"Nagkaroon ka na ba ng karanasan sa isang lalaki?" Prangkang tanong ng kaibigan ni Hara.
Nang lumalim na ang gabi, si Hara Perez na kagagaling lamang sa isang business trip at nakainom pa, na dapat sana ay tulog na, ngunit sa tuwing siya ay pipikit ang mga salitang binitawan ng kanyang bestfriend na si Sabby ay nagsimulang gumulo sa kanyang isipan na para bang pinapaligiran siya ng mga ito.
"Paano mo nasasabi na ganon nga ang pakiramdam sa isang salita lamang? Huwag ka nang mag atubili at lumandi ka sa isang gwapong lalaki habang bata ka pa. Pero kung hindi ka naman makahanap, matututunan mo ring gawin ito sa sarili mo. Huwag kang mahiya, marami akong iba't-ibang movies para tulungan kang buksan ang pinto sa panibagong mundo!" Tukso pa sa kanya ng kaibigan.
'Ano na nga ba ang sinabi ko sa kanya noon?' Bulong niya sa kanyang isipan.
'Hindi ko na matandaan pa.' Napapikit na lamang ito dahil na nga talaga matandaan ang kanyang sinabi noon.
Humiga na si Hara sa kama ng hotel na tinuluyan niya, ang kanyang napakalambot na mukha ay namumula mula dahil sa kalasingan, at ang kanyang mahaba at makapal na buhok n ay sumabog at nakabuhayhay lamang sa kama.
Sa susunod na buwan, siya ay 26 na at isa nang ganap na mature na babae, ngunit hindi siya kailan man nagkaroon ng nobyo. May unang halik naman siya at iyon lamang. Dapat ba siyang mabahala?
Sa totoo lang, hindi naman iyon ang unang beses na banggitin ni Sabby ang mga bagay na yon, at lagi rin siyang nagbabanggit ng mga malalaswang biro, ngunit sa araw na ito, hindi niya inaasahan na may pumukaw sa kanyang katawan na pagnanasa. Hindi rin siya makatulog dahil sa alak! Ano nga ba ang nangyayari sa kanya?
Bumaling si Hara ngunit may pakiramdam siya na parang may sasabog sa kanya kaya naisip niyang umupo.
Wala sa sarili niyang binasa ang tuyong mga labi at nagpasyang kunin ang selpon. Dahil tinanggal na nito ang kanyang contact lenses at medyo may kalasingan na ay hindi na malinaw ang paningin sa screen ng kanyang selpon. Nang makita ang pamilyar na 'Dela' na apelyido ay agad niya itong pinindot.
'Mag-send ka ng mga sinasabi mong palabas, gusto kong panoorin.' Text niya kay Sabby.
Agad naman siyang nakatanggap ng tugon sa kausap at nag-send lamang ito ng tandang pananong.
Napasimangot nang kaonti si Hara at bulgar ang lakas niyang magbiro dahil sa ito ay lasing na.
'Huwag kang mag maang-maangan na hindi mo alam! Lalaki at mga pang-romansang palabas, mamili ka ng isa na i-send mo saakin nasa room 1501 ako,' muli niyang mensahe kay Sabby.
At pinahabol niya pa ang isang pulang labing emoticon. Gusto niyang iparating sa kaibigan na interesado talaga siya.
Nang matapos niyang masabi iyon, naghintay si Hara nang nakapatagal ngunit walang natanggap na reply. Nagpasya siyang tumayo sa kama para kumuha sana ng tubig, ngunit tumunog ang doorbell.
Walang alinlangan siyang lumakad, hindi naman kaya ni Sabby na magdala ng lalaki sa kalagitnaan ng gabi! Pwera na lamang kung talagang seryoso siya na magdadala siya ng lalaki ngayon.
Nahimasmasan ng kaonti si Hara nang bumukas ang pintuan.
"Dela Valle?....Mr. Dela Valle?" Halos malagutan ito ng hininga sa taong nakatayo sa kanyang pintuan ngayon.
Tumutulo pa ang tubig mula basa niyang buhok at nakasuot ng dark silk nightgown, mukhang katatapos niya lamang maligo. Dahil hindi maayos ang pagkakatali sa belt ng kanyang suot ay masusulyapan ang itim na numerong tattoo sa kanyang collarbone. Totoo ba itong nakikita niya?
Habang pababa, may mga mistulang abs na hindi gaanong makita at tuluyang nawala hanggang sa kanyang v-line. Napapikit na lamang si Hara sa nakita dahil nararamdaman niya ang epekto ng alak.
Dahil sa kanyang katangkaran at lean na katawan ay halos harangan niya na ang buong pinto. Ang kanyang matipuno at napakagwapong mukha ay kaonting nakatago sa kadiliman. Nagbago ang kanyang mga titig, naging malamig at walang emosyon ang mga ito. Tulad ng isang halimaw na pinagkaitan ng kalayaan sa mahabang panahon at ngayon ay nakatitig sa kanyang biktima.
"Hinahanap niyo po ako....um!"
Bago pa matapos ni Hara ang sasabihin ay naramdaman niya na ang kanyang ulo na mahigpit na hawak ng dalawang pares na kamay, at ang mga sumunod na pangyayari ay nagpatuloy na.
Nalasahan ni Hara ang alak mula sa labi ni Mr. Dela Valle, at napagtanto niya na magkaiba sila ng ininom ngunit ngayon ay nagkahalo na. Nakakaliyo ang paghalik sa kanya ni Mr. Del Valle. Nakakapanghina ng tuhod.
Nang hindi na nahihilo ay agad siyang idiniin sa kama. Ang puting nightgown ay nahaluan ng tatak ng isang kulay, na babalik balikang alalahanin ng isang tao, at napuno ang kanyang kwarto ng kaakit akit na mga pangyayari.
Hindi mapapagkailang lasing si Gabriel Dela Valle dahil kung hindi, bakit naman pupunta ang CEO ng Dela Valle Corporation sa kwarto ng kanyang assistant? Hindi naman siya baliw para gawin iyon.
Matapos mahirapan sa mga iniisip at nagpasyang tumigil si Hara. Sa totoo lang, kung iisiping mabuti....hindi kawalan na ibinigay niya ang kanyang unang karanasan sa gano'ng kagwapo, kayaman at makapangyarihang tao! Walang nakakapanghinayang kung tutuusin ay para siyang nanalo na sa lotto nito. Nakakabaliw kung iisipin.
Hindi rin naman maalala ni Gabriel kung sino siya, gaya ng hindi niya pagkaalala na sila ay magkaklase nong junior high school, at parehas pa ng mesang inuupan na halos umabot ng isang taon. Sabagay, hindi naman siya importanteng tao sa buhay ni Gabriel para maalala siya.
One night stand lamang ito. Walang pagkakataon na makita siya ni Gabriel sa kompanya lalo na at sa kanyang estado. Napakaliit ng tyansa na may maniniwala sa kanya na may nangyari sakanila ni Gabrielle Dela Valle. Alam rin ni Hara na magkaiba ang mundong ginagalawan nila ni Gabriel.
Nang matapos sa kanyang mga iniisip, kaharap ang sinag ng buwan na nanggagaling mula sa bintana ay humugot siya ng lakas ng loob at niyapos niya ang kanyang kamay sa leeg ni Gabriel. Hinayaan niya munang sulitin ang oras na kasama niya ito.
Kinaumagahan ay nagising si Hara at ang lalaking nasa kanyang tabi ay mahimbing pang natutulog. Ang makikisig nitong braso ay nakayakap sa kanya at prente itong natutulog sa kanyang leeg at may nararamdaman na konting kiliti. Para siyang teenager na kinikilig.Ang pagmamanhid at pamamaga sa pagitan ng kanyang mga hita ay nararamdaman niya na. Nang nawala na rin ang kalasingan ang kanyang wisyo ay bumalik na rin. Nawala na ang tama ng alak kaya ramdam niya na ang ginawa ni Gabriel sa kanya.‘Ano ang kanyang ginawa?….Talaga bang may nangyari saamin ng CEO? Mahinang tanong ni Hara sa kanyang isipan. Agad na nagbuhol-buhol ang mg ideya sa kanyang utak.Napahinto ang paghinga ni Hara. Agad siyang nagmadali at maingat na inalis ang sarili mula sa yakap ni Gabriel at nagmamadaling umalis sa kama. Sinuot niya ang kanyang damit, inimpake ang bagahe, at tumakbo palayo sa room 1501 at nagpunta sa hotel front desk para kumuha ng panibagong kwarto.Nang ilabas niya ang kanyang selpon para magbaya
Napakalakas talaga ng bunganga ni Sabby, nang sinabi niya iyon, lahat ay napatingin, pati na rin si Gabriel. Napayuko na lamang si Hara dahil sa kahihiyang naramdaman.Sa kabutihang palad, sinulyapan lamang siya nito at umiwas agad ng tingin, umalis siya ng hotel na walang sinabing kahit ano. Nakahinga si Hara nang maluwag akala niya'y may eksenang magaganap.Nang nakaalis na ang lahat, lumapit si Sabby kay Hara na may kyuryusong mukha. Gusto sana siyang iwasan ni Hara kaso."Hoy? Bakit tinanong iyon ni Mr. Dela Valle?" Kyuryusong tanong ni Sabby sa kanya. Agad siyang nag-isip ng ipapalusot dahil wala naman siyang balak sabihin ang totoo.Nalilito si Hara. Akala niya ay may mga pasabog na balita, ngunit naging ganto lang pala. Isang malaking eskandalo ito para kay Gabrielle kung may makakaalam ng nangyari kagabi.Nakahinga ng maluwag si Hara na para bang binigyan siya ng pagkakataon na iligtas mula sa kamatayan. Labis na nanuyo ang kanyang lalamunan nang siya ay magsalita... "...Maga
Ang posisyon ng public relations sa investment bank ay maganda naman, pero sa totoo lamang, lahat ay naniniwala na lugar lamang ito para aliwin ang mga bisita. Mababa ang tingin ng ibang nasa ibang departamento sa publi relations.Napaisip si Hara. Iyon ang reyalidad.‘Hindi ko inaakala na sa mata pala niya ay nabibilang ako sa ganoong kategorya bilang Isang public relations Naisip niya ba na ang nangyari kagabi ay kagagawan ni Manager Molina?' may pagdaramdam na isip ng dalaga. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya isa lamang siyang hamak na empleyado.Ang mga salitang sinambit ni Gabriel ay naging dahilan na tila’y uminit ang pisngi ni Hara. Dahil marami sila na naroon, pipilitin niya ang kanyang sarili na ignorahin muna ang kanyang pride sa sarili at pilit na huwag muna umalis sa kiinauupuan.Kailangan niya ang trabahong ito at nangangailangan ng pera pambayad sa hospital bills ng kanyang nanay. Magtitiis na lamang siya, siguro? Naramdaman ni Manager Molina na naging malamig ang ti
Ngunit ang kanyang tatto ay mukhang matagal na, tila'y naka ukit na talaga ito sa kanyang balat kaya masasabing hindi na talaga bagong gawa ang tattoo-ng iyon. Tila panahon na ang lumipas.Kung tama man ang sinabi ni Sabby tungkol sa kasintahan ni Gabriel, malamang ay 0825 ang kaarawan ng babae! Napaka-espesyal naman niya.Alam naman ni Hara kung kailan ang kaarawan ni Gabriel, buwan ng Abril iyon. Yong chairman ng Del Valle Corporation at ang asawa nito na parehong magulang ni Gabriel ay Julyo ang buwan ng kanilang kaarawan. Malamang walang kinalaman din kay Hara ang numerong iyon. Dahil November 14 ang kanyang kaarawan. Wala sa kanilang apat ang numerong 0825.Kung iisipin nga naman, ang isang lalaking katulad ni Gabriel na napakalamig ng pakikitungo sa iba ay nakakagawa din ka-kornihan sa buhay, gaya na lamang ng pagpapa-tattoo niya sa kaarawan ng kanyang kasintahan. Talagang totoong in-love siguro siya sa babae. Hindi siya magpapa tattoo kung hindi niya mahal.Bigla tuloy nakaramd
"Sabby, importante ito! Kaya mo bang gumawa ng paraan para makuha 'yong cellphone number ni Sir Gabriel?" Nablock na kasi ito ni Hara sa messenger at nag-quit na rin siya doon sa high school group chat nila at tanging si Sabby lamang ang taong may kakayahang tulungan si Hara.Napahilamos sa mukha si Hara nang wala sa oras tila ba'y hindi na siya nilalayasan ng problema sa buhay"Sino?" Gulat na tanong ni Sabby. Nahalata ni Hara sa boses ng kaibigan na halos kabubunot lang nito galing sa kama dahil garagal pa ang boses nitong sumagot."Gabriel Del Valle..." alanganing ulit ni Hara na para bang ayaw niyang isipin pa ang problemang kinakaharap niya ngayon. She have so much in her plate."Kung uso sa'yo nagsasalita o naglalakad habang tulog, itulog mo na lang ulit, ha." Sarkastikong sagot ni Sabby. Napapikit nalang si Hara, sana nga gano'n nalang kadali, hindi ba?"Sabby...." Paunang hayag ni Hara at gustong magdahan-dahan sa pananalita ngunit naputol ang litid ng kanyang pasensya."Wala
Nag-isip si Hara ng ipapalusot. Ayaw niya ng offer sa kanya ni Gabriel. Heck, hindi siya bababa sa ganoong uri. "Sir Gabriel..." nag dadalawang isip pa siya kung gagawin ito ngunit kalaunay ginawa na nga niya. "May boyfriend po ako, Sir." Pagsisinungaling niya. Sino ba naman ang matinong babae ang papayag sa gusto ni Gabriel? Kahit naman gwapo ito at mayaman hinding hindi iyon papatulan ni Hara. Ngunit kung iisiping mabuti, maganda ang offer sa kanya ni Gabriel at simula nang siya ay ipinanganak, hindi manlang siya nakaranas ng magagandang bagay kaya hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Isang CEO ang nag-aaya sa kanya ng kasal? Napaisip siya kung sinusubukan lamang ba siya nito o kailangan niya talaga ng marriage partner sa kung anuman ang rason niya. Ngunit kahit anuman iyon wala siyang balak na pumatol sa inaalok ni Gabriel. Kaya siya nagsinungaling na may boyfriend na siya para matigil na si Gabriel sa mga werdong pinagsasabi. Nang marinig ang mga salitang iyon mi