Share

Kabanata 6

"Sabby, importante ito! Kaya mo bang gumawa ng paraan para makuha 'yong cellphone number ni Sir Gabriel?" Nablock na kasi ito ni Hara sa messenger at nag-quit na rin siya doon sa high school group chat nila at tanging si Sabby lamang ang taong may kakayahang tulungan si Hara.

Napahilamos sa mukha si Hara nang wala sa oras tila ba'y hindi na siya nilalayasan ng problema sa buhay

"Sino?" Gulat na tanong ni Sabby. Nahalata ni Hara sa boses ng kaibigan na halos kabubunot lang nito galing sa kama dahil garagal pa ang boses nitong sumagot.

"Gabriel Del Valle..." alanganing ulit ni Hara na para bang ayaw niyang isipin pa ang problemang kinakaharap niya ngayon. She have so much in her plate.

"Kung uso sa'yo nagsasalita o naglalakad habang tulog, itulog mo na lang ulit, ha."  Sarkastikong sagot ni Sabby. Napapikit nalang si Hara, sana nga gano'n nalang kadali, hindi ba?

"Sabby...." Paunang hayag ni Hara at gustong magdahan-dahan sa pananalita ngunit naputol ang litid ng kanyang pasensya.

"Walang nang panahon pa para ipaliwanag kung bakit kailangan ko ng cellphone number niya. May roon akong importanteng gagawin at seryoso ako!" 

Baka masesante pa siya sa trabaho dahil nawawala iyong kontratang hawak niya. Kaya kailangan niyang makaisip kaagad ng paraan. Siya na lamang ang inaasahan ng nanay niya at kung mawawalan pa siya ng trabaho ay mas lalong magiging mahirap ang sitwasyon.

Ang direktor ng project partner nila ay nangibang bansa matapos pirmahan 'yong kontrata. Hindi niya naman pwedeng pabalikin dito sa Pilipinas para lang pumirma ng panibagong kontrata. Nakaramdam si Hara ng labis na stress dahil dito.

Naramdaman ni Sabby na hindi nagbibiro ngayon ang kaibigan niya. Agad siyang naupo sa kama at nag-isip ng medyo matagal, "Sa totoo lang, hindi ko kayang kunin 'yong number niya pero pwede ka namang pumunta sa room niya at hanapin siya.

Napamulagat si Hara sa ideya ng kaibigan.Tama nga siya! Bakit hindi nga ba niya naisip iyon?

Agad niyang binaba ang tawag. Nagpalit siya ng pormal na damit at walang pakundangang binagtas ang presidential suit ng hotel. Kung pwede lang siyang lumipad para makapunta na siya agad.

Hinihingal ang dalaga nang makarating sa tamang floor, ngunit agad siyang hinarangan ng sekretarya nang makalabas siya ng elevator. Agad na kumunot ang noo ni Hara.

Ngunit tinignan lamang siya ng sekretarya mula ulo hanggang paa. "May appoinment ka ba?"

Huminga nang malalim si Hara bago sumagot, "Wala po."

"Then, pwede ka nang umalis." Simple at malinaw na utos sa kanya ng sekretartya, walang paligoy-ligoy iyon.

"Pwede bang kahit ito nalang ay pagbigyan mo? Kahit kayo na lamang po ang magsabi kay Sir Gabriel na importante po talaga ang bagay na sa kanya at kikitainn niya agad ako."

Nang marinig nag sekretarya ang utos ni Gabriel ay sawakas pinapasok niya rin si Hara.

Halos malagutan ng hininga si Hara nang harapin siya ni Gabriel gamit ang mga matang walang buhay, malamlam, masikreto.

"That day?" Mababang tanong nito at inarko ang makapal nitong kilay. Mas naging doble ang kaba ni Hara nang lumakad si Gabriel papalapit sa kanya gamit ang mahahabang biyas nito.

"Which day?" May pag-uuyam sa ulit na tanong ni Gabriel.

Alam niyang sinasadya ito ni Gabriel para mas lalo pa siyang magsalita kaya mas pinili niya na lamang sabihin at pag-usapan nito. Napakagat siya ng labi dahil sa kabang nararamdam.

"Sir Gabriel, alam ko pong namali ako ng send sa inyo kagabi, at pagkatapos po non wala na akong maalala pa. Gusto ko lang po talagang kunin lang 'yong kontrata ngayon--"

"I need a marriage partner, Hara Perez." Agad na naputol ang gustong sabihin ni Hara nang sumingit si Gabriel. Hindi niya agad mawari kung ano ba dapat ang magiging reaksyon niya.

"I said," putol na hayag ni Gabriel at naglakad ito palapit kay Hara "...marry me." Agad na tumama ang malamig nitong mga mata sa halos namumulang mukha ng dalaga.

"Sir?"

"Think about it" balik niya kay Hara

Halos mapaawang ang labi niya dahil natural at kalmadong boses lamang iyon ni Gabriel na akala mo nagtatanong lamang ng araw. Nang marinig ito ni Hara ay akala niya'y nag-iilusyon lamang siya. Malala, diba?

Makalipas ang ilang sandali na pagtunganga ay nakuha niya nang sumagot. "Sir Gabriel hindi niyo po ako kailangang subukan."

Hindi mangmang si Hara. Kung kailangan ni Gabriel ng marriage partner, kaya dapat ang babaeng may gusto ang kausapin niya at hindi siya iyon.

Kaya pwedeng pagsubok lamang ito!

Siguro'y sinusubukan siya ni Gabriel kung may matayog ba siyang pangarap at balak niyang maging maimpluwensya sa daraang araw.

Hindi pinansin ni Gabriel ang hinaing ni Hara bagkus ay binanggit nito ang tungkol sa ina ng dalaga.

"Diba nagpapagamot ay nanay mo sa hospital? You know, I can help her to find the best doctors kasama na rin ang lahat ng gagastusin niya. Kapag papayag ka then we can go to register tommorow."

Hayag ni Gabriel na seryoso at hindi mo makikitaan sa kahit anong anggulo ng pagtutuya. Anh ekspresyong ito sa kanyang napakagwapong mukha ay mukha nga talagang hindi  siya nagbibiro.

Pero.....

"Kasasabi ko lang na kailangan ko ng marriage partner. As for kung bakit ikaw...." napatigil si Gabriel at tinignan si Hara mula ulo hanggang paa at ibinalik ito sa mukha ng dalaga.

 "Because you are the most suitable." Dugtong ni Gabriel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status