Sa katunayan ay nandidiri sa Hara sa ideyang pamalit lang siya kaya naman ay hindi niya pinakinggan si Gabriel at nagpanggap na wala itong narinig.Nang makarating sila sa hospital ay agad niyang kinuha ang bag niya at magpapaalam na sana kay Gabriel ngunit biglang nitong pinigilan ang palapulsuhan ng dalaga."Sandali. I'll go with you." Hayag ni Gabriel. Sasama siya para kitain ang ina ni Hara? Agad siyang umiling, "Hindi na kailangan pa, masasayang lang ang oras mo. Medyo ayos na rin naman si mama ngayon!" Gusto niyang huwag nalang sumama si Gabriel.Habang siya ay nagsasalita ay nakatayo na si Gabriel sa kanyang harapan bitbit ang bulaklak at regalo na galing sa backseat ng kanyang kotse."Let's go." Matigas na sambit ni Gabriel kaya wala nang nagawa si Hara. Lalo pa at may dala-dala itong pasalubong. Para pala sa mama niya ang mga iyon, akala niya ay makikipag-date si Gabriel kay Dana. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil kung anu-ano pa ang mga tinanong niya kanina, sobrang naka
Hindi aakalain ni Hara na maaapektuhan sa ganitong bagay si Gabriel.Malamyos na ngumiti si Hara sa binata, "Sir Gabriel, hindi niyo po kilala ang mama ko. Masyado siyang konserbatibo and kahit kailanman ay hindi niya matatanggap ang tungkol sa ginawa nating dalawa. Nababahala po ako na baka ay magalit siya kapag nalaman niya ang bagay na iyon, kaya miinabuti ko pong huwag na lamang sabihin ang totoo sa kanya." Mahabang paliwanag niya at ang lahat ng iyon ay totoo."Plano mo bang makipag-ayos sa boyfriend mo kapag natapos na ang kontrata nating dalawa?" Malamig na tanong ni Gabriel sa kanya.Napaka diretsahan ng kanyang tanong at halos manlisik ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Hara na hindi makasagot sa tanong nito. Iniisip ng dalaga kung paano na naman siya gagawa ng kwento tungkol sa kanyang imaginary boyfriend.Kung alam niya lang sana ng mas maaga ay hindi na lang sana siya nagsinungaling at nag-imbento ng kwentong madali rin naman siyang mabubuking. Ngayon ay par
Para hindi na matagalan pa ay mas pinili niya na lamang magsuot ng simpleng damit at tinernohan ng pajama saka agarang lumabas na.Nasa isip niya ay, kapag maihahatid niya si Gabriel sa Northwood ay makakabalik siya kaagad pauwi sa kanyang apartment. Agad siyang pumara ng taxi papuntang Naga Airport, nang makarating doon ay nakita niya ang itim na Maybach ng binata nang makababa ito ng taxing sinakyan.Agad na nabuhayan ng loob ang assistant ni Gabriel nang makita niya ang dalaga. "Narito Miss ang susi ng sasakyan ni Sir Dela Valle," dali dali siyang lumapit kay Hara. Kahit papaano namang ay hindi amoy alak ang assitant.Ngunit nang makapasok si Hara sa loob ng sasakyan ay ang lasing na si Gabriel ay nangangamoy alak."Osya, pwede niyo na pong iuwi si sir Gabriel. Mag-iingat po kayo sa daan!" Tumayo nang tuwid ang assistant at nagwagayway ng kanyang kamay na para bang nagpapaalam na.Agad na nagulat si Hara nang may napagtanto, "Hindi po kayo sasama?"Dahil sino naman ang tutulong
Nang marinig iyon ay agad na naupo si Hara dahil naguguluhan talaga ito sa nangyayari. Ang alam niya ay may kasintahan si Gabriel at sa oras na lilipat siya sa bahay nito ay malaking gulo ang mangyayari. "Sir Gabriel, talaga po bang lilipat ako rito?" Kita ni Gabriel ang buong pagtataka sa mukha ni Hara at mas lalong rinig din ito sa kanyang boses."Yes. Is there a problem. Hara?" At tumitig itong pabalik sa naguguluhang mukha ng dalaga.Oo! Napakalaki ng problema! Naisip ni Hara na sa oras na siya ay lumipat sa bahay ni Gabriel ay magiging parausan lamang siya ng lalaki. Na sa tuwing pagkatapos ng kanilang kanya-kanyang trabaho ay magkikita sila kahit saan mang sulok ng bahay!Problema talaga iyon, dahil araw-araw niyang makakaharap ang malabundok na yelo at napaka tamlay na Gabriel, isama pa ang pagiging mainisin nito buong araw. Nang maisip iyon ng dalaga ay pakiramdam niya na nawabasawan ng sampung taon ang buhay niya.At isa pa, hindi ba ito malalaman ng kasintahan niya? Malam
Sa isip ni Hara ay alam na rin siguro ni Gabriel na kumalat na nga ang tsismis tungkol sa kanila ni Dana. Nang matapos na i-accept nito ang friend request ng binata ay nakita niya sa messenger na typing ang dialogue box ni Gabriel. Para bang may gusto itong sabihin sa kanya.Ngunit matapos ang ilang minutong pag-aantay ay wala ring mensahe na natanggap ang dalaga. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay nakita na naman ni Hara na typing ang dialogue box ni Gabriel.Gusto itong tanungin ng dalaga kung ano ba ang gustong sabihin ni Gabriel at tila ba ay nahihirapan ito,ngunit sa huli ay tanging question mark lamang ang natanggap ni Hara kaya naman ay nagpanggap na lamang siya na hindi niya ito nakita.Walang masyadong gamit si Hara sa nirerentahan niyang bahay maliban sa kanyang mga damit pang-loob at ang kanyang mga libro tungkol sa financial industry. Nang matapos siyang mag-impake ay agad niyang tinawagan ang kanyang land lord upang makipag-negotiate sa dito tungkol sa refund ng nat
Nang makalabas si Gabriel galing sa bedroom ay nakapagpalit na ito ng puting casual outfit.Tila ba'y nabawasan ang pagiging seryoso nito at nagmukhang bata na para bang isang college student na kung pagpawisan ay parang bata na naglalaro ng basketball.Samantalang si Hara naman ay nag-iisip pa rin ng paraan kung paano pipigilan si Gabriel sa pagsama sa kanya na lumabas. Dahil kapag lumabas silang dalawa nito ay masyadong magiging kahina-hinala! Paano na lamang kapag may kumuha sa kanila ng litrato nang palihim? "Let's go." Matigas na pag-aaya ni Gabriel. Sa huli ay nanaig din ang saloobin ni Hara kaya naman ay hindi na ito nakapag pigil."Sir Gabriel, meron po bang mga media o empleyado sa kompanya natin na nasa paligid lamang? Sa tingin niyo po ba...masama ba na baka makita nila tayong magkasama?" Pagpapaalala niya kay Gabriel sa mahinahon at marahang paraan."Ano namang mali doon?" Malamig na sagot lamang nito. Hindi inaasahan ni Hara na parang walang pakialam si Gabriel sa lahat.
"Ano?" Naguguluhang tanong ni Hara. Hindi niya talaga maintindihan si Dana na para bang nagpapa-bugtong bugtong ito."Dapat alam mo kung bakit ikaw ang pinili ni Gabriel." Agad na naibalik ni Dana ang kanyang kagalang galang na awra at postura, ang kanyang mga pulang labi ay bahagyang nakangitngit at ang kanyang titig ay may pagmamayabang, "Pinapaalalahanan lang kita. Kung ayaw mong makinig, magpanggap kana lang na wala akong sinabing kahit ano." Nagmistulang orihinal na asawa si Dana at binabalaan ang kabit ng kanyang asawa na si Hara.Pero ang totoo, si Gabriel at Hara ang totoong kasal dahil sila ang mayroon ng marriage certificate. Gustong sabihin iyon ni Hara kay Dana ngunit hanggang subok lamang iyon. Dahil nang buksan niya ang kanyang labi upang magsalita ay nakaramdam siya ng takot. Kaya mas pinili niyang huwag na lamang itong sabihin.Dahil malaking hindi pagkakaintindihan ang maidudulot nito. At bakit nga ba siya magsasayang ng oras para makipag-diskusyon kay Dana tungkol
"Alright." Simpleng pagpayag ni Gabriel na may kasamang pagtango at inikot ang kanyang paningin para tignan si Hara, "Hindi ka na magpapanggap pa?" Napatuwid ng titig si Hara at marahang ngumiti, "Nababahala lamang ako na baka magkamali ka ng pagkakaiintindi saakin. Kapag sinabi ko agad na dati tayong magkakilala at magkaklase ay baka isipin mo na ginagamit ko iyon para makapasok kaagad sa application ng head office." Tinaasan lamang siya ng kilay ni Gabriel, "Hindi ko pagbibigyan ang kahit sino man ng koneksyon para lang makapasok." Kalmadong sagot nito ngunit impunto rin at lumabas ang awra niyang pagiging CEO, "Kaya naman ang maibibigay ko lang sa'yo ay pagkakataon and the mess you created is for you to clean up too." Marahang napatango si Hara. Dahil nasaksihan niya mismo ang ganoong ugali ni Gabriel noong may dinner meeting sila noon at hindi niya na pa pagbibigayan ng pagkakataon si Manger Molina.Kaya naman kapag tumaas pa ang call amount ng Larana, nakakasiguro siyang wala
Kailala ni Georgia si Gabriel! Kung pipilitin niyasi Gabriel ay masisira lamang ang kanilang relasyon sa pagitan nilang mag-ina. Kaya gagamitin niya na lamang ang nalalaman niya sa buhay ni Hara para ito na lamang ag tuluyag sumuko at hindi na kailan pa magpaparamdam sa kanyang anak o tuluyan nang maglaho, mas maganda iyon! Pagkatapos ay magdali na lang ang lahat. ..... Sa restaurant, Umupo sa tapat ni Hara si Gabriel. Imbes na magalit kay Hara ay pinag-order pa siya ni Gabriel ng makakain. Doon niya napagtanto na naiintindihan talaga siya nito higit pa sa inaakala niya. Kaya sa ginagawa ni Gabriel ay naisip ni Hara na masyado naman siyang mapanakit kung pipilitin niya si Gabriel na tapusin na ang kontrata nila. Kaya niya bang samahan si Gabriel in the future at willing ba siyang maging asawa nito? "Kumusta naman ang Hong Kong?" Naramdaman ni Hara na awkward ang kanilang paligid kaya napilitan siyang mag-isip ng topic. Napatingin sa kanya si Gabriel at umangat ang sulok n
Nasa harapan sila ng pintuan ni Sabby. Alam rin ni Hara na hindi siya pwedeng makipag-usap nang matagal kay Gabriel. Kahit na wala pa ang kanyang kaibigan sa bahay, sa estilo palang ng tindig, pananamit at awra ni Gabriel na parang pang benz magazine ay makikilala kaagad siya ng mga taong naroon. Magiging komplikado lamang ang mga bagay kapag nangyari iyon. Ngunit ayaw na ni Hara na bumalik pa kay Gabriel"Tungkol pala sa liquidated damages ng kasunduan natin. Pwede mo namang isend sa messenger sa oras na maayos mo na ang account. Hindi ko tatakbuhan ang mga utang ko, pero hindi maganda na pag-usapa natin iyan ngayon. Sir Gabriel pwedeng umalis ka na muna?"Iyon ang pinakaunang pagkakataon sa buong buhay ni Gabriel na may nagpapaalis sakanya. Ngunit tinitigan lamang siya ni Gabriel nang walang galit kundi pagkadismaya lamang.Akala niya ay sa mga panahong nagkasama sila ay magkakaroon na ng kaonting concern o pagmamahal sa kanya si Hara ngunit parang hindi pa rin."Hara, alam mo ba ku
Napahinto saglit si Gabriel. Walang siyang imik habang kinuha ang cellphone ni Neil at mariing tinignan ang screen nito. Kitang kita ng secretary ang napakalamig na ekspresyon ni Gabriel, kung nakakapatay lang ang titig ay baka may namatay na sa paraan ng tingin nito."Go and notify the official website to remove this notice immediately." Impunto niyang utos. Alam niyang nakita na iyon ni Hara. Ilang araw na rin siya nitong hindi kino-contact. Natatakot si Gabriel na pinag-isipang mabuti ni Hara ang pagtitiwala at mapupunta lang sa wala iyon dahil sa biglaang notice ng chairman.Pagkatapos ng isang problema ay may darating na namang bago, na-realize ni Gabriel na dapat niya nang tapusin ang alinmang ugnayan na mayroon sila ni Dana.Nang nasa eroplano na sila ay sinusubukan niyang tawagan si Hara ngunit hindi ito sumasagot sa kanya. Nababahala siya na sa sitwasyong iyon ay baka idinamay na ng kanyang ina ang ama nito. Ganoon na lamang ang kagustuhan niyang maging anak si Dana at dahil
"Sorry." Napayuko na lamang si Dana at handa nang umalis.Ngunit bigla na lamang nagsalita ang ina ni Gabriel. "She is also a member of Dela Valle family! Kaya bakit siya aalis?"Nang makitang ganoon ang ayos ng mag-ina, agad sa pumagitna si Dana sa usapan. "Tita, naalala ko po na may gagawin pa ako. Ang makitang gising ka na ay napakalaking kaginhawaan po saakin. Babalik na po ako sa trabaho at dadalawin ko na lang po kayo ulit kapag tapos na ako."Tuluyan na siyang naglakad palabas at tahimik na isinarado ang pintuan."What is it about Dana that is not worthy of you? What is it about that cleaner woman that is worthy of you!""Mom, magpahinga na po kayo." Nang magsalita si Gabriel ay garalgal ang boses nito ay hindi natutuwa sa prangkahang tanong ng kanyang ina."Gabriel, I'm begging you son, marry Dana." Biglaang lumambot ang ekspresyon ng kanyang ina at hindi na agresibong namimilit pa.Napahilamos ng mukha si Gabriel gamit ang kanyang mga kamay. "Mom, bakit kailangan na si Dana an
Napahinto ang mga daliri ni Gabriel at nag-isip ng ilang sandali bago tuluyang nag-reply kay Hara.[Alright. Susunduin kita bukas kapag babalik ako.]Hindi katagalan nang ibinaba niya ang kanyang cellphone ay lumabas mula sa emergency room ang doctor. Nang nakita niya si Gabriel ay nagsalubong ang kanyang mga kilay."Mr. Dela Valle, napaka kritikal ng kondisyon ni madame Georgia. Sa oras na ma-comatose na naman siya ulit ay hindi na siya mabubuhay pa. May nagtrigger sa kanya iyon ang naging sanhi. Nabasa ko na rin ang kanyang medical records at mayroon siyang sever depression, isang klase ng sakit na hindi dapat binabalewala.""I understand it Dr." Paanong hindi iyon alam ni Gabriel? "How's my mother now?""Ligtas naman na si madame Georgia sa ngayon. Tignan natin ang data kung stable na ba siya. Kung stable na ay pwede na siyang ilipat sa ward."Napabuntong hininga si Gabriel at nakahinga nang maluwag nang marinig iyon. "Maraming salamat sa pag-assikaso kay mom.""Responsibilidad nam
Ngunit wala nang saysay pa kahit anong sabihin sa ina ni Gabriel. Hindi siya tanga para hindi malaman na may mali sa mga sinasabi ni Dana at sa ekspresyon ng mukha nito."Sabihin mo saakin kung sino ang babaeng iyon?""Tita, she's just a cleaner. Totoo po talaga ang sinasabi ko." Nagdadalawang isip na sagot ni Dana."Don't lie to me, Dana. Ako dapat ang kakampi mo hija. Alam ba ni Gabriel na alam mo ang tungkol sa bagay na iyan?" Naiisip palang ng ina ni Gabriel na labas masok ang babaeng taga linis ni Gabriel sa kanyang bahay ay nanggagalaiti na ito sa inis.Noon, buong akala niya ay busy lamang si Gabriel sa kanyang trabaho at inaakala niyang wala na itong oras na maglinis ng kanyang kwarto at mayroon ding mysophobia ito kaya nag-hire siya ng taga linis. Ngunit nang makita niya ang umiiwas na tingin ni Dana ay alam niyang hindi lang basta cleaner staff ang nakita niya sa bahay ni Gabriel.Napayuko si Dana dahil sa kahihiyan at kinagat pa nito ang kanyang mga labI."Tita, sa tingin ko
Hindi na inabala pang kumain ni Hara ng almusal at agad nang dumiretso ito sa Hospital. Mukhang pinaghandaan nga talaga ng kanyang ina ang pagtakas dahil nakahanap siya ng daan palabas ng hospital."May maliit pong pinto sa likod ng garden. Tuwing hapon ng mga bandang ala una, may pumupunta ritong gardener para alagaan ang mga bulaklak at aalis na kapag may inspection. Siguro ay ganoong oras siya umalis Ms. Perez."Labis na natakot ang dalawang guard na hinire ni Gabriel para bantayan ang ina ni Hara. Nababahala sila na baka magalit sa kanila ito at tuluyan na silang alisin sa kanilang trabaho."Hindi niyo na po kasalanan ang nangyari. Gusto po talagang umalis ni mama na mag-isa niya lamang." Kahit na nag-aalala at kinakabahan si Hara ay ayaw niya nang maging komplikado ang mga bagay-bagay. Wala namang mangyayari kung sisisihin niya ang hospital.Naisip ni Hara na gusto talagang umalis ng kanyang ina at walang sino man ang makakapigil sa kanya."Ano na pong gagawin natin Ms. Perez? K
"ilang beses na napalunok si Hara nang marinig ang mga katagang iyon kay Gabriel at naintindihan na rin ang nais sabihin ngbinata."So hindi ka lasing noon?!" Gulantang niyang tanong.Nawili si Gabriel sa naging reaksyon ng dalaga. Hindi pa ba sapat ang mga binibigay niyang pahiwatig kay Hara para hindi nito malaman ang mga iniisip ni Gabriel?"Yes, hindi ako lasing noon at kumatok talaga ako sa hotel door mo noong gabing iyon." Malalim na pag-aamin ni Gabriel."Pero hindi ba at may gusto kang babae noon?" Halos gusto na lamang itali ni Hara ang kanyang bunganga dahil sa pag-uusisa pa.Naisip niya kasi ang video clip na sinend sa kanya noon ni Sabby. Dalawang mata at dalawang tenga niya pa mismo ang nakakita at nakarinig ng interview ni Gabriel na iisang babae lamang ang kanyang hinahangaan sa mga nakalipas na panahon."Hindi ba pwede na ang taong iyon ay....ikaw?" Namamaos na tanong ni Gabriel at malalim siyang tumitig kay Hara.Nang marinig naman iyon ng dalaga ay halos manigas siya
Mahirap talagang pakisamahan ang ugali ng ina ni Gabriel. Kung hindi lang nakiusap si Dana na bibigyan niya ng oras si Gabriel para makapag-isip isip ay, matagal nang isnapubliko ang kanilang kasalan. Nang makita ni Georgia na hindi nagsasalita ang kanyang anak ay simple niya lamang itong binigyan ng ultimatum. "Dapat ay maging engage na kayo ni Dana bago matapos ang taong ito! Kung abala ka sa trabaho mo, ako na mismo ang mag-aayos ng engagement party niyo." ..... Sa hotel kung saan tumuloy si Hara ay agad niyang ibinaba ang tawag nang patayin na iyon ni Sabby. Sa mga nakalipas na taon, ay napakabihira na wala siyang ginagawang trabaho. Habang nakatitig sa itaas ng ceiling ay binalikan niyang muli ang mga sinabi ni Dana sa kanyang isipan. Ganoon na lamang kagalit ang ekspresyon ni Dana nang pag-usapan nila ang tungkol sa kanilang ama. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang galit nito ganoong sila naman ang pinili. Kung tutuusin ay napakagaling nilang mag-ina na mangpanggap at