"Hindi ako." Mabilis na pagtanggi ni Hara sa hinala ng kaibigan. "Nakwento ba ng kaibigan mo na magaling 'yong lalaki sa kama? Kapag maliit ang kanyang sukat at magaling siya sa kama, hayaan mo nalang!" Bulgarang hayag ni Sabby."Hindi daw." Wala sa sariling sumagot si Hara nang maisip ang sukat ni Gabriel, bukod sa malaki ay magaling din siya."Kinukwento ng kaibigan mo sa'yo ang tungkol doon?" Agad na nanlaki ang mga mata ni Sabby. Kapag ganitong usapan ang napaka intresado niya."Huwag mo nang isekreto pa, sino ba sa mga kaibigan mo?" Mas lalo niyang kyuryusong tanong.Agad na napabalik sa wisyo si Hara, "Oh, hindi mo siya kilala.Kaklase ko siya nang matagal na." Takot si Hara na may masabi pa siya ng kung ano, kaya naman ay mabilis niyang iniba ang usapan para tumigil na si Sabby."Siya nga pala, may appoinment ako ngayon sa person in charge sa Larana project. May gagawin ka ba ngayon?" Balak ni Hara na magpasama sa kanyang kaibigan.Agad na kinagat ni Sabby ang kanyang labi da
Nang makitang nasa harapan niya na si Gabriel ay ang kaninang buong lakas na pigil ni Hara para lang hindi mahimatay ngayon ay unti-unti nang nawala at bumigay na. Ang kanyang katawan ay walang pakundangang nagtiwala nang buo kay Gabriel kaya naman ay tuluyan siya nawalan ng malay sa mga bisig ng binata. Kahit kailanman ay hindi niya nakitang ganoon katalim ang mga tingin ni Gabriel at ang mga misteryosong mata nito ay walang makikitang kislap sa mga ito. Para bang nakakita si Hara ng namumuong yelo sa mga 'yon."Sir Dela Valle..." nakayukong sambit ni Mr. Alvarez at nanginginig ang kanyang buong katawan. Hindi aakalain ni Mr. Alvarez na makakagawa siya ng malaking kasalanan ngayong araw!"Ipagdasal mo na walang mangyayaring masama sa kanya." Ang mga salitang lumabas sa bibig ni Gabriel ay walang pagtaas o pagbaba ng kanyang boses, ngunit isang nakakakilabot at nakakapanindig balahibo kung papakinggan! Habang tinitignan ni Mr. Alvarez ang likod ni Gabriel na buhat- buhat si Hara p
Alam ni Hara na dapat niyang ipaalala kay Gabriel ngayon ang tungkol sa kasintahan nito at dapat ay hindi na siya tawagin pa ni Gabriel na pumunta sa kanyang bahay sa Northwood. Dahil mali iyon, may nobya siya at ang nobya niya dapat ang umuuwi doon.Ngunit nang buksan niya ang kanyang bibig para magsalita, ay walang tunog ang lumabas doon.Kahit sa huling pagkakataon ay gusto niyang sundin ang ninanais ng kanyang sarili, kahit ngayon lamang. Ngunit ang kagustuhang makasama ang lalaking inaasam niya ay may sinisintang iba."Okay, umuwi na tayo." Mahina niyang pagpayag sa alok ni Gabriel. Kahit ngayon lang ay pagbibigyan niya ang kanyang sariling kagustuhan...Siguro ay masyadong pagod si Gabriel noong nakaraang araw, dahil hindi manlang siya nagising ng ala sais ng umaga sa unang pagkakataon. Nang iminulat ni Hara ang kanyang mga mata ay nakita niyang mahimbing pa ring natutulog ang lalaki sa kanyang tabi.Ang isang braso ni Gabriel ay parang ahas na nakapulupot sa maliit na bewang n
"Oo naman." Hindi itinago ni Hara labis na kagustuhan ukol doon. Ang insidente ay nangyari sa RCVP ng group 3 ngayong taon. Sa totoo lang ay malaki ang naging epekto nito saaming year-end bonus, ito rin ang oportunidad na nais kong makamit." Pagpapaliwanag niya kay Gabriel. Kaya naman ay gagawin niya lahat para matapos na ang issue sa Larana project.Kung ma-aaprobahan ang Larana project ay magiging ligtas ang group 3 mula sa pagkaalis sa trabaho, at si Mr. Molina ay labis na sasaya kung mangyayari iyon at magkakaroon din siya ng panahon sa kanyang sarili at mabibili niya ang mga bagay na gusto niya!Habang nagsasalita si Hara ay matagal siyang tinitigan ni Gabriel at kalaunay gumalaw ang kanyang manipis na labi para magsalita."Nagpaplano ang head office na ilipat ang iilang empleyado sa grupo niyo papuntang finance department." Pagbabalita sa kanya ni Gabriel."Pwede ba ako diyaan?" Diretsahang tanong ni Hara. Dahil gusto niya talagang malipat doon, malaki rin ang pasahod."Siguro,
Dati, akala ni Nico ay batoi itong si Gabriel, na para bang sing tigas ng isang monghe na umakyat sa kabundukan at walang kahit anong pagnanasa sa katawan. Wala siyang pakialam sa babae kahit isa man siyang diyosa, artista o modelo.Ngayon ay alam talaga ni Nico na hindi malokong lalaki ang kaibigan niya. Ngunit ngayon ay kakaiba ang kanyang ikinikilos. Dati naman ay wala siyang ginagawang paraan para makuha ang loob ng isang babae.Naalala niya noong may appointment si Gabriel na kailangan niyang kitain ang person in charge ay isinama niya si Nico. Na kapag napag-usapan daw na may kausap siyang babae ay sasabihing puro tungkol sa trabaho lamang ang ginawa at wala ng iba pa.Iyon siya, iyon ang ugali ni Gabriel pagdating sa mga babae."Busy ka ba?" Malamig na tanong ni Gabriel sa makulit na kaibigan. Ngunit hindi manlang pinatulan o pinansin ni Gabriel ang mga pang-aasar at chismis nito sa kanya dahil nasa trabaho lagi ang kanyang isip.Ilang beses na ngumuso si Nico at kalaunay nil
Sa katunayan ay nandidiri sa Hara sa ideyang pamalit lang siya kaya naman ay hindi niya pinakinggan si Gabriel at nagpanggap na wala itong narinig.Nang makarating sila sa hospital ay agad niyang kinuha ang bag niya at magpapaalam na sana kay Gabriel ngunit biglang nitong pinigilan ang palapulsuhan ng dalaga."Sandali. I'll go with you." Hayag ni Gabriel. Sasama siya para kitain ang ina ni Hara? Agad siyang umiling, "Hindi na kailangan pa, masasayang lang ang oras mo. Medyo ayos na rin naman si mama ngayon!" Gusto niyang huwag nalang sumama si Gabriel.Habang siya ay nagsasalita ay nakatayo na si Gabriel sa kanyang harapan bitbit ang bulaklak at regalo na galing sa backseat ng kanyang kotse."Let's go." Matigas na sambit ni Gabriel kaya wala nang nagawa si Hara. Lalo pa at may dala-dala itong pasalubong. Para pala sa mama niya ang mga iyon, akala niya ay makikipag-date si Gabriel kay Dana. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil kung anu-ano pa ang mga tinanong niya kanina, sobrang naka
Hindi aakalain ni Hara na maaapektuhan sa ganitong bagay si Gabriel.Malamyos na ngumiti si Hara sa binata, "Sir Gabriel, hindi niyo po kilala ang mama ko. Masyado siyang konserbatibo and kahit kailanman ay hindi niya matatanggap ang tungkol sa ginawa nating dalawa. Nababahala po ako na baka ay magalit siya kapag nalaman niya ang bagay na iyon, kaya miinabuti ko pong huwag na lamang sabihin ang totoo sa kanya." Mahabang paliwanag niya at ang lahat ng iyon ay totoo."Plano mo bang makipag-ayos sa boyfriend mo kapag natapos na ang kontrata nating dalawa?" Malamig na tanong ni Gabriel sa kanya.Napaka diretsahan ng kanyang tanong at halos manlisik ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Hara na hindi makasagot sa tanong nito. Iniisip ng dalaga kung paano na naman siya gagawa ng kwento tungkol sa kanyang imaginary boyfriend.Kung alam niya lang sana ng mas maaga ay hindi na lang sana siya nagsinungaling at nag-imbento ng kwentong madali rin naman siyang mabubuking. Ngayon ay par
Para hindi na matagalan pa ay mas pinili niya na lamang magsuot ng simpleng damit at tinernohan ng pajama saka agarang lumabas na.Nasa isip niya ay, kapag maihahatid niya si Gabriel sa Northwood ay makakabalik siya kaagad pauwi sa kanyang apartment. Agad siyang pumara ng taxi papuntang Naga Airport, nang makarating doon ay nakita niya ang itim na Maybach ng binata nang makababa ito ng taxing sinakyan.Agad na nabuhayan ng loob ang assistant ni Gabriel nang makita niya ang dalaga. "Narito Miss ang susi ng sasakyan ni Sir Dela Valle," dali dali siyang lumapit kay Hara. Kahit papaano namang ay hindi amoy alak ang assitant.Ngunit nang makapasok si Hara sa loob ng sasakyan ay ang lasing na si Gabriel ay nangangamoy alak."Osya, pwede niyo na pong iuwi si sir Gabriel. Mag-iingat po kayo sa daan!" Tumayo nang tuwid ang assistant at nagwagayway ng kanyang kamay na para bang nagpapaalam na.Agad na nagulat si Hara nang may napagtanto, "Hindi po kayo sasama?"Dahil sino naman ang tutulong
Nang sila ay nakahiga na at magkatabi sa iisang kama ay naramdaman ni Hara ang malaking kamay ni Gabriel na nakadantay sa kanyang maliit na bewang. Rinig ni Hara ang steady-ing paghinga ng binata kaya panigurado ay tulog na ito. Wala siyang maisip ng kahit ano bukod sa isang bagay lamang, alam niyang tuloy para rin ang kanilang kontrata......Nang magising siya kinaumagahan ay wala na sa kanyang tabi si Gabriel. Kaya namanay agad na rin siyang bumangon at nakitang may iniwang agahan si Gabriel sa dining room.Ganoon na lamang ang kanyang gulat ng tumunog ang kanyang cellphone at nakitang si Sabby ang tumatawag."Hara! Hindi mo ba nabasa 'yong chat ko sayo kahapon?" Pag-uusisa nito at may halong excitement sa kanyang boses."Ah..Sorry, masyado kasi akong busy kahapon. Marami akong kailangang ayusin sa business trip." Pagpapaliwanag niya ngunit hindi siya pinatapos ni Sabby."Ang tinatanong ko kung 'yong lalaki bang tinutukoy mo kahapon ay si sir Gabriel Dela Valle?" Atat na tanong ng
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Hara. Mukha siyang gulat at parang nawawala sa mga oras na yon. Ngunit sa totoo lamang ay may hinala siyang na-damage ang utak ni Gabriel matapos ang aksidente. Dahil paulit-ulit niyang sinasabi sa dalaga na hindi niya raw maintindihan, hindi maintindihan ang alin? "I'll give you some more time. Bumalik na tayo sa hotel." Malalim na saad ni Gabriel at inayos na ang upo sa driver seat. Ang pagkakabanggit niya ay parang walang gana.Kaya naman napa bukas-sara na lamang ng mata si Hara at gusto niyang mag-salita ngunit nahihiya siya. Gusto niyang tanungin si Gabriel tungkol sa kanilang kontrata. Kahit nahihirapan ay naglakas loob siyang tanungin na lamang nang diretso si Gabriel."Sir Gabriel, plano niyo na po bang iterminate ang kontrata? Sa totoo lang ay pwede niyo naman po sabihin saakin nang diretsahan. HIndi po ako tututol." Dahil kapag naterminate na ang kontrata ay matutulungan niya nang magbabalikan ang dalawa. Ngunit kabalik
Talaga namang kakaiba at lumulutang ang tindig ni Gabriel kahit na nasa kumpol ito ng mga tao. Napakatangkad at masculine ang pangangatawan at kahit na nakatayo lamang ay napakalakas ng kanyang dating at karisma. Halos hindi na huminga si Hara sa mga oras na 'yon. Tila ba ay kahit na tanaw niya na si Gabriel ay parang napakalayo nito sa kanya, parang may nag-iba rito o sadyang madalas lang siyang mag-iwas tingin rito para pigilan ang mga nararamdaman. "Napaka-gwapo talaga." Mahinang anas ni Hara dahil nakasuot si Gabriel ng black suit at unat-unat ang kanyang necktie at ang pang-loob nitong longsleeve. Halos masamid siya sa sariling niyang laway nang makita kung paano itiklop ni Gabriel ang kanyang longsleeve at lumantad ang maugat nitong braso. Habang pinapanood iyon ni Hara ay napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib dahil dinig na dinig niya ang tibok nito. Nang mga nakaraang araw ay lagi nalang siyang nakakaamdam ng pagkakaba sa tuwing nababanggit si Gabriel. Hindi kaya ay ma
"May kotse si sir Gabriel sa Hong Kong. Kaya ibibigay ko na lang sa'yo ang susi kapag dumating na tayo doon." Parang may pumitik nang malakas sa dibdib ni Hara nang marinig iyon, totoo nga talagang makikita niya na si Gabriel, hindi na imahinasyon o pananginip, this is so fucking real. "Pero sir Saez, hindi po ako ganoon kagaling mag-drive. Baka maibangga ko lang ang kotse ni sir Gabriel." Huling subok ni Hara at nagbabasakaling magbago ang isip ni secretary Saez at siya na lang ang susundo kay Gabriel.Lihim na napangiti ang sekretarya at napataas ng kanyang kilay. "Huwag kang mag-alala, ms. Perez. Maraming kotse na nakaparada sa garahe ni sir Gabriel sa Hong Kong. Kaya kung may mabangga ka man, walang makakaalam. Kung kaya mo pa ngang ilipat ang ownership, makakabenta ka pa." Napangiwi na lamang si Hara dahil hindi niya alam kung ano ang unang gagawin. Kung bubuntong hininga ba muna siya dahil masyadong mayaman talaga si Gabriel o malulungkot dahil hindi talaga tumalab ang kanya
Napataas ng kilay si Hara sa ginawa ng kaibigan. "Bakit? Hindi ba lahat ng mga gagong lalaki ay nakakairita?" Nagpamewang naman si Sabby at hinarap ang kaibigan. Haynako Hara. Alam mo mayroon at mayaroong araw na ang mga babaerong lalaki ay mapapagod na sa pakikipaglaro. Mas gugustuhin na lang nilang mag-settle down sa iisang babae dahil tapos na silang magpakasaya sa buhay binata. Kapag nangyari 'yon ay loyal at magmamahal na silang totoo dahil tapos na silang mag-buhay binata. Pero ito ang sinasabi ko sa'yo, kapag may minamahal nang babae iyang lalaking naka-one night stand mo, maniwala ka saakin hinding hindi ka niya kayang mahalin nang lubos.""Kahit gaano ka pa kaganda at kahit gaanong pagmamahal pa ang ibigay mo sa kanya, masasaktan at masasaktan ka lang. Hindi mo iyon matatakasan, iyon ang reyalidad." "Halos mangatal ang labi ni Hara sa mga pangaral ng kaibigan. Alam naman ni Hara na walang alam si Sabby sa kanila ni Gabriel ngunit tumpak na tumpak talaga sa kanya ang mga
"Si Hara at ako ay mag-asawa. Baka nakakalimuntan mo." Mariin ang bawat pagbigkas ni Gabriel sa mga salitang binanggit niya. Kahit na hindi masaya si Gabriel sa mga nangyayari sa kanila ni Hara ay hinding hindi niya ito hihiwalayan dahil alam niyang nakaaligid kay Hara si Axel. Galit lang siya sa dalaga dahil masyadong pabaya ito sa kanilang kasunduan at sa kanilang kasal. Hindi manlang naiisip ng dalaga ang nararamdaman niya. "Huh! Ikaw lang naman ang nagseseryoso sa kasal niyong dalawa." Prangkang hayag ni Axel at wala na siyang pakialam pa kung masaktan ang kaibigan dahil gusto niya lamang itong magising sa katotohanan. "Nagdala siya ng lalaki sa kanyang ina at ipinakilala na boyfriend niya at kaya mo siyang patawarin? Hindi mo manlang makita si Dana na lumipad agad agad rito sa Pilipinas para lang makipag-negotiate sa kontrata kahit na kaka-opera palang niya. Hindi mo ba makita kung paano niya hawakan ang tyan niya dahil masakit pa ang sugat niya? Hindi ka manlang naantig doon
Tawagin man siyang oa or malisyosa, ngunit nagdesisyon na si Hara na sabihin ang kanyang mga saloobin at linawin ang mga bagay sa pagitan nila ni Axel.Kaya naman nagulat at hindi makagalaw sa kinatatayuan si Axel nang tapatin siya ni Hara, tila ba ay sinampal siya ng katotohanan. "Wala akong pakialam, Hara." Buo at maitgas niyang sagot at naguguluhan siyang lumapit sa dalaga.Sa totoo lang ay mula sa unang pagkakita niya palang kay Hara ay napahanga na siya rito. Idagdag pa ang laging pag-puri ni Sabby rito ay mas lalo lamang na naging interesado si Axel kay Hara. Noon ay may long time girlfriend siya kaya naman hindi niya pinapansin ang ibang babae ngunit nang sila ay maghiwalay at gustong ireto ni Sabby si Hara sa kanya, inaamin ni Axel na interesado siya noong mga panahong iyon. Hindi lang kasi maganda si Hara ngunit mayroon siyang strong personality na ang kagayang lalaki ni Axel ay gustong protektahan ito sa lahat ng mga gagawin nitong desisyon sa buhay. "Ngunit may pakialam
Nakakapanghina ng loob, iyon ang naramdaman ni Hara sa mga oras na iyon. Mas nakakapagod ang pakikipagtalo niya sa kanyang ina, kaysa sa pag-oovetime niya ng araw-araw sa trabaho.Nang makita ni Helena na dismayado ang anak ay napabuntong hininga na lamang iton. "Hara anak, alam ko naman na hindi ko dapat ipasa sayo ang mga phobia ko sa relasyon namin ng ama mo. Dahil mahirap mang tanggapin ay sa susunod na mga araw ay ikakasal na ka rin at magkakaroon ng pamilya na aasa sayo. Ngunit natatakot lang talaga ako anak, pakiramdam ko,lahat ng mga lalaki ay may ibang motibo." Malungkot nitong saad sa anak. Nang maalala ni Helena ang nakaraan niya, mabait at maginoo talaga ang ama ni Hara. Noon ay walang makitang kamalian si Helena kay Lucio kaya naman ay pinairal niya ang kanyang puso noon at hindi na nag-isip pa. Kaya habang buhay ang pagsisi niya dahil naging padalos-dalos siya noon. Napailing naman si Hara at hinawakan ang kamay ng ina. "Ma, huwag niyo pong sabihin ang mga iyan. Sa
Isang gabi bago ang operasyon ni Helena ay hindi muna natulog si Hara sa bahay ni Sabby bagkus nanatili siya sa hospital, sa piling ng kanyang ina. Gusto niya na naroon siya bago sumailalim ang kanyang ina sa operasyon. Gustong mni Hara na maramdaman ng kanyang ina na hindi siya nag-iisa at may sasama sa kanya sa lahat ng pagsubok na kahaharapin niya. Ayaw nang tumulad ni Hara sa knayang ama na inabandona sila maraming taon na ang nakalipas.Labis ding naiintindihan ng dalaga kung bakit napakahigpit ng kanyang ina sa kanya, dahil ayaw nitong masaktan siya. Ngunit minsan ay nakakasakal na rin ang ginagawa ng kanyang ina, dahil lahat ng ginagawa niya ay pinanghihimasukan ni Helena. Isa rin sa dahilan kung bakit sinamahan ni Hara ang kanyang ina ay dahil kahit pa sabihin nitong hindi siya natatakot sa gagawing operasyon ay nagsisinungaling lamang ito. Alam ni Hara kung gaanon ka-delikado ang operasyon na gagawin ganoon din si Helena. "Mama, sinabi saakin ng doktor kanina na malaki ang p