. Masyado na namang hectic ang schedule niya pagdating sa school, trabaho at pagbabanda. Pero kinakaya naman niyang hati-hatiin ang oras. Lalo na kapag rest day niya na dapat ay pahinga niya na lang ngunit inilalaan pa niya sa pagko-compose ng bagong kanta. "Hindi ko alam kung ano ang mayro'n ka, Bigla na lang, may nadama sa'yo sinta..Kahit na alam kong mayro'n kang iba,Patuloy na ako'y umaasa.. Kinanta niya iyon nang kinanta hanggang sa matapos-- tumugtog siya nang tumugtog hanggang sa huling tono ng kanta. At tila ba kakaibang kasiyahan ang namayani sa kaniya."Ayos!" Hindi niya naiwasang mapasigaw sa kasiyahan dahil sa wakas ay nakatapos siyang muli ng isang kanta. Aaminin niyang inspirasyon niya ngayon si Fifth kung kaya't mas madali na lang sa kaniya ang umisip ng liriko ng kanta.Hanggang sa hindi niya namalayan
NAALIMPUNGATAN si Rosette nang makita ang sarili na walang saplot at tanging puting kumot lamang ang bumabalot sa kaniyang katawan. Pero mas naalimpungatan siya nang makitang mahimbing na natutulog si Fifth sa tabi niya. Pinagmasdan pa niya ang paligid at sigurado siyang wala sila sa sariling bahay nito. Dahil mukhang private room ang silid na iyon.Nang sandaling iyon ay napasilip siyang muli sa sarili niyang katawan at napahalukipkip dahil doon pa lang ay batid na niyang may nangyari sa kanila ni Fifth."Naku! Hindi p'wede," napapailing na wika niya sa sarili. Wari ay bigla na lamang nasira ang pangarap niya sa isiping baka magbunga ang nangyari sa kanila ni Fifth. Naisip niya rin na kamumuhian siya ng ina kapag nabuntis siya. At naiinis siya dahil hindi niya man lang namalayan ang nangyari kagabi nang dahil sa kalasingan. Isabay pa ang pagtanaw niya nang pagiging mababa sa sarili. Sa sobrang pagkainis ay mabilis siyang tumayo. Nakita niyang nagkalat ang kanilang damit at underwear
MAGKASUNOD na tawag ang natanggap niya mula sa talent manager nila na si Ms. Savana at kay Jed na hindi niya inaasahang magri-reach out sa kaniya. Matapos kasi siyang kumbinsihin ni Ms. Savana na 'wag iwan ang banda ay mabilis nitong ibinalita sa mga kabanda ang naging desisyon niya. "Jed.""Tumawag sa akin si madam at nakiusap siya na kumbinsihin kitang 'wag tuluyang iwan ang banda. Dahil ba sa tampuhan natin, kaya mo naisip na umalis na lang sa banda?" May tonong pagtatampo sa boses nito. "Jed hindi--" "Hindi mo na kailangang mag-explain, Rosette. At kahit na ilang beses mong i-deny ay parang gano'n pa rin ang dating dahil batid din ng mga kabanda natin na hindi tayo okay." "Sinabi nang hindi, e!" napalakas sa tonong sabi niya. At doo'y hindi niya na napigilan ang sarili niyang luha na pumatak. "A-akala mo ba ay madali lang sa akin ang desisyon na 'to? Jed, bakit ko naman bibitiwan nang basta-basta ang pangarap ko? Aber?" "Malay ko ba sa'yo kung bakit biglang nagbago ang desisyo
THE DAYS have been passed quickly. At hindi niya namamalayan na mag-iisang linggo na simula nang magdesisyon siyang umalis sa banda. At simula no'n ay tila nawala na sa direksyon ang buhay niya. Mabuti na lamang at napagbubuntungan niya pa rin ng panahon ang paglalaro ng gitara sa tuwing may bakanteng oras sa school. Para na rin kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Katulad ngayon na hindi naman pumasok ang professor nila sa isang major subject kung kaya't nagpasya na muna siyang mapag-isa sa may teresita ng building. Kung saan ay natatanaw niya sa baba ang gymnasium.Kasalukuyan niyang tinutugtog ang bago niyang ikinompose na kanta nang bigla siyang nilapitan ni Czarina. "Wow! Iyan 'yong bago n'yong song na nag-viral online, hah? Mas maganda pala pakinggan sa personal!" Kahit na narinig niya nang malinaw ang mga sinabi ni Czarina ay tila nagbingi-bingihan siya sa sinabi nito. In fact, she just wanted to be alone. Pero dahil nanatili siyang tulala sa kawalan habang tumutugtog n
IT WAS on the fourteenth day of February or the most awaited day of people who are in love with each other-- Valentines day. Ngunit para kay Rosette ay tila normal na araw lamang. Lalo na't mahigit isang linggo na rin silang hindi nagkikita ni Fifth. Of course, Fifth was insisting, pero sinadya niya talagang hindi sila magtagpo everytime binabalak nito na ihatid siya pauwi o kahit ang bisitahin man lang siya sa bahay at workplace. All the reasons were covered with lies, pero hindi naging rason 'yon para basta na lamang siyang sukuan ni Fifth. And what surprised her, was the braviest side of him. Tipong walang anong dahilan ang makakapagpapigil dito. Luckily, hindi naman niya pinahahalata sa lahat na lihim siyang nasasaktan everytime na iniiwasan niyang makita si Fifth. Nakakapagtrabaho pa naman siya nang maayos, nakakapag-focus sa studies at higit sa lahat ay nakakapagtugtog pa siya kahit sa bahay lang. But, of course, hindi niya maitatanggi sa sarili na nami-miss niya na si Fifth. "
FIFTH only mistake is he would comfortably expect that there was something special between him and Rosette. The truth is, their feeling is not really mutual, in which he was willing to take a risk despite of any single chance that they deserve. Batid niya na kahit hindi nito aminin ay may nararamdaman na rin ito para sa kaniya, patunay na lamang ang gabing sinabi nitong gusto siya nito sa kabila nang kalasingan. Ang kaso lang, 'di tulad niya ay tila takot namang sumugal si Rosette sa pag-ibig, lalo na't posibleng sa isang iglap ay bigla na lamang gumuho ang mga pangarap nito kapag nagbunga nga ang isang gabi nilang pagkakamali. Na para sa kaniya ay isang bagay na hindi niya basta-basta malilimutan. Nadatnan siya nitong tahimik lamang habang nagyoyosi sa may cabin. Of course, there's nothing change with his expression but one thing was he really sure, that his heart is so happy to see her watching him."Hinanap kita kung saan-saan, akala ko ay iniwan mo na talaga ko," may lungkot sa to
MAHIGPIT NA yakap ang isinalubong ni Rosette nang makita niyang buhay na buhay si Fifth. Habang dinakip naman ng mga pulis si Eunice at ang mga kasabwat nito. Natumbok din ng police captain na si Aron Dominguez ang isang kasabwat na pulis ni Eunice kung kaya't agad itong nasibak sa pwesto. "Sandali! Hindi p'wedeng kami lang ang hulihin n'yo!" hinaing ni Eunice. At nang lumingon ito sa kaibigang si Cassandra ay mas hinigpitan naman ni Samuel ang paghawak sa asawa. "Kusang sumuko si Cassandra sa mga pulis, at saka wala naman talaga siyang kinalaman sa pagpapadukot mo kay Fifth, e, ikaw ang mastermind, Eunice at wala ng iba kasabay nang pagpapasunog mo sa shop nila!" matapang na pagkakasabi ni Samuel. "Cassandra, ano 'to? Laglagan? Ikaw malaya habang ako ay habang buhay na makukulong?" "Hindi ako katulad mo, Eunice na walang konsensya. Magkaibigan nga tayo pero hindi tayo pareho nang takbo ng utak," sagot ni Cassandra habang may bahid na kirot iyon sa kaniyang kalooban. Sa totoo lang
FEW YEARS LATER.. Sa sobrang dami nang nangyari sa nakalipas na anim na taon ay hindi namalayan nina Rosette at Fifth na malaki ang ipinagbago ng kanilang buhay. Malayong-malayo ito noong nagsisimula pa lamang silang magsama. Matapos ma-promote ni Fifth bilang sales supervisor sa kompanyang pinapasukan niya ay mas na-promote pa siya sa trabaho bilang isang regional manager. Kaya naman sakop na niya ang buong Region ng Calabarzon, dahilan para mas magpursige silang magsimula ng negosyo ni Fifth, kung saan ay isang phone accesories and repair shop ang kanilang naisipang itayong negosyo. Kaya naman naging magaan ang pagpasok ng pera sa kanilang pagsasama. Dahil dito ay nakabili na sila ng rent to own na bahay sa Batangas. Nakabili na rin sila ng four wheel na sasakyan, napagtapos niya na rin ng pag-aaral si Roselle kaya may magandang trabaho na rin ito habang ilang taon na lang ay graduating na rin ang bunso nilang kapatid na si Rowel at mismong si Roselle na ang nakatokang mgpatapos dit
"Mom, where the hell are you saying the most liable lawyer in the country? Kailangan ko ba talagang amagin dito bago mapiyansahan?" bulalas ni Eunice nang magawa itong bisitahin ng kaniyang ina. "I'm so sorry, my daughter, I did my best to find the most dedicated and liable lawyer but unfortunately, they would not willing to help you. No bail at masyadong mabigat ang kinakaharap mong kaso and you had no other options kundi ang pagbayaran ito ng ilang taon."Napasabunot sa sariling buhok si Eunice matapos na mabigo sa narinig. Ngunit, hindi naman siya papayag na gano'n-gano'n na lang ang kahahantungan niya. "Ano? But it was just an attempted homicide, not a frustrated one! Malaki ang pagkakaiba no'n. And you see, mom? Buhay na buhay si Fifth, hindi ba nila naisip na ako rin ang dahilan kung bakit buhay pa rin siya ngayon?" "I knew it, Eunice. But you have to accept na hindi lang iyon ang kasong isinampa nila laban sa'yo, kidnapping, theft and even fencing. My daughter, kahit bailable
AFTER SEVERAL months ay tuluyan na muling nakapaglakad si Fifth sa tulong ng kaniyang walk therapy session. At kasabay nang pagsisikap ni Rosette na balikan nila ang lahat ng kanilang alaala ay unti-unti na ngang bumalik ang kaniyang mga alaala.Sa kasalukuyan ay naibalik na rin sa pangangalaga niya ang kaniyang Suzuki Burgman na motorsiklo. Kung saan ay malaki ang pasasalamat niya sa Makati police station sa pag-iingat nito sa kaniyang pag-aari. Dahil dito ay nanaig sa kaniyang isipan na dapat lamang niyang kausapin sina Eunice at Zoren sa pagbabalak nito ng masama noon sa kaniyang motorsiklo. Gayundin sa pangingialam ni Eunice sa kaniyang sariling ipon na para sana ay sa kinabukasan nilang dalawa ni Rosette. Kahit papaano ay nawawala ang mga isipin niya magmula nang magpasya na rin siyang bumalik sa pagbabanda at ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng mga nangyari. Hindi niya lubos akalain na pareho lang pala silang nangulila ni Rosette, at nais niyang bumawi rito sa mga panahong nawal
ONE UNEXPECTED call from Fifth was approaching in the middle of the night. Buong akala ni Rosette ay namamalikmata lamang siya ngunit nang idilat niyang muli ang mga mata ay doon niya lang napatunayan na tumatawag nga ito. Walang paligoy-ligoy na sinagot niya ang tawag habang namumuhay ang kaba sa kaniya. "Hello?" pagbungad niyang sabi.It tooks ten seconds before she heard his voice. "Rosette." Tila ba kay sarap marinig iyon mula kay Fifth na sinasambit nito ang kaniyang pangalan."O? Akala ko, ayaw mo akong makausap," prangkang pagkakasabi niya ngunit sinigurado niyang hindi tataas ang tono ng kaniyang boses."Ang totoo niyan. I would like to apologize to you." Sandali siyang napaupo mula sa pagkakahiga. Kasalukuyan na kasi siyang nagpapahinga ng mga oras na 'yon habang nagluluto naman ng hapunan ang kaniyang ina. Hindi pa man siya nakakaimik ay nagawa na muli nitong magsalita, "Maraming na-i'kwento sa akin si mama about you, and I'm so sorry kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin tal
DUMATING ANG araw kung saan ay kailangan na ring magdesisyon ni Rosette. Aaminin niyang ilang araw niya rin itong pinag-isipan, matapos sumubok muli ni Levi na manligaw sa kaniya ay siyang pagbabalik naman ni Fifth sa kanilang buhay ni Baby Seven. At dahil doon ay napagtanto niya kung sino ang mas matimbang sa puso niya. "Levi, magkita tayo mamaya." Iyon ang mga tinipa niya sa screen ng kaniyang cellphone bago pa man muling magsimula ang araw niya sa trabaho.Matatandaang nakakailang puntos na rin si Levi simula nang magpatuloy ito sa panliligaw at minsan niya na ring kwinestyon ang kaniyang sarili sa tunay na nararamdaman niya sa binata."Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? As in-- final na?" paniniguro sa kaniya ni Julianna habang sabay silang kumakain no'ng lunch break. Silang dalawa lang ngayon ang magkasama dahil nataong day off ni Mikaela. Sinentro niya ng tingin si Julianna at sinabi, "Oo, Juls, sigurado ako." Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Julianna bag
NAGPATULOY ang recovery ni Fifth kasabay ng walk therapy niya. In fact, pinayagan naman na ng therapist si Fifth na sa bahay na lamang siya mag-ensayong maglakad-lakad lalo na't sadyang malayo ang distansya ng bahay ng magulang niya sa clinic. Wala rin naman kasing permanenteng resident address si Fifth sa ngayon kung kaya't hindi rin alam ng therapist nito kung paano makakapag-adjust sa oras. At para siguraduhin kung talagang may improvement na ba sa kaniyang paglalakad ay kinakailangan nilang lumuwas mag-ina sa Maynila. "It's good to know that he has been more improving since day one," wika ng physical therapist na si Mr. Dizon. Fifth was smiled. But for a second, he used to think of something, maybe because, it was still confusing to think what life he used to be before. Kahit na palaging sinasabi sa kaniya ng parents niya na mayroon siyang girlfriend ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit parang hindi iyon natatandaan ng puso niya. Siguro ay kinakailangan niya munang makit
HINDI NAGLAON ay nakarating sa kaalaman ng mga magulang ni Eunice ang nangyari sa kaniya."What the mess that you've done, Eunice?" singhal ng ama niya habang napupuno nang pagkadismaya ang mukha nito sa harapan niya. "Felipe, you don't have to say that to our daughter!" saway dito ng kaniyang ina na si Ezra. "At kinukunsinte mo pa talaga ang anak natin, hah?" ganting sagot ng kaniyang ama. Lulan na rin ng galit nito sa mga natuklasang pinaggagawa niya. Mula sa pagpapanggap na buntis ito at si Fifth mismo ang ama hanggang sa patong-patong na kasong kinakaharap nito. "Dad, mom, hindi n'yo kailangang mag-away, I know all my fault at pinagbabayaran ko na 'yon ngayon." "And you are proud of what you've done? Eunice, ang taas ng expectation namin sa'yo ng mommy mo. And do you think sa ginawa mo ay matutulungan ka pa naming makalaya? Even the most reliable attorney would not help you. Just because, matindi ang karampatang parusa ng mga ginawa mo!" Napahikbi si Eunice sa pamamagitan ng l
THE DAYS have been better approaching as the stars were starting to light again. Ngayong panatag na si Rosette na nasa piling na ng magulang nito si Fifth, ay umaasa siya isang araw na magbabalik ito sa buhay nila ni Baby Seven. "O, anak, mag-ingat ka sa pagpasok, hah?" "Opo, nay. Bye, anak!" Pinapak niya ng halik si Baby Seven at sa pagkakataon na 'yon ay tila mabigat sa kalooban niya na iwan ito. Ewan ba niya, nasanay lang siguro siya na palaging kapiling ang anak no'ng naka-maternity leave siya. Pero ngayon ay back to reality na talaga kung saan ay kinakailangan niyang maghanap buhay. Habang sakay ng tricycle ay sandali niyang pinag-isipan ang sinabi sa kaniya ni Jed. "Panahon na nga ba para bumalik ako sa pagbabanda? O baka naman may mas maganda pang oportunidad ang naghihintay sa akin sa musika?" tanong niya sa sarili. Naisip niya kasi na kung babalik siya pagbabanda ay hindi malabong awayin lang ulit siya ni Miriam, bagay na ayaw niya ulit mangyari. Saka niya naalala ang min