Share

Kabanata 8

Author: eveinousss
last update Last Updated: 2024-11-02 22:32:02
Sawakas at nalagpasan ni Hara ang iilang mga bagay bagay sa kanyang trabaho. Nang matapos gawin ni Hara ang dapat na tapusin ay agad itong bumalik sa kanyang kwarto upang umpisahang ayusin ang mga gamit sa kanyang maleta.

Sa kabutihang palad ay naging matiwasay ang business trip ngunit hindi lamang niya iyon pinapatungkol sa kung anong dahilan kung bakit nga ba nagalit si Manager Molina. Napapikit siya nang may naalala.

Sinusubukang iwinawaglit ni Hara ang kanyang mga naiisip at sinusubukang huwag isipin ang napakagwapong mukha ni Gabriel ngunit ang kanyang makulit na imahinasyon ay hindi pinalagpas iyon. Napasuklay na lamang siya sa kanyang itim at mahabang buhok.

Bago pa man kung saan saan mapunta ang mga iniisip niya ay agresibong tumunog ang kanyang cellphone sa ibabaw ng babasaging puting mesa.

Nang makitang hospital number ang nakarehisro sa screen ng kanyang cellphone ay lakad takbo ang kanyang ginawa. Halos malaglag ang kanyang puso sa kabang nararadaman sa mga oras na
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 9

    Tila'y nabuhayan ng loob at nagkaroon ng pag-asa si Hara nang maisip niya ang mga sinabi ni Gabriel sa kanya.Ang malinaw na dinig niya kay Gabriel ay kaya niyang bayaran ang lahat ng gastusin ng ina ni Hara sa hospital at hanapin ang mga pinaka magaling na Doctor sa Pinas para operahan ito sa puso.Naisip ng dalaga na ito na lamang ang tanging solusyon na meron siya sa ngayon. Wala ng iba pang pagpipilian dahil ito ang pinakamadaling paraan upang mapagamot agad ang kanyang ina. Kaya naman nag-umpisa na siyang mangalkal na parang baliw ng mga phone number ng kanyang mga kaklase noong junior high school. Desperado na siya kaya hindi siya nagsayang ng oras para lang hanapin ang phone number ni Gabriel.Nang may nakita siyang numero ng isa sa kaklase niya ay agad niya itong chinat sa messenger at naki-usap na i-add ulit siya sa junior high school group chat nila. Nang ma-add siya ulit ay nagulat siya nang makitang nag-leave din sa group na iyon si Gabriel! “Kung minamalas ka nga naman

    Last Updated : 2024-11-03
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 10

    Nang marinig na hindi kay Gabriel ang boses sa kabilang linya kundi sa kanyang assistant ay nakaramdam ng kaonting dismaya si Hara. Ngunit nandirito na rin naman siya sa sitwasyong ito ay bakit hindi niya na lamang sulitin, hindi ba? "Good evening po Sir. Si Hara Perez po ito dating kaklase ni Sir Gabriel Dela Valle noong high school. Pwede po bang pakisabi sa kanya na may importante lang po akong sasabihin sa kanya. Nawa'y tawagan niya po ako pabalik kung hindi na po siya busy." Ngunit sa totoo lang ay labis siyang umaasa na sana ay tawagan siya nito. Wala na siyang pakialam kung anuman ang magiging tingin sa kanya ni Gabriel ang importante ay mabuhay ang kanyang ina. "Okay, Miss Perez. May iba pa po ba kayong kailangan kay Sir Gabriel maliban sa kanyang tawag?' "Wala na po. Iyon lang po, sir. Maraming salamat po ulit" at nakahinga siya ng maluwag matapos ang tawag na 'yon. Hindi siya makapaniwalang siya pa ang maghahabol para lamang sa offer ni Gabriel sa kanya noong naka

    Last Updated : 2024-11-03
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 11

    Napagtanto ni Hara na napakabilis ng mga pangyayari ngunit kung anuman ang mga sinabi ni Gabriel ay totoo naman kaya wala na siyang karapatan pa para magreklamo o magkumento ng kung anuman. Pati rin siya ay nagtataka sa kanyang sarili dahil napakabilis niyang maniwala rito. Kung sabagay naman, mula pa noon ay kilala na si Gabriel bilang isa sa pinaka seryoso at tapat na pinuno sa industriyang ginagalawan niya. Dahil suot niya ang black coat nito nanuot sa ilong niya ang amoy ng panlalaking pabango ni Gabriel na nakatulong sakanya upang magising ang diwa at maging aktibo sa mga bagay-bagay.Mas naging kalmado siya ngayon kumpara kanina na parang lumilipad siya sa hangin sa dami ng kanyang iniisip tungkol sa kalagayan ng kanyang ina. Nang makalipas ang ilang sandali ay kumalam ang kanyang sikmura nang ilang beses. Napayuko na lamang siya sa hiyang nararamdaman. Bakit sa dinarami-rami ng pagkakataon na makakaramdam siya ng gutom ay kung kailan nasa harap niya pa talaga si Gabriel.

    Last Updated : 2024-11-04
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 12

    Nang makitang ibinaba na ni Gabriel ang tawag ay agad na rin siyang bumaba sa sasakyan hindi niya talaga kasi alam kung paano haharapin ang binata ng hindi kinakabahan o nauutal sa pananalita. "Hara, this is Cabalen Restaurant." Tipid nitong hayag. Malamig boses niya na parang singbaba ng cello. Mas pinalamig pa ng boses niya ang malalim na gabi. "Oo nga po sir, Gabriel" pasunod niya. Lihim siyang napangiti dahil patunay lamang ito na naalala na ni Gabriel na magka-seatmate sila noong noong junior high school hindi ba? O baka naman alam na niya talaga simula pa noong una, hindi niya lang pinapahalata kay Hara. Ang tumayo sa tabi ni Gabriel ay parang isang katotohanan na hindi talaga sila bagay sa isa't-isa. Naka suot ang binata ng isang suit at parang anak ng isang napakayamang tao samantalang si Hara ay mukhang assistant sa kanyang tindig at pati na rin ang kanyang pananamit. Nang sumunod siya kay Gabriel sa loob ng restaurant at umupo ay nakaramdam siya ng labis na pagkailan

    Last Updated : 2024-11-05
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 13

    Halos pakiramdam niya ay para siyang tinamaan ng kidlat sa sobrang kaba ngunit hindi lamang siya ang nagulat pati na rin ang assistant nito ay tila natigilan sa iniutos ng kanyang amo. Sa ilang taong naging assistant ito ni Gabriel ay ni minsan ay wala pa siyang nakikitang babae na sumasama dito o kaya naman wala pa siyang nakikitang babae na nilalapitan ang binata at ngayon ay bigla bigla na lamang siyang uutusan na bumili ng isang kahon ng condom? Lahat ay alam kung ano ang nangyayari! "Okay, Mr. Dela Valle." Nang marinig ni Hara ang pag-uusap ni Gabriel at ng kanyang assistant ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng kanyang pisngi sa labis na kahihiyan. Hindi niya mapigilan ang nararamdaman ngunit ayaw niya namang mag-eskandalo sa harap ni Gabriel kaya nagpanggap na lamang siya na walang narinig at piniling maging kalmado na lang. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa bintana ng SUV upang aliwin ang sarili sa nag gagandahang city lights. Mas nakakapag-isip na siya ng maayos ngayon. P

    Last Updated : 2024-11-06
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 14

    Ngunit hindi naman limot ni Hara ang kanyang responsibilidad bilang isang asawa kahit pa na peke lamang ang kanilang kasal o kahit na isang kasunduan lamang ito. Para na ring binabayaran ni Gabriel ang kanyang serbisyo kaya dapat lang na gampanan niya nang maayos ang kanyang tungkulin bilang isang marriage partner.Nang makapag-isip isip ay, "Ako ang magluluto bukas ng umagahan ha." Hayag niya dahil siya naman talaga dapat ang gagawa nito ngunit sadyang natagalan siya ng gising. Sa loob kasi ng mahabang panahon, noong nakaraang gabi lamang siya nagkaroon ng maayos at payapang tulog na walang iniisip na kahit ano.Ayaw niyang ring hayaan na si Gabriel ang manilbihan sa kanya, dapat siya ang magsilbi dito.Humalakhak nang mahina si Gabriel sa narinig kay Hara at nagtataka naman siyang tinignan ng dalaga. Mabilis na pinasadahan ni Gabriel ang suot ni Hara na itim na pantulog kaya mas lalo siyang nagmukhang tamad, siguro na rin ay dahil kagigising lamang niya.Nanghila siya ng upuan at

    Last Updated : 2024-11-06
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 15

    Habang nasa daan ang sinasakyan nila Gabriel, ang kaibigan niyang si Nico ay tuloy-tuloy pa rin sa pag-kukwento tungkol sa samahan nilang tatlo nila ni Dana, gaya na lamang ng mga hindi makakalimutang bagay na kanilang ginawa noong sila ay bata pa lamang. Si Gabriel na abala sa kanyang ginagawa ay walang salitang lumabas sa kanyan bibig at tahimik lang sa kanilang buong byahe na parang wala itong naririnig sa kwento ng kaibigan.Hindi nagtagal, nang makarating na sila sa entrance ng Dela Valle Corporation ay direstsong lumabas ng sasakyan ni Nico si Gabriel at dumretso kaagad siya sa private elevator nang hindi manlang nag-papaalam sa kaibigan. Siya ay nagmamadali at tila hindi talaga pinakinggan ang mga sinasabi ni Nico."Mr. Dela Valle, kailangan niyo pa po ba ng mga karagdagang lawyers para sa infringement lawsuit na isasampa niyo sa Naval Corporation?" Bungad sa kanya ng kanyang sekretarya at dala dala ang mga dokumentong ibibigay kay Gabriel. "Narinig ko po Mr. Dela Valle na ang

    Last Updated : 2024-11-08
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 16

    Nang makita ni Helena ang pagod sa mukha ng kanyang anak ay malalim na lamang itong napabuntong hininga. "Pasensya anak, kasalanan ko ito. Nilagay kita sa napakahirap na sitwasyon!" Garalgal niyang paghingi ng tawad sa kanyang anak.Alam ni Helena na hindi niya dapat pangaralan o itatak sa utak ni Hara na maging takot at uwimas sa mga lalaki. Dahil sa paglipas ng panahon ay mag-aasawa din ito at ikakasal, ngunit takot lang talaga siya sa kahihinatnan ng anak. Natatakot siya na baka maguluhan ito at and masaktan na naman ang kanyang anak."Ano naman ngayon mama kung hinihila niyo ako sa ganitong sitwasyon? Ma, pagkatapos ng operasyon niyo, sabi ng doctor ay gagaling na kayo at makakabangon na kayo sa kamang ito at makakapaglakad nang muli! Kapag nangyari iyon ay kailangang lutuan mo ako ng dumplings, gusto kong kumain ng ganon na ikaw ang may gawa." Puno ng pag-asa na hayag ni Hara sa kanyang ina."Sige anak." At marahang tumango si Helena at kalaunan ay may naalala, "Yong nobyo mo p

    Last Updated : 2024-11-09

Latest chapter

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 117

    Hindi sasabihin ni Hara kay Sabby kung sino ang ka-paternity test niya. Hanggat hindi natatapos ang test ay wala siyang sasabihing kahit ano.Noong gabi ay kagagaling lang ni Sabby galing trabaho at nakita si Hara na nag-iimpake ng kanyang maleta ulit. Kaya dali-dali itong lumapit sa kaibigan para magtanong. "Anong ginagawa mo? Nagtanong ka saakin tungkol sa paternity test tapos ngayon aalis ka na? Hindi ko maintindihan, Hara."Binitawan muna ni Hara ang mga hawak niya at nginitian ang problemadong kaibigan."Kailangan ng hospital ang paternity test. Aalis ako dahil kailangan ng kompanya na imbestigahan ako. Kailangan ko tumira sa lugar na wala akong maaabalang tao.""Masyado na talaga sila! Kapag natapos na natapatunayan ang pagiging inosente mo sa nangyari. Tutulungan kitang pumunta sa kompanya para sa kanilang public apology. Kung hindi sila makikipag-compensate sa nasira nilang buhay mo, idedemanda natin sila!Noon pa man ay prangkang tao na talaga si Sabby. Lagi siyang nariyan pa

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 116

    "Sa tingin mo ay mapapasawalang sala ang inosente? Pero pwede rin namang nagpapanggap lamangs si Hara na biktima all this time! Sabi nga ng matatanda, that pillow talk is the most terrible one!" Maktol ni Nico. Labis namang napahanga si Dana sa ekspresyon pinapakawalan ng kaibigan."Nangyari lang talaga na nasa Pilipinas ngayon ang mom ni Gabriel. Pwede kong i-take advantage ang joint investigation para mag-break muna sa trabaho at sasamahan ko si tita Georgia. Huwag mong sirain ang plano ko." Hayag niya kay Nico.Napatingin na lamang si Nico sa kaibigan at humugot ng buntong hininga. "Kapag ganito ang gagawin mo, paano malalaman ni Gabriel kung gaano ka kabuting tao?""Hindi ko ito ginagawa para kay Gabriel. Para 'to kay tita Georgia na tinuturing ko na bilang totoo mom ko."Napatango-tango nalang si Nico. "By the way, para bang nahahalata ko na bihira mo nang banggitin ang dad mo nitong mga nakaraang taon? I bet masyado silang nagmamahalan ni tita Diane, right? Talaga nga namang nag

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 115

    Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Gabriel. May nahihimigan siyang pagtatampo sa boses ni Hara ngunit hinayaan niya na lamang iyon."Hara, to prove your innocence, kailangan mo ng ebidensya. And it's something that Axel can't solve by just trusting your words.""Alam ko kaya nga mangongolekta ako ng ebidensya ngayon." Pagkatapos na sabihin iyon ni Hara ay hinila niya ang pinto at napasimangot. "Open the door."Ngunit parang walang narinig si Gabriel. "Base sa sinabi mo, kailangan nating humanap ng evidence ng voice record ni Dana na inaamin niya or direct proof that she instructed you to send the technical diagrams to her! That's why there's no point para pumunta ka pa sa Las Tava. They are now claiming na sila ang gumawa ng technical diagrams." Malamig na saad ni Gabriel.Sa industriya ay hindi lang iyon ang unang beses na ginawa iyon ng Las Tava. Alam ng lahat kung anong klaseng kompanya sila. Kapag pupunta roon si Hara ay wala lang siyang makukuhang kahit ano. Kapag may nakavide

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 114

    Walang nasabi si Sabby at lihim itong napatingin kay Hara na parang naaawa sa pinagdadaanan ng kaibigan."Bigyan niyo pa po ako ng time. Hahanapin ko po ang ebidensya." Pakiusap ni Hara."Gaano katagal? Larana is not a pushover, Ms. Perez! Pumayag ako sa mga pakiusap mo nong kelan pero baka hindi sila willing na magbigay pa ng chance sa'yo."Napakuyom ng kamao si Hara. "Ten days Mr. Molina." Huli niyang tawad."Bibigyan kita ng three days! Kapag hindi ka nakahanap ng ebidensya sa loob ng tatlong araw na iyon, dapat ko nang sabihin sa publiko na ikaw ang nagkalat ng technical diagram." At hindi na nagsayang pa ng oras si Mr. Molina kay Hara.Sa totoo lang ay maraming problema na kinaharap ang kanilang team sa taong ito at binigo ang head office. Ngayon na nangyari ang ganoong issue kay Hara, sa tingin ni Mr. Molina ay dapat na siyang mag novena mass. Hindi ba at napakamalas ng kanyang taonPinanuod lamang nila itong padarag na isinara ang pinto. Marahang naman hinila ni Sabby ang layla

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 113

    Kung tungkol kay Hara ang mga bagay-bagay ay kayang kaya ni Gabriel na iwanan muna ang proyekto sa Hongkong! Agad na lumabas ng itim na kotse si Gabriel. Sa mukha niya ay parang hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. Mukha pagod ang napakagwapo niyang mukha at may namumuong itim na eye bags sa ibaba ng kanyang mga mata. "Anong problema, my son?" Agad na napansin ng ina ni Gabriel na may problema ang kanyang anak kaya agad itong lumapit sa kanya at nagtanong. "I'm okay, mom. Medyo busy lang sa kompanya and I slept late." At hinarap niya ang kanyang ina ngunit walang sinabing kahit ano. Agad niyang itinuon ang titig kay Dana na nakatayo sa tabi ng kanyang ina. "Atty Hernaez. I have something to discuss with you privately." Malamig niyang hayag. Tumango naman si Dana at ngumiti pa. "Then sakto! You'll take me to the company para hindi na ako mag-drive ngayon! Tita, nandito po si Gabriel para sunduin ako kaya sasama na po ako sa kanya. " Magiliw niyang pagpapa-alam sa ginang.

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 112

    Para hindi na mag-isip si Gabriel na parang nagtatampo si Hara, nag-isip siya ng irereply na maikli lamang bago ibinaba ang cellphone para matulog na.Noong gabing iyon ay nanaginip si Hara tungkol sa kanyang ama na umamin itong nagloko sa kanyang ina at may anak na ito sa labas."Oo! Kasing edad niya lang si Hara! Nong taon din na nagbuntis kay ay nalaman naming buntis si Diane!" Nanggagalaiting argumento ni Lucio kay Helena."Kung kaya mong tanggapin si Diane at ang anak niya, magsasama pa tayo. Nangangako akong kayo lang ang babae sa buhay ko, Helena. Hindi na ako maghahanap pang iba" Pagmamakaawa ni Lucio."Hindi rin makapag-anak ng lalaki si Diane. Kaya pumayag ka na lamang na mag-divorce tayo at tuluyan ka nang mawawalan ng asawa!" Angil ni Lucio.Bata pa lamang si Hara noon at itinatago siya ng kanyang inang si Helena sa likod nito. Kaya hindi nakita ni Hara ang ekspresyon ng ina. Ang tanging naaalala niya lamang ay ang tatlong pangungusap na iyon at ang pandidiri sa mata ng ka

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 111

    Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Kung ibang tao sana ang nag-frame up sa kanya, siguro ay paniniwalaan kaagad siya ni Gabriel. Ngunit ibang usapan na kapag si Dana ang kalaban niya.Napaka-importanteng tao ni Dana kay Gabriel at sa kompanya. Marami siyang nagawa sa Dela Valle. Kaya kahit gaano pa sukatin ang mga nangyari, alam na alam nila kung sino ang isasalba at tuluyang papatalsikin. Mahalaga pa ba ang katotohanan? Sino naman ang may pakialam sa kanya? Isa lamang siyang mababang empleyado sa Dela Valle.Naisip din ni Hara na baka nakialam si Gabriel sa pag-sira ng ebidensya para iligtas si Dana. Oo, sa oras na iyon ay hindi na siya naniniwala kanino man.Sa oras na kumalat ang mga confidential documents at ang pagtatraydor sa kompanya ay napatunayan, buong buhay niyang iindahin ang kasiraan ng pangalan at hanggang sa siya ay mamatay, traydor pa rin siya sa mata ng lahat."I'm sorry. Pero kailangan kong gumawa ng paraan." At tuluyan na siyang lumabas ng silid habang h

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 110

    Malamang ay alam niya! At hindi siya gagawa ng dahilan para madungisan ang kanyang pangalan. Kaya sino kaya ang may gawa ng gulong iyon? Bago pa dumating si Gabriel sa kanyang buhay ay hindi niya kilala ang isang Dana Hernaez.Gustong gusto niyang komprontahin si Gabriel ngunit may bumubulong sa kanyang isipan na huwag na lang.Maliban na lang kung makakahanap siya nang solid evidence at magpapatunay na humingi talaga si Dana ng technical diagram kung hindi ay makikipagkumpitensiya siya kay Dana. Ayaw niya ring barahin si Gabriel dahil baka mas lalo lang siyang mahihirapan. Ngunit siya rin naman ang naunang nagtulak kay Gabriel na magalit, hindi niya ito sinagot nang maayos.Mula noong gabi ng business trip na may nangyari sa kanila hanggang sa gumawa si Gabriel ng paraan para pumayag siya sa kasunduang magpakasal, ay may kasalanan din siya doon. Kaya hindi niya pwedeng sisihin si Gabriel na hinatak siya nito sa kaguluhang nangyari sa kanya. Dahil lahat ng ginagawa ni Gabriel ay lag

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 109

    "Si Atty. Hernaez po talaga ang humingi saakin ng technical diagram at sinabi niya na nag-aalala siya kaya gusto niya lamang itong makita. Kaya hindi ko na inisip pang maigi iyon." Paliwanag niya at umaasang may isang tao manlang ang maniwala sa mga sinasabi niya. Napahilamos na lamang ng mukha si Neil at litong tumingin kay Hara." Kahit pa na si sir Gabriel ang hihingi sa iyo non, kailangan mo pa ring isailalim sa technical process." At sinubukang kumalma nito. "At isa pa hindi pa naman kayo ganoong magkakilala ni Dana tapos sasabihin mo sa iba na fri-named up ka niya. May malalim na rason kung ganoon ang naisip mo, Hara." Napatingin sa malayo si Neil at para bang tinatansya ang mga bagay bagay. Malaki ang magiging kasalanan ni Hara sa oras na bibigyan siya ng hatol mula sa itaas.Ibinuka ni Hara ang kanyang mga labi para magsalita at magpaliwanag ngunit sa huli ay wala ring lumabas na salita mula roon.Hindi siya pwedeng magtiwala at basta-basta na lamang sabihin sa iba kung ano

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status