Nang makitang ibinaba na ni Gabriel ang tawag ay agad na rin siyang bumaba sa sasakyan hindi niya talaga kasi alam kung paano haharapin ang binata ng hindi kinakabahan o nauutal sa pananalita. "Hara, this is Cabalen Restaurant." Tipid nitong hayag. Malamig boses niya na parang singbaba ng cello. Mas pinalamig pa ng boses niya ang malalim na gabi. "Oo nga po sir, Gabriel" pasunod niya. Lihim siyang napangiti dahil patunay lamang ito na naalala na ni Gabriel na magka-seatmate sila noong noong junior high school hindi ba? O baka naman alam na niya talaga simula pa noong una, hindi niya lang pinapahalata kay Hara. Ang tumayo sa tabi ni Gabriel ay parang isang katotohanan na hindi talaga sila bagay sa isa't-isa. Naka suot ang binata ng isang suit at parang anak ng isang napakayamang tao samantalang si Hara ay mukhang assistant sa kanyang tindig at pati na rin ang kanyang pananamit. Nang sumunod siya kay Gabriel sa loob ng restaurant at umupo ay nakaramdam siya ng labis na pagkailan
Halos pakiramdam niya ay para siyang tinamaan ng kidlat sa sobrang kaba ngunit hindi lamang siya ang nagulat pati na rin ang assistant nito ay tila natigilan sa iniutos ng kanyang amo. Sa ilang taong naging assistant ito ni Gabriel ay ni minsan ay wala pa siyang nakikitang babae na sumasama dito o kaya naman wala pa siyang nakikitang babae na nilalapitan ang binata at ngayon ay bigla bigla na lamang siyang uutusan na bumili ng isang kahon ng condom? Lahat ay alam kung ano ang nangyayari! "Okay, Mr. Dela Valle." Nang marinig ni Hara ang pag-uusap ni Gabriel at ng kanyang assistant ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng kanyang pisngi sa labis na kahihiyan. Hindi niya mapigilan ang nararamdaman ngunit ayaw niya namang mag-eskandalo sa harap ni Gabriel kaya nagpanggap na lamang siya na walang narinig at piniling maging kalmado na lang. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa bintana ng SUV upang aliwin ang sarili sa nag gagandahang city lights. Mas nakakapag-isip na siya ng maayos ngayon. P
Ngunit hindi naman limot ni Hara ang kanyang responsibilidad bilang isang asawa kahit pa na peke lamang ang kanilang kasal o kahit na isang kasunduan lamang ito. Para na ring binabayaran ni Gabriel ang kanyang serbisyo kaya dapat lang na gampanan niya nang maayos ang kanyang tungkulin bilang isang marriage partner.Nang makapag-isip isip ay, "Ako ang magluluto bukas ng umagahan ha." Hayag niya dahil siya naman talaga dapat ang gagawa nito ngunit sadyang natagalan siya ng gising. Sa loob kasi ng mahabang panahon, noong nakaraang gabi lamang siya nagkaroon ng maayos at payapang tulog na walang iniisip na kahit ano.Ayaw niyang ring hayaan na si Gabriel ang manilbihan sa kanya, dapat siya ang magsilbi dito.Humalakhak nang mahina si Gabriel sa narinig kay Hara at nagtataka naman siyang tinignan ng dalaga. Mabilis na pinasadahan ni Gabriel ang suot ni Hara na itim na pantulog kaya mas lalo siyang nagmukhang tamad, siguro na rin ay dahil kagigising lamang niya.Nanghila siya ng upuan at
Habang nasa daan ang sinasakyan nila Gabriel, ang kaibigan niyang si Nico ay tuloy-tuloy pa rin sa pag-kukwento tungkol sa samahan nilang tatlo nila ni Dana, gaya na lamang ng mga hindi makakalimutang bagay na kanilang ginawa noong sila ay bata pa lamang. Si Gabriel na abala sa kanyang ginagawa ay walang salitang lumabas sa kanyan bibig at tahimik lang sa kanilang buong byahe na parang wala itong naririnig sa kwento ng kaibigan.Hindi nagtagal, nang makarating na sila sa entrance ng Dela Valle Corporation ay direstsong lumabas ng sasakyan ni Nico si Gabriel at dumretso kaagad siya sa private elevator nang hindi manlang nag-papaalam sa kaibigan. Siya ay nagmamadali at tila hindi talaga pinakinggan ang mga sinasabi ni Nico."Mr. Dela Valle, kailangan niyo pa po ba ng mga karagdagang lawyers para sa infringement lawsuit na isasampa niyo sa Naval Corporation?" Bungad sa kanya ng kanyang sekretarya at dala dala ang mga dokumentong ibibigay kay Gabriel. "Narinig ko po Mr. Dela Valle na ang
Nang makita ni Helena ang pagod sa mukha ng kanyang anak ay malalim na lamang itong napabuntong hininga. "Pasensya anak, kasalanan ko ito. Nilagay kita sa napakahirap na sitwasyon!" Garalgal niyang paghingi ng tawad sa kanyang anak.Alam ni Helena na hindi niya dapat pangaralan o itatak sa utak ni Hara na maging takot at uwimas sa mga lalaki. Dahil sa paglipas ng panahon ay mag-aasawa din ito at ikakasal, ngunit takot lang talaga siya sa kahihinatnan ng anak. Natatakot siya na baka maguluhan ito at and masaktan na naman ang kanyang anak."Ano naman ngayon mama kung hinihila niyo ako sa ganitong sitwasyon? Ma, pagkatapos ng operasyon niyo, sabi ng doctor ay gagaling na kayo at makakabangon na kayo sa kamang ito at makakapaglakad nang muli! Kapag nangyari iyon ay kailangang lutuan mo ako ng dumplings, gusto kong kumain ng ganon na ikaw ang may gawa." Puno ng pag-asa na hayag ni Hara sa kanyang ina."Sige anak." At marahang tumango si Helena at kalaunan ay may naalala, "Yong nobyo mo p
Hindi namalayan ni Hara na wala na siyang suot na t-shirt at pajama, pati na rin ang kanyang bra at panty na ay napunta na kung saan. Sila ay nakarating sa sofa habang patuloy siyang pinanggigilan ni Gabriel mula sa mga halik na pinapatak nito sa kanyang leeg. "Okay." Garalgal niyang sagot kay Hara ngunit patuloy pa rin ito sa ginagawa.Hindi tuloy malaman ni Hara kung lasing nga ba ito o hindi. Dahil kapag lasing ito ay paniguradong bubuhatin siya kaagad ni Gabriel nang walang pakundangan papunta sa kanilang kwarto. Ngunit ngayon ay hindi siya lasing, naisip niya na parang batang bersyon ni Gabriel ang nakikita ngayon ni Hara sa binata dahil kita ang pag-aalala sa mukha nito. Kalamado rin ito at kakaiba ang kanyang ikinikilos. Malayong-malayo sa kilala niyang Gabriel ngayon.Ramdam ni Hara na parang nalasing siya sa mga halik ni Gabriel na para bang nahilo siya sa mga nakakaliyong halik ng binata. Matagal ang kanilang naging halikan sa sala na halos ang kanyang paningin ay umipsa
Nang gabing iyon ay tatlong oras lamang ang naging tulog ni Hara. Nang siya ay magising kinabukasan ay wala na sa tabi niya si Gabriel, malamang ay maaga na namann itong umalis.Lumabas na siya ng kusina upang mag-almusal, kumunot ang kanyang noo nang may nakita siyang mga pagkaing nakahain doon at mainit-init pa ang mga ito. May nakita rin siyang maliit na papel sa mesa.'Hara, I will be on business trip. Babablik ako sa susunod na linggo.' Mahina niyang basa sa iniwang note ni Gabriel. Napaka-pormal at lamig ng dating ng note na iyon para sa dalaga.Tahimik na pinagmasdan ni Hara ang mga pagkain sa kanyang harapan. Bumuntong hininga siya, hindi niya talaga maintindihan ang katauhan na ganito ni Gabriel, masyado siyang pribado, malamig ang pakikitungo at ibang-iba kapag nasa kompanya siya! Naguguluhan na siya minsan dahil laging ganto ng binata. Iba ang pakikitungo sa kanya sa labas at loob ng bahay na ito.Kapag nasa bahay silang dalawa ay napaka lambing nito kay Hara. Gaya na lama
Ang kanyang diretsahang pagpapaalala kay Hara ay naging dahilan upang magising siya sa ilusyong inaalagaan. Pagak siyang natawa sa isip, paano naman aaprobahan ni Gabriel ang application load na ginagwa niya? Dahil lang ba sa may nangyari na naman sa kanila kagabi ay sa tingin niya papayag na si Gabriel? Napaka ilusyunada naman niya dahil ganoon nga ang naisip niya.Dapat niya bang laging ipaalala sa knayang sarili kung ano ang estado at relasyon nilang dalawa? Usapang pera ito at walang feelings na kasama. Humugot siya ng malalim na buntong hininga."Wala na po Sir Dela Valle, pasensya po sa abala." Malamig niyang sagot at dali dali niyang pinatay ang tawag at hindi manlang hinintay ang sagot ni Gabriel. Naging mataas masyado ang kumpyansa niya sa kanyang sarili na naging isang malaking sampal sa kanyang mukhaHindi pa nakakabawi sa pangyayari ay agad na sumugod si Mr. Molina sa kanyang opisina nang malaman ang naging desisyon ng head office sa loan application ni Hara."Hindi ba sin
Wala pa ring naging reaksyon si Hara sa mga narinig mula kay Gabriel. Dahil baka kinakausap lamang nito ang kanyang sarili. Nadala na si Hara sa pag-aassume mula sa binata at mali na umasa siya rito dahil kahit anong gawiin niya ay kay Dana pa rin uuwi si Gabriel.Agad siyang napatikhim nang may nabasa siyang 'noted' na chat ng kanyang mga kasamahan sa meeting room. Kaya naman ay nagchat din siya doon at isinend ito sa group room. Nakahinga siya nang maluwag nang makumpirmang hindi pala para sa kanya lang ang mga sinabi ni Gabriel. Tumagal ang meeting hanggang ala una ng madaling araw, kung saan ay inaantok na ang lahat maliban kay Gabriel, ang president host ng meeting. Ngunit na kahit sila ay inaantok na, walang may lakas ng loob na humikab o magpakita ng pagka-antok sa buong meeting. At nang sa wakas ay mag-anunsyo na ng summary ang sekretarya nito at opisyal nang tinapos ang meeting ay nakahinga nang maginhawa si Hara at papatayin sana ang kanyang camera para makapagligpit at
Nakagawa ng detalied report si secretary Saez tungkol sa mga asensong nagawa ng NARO Corporation at nagsagawa rin ng malalim na research tungkol sa finance, mga gagawing proyekto at ang mga shareholders na nagbabago bago ng posisyon kada taon. Pinag-aralan din ni secretary Saez ang mga kasalukuyang technological development ng NARO.Sa kalagitnaan ng meeting ay biglaan niya na lamang narinig ang kanyang pangalan."Si Ms. Hareleigne Perez na galing sa investment banking department ay katatapos lamang magproposed ng proyekto tungkol sa mga makabagong kotse ng RVP Company. Napasa na rin iyon sa head office para ireview. Binasa ko na rin iyon at kapag totoo nga ang mga impormasyon, nasa linya ito ng mga kakailanganin natin." Pormal na pagbabalita ng investment director na may importanteng posisyon sa Dela Valle Coporation. Mula sa likod ng camera ay marahan namang tumango si Gabriel at itinaas pa ang kilay, "secretary Saez, pag-aralan mo ng mabuti aang tungkol diyaan." Malamig niyang u
Nang makauwi na si Hara sa bahay ni Sabby ay nagmamadali na itong pumasok at wala na rin siyang oras para manlang uminom ng kahit kaonting tubig. Agad niyang inayos ang mga materials na gagamitin para sa meeting. At dahil nga may bagong task na naman ang natoka sa kanya tungkol sa NARO Corporation para sa kanya ay biglaang desisyon iyon ng head office. Dahil bago lamang sa kanya ang proyekto ay mababaw pa lamang ang kanyang pag-iintindi ukol rito, kaya naman ay kakailanganin niya talaga na makinig nang mabuti sa dadaluhang meeting mamaya-maya. Nang matapos na ihanda at ayusin ang lahat ng gagamitin sa meeting ay naisip niyang maupo na sa kanyang upuan at nag-umpisa na ring buhayin ang computer. Tuluyan nang nakapasok si Hara sa meeting interface ng kompanya. Kita mula sa kanyang screen title ng meeting at oras nito.20:00 Channel One Technology Development Project Meeting. Main Meeting Person: Gabriel Dela ValleHabang pinagmamasdan ni Hara ang mga letrang nasa screen ng kanyang c
Sa oras na dadalo siya sa remote video conference ay makikita niya si Gabriel. Sa mga oras na iyon ay hindi maipaliwanag ni Hara ang kanyang halo-halong nararamdaman. Nagpipigil siya ng hininga at hindi niya alam kung ibubugha niya ba iyon.Napakagat siya ng labi dahil may ideyang naglalaro sa kanyang isipan. Gusto niyang magpalusot at gumawa ng paraan para hindi siya dadalo mamaya sa meeting. Ngunit nang maisip niya ay bakit nga ba siya iiwas? Bakit nga ba hindi siya dadalo? Kung tutuusin kahit anu naman ang kanyang gawin ay may desisyon na si Gabriel. Dalawa lang naman iyan, kung hindi ite-terminate ni Gabriel ang kontrata ay baka kausapin niya ang dalaga tungkol sa ibang bagay. Magkikita at magkikita pa rin silang dalawa kaya wala ring saysay kung iiwas pa si Hara. Tuluyan na ring iniwan ni secretary Saez si Hara matapos nitong ibilin ang iilang gagawin sa magaganap na meeting. Kaya naman ay naging dahilan iyon kung bakit buong maghapon na nag-iisip si Hara kaya naman nang sumapi
Halos sumapit na ang hapon nang pakawalan ni Hara ang keyboard mula sa kanyang mga daliri at kumuha ng pagkakataon taon para huminga nang malalim at mag-relax. Nang may maisip ay wala sa sarili niyang tinignan ang kanyang cellphone na nasa tabi lamang. Naglalaban pa ang kanyang mga ideya sa isip ngunit mas nanaig pa rin ang pagkuha niya rito para tignan ang kanyang messenger kung may nagchat ba sa kanya. Agad na nanlumo ang kanyang mga tuhod nang makitang wala pa ring message si Gabriel sa kanya. Kita iyon kaagad dahil pangatlo ang pangalan nito sa kanyang messenger. Hindi rin niya makita kung active nga ba si Gabriel dahil naka-off active status naman ito. Ngunit kahit na alam pa ni Hara kung online ito ay ano naman ang kanyang sasabihin kay Gabriel? Sa huli ay mauubusan din siya ng sasabihin, na para bang nawawala siya kapag alam niyang nasa kanya lamang ang atensyon ng binata.Pinilig niya ang kanyang ulo at tumingin sa kawalan. Makalipas ang ilang segundo ay may narinig siya ng
Nang matapos ang dinner ay agad namang inihatid ni Axel sina Hara at Sabby. Siniguro din niyang naka-lock ang pinto ng bahay ni Sabby bago siya tuluyang nagmaneho paalis.Sa sobrang pagod na naramdaman ni Hara sa araw na iyon ay nagshower na lamang ito at tuluyan na ring humilata sa kama. Sa gabing iyon ay hindi siya mapakali habang natutulog at kinailangan niya pang bumaluktot sa kama na parang hipon. Hindi pa sapat ang posisyong iyon ay mahigpit rin ang pagyakap niya sa kumot gamit ang dalawa niyang kamay. Marahil ay marami siyang iniisip na bagay kaya ganoon na lamang ang tindi ng kanyang insomnia.....Kinaumagahan ay nagising na lamang si Hara dahil sa tunog ng kanyang alarm clock. Nang iminulat niya ang kanyang mata ay nakita niyang hindi na pamilyar ang kisame na kanyang tinitingala. Matagal pa bago naproseso sa kanyang isip na nakatira na pala siya sa bahay ni Sabby at hindi na sa bahay ni Gabriel. Dahil kagustuhang makalimot sa mga bagay bagay ay agad siyang tumayo para ma
Ibabalik na sana ni Axel ang pera ngunit agad namang kinuha iyon ni Sabby at ipinatong mismo sa kamay ng kanyang pinsan. "Sige.Kukunin na ni kuya Axel." Nakangiting sambit nito."Ano?" Parang nag-rereklamong reaksyon ni Axel.Nang makitang nakuha na ni Axel ang pera ay agad na napangiti si Hara at tumayo dala-dala ang kanyang cellphone. "Pupunta lang ako saglit sa bathroom. Kumain na kayo muna." Kaya naman nang makaalis si Hara ay dali-daling napatingin si Axel sa bumbon na perang hawak niya at nwalang nagawang napasimangot na lamang. "Ano namang ibig sabihin kapag tinanggap ko ang perang ito?" Nagugulugan niyang tanong sa pinsan."Hindi mo kasi naiintindihan si Hara! Napaka maingat niyang tao sa lahat ng kanyang mga ginagawa. Gusto niya na kalkulado nang malinaw ang lahat ng bagay. Kaya kung gusto mong mapangasawa siya pagdating ng panahon, huwag kang padalos-dalos." Dahil kahit na si Sabby ay walang magawa sa ugaling nakasanayan ng kaibigan. Sa loob ng maraming taong nakasama niy
Parang tinarakan ng punyal ang puso ni Gabriel nang marinig ang masasakit na salita galing kay Nico. Totoo nga namang mula noong araw na siya ay maaksidente hanggang sa kasalukuyan niyang sitwasyon ay wala ni isang chat o message siyang natanggap galing kay Hara.Ayaw man niyang pakinggan o paniwalaan ang sinasabi ng kaibigan ngunit lahat ng mga parating nito kay Hara ay napuputa sa katotohanan at si Gabriel lang ang may ayaw na tumanggap ng mga ito."Wake up Gabriel, mayroon pang mas karapat-dapat na nasa paligid mo lamang. Iyong taong may pakialam man lang sayo." At halos gusto nang banggitin ni Nico ang pangalan ni Dana nang prangkahan ngunit nakapagpigil din siya.Imbes na makinig sa sinabi ng kaibigan ay napakislot lamang ng labi si Gabriel at walang sinabi ng kahit anuman. Lumipad ang kanyang tingin sa screen ng kanyang cellphone nang mahabang sandali. Kahit gaano pa ang pagpapaliwanag sa kanya ng katotohanan ay may nanatili pa ring pag-asa sa kanyang puso na hindi ganoon si Ha
"Hindi ako papayag! Dapat dito kana tumira sa bahay ko!" Maktol ni Sabby at lumabi pa ito na parang magrereklamo na. Tipid lamang na napangiti si Hara dahil sa kakulitan ng kaibigan. Habang si Axel naman ay napadako ang titig sa namumulang pisngi ni Hara. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa itsura noon."Hara, iyong pisngi mo." Nag-aalala niyang sambit.Nang marinig iyon ni Sabby ay dali-dali rin siyang napatingin sa pisngi ng kaibigan at nanlaki ang mga mata nito sa nakita."Oh my goshh! Anong nangyari sayo? Sinampal ka na naman ba ni tita Helena?!" Gulantang na tanong ni Sabby at pilit na hinarap sa kanya ang mukha ng kaibigan.Mariin namang umiling si Hara sa akusasyon ni Sabby. "Hindi. Hindi. Ako ang nakatama sa mukha ko." Pagsisinungaling ni Hara at tinakpan niya ang sugat sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay. Nahihiya siyang tumingin sa mga ito dahil halata rin naman na hindi siya nagsasabi ng totoo. Kaya naman ay sisitahin pa sana ito ni Sabby na nagsisinungaling ngunit a