Share

Ikatlong Kabanata

Pagkadating ni Zia sa TV Station, sa harap ng malalaking building ay kumuha siya ng picture at saka sinend sa kaniyang kapatid. Pagkapasok niya sa loob, bumungad sa kaniya ang linya ng mga taong naka-itim na suit na tila naghihintay sa bulwagan.

May lumapit naman sa kaniyang isang babae na hindi nagkakalayo ng edad at binati siya. “Hi…”

“Ay hello, I’m Zia… Zia Wisley.”

“Diane Santos. Bago ka?”

“Oo, first day ko… ikaw?”

“Three years na ako dito, hindi halata noh?” Natatawang wika ni Diane.

“Wow, ang tagal mo ma pala dito. Kamusta naman ang work?”

“Okay naman, mataas ang sahod pero nakaka-stress—nandiyan na siya, dito tayo…” pagyaya ni Diane sa gilid nang dumating ang isang babaeng medyo matanda sa kanila at may kasamang guards.

“Sino siya?” tanong ni Zia.

Nanlaki ang mata ni Diane na tiningnan si Zia. “Hindi mo siya kilala? Saang planeta ka ba galing? Kahit yung mga taong nakatira sa bayan ay kilala si Madam Queen, siya lang naman ang asawa ng boss natin.”

“Ahh… mataray ba?”

Binigyan siya ng nakakalokong tingin ni Diane.

“Mukhang mataray nga…” sabi na lang ni Zia.

“Kaya huwag na huwag kang lalapit sa kaniya at baka kapag nakita ka ni Madam Queen ay sisentahin ka agad. Ayaw niya pa naman ng may mas maganda sa kaniya,” giit ni Diane.

Tumatak kay Zia ang sinabi ni Diane kaya simula ng umaga hanggang matapos ang trabaho niya ay umiwas siya kay Queen para makaiwas sa gulo. Alam naman niyang hindi siya masyadong kagandahan pero mabuti na ang nag-iingat.

Pagkauwi niya sa bahay, nagulat siya ng makitang nandoon na ang kotse ni Christian at maaga itong umuwi. Ngunit pagkabukas niya ng pinto ay wala ang lalaki sa sala kaya dumiretso na lang si Zia sa kaniyang kwarto para magbaba ng bag at magpalit.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siyang muli para magluto ng hapunan pero naunahan na siya ni Christian.

“Oh, you’re home? Kanina ka pa ba?” Tanong ng lalaki sa kaniya habang nag gagayat ng mga rekado.

“Ahh oo, akala ko wala ka.”

“I moved my schedule today since it’s my wife’s first day of work. Kamusta naman?” Sabay lagay niya sa kaserola ng mga nagayat na niya.

“Okay naman, I’ve met a few people. Some of them are nice, pero yung iba, alam mo na… hindi naman lahat ng tao ay gusto ka diba?”

“Yeah, I know that. Basta kung may problema ka, don’t hesitate to tell me…”

“Yeah, sure. Pwede ba akong tumulong?” Hindi kasi mapakali si Zia habang pinapanood si Christian.

Nanliit naman ang mga mata ng lalaki. “Huh? Do you think I can’t cook?”

“Hindi naman sa ganon.”

“If that’s the case, leave the dinner to me. Just sit back and relax over there…” saad ng lalaki. “By the way, I’m going out later after dinner kaya huwag mo na akong hintayin. I have keys naman, matulog ka na agad. Okay?”

“Sige, may lakad ka with your friends?” usisa ni Zia.

“Nope. It’s just my brother, he… uhh… caused trouble kaya kailangan ko siyang puntahan sa police station.”

“Aww, okay. Ingat ka…”

Pagkatapos nilang kumain ay tulad ng sabi ni Christian ay umalis na din kaagad siya at nagtungo sa police station malapit sa kanila. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya maintindihan ang nangyari sa kapatid niya sapagkat magulo ang naging pag-uusap nila kanina.

“Chris, dude, I need your help,” bungad ni Johanan kay Christian sa tawag.

“What’s going on this time?”

“Grabe, sa pagkakasabi mo parang may ginawa na naman akong kalokohan. Believe me, bro. This time isn’t my fault,” paliwanag nito.

“Spill.”

“May tinulungan lang akong babae kanina na binabastos, kumakain kasi ako ng barbecue tapos humingi ng tulong yung babae then things happened. Now, I’m at the police station, help me get out of here. Please, don’t tell Dad.”

“Hindi ko ugaling magsumbong. Sige, I’m coming… I just need to wait for my wife because we’re going to celebrate her first day of work,” giit ni Christian.

“What the fuck? Uunahin mo pa talaga iyan kaysa sa sarili mong kapatid?”

“Why not? Kaya mo naman siguro maghintay diyan and besides, this is my wife we are talking about so don’t you dare… baka ako pa mismo magpakulong sayo,” seryosong wika ni Christian at saka pinatay ang tawag.

Pagkadating ni Christian sa police station, sinalubong agad siya ng dalawang pulis.

“I’m Christian Vandelmor and I’m here for my brother, Johanan.” Bigay niya sa kaniyang businees card. “Do you know where he is?”

Laking matang nagtinginan ang dalawang pulis at saka sumaludo sa kaniya. “This way, Sir.”

“Oh, I’m not actually looking for him,” Paglilinaw niya. “I’m here to resolve his case, sa pagkakaalam ko kasi inosente ang kapatid ko. Pwede niyo na ba siyang pakawalan? How much for the compensation?”

“It will be 50,000 pesos.” Singit ng Kapitan nila.

Nilingon siya ni Christian at halata sa mukha nito ang pagiging mukhang pera. “I’ll make it 500,000, mag retiro ka lang.”

Natigilan silang lahat sa narinig.

“Hindi ko alam na ganito na pala ang mga pulis ngayon? Sorry if this will step on your ego pero ang mga katulad mong pulis ay hindi nararapat dito,” direktang sabi ni Christian sa Kapitan, dumako naman ang mata niya sa badge na suot nito. “Captain Suarez? Are you related to Gilbert?”

“That’s my Father. Paano mo nakilala ang papa ko?”

Napa-iling si Christian. “What a waste. Akalain mong ang pinagmamalaking anak ni General ay mukhang pera? Send my regards to him, by the way.”

Matapos iyon ay nakipag areglo na si Christian pati sa babae at sa pulis. Nakalabas na din si Johanan.

“Next time, don’t get me involve to you,” sambit ni Christian at saka binuksan ang kotse niya.

“Hindi ko naman kasalanan yun eh! At saka isa pa, ikaw lang ang pwede kong tawagan. Kilala mo naman sina Mom at Dad, they were too paranoids,” dahilan ni Johanan.

“Tss, sabihin mo yan sa kanila para hindi ka na makapabas ng bahay. Sige na, it’s late. You better go, kailangan ko pang umuwi sa asawa ko.”

“What? Iiwanan mo ko dito? Dude, I left my car at the barbecue restaurant at hindi ako pwedeng umuwi ng ganito sa bahay. Can I come with you just for tonight?”

“Hell no.” Sabay sakay ni Christian sa kotse.

Kaagad namang humarang sa daan si Johanan. “Sige na please! Ngayon lang naman, aalis din ako bukas.”

Huminga muna ng malalim si Christian at binuksan ang bintana. “Fine, hop in!”

“Great!” Mabilis na sumakay si Johanan at umupo sa tabi ni Christian. “I’m also curious about your wife.”

Madilim na ang bahay pagdating ng dalawa, tahimik lamang binuksan ni Christian ang pinto at dahan-dahang pumasok. Ganun din si Johanan.

“It’s three in the morning, sleep in the guest room. My wife is probably sleeping already,” mahinang wika ni Christian.

Tumango si Johanan, tatalikod na sana siya nang may napansin silang anino ng tao na kakalabas lang ng kwarto. Lumapit si Christian para aninagin kung sino iyon at laking gulat ng makita si Zia na nakatapis lang ng tuwalya.

“What are you doing?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status