Hindi aakalain ni Hara na maaapektuhan sa ganitong bagay si Gabriel.Malamyos na ngumiti si Hara sa binata, "Sir Gabriel, hindi niyo po kilala ang mama ko. Masyado siyang konserbatibo and kahit kailanman ay hindi niya matatanggap ang tungkol sa ginawa nating dalawa. Nababahala po ako na baka ay magalit siya kapag nalaman niya ang bagay na iyon, kaya miinabuti ko pong huwag na lamang sabihin ang totoo sa kanya." Mahabang paliwanag niya at ang lahat ng iyon ay totoo."Plano mo bang makipag-ayos sa boyfriend mo kapag natapos na ang kontrata nating dalawa?" Malamig na tanong ni Gabriel sa kanya.Napaka diretsahan ng kanyang tanong at halos manlisik ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Hara na hindi makasagot sa tanong nito. Iniisip ng dalaga kung paano na naman siya gagawa ng kwento tungkol sa kanyang imaginary boyfriend.Kung alam niya lang sana ng mas maaga ay hindi na lang sana siya nagsinungaling at nag-imbento ng kwentong madali rin naman siyang mabubuking. Ngayon ay par
Para hindi na matagalan pa ay mas pinili niya na lamang magsuot ng simpleng damit at tinernohan ng pajama saka agarang lumabas na.Nasa isip niya ay, kapag maihahatid niya si Gabriel sa Northwood ay makakabalik siya kaagad pauwi sa kanyang apartment. Agad siyang pumara ng taxi papuntang Naga Airport, nang makarating doon ay nakita niya ang itim na Maybach ng binata nang makababa ito ng taxing sinakyan.Agad na nabuhayan ng loob ang assistant ni Gabriel nang makita niya ang dalaga. "Narito Miss ang susi ng sasakyan ni Sir Dela Valle," dali dali siyang lumapit kay Hara. Kahit papaano namang ay hindi amoy alak ang assitant.Ngunit nang makapasok si Hara sa loob ng sasakyan ay ang lasing na si Gabriel ay nangangamoy alak."Osya, pwede niyo na pong iuwi si sir Gabriel. Mag-iingat po kayo sa daan!" Tumayo nang tuwid ang assistant at nagwagayway ng kanyang kamay na para bang nagpapaalam na.Agad na nagulat si Hara nang may napagtanto, "Hindi po kayo sasama?"Dahil sino naman ang tutulong
Nang marinig iyon ay agad na naupo si Hara dahil naguguluhan talaga ito sa nangyayari. Ang alam niya ay may kasintahan si Gabriel at sa oras na lilipat siya sa bahay nito ay malaking gulo ang mangyayari. "Sir Gabriel, talaga po bang lilipat ako rito?" Kita ni Gabriel ang buong pagtataka sa mukha ni Hara at mas lalong rinig din ito sa kanyang boses."Yes. Is there a problem. Hara?" At tumitig itong pabalik sa naguguluhang mukha ng dalaga.Oo! Napakalaki ng problema! Naisip ni Hara na sa oras na siya ay lumipat sa bahay ni Gabriel ay magiging parausan lamang siya ng lalaki. Na sa tuwing pagkatapos ng kanilang kanya-kanyang trabaho ay magkikita sila kahit saan mang sulok ng bahay!Problema talaga iyon, dahil araw-araw niyang makakaharap ang malabundok na yelo at napaka tamlay na Gabriel, isama pa ang pagiging mainisin nito buong araw. Nang maisip iyon ng dalaga ay pakiramdam niya na nawabasawan ng sampung taon ang buhay niya.At isa pa, hindi ba ito malalaman ng kasintahan niya? Malam
Sa isip ni Hara ay alam na rin siguro ni Gabriel na kumalat na nga ang tsismis tungkol sa kanila ni Dana. Nang matapos na i-accept nito ang friend request ng binata ay nakita niya sa messenger na typing ang dialogue box ni Gabriel. Para bang may gusto itong sabihin sa kanya.Ngunit matapos ang ilang minutong pag-aantay ay wala ring mensahe na natanggap ang dalaga. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay nakita na naman ni Hara na typing ang dialogue box ni Gabriel.Gusto itong tanungin ng dalaga kung ano ba ang gustong sabihin ni Gabriel at tila ba ay nahihirapan ito,ngunit sa huli ay tanging question mark lamang ang natanggap ni Hara kaya naman ay nagpanggap na lamang siya na hindi niya ito nakita.Walang masyadong gamit si Hara sa nirerentahan niyang bahay maliban sa kanyang mga damit pang-loob at ang kanyang mga libro tungkol sa financial industry. Nang matapos siyang mag-impake ay agad niyang tinawagan ang kanyang land lord upang makipag-negotiate sa dito tungkol sa refund ng nat
Nang makalabas si Gabriel galing sa bedroom ay nakapagpalit na ito ng puting casual outfit.Tila ba'y nabawasan ang pagiging seryoso nito at nagmukhang bata na para bang isang college student na kung pagpawisan ay parang bata na naglalaro ng basketball.Samantalang si Hara naman ay nag-iisip pa rin ng paraan kung paano pipigilan si Gabriel sa pagsama sa kanya na lumabas. Dahil kapag lumabas silang dalawa nito ay masyadong magiging kahina-hinala! Paano na lamang kapag may kumuha sa kanila ng litrato nang palihim? "Let's go." Matigas na pag-aaya ni Gabriel. Sa huli ay nanaig din ang saloobin ni Hara kaya naman ay hindi na ito nakapag pigil."Sir Gabriel, meron po bang mga media o empleyado sa kompanya natin na nasa paligid lamang? Sa tingin niyo po ba...masama ba na baka makita nila tayong magkasama?" Pagpapaalala niya kay Gabriel sa mahinahon at marahang paraan."Ano namang mali doon?" Malamig na sagot lamang nito. Hindi inaasahan ni Hara na parang walang pakialam si Gabriel sa lahat.
"Ano?" Naguguluhang tanong ni Hara. Hindi niya talaga maintindihan si Dana na para bang nagpapa-bugtong bugtong ito."Dapat alam mo kung bakit ikaw ang pinili ni Gabriel." Agad na naibalik ni Dana ang kanyang kagalang galang na awra at postura, ang kanyang mga pulang labi ay bahagyang nakangitngit at ang kanyang titig ay may pagmamayabang, "Pinapaalalahanan lang kita. Kung ayaw mong makinig, magpanggap kana lang na wala akong sinabing kahit ano." Nagmistulang orihinal na asawa si Dana at binabalaan ang kabit ng kanyang asawa na si Hara.Pero ang totoo, si Gabriel at Hara ang totoong kasal dahil sila ang mayroon ng marriage certificate. Gustong sabihin iyon ni Hara kay Dana ngunit hanggang subok lamang iyon. Dahil nang buksan niya ang kanyang labi upang magsalita ay nakaramdam siya ng takot. Kaya mas pinili niyang huwag na lamang itong sabihin.Dahil malaking hindi pagkakaintindihan ang maidudulot nito. At bakit nga ba siya magsasayang ng oras para makipag-diskusyon kay Dana tungkol
"Alright." Simpleng pagpayag ni Gabriel na may kasamang pagtango at inikot ang kanyang paningin para tignan si Hara, "Hindi ka na magpapanggap pa?" Napatuwid ng titig si Hara at marahang ngumiti, "Nababahala lamang ako na baka magkamali ka ng pagkakaiintindi saakin. Kapag sinabi ko agad na dati tayong magkakilala at magkaklase ay baka isipin mo na ginagamit ko iyon para makapasok kaagad sa application ng head office." Tinaasan lamang siya ng kilay ni Gabriel, "Hindi ko pagbibigyan ang kahit sino man ng koneksyon para lang makapasok." Kalmadong sagot nito ngunit impunto rin at lumabas ang awra niyang pagiging CEO, "Kaya naman ang maibibigay ko lang sa'yo ay pagkakataon and the mess you created is for you to clean up too." Marahang napatango si Hara. Dahil nasaksihan niya mismo ang ganoong ugali ni Gabriel noong may dinner meeting sila noon at hindi niya na pa pagbibigayan ng pagkakataon si Manger Molina.Kaya naman kapag tumaas pa ang call amount ng Larana, nakakasiguro siyang wala
Ma-iinlove sakanya si Gabriel? Kahit kailanman ay hindi niya magagawang isipin iyon pwera nalang kung malapit nang magunaw ang mundo. Dahil napaka-impossible talag, mas may tyansa pang mag snow ang Pilipinas kaysa ang magkagusto sa kanya si Gabriel. "Sa ngayon, gusto ko lang kumita ng pera, at wala ng iba pa." Walang gana niyang sagot sa mapilit ka kaibigan. "Sabi na nga ba!" At humugot ng malalim na buntong hininga si Sabby. "Kung hindi mo rin pala alam kung paano pakinabangan iyang kagandahan mo, mas maganda sigurong ibigay mo na lang saakin iyan!" Nawiwili si Hara sa ekspresyon ng kaibigan, ngunit habang nagsasalita ito ay may N. Saez ang nag-message sa kanya sa email. 'Hello Miss Perez, Sinabihan ako ni Mr. Dela Valle na e-contact ka. This is my phone number 09*********. If your are free and not busy, let's exchange social media to contact each other.' Kaya naman nang mabasa iyon ni Hara ay agad niyang sinend ang kanyang phone number pati na rin ang kanyang social media accou
"ilang beses na napalunok si Hara nang marinig ang mga katagang iyon kay Gabriel at naintindihan na rin ang nais sabihin ngbinata."So hindi ka lasing noon?!" Gulantang niyang tanong.Nawili si Gabriel sa naging reaksyon ng dalaga. Hindi pa ba sapat ang mga binibigay niyang pahiwatig kay Hara para hindi nito malaman ang mga iniisip ni Gabriel?"Yes, hindi ako lasing noon at kumatok talaga ako sa hotel door mo noong gabing iyon." Malalim na pag-aamin ni Gabriel."Pero hindi ba at may gusto kang babae noon?" Halos gusto na lamang itali ni Hara ang kanyang bunganga dahil sa pag-uusisa pa.Naisip niya kasi ang video clip na sinend sa kanya noon ni Sabby. Dalawang mata at dalawang tenga niya pa mismo ang nakakita at nakarinig ng interview ni Gabriel na iisang babae lamang ang kanyang hinahangaan sa mga nakalipas na panahon."Hindi ba pwede na ang taong iyon ay....ikaw?" Namamaos na tanong ni Gabriel at malalim siyang tumitig kay Hara.Nang marinig naman iyon ng dalaga ay halos manigas siya
Mahirap talagang pakisamahan ang ugali ng ina ni Gabriel. Kung hindi lang nakiusap si Dana na bibigyan niya ng oras si Gabriel para makapag-isip isip ay, matagal nang isnapubliko ang kanilang kasalan. Nang makita ni Georgia na hindi nagsasalita ang kanyang anak ay simple niya lamang itong binigyan ng ultimatum. "Dapat ay maging engage na kayo ni Dana bago matapos ang taong ito! Kung abala ka sa trabaho mo, ako na mismo ang mag-aayos ng engagement party niyo." ..... Sa hotel kung saan tumuloy si Hara ay agad niyang ibinaba ang tawag nang patayin na iyon ni Sabby. Sa mga nakalipas na taon, ay napakabihira na wala siyang ginagawang trabaho. Habang nakatitig sa itaas ng ceiling ay binalikan niyang muli ang mga sinabi ni Dana sa kanyang isipan. Ganoon na lamang kagalit ang ekspresyon ni Dana nang pag-usapan nila ang tungkol sa kanilang ama. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang galit nito ganoong sila naman ang pinili. Kung tutuusin ay napakagaling nilang mag-ina na mangpanggap at
"Maarte kasi si Gabriel sa mga taong nakakasalamuha niya. Noon, ayaw niyang may ibang pumapasok sa bahay niya. Mukhang nagbago na ang ugali ng anak ko these past few years." Nang makapatanggal ng sapatos ay agad na naglibot ang ina ni Gabriel sa loob ng bahay. Halos maubusan ng hangin si Hara nang gawin iyon ng ina ni Gabriel. Dahil mayroon itong damit sa kwarto ng binata. Mabuti ba lamang at alam ng ina ni Gabriel na ayaw nitong pinapakialaman ang kanyang personal space lalo na ang kanyang mga gamit. Kaya naman ay umupos na lamang ito sa sofa sa may living room at hindi na pumasok sa mga kwarto. Mabilis naman itong binigyan ni Hara ng tubig at iniabot pa ang baso sa ina ni Gabriel. Sa kanyang ginawa ay mukha talaga siyang katulong sa mga oras na iyon. Utusan din naman siya sa kompanya noon kaya walang kaso sa kanya iyon. "Thank you." Ngiti ng ina ni Gabriel. "You do your thing. Don't worry about me. Aantayin ko na lamang si Gabriel." "Okay po ma'am." At ipinagpatuloy ni Hara an
Ngunit paano kung ang taong pinapahalagahan niya ay hindi siya pinaniniwalan kaya ano pang saysay kung paniniwalaan siya ng mga tao."Minsan nga hinahangaan ko si Hara nang sobra. Dahil kaya niyang bihagin nang mahigpita ang puso ni Gabriel. Wala akong ibang magawa kundi ang tulungan siya sa kanyang career.""Marerealize niya rin ang kabutihan mo sa susunod na mga araw. Atsaka si tita Georgia ay boto naman sayo. Kaya ano pang kinakatakot mo? Sa estado ng buhay ni Hara, hinding hindi siya tatanggapin ng pamilya ni gabriel at hinding hindi siya kikilalanin ng mga Dela Valle.Walang sinabing kahit ano si Dana ngunit alam niya kaysa kay Nico ang dapat niyang gawin. Na kung gusto niyang makuha si Gabriel ay kailangan niyang mas lalong mapalapit sa ina nito.Dahil hindi kayang suwayin ni Gabriel ang kanyang ina at pipiliin niya ito kaysa kay Hara....Nang matapos na umalis si Hara ay kinuha niya ang nakuhang sample at direktang dumiretso sa paternity testing center na sinabi sa kanya ni S
Hindi na pinagsalita pa ni Dana si Hara at agad na inabot ang kamay ni Gabriel at pinapakita niya ritong nasasaktan siya nang sobra."Gab please iligtas mo ako....nagdurugo ako."Maraming tao ang napatingin sa pangyayari at nakita nilang maraming dugo ang dumadanak sa katawan ni Dana, nakaramdam sila ng takot.Agad namang tumawag ng medic at ambulansya si Gabriel. Nang matapos niyang makatawag ay nilagpasan niya si Hara at dali-daling binuhat si Dana palabas ng opisina. Hindi niya man lang tinapunan ng tingin sa Hara na nasa gilid at parang gulat pa sa nangyayari.Npalunok na lamang siya at nanginginig na tinignan ang dugo na nasa sahig. Hindi niya inaakala na ganoon ang mangyayari dahil pinagtanggol niya lang naman ang kanyang sarili. Hindi siya makapaniwala na mauuwi sa aksiente ang usapan nila.Si Dana ang unang sumugod. Siya ang unang nagsalita ng masasama.Dumami ang mga taong nakichismis sa legal department at parang may namumuong ideya na sa kanilang bibig. Hanggang sa dumatin
Hindi sasabihin ni Hara kay Sabby kung sino ang ka-paternity test niya. Hanggat hindi natatapos ang test ay wala siyang sasabihing kahit ano.Noong gabi ay kagagaling lang ni Sabby galing trabaho at nakita si Hara na nag-iimpake ng kanyang maleta ulit. Kaya dali-dali itong lumapit sa kaibigan para magtanong. "Anong ginagawa mo? Nagtanong ka saakin tungkol sa paternity test tapos ngayon aalis ka na? Hindi ko maintindihan, Hara."Binitawan muna ni Hara ang mga hawak niya at nginitian ang problemadong kaibigan."Kailangan ng hospital ang paternity test. Aalis ako dahil kailangan ng kompanya na imbestigahan ako. Kailangan ko tumira sa lugar na wala akong maaabalang tao.""Masyado na talaga sila! Kapag natapos na natapatunayan ang pagiging inosente mo sa nangyari. Tutulungan kitang pumunta sa kompanya para sa kanilang public apology. Kung hindi sila makikipag-compensate sa nasira nilang buhay mo, idedemanda natin sila!Noon pa man ay prangkang tao na talaga si Sabby. Lagi siyang nariyan pa
"Sa tingin mo ay mapapasawalang sala ang inosente? Pero pwede rin namang nagpapanggap lamangs si Hara na biktima all this time! Sabi nga ng matatanda, that pillow talk is the most terrible one!" Maktol ni Nico. Labis namang napahanga si Dana sa ekspresyon pinapakawalan ng kaibigan."Nangyari lang talaga na nasa Pilipinas ngayon ang mom ni Gabriel. Pwede kong i-take advantage ang joint investigation para mag-break muna sa trabaho at sasamahan ko si tita Georgia. Huwag mong sirain ang plano ko." Hayag niya kay Nico.Napatingin na lamang si Nico sa kaibigan at humugot ng buntong hininga. "Kapag ganito ang gagawin mo, paano malalaman ni Gabriel kung gaano ka kabuting tao?""Hindi ko ito ginagawa para kay Gabriel. Para 'to kay tita Georgia na tinuturing ko na bilang totoo mom ko."Napatango-tango nalang si Nico. "By the way, para bang nahahalata ko na bihira mo nang banggitin ang dad mo nitong mga nakaraang taon? I bet masyado silang nagmamahalan ni tita Diane, right? Talaga nga namang nag
Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Gabriel. May nahihimigan siyang pagtatampo sa boses ni Hara ngunit hinayaan niya na lamang iyon."Hara, to prove your innocence, kailangan mo ng ebidensya. And it's something that Axel can't solve by just trusting your words.""Alam ko kaya nga mangongolekta ako ng ebidensya ngayon." Pagkatapos na sabihin iyon ni Hara ay hinila niya ang pinto at napasimangot. "Open the door."Ngunit parang walang narinig si Gabriel. "Base sa sinabi mo, kailangan nating humanap ng evidence ng voice record ni Dana na inaamin niya or direct proof that she instructed you to send the technical diagrams to her! That's why there's no point para pumunta ka pa sa Las Tava. They are now claiming na sila ang gumawa ng technical diagrams." Malamig na saad ni Gabriel.Sa industriya ay hindi lang iyon ang unang beses na ginawa iyon ng Las Tava. Alam ng lahat kung anong klaseng kompanya sila. Kapag pupunta roon si Hara ay wala lang siyang makukuhang kahit ano. Kapag may nakavide
Walang nasabi si Sabby at lihim itong napatingin kay Hara na parang naaawa sa pinagdadaanan ng kaibigan."Bigyan niyo pa po ako ng time. Hahanapin ko po ang ebidensya." Pakiusap ni Hara."Gaano katagal? Larana is not a pushover, Ms. Perez! Pumayag ako sa mga pakiusap mo nong kelan pero baka hindi sila willing na magbigay pa ng chance sa'yo."Napakuyom ng kamao si Hara. "Ten days Mr. Molina." Huli niyang tawad."Bibigyan kita ng three days! Kapag hindi ka nakahanap ng ebidensya sa loob ng tatlong araw na iyon, dapat ko nang sabihin sa publiko na ikaw ang nagkalat ng technical diagram." At hindi na nagsayang pa ng oras si Mr. Molina kay Hara.Sa totoo lang ay maraming problema na kinaharap ang kanilang team sa taong ito at binigo ang head office. Ngayon na nangyari ang ganoong issue kay Hara, sa tingin ni Mr. Molina ay dapat na siyang mag novena mass. Hindi ba at napakamalas ng kanyang taonPinanuod lamang nila itong padarag na isinara ang pinto. Marahang naman hinila ni Sabby ang layla