Share

Kabanata 5

Ngunit ang kanyang tatto ay mukhang matagal na, tila'y naka ukit na talaga ito sa kanyang balat kaya masasabing hindi na talaga bagong gawa ang tattoo-ng iyon. Tila panahon na ang lumipas.

Kung tama man ang sinabi ni Sabby tungkol sa kasintahan ni Gabriel, malamang ay 0825 ang kaarawan ng babae! Napaka-espesyal naman niya.

Alam naman ni Hara kung kailan ang kaarawan ni Gabriel, buwan ng Abril iyon. Yong chairman ng Del Valle Corporation at ang asawa nito na parehong magulang ni Gabriel ay Julyo ang buwan ng kanilang kaarawan. Malamang walang kinalaman din kay Hara ang numerong iyon. Dahil November 14 ang kanyang kaarawan. Wala sa kanilang apat ang numerong 0825.

Kung iisipin nga naman, ang isang lalaking katulad ni Gabriel na napakalamig ng pakikitungo sa iba ay nakakagawa din ka-kornihan sa buhay, gaya na lamang ng pagpapa-tattoo niya sa kaarawan ng kanyang kasintahan. Talagang totoong in-love siguro siya sa babae. Hindi siya magpapa tattoo kung hindi niya mahal.

Bigla tuloy nakaramdam ng pagsisisi si Hara dahil sa padalos-dalos niyang desisyon nong isang gabi! Bakit hindi manlang sumagi sa isip niya na tanungin si Gabriel kung single ba ito? Bakit bigla na lamang siyang pumayag na may mangyari sa kanila? Nababaliw na talaga siya.

Napaisip si Hara. Kahit na maganda at may patutunguhan na kinabukasan si Sabby marami pa rin itong prinsipyo sa buhay at isa na rito ay hindi siya kahit kailanman lalandi sa lalaking may minamahal ng babae kahit gaano pa sila ka-gwapo at kagaling sa kanilang propesyon.

"Sis, alam mo ba kung sinong malapit kay Gabriel ang may kaarawan ng August 25?" Mahinang tanong niya kay Sabby. Kyuryoso lamang siya.

"Paano ko malalaman? E branch lang naman ng Del Valle Corporation itong ORBIS e. Pero ang alam ko nasa 70% na ang occupied domestic market nito. Si Gabriel 'yong president ng buong Del  Valle Corporation! Hindi ko sinasadyang marinig tungkol sa kanya ang bagay na 'yan ha!" Pag-papaintindi sa kanya ni Sabby.

Base sa kwento ng kanyang kaibigan, naiisip niya na na sobrang sosyal ng love story nilang dalawa. Parehong mayaman at maimpluensya. Bagay na bagay sila.

Ngayon, tanging ang malaking bayarin buwan-buwan sa medical expenses ng kanyang ina lamang ang kanyang nasa isipan dapat, walang panahon upang isipin ang pag-ibig na 'yan.

Mabilis ang bawat pag-tipa niya sa keyboard dahilan para hindi niya namanlayan na ilang beses nang umiilaw pala ang selpon niyang naka-silent sa kanyang tabi.

Nakaramdam si Hara ng labis na antok para taupusin ang iba pa bukas, nakita niyang nag-send sa kanya si Gabriel ng tatlong voice message apat na oras na ang nakakalipas sa messenger. Bigla siyang nataranta sa nabasa.

Tila naging banta ito sa kanya na wala siyang sasabihin ng kahit ano o humingi ng pera para lang manahimik siya. Kapag kinuha niya ang pera ay para niya na ring binenta ang sarili niya.

Napahinto sandali si Hara para mag-isip at kalaunan ay nag-tipa ng mensahe, "Hindi ko sasabihin kahit kanino kung anuman ang nangyari kagabi." Dahil wala naman siyang balak ipagkalat ang bagay na iyon, bukod sa nakakababa sa sarili ay wala ring maniniwala sa kanya.

Nagising na lamang siya nang marinig niya ang tawag galing kay Mr. Molina

"Mr. Molina---

Malinaw pa sa memorya niya na dala niya ito at ilang beses pang sinigurado bago siya mag check-in sa hotel! Hindi na alam ni Hara ang kanyang gagawin dahil nawawala na talaga ito!

Biglang nanlamig at nanigas si Hara sa kanyang kinakatayuan dahil may naisip siya na ayaw tanggapin ng kanyang utak.

'Hindi pwede...' nanghihinang bulong niya sa kanyang isipan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status