Share

Kabanata 15

Author: eveinousss
last update Huling Na-update: 2024-11-08 21:55:19

Habang nasa daan ang sinasakyan nila Gabriel, ang kaibigan niyang si Nico ay tuloy-tuloy pa rin sa pag-kukwento tungkol sa samahan nilang tatlo nila ni Dana, gaya na lamang ng mga hindi makakalimutang bagay na kanilang ginawa noong sila ay bata pa lamang. Si Gabriel na abala sa kanyang ginagawa ay walang salitang lumabas sa kanyan bibig at tahimik lang sa kanilang buong byahe na parang wala itong naririnig sa kwento ng kaibigan.

Hindi nagtagal, nang makarating na sila sa entrance ng Dela Valle Corporation ay direstsong lumabas ng sasakyan ni Nico si Gabriel at dumretso kaagad siya sa private elevator nang hindi manlang nag-papaalam sa kaibigan. Siya ay nagmamadali at tila hindi talaga pinakinggan ang mga sinasabi ni Nico.

"Mr. Dela Valle, kailangan niyo pa po ba ng mga karagdagang lawyers para sa infringement lawsuit na isasampa niyo sa Naval Corporation?" Bungad sa kanya ng kanyang sekretarya at dala dala ang mga dokumentong ibibigay kay Gabriel. "Narinig ko po Mr. Dela Valle na ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 16

    Nang makita ni Helena ang pagod sa mukha ng kanyang anak ay malalim na lamang itong napabuntong hininga. "Pasensya anak, kasalanan ko ito. Nilagay kita sa napakahirap na sitwasyon!" Garalgal niyang paghingi ng tawad sa kanyang anak.Alam ni Helena na hindi niya dapat pangaralan o itatak sa utak ni Hara na maging takot at uwimas sa mga lalaki. Dahil sa paglipas ng panahon ay mag-aasawa din ito at ikakasal, ngunit takot lang talaga siya sa kahihinatnan ng anak. Natatakot siya na baka maguluhan ito at and masaktan na naman ang kanyang anak."Ano naman ngayon mama kung hinihila niyo ako sa ganitong sitwasyon? Ma, pagkatapos ng operasyon niyo, sabi ng doctor ay gagaling na kayo at makakabangon na kayo sa kamang ito at makakapaglakad nang muli! Kapag nangyari iyon ay kailangang lutuan mo ako ng dumplings, gusto kong kumain ng ganon na ikaw ang may gawa." Puno ng pag-asa na hayag ni Hara sa kanyang ina."Sige anak." At marahang tumango si Helena at kalaunan ay may naalala, "Yong nobyo mo p

    Huling Na-update : 2024-11-09
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 17

    Hindi namalayan ni Hara na wala na siyang suot na t-shirt at pajama, pati na rin ang kanyang bra at panty na ay napunta na kung saan. Sila ay nakarating sa sofa habang patuloy siyang pinanggigilan ni Gabriel mula sa mga halik na pinapatak nito sa kanyang leeg. "Okay." Garalgal niyang sagot kay Hara ngunit patuloy pa rin ito sa ginagawa.Hindi tuloy malaman ni Hara kung lasing nga ba ito o hindi. Dahil kapag lasing ito ay paniguradong bubuhatin siya kaagad ni Gabriel nang walang pakundangan papunta sa kanilang kwarto. Ngunit ngayon ay hindi siya lasing, naisip niya na parang batang bersyon ni Gabriel ang nakikita ngayon ni Hara sa binata dahil kita ang pag-aalala sa mukha nito. Kalamado rin ito at kakaiba ang kanyang ikinikilos. Malayong-malayo sa kilala niyang Gabriel ngayon.Ramdam ni Hara na parang nalasing siya sa mga halik ni Gabriel na para bang nahilo siya sa mga nakakaliyong halik ng binata. Matagal ang kanilang naging halikan sa sala na halos ang kanyang paningin ay umipsa

    Huling Na-update : 2024-11-09
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 18

    Nang gabing iyon ay tatlong oras lamang ang naging tulog ni Hara. Nang siya ay magising kinabukasan ay wala na sa tabi niya si Gabriel, malamang ay maaga na namann itong umalis.Lumabas na siya ng kusina upang mag-almusal, kumunot ang kanyang noo nang may nakita siyang mga pagkaing nakahain doon at mainit-init pa ang mga ito. May nakita rin siyang maliit na papel sa mesa.'Hara, I will be on business trip. Babablik ako sa susunod na linggo.' Mahina niyang basa sa iniwang note ni Gabriel. Napaka-pormal at lamig ng dating ng note na iyon para sa dalaga.Tahimik na pinagmasdan ni Hara ang mga pagkain sa kanyang harapan. Bumuntong hininga siya, hindi niya talaga maintindihan ang katauhan na ganito ni Gabriel, masyado siyang pribado, malamig ang pakikitungo at ibang-iba kapag nasa kompanya siya! Naguguluhan na siya minsan dahil laging ganto ng binata. Iba ang pakikitungo sa kanya sa labas at loob ng bahay na ito.Kapag nasa bahay silang dalawa ay napaka lambing nito kay Hara. Gaya na lama

    Huling Na-update : 2024-11-09
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 19

    Ang kanyang diretsahang pagpapaalala kay Hara ay naging dahilan upang magising siya sa ilusyong inaalagaan. Pagak siyang natawa sa isip, paano naman aaprobahan ni Gabriel ang application load na ginagwa niya? Dahil lang ba sa may nangyari na naman sa kanila kagabi ay sa tingin niya papayag na si Gabriel? Napaka ilusyunada naman niya dahil ganoon nga ang naisip niya.Dapat niya bang laging ipaalala sa knayang sarili kung ano ang estado at relasyon nilang dalawa? Usapang pera ito at walang feelings na kasama. Humugot siya ng malalim na buntong hininga."Wala na po Sir Dela Valle, pasensya po sa abala." Malamig niyang sagot at dali dali niyang pinatay ang tawag at hindi manlang hinintay ang sagot ni Gabriel. Naging mataas masyado ang kumpyansa niya sa kanyang sarili na naging isang malaking sampal sa kanyang mukhaHindi pa nakakabawi sa pangyayari ay agad na sumugod si Mr. Molina sa kanyang opisina nang malaman ang naging desisyon ng head office sa loan application ni Hara."Hindi ba sin

    Huling Na-update : 2024-11-09
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 20

    SubstituteParang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa utak ni Hara ang salitang iyon. Mapait siyang napangiti sa utak, hindi niya na kailangan pang mag-isip kung sino ang taong tinutukoy ni Gabriel sa kanyang sinabi. Walang iba kundi si Hara nga iyon, isang pamalit, isang panandalian lamang. Malamang ay pinapaliwanag niya sa kanyang kasintahan tungkol sa kanilang marriage certificate o sa nangyaring kasalan nila. Pakiramdam niya ay para siyang isang nakakatawang nilalang na nakatayo rito na nakatayo at pinipigilan ang dalawang taong nandirito. Pakiramdam niya ay isa siyang hadlang sa isang prinsipe at sa kanyang minamahal na prinsesa.Noon ay tila palaisipan kung bakit nga ba siya pinili ni Gabriel sa kasunduang ito ngunit nang makita niya ang babaeng nasa harapan niya ay nasagot lahat ng kanyang katanungan sa kanyang isipan. Napaka pulido pumili ni Gabriel!Walang duda kaya pala nasabi ni Gabriel na siya ang pinaka mainam na pamalit kay Dana! Kahit na hindi sila magkadugo

    Huling Na-update : 2024-11-09
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 21

    Kabado man ay napagdesisyunan ni Hara na sumakay ng taxi papunta sa Northwood nang matapos ang kanyang trabaho. Habang pinipindot ang password ng pinto ay may naramdaman siya na hindi tama. Paano kung may nangyayari pala saloob sa pagitan ni Gabriel at Dana? Nakakahiyang isipin kung totoo nga iyon! Kaya naman ay naisip niyang pindutin na lamang ang doorbell.Hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto at iniluwa noong ay si Gabriel na nakapagbihis na sa kanyang bussiness suit. Ang kanyang buhok na laging maayos ang pagkaka suklay ay medyo magulo ngayon. Nakita ni Hara kung gaano ito katangkad sa suot niyang pambahay na damit.Kanina lang ay ibang-iba ang estilo ng kanyang pananamit, na para bang isang business tycoon na napaka maimpluwensya dahil sa suot niyang fitted na black corporate suit. Ngunit ngayon ay para lang itong isang teenager at napaka presko sa paningin.Na para bang isa siyang sikat na basketball player na naglalaro sa loob ng court at para bang pagod at gusto nang bumali

    Huling Na-update : 2024-11-09
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 22

    "Hindi ako." Mabilis na pagtanggi ni Hara sa hinala ng kaibigan. "Nakwento ba ng kaibigan mo na magaling 'yong lalaki sa kama? Kapag maliit ang kanyang sukat at magaling siya sa kama, hayaan mo nalang!" Bulgarang hayag ni Sabby."Hindi daw." Wala sa sariling sumagot si Hara nang maisip ang sukat ni Gabriel, bukod sa malaki ay magaling din siya."Kinukwento ng kaibigan mo sa'yo ang tungkol doon?" Agad na nanlaki ang mga mata ni Sabby. Kapag ganitong usapan ang napaka intresado niya."Huwag mo nang isekreto pa, sino ba sa mga kaibigan mo?" Mas lalo niyang kyuryusong tanong.Agad na napabalik sa wisyo si Hara, "Oh, hindi mo siya kilala.Kaklase ko siya nang matagal na." Takot si Hara na may masabi pa siya ng kung ano, kaya naman ay mabilis niyang iniba ang usapan para tumigil na si Sabby."Siya nga pala, may appoinment ako ngayon sa person in charge sa Larana project. May gagawin ka ba ngayon?" Balak ni Hara na magpasama sa kanyang kaibigan.Agad na kinagat ni Sabby ang kanyang labi da

    Huling Na-update : 2024-11-10
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 23

    Nang makitang nasa harapan niya na si Gabriel ay ang kaninang buong lakas na pigil ni Hara para lang hindi mahimatay ngayon ay unti-unti nang nawala at bumigay na. Ang kanyang katawan ay walang pakundangang nagtiwala nang buo kay Gabriel kaya naman ay tuluyan siya nawalan ng malay sa mga bisig ng binata. Kahit kailanman ay hindi niya nakitang ganoon katalim ang mga tingin ni Gabriel at ang mga misteryosong mata nito ay walang makikitang kislap sa mga ito. Para bang nakakita si Hara ng namumuong yelo sa mga 'yon."Sir Dela Valle..." nakayukong sambit ni Mr. Alvarez at nanginginig ang kanyang buong katawan. Hindi aakalain ni Mr. Alvarez na makakagawa siya ng malaking kasalanan ngayong araw!"Ipagdasal mo na walang mangyayaring masama sa kanya." Ang mga salitang lumabas sa bibig ni Gabriel ay walang pagtaas o pagbaba ng kanyang boses, ngunit isang nakakakilabot at nakakapanindig balahibo kung papakinggan! Habang tinitignan ni Mr. Alvarez ang likod ni Gabriel na buhat- buhat si Hara p

    Huling Na-update : 2024-11-10

Pinakabagong kabanata

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 90

    Wala pa ring naging reaksyon si Hara sa mga narinig mula kay Gabriel. Dahil baka kinakausap lamang nito ang kanyang sarili. Nadala na si Hara sa pag-aassume mula sa binata at mali na umasa siya rito dahil kahit anong gawiin niya ay kay Dana pa rin uuwi si Gabriel.Agad siyang napatikhim nang may nabasa siyang 'noted' na chat ng kanyang mga kasamahan sa meeting room. Kaya naman ay nagchat din siya doon at isinend ito sa group room. Nakahinga siya nang maluwag nang makumpirmang hindi pala para sa kanya lang ang mga sinabi ni Gabriel. Tumagal ang meeting hanggang ala una ng madaling araw, kung saan ay inaantok na ang lahat maliban kay Gabriel, ang president host ng meeting. Ngunit na kahit sila ay inaantok na, walang may lakas ng loob na humikab o magpakita ng pagka-antok sa buong meeting. At nang sa wakas ay mag-anunsyo na ng summary ang sekretarya nito at opisyal nang tinapos ang meeting ay nakahinga nang maginhawa si Hara at papatayin sana ang kanyang camera para makapagligpit at

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 89

    Nakagawa ng detalied report si secretary Saez tungkol sa mga asensong nagawa ng NARO Corporation at nagsagawa rin ng malalim na research tungkol sa finance, mga gagawing proyekto at ang mga shareholders na nagbabago bago ng posisyon kada taon. Pinag-aralan din ni secretary Saez ang mga kasalukuyang technological development ng NARO.Sa kalagitnaan ng meeting ay biglaan niya na lamang narinig ang kanyang pangalan."Si Ms. Hareleigne Perez na galing sa investment banking department ay katatapos lamang magproposed ng proyekto tungkol sa mga makabagong kotse ng RVP Company. Napasa na rin iyon sa head office para ireview. Binasa ko na rin iyon at kapag totoo nga ang mga impormasyon, nasa linya ito ng mga kakailanganin natin." Pormal na pagbabalita ng investment director na may importanteng posisyon sa Dela Valle Coporation. Mula sa likod ng camera ay marahan namang tumango si Gabriel at itinaas pa ang kilay, "secretary Saez, pag-aralan mo ng mabuti aang tungkol diyaan." Malamig niyang u

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 88

    Nang makauwi na si Hara sa bahay ni Sabby ay nagmamadali na itong pumasok at wala na rin siyang oras para manlang uminom ng kahit kaonting tubig. Agad niyang inayos ang mga materials na gagamitin para sa meeting. At dahil nga may bagong task na naman ang natoka sa kanya tungkol sa NARO Corporation para sa kanya ay biglaang desisyon iyon ng head office. Dahil bago lamang sa kanya ang proyekto ay mababaw pa lamang ang kanyang pag-iintindi ukol rito, kaya naman ay kakailanganin niya talaga na makinig nang mabuti sa dadaluhang meeting mamaya-maya. Nang matapos na ihanda at ayusin ang lahat ng gagamitin sa meeting ay naisip niyang maupo na sa kanyang upuan at nag-umpisa na ring buhayin ang computer. Tuluyan nang nakapasok si Hara sa meeting interface ng kompanya. Kita mula sa kanyang screen title ng meeting at oras nito.20:00 Channel One Technology Development Project Meeting. Main Meeting Person: Gabriel Dela ValleHabang pinagmamasdan ni Hara ang mga letrang nasa screen ng kanyang c

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 87

    Sa oras na dadalo siya sa remote video conference ay makikita niya si Gabriel. Sa mga oras na iyon ay hindi maipaliwanag ni Hara ang kanyang halo-halong nararamdaman. Nagpipigil siya ng hininga at hindi niya alam kung ibubugha niya ba iyon.Napakagat siya ng labi dahil may ideyang naglalaro sa kanyang isipan. Gusto niyang magpalusot at gumawa ng paraan para hindi siya dadalo mamaya sa meeting. Ngunit nang maisip niya ay bakit nga ba siya iiwas? Bakit nga ba hindi siya dadalo? Kung tutuusin kahit anu naman ang kanyang gawin ay may desisyon na si Gabriel. Dalawa lang naman iyan, kung hindi ite-terminate ni Gabriel ang kontrata ay baka kausapin niya ang dalaga tungkol sa ibang bagay. Magkikita at magkikita pa rin silang dalawa kaya wala ring saysay kung iiwas pa si Hara. Tuluyan na ring iniwan ni secretary Saez si Hara matapos nitong ibilin ang iilang gagawin sa magaganap na meeting. Kaya naman ay naging dahilan iyon kung bakit buong maghapon na nag-iisip si Hara kaya naman nang sumapi

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 86

    Halos sumapit na ang hapon nang pakawalan ni Hara ang keyboard mula sa kanyang mga daliri at kumuha ng pagkakataon taon para huminga nang malalim at mag-relax. Nang may maisip ay wala sa sarili niyang tinignan ang kanyang cellphone na nasa tabi lamang. Naglalaban pa ang kanyang mga ideya sa isip ngunit mas nanaig pa rin ang pagkuha niya rito para tignan ang kanyang messenger kung may nagchat ba sa kanya. Agad na nanlumo ang kanyang mga tuhod nang makitang wala pa ring message si Gabriel sa kanya. Kita iyon kaagad dahil pangatlo ang pangalan nito sa kanyang messenger. Hindi rin niya makita kung active nga ba si Gabriel dahil naka-off active status naman ito. Ngunit kahit na alam pa ni Hara kung online ito ay ano naman ang kanyang sasabihin kay Gabriel? Sa huli ay mauubusan din siya ng sasabihin, na para bang nawawala siya kapag alam niyang nasa kanya lamang ang atensyon ng binata.Pinilig niya ang kanyang ulo at tumingin sa kawalan. Makalipas ang ilang segundo ay may narinig siya ng

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 85

    Nang matapos ang dinner ay agad namang inihatid ni Axel sina Hara at Sabby. Siniguro din niyang naka-lock ang pinto ng bahay ni Sabby bago siya tuluyang nagmaneho paalis.Sa sobrang pagod na naramdaman ni Hara sa araw na iyon ay nagshower na lamang ito at tuluyan na ring humilata sa kama. Sa gabing iyon ay hindi siya mapakali habang natutulog at kinailangan niya pang bumaluktot sa kama na parang hipon. Hindi pa sapat ang posisyong iyon ay mahigpit rin ang pagyakap niya sa kumot gamit ang dalawa niyang kamay. Marahil ay marami siyang iniisip na bagay kaya ganoon na lamang ang tindi ng kanyang insomnia.....Kinaumagahan ay nagising na lamang si Hara dahil sa tunog ng kanyang alarm clock. Nang iminulat niya ang kanyang mata ay nakita niyang hindi na pamilyar ang kisame na kanyang tinitingala. Matagal pa bago naproseso sa kanyang isip na nakatira na pala siya sa bahay ni Sabby at hindi na sa bahay ni Gabriel. Dahil kagustuhang makalimot sa mga bagay bagay ay agad siyang tumayo para ma

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 84

    Ibabalik na sana ni Axel ang pera ngunit agad namang kinuha iyon ni Sabby at ipinatong mismo sa kamay ng kanyang pinsan. "Sige.Kukunin na ni kuya Axel." Nakangiting sambit nito."Ano?" Parang nag-rereklamong reaksyon ni Axel.Nang makitang nakuha na ni Axel ang pera ay agad na napangiti si Hara at tumayo dala-dala ang kanyang cellphone. "Pupunta lang ako saglit sa bathroom. Kumain na kayo muna." Kaya naman nang makaalis si Hara ay dali-daling napatingin si Axel sa bumbon na perang hawak niya at nwalang nagawang napasimangot na lamang. "Ano namang ibig sabihin kapag tinanggap ko ang perang ito?" Nagugulugan niyang tanong sa pinsan."Hindi mo kasi naiintindihan si Hara! Napaka maingat niyang tao sa lahat ng kanyang mga ginagawa. Gusto niya na kalkulado nang malinaw ang lahat ng bagay. Kaya kung gusto mong mapangasawa siya pagdating ng panahon, huwag kang padalos-dalos." Dahil kahit na si Sabby ay walang magawa sa ugaling nakasanayan ng kaibigan. Sa loob ng maraming taong nakasama niy

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 83

    Parang tinarakan ng punyal ang puso ni Gabriel nang marinig ang masasakit na salita galing kay Nico. Totoo nga namang mula noong araw na siya ay maaksidente hanggang sa kasalukuyan niyang sitwasyon ay wala ni isang chat o message siyang natanggap galing kay Hara.Ayaw man niyang pakinggan o paniwalaan ang sinasabi ng kaibigan ngunit lahat ng mga parating nito kay Hara ay napuputa sa katotohanan at si Gabriel lang ang may ayaw na tumanggap ng mga ito."Wake up Gabriel, mayroon pang mas karapat-dapat na nasa paligid mo lamang. Iyong taong may pakialam man lang sayo." At halos gusto nang banggitin ni Nico ang pangalan ni Dana nang prangkahan ngunit nakapagpigil din siya.Imbes na makinig sa sinabi ng kaibigan ay napakislot lamang ng labi si Gabriel at walang sinabi ng kahit anuman. Lumipad ang kanyang tingin sa screen ng kanyang cellphone nang mahabang sandali. Kahit gaano pa ang pagpapaliwanag sa kanya ng katotohanan ay may nanatili pa ring pag-asa sa kanyang puso na hindi ganoon si Ha

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 82

    "Hindi ako papayag! Dapat dito kana tumira sa bahay ko!" Maktol ni Sabby at lumabi pa ito na parang magrereklamo na. Tipid lamang na napangiti si Hara dahil sa kakulitan ng kaibigan. Habang si Axel naman ay napadako ang titig sa namumulang pisngi ni Hara. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa itsura noon."Hara, iyong pisngi mo." Nag-aalala niyang sambit.Nang marinig iyon ni Sabby ay dali-dali rin siyang napatingin sa pisngi ng kaibigan at nanlaki ang mga mata nito sa nakita."Oh my goshh! Anong nangyari sayo? Sinampal ka na naman ba ni tita Helena?!" Gulantang na tanong ni Sabby at pilit na hinarap sa kanya ang mukha ng kaibigan.Mariin namang umiling si Hara sa akusasyon ni Sabby. "Hindi. Hindi. Ako ang nakatama sa mukha ko." Pagsisinungaling ni Hara at tinakpan niya ang sugat sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay. Nahihiya siyang tumingin sa mga ito dahil halata rin naman na hindi siya nagsasabi ng totoo. Kaya naman ay sisitahin pa sana ito ni Sabby na nagsisinungaling ngunit a

DMCA.com Protection Status