Share

Kabanata 4

Ang posisyon ng public relations sa investment bank ay maganda naman, pero sa totoo lamang, lahat ay naniniwala na lugar lamang ito para aliwin ang mga bisita. Mababa ang tingin ng ibang nasa ibang departamento sa publi relations.

Napaisip si Hara. Iyon ang reyalidad.

‘Hindi ko inaakala na sa mata pala niya ay nabibilang ako sa ganoong kategorya bilang Isang public relations  Naisip niya ba na ang nangyari kagabi ay kagagawan ni Manager Molina?' may pagdaramdam na isip ng dalaga. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya isa lamang siyang hamak na empleyado.

Ang mga salitang sinambit ni Gabriel ay naging dahilan na tila’y uminit ang pisngi ni Hara. Dahil marami sila na naroon, pipilitin niya ang kanyang sarili na ignorahin muna ang kanyang pride sa sarili at pilit na huwag muna umalis sa kiinauupuan.

Kailangan niya ang trabahong ito at nangangailangan ng pera pambayad sa hospital bills ng kanyang nanay. Magtitiis na lamang siya, siguro? 

Naramdaman ni Manager Molina na naging malamig ang timpla sa kanyang paligid, nagmadali siyang ngumiti, “Siya ay isang assistant. Nag-iisip lang po kayo ng kung ano-ano Mr. Gabriel. Ang akala ko ay parehas kayong galing sa Villasis, at may parehas kayong ideya sa bagay-bagay, kaya tinawagan ko siya. Kapag hindi ka masaya, pababalikin namin siya ngayon na rin!”

Nang matapos iyon, nagpukol siya ng tingin kay Hara at aalis na sana ito ngunit biglang nagsalita si Gabriel, “Umupo ka.” Malamig na sambit nito at halos manginig ang mga binti ng dalaga sa lamig ng boses na nag-utos sa kanya.

“Miss Hara, hindi mo ba narinig? Sabi ni Mr. Dela Valle ay umupo ka raw.” Pukaw na atensyon sa kanya ni Mr. Molina. 

Umupo si Hara nang tuwid at tinitignan siyang maigi ni Manager Molina na para bang inuutusan ito na lagyan ng wine ang baso ni Gabriel. Ano bang dapat niyang gawin? Hindi dapat ay pupunta lang siya rito upang makipag-usap?

Nagbaba siya ng tingin at kinuha ang bote ng red wine ngunit wine glass na nasa harapan niya ay hawak ni Gabriel. Hindi niya malalagyan iyon ng wine.

“Manager Molina, kung gusto mong manatili sa RCV ng mahabang panahon, walang saysay ang mga ginagawa mong pamamaraan. Mas binibigyan ko ng pansin ang proyekto ng ORBIS. Ang RCV ay walang progreso. Para sa pag-renew, mag-sumite kayo ng application. Bilisan ninyo at gawin ang lahat ng inyong makakaya upang mabawi ang inyong pagkalugi”

Tila ba’y binibigyan ni Gabriel si Manager Molina ng huling pagkakataon, nagkasalubong ang makapal niyong kilay na nagpapahiwatig ng pagkadismaya. Ganito siya kabagsik pag dating sa negosyo.

“Opo, opo, Sir Gabriel, ito talaga ang pagkakamali ko sa pagkakataong ito. Sa susunod ay gagawin ko talaga….” biglang naging maamong tuta ang itsura ni Mr. Molina habang sumasagot kay Gabriel.

“Wala nang susunod.” Pinal at malamig na pasunod ni Gabriel. Ito talaga ang ugali niya, malupit at may isang salita lamang.

Inalis ni Gabriel ang pagkakahawak niya sa wine glass at kinuha ang kanyang coat. Tumayo siya at umalis sa kanilang lamesa kasama ang kanyang sekretarya na hindi manlang tinitignan ang kung sino at hindi manlang pinansin si Hara sa buong diskusyon.

 Napayuko ang dalaga. Ano nga ba ang iniisip niyang mangyari?

Nang makaalis na ang lahat, nagalit si Manager Molina at pinuntahan agad si Hara!

“Anong sinabi kong gagawin mo? Ni hindi ka manlang makangiti? Pumunta ba rito si Sir Gabriel para lang tignan ang mukha mo?” Bulyaw niya sa dalaga kaya nakaramdam ito ng sindak mula sa amo.

“Mr. Molina, hindi kasama sa trabaho ng assistant ang paglalagay ng alak sa baso ng mga boss at hindi rin ako naturuan sa bagay na iyan.” Paliwanag naman ni Hara. Dahil iyon naman talaga ang totoo. Hindi kasama ang bagay na iyon sa kanyang trabaho.

“At may lakas loob ka pang sumabat? Alam mo ba kung anong pagsisikap Ang ginawa ko para lang maganap Ang dimner na ito? Kala ko ba ay maganda at matalino ka pero lumalabas na wala kang silbi! Sisisantihin na kita!” Tiim bagang bulyaw ni Mr. Molina sa kanya.

Nang matapos magpuyos, tinignan siya ng mariin ni Manager Molina at sinipa ang pinto bago umalis.

Ito ang pinaka nakakahiyang pangyayari para kay Hara simula no’ng nag-umpisa siyang magtrabaho. Nakakapanlumo at nakakapang-hina ng loob.

Akala niya ay maiiyak na siya, ngunit sa namamaga niyang mga mata ay wala nang luha ang maiiyak pa. Simula pa lamang na pumasok siya sa industriyang ito, alam niya na ang mga taong mababang lebel ay dapat laging nagpapakumbaba palagi.

Samantala, Hindi niya inaasahan na magiging malapit si Gabriel. Akala niya…Akala niya na dahil may pinagsamahan sila at alam din niya na si Hara ‘yong babae no’ng nakaraang gabi ay binigyan siya ng atensyon nito. Totoo nga ang mga sabi-sabi na mahirap talaga siyang pakisamahan. Napakatayog niyang tao sa lahat ng aspeto.

Habang naglalakad patungo sa hotel suot-suot ang high heels, tumunog ang selpon ni Hara. Si Sabby ang tumatawag.

“Bakit inalis ka ni Jarred Molina sa work group ng Group 3? Ano ba nangyari sa inyo?” Usisa ng kaibigan kay Hara.

“Wala.” Sagot ni Hara. Ayaw niyang pag-usapan ng buong detalye ang nangyari dahil masakit rin sa parte niya iyon.

“Hindi ba gumana ang bitag na pang-aakit?” Minsan ay matalino talaga si Sabby, “Nararamdaman ko na noon pa lang na hindi uubra ‘yang bitag na ganyan sa katulad ni Sir Gabriel na isang mabait at hindi makasarili!” Pagtatanggol ng kaibigan.

Pinigilan ni Hara ang bibig at biglang gustong tumawa, “Mabait siya at hindi makasarili?”  Hindi makapaniwalang tanong niya kay Sabby.

Ang taong iyon ay halos durugin siya kagabi. Halos hindi siya makalakad.

“Sinasabi ko lang ang mga pinaparamdam niya sa mga tao! Si Mr. Dela Valle ay may kasintahan at sabi-sabi na ilang taon na silang nagmamahalan.” Nagulat si Hara sa mga narinig. Kaya pala niyang magmahal?

Hindi naman na nanadya ang mga sinabi ni Sabby, ngunit may naalala si Hara sa numerong tattoo ni Gabriel sa kanyang collarbone.

0825

'maliwag na ito ay petsa' bulong ng dalaga sa kanyang isipan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status