Thalia’s Point of view
Nagugunita ko ang nagdaang araw,Sa piling ni Ina at Ama kong mahalSa aking pagsilang sa madilim na mundoSila’y naging gabay sa aking paglakiMula sa pagmamahal at kalingaKakulangan kailan ma'y di alintanaNgayong ako’y tuluyang iniwanPuso ko’y puno ng kalungkutanOras at araw na lumipas ay lubhangwalang buhayPaano haharapin ang bukasKung sa tuwina ay ramdam ang pag-iisaSinisikap maging matatagNgunit katotohanan sumasampalIsang katanungan tumimo sa isipanAt para saan pa itong aking buhay?“Dinig ko ang bawat patak ng aking mga luha mula sa papel sa aking harapan, isang buwan na rin ang lumipas ng pumanaw ang aming mga magulang.At halos isang buwan na ring hindi na nagparamdam sa akin ang aking kapatid. Nauunawaan ko na sadya siyang abala sa pagpapatakbo ng mga naiwang negosyo nang aming mga magulang, katuwang ang aming Uncle Samuel.Ngayon ko mismo nararamdaman ang pagiging walang silbi, para akong isang preso na naghihintay ng kamatayan.Dinukot ko ang panyo mula sa aking bulsa saka pinahid ang mga luha sa aking mga mata.Ang lahat ay napunta sa ilalim ng pamamahala ni Uncle Samuel, siya rin ang naging gabay ni Ate Ashley sa pagpapatakbo ng mga negosyo ngunit hinayaan nila akong manatili sa kwartong ito.Kung noong una nauunawaan ko, ngunit ngayon ay pakiramdam ko tuluyan na akong nakulong sa apat na sulok ng silid na ito.Tatlong beses na huminga ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili, nang sa tingin ko ay maayos na ang aking pakiramdam ay muli kong sinimulan ang pagtipâ sa aking makinilya habang nakatitig sa walang hanggang kadiliman.Biglang natigil sa ere ang aking mga daliri dahil sa biglaang pagbukas ng pintuan, gumalaw ang aking ilong at pilit kinikilala ang pabango na aking nalalanghap. Nanatili akong tahimik na hindi gumagalaw mula sa aking kinauupuan, tila pareho kaming nagpa-pakiramdaman ng estranghero na pumasok sa aking silid.Hindi na ako nakatiis at ako na mismo ang kusang lumapit sa kanya, mula ng buksan niya ang pintuan ay hindi pa siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan kaya alam ko kung saan ang eksaktong pwesto nito.Nahinto ako sa mismong harapan niya at tulad ng aking nakasanayan na siyang ginagawa ko sa aking ama ay nagsimulang kumapa ang aking mga kamay sa mukha ng estranghero.Masasabi kong matangkad ang lalaking ito dahil nahirapan pa akong abutin ang kan’yang ulo, di hamak na mas matangkad siya kaysa sa aking ama.Labis akong namamangha sa aking natuklasan, di yata’t ang taong ito ay may perpektong hugis ng mukha? Maging ang manipis niyang mga labi at matangos na ilong, kay kinis din ng kanyang balat. Kakaibang pakiramdam ang nanunuot sa aking mga kalamnan ng magdikit ang aming mga balat. Kay hirap ipaliwanag ang lahat, marahil ay dahil ito ang unang pagkakataon na nakadaupang palad ko ang ibang tao kaya naninibago ako ng husto.Gusto kong matawa ng maramdaman ko ang pagkumpas ng kanyang kamay sa harap ng aking mukha. Marahil ay huli na bago pa niya matuklasan na isa akong bulag.“Ginoo, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?” Malumanay kong tanong sa kanya, hindi ko mawari kung bakit hindi ko magawang alisin ang aking kamay na kasalukuyang nakahawak sa kaliwang pisngi nito habang ako ay nagsasalita.Naramdaman ko ang mainit na palad na dumantay sa likod ng kamay ko at tila matinding kilabot ang bumalot sa buong pagkatao ko dulot ng init na nagmumula sa kanyang balat.Imbes na bawiin ang aking kamay ay mas pinili na manatili ito doon, parang natatakot ang puso ko na sa isang iglap ay maglaho siyang bigla sa aking harapan.“Alistair.” Tipid niyang sagot ngunit matindi ang naging epekto nito ng marinig ko ang malagom niyang tinig. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking mga labi, dahil ng mga sandaling ito ay matinding kasiyahan ang bumabalot sa puso ko.“Alistair? hm, kay sarap pakinggan ng iyong pangalan nababagay lamang sa perpekto mong mukha.” Batid ko na ngumiti siya dahil ramdam ko ang pag-angat ng kanyang pisngi.“Ginoo, kung iyong mamarapatin ay maaari ba kitang tawaging, Ali?” Nakangiti kong tanong, ang tinig ko’y kababakasan mo ng pananabik sa taong kausap.“Sure, but may I know your name, first?” Tanong niya sa malambing na tinig, hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa kanya dahil sa pagiging matatas nito sa wikang ingles.Binawi ko na ang aking kamay na nakahawak sa pisngi nito saka magkasalikop ang mga kamay na yumukod sa kanyang harapan tanda ng paggalang bago ipakilala ang sarili.“Paumanhin kung aking nakalimutan na ipakilala ang sarili, ako si Thalia, at iyong nakikita na isa akong bulag. Nais kong malaman kung ano ang iyong pakay sa pagpasok mo dito sa aking silid?” Magalang kong pahayag na sa huli ay isang katanungan. Pagkatapos sabihin iyon ay inayos ang sarili habang naghihintay sa kanyang sagot.“Patawad kung naging pangahas ako, at pumasok ng walang pahintulot, gayong nagkakilala na tayo ay maaari ba tayong maging magkaibigan?” Seryoso niyang tanong sa akin, na siyang ikinatuwa ng puso ko.“Isang karangalan ang magkaroon ng kaibigang tulad mo, nararamdaman ko na isa kang mabuting tao.” Nakangiti kong sagot, pakiramdam ko sa pagdating ng taong ito ay muling nagkaroon ng buhay ang aking paligid, dagling naglaho ang lahat ng kalungkutan sa puso ko at napalitan ito ng matinding kasiyahan dahil sa pagdating ng bagong tao sa buhay ko.”Halos hindi kumukurap ang mga mata ni Alistair na nakatitig sa magandang mukha ni Thalia lalo na ng ngumiti ito sa kanya.Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti ang binata, at tila nahulog kaagad ang puso niya sa dalagang bulag.“Diyos ko, mahabaging langit! Anong ginagawa mo dito, lalaki?” Galit na tanong ni Yaya Lani kay Alistair bago mabilis na pumagitna sa kanilang dalawa. Itinago sa kanyang likuran si Thalia upang protektahan mula sa estrangherong lalaki.“Ngayon din ay umalis ka dito at huwag ka ng babalik.” Galit na singhal niya sa binata habang ang dalawang kapatid nito ay hindi maintindihan kung ano ang gagawin.Naningkit ang mga mata ni Alistair dahil sa unang pagkakataon ay ngayon lang niya naranasan ang ipagtabuyan. Ngunit ng makita ang mukha ng dalaga ay sinikap niyang kumalma dahil parang ayaw na niyang mawala sa paningin si Thalia.“Yaya, pakiusap, huwag mo siyang ipagtabuyan, alam ko na mabuti siyang tao.” Naluluha na pahayag ng dalaga, parang piniga ang puso ng binata ng makitang lumuha ang mga mata nito.“Hindi natin kilala ang taong ito, Thalia, kaya huwag kang masyadong magtiwala.” Ani ni Yaya Lani.“Humihingi ako ng tawad sa pagpasok ko ng walang pahintulot, hindi po ako masamang tao, kaya nakikiusap ako sa inyo na huwag ninyo akong paalisin. At hinihingi ko rin ang inyong permiso na payagan akong dalawin si Thalia.” Magalang na sagot ng binata nang hindi inaalis ang titig sa mukha ng dalaga.Muling tumingin si Yaya Lani sa mukha ni Thalia at makikita ang matinding pagsusumamo nito na pagbigyan ang kahilingan ng binata.Nakadama ng awa ang matanda kaya muling bumaling sa binata.“Pinahihintulutan kita na lumapit kay Thalia, ngunit huwag mo sanang kakalimutan ang limitasyon mo sa pagitan ninyong dalawa.” Seryosong pahayag ng matanda, nagliwanag ang mukha ni Thalia at mahigpit na niyakap ang kanyang Yaya.“Salamat, Yaya, at pinagbigyan mo ako, dahil dito ay labis mo akong pinasiya.” Masayang pahayag ng dalaga bago inilahad ang kamay sa ere.“Ali?” Tawag nito sa binata tila naunawaan naman niya ang nais mangyari ng dalaga. Umangat ang kanyang kamay at inabot ang malambot na palad ng dalaga, mahigpit naman itong hinawakan ni Thalia bago bahagyang hinila palapit sa kanya.Nakadama ng awa ang matandang babae dahil ang kanyang alaga ay tila isang bata na sabîk sa isang kalaro, ngunit sa totoo lang ay ibayong kabâ ang kanyang nararamdaman sa oras na malaman ni Samuel na hinayaan niyang makalapit kay Thalia ang binata.“Maaari ko bang malaman kung ilang taon ka na Ali?” Excited na tanong ng dalaga habang humahakbang patungo sa pahabang lamesa kung saan siya madalas na nakaupo sa tuwing gumagawa ng tula.Habang kausap ang binata ay patuloy na binibilang ng dalaga ang kanyang mga hakbang at isa-isang hinahawakan ang bawat madaanang bagay.Namangha si Alistair dahil tila isang normal kung kumilos ang dalaga na kung titingnan mo ay parang hindi siya bulag.“Ehem, thirty,” tipid na sagot niya sa dalaga ng hindi inaalis ang paningin sa magandang mukha nito.“Maaari mo ba akong kwentuhan kung ano ang ginagawa mo sa araw-araw? O kung ano ang trabaho mo? Paumanhin kung masyado na akong madaldal. Nawa’y huwag mong masamain ang pagiging makulit ko, sapagkat ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng makakausap mula sa tagalabas.” Nahihiyang pahayag ng dalaga bago napakamot pa siya sa kanyang ulo.Napangiti si Alistair dahil ang cute ng dalaga sa tuwing nahihiya ito, hindi kasi niya alam na namumula na ng husto ang kanyang mukha halatang nahihiya siya sa binata.“Maupo ka Ali,” ani nito bago umupo sa katabing bangko ng binata, habang si Alistair ay lihim na nakaalalay sa bawat kilos ng dalaga dahil nag-aalala siya na baka ma-disgrasya ito.“Iha, hinay-hinay lang sa mga tanong mo at baka matakot sayo si Ali at hindi na siya bumalik dito.” Natatawa na saad ng kanyang Yaya dahil sa labis na pagkagiliw sa dalaga.Nagpanic si Thalia sa kanyang narinig at mabilis na kinapa ang kamay ng binata, kaagad naman itong inabot ni Alistair at nagulat siya sa ginawa ng dalaga ng dalhin nito sa pisngi ang kanyang kamay.“P-pakiusap, huwag mo naman sana akong iwan,” nagsusumamo niyang saad, habang mahigpit na hawak ang kamay ng binata.Alistair’s Point of viewNakadama ako ng awa para kay Thalia, halatang matagal na itong nakakulong sa loob ng kwarto dahil hindi maikakaila ang matinding pananabik niya sa ibang tao.“Don’t worry, araw-araw akong pupunta dito, kung gusto mo ay dito ko na rin gagawin ang aking mga trabaho para may kasama ka.” Malumanay kong pahayag, pagkatapos sabihin iyon ay bigla akong natigilan. Ilang oras lang ang lumipas ay parang hindi ko na kilala ang aking sarili.Bakit pagdating sa babaeng ito ay napakalambot ng puso ko?“Talaga?” Hindi makapaniwala na tanong niya sa akin, kita sa mukha nito ang matinding kasiyahan dahil sa sinabi ko.“Ilang taon ka na, Thalia?” Tanong ko sa kanya at nakangiti naman siyang sumagot.“Ako ay labing siyam na taon pa lamang, ngunit huwag mong damdamin kung ang iyong lingkod ay di hamak na mas bata pa sayo, Ginoo.” Ani niya sa pabirong paraan habang kinukuha ang ilang mga piraso ng papel sa kanang bahagi nito bago inabot sa akin.Hindi ko mapigilan ang aking sarili na tumawa dahil sa nakakatuwang pagkatao ng dalaga na sinabayan pa ng pagiging makata nito.Kaagad na tinanggap ang mga papel at labis akong namamangha dahil sa mga tulang nakasulat doon na kung titingnan mo ay parang isang professional ang sumulat nito dahil napakalinis ng pagkakagawa.“Ikaw ba ang gumawa ng lahat ng ito?” Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya, mabilis naman siyang tumango ng hindi nawawala ang magandang ngiti sa labi nito.Sa totoo lang ay kanina pa ako nagpipigil sa aking sarili, parang gusto ko kasing lamukusin ng halik ang mapulang labi nito at yakapin ng mahigpit ang malambot niyang katawan.“Paano akong maniniwala na ikaw ang may gawa nito?” Tanong ko sa kan’ya na tila pinagdududahan ang kakayahan nito.Napangiti ako ng magusot ang mukha nito na tila hindi nagustuhan ang aking sinabi.“Ginoo, Maaaring isa akong bulag, ngunit hindi sinungaling, iyo sanang pakatandaan, na hindi mo malalaman, ang halaga ng isang libro kung hindi susuriin ang nilalaman nito.” Matalinghaga niyang pahayag na labis kong ikinahanga sa kanya, “hm, sadya talagang tunay.” Narinig kong bulong pa nito.“May sinasabi ka?” Ani ko, ngunit ngumiti lang siya bago marahang umiling.Napalingon naman ako sa matandang babae na natatawa sa aming usapan bago ito nagpaalam sa amin.“S’ya maiwan ko muna kayo, at ihahanda ko lang ang pagkain para sa ating tanghalian.” Ani nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.Lumipas ang maghapon na namalagi lang ako sa kwarto ng dalaga, labis akong naaliw sa kanya at parang ayoko ng umuwi sa bahay ngunit batid ko na hindi papayag ang mga nagbabantay sa dalaga. Kailangan ko munang makuha ang loob ng lahat para malaya kong makasama si Thalia ng walang nagbabantay sa aming dalawa.“Ali, mangako ka na babalik ka dito bukas.” Malungkot na saad ng dalaga na siyang umantig sa aking puso. Wala sa loob na kinuha ko ang dalawang kamay nito at dinala sa aking bibig.“Pangako, babalikan kita.” Nangangako kong sagot pagkatapos na halikan ang likod ng kanyang mga kamay. Mabigat ang mga paa na lumabas ng kwarto na hindi na ito nilingon pa dahil kapag ginawa ko ‘yun ay baka hindi na ako umalis sa tabi nito.”Alistair Point of view“Mamâ, Ilan ba ang anak ni tita Esperanza?” Tanong ko sa aking ina na siyang ikinatigil nito sa pagsubo ng pagkain. Nagtataka na lumingon siya sa akin na tila hindi inaasahan ang naging tanong ko.“Isa lang Iho, si Ashley, nagkita na ba kayo? Nabanggit sa akin ng Sekretarya mo na nagpunta ka raw kahapon sa bahay ng mga Hernandez.” Tanong ng aking ina bago itinuloy ang pagsubo ng gulay na nakatusok sa kanyang tinidor.“Nope, walang tao sa kanila ng pumunta ako roon, baka sa ibang araw na lang siguro. Oh, I have to leave now, Papa, marami pa kasi akong aasikasuhin sa opisina.” Paalam ko sa aking ama, marahan lang itong tumango habang nagbabasa ng news paper. Tumayo na ako at lumapit sa aking ina, humalik muna ako sa pisngi nito bago lumabas ng dining room.Pagdating ko sa tapat ng sasakyan ay kaagad na binuksan ng aking tauhan ang pintuan ng kotse. Dadaan muna ako sa aking opisina upang kunin ang lahat ng mga papeles na kailangan ko sa aking trabaho, dahil plano
Thalia’s Point of view“Sadyang ang buhay ay kay hirap unawainWalang hanggang kasiyahanKaakibat ay kalungkutanPangakong binitiwanKatumbas ay pag-asaNgunit matamis na salita nagdulot ng matinding kapighatianBakit kailangan na ako’y paasahinKung iyong salita ay di kayang panindigan?”“Apat na araw na ang lumipas ng makadaupang palad iyong estranghero na naligaw sa aking silid. Puso ko ay tahimik na naghihintay sa kanyang pagbabalik, mabuti pang hindi na lang niya ako pinaasa, sapagkat matinding sakit ang idinulot nito sa aking puso.Sino nga ba naman ako para pag-aksayahan ng panahon? Isang munting bulag na walang silbi?Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Bakit ba ako nasasaktan gayung hindi ko naman siya kilala? Ngunit bakit ganun? Higit na mas masakit ito sa mga taong nawala sa akin.Hinawi ang pangahas na luha, at sinikap na kalmahin ang sarili.Sinikap ko na ituon ang atensyon sa paglikha ng tula, sa tuwing nalulumbay ako ay ito ang aking sandigan. Mab
Alistair’s Point of view“Ali, wala ka bang trabaho ngayon?” Malambing na tanong sa akin ni Thalia kaya nilingon ko ito mula sa kanang bahagi ko at nanggigigil na pinatakan ito ng isang halik sa labi. Gusto kong matawa ng bigla itong sumimangot dahil sa ginawa ko.“Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong gugulatin ng mga halik mo.” Naiinis na saad niya habang nanghahaba ang kanyang nguso, kulang na lang ay mapunit ang bibig ko dahil sa laki ng ngiti ko. Nagmukha kasi siyang bata na nagmamaktol, kumilos ito at akmang aalis mula sa kinauupuan nito sa gilid ng kama kaya mabilis kong hinapit ang kanyang baywang at saka hinila paupo sa kandungan ko.“Saan ka pupunta, hm?” Malambing kong tanong sa kanya bago ito niyakap ng mahigpit saka ibinaon ang aking mukha sa leeg nito, sinamyo ang natural na bango ng kanyang balat.“Kailangan ko ng ihanda ang aking mga damit dahil oras na para maligo.” Malumanay niyang sagot, nakita ko na napapikit siya sa aking ginawa kaya lihim akong napa
“Bakit Alice? Anong nangyayari sayo?” Nagtataka na tanong ni Lani sa kanyang kapatid, labis silang naguguluhan sa kakaibang ikinikilos nito.“A-ang ibig kong sabihin ay hindi ko na ilagay ang gulay sa pinapakuluan kong karne.” Bahagya pa itong nautal sa pagsasalita bago alanganing ngumiti sa kanila, saka bumaling sa kanyang kapatid na si Nelia. “Ate, samahan mo ako sa kusina dahil kailangan ko ang tulong mo.” May pag-aatubili na wika nito, tila nakakaunawa ang kanyang kapatid at kaagad silang nagpaalam kay Señor Samuel.“Ano?” Ang tanga mo talaga! Anong gagawin natin ngayon? Siguradong magagalit sayo si Ate Lina dahil sa katangahan mo.” Galit na sermon ni Nelia kay Alice habang ito ay paroo’t parito, magkasalikop ang kanyang mga kamay habang panay ang pasil niya dito. Halatang kinakabahan siya ng husto.“Anong gagawin natin? Hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila sa sala’s?” Nag-aalala na tanong ni Alice kay Nelia. “Hindi ko rin alam.” Sagot nito habang manaka-nakang sumisilip sa p
Thalia’s Point of view Ding… Dang…Nang marinig ko ang tunog ng malaking orasan ay batid ko na alas dose na ng hating gabi, ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupâ ang kasiyahan na nararamdaman ng puso ko.Samo’t-saring emosyon ang bumabalot sa buong pagkatao ko kaya napaka damot ng antok sa akin.Kinapa ko ang singsing sa aking kamay at wala sa loob na napangiti ako, hindi ko sukat akalain na pagkakalooban ako ng isang lalaki na magsasalba sa akin mula sa kalungkutan. Abot hanggang langit ang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi niya ako kinalimutan. Akala ko habambuhay na lang akong mag-iisa sa loob ng kwartong ito, simula ng dumating sa buhay ko si Ali ay muli akong nabuhayan ng loob. Nanumbalik ang kasiyahan sa buhay ko at natuto akong muli na mangarap kasama ang aking mahal na si Ali.Kung noong una ay hindi na ako umaasa na makakita pa, ngayon ay inaasam ko na sana ay kaawaan ako ng Diyos at kalooban niya ako ng paningin. Labis kong pina-
“Ate Lani! Ate Lani!” Malakas na sigaw ni Alice ang bumulabog sa loob ng kusina na siyang gumulat sa magkapatid na Lani at Nelia. Ang mukha ni Alice ay parang nakakita ng multo at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.“Ano ba ang nangyayari sayo Alice at tinalo pa ng bibig mo ang wawang ng ambulansya?” Naiinis na sikmat niya sa kanyang kapatid.“Ate, hindi ba’t si Ali ang lalaking ito?” Nagugulumihanang tanong nito sa nakatatandang kapatid, nagtataka na sabay lumapit ang dalawa sa kanilang bunsong kapatid.Kinuha ni Lani ang magazine mula sa kamay ni Alice at masusing sinuri ang mukha ng lalaki sa magazine. Halos sabay na nanlaki ang mata ng dalawa ng makita ang larawan ng binata.Hindi makapaniwala si Lani na ang lalaking kasama ng kanyang alaga ay ang kilalang heartless na lalaki sa kanilang bansa, si Alistair Welsh. Mula sa magazine ay malinaw nilang nakikita ang larawan nito habang naka-abriecete ang isang kilalang actress sa kanang braso nito. Ang pagkakaalam ng publiko ay ito
Thalia’s Point of view Sa bawat dantay ng mga labi niya sa makinis kong balat ay naghahatid ito ng matinding kilabot sa aking pagkatao. Tila kuryenteng gumapang sa bawat himaymay ng aking laman na siyang gumigising sa aking kamalayan habang ang pangahas na kamay nito ay marahang humahaplos sa ‘king kahubdan. Sinamba ng kanyang mga labi ang lahat ng parte ng aking katawan, ipinaramdam niya kung gaano ako kahalaga sa kanya habang ako ay walang humpay sa pagpapakawala ng mga ungol dulot ng matinding sarap na nararanasan.Mga katawan ay pawisan di alintana ang malagkit na pakiramdam, dahil higit na pinagtutuunan ng pansin ang nagliliyab na pagnanasa na nararamdaman ng isa’t-isa. Walang humpay sa pag-indayog ayon sa saliw ng musika na tanging kami lang ang nakakaalam habang humahampas sa aking mukha ang marahas niyang hininga.“Ohhhh…” isang mahabang ungol ang aking pinakawalan ng maging marahas ang kanyang pagkilos, walang habas na inangkin nito ang aking katawan. Ang hinuha ko ay madali
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat, nakatakdang sumailalim sa isang operasyon si Thalia. Pinaghalong kabâ at pananabik ang nararamdaman ni Thalia ng mga oras na ito habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama.Hindi na siya mapakali sa kanyang kinauupuan at nagulat pa siya ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang nobyo niyang si Ali na abot hanggang tainga ang ngiti sa bibig nito.“Babe, we need to go now.” Ani ni Ali at kaagad na lumapit ito kay Thalia, hinawakan niya ito sa kamay saka hinapit sa baywang. Sabay silang humakbang palabas ng kwarto, ito ang unang pagkakataon na lalabas ng kwarto ang dalaga kaya kakaiba sa kanyang pakiramdam ang presensya ng paligid sa labas ng kwarto.Sa paghakbang ng kanyang mga paa sa bawat baitang ng hagdan ay nanibago siyang bigla, mahigpit siyang kumapit sa katawan ng nobyo.Dahil hindi na siya pamilyar sa kanyang paligid ay kinailangan na niyang mangapa sa pader gamit ang kanang kamay nito. Iba na ang kilos niya kumpara sa loob ng kan
One year later…“Ahhhh! Pagkatapos ng isang malakas na sigaw ay kasabay nito ang paghawi ni Marco sa mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Malakas na nag taas-baba ng kanyang dibdib sanhi ng matinding galit. Maya-maya ay nanlulumo na naupo siya sa kanyang swivel chair. Mula sa kanyang balintataw ay biglang lumitaw ang imahe ng kanyang asawa. Iniisip niya ngayon kung ano na ang kalagayan nito marahil ay malaki na ang kanilang anak. Sa isang iglap ay napuno ng kalungkutan ang puso nito at nakadama ng pananabik na masilayan ang kanyang mag-ina kaya isang desisyon ang nabuo mula sa kanyang isipan. Mabilis na tumayo at inayos ang lahat ng kanyang gamit. Bitbit ang isang makapal na envelope na lumabas ng kanyang opisina.Isang taon ang mabilis na lumipas ng maluklok siya bilang isang CEO ng WELSH company. Habang si Alistair ay tuluyang tinalikuran ang kanyang mana. Nagsikap siya na maitaguyod ang sariling kumpanya na kanyang pinaghirapan. Dahil sa malaki ang tiwala sa kanya ng mga i
Mula sa labas ng resthouse ay nahinto sa pagwawalis si Alice dahil sa isang mamahaling sasakyan na pumarada sa mismong tapat ng bahay. Maging si Nelia na nagdidilig ng halaman ay sandaling tumigil sa kanyang ginagawa at kapwa nakatingin sa isang makintab at itim na sasakyan.Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay nito at ganun na lang ang labis na pagkagulat ng dalawa ng makita nila si Ali. Kalaunan ang gulat sa kanilang mga mukha ay napalitan ng galit.“Ano ang ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Nelia sabay harang sa dinaraanan ni Alistair ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito na hindi apektado sa galit ng mga taong kaharap.“Kukunin ko ang asawa ko.” Matigas na sagot ni Alistair bago nilampasan nito ang dalawa. Nanlaki ang mga mata ng magkapatid at hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig. Diretsong pumasok si Alistair sa loob ng bahay ng walang paalam dahil iniisip niya na pag-aari din niya ang lahat ng ito. Sapagkat ang lahat ng pag-aari ng kanyang asawa ay pag-aari din niya
Alistair Point of view“Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinahi-higaan, hindi ako makatulog dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko. Wala sa loob na bumangon at lumipat sa aking wheelchair. Sa totoo lang ay dalawang araw na akong walang maayos na tulog dahil nasanay na ako na nasa tabi ko si Thalia. Parang hindi ko yata kayang panindigan ang aking galit dahil ngayon ay hinahatak ako ng aking katawan patungo sa naka-saradong silid ng aking asawa. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at tuluyan itong binuksan ngunit sumalubong sa akin ang bakanteng silid.Inisip ko na baka nasa loob lang siya ng banyo, tuluyan na akong pumasok at isinarado ang pintuan. Nakakabinging katahimikan ang nangingibabaw sa loob ng silid kaya batid ko na walang tao sa loob ng banyo. Pinaandar ko ang wheelchair patungo sa closet at ng buksan ko ito ay wala na ang ilang pirasong damit ni Thalia maging ang ilang importanteng gamit nito. Nilamon ng matinding takot ang puso ko dahil sa isipin na tuluyan na akong
Thalia’s Point of viewIsang araw na ang lumipas at parang dinudurog ang puso ko dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ng aking asawa. Mula ng magalit siya sa akin ay sa ibang kwarto na ito natutulog ni hindi niya ako magawang hawakan. Wari moy isa akong taong may sakit na ketong kung kanyang pandirihan. Ganun pa man ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya bagkus ay higit ko pang nilawakan ang aking pang-unawa. Sapagkat ako ay umaasa na maayos din ang sigalot na ito sa pagitan naming mag-asawa. Alang-alang sa aming anak ay magtitiis ako at gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ko ito ng isang buo at masayang pamilya.Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina ngunit isang bakanteng lamesa ang sumalubong sa akin. Batid ko na hindi na naman kumain si Alistair at labis akong nababahala para sa kanyang kalusugan. “Manang, hinatiran na ba ng pagkain ang aking asawa?” Malumanay kong tanong sa aming Mayordoma. “Naku, Iha, simula kahapon ay walang maayos na pagkain si Señorito dahil la
“Ahhhh!” “Crash!” Nilamon ng malakas na sigaw ni Marco ang buong kabahayan. Sumabog na siya sa matinding galit dahil isang katotohanan ang kanyang natuklasan. Kahit anong gawin niya ay kailanman hindi niya matatalo ang pinsan na si Allistair dahil bago pa man ito nadisgrasya ay nabuntis na niya si Thalia.Malinaw pa sa sikat ng araw na isa siyang talunan at ang lahat ay tuluyan ng mawawala sa kanya. Biglang pumasok mula sa kanyang isipan ang imahe ng asawa kaya lalong nagpupuyos ang kanyang kalooban.“Hindi ako papayag na magtagumpay ka na makuha ang lahat sa akin, Alistair…” nanggagalaiti niyang bulong sa hangin. Mabilis na dinampot ang susi at kaagad na tinungo ang kinaroroonan ng kanyang pinsan. Determinado siya na sirain ang buhay nito.Alistair Point of View“Sir, Mr. Marco was here, he wants to talk to you.” Magalang na pagbibigay alam ng aking secretary, kumunot ang noo ko dahil labis akong maguguluhan kung ano ang kailangan sa akin ni Marco. Ngayon lang na nangyari ito na sina
Thalia’s Point of view“Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng kwarto. Alas nuebe na ng gabi at naghihintay na lang kami kung kailan dalawin ng antok. Itiniklop ni Ali ang laptop na nakapatong sa mga hita nito at inilagay ito sa ibabaw ng maliit na side table kung saan nakalagay ang lampshade. Isinandal niya ang likod sa headboard bago matamang tinititigan ang aking mukha.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumipat sa kanyang kandungan, umupo ako paharap sa kanya bago isinandig ang aking ulo sa dibdib nito. Dinig ko ang bawat pintig ng kanyang puso na para bang musika sa aking pandinig na sinamahan pa ito ng init na nagmumula sa kanyang katawan kaya pakiramdam ko tuloy ay para akong idinuduyan.“Nag-aalala kasi ako kay ate Ashley, baka mamaya ay sinasaktan siya ni Marco.” Ani ko sa malungkot na tinig bago ko niyakap ang may kalakihan niyang katawan. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang mabigat
“Thalia, may bisita ka.” Natigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang sinabi ng aming Mayordoma. Nagtataka ako kung sino ang bisita na sinasabi nito gayong wala naman akong ibang maisip na pwedeng dumalaw sa akin dito. Wala ngayon ang aking asawa dahil may dinaluhan ito na isang mahalagang meeting.Pagdating ko sa bungad ng hagdan ay sumalubong sa akin ang malungkot na mukha ng aking kapatid na si Ashley. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang panay ang pisil ng kanyang kanang kamay sa kaliwang kamay nito kaya hindi maikakaila ang pagiging balisâ ng aking kapatid. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay may pagmamadali itong tumayo bago ngumiti sa akin. Matinding kasiyahan ang naramdaman ko dahil hindi ko inaasahan na dadalawin ako nito sa mismong tahanan namin.“Ate Ashley!” Masaya kong tawag sa kanyang pangalan bago ito sinugod ng yakap. Mahigpit naming niyakap ang isa’t-isa, naramdaman ko na yumugyog ang kanyang mga balikat tanda na umiiyak ito habang nanatiling mahigpit ang pag
“Ahhhh…” walang ibang maririnig sa buong kwarto kundi pawang mga ungol na nagmumula sa bibig ni Marco. Patuloy niyang hinahalikan ang mga labi ni Ashley habang walang habas na naglalabas masok ito sa lagusan nito. Mariing nakapikit si Ashley habang nilalasap ang ligayang dulot ng pag-iisa ng kanilang mga katawan. Ilang sandali pa ay umangat ang kanyang likod mula sa higaan ng isagad ng asawa ang sandata nito sa kanyang sinapupunan. Bahagya pang napangiwi ang kanyang mukha ng kagatin siya ni Marco sa balikat. Hindi niya ininda ang sakit dahil nasasapawan ito ng sarap mula sa magkahugpong nilang katawan. “Ouch! Ano ba? nasasaktan na ako!” Naiinis kong sabi habang pilit siyang itinutulak palayo sa akin. Balewala ang lakas ko dahil nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa na para bang walang pakialam sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula ng may mamagitan sa aming dalawa. Madalas na ganito ang ginagawa niya sa akin, aangkinin kung kailan niya gusto at kung sakalin
Kasalukuyan akong naglilinis sa loob ng kwarto namin ni Alistair dahil wala akong magawa ay naisipan kong ayusin ang aming mga gamit. Halos natapos ko ng linisin ang lahat at isang cabinet na lang ang natitira. Lumapit ako dito habang bitbit ang isang basahan. Binuksan ko ito upang simulan na sanang linisan ngunit natigilan ako sa mga bagay na tumambad sa aking paningin. Para akong natuklaw ng ahas dahil pamilyar sa akin ang mga gamit na nasa aking harapan at kahit pa yata nakapikit ako ay makikilala ko pa rin ang mga gamit na ito.Kunot noo na kinuha ko ang lumang makinilya maging ang mga ilang pirasong papel. Ilang sandali pa ay kusang pumikit ang aking mga mata at bigla ang pagdaloy ng mga alaala mula sa aking isipan. Ang bawat parte ng mga alaala sa amin ni Ali maging ng lalaking pinakasalan ko ay ngayon ko lang napagtugma-tugma.Habang nakapikit ay narinig ko na bumukas ang pintuan ng kwarto. Nagsimulang bumangon ang matinding kilabot sa buong pagkatao ko dulot ng matinding ten