Jefferson's POV
"Marry her, and you will have all my shares in the company," sabi ni Dad na nakakapagpainit ng ulo ko. Alam naman niya na may girlfriend na ako pero heto siya at gusto niyang magpakasal ako sa ibang babae? Simulat simula ay hindi siya nangialam sa buhay ko lalo na sa lovelife ko. Lagi niyang sinasabi na tiwala siya sa mga desisyon ko at hinding hindi pakikialaman ang personal kong buhay. Pero heto sya ngayon singing different tune. “At kung hindi ako pumayag?” Syempre ay kailangan kong itanong iyon kahit na may palagay na ako kung ano ang magiging consequences. Confident akong tanungin siya dahil I know na alam niya ang capabilities ko at hindi dahil sa ako ay anak niya. “I-o-offer ko ito kay Noris.” Kulang ang salitang shock para ilarawan ang nararamdaman ko. Hindi ko ma-imagine ang bastardong iyon na namumuno sa kumpanya namin, kumpanyang pinaghirapan ko rin. Ganun ba siya kadesperadong maikasal sa kahit na sino sa amin ang kung sino mang babaeng iyon? “Alam mong iga-grab niya ang opportunity na ito para lang mapasa kanya ang kumpanya. You've got to be kidding me, Dad.” I said in disbelief. “Kaya nga sayo ko muna ipinaaalam ang bagay na ito. Alam ko na ang sagot na matatanggap ko mula kay Noris at ayaw kong isipin mo na unfair ako for not asking you first.” Ang sagot niya. So ipinapaalam niya lang sa akin at hindi niya ako tinatanong? Ano iyon kailangan ko pang magpasalamat dahil ginawa niya yun? Napabuntong hininga ako bago tumingin sa kanya. Komportable siyang nakaupo sa couch at kung alam ko lang na ito ang sasabihin niya sa akin at pag-uusapan namin ay hindi na sana ako nagpunta dito. “Alam mo Dad kung ano ang mga nagawa ko para sa kumpanya. Buong buhay ko even before ako grumadweyt ay inilaan ko dito. I devoted myself to the company dahil alam kong sa akin din ito mapupunta, tapos ngayon ay sinasabi mo na willing kang pamahalaan ng bastardong iyon ang mga pinaghirapan ko?” galit ako sa totoo lang. Paanong hindi eh parang binalewala niya ang mga paghihirap at mga sakripisyo ko. “Naaapreciate ko ang mga bagay na ginawa mo, kaya nga sayo ko unang sinabi ang tungkol sa bagay na ito,” ang sagot niya. “But don't worry, kapag pumayag si Noris na pakasalan si Celina ay sasabihan ko siyang gawin kang vice president.” Tama ba ang narinig ko? Vice president? Magiging chairman si Noris and I will be a fucking vice president? “Hindi man lang president, Dad? Vice president lang talaga? Ganyan ba kaliit ang pagtingin mo sa akin?” Ang sunod sunod kong tanong habang pinipigilan kong magpakita ng sobrang galit. He's my father at ayaw kong mag simula ng kahit na anong alitan or away sa pagitan namin ng dahil lang sa pera or sa kumpanya. “Alam mong mataas ang tingin ko sayo, at wala akong kaduda duda sa kakayahan mo. Kaya lang ay ang pagiging vice president lang ang maaari kong i-offer sayo dahil si Celina na ang magiging president. Alam ko kung hanggang saan lang ang kayang i-handle ni Noris so I am going to put Celina in charge of the operation.” Hindi ko maiwasang maisip na baka si Noris yata ang legitimate son niya at hindi ako. I mean, paano niyang nagawa sa akin ito? Anak niya rin ang bastardong iyon but the company was started by my mother and nandoon siya nung nag-i-struggle pa si Dad. Tapos willing siyang ipamahala sa anak niya sa ibang babae ang kumpanyang pinaghirapan ko rin naman at ng mommy ko? “Kung hindi tayo magkakaintindihan ay makakaalis ka na.” “What?” Ang tanong ko. Ganun na lang iyon? Dismiss na agad na wala man lang kaming malinaw na napagkasunduan? “Dadating si Noris at kakausapin ko rin siya,” sabi niya tapos ay nakita kong pumikit ito habang minamasahe ang kanyang sentido. I started to lose it. Maisip ko pa lang na kailangan kong sundin ang bastardong iyon ay talagang kumukulo na ang dugo ko, paano pa kaya kung talagang siya na ang maging chairman? “Fine. Payag na ako sa gusto mong mangyari.” Mukhang nagulat ito, hindi niya siguro inaasahang papayag ako agad. “Bakit mukhang gulat na gulat ka? Natural papayag ako agad, pagkatapos mong sabihin na ipapasa mo sa bastardong iyon ang kumpanya, anong inaasahan mong magiging reaksyon ko?” galit ko ng sabi. Hindi ko rin naman inaasahan na magagawa niya sa akin ito. Baka bumangon ang mommy ko sa hukay kapag hinayaan kong mangyari na mapasakamay nga ng Noris na yon ang lahat ng pinaghirapan niya. “Pag-isipan mo munang mabuti. Kasal at panghabang buhay na pagsasama ang pinag-uusapan natin dito,” tugon niya at may karugtong pa sana pero sumabat na ulit ako. “Tapos ay sasabihin mo sa akin yan? Ito naman ang gusto mo di ba? Huwag mong sabihing worried ka na sa akin?” “May pangalan ang kuya mo kaya huwag mo siyang tawaging bastardo. Wala siyang ginawang masama sayo kaya respetuhin mo siya. Hindi mo kailangang maging matalino para malaman ang simpleng bagay na yan,” sabi niya. “And no, hindi ako worried sayo or kay Noris. Mas iniisip ko si Celina. Natatakot akong baka masaktan siya kapag pumayag sinoman sa inyong magkapatid sa offer ko. Kung pwede lang na mabigay ko sa kanya ang lahat ay ginawa ko na. Ayaw ko lang na pag initan nyo siya dahil sigurado ako na hindi din kayo papayag,” patuloy nya. “Sa ngayon ay umuwi ka muna at pag isipang mabuti ang offer ko. Kung maipapangako mo na hindi mo siya sasaktan or hahayaang masaktan sa kahit na anong paraan, then we have a deal. Alam mo kung saan mo ako matatagpuan kapag nakapag desisyon ka na.” Tapos ay tumayo na ito mula sa couch at naglakad na papunta sa hagdanan. Malamang ay babalik na ito sa kanyang silid. Naiwan akong lito at nag iisip tungkol sa sinabi ni Dad. Lumalabas na mas worried siya sa babaeng iyon kaysa sa amin ni Noris. Sino ba talaga siya? Lagpas lunchtime na kaya nagdesisyon akong bumalik sa company. Nung tumawag si Dad kanina ay nasa meeting ako kaya naman tinapos ko agad iyon sa pag aakalang importante ang sadya niya. Sinalubong ako ni Daria- ang aking assistant hawak ang mga documents na nangangailangan ng aking atensyon. Buti na lang at binigyan niya ako ng mapaglalaanan ng oras para naman maging busy ako at hindi ko maisip ang sinabi ni Dad. Subsob na ako sa trabaho ng tumunog ang aking phone at makita ang pangalan ni Wendy na aking girlfriend. Nag isip ako saglit kung kakausapin ko ba siya o hindi and I decided na kailangan. “Hi, babe…” Sabi niya pagkasagot na pagkasagot ko ng phone. “Gusto ko sanang bumili ng gown na susuotin ko para sa isang charity event. Pwede mo ba akong samahan?” Napaka sweet ng kanyang boses, yung tipong hinding hindi matatanggihan ng kahit na sinong lalaki. “I'm sorry, marami akong mga importanteng bagay na kailangang asikasuhin at kailangan kong matapos agad,” tugon ko. Naisip ko na gusto niya talaga na lagi akong kasama. “Okay babe, I will just cancel it.” Ang sabi niya. Naguilty naman ako kaya sinabi kong, “Hindi naman kailangang i-cancel, pwede ka namang tumuloy kahit wala ako.” “Wala naman akong perang pambili,” ang sabi niya na bakas sa boses ang hiya. Narealize ko na lagi niya akong niyaya at lagi din naman akong nagbabayad ng lahat ng mga binibili niya. She's my girlfriend so kahit na gumasta man ako ng kahit magkano basta para sa kanya ay okay lang. Hindi iyon big deal para sa akin. “Sige, papuntahin ko na lang si Daria sa store para mag asikaso sayo. Just tell me how much.” “Sige babe. Pakisabi sa kanya na pumunta na lang sa Allaine's mamayang 5. Bye.” Tapos ay in-end na niya ang call. Napatingin na lang ako sa screen ng phone tapos ay naisip ko na hindi man lang ako nakapunta sa mga event na pinupuntahan ni Wendy pero lagi akong kasama kapag bibili siya ng mga susuotin niya. Napaisip tuloy ako kung bakit nga ba lagi na lang hindi ako nakakasama doon when there are times naman na libre ako. Ipinilig ko ang aking ulo. I don’t think kailangan ko pang isipin ang bagay na ‘yon ngayon when we’re going to break up anyway? Tamang tama at dumating si Daria kaya naman sinabi ko sa kanya na puntahan si Wendy sa boutique. Sumimangot ito na tila ayaw sundin ang utos ko. Naiintindihan ko naman na hindi na niya trabaho iyon, pero kailangan ba talagang ipakita pa sa akin iyon? “Ayaw mo bang gawin?” Ang naiinis kong tanong. Meron na akong isipin at ayaw kong dumagdag pa siya dahil sa pakikisuyo ko. “Hindi naman po, Sir. Kaya lang po– kaya lang po ay hindi ko siya gusto.” Ang nag aalalangan niyang sabi. “Just do as I say,” ang tugon ko at tumango naman ito bago lumabas ng aking office habang nakasunod ako ng tingin sa kanya. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagreklamo sa trabaho niya at napakagaling pa. Nagagawa niya ng maayos ang kahit na anong ipagawa ko. At si Wendy, kasabay ng paghinga ko ng malalim ay napagdesisyunan kong tuluyan ng makipaghiwalay sa kanya ay pakasalan ang babaeng sinasabi ni Dad. Halos mag-uuwian na at naisipan kong tignan na rin si Wendy. Kailangan ko na rin namang makipag break sa kanya dahil ayaw kong magkaroon ng problema sa hinaharap. Nag drive na ako papunta sa boutique at nakita kong naka park ang sasakyan ni Daria sa hindi kalayuan. Nag park ako sa tabi niya tsaka naglakad papunta sa shop. Hindi nila ako napansin na pumasok at kitang kita ko kung paano alipustahin ni Wendy ang aking assistant at pagbantaang tatanggalin sa trabaho kapag kami ay nagpakasal na. Hindi ko akalain na ganun pala siyang klase ng babae. Palagi siyang sweet at soft spoken kapag nag uusap kami at hindi ko inaasahan ang aking nasaksihan. Ngayon ay alam ko na kung bakit ayaw ni Daria sa kanya. Nanatili lang ako sa pwesto ko at pinakinggan ang lahat ng mga pinagsasasabi niya at pagmamayabang. Habang ang aking assistant ay nanatiling walang imik at tila walang pakialam. Nang sa palagay ko ay pumayapa na si Wendy dahil na rin sa hindi pagpansin ni Daria dito ay lumabas na ako ng shop at bumalik sa aking sasakyan. Nagulat din ang assistant ko ng makita niya ako nang bumalik ito sa sasakyan niya para umalis. Binati niya ako at tuluyan na siyang umalis matapos ko siyang i-dismiss. Tapos ay kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Wendy. “Hi babe.” Ang masaya, pero mahinhing bati niya na akala mo ay hindi makabasag pinggan. “I'm in the parking lot, can you come here?” Ang sabi ko. Hindi ko ipinahalatang naiinis ako dahil baka hindi pa ito magpunta kahit na nandyan lang siya. Ayaw ko rin na magkaroon siya ng ideya na nakita ko ang ginawa niya kanina lang. “Okay, babe. Tapos na rin naman ako dito,” ang sabi niya kaya naman in-end ko na ang call. Habang hinihintay ko siya ay napansin ko ang sasakyan niya na naka park sa gilid ng boutique. Napaisip ako kung sino ang kasama niya gayong hindi naman siya nagda drive. After a few minutes ay nakita ko na siyang palapit sa akin at ngiting ngiti. I unlock the car door at hinayaan ko siyang makasakay. “Let's break up,” sabi ko pagpasok na pagpasok niya sa sasakyan.Celina's POV“Wala kang karapatang tumanggi, sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal ka kay Jefferson Scott,” sabi ni Daniel. “Bigyan nyo ako ng magandang dahilan para pumayag ako sa kahibangan nyo.” sagot ko na may kasamang pagpipigil dahil nanggigil talaga ako sa kanya, actually, sa kanilang mag asawa. Adoptive father ko siya. Noong nasa ampunan ako ay gusto ko ng kahit na sinong maaaring kumuha sa akin doon.Nang dumating siya, kasama ang asawang si Lalaine para ampunin ako, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Parang lahat ng kahilingan ko ay natupad, alam mo yon, parang iyon na ang katuparan ng lahat ng pangarap ko. Pero wala pa lang dapat ikasaya.Sila na yata ang pinaka worst na taong nakilala ko. Sa murang isipan ay inalila nila ako. Nagkaroon sila ng libreng katulong ng dahil sa akin. Ang mabuti na lang ay napwersa ko sila na patapusin ako ng pag-aaral sa kundisyon na gagawan ko sila ng pabor. At mukhang iyon ang gagamitin nila ngayon para mapasunod ako.“
Third PersonNagpunta si Celina sa Clandestine at pagpasok niya ng restaurant ay pinigilan siya ng waitress. “Excuse me, this part of the restaurant is off-limits,” sabi ng staff sa kanya na tinanguan lang ni Celina bago sinabing may reservation siya."Reservation under Mr. John Scott," Celina said, and the waitress glared at her na hindi niya nagustuhan kaya naman inikutan niya ito ng mga mata dahil pakiramdam niya ay parang minamaliit siya ng kaharap."If you are going to look down on me, you better look at yourself first. Remember what you are here for," she said. Ginabayan na siya ng waitress para papunta sa table kung nasaan ang kanyang kakatagpuin habang hindi naman makatingin na sa kanya ang staff dala ng hiya.Pagpasok niya sa private room ang nadatnan niya si Jefferson na simangot at mukhang madilim na ang mukha sa paghihintay sa kanya. Napangiti si Celina sa loob loob dahil nga nagawa niyang mapaghintay ang isang Jefferson Scott na ayaw sa mga late. Jefferson looked at her a
JeffersonNa-announce na ang kasal namin ni Celina at alam na rin ng buong kumpanya iyon dahil imbitado naman silang lahat. Gusto nilang malaman kung sino ang magiging Mrs. Scott at kung anong klase ng babae siya.Maganda ba? Matalino? Saang pamilya nanggaling? Inaasahan na nila na ang mapapangasawa ko ay ang pinakaeleganteng bride dahil ako ang groom. Ang kinikilalang most sought-after bachelor at isa sa pinakamayaman sa bansa.Dahil sa ang aking ama na isang strikto at kilalang metikuloso pagdating sa trabaho ang pumili sa kanya ay inaasahan na nila na mula ang aking mapapangasawa sa kilala at prominenteng pamilya. Pero kabaligtaran iyon ng katotohanan dahil mukhang wala sa bokabularyo ni Celina ang salitang prominente.Alam ng aking ama na hindi niya ako mapapayag sa kasalang ito kaya ginamit niya ang kumpanya kaya nawalan ako ng choice kung hindi ang makisama sa babaeng ito na napakataas ng tingin sa sarili.Nakakagalit isipin na parang isinantabi ng aking ama ang mga pinagpaguran
Third PersonNatapos ang kasal at naging satisfied naman ang lahat lalo na si John. Sa tingin niya, kunng umaarte lamang ang dalawang ikinasal ay hindi naging halata dahil sa tingin niya ay mukhang sincere ang dalawa. Busy ang matandang Scott sa reception dahil sa hindi mapukaw na mga pagbati mula sa mga guests pati na ang napakaraming bilang ng mga regalo. Kita ang kaligayahan sa lahat ng matapos ang pagdiriwang maliban kay Noris.Sa kanilang mansyon, nasa kanilang silid ang mga bagong kasal at naghahanda para sa kanilang pagpapahinga ng kumatok ang isa sa mga katulong. Sinundan ng tingin ni Celina si Jefferson na siyang nagbukas ng pintuan.“Sir, nasa labas po si Sir Noris. Lasing na lasing at binabasag ang lahat ng makita habang tinatawag po kayo,” sabi ng katulong. Tumingin si Jefferson sa asawa na naghihintay ng kanyang sasabihin.“I’ll be back, stay here,” sabi ni Jefferson na tinaguan lamang ng kanyang asawa. Naiwang nagtataka si Celina kung bakit tila gumagawa ng gulo si Noris
Jefferson *** Flashback *** "Let's break up," sabi ko pagkasakay na pagsakay ni Wendy ng sasakyan. Napamaang siya na tila hindi makapaniwala sa narinig, takang taka. “What? Babe, ano bang sinasabi mo? Hindi iyan magandang biro ha…” tugon niyang tila kinakabahan matapos na lubos na maunawaan ang sinabi ko. Hindi ko sigurado kung tama bang ganon ang reaksyon niya, hindi ba dapat ay malungkot siya kaysa mukhang kabado? “Sinasabi mo lang yan dahil hindi ako pumapayag sa mga gusto mo. Fine, let’s fuck here in your car. Alam kong matagal mo na itong hinihiling kaya sige, subukan natin. Basta huwag ka lang magbibiro ulit ng ganyan, ha?” dagdag pa niya kasunod ang tangkang pag-upo sa aking kandungan pero pinigilan ko siya. "I'm going to marry someone Dad had arranged for me," sabi ko. Hindi ko na rin naman iyon maitatago dahil lalabas at lalabas nga rin ang balita. "What? He knew we were dating, why would he do that?" Wendy asked, crying. “Ni minsan ay hindi niya ako kinausap para palayu
Third PersonNagmamadaling nagpunta sa hospital si Jefferson dahil iniisip na nasa kritikal na condition si Wendy. Habang nagbibiyahe ay sinisi niya ang sarili at sinabing hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa dating katipan.On the way na siya sa nurse’s station para itanong ang silid ni Wendy ng magsimulang inikot niya ng tingin ang paligid at mabistahan ang tila pigura ng babae malapit sa may hagdanan papuntang fire-exit. Napaisip siya kung ano ang ginagawa doon ng dalaga gayong ang sabi ng nurse na tumawag sa kanya ay nag-overdose siya.Dahan dahan siyang naglakad ng mapansin niyang parang may kausap ito sa cellphone habang pababa ng hagdanan.“Tinawagan ko siya at sinagot naman niya kaya imposible na nagha-honeymoon sila ng kung sino mang malanding babaeng ‘yon,” narinig niyang sabi ni Wendy.“Sigurado akong magtatagumpay ang plano kong ito, at dapat lang. Ayaw ko rin siyang mawala sa akin.” Maantig na sana ang damdamin ni Jefferson kung hindi ito nagpatu
Celina Maaga akong nagising at hindi naman kataka-taka iyon dahil lagi naman. Pag tingin ko sa aking tabi ay wala rin doon si Jefferson. O mas tamang sabihin na hindi siya natulog sa tabi ko. Bumangon na ako at nagpunta sa bathroom. Maganda ang buong silid at gusto ko ang bathroom dahil sobrang luwag non. Nakasalansan na ang mga toiletries sa open cabinet na nasa taas ng lavatory at kahit sa gilid mismo non. Kung hindi lang forced marriage ang nasuungan namin ay iisipin kong mahalaga ako kay Jefferson dahil sa pag-e-exert niya ng effort para lang bilhan ako ng mga personal things ko. Mamahalin ang facial wash na nakikita ko lang sa mga palabas sa T.V. na gamit ng mga mayayaman at karaniwang nakikita ko sa mga store na naka-display sa mga cabinet na naka-lock. Ang akala ba niya talaga ay gumagamit ako ng mga ito para sa mukha ko? Bahala na nga, gamitin ko na lang tutal akin naman ito. Pagkatapos kong maglinis ng sarili ay nagpalit na rin ako ng damit bago ako bumaba para pumunta sa
JeffersonPakiramdam ko ay alam ni Celina na umalis ako kagabi, rather kaninang madaling araw dahil ang aga aga ay nasa dining area na siya at nag-aalmusal. Malamang ay iniisip niya rin na pinuntahan ko si Wendy at hindi ko naman itatanggi ‘yon.Si Wendy, alam ko na naging masama ako sa kanya at ‘yon ay dahil niloko niya lang ako sa simula’t-simula ng aming relasyon.Alam ko sa sarili ko na hindi ko lolokohin ang asawa ko kahit na hindi ko pa siya mahal. Pero matapos kong malaman ang ginawa ni Wendy ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na kailangan pang intindihin siya or ma-guilty pa.Ang pag-uusap na gusto kong mangyari sa min ni Celina ay simple lang naman. Ipapaalam ko lang sa kanya ang pag-alis ko ng bansa at ang pagtatalaga sa kanya bilang OIC ng bank kaya naman pinapunta ko siya sa study room ko.Hindi niya man lang napansin ang pagpasok at napansin ko ang pagmasahe niya sa kanyang sentido and I felt a little worried.Medyo masakit lang daw ang ulo niya kaya itinuloy pa ri
JeffersonEnjoy na enjoy si Celina sa trabaho niya sa Arts and Crafts, at natutuwa ako na gusto niya doon. Akala ko kasi hindi niya magugustuhan, lalo na’t nag-away kami kamakailan lang.Pero mukhang dahil lang ‘yon sa nalaman niya na may kasama akong ibang babae sa araw mismo ng aming annniversary kung saan nag-effort pa siyang maghanda.Kung hindi lang dahil doon, tingin ko tatanggapin niya 'yung trabaho kasi related naman sa designing. Kinuwento niya sa’kin kung ano ang nangyari noong unang araw niya at inamin ko, nagselos ako. Dalawang araw akong nagdamdam kasi hindi niya sinabi sa lahat na asawa niya ako.Yung request niya na isama si Mr. Sunji sa project, medyo naguluhan ako noong una. Pero nung ipinaliwanag niya, doon ko lang talaga na-gets. Ayaw niyang may mag-isip na kaya siya napasama sa project ay dahil sa koneksyon niya sa’kin. Kaya pala niya muling inimbitahan si Mr. Sunji dahil gusto niyang patunayan na kaya niya ‘yon sa sariling sikap.Iniisip ko tuloy kung anong nangya
Celina“Hi, Celina.” Bati sa’kin ni Noris nang makita namin siya sa sala at mukhang hinihintay niya talaga kami. Nakatayo pa siya ro’n sa dulo ng hagdanan habang pababa kami.“Hey,” sagot ko naman habang sinulyapan ang asawa kong halatang wala sa mood. “Good morning,” dagdag ko pa. “Kumain ka na ba? Sumabay ka na rin sa ‘min,” aya ko habang nakatitig siya sa’kin na para bang gusto akong tunawin sa titig. Gusto kong matawa, pero nagpigil ako.“Sure,” sagot ni Noris sabay lakad papunta sa dining area. Nandito na rin lang siya, at hindi ko naman siya pwedeng paalisin, ‘di ba? Kakain lang kami, ‘yun lang ‘yon.“Anong ginagawa mo rito?” tanong agad ni Jefferson habang naupo kami. Inilagay niya ang itlog at bacon sa plato ko, gaya ng palagi niyang ginagawa. Dapat nga ako ang gumagawa no’n para sa kanya, pero gusto niya kasi na siya ang nag-aasikaso sa’kin sa ganitong paraan.“Wala lang,” sagot ni Noris, at napaangat ang kilay ko. Tumingin ako sa kanya, tapos kay Jefferson. Umubo ako nang ma
CelinaNakakatawa talaga kung gaano karaming babae ang gustong agawin ang asawa ko. Aminin natin, pogi na, mayaman pa. Lahat ng hanap mo sa lalaking papakasalan, nasa kanya na.Pero nakakainis lang kasi parang sobra ang pagkagusto nila, tipong handa silang agawin siya sa akin. Excuse me? Never mangyayari ‘yon. Simula nang sabihin niyang mahal niya ako at sinabi ko ring mahal ko siya ay mas naging possessive pa ako sa kanya.Obvious na may gusto sa kanya ang sekretarya niya. Kaya dapat lang iparamdam ko sa kanya kung sino ang tunay na nagma-may-ari kay jefferson.Nag-away nga kami dahil sa kanya. Oo na, nagseselos ako. Kung hindi lang niya sinabi na kaya niya pinilit na magka-share sa architectural firm nna 'yon ay dahil sa akin, siguro hindi ko siya basta-basta mapapatawad. Sino ba naman ang hindi mata-touch, ‘di ba? Lahat ginagawa niya para sa akin. Gusto niya na maabot ko ang best version ng sarili ko.At isa pa, ang bawat haplos niya, grabe. Nakaka-addict. Wala pang lalaking nakapa
Pagkatapos ay dumiretso si Celina sa kanilang kwarto para mag-ayos at siguraduhing maganda siya. Wala siyang pakialam kung mainis man si Jefferson sa presensya niya mamaya basta makita lang niya ang sekretarya nito.Alas-onse na, at sigurado siyang aabot siya sa kompanya sa tamang oras, kaya hindi na niya inabala pang ipaalam kay Jefferson ang pagbisita niya. Para sa kanya, wala rin namang saysay iyon.Pagpasok niya sa kompanya, agad siyang binati ng lahat, at gumanti naman siya ng ngiti bago sumakay sa elevator. Sakto pa lang niyang pipindutin ang close button nang marinig niyang may humabol. Paglingon niya, si Daria pala."Ma'am Celina! I'm so glad to see you!" masiglang bati nito."Same here," sagot niya, saka napatingin sa hawak nitong takeout."Ah, para kay Sir Jefferson 'to," paliwanag ni Daria bago pa siya makapagtanong, sabay ipinakita ang lunch box. "Mukhang mamahaling lunch na naman ang kakainin ko ngayon!" dagdag nito, tuwang-tuwa, kaya napatawa na lang si Celina."Sure ka
Third PersonSobra ang naging pasasalamat ni Jefferson nang patawarin siya ni Celina. Talagang kinabahan siya na baka tumagal ang kanilang away dahil ito ang unang beses na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.Nang maisip niyang nagseselos na ang asawa niya, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya gagawa ng kahit ano na makakapagparamdam kay Celina ng insecurity. Kahit hindi niya makita ang dahilan para magselos ito dahil para sa kanya, si Celina na ang perpektong babae.Kinabukasan, pagdating niya sa opisina, agad niyang hinanap ang cellphone niya. Naguguluhan siya kung saan niya naiwan iyon, dahil alam niyang hindi siya umaalis nang wala ito."Sir," bati ng sekretarya niyang si Bree pagkapasok niya sa opisina. Tumango lang siya rito habang patuloy na kinakalkal ang mga drawer, umaasang aksidente niya lang itong nailagay doon."Yung cellphone n’yo, Sir," sabi ni Bree, kaya agad siyang napatingin dito. "Naiwan n’yo sa mesa ko nung isang araw at kahapon ng umaga ko lang nak
JeffersonNanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ganito lang siya kasimple. Sobra ba akong nag-isip? Hindi, nakita ko ‘yon sa mga mata niya, masaya siya tuwing gumagawa siya ng mga disenyo. Ang layout ng country club ay sobrang ganda. Nang mahimasmasan ako, sinundan ko siya. Una akong bumalik sa kwarto namin, pero nang hindi ko siya makita, bumaba ako sa dining hall. Buti na lang at naroon na siya, kumakain ng almusal. Pagkaupo ko, inilapag ni Susane ang isang plato sa harapan ko. Tahimik akong naghintay, sinubukang hanapan ng tiyempo ang sarili ko para makipag-usap sa kanya. “Huwag mo nang subukan. Ayoko makipag-usap. Gusto ko lang ng katahimikan,” diretsong sabi niya bago pa man ako makapagsalita. Napabuntong-hininga na lang ako at nagdesisyong hayaang lumipas muna ang inis niya. Sana pagbalik ko galing trabaho, sasalubungin na niya ako ng isang mainit at possessive na halik. Habang kumakain, narealize kong ito rin pala ‘yung mga pagkaing nakita kong tinatago nina Susane
Jefferson Kinaumagahan, nagising ako at agad na tumingin sa tabi ko sa kama pero wala si Celina. Napalinga ako sa paligid at tinawag siya, pero walang sagot. Kinabahan ako at dali-daling lumabas ng kwarto, nag-aalalang baka iniwan niya ako. Hinanap ko si Susane. "Nakita mo ba si Celina?" tanong ko. "Nasa study room," sagot niya. Agad akong nagmamadaling pumunta roon. Nakalock ang pinto, at hindi siya sumasagot kahit anong katok ko. Kinuha ko ang spare key at binuksan ito. Napatingin ako sa usual niyang pwesto sa office table at chair ko pero wala siya. Nandoon lang ang drawing tablet niya. Napansin ko na bukas ang pinto ng verandah kaya lumabas ako, at doon ko siya nakita. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Paglingon niya sa akin, sinamaan niya ako ng tingin bago muling bumalik sa pagpinta sa harap niya. Mukhang galit pa rin siya. "Maaga pa, kumain ka na ba?" tanong ko. Sinubukan kong gawing casual ang tono ko, pero pakiramdam ko hindi ako naging convincing. Kinakabahan ako na
Jefferson"Celina, please naman, ayusin na natin 'to. Ayokong matulog na galit ka sa’kin. Please, ‘wag mo namang palakihin ‘to," sabi ko, pilit na pinapalambot ang boses ko, pero hindi niya ako pinansin. Sa halip, bigla siyang tumayo mula sa kama, at matalim akong tinitigan, parang punyal na tumatarak sa dibdib ko ang tingin niya. "Akala mo pinalalaki ko lang ‘to?" Ang tinig niya’y puno ng hinanakit na ayaw ko sanang maramdaman niya para sa akin. "Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin," mabilis kong sagothabang pilit ko siyang inaabot upang mayakap ngunit mabilis din siyang umiwas. "Gusto ko lang pag-usapan natin ‘to. Masama ba ‘yon?" Tumawa siya, mapait at walang bahid ng saya. "Sige, ano? Ano’ng gusto mong sabihin?" Napalunok ako. "Gusto kong humingi ng tawad." Hindi niya ako sinagot agad. Tila sinusukat niya ang katapatan ko,halata naman din sa itsura niya na talagang nasasaktan siya. "At sa tingin mo, dahil lang sa isang sorry, magiging okay na lahat? Matutulog tayo nang parang wa
Jefferson Ang trip namin sa Miami ay naging sobrang laking tulong sa relasyon namin ni Celina. Para kaming nagkaroon ng bagong simula. Mas bukas, mas totoo. Pagbalik namin, mas naging malapit kami sa isa’t isa. Mas mainit, mas matindi. Minsan, siya pa mismo ang nag-iinitiate, at gustong-gusto ko ‘yun. Wala nang awkwardness o pag-aalinlangan sa pagitan namin. Kapag magkasama kami, para kaming dalawang taong walang ibang mundo kundi ang isa’t isa. Kaya niyang makasabay sa akin at alam kong hindi lang ito tungkol sa pisikal na aspeto. Mas malaya na siyang magsalita, mas naipapahayag na niya ang nararamdaman niya, at gano’n din ako sa kanya. Hindi na namin kailangang magtago ng kahit ano. Habang lumilipas ang mga araw, nagiging mas wild at creative ang mga lambingan namin, at mas lalo lang akong nae-excite sa kanya. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ulit ito. Ang ganitong klase ng pagmamahal na may halong kasabikan, respeto, at matinding pagnanasa. Hinahayaan niya akong gawin ang gust