Thalia’s Point of view
“ta·ká·tak. png.….” (Tunog ng makinilya).Mula sa mapanglaw na dilimPuso ko’y nangangapaTanging sa simoy ng hangin, umaasa itong abang lingkod.Tila buhay ko’y nawawalan ng pag-asaMundo ko’y umiikot sa apat na sulok ng silidTanging karamay, isang munting makinilyaKaulayaw sa kalungkutan, Itong aking muntingTalento.Sa mundo ng mga tula, kalungkuta’y napapawiTanging pangarap ay masilayan ang mundoNgunit sadyang ipinagkait sa kaawa-awang nilalang“Saglit na huminto sa pagtipa ang aking mga daliri mula sa makinilya ng marinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan.Ang amo’y na iyon, hindi pa man siya nagsasalita ay kilala ko na kung sino ang pumasok sa aking silid.“Ipagpaumanhin mo Señor ngunit hindi yata’t, nahuli ka sa pagbisita mo sa akin?” Anya sa aking bisita habang nakataas ang kaliwang kilay na wari mo’y nagtataray ngunit ang mga ngiti sa labi ay hindi nawawala.Tumayo ako sa aking kinauupuan at humakbang ng isang hakbang pakaliwa, sunod ay tatlong hakbang pauna, pumihit ako paharap sa kaliwang direksyon at sinimulan ang sampung hakbang tungo sa direksyon ng pintuan.Huminto ako sa mismong harapan ng taong ngayon ay may kalahating hakbang ang layo mula sa akin. Umangat ang aking mga kamay at mula sa ulo nito ay nagsimulang kumapa ang aking mga palad.“Mula sa manipis na buhok, malapad na nooMga kilay na di masyadong makapalIlong na matangos at pisnging matambokSadyang pinagpala, sapagkat ako’y nabiyayaan ng isang amang walang kasing gwapo.” Nakangiti kong pahayag habang kinakapa isa-isa ang lahat ng nabanggit.Sa isang iglap ang kwarto ko ay napuno ng halakhak kasunod ang nanggigigil na halik na lumapat sa aking noo bago ako niyakap ng mahigpit ng aking Ama.“Oh, anak ko, labis mo akong pinapasaya dahil sa iyong pagiging makata.” Narinig kong pahayag nito na tila kay laki ng naging impluwensya ko sa kanya sapagkat maging ito ay nagagaya ang tono ng aking pagbigkas.“Puso ko’y nagagalak na muling marinig ang iyong halakhak sapagkat pinapawing lubos ang lahat ng kalungkutan. Di yata’t Papa ika’y may nakalimutan? Sayang ang pagiging gwapo naten kung ang ating utak ay pumupurol dala ng katandaan.” Nang-aasar kong wika na sinundan ng isang mabining pagtawa.“Hahaha, Sweetheart of course not, bakit ko naman makakalimutan ang kaarawan ng aming Prinsesa.” Nakangiting sagot ng aking Ama.“Happy birthday, mahal ko.” Narinig kong bati sa akin ni Mama kaya lalong lumapad ang aking mga ngiti.Mula sa harapan ay naramdaman ko ang mainit na simoy ng hangin kaya alam ko na nasa tapat ng aking mukha ang kandila.Pumikit ako upang humiling bago hinipan ang kandila.Ako si Thalia Hernandez ang bunsong anak ni Cong. Hector Hernandez at ni Esperanza Hernandez. Walang nakakaalam na may isa pang anak ang congressman ng Santa Lourdes. Tanging si Ate Ashley lang ang kilalang anak ng mga ito, nauunawaan ko ang aking mga magulang kung bakit kailangan nila akong itago sa publiko.Sadyang magulo ang pulitika at ito ang naisip nilang paraan upang ako ay protektahan mula sa mga kalaban nila sa pulitika.Ngayong araw ang ika-labing siyam ng aking kaarawan, at nineteen years na akong nakakulong sa loob ng aking silid. Ayon kay mama ay isinilang naman akong normal ngunit sa pagtunton ko ng ikalimang buwan ay saka lang natuklasan na ako pala ay bulag.Matagal na panahon na rin kaming naghihintay na makahanap ng donor ngunit sa tuwina ay lagi kaming bigo.Naramdaman ko ang braso ni Papa na pumulupot sa baywang ko at inalalayan ako nito tungo sa lamesa. Sadyang matalas ang aking pakiramdam, maging ang aking pang-amoy dahil hindi rin nakaligtas sa aking pakiramdam ang presensya ng Yaya Lani ko kahit na hindi ito nagsasalita.“Yaya, maaari mo bang tawagin ang iba upang ating pagsaluhan ang munting biyaya sa lamesa.” Magalang kong utos at dinig ko ang mga yabag niya patungo sa pintuan.Hindi na iba sa akin sina yaya Lani at ang dalawa pa nitong kapatid na siyang nag-aalaga sa akin sa loob ng labing siyam na taon.Ang dalawa sa kanila ay nanatiling dalaga habang ang isa ay may sariling pamilya ngunit mas pinili nila ang magtrabaho dito upang ako ay alagaan.Kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa kanila dahil ni minsan ay hindi nila ako iniwan.“Mama, hindi ba makakarating si Ate Ashley ngayon sa aking kaarawan?” Seryoso kong tanong habang isa-isang hinahawakan ng aking kamay ang ilang silya na nakapalibot sa lamesa at mula sa aking isipan ay binibilang ang bawat mahawakan. Kung akoy pagmamasdan wari mo’y isang normal na tao kung kumilos, dahil hindi ako tulad ng ilang bulag na umaasa sa tungkod.“Huwag ka sanang magtampo sa iyong kapatid, Anak, alam mo naman na ngayon palang siya nagsisimula sa kanyang career. Batid ko na nauunawaan mo ang iyong kapatid.” Malumanay na sagot ng aking ina.“Nauunawaan ko, Mama, at pakisabi sa kanya na hangad ko ay ang kanyang tagumpay.” Ani ko bago matamis na ngumiti sa kanila.”Nakangiti ang mag-asawa habang pinagmamasdan ang kanilang magandang anak, kung nakikita lang sana ni Thalia ang kanyang itsura marahil ay labis siyang mamamangha.“Ano ang kahilingan ng aming Prinsesa para sa kanyang kaarawan?” Ang tanong ni Cong. Hector sa pinakamamahal na anak.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mapulang labi ng dalaga bago ito sumagot.“Mula sa mapagmahal na mga magulang at mga taong nakapaligid sa akin na wala ng ibang iniisip kung hindi ang aking kapakanan, kalusugan at pagpapala para sa inyong lahat na mga mahal ko sa buhay.” Masayang sagot ng dalaga habang maayos na umuupo sa isang silya, sa likuran nito ay naka-alalay ang ina.Ang lahat ay nakamasid habang pinagmamasdan ang dalaga na inaayos ang kanyang mga kubyertos sa ibabaw ng kanyang pinggan.Hindi sanay ang dalaga na siya ay pinagsisilbihan mas gusto niya ang siya mismo ang kumikilos para sa sarili. Sa paraan man lang nito ay maranasan niya kung paano kumilos ang isang normal na tao.Naupo ang lahat sa kani-kanilang mga pwesto habang masayang nagkukwentuhan na wari mo ay isang malaking pamilya. Nakalulungkot mang isipin ang kalagayan ng dalaga ngunit para sa kanila ay walang puwang ang kalungkutan sa loob ng kanilang tahanan.Pagkatapos kumain ay nagkaroon pa ng kasiyahan, isinayaw ni Cong. Hector ang kanyang anak na si Thalia.Kung iyong pagmasdan ang kabuuan ng kwarto ay para kang nasa panahon ng mga kastila, maaliwalas ang buong paligid at kay gandang pagmasdan ang mga sinaunang mga gamit na napanatili nilang maayos.Organisado ang lahat na naaayon sa klase ng pagkatao ng dalaga.“Konting tiis na lang anak, nakahanda na ang lahat at sa oras na makahanap tayo ng donor ay kaagad kang sasailalim sa isang operasyon kaya darating ang panahon na makakakita kang muli.” Malumanay na pahayag ni Esperanza sa anak, isang matipid na ngiti ang ginawa ng dalaga bago ito nagsalita.“Kailanman ay hindi ako nawalan ng pag-asa Mama, ika nga hanggat may hininga may pag-asa.” Mula sa inosenteng mukha ng dalaga ay makikita ang katatagân nito sa kinakaharap na pagsubok. Napangiti ang mag-asawa at kapwa niyakap ang pinakamamahal nilang anak.Si Thalia ay isang magandang halimbawa sa lahat, ni minsan ay hindi ito pinanghinaan ng loob bagkus ay ginamit niya ang pagiging bulag upang maging inspirasyon sa natatangi niyang talento.Napakaganda ni Thalia kaya labis itong iniingatan ng mag-asawa dahil ayaw nilang mapahamak ito sa labas kaya mas pinili nila ang itago ito sa lahat upang magkaroon ng kapayapaan ang buhay nito.Pagkatapos ng kasiyahan ay maagang nagpahinga ang dalaga, iniwan ito ng mag-asawa na nakahiga sa kanyang kama habang mahimbing na natutulog.Tahimik na lumabas ng kwarto ang mag-asawa at tumungo sa kanilang silid upang magpahinga.Nandito sila ngayon sa kanilang ancestral house, sagrado ang bahay na ito at ni isa ay walang nakakaalam kaya napaka payapa ng buong paligid. Hindi tulad ng bahay nila sa Santa Lourdes na madalas ay puno ng tao dahil sa mga kababayan nilang humihingi ng tulong.At hindi rin nawawala ang mga media sa paligid na pawang mga nakabantay sa bawat kilos ng Congressman.Mainit ang mata ng lahat kay Cong. Hernandez dahil sa napipinto nitong pagtakbo bilang Governor. Malakas kasi ang hatak niya sa mga tao kaya malaki ang hinala ng lahat na ito ang mananalo sa susunod na halalan.Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na madalas na makatanggap ng death threats ang mag-asawa kaya napakahigpit ng kanilang seguridad.Ginagawa ng mag-asawa ang lahat upang makatulong sa kanilang mga kababayan at alam nila sa kanilang sarili na wala silang bahid corruption. Kaya marami na ang sumubok na siraan si Cong. Hector ngunit sa tuwina ay nauuwi lang sa wala ang lahat.“Hector, labis akong nag-aalala para sa ating anak paano kung dumating ang panahon na mawala tayo sa mundo, paano si Thalia?” Nag-aalala na tanong ng ginang sa kanyang esposo.“Huwag kang mag-isip ng ano pa man, mahal ko, mabait ang anak natin at alam ko na hindi siya pababayaan ng Diyos, nandiyan din si Ashley at alam ko na hindi niya pababayaan ang kanyang kapatid. Kaya ipanatag mo ang iyong kalooban.”kalmadong pahayag ni Hector sa asawa bago niya ito niyakap.———————————-“Iha, aalis na kami ng Papa mo, baka dalawang araw kaming hindi makakauwi dahil magiging abala kami sa pangangampanya.” Paliwanag ni Esperanza sa anak.“Nauunawaan ko, Mama, basta lagi n’yong tatandaan na mag-ingat kayo ni Papa, at alam ko rin naman na gagabayan kayo ng Diyos.” Nakangiting wika ni Thalia, mahigpit na nagyakap ang mag-ina bago mariing hinalikan sa pisngi ang dalaga.Sunod na lumapit ay si Cong. Hector at mahigpit na niyakap ang anak saka hinalikan sa noo.“Iyong pakatandaan, anak, na mahal na mahal kita.” Malambing na pahayag ng kanyang ama kaya labis na kaligayahan ang nararamdaman ng dalaga.“Lani, kayo na ang bahala kay Thalia, ang mga bilin ko, huwag ninyong kakalimutan, salamat.” Ani ni Hector sa pinagkakatiwalaan na tatlong katulong.“Parang anak ko na si Thalia kaya huwag kayong mag-alala, kami na ang bahala sa kanya.” Nakangiting sagot ni Lani.Samantala, mula sa kanyang silid ay hindi mapakali si Thalia at bigla siyang napahawak sa kan’yang dibdib. Malakas ang tahip ng kanyang dibdib at nahihirapan din siyang huminga.“Y-yaya, yaya…” nahihirapang bigkas ng dalaga na bahagya pa itong hinihingal.“Thalia, anong nangyayari sayo?” Nag-aalala na tanong ni Lani sa alaga.“A-anong nangyayari? Kay lakas ng kabog ng aking dibdib, bakit ako kinakabahan ng sobra?Hindi kaya may nangyayaring hindi maganda?” Naguguluhan na tanong ng dalaga sa kanyang yaya. Hindi nakasagot ang matanda dahil maging ito ay naguguluhan sa kung ano ang nangyari kay Thalia.Thalia’s Point of viewSa sariwang hangin humuhugot ng lakasSamo’t saring isipin gumugulo sa isipanIbayong sakit ang siyang bumabalot sa puso kong puno ng kalungkutan.Wari moy tuliro, nanatiling walang alamPangahas na luha’y naglandas sa makinis na pisngiNaalala ko may kasamang lumbayAng malamyos na tinig ng mahal kong inaAt masuyong yakap ng mahal kong amaPuso ko ay nangulila, hinahanap ng lubosMalamig na simoy ng hangin Siyang yumakap sa akinDi yata’t akoy nasasaktan sa di malamang dahilan?Mga matang walang silbi ay aking ipinikitmapanglaw na dilim aking nasilayannaramdaman na lubos kawalan ng silbiMula sa pag-iisa, tanging kaulayaw bisa ng hangin mong walang katulad.“Habang binibigkas ang bawat kataga mga daliri koy patuloy sa pagtipâ. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata dinadama ang kakaibang simoy ng hangin. Kakatwang patuloy pa rin sa pagpatak ang luha ng kahinaan. “M-mama! Ahhhh…” hindi ko na kinaya ang nararamdaman na sakit, saglit na huminto sa pagtipa a
Nataranta ang lahat ng pumasok sa lobby ang isang matangkad na lalaki habang tuwid ang likod nito na naglalakad. Ni hindi man lang siya nag-abala na tapunan ng tingin ang mga empleyado na bumabati sa kanya, habang sa likuran niya ay nakasunod ang ilang mga kalalakihan na pawang mga naka-black suit.Ang lahat ay nanatiling tahimik na may seryosong mukha, at pawang mga yabag lang nila ang maririnig sa buong lobby.Ang paghanga na nararamdaman ng mga kababaihan para sa batang CEO ng Welsh real estate company ay dinadaan na lang sa palihim na sulyap. Mula sa matingkad na brown nitong mga mata na pinarisan ng mahaba at malantik na pilik mata, matangos na ilong at manipis na mga labi ay sadyang pinagpala ang binata na wari mo ay nililok ng isang magaling na sculptor. Mula sa mabalahibuhin niyang balat na hindi masyadong kaputian at matikas na pangangatawan na nababalot ng marangyang kasuotan. Sadyang nangingibabaw sa lahat dahil masasalamin ang perpektong katangian na siyang pinapangarap n
Thalia’s Point of viewNagugunita ko ang nagdaang araw,Sa piling ni Ina at Ama kong mahalSa aking pagsilang sa madilim na mundo Sila’y naging gabay sa aking paglakiMula sa pagmamahal at kalinga Kakulangan kailan ma'y di alintanaNgayong ako’y tuluyang iniwan Puso ko’y puno ng kalungkutanOras at araw na lumipas ay lubhangwalang buhayPaano haharapin ang bukasKung sa tuwina ay ramdam ang pag-iisaSinisikap maging matatagNgunit katotohanan sumasampalIsang katanungan tumimo sa isipanAt para saan pa itong aking buhay?“Dinig ko ang bawat patak ng aking mga luha mula sa papel sa aking harapan, isang buwan na rin ang lumipas ng pumanaw ang aming mga magulang.At halos isang buwan na ring hindi na nagparamdam sa akin ang aking kapatid. Nauunawaan ko na sadya siyang abala sa pagpapatakbo ng mga naiwang negosyo nang aming mga magulang, katuwang ang aming Uncle Samuel. Ngayon ko mismo nararamdaman ang pagiging walang silbi, para akong isang preso na naghihintay ng kamatayan.Dinukot
Alistair Point of view“Mamâ, Ilan ba ang anak ni tita Esperanza?” Tanong ko sa aking ina na siyang ikinatigil nito sa pagsubo ng pagkain. Nagtataka na lumingon siya sa akin na tila hindi inaasahan ang naging tanong ko.“Isa lang Iho, si Ashley, nagkita na ba kayo? Nabanggit sa akin ng Sekretarya mo na nagpunta ka raw kahapon sa bahay ng mga Hernandez.” Tanong ng aking ina bago itinuloy ang pagsubo ng gulay na nakatusok sa kanyang tinidor.“Nope, walang tao sa kanila ng pumunta ako roon, baka sa ibang araw na lang siguro. Oh, I have to leave now, Papa, marami pa kasi akong aasikasuhin sa opisina.” Paalam ko sa aking ama, marahan lang itong tumango habang nagbabasa ng news paper. Tumayo na ako at lumapit sa aking ina, humalik muna ako sa pisngi nito bago lumabas ng dining room.Pagdating ko sa tapat ng sasakyan ay kaagad na binuksan ng aking tauhan ang pintuan ng kotse. Dadaan muna ako sa aking opisina upang kunin ang lahat ng mga papeles na kailangan ko sa aking trabaho, dahil plano
Thalia’s Point of view“Sadyang ang buhay ay kay hirap unawainWalang hanggang kasiyahanKaakibat ay kalungkutanPangakong binitiwanKatumbas ay pag-asaNgunit matamis na salita nagdulot ng matinding kapighatianBakit kailangan na ako’y paasahinKung iyong salita ay di kayang panindigan?”“Apat na araw na ang lumipas ng makadaupang palad iyong estranghero na naligaw sa aking silid. Puso ko ay tahimik na naghihintay sa kanyang pagbabalik, mabuti pang hindi na lang niya ako pinaasa, sapagkat matinding sakit ang idinulot nito sa aking puso.Sino nga ba naman ako para pag-aksayahan ng panahon? Isang munting bulag na walang silbi?Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Bakit ba ako nasasaktan gayung hindi ko naman siya kilala? Ngunit bakit ganun? Higit na mas masakit ito sa mga taong nawala sa akin.Hinawi ang pangahas na luha, at sinikap na kalmahin ang sarili.Sinikap ko na ituon ang atensyon sa paglikha ng tula, sa tuwing nalulumbay ako ay ito ang aking sandigan. Mab
Alistair’s Point of view“Ali, wala ka bang trabaho ngayon?” Malambing na tanong sa akin ni Thalia kaya nilingon ko ito mula sa kanang bahagi ko at nanggigigil na pinatakan ito ng isang halik sa labi. Gusto kong matawa ng bigla itong sumimangot dahil sa ginawa ko.“Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong gugulatin ng mga halik mo.” Naiinis na saad niya habang nanghahaba ang kanyang nguso, kulang na lang ay mapunit ang bibig ko dahil sa laki ng ngiti ko. Nagmukha kasi siyang bata na nagmamaktol, kumilos ito at akmang aalis mula sa kinauupuan nito sa gilid ng kama kaya mabilis kong hinapit ang kanyang baywang at saka hinila paupo sa kandungan ko.“Saan ka pupunta, hm?” Malambing kong tanong sa kanya bago ito niyakap ng mahigpit saka ibinaon ang aking mukha sa leeg nito, sinamyo ang natural na bango ng kanyang balat.“Kailangan ko ng ihanda ang aking mga damit dahil oras na para maligo.” Malumanay niyang sagot, nakita ko na napapikit siya sa aking ginawa kaya lihim akong napa
“Bakit Alice? Anong nangyayari sayo?” Nagtataka na tanong ni Lani sa kanyang kapatid, labis silang naguguluhan sa kakaibang ikinikilos nito.“A-ang ibig kong sabihin ay hindi ko na ilagay ang gulay sa pinapakuluan kong karne.” Bahagya pa itong nautal sa pagsasalita bago alanganing ngumiti sa kanila, saka bumaling sa kanyang kapatid na si Nelia. “Ate, samahan mo ako sa kusina dahil kailangan ko ang tulong mo.” May pag-aatubili na wika nito, tila nakakaunawa ang kanyang kapatid at kaagad silang nagpaalam kay Señor Samuel.“Ano?” Ang tanga mo talaga! Anong gagawin natin ngayon? Siguradong magagalit sayo si Ate Lina dahil sa katangahan mo.” Galit na sermon ni Nelia kay Alice habang ito ay paroo’t parito, magkasalikop ang kanyang mga kamay habang panay ang pasil niya dito. Halatang kinakabahan siya ng husto.“Anong gagawin natin? Hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila sa sala’s?” Nag-aalala na tanong ni Alice kay Nelia. “Hindi ko rin alam.” Sagot nito habang manaka-nakang sumisilip sa p
Thalia’s Point of view Ding… Dang…Nang marinig ko ang tunog ng malaking orasan ay batid ko na alas dose na ng hating gabi, ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupâ ang kasiyahan na nararamdaman ng puso ko.Samo’t-saring emosyon ang bumabalot sa buong pagkatao ko kaya napaka damot ng antok sa akin.Kinapa ko ang singsing sa aking kamay at wala sa loob na napangiti ako, hindi ko sukat akalain na pagkakalooban ako ng isang lalaki na magsasalba sa akin mula sa kalungkutan. Abot hanggang langit ang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi niya ako kinalimutan. Akala ko habambuhay na lang akong mag-iisa sa loob ng kwartong ito, simula ng dumating sa buhay ko si Ali ay muli akong nabuhayan ng loob. Nanumbalik ang kasiyahan sa buhay ko at natuto akong muli na mangarap kasama ang aking mahal na si Ali.Kung noong una ay hindi na ako umaasa na makakita pa, ngayon ay inaasam ko na sana ay kaawaan ako ng Diyos at kalooban niya ako ng paningin. Labis kong pina-
One year later…“Ahhhh! Pagkatapos ng isang malakas na sigaw ay kasabay nito ang paghawi ni Marco sa mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Malakas na nag taas-baba ng kanyang dibdib sanhi ng matinding galit. Maya-maya ay nanlulumo na naupo siya sa kanyang swivel chair. Mula sa kanyang balintataw ay biglang lumitaw ang imahe ng kanyang asawa. Iniisip niya ngayon kung ano na ang kalagayan nito marahil ay malaki na ang kanilang anak. Sa isang iglap ay napuno ng kalungkutan ang puso nito at nakadama ng pananabik na masilayan ang kanyang mag-ina kaya isang desisyon ang nabuo mula sa kanyang isipan. Mabilis na tumayo at inayos ang lahat ng kanyang gamit. Bitbit ang isang makapal na envelope na lumabas ng kanyang opisina.Isang taon ang mabilis na lumipas ng maluklok siya bilang isang CEO ng WELSH company. Habang si Alistair ay tuluyang tinalikuran ang kanyang mana. Nagsikap siya na maitaguyod ang sariling kumpanya na kanyang pinaghirapan. Dahil sa malaki ang tiwala sa kanya ng mga i
Mula sa labas ng resthouse ay nahinto sa pagwawalis si Alice dahil sa isang mamahaling sasakyan na pumarada sa mismong tapat ng bahay. Maging si Nelia na nagdidilig ng halaman ay sandaling tumigil sa kanyang ginagawa at kapwa nakatingin sa isang makintab at itim na sasakyan.Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay nito at ganun na lang ang labis na pagkagulat ng dalawa ng makita nila si Ali. Kalaunan ang gulat sa kanilang mga mukha ay napalitan ng galit.“Ano ang ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Nelia sabay harang sa dinaraanan ni Alistair ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito na hindi apektado sa galit ng mga taong kaharap.“Kukunin ko ang asawa ko.” Matigas na sagot ni Alistair bago nilampasan nito ang dalawa. Nanlaki ang mga mata ng magkapatid at hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig. Diretsong pumasok si Alistair sa loob ng bahay ng walang paalam dahil iniisip niya na pag-aari din niya ang lahat ng ito. Sapagkat ang lahat ng pag-aari ng kanyang asawa ay pag-aari din niya
Alistair Point of view“Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinahi-higaan, hindi ako makatulog dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko. Wala sa loob na bumangon at lumipat sa aking wheelchair. Sa totoo lang ay dalawang araw na akong walang maayos na tulog dahil nasanay na ako na nasa tabi ko si Thalia. Parang hindi ko yata kayang panindigan ang aking galit dahil ngayon ay hinahatak ako ng aking katawan patungo sa naka-saradong silid ng aking asawa. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at tuluyan itong binuksan ngunit sumalubong sa akin ang bakanteng silid.Inisip ko na baka nasa loob lang siya ng banyo, tuluyan na akong pumasok at isinarado ang pintuan. Nakakabinging katahimikan ang nangingibabaw sa loob ng silid kaya batid ko na walang tao sa loob ng banyo. Pinaandar ko ang wheelchair patungo sa closet at ng buksan ko ito ay wala na ang ilang pirasong damit ni Thalia maging ang ilang importanteng gamit nito. Nilamon ng matinding takot ang puso ko dahil sa isipin na tuluyan na akong
Thalia’s Point of viewIsang araw na ang lumipas at parang dinudurog ang puso ko dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ng aking asawa. Mula ng magalit siya sa akin ay sa ibang kwarto na ito natutulog ni hindi niya ako magawang hawakan. Wari moy isa akong taong may sakit na ketong kung kanyang pandirihan. Ganun pa man ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya bagkus ay higit ko pang nilawakan ang aking pang-unawa. Sapagkat ako ay umaasa na maayos din ang sigalot na ito sa pagitan naming mag-asawa. Alang-alang sa aming anak ay magtitiis ako at gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ko ito ng isang buo at masayang pamilya.Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina ngunit isang bakanteng lamesa ang sumalubong sa akin. Batid ko na hindi na naman kumain si Alistair at labis akong nababahala para sa kanyang kalusugan. “Manang, hinatiran na ba ng pagkain ang aking asawa?” Malumanay kong tanong sa aming Mayordoma. “Naku, Iha, simula kahapon ay walang maayos na pagkain si Señorito dahil la
“Ahhhh!” “Crash!” Nilamon ng malakas na sigaw ni Marco ang buong kabahayan. Sumabog na siya sa matinding galit dahil isang katotohanan ang kanyang natuklasan. Kahit anong gawin niya ay kailanman hindi niya matatalo ang pinsan na si Allistair dahil bago pa man ito nadisgrasya ay nabuntis na niya si Thalia.Malinaw pa sa sikat ng araw na isa siyang talunan at ang lahat ay tuluyan ng mawawala sa kanya. Biglang pumasok mula sa kanyang isipan ang imahe ng asawa kaya lalong nagpupuyos ang kanyang kalooban.“Hindi ako papayag na magtagumpay ka na makuha ang lahat sa akin, Alistair…” nanggagalaiti niyang bulong sa hangin. Mabilis na dinampot ang susi at kaagad na tinungo ang kinaroroonan ng kanyang pinsan. Determinado siya na sirain ang buhay nito.Alistair Point of View“Sir, Mr. Marco was here, he wants to talk to you.” Magalang na pagbibigay alam ng aking secretary, kumunot ang noo ko dahil labis akong maguguluhan kung ano ang kailangan sa akin ni Marco. Ngayon lang na nangyari ito na sina
Thalia’s Point of view“Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng kwarto. Alas nuebe na ng gabi at naghihintay na lang kami kung kailan dalawin ng antok. Itiniklop ni Ali ang laptop na nakapatong sa mga hita nito at inilagay ito sa ibabaw ng maliit na side table kung saan nakalagay ang lampshade. Isinandal niya ang likod sa headboard bago matamang tinititigan ang aking mukha.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumipat sa kanyang kandungan, umupo ako paharap sa kanya bago isinandig ang aking ulo sa dibdib nito. Dinig ko ang bawat pintig ng kanyang puso na para bang musika sa aking pandinig na sinamahan pa ito ng init na nagmumula sa kanyang katawan kaya pakiramdam ko tuloy ay para akong idinuduyan.“Nag-aalala kasi ako kay ate Ashley, baka mamaya ay sinasaktan siya ni Marco.” Ani ko sa malungkot na tinig bago ko niyakap ang may kalakihan niyang katawan. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang mabigat
“Thalia, may bisita ka.” Natigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang sinabi ng aming Mayordoma. Nagtataka ako kung sino ang bisita na sinasabi nito gayong wala naman akong ibang maisip na pwedeng dumalaw sa akin dito. Wala ngayon ang aking asawa dahil may dinaluhan ito na isang mahalagang meeting.Pagdating ko sa bungad ng hagdan ay sumalubong sa akin ang malungkot na mukha ng aking kapatid na si Ashley. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang panay ang pisil ng kanyang kanang kamay sa kaliwang kamay nito kaya hindi maikakaila ang pagiging balisâ ng aking kapatid. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay may pagmamadali itong tumayo bago ngumiti sa akin. Matinding kasiyahan ang naramdaman ko dahil hindi ko inaasahan na dadalawin ako nito sa mismong tahanan namin.“Ate Ashley!” Masaya kong tawag sa kanyang pangalan bago ito sinugod ng yakap. Mahigpit naming niyakap ang isa’t-isa, naramdaman ko na yumugyog ang kanyang mga balikat tanda na umiiyak ito habang nanatiling mahigpit ang pag
“Ahhhh…” walang ibang maririnig sa buong kwarto kundi pawang mga ungol na nagmumula sa bibig ni Marco. Patuloy niyang hinahalikan ang mga labi ni Ashley habang walang habas na naglalabas masok ito sa lagusan nito. Mariing nakapikit si Ashley habang nilalasap ang ligayang dulot ng pag-iisa ng kanilang mga katawan. Ilang sandali pa ay umangat ang kanyang likod mula sa higaan ng isagad ng asawa ang sandata nito sa kanyang sinapupunan. Bahagya pang napangiwi ang kanyang mukha ng kagatin siya ni Marco sa balikat. Hindi niya ininda ang sakit dahil nasasapawan ito ng sarap mula sa magkahugpong nilang katawan. “Ouch! Ano ba? nasasaktan na ako!” Naiinis kong sabi habang pilit siyang itinutulak palayo sa akin. Balewala ang lakas ko dahil nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa na para bang walang pakialam sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula ng may mamagitan sa aming dalawa. Madalas na ganito ang ginagawa niya sa akin, aangkinin kung kailan niya gusto at kung sakalin
Kasalukuyan akong naglilinis sa loob ng kwarto namin ni Alistair dahil wala akong magawa ay naisipan kong ayusin ang aming mga gamit. Halos natapos ko ng linisin ang lahat at isang cabinet na lang ang natitira. Lumapit ako dito habang bitbit ang isang basahan. Binuksan ko ito upang simulan na sanang linisan ngunit natigilan ako sa mga bagay na tumambad sa aking paningin. Para akong natuklaw ng ahas dahil pamilyar sa akin ang mga gamit na nasa aking harapan at kahit pa yata nakapikit ako ay makikilala ko pa rin ang mga gamit na ito.Kunot noo na kinuha ko ang lumang makinilya maging ang mga ilang pirasong papel. Ilang sandali pa ay kusang pumikit ang aking mga mata at bigla ang pagdaloy ng mga alaala mula sa aking isipan. Ang bawat parte ng mga alaala sa amin ni Ali maging ng lalaking pinakasalan ko ay ngayon ko lang napagtugma-tugma.Habang nakapikit ay narinig ko na bumukas ang pintuan ng kwarto. Nagsimulang bumangon ang matinding kilabot sa buong pagkatao ko dulot ng matinding ten