Share

Kabanata 2

Kinaumagahan ay nagising si Hara at ang lalaking nasa kanyang tabi ay mahimbing pang natutulog. Ang makikisig nitong braso ay nakayakap sa kanya at prente itong natutulog sa kanyang leeg at may nararamdaman na konting kiliti. Para siyang teenager na kinikilig.

Ang pagmamanhid at pamamaga sa pagitan ng kanyang mga hita ay nararamdaman niya na. Nang nawala na rin ang kalasingan ang kanyang wisyo ay bumalik na rin. Nawala na ang tama ng alak kaya ramdam niya na ang ginawa ni Gabriel sa kanya.

‘Ano ang kanyang ginawa?

….Talaga bang may nangyari saamin ng CEO? Mahinang tanong ni Hara sa kanyang isipan. Agad na nagbuhol-buhol ang mg ideya sa kanyang utak.

Napahinto ang paghinga ni Hara. Agad siyang nagmadali at maingat na inalis ang sarili mula sa yakap ni Gabriel at nagmamadaling umalis sa kama. Sinuot niya ang kanyang damit, inimpake ang bagahe, at tumakbo palayo sa room 1501 at nagpunta sa hotel front desk para kumuha ng panibagong kwarto.

Nang ilabas niya ang kanyang selpon para magbayad, bigla niyang napagtanto na hindi nga ba niya hiningian si Sabby para pasahan ng pang romansang palabas?

Malinaw na kay Gabriel ang account sa messenger! Marahil ay dahil sa kalasingan ay nagkamali siya ng pinag-sendan ng mensahe.

Ilang taon na ang nakalipas nang magkaroon sila ng pagtitipon ng mga kaklase nila noong junior high school at ang kanilang kaklaseng koordinator ay gumawa ng messenger group chat. Inanyayahan ang lahat na isali sa group chat na mga kaklase. Malinaw pang naalala ni Hara na si Gabriel pa ang unang nag-add sa kanya ngunit nang in-accept ito ay hindi na nagsabi ng kung anu pa man kaya kaya nagpasya siyang palitan ang note sa kanya.

Bilang resulta, nangyari ang ganitong kaguluhan! At ang mas malala pa ay may nangyari nga talaga sa kanila ni Gabriel. 

Umupo si Hara sa bagong bukas niyang kwarto at kumalma nang matagal. Inilabas niya ang selpon at umalis sa kanilang junior high school group chat pinalitan niya rin ang kanyang pangalan na dating Hara ay naging Abi at kumuha ito ng babaeng litrato sa internet at ipinalit ito.

Sa ganitong paraan ay hindi na siya makikila ni Gabriel! Kahit habang buhay na siyang magtago at ibaon na lamang sa limot ang lahat ng nangyari sa gabing iyon!

Masyado namang grabe kung buburahin niya ang kanyang account. Ang room 1501 ay sagot ng kompanya at walang malalaman ng kahit ano kaya medyo nakampante rin naman si Hara doon.

Matapos ang maraming pangyayari, sa wakas ay nahila na siya ng kama at mahimbing na nakatulog.

Tumunog ang alarm clock kinaumagahan. Ngayon, si Hara ay kailangan na pumunta sa ORBIS Corporation kasama ang manager para pag-usapan ang isyu tungkol sa karagdagang pondo. Napaisip na naman siya sa bagong isyu na kinakaharap ng kompanyang pinagta-trabahuhan niya.

Ang nakaplanong halaga sa proyektong ito ay bumagsak ng malayo mula sa stop line loss. Ang kabilang panig ay gustong kunin ang posisyon, kung hindi mabebenta ang security assets. Ang bagay na ito ay apurahan, kaya ang kanilang investment department ay mapalad na makakatanggap ng tulong mula sa CEO na ngayon ay sakay sa pribadong eroplano papunta sa Bonifacio Global City sa kanyang business trip.

Matapos maligo, ay nagmamadaling pumunta si Hara sa hotel lobby bitbit ang mga dokumento. Ilang sandali, bumaba na rin si Sabby, nagsalita ito na walang gana, “Pinipilit ni Manager Molina na hindi kinuha ng ating kompanya ang posisyon, ngunit nang pumunta ako sa trust company para tignan ‘yong kontrata, malinaw na nakasulat ang pangalan niya!” 

“Sige, anumang oras ay darating si Manager Molina, huwag mong hayaan na marinig niya ito.” Hinila ni Hara si Sabby, bago pa siya makapagsabi ng kung ano. Nakita niya ang isang matangkad na pigura na pinalilibutan sa labas ng elevator. Agad siyang nakaramdam ng kaba sa nakita at para bang gusto niyang masuka.

Si Gabriel Dela Valle iyon. Hindi siya puwedeng magkamali.

Siya ay nakapagpalit na sa suot niya na roba noong nakaraang gabi and nakasuot ngayon ng isang hapit na black suit. Bahagyang nakakunot ang kanyang gwapong kilay, at mahigpit na nakatikom ang kanyang manipis na labi. Tila siya ay nakikinig sa sinasabi ng kanyang sekretarya, at hindi niya pinansin ang ibang panig. 

Kilala sa mundo ng negosyo si Gabreil Dela Valle bilang malamig ang pakikitungo sa lahat. Ang kanyang malalim at gwapong mukha ay laging matalim, mayabang, at tahimik. Ang pagkaramdam ng pagkaka-api ay parang biglaang pagbaba ng temperatura sa kanyang paligid.

Sinubukang tandaan ni Hara ngunit hindi niya matandaan ang lalaking humalik sa kanyang mga luha nang marahan upang ang mga ito ays palihisin. Parang guni-guni niya lamang iyon.

“Napaka gwapo talaga ng ating CEO. Kung magkakasama ko lamang siya sa kama kahit isang gabi, magiging sulit kahit mamatay na ako agad!” Hindi namalayan ni Sabby na nanigas si Hara. Kinausap ni Hara ang sarili, “Parehas sila ng apelyido na Dela Valle, ngunit bakit malaki ang pagkaka-ibi nila sa histsura? Hoy, Hara, ano ‘yang iniisip mo?”

Bumalik si Hara sa kanyang wisyo nang siya ay tapikin sa braso. Siya ay umatras, sinusubukang iwasan si Gabriel. Ayaw niyang makilala siya nito dahil sa nangyari kagabi.

Ngunit bago pa marating ni Gabriel at ang sekretarya ng mga shareholders ay bigla silang huminto hindi kalayuan kina Hara. Halos malagutan ng hininga si Hara sa sobrang kaba.

Tinaas niya ang talukap ng kanyang mga mata na may malungkot na tingin. Siya ay bumulong sa kanyang sekretarya, “Alamin mo kung sino ang nasa 1501 kagabi”.

Nang marinig ni Hara ang mga numerong iyon, naramdaman niya na parang napuno ng bala ang kanyang mga binti at hindi makagalaw! Hindi alam ni Hara kung ano ang gagawin niya. Ang alam niya lamang ay hindi pwedeng malaman ni Gabriel na siya 'yong nasa 1501 na room.

Sumakit ang ulo ni Hara at tanging naririnig lamang niya ang kagalakan ni Sabby na sumabat-

“1501? Mr. Dela Valle, si Hara ang naroon sa 1501 kagabi!” Napapikit na lamang si Hara sa kadaldalan ng kaibigan. Ano kaya ang gagawin ni Gabriel ngayong alam niya na kung sino ang nasa room 1501 kagabi?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status