Sa kabilang banda, nakabalik na si Christian sa Vandelmor’s Group galing Hongkong matapos ang meeting niya. Batid ang stress at pagod sa byahe pero nang sumagi sa isip niya si Zia ay agad itong napawi.
“Hey brother!” Walang pasabing bungad sa kaniya ng kapatid na si Johanan. “You’re here! Sakto at may kailangan kang malaman.” Tinapunan lang siya ng tingin ni Christian. “Bad mood ka ba? Pero importante ‘to eh kaya kahit masama ka sakin ay sasabihin ko pa din ang balitang nasagap ko,” bilib sa sariling wika niya. Muli ay wala siyang narinig kay Christian bagamat mukha itong hindi interesado ay hinihintay niya lamang si Johanan matapos sa lahat ng walang kabuluhang salita niya. “Samantha is back! Nasa Taguig siya ngayon at she will stay here for good.” Matagal na mula noong narinig ni Christian ang pangalang Samantha matapos silang mag-break. Halos lahat ng nasa paligid niya ay walang nagtangkang magtanong kung bakit sila naghiwalay. “Ano naman ngayon? Wala naman tayong magagawa,” may halong puot sa boses ni Christian. “At kahit pa bumalik siya, what does it have to do with me?” “Paano kung sabihin ko sayo na imbitado siya sa Anniversary Celebration ng kompanya?” Kunot-noo siyang binalingan ni Christian. “Bakit hindi ko alam?” Bilang tagapag-mana ng Vandelmor’s Group, hindi kilala ni Christian ang mga taong iimbitahan nila sa Anniversary Celebration. “At hindi lang yun, nakipag-dinner si Daddy kay Lola at umaasa pa din silang magkakabalikan kayo. Afterall, everyone knows na gusto mo si Samantha mula pagkabata hanggang pantanda kaya huwag mong sisihin yung matanda pati— “I’m married.” Pagputol ni Christian sa kapatid. “What?!” “Yap, and in fact, kailangan ko ng umuwi sa asawa ko.” Tumayo sa pagkakaupo si Christian at iniwang tulala si Johanan dahil sa nalaman. Sa totoo lang, hindi totoo ang relasyon nina Christian at Zia ngunit tunay na kasal sila. Nagkakilala silang dalawa matapos ang dalawang araw na pakikipag-chat sa isa’t isa. Ayon sa dating description or bio ni Johanan sa internet, naghahanap si Zia ng magiging kapares niya sa loob ng isang cafe. Tinadhanang mapili niya si Christian mula sa apat na choices pero ng makita niya ito sa personal, ibang-iba ang lalaki. “Oh, hi there. I’m Christian Vandelmor…” “H-Hello..” inabot ni Zia ang kaniyang kamay sa lalaki at nakipag kamay, halos masakop na lalaki ang kamay ni Zia. Lakas loob niyang tiningnan ang lalaki, bumulong sa kaniyang isip. “Akala ko pa naman magiging mataba siyang lalaki na matanda at malaki ang tiyan pero legit na gwapo siya at hindi halatang nasa thirties.” Marahang binigay ni Christian ang menu kay Zia. “Look what you want to drink, it’s my treats.” “Latte na lang sakin,” tugon ni Zia na hindi man lang binubuklat ang menu. “Okay…” Hanggang ngayon ay tila naguguluhan pa din si Zia, dinadaan niya na lang na marami na siyang nakilalang gwapong lalaki mula noong maliit pa siya pero walang sinabi ang kagwapuhan na meron siya ngayon. Matangkad ang lalaki, may ngiti sa labi, mas maselan pa ang pustura ng mukha nito. Parang poste siyang umupo sa harap ni Zia, maging ang mga tao sa pagilid ay napapalingon sa kaniyang kagwapuhan dahilan para mailang si Zia. Napalunok ang babae bago ibaling ang tingin sa menu. “I have a good relationship with my grandmother, naoperahan siya matagal ng nakakalipas pero hindi pa din okay ang lagay niya ngayon. Ang tanging hiling niya lang ay makasal ako sa lalong madaling panahon so I’m looking for a suitable woman to be my wife and get married,” pambabasag sa katahimikan ni Christian. Sakto namang malubha din ang sakit ng kapatid ni Zia at kinakailangan ng malaking pera para sa operasyon kaya plano na talagang maghanap ni Zia ng mayamang lalaki. “Mabuti kang kapatid and I’ve heard about your brother so this is a great opportunity for you, Miss?” “Zia…” tuloy niya. “Tungkol naman sa pagpapakasal sakin, sa tingin ko naman ay kailangan kitang bayaran ng malaking halaga kapalit ng pagiging asawa ko. Wala ka na ding iisipin dahil sagot ko lahat ng gastos at luho mo habang mag-asawa tayo… kaya kung may gusto ka ay sabihin mo lang kahit ano pa yan,” paliwanag ni Christian. “Are we getting married for real?” Tanong ni Zia. “Oh, about that… yes. Totoo ang kasal pero ang relasyon natin ay hindi, kinakailangan mo lang magpanggap na asawa ko at umarte sa harap ng pamilya ko at kaibigan,” sagot niya. “I will do my best!” Buo ang dedikasyon ni Zia sa pagkakasabi. “Alright, if there’s no problem on your side, ipapadala ko na lang ang pera sa account mo at pwede mo ng pirmahan ang kontrata.” Nilapag ni Christian sa lamesa ang mga dokumento at saka binigay kay Zia. “Huwag kang mag-alala, I know my limits kaya makakaasa kang wala akong gagawing ikakasira ng kasunduan natin.” Pagkatapos pirmahan ni Zia ang kontrata at matanggap ang marriage certificate parang panaginip lang ang nangyari sa kanila nitong nakaraang dalawang araw. “Zia?” Isang boses ang nagpabalik kay Zia sa reyalidad. Nilingon niya kung sino at napagtantong isa itong HR. “Ay sorry…” “It’s okay, let’s continue. Kaka-graduate mo lang this year, right? So okay lang bang malaman ang estado mo sa love? Are you…” “Oh. I’m married…”“You are one of my scholar pagkatapos ay in-add kita sa facebook for the project discussion. Mula noon ay may lihim na akong nararamdaman sayo at nagpapahiwatig na din ako. Noong una, ayaw mo pa sakin dahil sa layo ng edad natin. But after a long time, you realized that it doesn’t matter, niligawan kita ng tatlong buwan at nagsama tayo ng kalahating taon dahil hindi ka pa tapos mag aral noon.”Kinagabihan, naupo si Christian para pag-usapan ang script na ginawa niya para kay Zia. Halos inilarawan niya ang pagkakakilala at pagtatagpo nila, at pagkatapos ay "binuo" ang isang serye ng mga detalye ng pagkakasundo ng dalawa.“I sorted out these details base sa mga nababasa ko sa online novels at TV series. Halata naman siguro diba? Pwede nating gamitin kahit ano pero limitado, kung sa tingin mong hindi tugma sa plano natin, huwag na nating isama. Kung maaari lang din sana, gumawa ka ng listahan about yourself kung ano yung mga gusto at ayaw mo para hindi sila makahalata.”Mabilis na binasa
Pagkadating ni Zia sa TV Station, sa harap ng malalaking building ay kumuha siya ng picture at saka sinend sa kaniyang kapatid. Pagkapasok niya sa loob, bumungad sa kaniya ang linya ng mga taong naka-itim na suit na tila naghihintay sa bulwagan.May lumapit naman sa kaniyang isang babae na hindi nagkakalayo ng edad at binati siya. “Hi…”“Ay hello, I’m Zia… Zia Wisley.”“Diane Santos. Bago ka?”“Oo, first day ko… ikaw?”“Three years na ako dito, hindi halata noh?” Natatawang wika ni Diane.“Wow, ang tagal mo ma pala dito. Kamusta naman ang work?”“Okay naman, mataas ang sahod pero nakaka-stress—nandiyan na siya, dito tayo…” pagyaya ni Diane sa gilid nang dumating ang isang babaeng medyo matanda sa kanila at may kasamang guards.“Sino siya?” tanong ni Zia.Nanlaki ang mata ni Diane na tiningnan si Zia. “Hindi mo siya kilala? Saang planeta ka ba galing? Kahit yung mga taong nakatira sa bayan ay kilala si Madam Queen, siya lang naman ang asawa ng boss natin.”“Ahh… mataray ba?”Binigyan s
"What are you doing?" Tila natigilan si Zia sa kinatatayuan sa boses na narinig niya. Dahan-dahan siyang lumingon para tingnan ito kasabay ng pagbukas ng ilaw ay nakita niya si Christian at ang kapatid nito. Sa hindi inaasahan ay biglang dumulas ay tuwalyang nakabalot sa katawan niya dahilan para manlaki ang mata niya sabay takip sa katawan. Agad namang tumalikod si Christian at nilakihan ng mata ang kapatid. "Shut your eyes off, jerk." Kumaripas ng takbo si Zia pabalik sa kaniyanh kwarto at hindi sinasadyang ibagsak ang pinto. Sa bilis ng pangyayari ay nagkatinginan ang magkapatid bago ito naupo sa sala. "That was... crazy, bro," hindi pa din makalimutan ni Johanan ang pangyayari. "You didn't mention that your wife is hot, paano mo siya nakilala?" "Don't even think about it, Johanan. Ayokong pag-usapan ang nangyari at pwede ba? Kalimutan mo na ang mga nakita mo kung meron ka mang nakita or else..." "Woah, chill! Hindi ko naman tiningnan ang asawa mo, Kuya baka ikaw pa dya
Hanggang ngayon ay hindi pa din maipinta ang mukha ni Zia pagkalabas sa Marriage Registration Office habang hawak ang papel na nagpapatunay na ganap na siyang kasal kay Christian Vandelmor. Iyong tipong kaka-tungtong niya pa lang sa edad na bente uno ay ngayon ay may asawa na siya at isang bilyonaryo pa.“Hatid na kita,” pagsunod sa kaniya ni Christian. “Paalis ka na ba?” Si Christian ay ang napangasawa ni Zia na isang bilyonaryo. Siya ay higit na isang ulonh tangkad mula kay Zia, na suot ay mapusyaw na polo damit at pantalon, itim ang buhok na tila kulot, pantay ang kutis at mapanghalay na mukha.Tumango si Zia kaya dali-daling nagtungo si Christian sa sasakyan para pagbuksan ito ng pinto at saka siya sumakay. “Ahh!” Gitlang napahawak sa dibdib si Zia matapos kunin ng walang pasabi ang kaniyang kamay. “Ano yun?”“Here… pwede mong gamitin yan for the meantime. Ito naman ang susi sa bahay, pwede ka ng lumipat sa bahay kung gusto mo, pwede mo ding tawagan si Tito Cleo kung may kailang