Share

Pangalawang Kabanata

“You are one of my scholar pagkatapos ay in-add kita sa f******k for the project discussion. Mula noon ay may lihim na akong nararamdaman sayo at nagpapahiwatig na din ako. Noong una, ayaw mo pa sakin dahil sa layo ng edad natin. But after a long time, you realized that it doesn’t matter, niligawan kita ng tatlong buwan at nagsama tayo ng kalahating taon dahil hindi ka pa tapos mag aral noon.”

Kinagabihan, naupo si Christian para pag-usapan ang script na ginawa niya para kay Zia. Halos inilarawan niya ang pagkakakilala at pagtatagpo nila, at pagkatapos ay "binuo" ang isang serye ng mga detalye ng pagkakasundo ng dalawa.

“I sorted out these details base sa mga nababasa ko sa online novels at TV series. Halata naman siguro diba? Pwede nating gamitin kahit ano pero limitado, kung sa tingin mong hindi tugma sa plano natin, huwag na nating isama. Kung maaari lang din sana, gumawa ka ng listahan about yourself kung ano yung mga gusto at ayaw mo para hindi sila makahalata.”

Mabilis na binasa ni Zia ang bawat detalye na ginawa ni Christian. “Mr. Vandelmor, right? Nakakapanghinayang na hindi ka nagsusulat ng novels.”

Bahagyang natigilan si Christian.

“Biro lang, masyado ka kasing seryoso,” tawa ni Zia.

Kinabukasan, maagang lumipat si Zia sa bahay tulad ng sabi ni Christian kahapon. Sobrang laki ng bahay pero walang ni-isang tao ang sumalubong sa kaniya, tanging iniwan na note lang ng lalaki ang nakita niya sa may lamesa. Naglibot naman muna si Zia sa buong bahay at naghanap ng magiging kwarto niya para ilagay ang kaniyang gamit bago siya naglinis.

Dumating si Christian kinagabihan, pagod at seryoso ang mukha. Napansin agad iyon ni Zia kaya lumapit ito at ginawa ang trabaho bilang asawa.

“Kumain ka na ba?” Salubong niya sa lalaki.

Napataas ang kilay ni Christian sa ginawa ni Zia.

“Ginagawa ko lang ang trabaho ko,” paglilinaw ng babae. “At saka concern din ako…”

“Not yet, nagluto ka ba?”

Ngiting tumango si Zia sa kaniya. “Hindi pa din ako kumakain, hindi din ako sanay na walang kasabay eh. Tara, kain tayo? Nagluto ako ng buttered shrimp since yun lang ang laman ng ref mo.”

“Alright…” binaba muna ni Christian ang kaniyang suit case sa sofa at saka sumunod kay Zia sa kusina.

“Sorry nga pala kasi pinakialaman ko ang gamit mo,” pagtutukoy niya sa hipon.

“I don’t mind. You can touch everything here as long as my name doesn’t show with it. Let me help you with that,” alok ni Christian at tinulungan si Zia sa paghahanda ng pagkain.

“So, nasabi mo na ba sa Lola mo?” Tanong ni Zia habang kumakain silang dalawa. “Maniniwala kaya siya?”

“That’s why we need to continue improving and connect all the details para hindi tayo magkamali. If you think masyado nang OA ang script, pwede mo siyang baguhin. In that way, mas magiging align sakin at isusulat ko.”

“Okay…”

“I have a question, do you mind?”

“No, go on… ano ba yun?”

“I’m just curious. Saan ka nagt-trabaho ngayon?” tanong ni Christian sabay subo ng kanin.

Uminom naman muna si Zia ng tubig bago sumagot. “Kakatanggap ko lang ngayon. Magdi-direk ako sa TV Station.”

Tumango si Christian. “If you have any questions, feel free to contact me.” Sakto namang tapos niya sa pagkain kaya tumayo na siya at hinugasan ang pinagkainan niya. “Salamat sa food, masarap.”

Hanggang sa makahiga si Zia sa kama, parang panaginip pa din sa kaniya ang lahat ng nangyari. Hawak ang pulang notebook, tiningnan niya ang A4 na papel na puno ng salita pumasok sa isip niya si Christian hanggang sa makatulog.

Sa unang pasok ni Zia sa trabaho, maaga siyang nagising para mag ayos. Sa huli ay nagsuot siya ng light-colored suit at t-shirt pang-ilalim habang ang kaniyang mahabang itim na buhok ay nakatali ng mataas. Nag makeup din siya pero light lang, ilang beses na din siyang tumingin sa salamin para siguraduhin na maayos ang itsura niya.

Gayunpaman, sa sandaling buksan niya ang pinto, agad niyang nakita si Christian sa hapagkainan.

“Come and eat.”

Nakasuot ng grey suit si Christian, na may tuwid at mahabang binti habang naka-itim na pantalon. May hawak siyang plato, animoy niyayaya si Zia na kumain.

“Have breakfast. Hindi ka naman siguro ma-l-late sa work mo, right?”

“No, thank you.” Kaso biglang na-guilty si Zia nang makita ang luto ni Christian, simple but safe to eat naman.

“I have a good partnership with the TV Station. Gusto mo bang kausapin ko sila?”

“Ahh, hindi na. Ayokong gumawa ng eksena, Mr. Vandelmor,” tanggi ni Zia.

“Call me, Chris or the sign you call me last time.”

“Huh?”

“The Love word, remember?”

“Ohhh, that. Hindi pa din ako sanay eh, pwede bang next time na lang?”

“Get used to it. Kung hindi, mabubuko agad tayong dalwa,” giit ni Christian.

Hindi na nakipagtalo pa si Zia at kumain kasabay ni Christian. Ngayon, parehas silang nakasakay sa likod habang nagmamaneho ay ang driver ni Christian na si Oliver. Wala namang sinabi si Christian na balak niyang ihatid si Zia ngunit sa sitwasyon nila ngayon ay halatang iyon ang balak niya.

Nang makitang malapit ni Zia na malapit na sila sa building, hindi niya na napigilang basagin ang katahimikan.

“Christian, dito na lang. Huwag niyo na akong ihatid pa mismo sa building.”

“What’s the matter?” Tanong ng lalaki.

“Gusto ko lang ng low profile, first day ko sa work, ayaw kong isipin nilang mayaman ako pero hindi naman.” Binuksan na ni Zia ang pinto at bumaba. “Salamat sa paghatid pero sa susunod wag na lang. Kaya ko namang mag-commute.”

“Is that so?”

“Oo, sige ingat kayo. Thank you, Lo—Chris.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status