Love Between The Words

Love Between The Words

last updateLast Updated : 2023-12-25
By:   Dragon88@  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
47Chapters
4.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter one

Thalia’s Point of view“ta·ká·tak. png.….” (Tunog ng makinilya).Mula sa mapanglaw na dilimPuso ko’y nangangapa Tanging sa simoy ng hangin, umaasa itong abang lingkod.Tila buhay ko’y nawawalan ng pag-asaMundo ko’y umiikot sa apat na sulok ng silidTanging karamay, isang munting makinilyaKaulayaw sa kalungkutan, Itong aking munting Talento.Sa mundo ng mga tula, kalungkuta’y napapawiTanging pangarap ay masilayan ang mundoNgunit sadyang ipinagkait sa kaawa-awang nilalang“Saglit na huminto sa pagtipa ang aking mga daliri mula sa makinilya ng marinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan.Ang amo’y na iyon, hindi pa man siya nagsasalita ay kilala ko na kung sino ang pumasok sa aking silid.“Ipagpaumanhin mo Señor ngunit hindi yata’t, nahuli ka sa pagbisita mo sa akin?” Anya sa aking bisita habang nakataas ang kaliwang kilay na wari mo’y nagtataray ngunit ang mga ngiti sa labi ay hindi nawawala.Tumayo ako sa aking kinauupuan at humakbang ng isang hakbang pakaliwa, sunod ay tatlong hakb...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Anna Doremo
ang ganda highly recommend
2024-08-29 23:49:40
1
47 Chapters
Chapter one
Thalia’s Point of view“ta·ká·tak. png.….” (Tunog ng makinilya).Mula sa mapanglaw na dilimPuso ko’y nangangapa Tanging sa simoy ng hangin, umaasa itong abang lingkod.Tila buhay ko’y nawawalan ng pag-asaMundo ko’y umiikot sa apat na sulok ng silidTanging karamay, isang munting makinilyaKaulayaw sa kalungkutan, Itong aking munting Talento.Sa mundo ng mga tula, kalungkuta’y napapawiTanging pangarap ay masilayan ang mundoNgunit sadyang ipinagkait sa kaawa-awang nilalang“Saglit na huminto sa pagtipa ang aking mga daliri mula sa makinilya ng marinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan.Ang amo’y na iyon, hindi pa man siya nagsasalita ay kilala ko na kung sino ang pumasok sa aking silid.“Ipagpaumanhin mo Señor ngunit hindi yata’t, nahuli ka sa pagbisita mo sa akin?” Anya sa aking bisita habang nakataas ang kaliwang kilay na wari mo’y nagtataray ngunit ang mga ngiti sa labi ay hindi nawawala.Tumayo ako sa aking kinauupuan at humakbang ng isang hakbang pakaliwa, sunod ay tatlong hakb
last updateLast Updated : 2023-08-10
Read more
Chapter two
Thalia’s Point of viewSa sariwang hangin humuhugot ng lakasSamo’t saring isipin gumugulo sa isipanIbayong sakit ang siyang bumabalot sa puso kong puno ng kalungkutan.Wari moy tuliro, nanatiling walang alamPangahas na luha’y naglandas sa makinis na pisngiNaalala ko may kasamang lumbayAng malamyos na tinig ng mahal kong inaAt masuyong yakap ng mahal kong amaPuso ko ay nangulila, hinahanap ng lubosMalamig na simoy ng hangin Siyang yumakap sa akinDi yata’t akoy nasasaktan sa di malamang dahilan?Mga matang walang silbi ay aking ipinikitmapanglaw na dilim aking nasilayannaramdaman na lubos kawalan ng silbiMula sa pag-iisa, tanging kaulayaw bisa ng hangin mong walang katulad.“Habang binibigkas ang bawat kataga mga daliri koy patuloy sa pagtipâ. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata dinadama ang kakaibang simoy ng hangin. Kakatwang patuloy pa rin sa pagpatak ang luha ng kahinaan. “M-mama! Ahhhh…” hindi ko na kinaya ang nararamdaman na sakit, saglit na huminto sa pagtipa a
last updateLast Updated : 2023-08-11
Read more
Chapter three
Nataranta ang lahat ng pumasok sa lobby ang isang matangkad na lalaki habang tuwid ang likod nito na naglalakad. Ni hindi man lang siya nag-abala na tapunan ng tingin ang mga empleyado na bumabati sa kanya, habang sa likuran niya ay nakasunod ang ilang mga kalalakihan na pawang mga naka-black suit.Ang lahat ay nanatiling tahimik na may seryosong mukha, at pawang mga yabag lang nila ang maririnig sa buong lobby.Ang paghanga na nararamdaman ng mga kababaihan para sa batang CEO ng Welsh real estate company ay dinadaan na lang sa palihim na sulyap. Mula sa matingkad na brown nitong mga mata na pinarisan ng mahaba at malantik na pilik mata, matangos na ilong at manipis na mga labi ay sadyang pinagpala ang binata na wari mo ay nililok ng isang magaling na sculptor. Mula sa mabalahibuhin niyang balat na hindi masyadong kaputian at matikas na pangangatawan na nababalot ng marangyang kasuotan. Sadyang nangingibabaw sa lahat dahil masasalamin ang perpektong katangian na siyang pinapangarap n
last updateLast Updated : 2023-08-13
Read more
Chapter 4
Thalia’s Point of viewNagugunita ko ang nagdaang araw,Sa piling ni Ina at Ama kong mahalSa aking pagsilang sa madilim na mundo Sila’y naging gabay sa aking paglakiMula sa pagmamahal at kalinga Kakulangan kailan ma'y di alintanaNgayong ako’y tuluyang iniwan Puso ko’y puno ng kalungkutanOras at araw na lumipas ay lubhangwalang buhayPaano haharapin ang bukasKung sa tuwina ay ramdam ang pag-iisaSinisikap maging matatagNgunit katotohanan sumasampalIsang katanungan tumimo sa isipanAt para saan pa itong aking buhay?“Dinig ko ang bawat patak ng aking mga luha mula sa papel sa aking harapan, isang buwan na rin ang lumipas ng pumanaw ang aming mga magulang.At halos isang buwan na ring hindi na nagparamdam sa akin ang aking kapatid. Nauunawaan ko na sadya siyang abala sa pagpapatakbo ng mga naiwang negosyo nang aming mga magulang, katuwang ang aming Uncle Samuel. Ngayon ko mismo nararamdaman ang pagiging walang silbi, para akong isang preso na naghihintay ng kamatayan.Dinukot
last updateLast Updated : 2023-08-17
Read more
Chapter 5
Alistair Point of view“Mamâ, Ilan ba ang anak ni tita Esperanza?” Tanong ko sa aking ina na siyang ikinatigil nito sa pagsubo ng pagkain. Nagtataka na lumingon siya sa akin na tila hindi inaasahan ang naging tanong ko.“Isa lang Iho, si Ashley, nagkita na ba kayo? Nabanggit sa akin ng Sekretarya mo na nagpunta ka raw kahapon sa bahay ng mga Hernandez.” Tanong ng aking ina bago itinuloy ang pagsubo ng gulay na nakatusok sa kanyang tinidor.“Nope, walang tao sa kanila ng pumunta ako roon, baka sa ibang araw na lang siguro. Oh, I have to leave now, Papa, marami pa kasi akong aasikasuhin sa opisina.” Paalam ko sa aking ama, marahan lang itong tumango habang nagbabasa ng news paper. Tumayo na ako at lumapit sa aking ina, humalik muna ako sa pisngi nito bago lumabas ng dining room.Pagdating ko sa tapat ng sasakyan ay kaagad na binuksan ng aking tauhan ang pintuan ng kotse. Dadaan muna ako sa aking opisina upang kunin ang lahat ng mga papeles na kailangan ko sa aking trabaho, dahil plano
last updateLast Updated : 2023-08-18
Read more
Chapter 6
Thalia’s Point of view“Sadyang ang buhay ay kay hirap unawainWalang hanggang kasiyahanKaakibat ay kalungkutanPangakong binitiwanKatumbas ay pag-asaNgunit matamis na salita nagdulot ng matinding kapighatianBakit kailangan na ako’y paasahinKung iyong salita ay di kayang panindigan?”“Apat na araw na ang lumipas ng makadaupang palad iyong estranghero na naligaw sa aking silid. Puso ko ay tahimik na naghihintay sa kanyang pagbabalik, mabuti pang hindi na lang niya ako pinaasa, sapagkat matinding sakit ang idinulot nito sa aking puso.Sino nga ba naman ako para pag-aksayahan ng panahon? Isang munting bulag na walang silbi?Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Bakit ba ako nasasaktan gayung hindi ko naman siya kilala? Ngunit bakit ganun? Higit na mas masakit ito sa mga taong nawala sa akin.Hinawi ang pangahas na luha, at sinikap na kalmahin ang sarili.Sinikap ko na ituon ang atensyon sa paglikha ng tula, sa tuwing nalulumbay ako ay ito ang aking sandigan. Mab
last updateLast Updated : 2023-08-19
Read more
Chapter 7
Alistair’s Point of view“Ali, wala ka bang trabaho ngayon?” Malambing na tanong sa akin ni Thalia kaya nilingon ko ito mula sa kanang bahagi ko at nanggigigil na pinatakan ito ng isang halik sa labi. Gusto kong matawa ng bigla itong sumimangot dahil sa ginawa ko.“Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong gugulatin ng mga halik mo.” Naiinis na saad niya habang nanghahaba ang kanyang nguso, kulang na lang ay mapunit ang bibig ko dahil sa laki ng ngiti ko. Nagmukha kasi siyang bata na nagmamaktol, kumilos ito at akmang aalis mula sa kinauupuan nito sa gilid ng kama kaya mabilis kong hinapit ang kanyang baywang at saka hinila paupo sa kandungan ko.“Saan ka pupunta, hm?” Malambing kong tanong sa kanya bago ito niyakap ng mahigpit saka ibinaon ang aking mukha sa leeg nito, sinamyo ang natural na bango ng kanyang balat.“Kailangan ko ng ihanda ang aking mga damit dahil oras na para maligo.” Malumanay niyang sagot, nakita ko na napapikit siya sa aking ginawa kaya lihim akong napa
last updateLast Updated : 2023-09-06
Read more
Chapter 8
“Bakit Alice? Anong nangyayari sayo?” Nagtataka na tanong ni Lani sa kanyang kapatid, labis silang naguguluhan sa kakaibang ikinikilos nito.“A-ang ibig kong sabihin ay hindi ko na ilagay ang gulay sa pinapakuluan kong karne.” Bahagya pa itong nautal sa pagsasalita bago alanganing ngumiti sa kanila, saka bumaling sa kanyang kapatid na si Nelia. “Ate, samahan mo ako sa kusina dahil kailangan ko ang tulong mo.” May pag-aatubili na wika nito, tila nakakaunawa ang kanyang kapatid at kaagad silang nagpaalam kay Señor Samuel.“Ano?” Ang tanga mo talaga! Anong gagawin natin ngayon? Siguradong magagalit sayo si Ate Lina dahil sa katangahan mo.” Galit na sermon ni Nelia kay Alice habang ito ay paroo’t parito, magkasalikop ang kanyang mga kamay habang panay ang pasil niya dito. Halatang kinakabahan siya ng husto.“Anong gagawin natin? Hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila sa sala’s?” Nag-aalala na tanong ni Alice kay Nelia. “Hindi ko rin alam.” Sagot nito habang manaka-nakang sumisilip sa p
last updateLast Updated : 2023-09-07
Read more
Chapter 9
Thalia’s Point of view Ding… Dang…Nang marinig ko ang tunog ng malaking orasan ay batid ko na alas dose na ng hating gabi, ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupâ ang kasiyahan na nararamdaman ng puso ko.Samo’t-saring emosyon ang bumabalot sa buong pagkatao ko kaya napaka damot ng antok sa akin.Kinapa ko ang singsing sa aking kamay at wala sa loob na napangiti ako, hindi ko sukat akalain na pagkakalooban ako ng isang lalaki na magsasalba sa akin mula sa kalungkutan. Abot hanggang langit ang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi niya ako kinalimutan. Akala ko habambuhay na lang akong mag-iisa sa loob ng kwartong ito, simula ng dumating sa buhay ko si Ali ay muli akong nabuhayan ng loob. Nanumbalik ang kasiyahan sa buhay ko at natuto akong muli na mangarap kasama ang aking mahal na si Ali.Kung noong una ay hindi na ako umaasa na makakita pa, ngayon ay inaasam ko na sana ay kaawaan ako ng Diyos at kalooban niya ako ng paningin. Labis kong pina-
last updateLast Updated : 2023-09-09
Read more
Chapter 10
“Ate Lani! Ate Lani!” Malakas na sigaw ni Alice ang bumulabog sa loob ng kusina na siyang gumulat sa magkapatid na Lani at Nelia. Ang mukha ni Alice ay parang nakakita ng multo at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.“Ano ba ang nangyayari sayo Alice at tinalo pa ng bibig mo ang wawang ng ambulansya?” Naiinis na sikmat niya sa kanyang kapatid.“Ate, hindi ba’t si Ali ang lalaking ito?” Nagugulumihanang tanong nito sa nakatatandang kapatid, nagtataka na sabay lumapit ang dalawa sa kanilang bunsong kapatid.Kinuha ni Lani ang magazine mula sa kamay ni Alice at masusing sinuri ang mukha ng lalaki sa magazine. Halos sabay na nanlaki ang mata ng dalawa ng makita ang larawan ng binata.Hindi makapaniwala si Lani na ang lalaking kasama ng kanyang alaga ay ang kilalang heartless na lalaki sa kanilang bansa, si Alistair Welsh. Mula sa magazine ay malinaw nilang nakikita ang larawan nito habang naka-abriecete ang isang kilalang actress sa kanang braso nito. Ang pagkakaalam ng publiko ay ito
last updateLast Updated : 2023-09-09
Read more
DMCA.com Protection Status