Share

Kabanata 7

Nag-isip si Hara ng ipapalusot. Ayaw niya ng offer sa kanya ni Gabriel. Heck, hindi siya bababa sa ganoong uri.

"Sir Gabriel..." nag dadalawang isip pa siya kung gagawin ito ngunit kalaunay ginawa na nga niya.

"May boyfriend po ako, Sir." Pagsisinungaling niya. Sino ba naman ang matinong babae ang papayag sa gusto ni Gabriel? Kahit naman gwapo ito at mayaman hinding hindi iyon papatulan ni Hara.

Ngunit kung iisiping mabuti, maganda ang offer sa kanya ni Gabriel at simula nang siya ay ipinanganak, hindi manlang siya nakaranas ng magagandang bagay kaya hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Isang CEO ang nag-aaya sa kanya ng kasal?

Napaisip siya kung sinusubukan lamang ba siya nito o kailangan niya talaga ng marriage partner sa kung anuman ang rason niya. Ngunit kahit anuman iyon wala siyang balak na pumatol sa inaalok ni Gabriel. Kaya siya nagsinungaling na may boyfriend na siya para matigil na si Gabriel sa mga werdong pinagsasabi.

Nang marinig ang mga salitang iyon mismo galing kay Hara naging tuwid ang linya ng mga labi nito at parang nawalan ng sigla ang kanyang mga mata.

"Really?"

"Bakit naman po ako magsisinungaling, Sir Gabriel?" Kinakabahang sabat ni Hara. Dahil alam niya sa sarili niyang nagsisinungaling talaga siya at mataas ang tyansa na mabubuking agad siya.

Bago pa man makapagsalita si Gabriel ay mabilis nang yumuko si Hara sa harap nito at malalim na huminga, "Hindi na po ako manggugulo Sir Gabriel gusto ko lang po makuha iyong kontrata."

Sa sandaling iyon ay gusto na talagang umalis ng dalaga sa presidential suite dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman nito kapag kaharap ang lalaking nakauna sa kanya.

"Yes." Malamig na sagot ni Gabriel at malamlam itong tumango at hindi na nagtagal pa roon. Sinabi niya na nasa sekretarya niya ang kontrata bago umalis at naiwang mag-isa ang kinakabahang dalaga.

Pagkaraan ng ilang sandali ay mabilis ring umalis doon si Hara dala na ang kontrata. Ayaw niyang seryosohin ang usapang iyon kaya inisip niya na lamang na isang imahinasyon iyon. Dahil sino naman ang matinong tao ang seseryoso sa ganoong usapan? Isang CEO na aayain siyang maging marriage partner?

'Gusto siyang pakasalan ni Gabriel Del Valle? CEO ng Del Valle Corporation?' mapaklang napatawa ni Hara sa isip.

Isang napakalaking kahibangan!

...

Nang matapos na makuha ang kontrata, hindi kaagad dumiretso si Hara kay Lana para sa paglipat bagkus ay pumunta ito kay Mr. Molina. Alam niyang mali ito ngunit wala na siyang ibang pagpipilian pa.

Matagal na siyang nakaantabay at marami na rin siyang hirap sa proyektong ito at hindi makatarungan kung bigla na lamang siyang sasabihan na umalis na sa trabaho!

Oo alam niya naman na bilang isang head na katulad ni Mr. Chen na hindi dapat mapahiya kagaya ng nangyari kagabi. Kahit man na napag-isipan at napagsalitaan ng masama si Hara ay kailangan pa rin itong humingi ng tawad para sa trabaho, para sa nanay niya.

Nang makitang papalapit na si Mr. Molina agad itong nagbaba ng tingin ngunit kalaunay naglakas loob itong makipag-usap.

"Ano ang kailangan mo, Hara?"

"Gusto ko pong humingi ng pasenya, sir Molina...Nang dahil po saakin ay nagalit kayo kahapon. Bumalik ako rito dahil naisip ko po talaga na ako ang mali, Sir" malumanay na ngumiti si Hara at naglakad papalpit kay Manager molina. "Pero noon pa nama'y responsible ukol sa proyektong iyon ng Larana Corporation. Nababahala po ako na magkaroon po ng problema ang proyetong ito dahil iyongi ibang detalye ay naipasa na kay ma'am Lana."

Napatigil si Hara at humugot pa ng kaonting lakas, "umaasa po ako Manager Molina na sana'y bigyan niyo po ako ng isa pang pagkakataon na patunayan ko kung gaano ako kagaling na empleyado."

Nagpakumbaba siya ng husto at nakipag-usap ng malumanay kay Mr. Molina gamit ang napaka tapat at malumanay niyang boses na mas magandang huwag siyang mag-desisyon ng padalos-dalos.

Sa makatutuhanan, iyong nangyari sa ORBIS ay nagbigay at nagtulak sa senior management upang labis na madismaya. Kung magkakaroon man ng problema sa RCV hindi ito magiging dahilan na mag-isang mapapaalis sa trabaho si Hara.

Nang matapos ang mahabang paninimbang ni Mr. Molina, agad niyang tinaasan ng kilay si Hara ay prente itong hinarap.

Hindi nagpakita ng anumang takot ang dalaga at nakipagtitigan din ito pabalik sa kanyang boss.

"Ang ibig mong sabihin, gusto mong mapasayo ang RCV project, Hara?" Nalilitong tanong niya

"Hindi ko ibibigay! Napakaganda ng RCV project at napakapulido! Tignan mo iyang kontrata. I have negotiated with other party so many time at sawakas tumaas din ang rangko. Sana ay ngayon, alam mo na kung ano ang mga sakripisyong nagawa para rito.

Napagpasyahang kunin ni Mr. Molina ang kontrata at tinignan ito maigi, oo nga mataas ito gaya ng nakasanayan.

Napaubo siya ng wala sa oras at ilang beses pa saka biglaang sumimangot, "Binigyan kita ng huling pagkakataon, Hara. Nakita mo naman kahapon kung gaano kapulido ang gustong trabaho ni Sir Gabriel, napaka strikto at kung paano niya kontrolin ang buong kompanya. Kapag nagkaroon na naman ng problema sa RCV, umalis ka na lang.

Nang nakuha ni Hara ang gusto niyang sagot dahil sa pagpayag ni Mr Molina ay nakahinga siya nang maluwag at nakaramdam ng ginhawa.

"Gagawin ko po ang best ko. Maraming salamat po, Mr. Molina."

Sa isang sulok ng , may isang matangkad na tinanggal saglit ang titig kay Hara upang sindihan ang namatay na sigarilyo. Hawak ng malamig niya kamay ang sigarilyo at may napakagwapong mukha

Si Nico iyon, ang nakatayo at nanunuod ng eksena ni Mr. Molina at Hara. Sobra siyang natawa sa nakita.

"Tss, tila may angking ganda ang babaeng iyon. Hindi na nakakapagtataka na ikaw na sobrang tayog ay naakit niya!Huwag kang mag-alala, Gabriel, ipagpaubaya mo na siya saakin. Hindi ko matatanggap na paglalaruan kalang ng isang kagaya niya."

Matalim siyang tinignan ni Gabriel nang tumingin si Nico Kay Hara na may halong pag-uyam at pagnanasa.

"Isang salita mo lang at sisiguraduhin kong ilalagay ko siya sa kama mo mamayang gabi at susundin lahat ng gusto mo!"

Naging mapakla ang mukha ni Gabriel nang marinig iyon at walang sinabing kahit anuman. Sila ay nagtatago sa madilm.

Nang maramdamang hindi pa rin sumasagot ang kaibigan ay mas lalong natuwang nakakaloko si Nico.

"Sa katulad niyang napakababang uri ng empleyado, hindi ko na kailangang na maglaan ng oras para doon, dahil magbabayad na lamang ako ng gagawa."

Hindi nagustuhan ni Gabriel ang sinabi ng kanyang assistant.

"Sa oras na may ginawa ka sa kanya or sinaktan siya, sisiguraduhin ko hindi kana kahit kailamam makakabaalik dito sa Pilipinas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status