Hanggang ngayon ay hindi pa din maipinta ang mukha ni Zia pagkalabas sa Marriage Registration Office habang hawak ang papel na nagpapatunay na ganap na siyang kasal kay Christian Vandelmor. Iyong tipong kaka-tungtong niya pa lang sa edad na bente uno ay ngayon ay may asawa na siya at isang bilyonaryo pa.
“Hatid na kita,” pagsunod sa kaniya ni Christian. “Paalis ka na ba?” Si Christian ay ang napangasawa ni Zia na isang bilyonaryo. Siya ay higit na isang ulonh tangkad mula kay Zia, na suot ay mapusyaw na polo damit at pantalon, itim ang buhok na tila kulot, pantay ang kutis at mapanghalay na mukha. Tumango si Zia kaya dali-daling nagtungo si Christian sa sasakyan para pagbuksan ito ng pinto at saka siya sumakay. “Ahh!” Gitlang napahawak sa dibdib si Zia matapos kunin ng walang pasabi ang kaniyang kamay. “Ano yun?” “Here… pwede mong gamitin yan for the meantime. Ito naman ang susi sa bahay, pwede ka ng lumipat sa bahay kung gusto mo, pwede mo ding tawagan si Tito Cleo kung may kailangan ka. Huwag kang mag-alala, kinausap ko naman na siya at siya ang bahala sayo kapag wala ako.” Naguguluhan pumukaw ng tingin si Zia sa hawak niyang business card ni Christian. Parang noong isang araw lang ay tila problemado pa siya sa mga gastusin at sa gamutan ng kapatid niya pero ngayon ay asawa na siya ng bilyonaryo. “Uhhh, salamat.” “What’s the matter?” Pansin ni Christian ang lungkot sa boses ni Zia. “Kulang pa ba yan? Pwede kong dagdan.” “No… no need. Sobra pa nga to,” ika ni Zia. Inayos ni Christian ang kaniyang polo sabay tingin sa relo. “Okay, well… I have a meeting with the investors later, so I may not be able to see you off.” “It’s okay, alam ko namang busy ka.” At saka sita bumaba sa kotse para maglakad. Sa di kalayuan, rinig niya ang pag andar ng kotse ni Christian kaya buong akala ni Zia ay umalis na ito. Ngunit biglang tumigil sa kaniyang tapat ang kotse at nagbukas ang bintana kung saan nakita niya si Christian. “Nakalimutan mo…” abot sa kaniya ng lalaki. Nang tingnan ni Zia kung ano iyon ay napagtanto niyang marriage certificate nila iyon. “Salamat.” Tanging tango at ngiti lamang ang sinukli ni Christian sa kaniya bago ito tuluyang umalis. Muling nagpatuloy si Zia sa paglalakad at hindi napigilang basahin ulit ang kanilang Marriage Certificate at natawa sa kaniyang naisip. Pagdating niya sa sakayan ng mga tricycle, pumara siya at pumunta ng hospital para bisitahin ang may sakit niyang kapatid. Pagbukas niya ng pinto, bumungad kay Zia ang kaniyang kapatid na si Zach na naka upo sa kama habang nagbabasa ng libro. Napansin niya din ang babaeng nasa tabi ng kapatid niya na si Nicole, ang kaklase ni Zach. Magka-batch sila noong high school at parehas din ng University, kaya mula noong na-ospital si Zach ay madalas na siyang bumibisita. “Ate…” tawag sa kaniya ni Zach. Nakangiting pumasok si Zia at nilagay ang binili niyang tinapay sa lamesa. Tumayo naman sa kinauupuan si Nicole na pinagtaka ng magkapatid. “Hello, Ate Zia. Mauna na po ako, naalala ko kasing may gagawin pa ako,” paalam ni Nicole. “Pero kararating ko lang, aalis ka na agad?” Tanong niya. “Birthday po kasi ni Papa ngayon kaya kailangan ko na ding bumalik ng maaga,” sagot ni Nicole. Kita naman ni Zia sa mukha ng dalaga ang pagmamadali nito kaya hindi na siya nakipagtalo pa. Pagkaalis ni Nicole, nagkatinginan ang dalawang magkapatid na may nakakalokong mukha. “Girlfriend mo?” “Ate, kaibigan ko lang. Huwag ka ngang issue diyan,” pagtataray ni Zach habang namumula ang tenga. “Sabi mo eh, tutal malinaw na ang lahat dahil diyan sa tenga mo,” may halong pang aasar na sabi ni Zia at sala umupo sa tabi ni Zach. “Oo nga pala, may good news ako. Nabenta na yung comics ko, two books ay one million!” “Talaga, ate?” Nanlalaking matang tanong ni Zach, tumango naman si Zia. “Wow! Congrats!” “Sabi ko naman sayo eh, akong bahala. Huwag mo ng isipin ang operation mo at hintayin mo lang ang pag yaman natin!” First year high school si Zia noong namatay ang kanilang magulang at grade six naman si Zach. Hindi naging maganda ang trato sa kanila ng kanilang kamag-anak kaya maagang namulat ang magkapatid sa mapait na mundo. Buti na lamang ay hindi naging pabigat at pasaway si Zach sa kaniyang ate kahit kailan, natanggap siya sa unibersidad na gusto niya gamit ang sariling sikap kapalit ang hindi inaasahang sakit, Cancer Stage 2 bago matapos ang taon. Pagkatapos tanggapin ang katotohanan, nakahanap ng mabait na doctor si Zia para sa kaniyang kapatid kaya naman todo kayod siya para lang makaipon ng pera pero hindi pa din iyon sapat. Ngayong mayaman na si Zia, kaya na niyang bayaran lahat ng utang nila sa hospital at iba pa. Habang kausap ni Zia ang doctor, bigla namang tumunog ang cellphone niya at kitang tumatawag si Christian. “Excuse me, Doc.” Isang dangkal na lumayo si Zia sa doctor para sagutin ang tawag. “Hello?” “Is that your way to greet your husband? You should call me, love or darling. Kahit na may kontrata kang pinirmahan, kasal pa din tayo,” bakas ang seryosong tono ni Christian. “Sorry, bumibwelo pa lang. May kailangan ka ba, Love?” tila naiilang pang tawag ni Zia sa kaniya. Napangiti si Christian pero mabilis ding napawi iyon at saka siya tumikhim. “I’m back. Can I see my wife?”Sa kabilang banda, nakabalik na si Christian sa Vandelmor’s Group galing Hongkong matapos ang meeting niya. Batid ang stress at pagod sa byahe pero nang sumagi sa isip niya si Zia ay agad itong napawi.“Hey brother!” Walang pasabing bungad sa kaniya ng kapatid na si Johanan. “You’re here! Sakto at may kailangan kang malaman.”Tinapunan lang siya ng tingin ni Christian.“Bad mood ka ba? Pero importante ‘to eh kaya kahit masama ka sakin ay sasabihin ko pa din ang balitang nasagap ko,” bilib sa sariling wika niya.Muli ay wala siyang narinig kay Christian bagamat mukha itong hindi interesado ay hinihintay niya lamang si Johanan matapos sa lahat ng walang kabuluhang salita niya.“Samantha is back! Nasa Taguig siya ngayon at she will stay here for good.”Matagal na mula noong narinig ni Christian ang pangalang Samantha matapos silang mag-break. Halos lahat ng nasa paligid niya ay walang nagtangkang magtanong kung bakit sila naghiwalay.“Ano naman ngayon? Wala naman tayong magagawa,” may ha
“You are one of my scholar pagkatapos ay in-add kita sa facebook for the project discussion. Mula noon ay may lihim na akong nararamdaman sayo at nagpapahiwatig na din ako. Noong una, ayaw mo pa sakin dahil sa layo ng edad natin. But after a long time, you realized that it doesn’t matter, niligawan kita ng tatlong buwan at nagsama tayo ng kalahating taon dahil hindi ka pa tapos mag aral noon.”Kinagabihan, naupo si Christian para pag-usapan ang script na ginawa niya para kay Zia. Halos inilarawan niya ang pagkakakilala at pagtatagpo nila, at pagkatapos ay "binuo" ang isang serye ng mga detalye ng pagkakasundo ng dalawa.“I sorted out these details base sa mga nababasa ko sa online novels at TV series. Halata naman siguro diba? Pwede nating gamitin kahit ano pero limitado, kung sa tingin mong hindi tugma sa plano natin, huwag na nating isama. Kung maaari lang din sana, gumawa ka ng listahan about yourself kung ano yung mga gusto at ayaw mo para hindi sila makahalata.”Mabilis na binasa
Pagkadating ni Zia sa TV Station, sa harap ng malalaking building ay kumuha siya ng picture at saka sinend sa kaniyang kapatid. Pagkapasok niya sa loob, bumungad sa kaniya ang linya ng mga taong naka-itim na suit na tila naghihintay sa bulwagan.May lumapit naman sa kaniyang isang babae na hindi nagkakalayo ng edad at binati siya. “Hi…”“Ay hello, I’m Zia… Zia Wisley.”“Diane Santos. Bago ka?”“Oo, first day ko… ikaw?”“Three years na ako dito, hindi halata noh?” Natatawang wika ni Diane.“Wow, ang tagal mo ma pala dito. Kamusta naman ang work?”“Okay naman, mataas ang sahod pero nakaka-stress—nandiyan na siya, dito tayo…” pagyaya ni Diane sa gilid nang dumating ang isang babaeng medyo matanda sa kanila at may kasamang guards.“Sino siya?” tanong ni Zia.Nanlaki ang mata ni Diane na tiningnan si Zia. “Hindi mo siya kilala? Saang planeta ka ba galing? Kahit yung mga taong nakatira sa bayan ay kilala si Madam Queen, siya lang naman ang asawa ng boss natin.”“Ahh… mataray ba?”Binigyan s
"What are you doing?" Tila natigilan si Zia sa kinatatayuan sa boses na narinig niya. Dahan-dahan siyang lumingon para tingnan ito kasabay ng pagbukas ng ilaw ay nakita niya si Christian at ang kapatid nito. Sa hindi inaasahan ay biglang dumulas ay tuwalyang nakabalot sa katawan niya dahilan para manlaki ang mata niya sabay takip sa katawan. Agad namang tumalikod si Christian at nilakihan ng mata ang kapatid. "Shut your eyes off, jerk." Kumaripas ng takbo si Zia pabalik sa kaniyanh kwarto at hindi sinasadyang ibagsak ang pinto. Sa bilis ng pangyayari ay nagkatinginan ang magkapatid bago ito naupo sa sala. "That was... crazy, bro," hindi pa din makalimutan ni Johanan ang pangyayari. "You didn't mention that your wife is hot, paano mo siya nakilala?" "Don't even think about it, Johanan. Ayokong pag-usapan ang nangyari at pwede ba? Kalimutan mo na ang mga nakita mo kung meron ka mang nakita or else..." "Woah, chill! Hindi ko naman tiningnan ang asawa mo, Kuya baka ikaw pa dya