Dati, akala ni Nico ay batoi itong si Gabriel, na para bang sing tigas ng isang monghe na umakyat sa kabundukan at walang kahit anong pagnanasa sa katawan. Wala siyang pakialam sa babae kahit isa man siyang diyosa, artista o modelo.Ngayon ay alam talaga ni Nico na hindi malokong lalaki ang kaibigan niya. Ngunit ngayon ay kakaiba ang kanyang ikinikilos. Dati naman ay wala siyang ginagawang paraan para makuha ang loob ng isang babae.Naalala niya noong may appointment si Gabriel na kailangan niyang kitain ang person in charge ay isinama niya si Nico. Na kapag napag-usapan daw na may kausap siyang babae ay sasabihing puro tungkol sa trabaho lamang ang ginawa at wala ng iba pa.Iyon siya, iyon ang ugali ni Gabriel pagdating sa mga babae."Busy ka ba?" Malamig na tanong ni Gabriel sa makulit na kaibigan. Ngunit hindi manlang pinatulan o pinansin ni Gabriel ang mga pang-aasar at chismis nito sa kanya dahil nasa trabaho lagi ang kanyang isip.Ilang beses na ngumuso si Nico at kalaunay nil
Sa katunayan ay nandidiri sa Hara sa ideyang pamalit lang siya kaya naman ay hindi niya pinakinggan si Gabriel at nagpanggap na wala itong narinig.Nang makarating sila sa hospital ay agad niyang kinuha ang bag niya at magpapaalam na sana kay Gabriel ngunit biglang nitong pinigilan ang palapulsuhan ng dalaga."Sandali. I'll go with you." Hayag ni Gabriel. Sasama siya para kitain ang ina ni Hara? Agad siyang umiling, "Hindi na kailangan pa, masasayang lang ang oras mo. Medyo ayos na rin naman si mama ngayon!" Gusto niyang huwag nalang sumama si Gabriel.Habang siya ay nagsasalita ay nakatayo na si Gabriel sa kanyang harapan bitbit ang bulaklak at regalo na galing sa backseat ng kanyang kotse."Let's go." Matigas na sambit ni Gabriel kaya wala nang nagawa si Hara. Lalo pa at may dala-dala itong pasalubong. Para pala sa mama niya ang mga iyon, akala niya ay makikipag-date si Gabriel kay Dana. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil kung anu-ano pa ang mga tinanong niya kanina, sobrang naka
Hindi aakalain ni Hara na maaapektuhan sa ganitong bagay si Gabriel.Malamyos na ngumiti si Hara sa binata, "Sir Gabriel, hindi niyo po kilala ang mama ko. Masyado siyang konserbatibo and kahit kailanman ay hindi niya matatanggap ang tungkol sa ginawa nating dalawa. Nababahala po ako na baka ay magalit siya kapag nalaman niya ang bagay na iyon, kaya miinabuti ko pong huwag na lamang sabihin ang totoo sa kanya." Mahabang paliwanag niya at ang lahat ng iyon ay totoo."Plano mo bang makipag-ayos sa boyfriend mo kapag natapos na ang kontrata nating dalawa?" Malamig na tanong ni Gabriel sa kanya.Napaka diretsahan ng kanyang tanong at halos manlisik ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Hara na hindi makasagot sa tanong nito. Iniisip ng dalaga kung paano na naman siya gagawa ng kwento tungkol sa kanyang imaginary boyfriend.Kung alam niya lang sana ng mas maaga ay hindi na lang sana siya nagsinungaling at nag-imbento ng kwentong madali rin naman siyang mabubuking. Ngayon ay par
Para hindi na matagalan pa ay mas pinili niya na lamang magsuot ng simpleng damit at tinernohan ng pajama saka agarang lumabas na.Nasa isip niya ay, kapag maihahatid niya si Gabriel sa Northwood ay makakabalik siya kaagad pauwi sa kanyang apartment. Agad siyang pumara ng taxi papuntang Naga Airport, nang makarating doon ay nakita niya ang itim na Maybach ng binata nang makababa ito ng taxing sinakyan.Agad na nabuhayan ng loob ang assistant ni Gabriel nang makita niya ang dalaga. "Narito Miss ang susi ng sasakyan ni Sir Dela Valle," dali dali siyang lumapit kay Hara. Kahit papaano namang ay hindi amoy alak ang assitant.Ngunit nang makapasok si Hara sa loob ng sasakyan ay ang lasing na si Gabriel ay nangangamoy alak."Osya, pwede niyo na pong iuwi si sir Gabriel. Mag-iingat po kayo sa daan!" Tumayo nang tuwid ang assistant at nagwagayway ng kanyang kamay na para bang nagpapaalam na.Agad na nagulat si Hara nang may napagtanto, "Hindi po kayo sasama?"Dahil sino naman ang tutulong
Nang marinig iyon ay agad na naupo si Hara dahil naguguluhan talaga ito sa nangyayari. Ang alam niya ay may kasintahan si Gabriel at sa oras na lilipat siya sa bahay nito ay malaking gulo ang mangyayari. "Sir Gabriel, talaga po bang lilipat ako rito?" Kita ni Gabriel ang buong pagtataka sa mukha ni Hara at mas lalong rinig din ito sa kanyang boses."Yes. Is there a problem. Hara?" At tumitig itong pabalik sa naguguluhang mukha ng dalaga.Oo! Napakalaki ng problema! Naisip ni Hara na sa oras na siya ay lumipat sa bahay ni Gabriel ay magiging parausan lamang siya ng lalaki. Na sa tuwing pagkatapos ng kanilang kanya-kanyang trabaho ay magkikita sila kahit saan mang sulok ng bahay!Problema talaga iyon, dahil araw-araw niyang makakaharap ang malabundok na yelo at napaka tamlay na Gabriel, isama pa ang pagiging mainisin nito buong araw. Nang maisip iyon ng dalaga ay pakiramdam niya na nawabasawan ng sampung taon ang buhay niya.At isa pa, hindi ba ito malalaman ng kasintahan niya? Malam
Sa isip ni Hara ay alam na rin siguro ni Gabriel na kumalat na nga ang tsismis tungkol sa kanila ni Dana. Nang matapos na i-accept nito ang friend request ng binata ay nakita niya sa messenger na typing ang dialogue box ni Gabriel. Para bang may gusto itong sabihin sa kanya.Ngunit matapos ang ilang minutong pag-aantay ay wala ring mensahe na natanggap ang dalaga. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay nakita na naman ni Hara na typing ang dialogue box ni Gabriel.Gusto itong tanungin ng dalaga kung ano ba ang gustong sabihin ni Gabriel at tila ba ay nahihirapan ito,ngunit sa huli ay tanging question mark lamang ang natanggap ni Hara kaya naman ay nagpanggap na lamang siya na hindi niya ito nakita.Walang masyadong gamit si Hara sa nirerentahan niyang bahay maliban sa kanyang mga damit pang-loob at ang kanyang mga libro tungkol sa financial industry. Nang matapos siyang mag-impake ay agad niyang tinawagan ang kanyang land lord upang makipag-negotiate sa dito tungkol sa refund ng nat
Nang makalabas si Gabriel galing sa bedroom ay nakapagpalit na ito ng puting casual outfit.Tila ba'y nabawasan ang pagiging seryoso nito at nagmukhang bata na para bang isang college student na kung pagpawisan ay parang bata na naglalaro ng basketball.Samantalang si Hara naman ay nag-iisip pa rin ng paraan kung paano pipigilan si Gabriel sa pagsama sa kanya na lumabas. Dahil kapag lumabas silang dalawa nito ay masyadong magiging kahina-hinala! Paano na lamang kapag may kumuha sa kanila ng litrato nang palihim? "Let's go." Matigas na pag-aaya ni Gabriel. Sa huli ay nanaig din ang saloobin ni Hara kaya naman ay hindi na ito nakapag pigil."Sir Gabriel, meron po bang mga media o empleyado sa kompanya natin na nasa paligid lamang? Sa tingin niyo po ba...masama ba na baka makita nila tayong magkasama?" Pagpapaalala niya kay Gabriel sa mahinahon at marahang paraan."Ano namang mali doon?" Malamig na sagot lamang nito. Hindi inaasahan ni Hara na parang walang pakialam si Gabriel sa lahat.
"Ano?" Naguguluhang tanong ni Hara. Hindi niya talaga maintindihan si Dana na para bang nagpapa-bugtong bugtong ito."Dapat alam mo kung bakit ikaw ang pinili ni Gabriel." Agad na naibalik ni Dana ang kanyang kagalang galang na awra at postura, ang kanyang mga pulang labi ay bahagyang nakangitngit at ang kanyang titig ay may pagmamayabang, "Pinapaalalahanan lang kita. Kung ayaw mong makinig, magpanggap kana lang na wala akong sinabing kahit ano." Nagmistulang orihinal na asawa si Dana at binabalaan ang kabit ng kanyang asawa na si Hara.Pero ang totoo, si Gabriel at Hara ang totoong kasal dahil sila ang mayroon ng marriage certificate. Gustong sabihin iyon ni Hara kay Dana ngunit hanggang subok lamang iyon. Dahil nang buksan niya ang kanyang labi upang magsalita ay nakaramdam siya ng takot. Kaya mas pinili niyang huwag na lamang itong sabihin.Dahil malaking hindi pagkakaintindihan ang maidudulot nito. At bakit nga ba siya magsasayang ng oras para makipag-diskusyon kay Dana tungkol
Sa totoo lang ang labis na humahanga si Hara sa katangian ni Dana. Dahil handang lumapit ito kay Hara para lamang magtanong ng isang pang-private na bagay at hindi manlang ito nahiya. Talagang kapag nagmahal ka nga naman ay kayang gawin ang lahat para lang sa taong iyon kahit estado pa ng pagkatao ang nakataya. Mahal nga talaga ni Dana si Gabriel at handa itong gawin ang lahat para sa lalaking iniibig niya. 'Please...' Muling chat ni Dana na mas lalong nagpagulo sa isip ni Hara. Handang humingi ng tulong si Dana para lang kay Gabriel at iyon ang nakakagulat. Dahil kilala ni Hara si Dana bilang isang independent woman ay hindi ito nagpapakita ng kahinaan sa ibang tao at tanging kay Gabriel lamang siya titiklop. Sabagay si Gabriel Dela Valle na ang pinag-uusapan, ang lalaking palihim na minamahal si Dana sa loob ng mahabang panahon at ngayon ay mahal na rin siya ni Dana. Kaya sino ba naman si Hara para kwestyunin si Dana? Sino ba siya Hara sa buhay ni Gabriel? Hindi ba at isa lamang
Hindi makapaniwala si Hara na nagawang tawagan ni Helena si Axel. Direkta niya itong tinawagan at hindi na ipinaalam kay Hara.Halos magdugtong na ang kilay ni Hara dahil sa labis na inis na kanyang nadarama. Parang may apoy na nagliyab sa kanyang dibdib at hindi niya kayang pigilan iyon!Dahil pakiramdam niya ay kinokontrol siya ng kanyang ina at pinapakialaman na masyado ang kanyang buhay. Alam naman niya na nag-aalala ang kanyang ina sa magiging kinabukasan ni Hara. Ngunit minsan ay sumusobra na ito at ang mga taong hindi dapat madamay sa gusot ng kanilang buhay ay nadadamay dahil sa kagagawan ng kanyang ina. 'Bakit tinawagan niyo si Axel na hindi manlang muna sinabi saakin? Sinabihan ko na po kayo diba na busy po siya pero tinawagan niyo pa rin. Pumayag lang siya para hindi ka po mapahiya!' Naiinis na chat ni Hara sa ina. 'Kinukwestyon mo ba ako, Hara?' Nagalit na rin si Helena sa anak dahil sa tabas ng mga salita nito.'Sa tingin para kanino ko ito ginagawa! Napakabilis mong ma
Ngunit bago pa makapagsabi ng paliwanag si Hara ay agad na pinatay ang tawag ni Gabriel. Kaya naman ay walang nagawa ang dalaga kundi mapayuko na lamang. Para bang ang relasyon nilang dalawa ni Gabriel ay parang bumalik sa lebel bilang isang CEO at isang mababang sekretarya lamang. Tila may naramdamang suntok mula sa dibdib si Hara nang maisip iyon, nasasaktan siya sa mga nangyayari ngunit wala siyang magagawa kung iyon ang nararamdaman ni Gabriel. Siguro nga ay tuluyan nang nagkaayos at nakabalikan si Gabriel at Dana kaya ganoon na lamang ang pakikitungo niya kay Hara, na parang wala lang sa kanya ito. Kung sabagay nga ay kailan ba nagkaroon ng halaga si Hara kay Gabriel? Hindi hamak na isa lang siyang bayarang babae nito para makuha ang ninanais na babae, si Dana. Nang matapos na patayin ni Hara ang kanyang computer ay nagawa niya na ring mag-shower at magpalit sa kanyang pajama ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay umatake na naman ang kanyang insomnia habang nakahiga sa ka
Wala pa ring naging reaksyon si Hara sa mga narinig mula kay Gabriel. Dahil baka kinakausap lamang nito ang kanyang sarili. Nadala na si Hara sa pag-aassume mula sa binata at mali na umasa siya rito dahil kahit anong gawiin niya ay kay Dana pa rin uuwi si Gabriel.Agad siyang napatikhim nang may nabasa siyang 'noted' na chat ng kanyang mga kasamahan sa meeting room. Kaya naman ay nagchat din siya doon at isinend ito sa group room. Nakahinga siya nang maluwag nang makumpirmang hindi pala para sa kanya lang ang mga sinabi ni Gabriel. Tumagal ang meeting hanggang ala una ng madaling araw, kung saan ay inaantok na ang lahat maliban kay Gabriel, ang president host ng meeting. Ngunit na kahit sila ay inaantok na, walang may lakas ng loob na humikab o magpakita ng pagka-antok sa buong meeting. At nang sa wakas ay mag-anunsyo na ng summary ang sekretarya nito at opisyal nang tinapos ang meeting ay nakahinga nang maginhawa si Hara at papatayin sana ang kanyang camera para makapagligpit at
Nakagawa ng detalied report si secretary Saez tungkol sa mga asensong nagawa ng NARO Corporation at nagsagawa rin ng malalim na research tungkol sa finance, mga gagawing proyekto at ang mga shareholders na nagbabago bago ng posisyon kada taon. Pinag-aralan din ni secretary Saez ang mga kasalukuyang technological development ng NARO.Sa kalagitnaan ng meeting ay biglaan niya na lamang narinig ang kanyang pangalan."Si Ms. Hareleigne Perez na galing sa investment banking department ay katatapos lamang magproposed ng proyekto tungkol sa mga makabagong kotse ng RVP Company. Napasa na rin iyon sa head office para ireview. Binasa ko na rin iyon at kapag totoo nga ang mga impormasyon, nasa linya ito ng mga kakailanganin natin." Pormal na pagbabalita ng investment director na may importanteng posisyon sa Dela Valle Coporation. Mula sa likod ng camera ay marahan namang tumango si Gabriel at itinaas pa ang kilay, "secretary Saez, pag-aralan mo ng mabuti aang tungkol diyaan." Malamig niyang u
Nang makauwi na si Hara sa bahay ni Sabby ay nagmamadali na itong pumasok at wala na rin siyang oras para manlang uminom ng kahit kaonting tubig. Agad niyang inayos ang mga materials na gagamitin para sa meeting. At dahil nga may bagong task na naman ang natoka sa kanya tungkol sa NARO Corporation para sa kanya ay biglaang desisyon iyon ng head office. Dahil bago lamang sa kanya ang proyekto ay mababaw pa lamang ang kanyang pag-iintindi ukol rito, kaya naman ay kakailanganin niya talaga na makinig nang mabuti sa dadaluhang meeting mamaya-maya. Nang matapos na ihanda at ayusin ang lahat ng gagamitin sa meeting ay naisip niyang maupo na sa kanyang upuan at nag-umpisa na ring buhayin ang computer. Tuluyan nang nakapasok si Hara sa meeting interface ng kompanya. Kita mula sa kanyang screen title ng meeting at oras nito.20:00 Channel One Technology Development Project Meeting. Main Meeting Person: Gabriel Dela ValleHabang pinagmamasdan ni Hara ang mga letrang nasa screen ng kanyang c
Sa oras na dadalo siya sa remote video conference ay makikita niya si Gabriel. Sa mga oras na iyon ay hindi maipaliwanag ni Hara ang kanyang halo-halong nararamdaman. Nagpipigil siya ng hininga at hindi niya alam kung ibubugha niya ba iyon.Napakagat siya ng labi dahil may ideyang naglalaro sa kanyang isipan. Gusto niyang magpalusot at gumawa ng paraan para hindi siya dadalo mamaya sa meeting. Ngunit nang maisip niya ay bakit nga ba siya iiwas? Bakit nga ba hindi siya dadalo? Kung tutuusin kahit anu naman ang kanyang gawin ay may desisyon na si Gabriel. Dalawa lang naman iyan, kung hindi ite-terminate ni Gabriel ang kontrata ay baka kausapin niya ang dalaga tungkol sa ibang bagay. Magkikita at magkikita pa rin silang dalawa kaya wala ring saysay kung iiwas pa si Hara. Tuluyan na ring iniwan ni secretary Saez si Hara matapos nitong ibilin ang iilang gagawin sa magaganap na meeting. Kaya naman ay naging dahilan iyon kung bakit buong maghapon na nag-iisip si Hara kaya naman nang sumapi
Halos sumapit na ang hapon nang pakawalan ni Hara ang keyboard mula sa kanyang mga daliri at kumuha ng pagkakataon taon para huminga nang malalim at mag-relax. Nang may maisip ay wala sa sarili niyang tinignan ang kanyang cellphone na nasa tabi lamang. Naglalaban pa ang kanyang mga ideya sa isip ngunit mas nanaig pa rin ang pagkuha niya rito para tignan ang kanyang messenger kung may nagchat ba sa kanya. Agad na nanlumo ang kanyang mga tuhod nang makitang wala pa ring message si Gabriel sa kanya. Kita iyon kaagad dahil pangatlo ang pangalan nito sa kanyang messenger. Hindi rin niya makita kung active nga ba si Gabriel dahil naka-off active status naman ito. Ngunit kahit na alam pa ni Hara kung online ito ay ano naman ang kanyang sasabihin kay Gabriel? Sa huli ay mauubusan din siya ng sasabihin, na para bang nawawala siya kapag alam niyang nasa kanya lamang ang atensyon ng binata.Pinilig niya ang kanyang ulo at tumingin sa kawalan. Makalipas ang ilang segundo ay may narinig siya ng
Nang matapos ang dinner ay agad namang inihatid ni Axel sina Hara at Sabby. Siniguro din niyang naka-lock ang pinto ng bahay ni Sabby bago siya tuluyang nagmaneho paalis.Sa sobrang pagod na naramdaman ni Hara sa araw na iyon ay nagshower na lamang ito at tuluyan na ring humilata sa kama. Sa gabing iyon ay hindi siya mapakali habang natutulog at kinailangan niya pang bumaluktot sa kama na parang hipon. Hindi pa sapat ang posisyong iyon ay mahigpit rin ang pagyakap niya sa kumot gamit ang dalawa niyang kamay. Marahil ay marami siyang iniisip na bagay kaya ganoon na lamang ang tindi ng kanyang insomnia.....Kinaumagahan ay nagising na lamang si Hara dahil sa tunog ng kanyang alarm clock. Nang iminulat niya ang kanyang mata ay nakita niyang hindi na pamilyar ang kisame na kanyang tinitingala. Matagal pa bago naproseso sa kanyang isip na nakatira na pala siya sa bahay ni Sabby at hindi na sa bahay ni Gabriel. Dahil kagustuhang makalimot sa mga bagay bagay ay agad siyang tumayo para ma