THE CEO'S SWEETHEART

THE CEO'S SWEETHEART

last updateLast Updated : 2025-02-17
By:   Grace Ayana  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
22Chapters
259views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Tashi finds herself in a challenging situation. Her family is deeply in debt, her sibling is ill, and she is struggling to fund her education. Juggling between her ambitions and responsibilities to her family, Tashi encountered a man who would soon turn her world upside down, spinning her life into a whole new world far from what she had been accustomed to. His bold presence not only changed her perspective on life but also stirred her heart in ways she never imagined.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

“Aray!”Napahiyaw si Tashi nang sumigid sa paa niya ang kirot. Sa pagmamadali niyang maisuot ang sapatos ay aksidenteng bumunggo ang binti niya sa kanto ng mesita sa kanyang harapan. Namimilipit siya sa sakit. Pinaghupa niya muna ang kirot bago nagpatuloy sa ginagawa.Gahol na siya sa oras. Wala nang panahon para indahin ang sakit.Unang araw ng trabaho niya at nangangamba siya na baka ma-late siya. Baka makalikha pa siya ng bad impression sa magiging amo niya. Kaya naman, halo-halo na ang emosyon sa dibdib- kaba, takot, excitement.Hinablot niya ang black tote bag na nakapatong sa sofa. Sinigurado niya munang naka-lock ang pinto at dala niya ang keycard ng condo unit na tinutuluyan at nakipag-unahan na sa paglula sa elevator. Ayaw niya sa pakiramdam na nakukulong sa loob ng elevator, pero kailangan niyang sanayin ang sarili sa magiging bagong pang-araw-araw na routine.Pagbaba niya sa building, naghihintay na si Marie sa kanya.“Masyado ba akong matagal?” nag-aalalang tanong niya sa ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Marinyl Chua M
One of the best na gawa ni Ms Grace ...️ Kinilig muli ako sa pagbabasa dahil kay Wade ...
2025-02-18 07:13:46
1
22 Chapters
Prologue
“Aray!”Napahiyaw si Tashi nang sumigid sa paa niya ang kirot. Sa pagmamadali niyang maisuot ang sapatos ay aksidenteng bumunggo ang binti niya sa kanto ng mesita sa kanyang harapan. Namimilipit siya sa sakit. Pinaghupa niya muna ang kirot bago nagpatuloy sa ginagawa.Gahol na siya sa oras. Wala nang panahon para indahin ang sakit.Unang araw ng trabaho niya at nangangamba siya na baka ma-late siya. Baka makalikha pa siya ng bad impression sa magiging amo niya. Kaya naman, halo-halo na ang emosyon sa dibdib- kaba, takot, excitement.Hinablot niya ang black tote bag na nakapatong sa sofa. Sinigurado niya munang naka-lock ang pinto at dala niya ang keycard ng condo unit na tinutuluyan at nakipag-unahan na sa paglula sa elevator. Ayaw niya sa pakiramdam na nakukulong sa loob ng elevator, pero kailangan niyang sanayin ang sarili sa magiging bagong pang-araw-araw na routine.Pagbaba niya sa building, naghihintay na si Marie sa kanya.“Masyado ba akong matagal?” nag-aalalang tanong niya sa
last updateLast Updated : 2024-07-13
Read more
Stranger
“Late again, Miss Dizon.”Pangatlong beses na na laging huli ang pagpasa ni Tashi ng plate sa architectural design, isa sa mga subjects niya sa architecture. Natural na masita siya ni Professor Lima. Buti na lang at tinanggap pa nito ang output niya. Pinagsabihan na siya nito noong huli niyang submission pero heto na naman siya, late na naman.“Sorry po, Prof. Gagawin ko po ang lahat para on-time na ang submission ko sa susunod.” Kahit alam niyang hindi sigurdo pero nangako siya. Bukod kasi sa pag-aaral, kailangan niyang itawid ang paghahanap-buhay. Part-time cleaning at paminsan-minsang pagtatrabaho sa isang bar bilang isang waitress ang nakikipag-agawan sa oras niya.“You better be, Miss Dizon. This plate,” itinaas ni Professor Lima ang plate niya, “this could have been graded higher than what I must give you.”Nauunawaan niya. Unfair nga naman sa iba na mas on time kung matapos. Bawat araw niya sa university ay parang tumatawid siya sa manipis na lubid. Konting-konti na lang at bak
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more
Squeegee
“That’s all for today. I am expecting your plates to be on my desk by next week.”Paulit-ulit niyang niri-replay sa utak ang sinabi ng professor ng pinakahuling klase niya kagabi. Niri-remind at mini-motivate niya lang naman ang sarili. Mabilis siyang bumangon at naligo. Tulog pa ang mga boardmates niya kaya, todo ingat siya na huwag magising ang mga ito. Actually, halos wala na siyang tulog kakagawa ng requirements. Lahat ng oras niya, dapat maayos na nagagamit. Hindi niya afford na maglustay ng panahon.Kahit isang segundo.Ang haba ng magiging araw niya ngayon. Cleaning lady hanggang mamayang alas tres at mamaya, i-extra na naman siya sa club kung saan nagtatrabaho rin si Marie. Habang nagbibihis, sinilip niya ang phone. Wala pa namang message si Marie. Mag-aalas siete pa lang naman. Masyado siyang maaga para sa alas otsong usapan. Sinigurado niya munang walang kalat na maiiwan sa desk at working table niya. Ang mga plates na natapos, nasa ayos na rin. Pinulot niya ang backpack at
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more
Drinks
Kanya-kanya silang toka ni Marie sa paglilinis. Siya sa sala. ito naman sa kitchen. May professional glass cleaners naman na nagmi-maintain ng exterior ng glass wall kaya ang inner side na lang ang aatupagin niya. maliban sa ilang basyo ng beer at naiwang dalawang wine glasses sa center table, wala namang gaanong kalat sa loob.“Ang sinop din ng may-ari nitong bahay, ‘no?”“Naku, day, huwag mo munang sasabihin at baka signal number ten ang silid.”“Bakit naman?” tanong niya habang nilalabhan ang basahang gamit sa sink. Tapos na siya sa sala at patapos na rin si Marie sa paglilinis sa kusina. Ref na lang ang inaatupag nito. Nalinis na rin nito pati CR sa kusina. “Hoy, bakit nga?” Na-curious siya.Ngumisi lang si Marie. “Huwag ka nang maraming tanong at ayokong lagyan ng SPG ‘yang utak mo.”Nanulis ang nguso niya. “Bahala ka.” Lumabas siya ng kusina kasunod si Marie. Silid na lang ang natitira nilang lilinisin. “Nasaan na nga pala ang mag-asawa?” naisipan niyang itanong. Nakakamangha la
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more
Jeep
Muli, niligtas siya ng lalaking ito sa isang hindi kanais-nais na sitwasyon. Right on time when she needed someone to stand for her the most, Sir Wade came and rescued her. The stranger suddenly got a name.Wade.“Keep it on my tab.”A stranger with that raspy baritone. Naligtas na naman siya sa kompromiso gamit ang pera nito. Nakakahiya. Nakakapanliit ng self-esteem at the same time. Dapat, may sasabihin siya sa lalaki- magpasalamat at humingi ng dispensa. Kaya lang, kanina pa siya natutuod at hindi malaman kung ano ang gagawin o sasabihin. Namumuro na pati mga kamay niya sa kakakuskos sa mga ito.“Including Chenny’s bill.”Matapos ng komosyon kanina, sapilitang dinala ng dalawang tauhan ang babaeng natapunan niya ng drink sa labas ayon sa utos din ng lalaking ito. Halos nagwawala na ang Chenny na ‘yon pero hindi rin umobra sa lalaki.“You wanna say something?”Napakislot siya ng wala sa oras. Pabigla na lang kasi itong lumingon sa kanya. Napaka-intimidating pa ng boses nito. ‘Yon ba
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more
Book
Tashi survived the week. Nabayaran niya ang renta sa boarding house. Hindi na siya nangangambang ma-evict anytime. Nakakapaglakad na siya ngayon na hindi kabado na baka makasalubong ang landlady. Kung may natira man siyang pera, maingat niya iyong ginagasta. Just in time sa susunod na padala ni Tita Loida.Kung kailan nito maisipan.Saka na muna siya magwo-worry. Igugugol niya muna ang buong isip sa pag-aaral. Sa araw na ito, buong umaga siyang nag-attend ng klase. Ang hapon niya naman ay ginugol niya sa library. May quiz sila sa Differential Calculus. Sa lahat, ‘yon ang masasabi niyang pamatay na minor subject. Sa silid-aklatan na rin niya tinapos ang isa pang plate sa Architectural Design. Wednesday, nasa dorm ang tatlo niyang kasama at hindi maiwasang maging maingay ang buong silid. Kailangan niyang makapag-concentrate.Saka niya naisip, cramming week ngayon, walang tulugan dahil papalapit na ang midterm. Ibig sabihin, bayaran na naman. Bago bumalik sa dorm, nakigamit muna siya ng
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more
Meeting
Just like that, pinasok niya ang trabahong mahigpit niyang inayawan noon. But desperate moments require a desperate measure. Ngayon lang naman. Pangako niya sa sarili, hindi na mauulit. Habang napapasubo sa ganitong ‘trabaho’, pipilitin niyang gawing tama ang tsansa na ibinigay ni Tita Cornelia sa kanya. Kahit pa nga binubugbog ng kaba ang dibdib niya at pinuputakte ng hiya ang sarili.Mula sa taxi’ng kinauupuan, bumaling siya sa labas ng bintana. The last twenty-four hours had been rigid. Sa loob lang ng maikling panahon, nag-transform siya bilang ibang babae. Ni hindi niya mapaniwalaan ang nakitang ayos sa salamin.Ang bilis lang ng mga pangyayari. Kahapon, dinala siya ni Marie sa malaking bahay ni Tita Cornelia. Ipinakilala at sinabi ang kailangan niya.“She’s fresh, innocent, alluring. Konting ayos lang at mas lulutang ang ganda mo,” si Tita Cornelia habang binabaybay ng titig ang kabuuan niya. “You could be our clients’ favorite.”“Dun…dun lang ako sa hanggang…companionship lang
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more
Kotse
Apektado siya sa presensya ni Sir Wade. Ang composure na dahan-dahan niyang na-build up sa harap ni Mr. Robinson kanina ay nangangambang maglaho.Nagkita lang naman sila ni Sir Wade nang ilang ulit, hindi pa nga malalim ang kanilang pagkakakilala. Gayunpaman, hindi siya mapakali.Hindi siya makagalaw ng tama. Tila lumulutang ang pakiramdam niya. Wari niya, hindi sumasayad ang pwet niya sa malambot na kutsong inuupuan. Umakyat sa napakataas na tuktok ang pagkailang hindi dahil sa hindi siya marunong gumamit ng mga kubyertos. Sa pag-aambisyon ng Tita Loida noon na umangat ang buhay, inaral nito ang lahat ng table etiquette at pati sila ay tinuruan. Naku-conscious siya dahil sa lalaking ito na nakaupo sa mismong tapat niya. Pakiramdam niya kasi, sinisayasat nito ang mga kilos niya.‘Tinitingnan ba niya ako?’Ewan.‘Ano kaya ang iniisip niya tungkol sa akin?’Marahil, masama.‘Hinuhusgahan niya kaya ako?’Malamang. Sumama siya sa isang matandang lalaki at ipinakilala pa bilang date nito.
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more
Seatbelt
“Seatbelt?”Natatarantang inabot niya ang seatbelt sa gilid ng upuan at dali-daling ikinabit sa katawan. Kaya pala hindi muna pinaandar ni Sir Wade ang kotse kasi natatanga na naman siya. Parang nagising sa mahimbing na pagtulog na mabilis na kumilos. Parang hindi na kakayanin ng sistema niya kung ito pa ang magkakabit niyon sa katawan niya. Baka mas lalong magwala sa pag-iingay at kaba ang dibdib niya. Nasa mukha pa naman nito na naiinis pa rin. Nasa manibela ang mga kamay pero inis na tsinek kung tama ba ang pagkakakabit niya. Dating taxi driver ang tatay niya, alam niya kung paano.Nang masigurong okay na siya, nagbigay ito ng tip sa valet at pinaharurot palayo ang kotse. Galit kaya ito? Ang bilis kasi ng takbo nila. Heto at mahigpit siyang napapakapit sa seatbelt at sa edge ng upuan. Sa minsang pagliko nito, halos sumubsob siya sa balikat nito sa lakas ng impact.Syempre, takot siyang magreklamo. Bakulaw kaya ang lalaking ‘to.“Damn!”Ang lakas ng mura nito. Para itong may kinayay
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more
Offer
Nalagpasan ni Tashi ang madugong midterm exams. Finals na naman ang bubunuin niya. Umaasa siyang magiging okay na si Tita Loida pagdating ng araw na ‘yon. Hanggang hindi klaro ang pangako nito, aalipinin niya muna ang katawan sa bawat raket na kaya niyang gawin. Kahit paggawa ng plates ng isang kaklase na hindi nakayang i-cope up, pinatos na niya. As much as possible, magiging pinakahuling option ang paghingi ng tulong kay Tita Cornelia.“Magsabi ka lang, okay? Nakakapanghinayang ka kasi. Mukhang magiging best seller kita lalo na kapag nailagay ko na ang picture mo sa website. Ang mga kliyente, gusto nila ‘yong natural na ganda, lalo na ang inosenteng tingnan na kagaya mo.”‘Hindi ako aabot sa puntong ‘yon,” ang pangako niya sa sarili. “Hinding-hindi na.”Hangga’t may mapagkukunan. Laking tuwa niya nga kanina nang makatanggap siya ng call mula kay Marie. Pinababalik siya ni Miss Sheena sa bar.“Pwede ka raw ba sabi ni Jay? Ako ang pinatawag sa’yo. Syempre, ‘di ko basta-basta ibibigay
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status