Share

Kabanata 3

Napakalakas talaga ng bunganga ni Sabby, nang sinabi niya iyon, lahat ay napatingin, pati na rin si Gabriel. Napayuko na lamang si Hara dahil sa kahihiyang naramdaman.

Sa kabutihang palad, sinulyapan lamang siya nito at umiwas agad ng tingin, umalis siya ng hotel na walang sinabing kahit ano. Nakahinga si Hara nang maluwag akala niya'y may eksenang magaganap.

Nang nakaalis na ang lahat, lumapit si Sabby kay Hara na may kyuryusong mukha. Gusto sana siyang iwasan ni Hara kaso.

"Hoy? Bakit tinanong iyon ni Mr. Dela Valle?" Kyuryusong tanong ni Sabby sa kanya. Agad siyang nag-isip ng ipapalusot dahil wala naman siyang balak sabihin ang totoo.

Nalilito si Hara. Akala niya ay may mga pasabog na balita, ngunit naging ganto lang pala. Isang malaking eskandalo ito para kay Gabrielle kung may makakaalam ng nangyari kagabi.

Nakahinga ng maluwag si Hara na para bang binigyan siya ng pagkakataon na iligtas mula sa kamatayan. Labis na nanuyo ang kanyang lalamunan nang siya ay magsalita...

"...Maganda ang tanawin sa kwarto ko, baka gusto niyang makipagpalitan." Simpleng sagot niya sa kaibigan.

"Iyon lang ba?"  Ramdam ni Hara na parang hindi kumbinsido ang kaibigan sa kanyang sagot.

"Siya ay CEO" binigyang diin ni Hara ang bawat bigkas. Gustong ipaalala sa kaibigan na walang magiging koneksyon sa kanilang dalawa.

Ngumuso si Sabby, at naramdaman na walang relasyon  ang namamagitan sa dalawa sa ganitong level, masyadong malayo ang agwat nila sa buhay.

"Sa tingin mo, ang mga lalaking gwapo gaya ni Mr. Dela Valle, na sinlamig ng yelo ay matindi ba sa kama? Sa height pa lang niya, sa tingin ko malaki ang sukat niya!"

Hindi makapaniwala si Hara sa binulalas ng kanyang kaibigan. Walang makakapantay sa pagiging bulgar nito. Napailing na lamang siya.

"....."

Sobra naman ang salitang matindi. Kung tungkol sa susunod na sinabi niya...ang sukat ni Gabriel ay malaki nga naman. Kahit na wala pa siyang pagbasehan na iba, halos isang oras ang iginugol niya nong nakaraang gabi para lang umayos. Nag-init ang pisingi ni Hara nang maalala na naman nag tagpong iyon.

'Tigil, tigil, ano bang iniisip mo!' Pagsusuway niya sa kanyang isip.

Hindi tumagal ay dumating si Manager Molina sa hall na desenteng nakaayos, sa kanyang business suit at leather na sapatos, ang kanyang buhok ay kagaya ng isang Mediterranean trend.  Kinuha niya ang mga dokumento mula sa kamay ni Hara at pinasadahan ang mga iyon. 

"Sa loob ng dalawang taon, humigpit ang IO. Hindi madaling i-promote ang ganoong proyekto, ngunit ito ang nangyari! Kung mas maraming pera pala sa pagkuha ng posisyon, kalimutan niyo na ang bonus niyo!" Puno ng dismaya ang kanyang boses.

Walang sinabi ng kahit ano si Hara, natagpuan niya si Sabby na tinapunan ng mapanglait na tingin ang Manager. Sino ba naman ang hindi madidismaya sa pinakitang ugali ng kanilang manager.

'Hindi ba si Mr. Molina ang nagpagulo dito? Para lang mailaban ang proyekto, ang kabilang panig din ay umoo dito' bulong ni Hara sa kanyang isipan.

Biglang napatingin si Mr. Molina kay Hara na para bang may iniisip ng kung ano, at ang kanyang boses ay naging mas mahinahon kumpara sa malapit niyang tono kanina. 

"Ms. Hara, naalala ako....Taga Villasis  ka?" Gulat si Hara dahil sa biglaang katanungan ni Manager Molina.

"Opo, Villasis sa Pangasinan." Sagot ng dalaga. Sa kabilang isip nito ay parang alam niya na kung bakit iyon natanong sa kanya.

"Si Sir Dela Valle ng ating kompanya ay taga-Villasis din. Susubukan kong imbitahan siya para sa dinner mamayang gabi. Pwede mo ring gamitin bilang palusot na parehas kayo ng bayan para malaman mo kung anong naiisip niya?" Napakunot ng noo si Hara sa dahilan ni Mr. Molina.

Sinabi niya ito na parang nagpapayo ngunit wala sa lugar upang tumanggi si Hara! Gusto niyang rumason ngunit nakakatakot.

Nang maisip niyang magkikita sila ni Gabriel.... Hindi pwede ang ideyang iyon. Agad siyang nakaramdam ng kaba.

Umapila si Hara, "Manager Molina, nababahala ako na hindi ako karapatdapat para kausapin si Mr. Dela Valle, hindi ba?"

"Hindi ba normal na uminom sa iisang lamesa, at kausapin siya?" Tanong sa kanya ni Mr. Molina

"Pero--" Matigas at gustong tumanggi ni Hara sa naisip na solusyon ng kanyang boss.

"Yon na, magbihis ka ng maayos ngayong gabi at huwag mo akong papahiyain!" Pinal sa hayag nito at wala na nang nagawa si Hara dahil talagang desidido si Mr. Molina.

Nag lakad si  Mr. Molina sa hotel matapos sabihin ang mga iyon. Ang walang nasabing si Sabby ay inikutan ng mata ang lalaki at sa likod naman niya si Hira na kanyang hila hila para sumunod.

.....

Kinagabihan, nang matapos ang unang round ng negosasyon kasama ang person in charge sa ORBIS Corporation, si Hara naman ay minadali ni Manager Molina na bumalik sa hotel at magprepara na.

Hindi niya alam anong paraan ang ginawa ng Manager nila, pero sumipot si Gabriel sa hotel. Na nakakagulat naman talaga dahil sobrang busy ng taong 'yon at hindi rin palakaibigan sa mga ka-trabaho.

Nang makapasok si Hara, ang una niyang nakita ay si Gabriel na nakaupo sa kanang bahagi. Agad siyang nakaramdam ng kakaibang kaba.

Hinubad ni Gabriel ang suot niyang suit at pinatong ito sa armrest. Gamit ang kanyang seksing mga daliri ay tinanggal niya sa pagkaka-botones ng ilang button sa taas ng kanyang puting shirt. Ang kanyang malamig na puting balat ay bumagay sa gintong rimmed glasses na nakatutok sa tulay ng kanyang ilong dahilan na mas nagmukha siyang tahimik.

Apat na tao ang nasa lamesa, siya at si Manager Molina, si Gabriel at ang personal niyong sekretarya.

Nang makitang nag-aatubiling gumalaw si Hara, lumapit sa kanya si Manager Molina upang ipaghila siya ng upuan na malapit kay Gabriel, "Dito ka, Miss Hara, umupo ka rito."  Nakaramdam ng ilang ang dalaga.

Nag-atubili ang kanya mga paa, ngunit ay naglakad pa rin na parang naninigas. Kinakabahan siya at parang gusto niyang masuka sa nararamdaman.

Ngunit bago siya umupo, narinig niya ang malamig na boses ni Gabriel, "Hindi ba ay assistant si Hara? Lumipat ba siya sa public relations.?” Hindi alam ni Hara kung ano ang iri-reaksyon ng kanyang mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status