Halos pakiramdam niya ay para siyang tinamaan ng kidlat sa sobrang kaba ngunit hindi lamang siya ang nagulat pati na rin ang assistant nito ay tila natigilan sa iniutos ng kanyang amo. Sa ilang taong naging assistant ito ni Gabriel ay ni minsan ay wala pa siyang nakikitang babae na sumasama dito o kaya naman wala pa siyang nakikitang babae na nilalapitan ang binata at ngayon ay bigla bigla na lamang siyang uutusan na bumili ng isang kahon ng condom? Lahat ay alam kung ano ang nangyayari! "Okay, Mr. Dela Valle." Nang marinig ni Hara ang pag-uusap ni Gabriel at ng kanyang assistant ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng kanyang pisngi sa labis na kahihiyan. Hindi niya mapigilan ang nararamdaman ngunit ayaw niya namang mag-eskandalo sa harap ni Gabriel kaya nagpanggap na lamang siya na walang narinig at piniling maging kalmado na lang. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa bintana ng SUV upang aliwin ang sarili sa nag gagandahang city lights. Mas nakakapag-isip na siya ng maayos ngayon. P
Ngunit hindi naman limot ni Hara ang kanyang responsibilidad bilang isang asawa kahit pa na peke lamang ang kanilang kasal o kahit na isang kasunduan lamang ito. Para na ring binabayaran ni Gabriel ang kanyang serbisyo kaya dapat lang na gampanan niya nang maayos ang kanyang tungkulin bilang isang marriage partner.Nang makapag-isip isip ay, "Ako ang magluluto bukas ng umagahan ha." Hayag niya dahil siya naman talaga dapat ang gagawa nito ngunit sadyang natagalan siya ng gising. Sa loob kasi ng mahabang panahon, noong nakaraang gabi lamang siya nagkaroon ng maayos at payapang tulog na walang iniisip na kahit ano.Ayaw niyang ring hayaan na si Gabriel ang manilbihan sa kanya, dapat siya ang magsilbi dito.Humalakhak nang mahina si Gabriel sa narinig kay Hara at nagtataka naman siyang tinignan ng dalaga. Mabilis na pinasadahan ni Gabriel ang suot ni Hara na itim na pantulog kaya mas lalo siyang nagmukhang tamad, siguro na rin ay dahil kagigising lamang niya.Nanghila siya ng upuan at
Habang nasa daan ang sinasakyan nila Gabriel, ang kaibigan niyang si Nico ay tuloy-tuloy pa rin sa pag-kukwento tungkol sa samahan nilang tatlo nila ni Dana, gaya na lamang ng mga hindi makakalimutang bagay na kanilang ginawa noong sila ay bata pa lamang. Si Gabriel na abala sa kanyang ginagawa ay walang salitang lumabas sa kanyan bibig at tahimik lang sa kanilang buong byahe na parang wala itong naririnig sa kwento ng kaibigan.Hindi nagtagal, nang makarating na sila sa entrance ng Dela Valle Corporation ay direstsong lumabas ng sasakyan ni Nico si Gabriel at dumretso kaagad siya sa private elevator nang hindi manlang nag-papaalam sa kaibigan. Siya ay nagmamadali at tila hindi talaga pinakinggan ang mga sinasabi ni Nico."Mr. Dela Valle, kailangan niyo pa po ba ng mga karagdagang lawyers para sa infringement lawsuit na isasampa niyo sa Naval Corporation?" Bungad sa kanya ng kanyang sekretarya at dala dala ang mga dokumentong ibibigay kay Gabriel. "Narinig ko po Mr. Dela Valle na ang
Nang makita ni Helena ang pagod sa mukha ng kanyang anak ay malalim na lamang itong napabuntong hininga. "Pasensya anak, kasalanan ko ito. Nilagay kita sa napakahirap na sitwasyon!" Garalgal niyang paghingi ng tawad sa kanyang anak.Alam ni Helena na hindi niya dapat pangaralan o itatak sa utak ni Hara na maging takot at uwimas sa mga lalaki. Dahil sa paglipas ng panahon ay mag-aasawa din ito at ikakasal, ngunit takot lang talaga siya sa kahihinatnan ng anak. Natatakot siya na baka maguluhan ito at and masaktan na naman ang kanyang anak."Ano naman ngayon mama kung hinihila niyo ako sa ganitong sitwasyon? Ma, pagkatapos ng operasyon niyo, sabi ng doctor ay gagaling na kayo at makakabangon na kayo sa kamang ito at makakapaglakad nang muli! Kapag nangyari iyon ay kailangang lutuan mo ako ng dumplings, gusto kong kumain ng ganon na ikaw ang may gawa." Puno ng pag-asa na hayag ni Hara sa kanyang ina."Sige anak." At marahang tumango si Helena at kalaunan ay may naalala, "Yong nobyo mo p
Hindi namalayan ni Hara na wala na siyang suot na t-shirt at pajama, pati na rin ang kanyang bra at panty na ay napunta na kung saan. Sila ay nakarating sa sofa habang patuloy siyang pinanggigilan ni Gabriel mula sa mga halik na pinapatak nito sa kanyang leeg. "Okay." Garalgal niyang sagot kay Hara ngunit patuloy pa rin ito sa ginagawa.Hindi tuloy malaman ni Hara kung lasing nga ba ito o hindi. Dahil kapag lasing ito ay paniguradong bubuhatin siya kaagad ni Gabriel nang walang pakundangan papunta sa kanilang kwarto. Ngunit ngayon ay hindi siya lasing, naisip niya na parang batang bersyon ni Gabriel ang nakikita ngayon ni Hara sa binata dahil kita ang pag-aalala sa mukha nito. Kalamado rin ito at kakaiba ang kanyang ikinikilos. Malayong-malayo sa kilala niyang Gabriel ngayon.Ramdam ni Hara na parang nalasing siya sa mga halik ni Gabriel na para bang nahilo siya sa mga nakakaliyong halik ng binata. Matagal ang kanilang naging halikan sa sala na halos ang kanyang paningin ay umipsa
Nang gabing iyon ay tatlong oras lamang ang naging tulog ni Hara. Nang siya ay magising kinabukasan ay wala na sa tabi niya si Gabriel, malamang ay maaga na namann itong umalis.Lumabas na siya ng kusina upang mag-almusal, kumunot ang kanyang noo nang may nakita siyang mga pagkaing nakahain doon at mainit-init pa ang mga ito. May nakita rin siyang maliit na papel sa mesa.'Hara, I will be on business trip. Babablik ako sa susunod na linggo.' Mahina niyang basa sa iniwang note ni Gabriel. Napaka-pormal at lamig ng dating ng note na iyon para sa dalaga.Tahimik na pinagmasdan ni Hara ang mga pagkain sa kanyang harapan. Bumuntong hininga siya, hindi niya talaga maintindihan ang katauhan na ganito ni Gabriel, masyado siyang pribado, malamig ang pakikitungo at ibang-iba kapag nasa kompanya siya! Naguguluhan na siya minsan dahil laging ganto ng binata. Iba ang pakikitungo sa kanya sa labas at loob ng bahay na ito.Kapag nasa bahay silang dalawa ay napaka lambing nito kay Hara. Gaya na lama
Ang kanyang diretsahang pagpapaalala kay Hara ay naging dahilan upang magising siya sa ilusyong inaalagaan. Pagak siyang natawa sa isip, paano naman aaprobahan ni Gabriel ang application load na ginagwa niya? Dahil lang ba sa may nangyari na naman sa kanila kagabi ay sa tingin niya papayag na si Gabriel? Napaka ilusyunada naman niya dahil ganoon nga ang naisip niya.Dapat niya bang laging ipaalala sa knayang sarili kung ano ang estado at relasyon nilang dalawa? Usapang pera ito at walang feelings na kasama. Humugot siya ng malalim na buntong hininga."Wala na po Sir Dela Valle, pasensya po sa abala." Malamig niyang sagot at dali dali niyang pinatay ang tawag at hindi manlang hinintay ang sagot ni Gabriel. Naging mataas masyado ang kumpyansa niya sa kanyang sarili na naging isang malaking sampal sa kanyang mukhaHindi pa nakakabawi sa pangyayari ay agad na sumugod si Mr. Molina sa kanyang opisina nang malaman ang naging desisyon ng head office sa loan application ni Hara."Hindi ba sin
SubstituteParang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa utak ni Hara ang salitang iyon. Mapait siyang napangiti sa utak, hindi niya na kailangan pang mag-isip kung sino ang taong tinutukoy ni Gabriel sa kanyang sinabi. Walang iba kundi si Hara nga iyon, isang pamalit, isang panandalian lamang. Malamang ay pinapaliwanag niya sa kanyang kasintahan tungkol sa kanilang marriage certificate o sa nangyaring kasalan nila. Pakiramdam niya ay para siyang isang nakakatawang nilalang na nakatayo rito na nakatayo at pinipigilan ang dalawang taong nandirito. Pakiramdam niya ay isa siyang hadlang sa isang prinsipe at sa kanyang minamahal na prinsesa.Noon ay tila palaisipan kung bakit nga ba siya pinili ni Gabriel sa kasunduang ito ngunit nang makita niya ang babaeng nasa harapan niya ay nasagot lahat ng kanyang katanungan sa kanyang isipan. Napaka pulido pumili ni Gabriel!Walang duda kaya pala nasabi ni Gabriel na siya ang pinaka mainam na pamalit kay Dana! Kahit na hindi sila magkadugo
Habang mahimbing na natutulog si Hara ay biglang nag-vibrate ang cellphone ni Gabriel. Nabasa niya sa kanyang screen ang pangalan ng ama. Kaya tahimik siyang pumunta sa balcony ng kanilang kwarto doon sinagot ang tawag."Akala ko ay tuluyan mo na akong kakalimutan bilang ama mo!" Bulyaw na bungad ng kanyang ama. Naphithit na lamang ng sigarilyo si Gabriel habang nakikinig sa litanya ng ama."Something happened?" Kalmado niyang tanong habang binubugha ang usok mula sa kanyang bibig."Kailangan na nating paalisin sa kompanya si Hara Perez! Kung pakiramdam niya ay mali ang binibentang sa kanya pwede ko naman siyang bigyan ng pera nang sa gayon ay hindi na siya mag-aalala sa kanilang kinabukasan. Gabriel anak, nakikita mo naman ang sitwasyon hindi talaga kayang tanggapin ng mommy mo si Hara."Napahithit na naman ng sigarilyo si Gabriel ngunit kalaunan ay tinapon din ito nang maalalang yayakapin niya si Hara sa pagtulog. Kaya agad siyang kumuha ng wipes at ilang beses na pinunasan ang mga
Naglakad si Hara buhat-buhat ang kanyang bag na may magaan na pakiramdam sa bawat hakbang niya papalapit kay Gabriel. Nang makita niya ang binata ay may hindi maipaliwanag na hiya siyang nararamdaman.Sinalubong naman siya ni Gabriel at kinuha ang bag sa kamay nito. Napa-ubo ng dalawang beses nang gawin iyon ni Gabriel. "Kailangan mo pa bang bumalik sa kompanya ngayon?""Neil take care the things over there. Hindi pa ako nakakatulog kaya gusto ko nang umuwi at magpahinga."Pagod man si Gabriel ay pinilit niya pa ring sunduin si Hara kahit na wala pa siyang pahinga."Kaya ka ba sasama saakin para hindi ko na pahabain ang oras para maghiwalay tayo hindi ba?" Malalim na tanong niya sa dalaga."H-hindi...h-hindi. Nagtatanong lang ako."Ngunit hindi kumbinsido si Gabriel sa narinig at masungit niyang tinaasan ng kilay si Hara. "Ayaw mo nang makipaghiwalay?""Oo." Marahang ngiti ni Hara at tumango ito nang medyo nahihiya. "Masyado kang mabait saakin at inaalagaan mo ako.Buo rin ang tiwala m
Gising na ang ina ni Gabriel sa kanyang kama at gusto nang gumawa ng tarpulin ng kanyang doctor at isabit sa kanyang ward na bawal itong maging emosyonal.Mahigpit na hinawakan ni Exel ang kamay ng kanyang asawa at marahang napabuntong hininga. "Sawakas ay gising kana. I was really scared to death, Gia!" Anas nito sa asawa.Nakita ni Georgia ang mga taong nakapaligid sa kanyang kama at agarang tinawag si Dana. "I'm fine honey. I'm sorry you got worried." Ngunit halatang patama ang mga iyon kay Gabriel.Bumulong sa kanya si Dana. "Tita, nandito na po si Gab, nag-aalala rin po sa inyo. You should talk to him too.""No hija. Gusto niya na lamang akong mamatay para wala nang pipigil pa sa gusto niya." Mariing sabat ni Gia.Alam ni Gabriel ang taktika ng kanyang ina. Ang matangkad niyang bulto mula sa gilid ng bintana ay gumalaw at handa nang umalis nang pigilan siya ng kanyang ama."Kung aalis ka ngayon sa ward na ito, tandaan mo hindi na kita anak!" Sigaw ni Exel.Agad namang tumayo si
"Akala ko ay si Dana ang girlfriend niya.""Ano sa tingin mo? Kung pagtutuonan mo ng pansin si Gabriel, Hara ay mararamdaman mo mismo kung gaano siya kaseryoso sa iyo! Huwag ka ng gumawa pa ng palusot. Hindi ko pakikinggan ang mga iyan." Napabuntong hininga na lamang si Nico at nagpatuloy sa sasabihin. "Walang kwenta kahit anuman ang sabihin ko sa iyo. Kung hindi mo rin siya kayang mahalin pabalik, bilisan mo nang i-divorce siya."Paulit ulit na naririnig ni Hara sa kanyang utak ang mga sinabi ni Nico at Neil sa kanya hanggang sa makabalik siya ng bahay ni Sabby.Sa lahat ng kanyang nalaman ay parang nagunaw ang kanyang mundo. Sa hindi malamang rason ay bigla niyang tinawagan si Gabriel.Sa totoo lang ay hindi niya alam ang kanyang sasabihin ngunit gusto niya lamang marinig ang boses ni Gabriel. Makalipas ang ilang ring ay sinagot na iyon ni Gabriel gamit ang mababa at pagod niyang boses."Hara, may problema ba?" "Gusto ko lang sanang itanong kung anong ginagawa mo ngayon?""I'm in t
Napahugot na lamang ng malalim na buntong hininga ang ama ni Gabriel."Your mother will only accept Dana as her daughter in-law.""Why dad?""Remember the time when your mother was kidnapped? Kung hindi dahil kay Dana ay wala na sana ang mommy mo, iyan ang hindi mo alam!"Nagulat roon si Gabriel. Akala niya ay may iba pang rason ang kanyang ina kaya si Dana ang gusto niyang maging manugang hindi niya inaasahan na may kaugnayan pala sa nangyaring pag-kidnapp sa kanyang ina noon."Ayaw ko nang banggitin ang bagay na ito, Gabriel mas lalong ayaw ko na ring isipin pa. Gusto ko lang na malaman mo! Nasasaiyo na ang mga kasagutan. Sa pipiliin mong desisyon, isipin mo rin ang sarili mo. Dahil sa tingin ko kahit na papakialaman ko ulit ang mga galaw mo, alam kong may napili ka nang kasagutan."Matapos na payuhan ni Exel ang anak ay agad itong umalis para puntahan ang asawa. Iniwan niyang nakatulala ang anak at hindi manlang ito gumagalaw....Sawakas ay bumuti na rin ang kalagayan ng ina ni Ha
Nang sinabi iyon ni Gabriel ay hindi lang si Dana na nasa kabilang linya ang nanahimik ngunit pati rin ang kanyang ina ay hindi makapaniwalang kayang sabihin iyon ng anak sa kanyang harapan.Kompyansa pa naman si Georgia na pipiliin pa rin ni Gabriel ang kanyang pamilya sa dulo.Akala niya ay gusto lamang lumaban ng kanyang anak at sa oras na kontrahin niya ito ay susunod si Gabriel sa kanyang mga nais ngunit hindi iyon nangyari."Kaya wala kayong dapat pang planuhin na hindi ko alam. It's useless anymore, Ms. Hernaez." Malalim na banta ni Gabriel at agad na pinatay ang tawag.Mas lalong lumamig sa loob ng ward at mas lalong naging tahimik roon. Ngunit dumaan nang ilang sandali ay nagsalita ang ina ni Gabriel."Para lamang sa babaeng iyon ay wala ka nang pakiaalam kahit mamatay ang nanay mo!"Napahugot ng malalim na buntong hininga si Gabriel. "Mom. Kaya kong sumugal sa ibang bagay. Pero hindi ang pagpapakasal kay Dana."Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa anak. "There's nothi
Kailala ni Georgia si Gabriel! Kung pipilitin niyasi Gabriel ay masisira lamang ang kanilang relasyon sa pagitan nilang mag-ina. Kaya gagamitin niya na lamang ang nalalaman niya sa buhay ni Hara para ito na lamang ag tuluyag sumuko at hindi na kailan pa magpaparamdam sa kanyang anak o tuluyan nang maglaho, mas maganda iyon! Pagkatapos ay magdali na lang ang lahat. ..... Sa restaurant, Umupo sa tapat ni Hara si Gabriel. Imbes na magalit kay Hara ay pinag-order pa siya ni Gabriel ng makakain. Doon niya napagtanto na naiintindihan talaga siya nito higit pa sa inaakala niya. Kaya sa ginagawa ni Gabriel ay naisip ni Hara na masyado naman siyang mapanakit kung pipilitin niya si Gabriel na tapusin na ang kontrata nila. Kaya niya bang samahan si Gabriel in the future at willing ba siyang maging asawa nito? "Kumusta naman ang Hong Kong?" Naramdaman ni Hara na awkward ang kanilang paligid kaya napilitan siyang mag-isip ng topic. Napatingin sa kanya si Gabriel at umangat ang sulok n
Nasa harapan sila ng pintuan ni Sabby. Alam rin ni Hara na hindi siya pwedeng makipag-usap nang matagal kay Gabriel. Kahit na wala pa ang kanyang kaibigan sa bahay, sa estilo palang ng tindig, pananamit at awra ni Gabriel na parang pang benz magazine ay makikilala kaagad siya ng mga taong naroon. Magiging komplikado lamang ang mga bagay kapag nangyari iyon. Ngunit ayaw na ni Hara na bumalik pa kay Gabriel"Tungkol pala sa liquidated damages ng kasunduan natin. Pwede mo namang isend sa messenger sa oras na maayos mo na ang account. Hindi ko tatakbuhan ang mga utang ko, pero hindi maganda na pag-usapa natin iyan ngayon. Sir Gabriel pwedeng umalis ka na muna?"Iyon ang pinakaunang pagkakataon sa buong buhay ni Gabriel na may nagpapaalis sakanya. Ngunit tinitigan lamang siya ni Gabriel nang walang galit kundi pagkadismaya lamang.Akala niya ay sa mga panahong nagkasama sila ay magkakaroon na ng kaonting concern o pagmamahal sa kanya si Hara ngunit parang hindi pa rin."Hara, alam mo ba ku
Napahinto saglit si Gabriel. Walang siyang imik habang kinuha ang cellphone ni Neil at mariing tinignan ang screen nito. Kitang kita ng secretary ang napakalamig na ekspresyon ni Gabriel, kung nakakapatay lang ang titig ay baka may namatay na sa paraan ng tingin nito."Go and notify the official website to remove this notice immediately." Impunto niyang utos. Alam niyang nakita na iyon ni Hara. Ilang araw na rin siya nitong hindi kino-contact. Natatakot si Gabriel na pinag-isipang mabuti ni Hara ang pagtitiwala at mapupunta lang sa wala iyon dahil sa biglaang notice ng chairman.Pagkatapos ng isang problema ay may darating na namang bago, na-realize ni Gabriel na dapat niya nang tapusin ang alinmang ugnayan na mayroon sila ni Dana.Nang nasa eroplano na sila ay sinusubukan niyang tawagan si Hara ngunit hindi ito sumasagot sa kanya. Nababahala siya na sa sitwasyong iyon ay baka idinamay na ng kanyang ina ang ama nito. Ganoon na lamang ang kagustuhan niyang maging anak si Dana at dahil