Kanya-kanya silang toka ni Marie sa paglilinis. Siya sa sala. ito naman sa kitchen. May professional glass cleaners naman na nagmi-maintain ng exterior ng glass wall kaya ang inner side na lang ang aatupagin niya. maliban sa ilang basyo ng beer at naiwang dalawang wine glasses sa center table, wala namang gaanong kalat sa loob.
“Ang sinop din ng may-ari nitong bahay, ‘no?”
“Naku, day, huwag mo munang sasabihin at baka signal number ten ang silid.”
“Bakit naman?” tanong niya habang nilalabhan ang basahang gamit sa sink. Tapos na siya sa sala at patapos na rin si Marie sa paglilinis sa kusina. Ref na lang ang inaatupag nito. Nalinis na rin nito pati CR sa kusina. “Hoy, bakit nga?” Na-curious siya.
Ngumisi lang si Marie. “Huwag ka nang maraming tanong at ayokong lagyan ng SPG ‘yang utak mo.”
Nanulis ang nguso niya. “Bahala ka.” Lumabas siya ng kusina kasunod si Marie. Silid na lang ang natitira nilang lilinisin. “Nasaan na nga pala ang mag-asawa?” naisipan niyang itanong. Nakakamangha lang na aalis ang may-ari habang may mga estranghero sa tirahan ng mga ito.
“Sino?”
“’Yong babae at lalaki kanina.”
Ang lutong ng tawa ni Marie. “Mag-asawa ka diyan. Ni hindi nga siguro mag-jowa mga ‘yon.”
“Ha? P-pero?”
Inagaw ni Marie mula sa kanya ang handle ng cart at ito na ang nagtulak patungo sa pintuan ng nag-iisang silid ng maalwang unit.
“Babe ang tawagan, eh.”
Mas naging matunog ang tawa ito. “Baka hook up lang sa bar na pinuntahan nila pareho. Saka, narinig ko kanina ang sinabi ng lalaki, 'Don’t answer that fucking door for me.' Mas pinauna pa niyang paalisin ang babae kaysa sa kanya. Hook-up nga lang siguro.”
Napatango-tango siya. Binuksan niya ang pinto para kay Marie at magkasunod silang pumanhik sa loob. Amoy ng naiwan na kaaya-ayang cologne ang sumalubong sa ilong nila. Parang pamilyar nga. Kung saan niya naamoy, ‘di niya maalala.
“In all fairness, kung gaano ka gwapo ang may-ari, ang sinop din sa gamit.”
Mukhang madali lang linisin ang maalwang silid na sa unang tingin ay halatadong panlalaki. Naalis na rin ang bed sheet sa kama. Pati mga punda ng unan ay maayos ding nakasalansan sa paanan ng kama. Toka na naman sila ni Marie. Bedroom ang lilinisin nito at siya naman sa bathroom. Pati naman CR, hindi gaanong makalat. Parang marunong talagang maglinis ang may-ari. Ang basurahan ay hindi naman gaanong marami ang laman. Basta sinigurado niya lang na napapalitan ang trash bag at makintab ang kubeta at glass partition ng shower.
Paglabas niya, patapos na rin si Marie sa pagba-vacuum ng sahig.
“Tash, tulong nga. Paki-unplug naman.”
Sinundan niya ang wire ng vacuum. Nasa gilid ng night stand ang saksakan ng extension. Dumukwang siya para bunutin iyon pero iba ang nakita nya. May nasuksok na pulang tela sa ilalim niyon. Kinuha niya iyon at inangat nang makita kung ano ‘yon.
“Ano ba yan!”
Pabigla niyang nabitiwan ang punit na pulang panty na hawak. Nag-landing iyon sa mismog paanan ni Marie. Agaran siyang napatayo ngunit sa ginawa niya ay nauntog pa ang ulo niya sa nightstand. Muntikan na iyong matumba. Buti na lang at maagap siyang nasaklolohan ni Marie.
Bumukas ang drawer ng mesa at nahantad sa kanila ang laman niyon.
“OMG!”
Napatakip sa bibig si Marie at napamulagat ng mga mata. Binitiwan nito ang wasak na panty na kaawa-awang napunta sa gitna ng kama.
“Andami!”
Isang nakabukas na box ang nakita niya.
“In different flavors.” Kumuha ng ilang pakete si Marie at itinaas sa ere. “Strawberry, chocolate, mint, Bubblegum. Grabe! Kulang na lang ay magpatayo ng fruit plantation ang mokong na ‘yon. Sa dami ng mga ito, baka gabi-gabing may kaanuhan ‘yon. Teka, may isa pang box.”
Never pa siyang nakakita o nakahawak ng condom buong buhay niya. Curious siyang pumulot ng isa sa mula sa tinukoy na kahon ni Marie at binasa ang nasa pakete. “Skyn. Non-latex. Natural feel. Extra large?” nagtatanong ang mga titig niyang napalingon kay Marie.
“OMG!” Parang tangang nahimatay kunwari si Marie. Basta na lang ito napatihaya sa kama at gumulong-gulong doon.
“Hoy! Marumihan ‘yang bed cover.” Hinila niya si Marie. Bumangon naman ito at inagaw mula sa kanya ang isang packet ng condom at ibinalik sa box.
“Grabe ang lalaking ‘yon at lubos na pinagpala.” Tumayo ito iniangat ang dalawang palad sa ere na tila ba may sinusukat. “Grabe talaga! Mabaliw-baliw siguro ‘yong babae sa kanya. Gwapo at macho na, malaki pa ang k*****a.”
“K*****a?”
Nanlaki ang mga mata nito. Parang naiinis na ibinaba ang mga palad. “Masisira nga ulo ko sa ‘yo. Hirap mong kausap. Ang ibig kong sabihin, ‘yong titi ng may-ari nitong unit, malaki and for sure, mataba rin.” Wala na namang preno ang bibig ng kaibigan. Kaswal pa ang pagkakasabi. “O, ano ‘yang pagmumukha mo?” Todo pa rin si Marie sa kakatawa. “Pero alam mo, siguro m*****g ang taong ito pero responsible. Ayaw makabuntis.”
“Hindi responsable tawag do’n. Ang responsable, ‘yong tulad ng mga tatay natin. Maglinis na nga lang tayo. Mamaya, ma-monitor pa tayo sa CCTV. Makita pa tayo na nangingialam sa mga gamit dito. Lagot na.”
Parang natauhan si Marie. Itinapon ang panty sa trash bag na bibitbitin nila palabas at isinarado ang drawer. Tinapos nila ang lahat ng dapat tapusin. Bago tuluyang nilisan ang silid, sinigurado niya munang nailagay sa ayos ang mga gamit na nakapatong sa nightstand nang tila isang personalized stone gift na may nakasulat ang umagaw sa pansin niya. Parang matagal na iyong ginawa dahil medyo naaagnas na ang dulo ng panghuling letra.
“W-wade?” hindi siguradong basa niya. “Wade.”
Panlalaking pangalan at tunog maganda sa tainga.
“So, Wade pala ang may-ari ng unit na ito.”
Wade na may maraming ipong condoms. Saka niya naisip, ilang babae na kaya ang nadala nito at sa kama nito? Pakialam ba niya. Ibinaba niya ang hawak sa nightstand at lumabas ng silid. Umalis sila ni Marie bitbit ang malaking tip na iniwan nito.
“Ang generous niya ha, may pa-note pa sa ref na kumuha tayo ng food sa ref bago umuwi.”
Too generous. Malaki na ang magagawa ng tip sa pag-aaral niya. Mabibili na niya ang librong kakailanganin niya.
“Gwapo at galante. Swerte no’ng babae ah.”
Masuwerte ba talaga kung ganoong mapaglaro naman ito? Sa dami ba naman ng condoms na nakita nila.
Eh, ano naman pakialam niya?
Sa bahay nina Marie sa sila dumiretso pagkatapos maibalik sa Happy Cleaners ang mga gamit. Nagpahinga lang sila sandali. Mamayang alas siete, papasok na naman sila sa bar. Maswerte siya at sa pangatlong beses ay pinayagan siyang mag-part time ulit ng manager. Kina Marie na rin niya ginawa ang baong isa pang assignment sa minor subject. Bago mag-alas siete, gumayak na silang pareho. Mag-aalas siete pa lang pero pila na ang nag-iinumang mga tambay sa labas ng bahay nina Marie.
“Marie, pakilala mo naman kami sa cutiepie mong kasama.”
Napasiksik siya sa tagiliran ni Marie. Ito ang pinakaayaw niya sa neighborhood na ito. Ayaw niyang kina-cat call. Kahit naman waitress sila sa bar, pormal naman ang polo shirt at high-waist pants na suot nila.
“Clinton, itigil mo muna ‘yang pagsusunog-baga mo at mag-aral ka muna. Magiging architect ‘tong kaibigan ko, ‘no?” Hinila siya ni Marie patungo sa pedicab na nagdaan at kaagad na lumulan. “Mang Pedring, larga na ho nang malayo tayo sa mga bwitreng lasenggong mga ‘yan.”
Mula Guadalupe, sumakay pa sila ng jeep. Wala pang alas otso nang marating nila ang isang high-end bar sa BGC. Matapos mag-time in, salang na kaagad sila sa kanya-kanyang gawain.
“Kaya mo na ha?” si Marie, nanigurado kung okay na ba siya.
“Kaya ko na.”
Nalilito pa rin siya kahit inaral niya ang iba-ibang pangalan ng mga inumin. Kapag nalilito siya, to the rescue naman kaagad ang kaibigan.
Habang lumalalim ang gabi, parami naman nang parami ang mga kustomers lalo na at Saturday ngayon. Punuan talaga. Nakamamangha nga kung gaano karaming kabataan ang naghahanap ng aliw sa mga establisyementong gaya nito. Tuloy, hindi siya magkandatuto sa pagsi-serve. Idadagdag pa na kailangan pa niyang sanayin ang pang-amoy sa ng inumin at usok ng sigarilyo. Hindi nga siya mamamatay sa lung cancer dahil ‘di naman siya umiinom, mamamatay naman sa secondhand smoking. Pero keri lang. Ang importante, may mauuwi siyang pera.
Basta, huwag lang talagang magkamali kundi lagot na.
“Martini for VIP room number 5 is ready.”
Walang ibang malapit sa counter. Siya talaga ang magsi-serve. Ayaw niya sa VIP room. Sa likod kasi ng utak niya, may pangamba na baka may mama sa loob ng silid na may tama sa utak. Noong nakaraan kasi, may lasenggong halos paupuin na siya sa kandungan nito.
‘Pero bahala na, hindi dapat namimili.
Ingat na ingat niyang hinawakan ang bar tray. Takot niya lang na magbayad ng mahal sa kada baso ng drinks. Tatlong martini lang ang dala niya pero ang mahal na.
‘Ingat lang, Tash.’
Kung bakit ba naman kasi may mga tao pang tumatambay pati sa hagdan patungo sa second floor ng bar. Ang hirap sumiksik. Laking ginhawa niya nang sa wakas ay narating ang VIP section. Dito, wala ng gaanong mga tao. Hinanap niya ang room 5. Maingat niyang itinulak ang pinto gamit ang isang paa. Naabutan niyang may tatlong lalaking nag-uusap sa couch. Dalawa ang may katabing babae.
“Good evening. Your drinks are ready.”
Inilapag niya ang drinks sa centertable at kinuha naman ang mga wala nang lamang baso.
“Miss, can you follow up the additional drinks we ordered?” ang sabi ng isa sa mga lalaki.
“I will, Sir.”
Ready na siyang umalis nang hindi sinasadyang marinig ang usapan ng mga ito.
“Nasaan na nga pala si Wade? Tagal namang nakabalik.”
Saglit siyang napahinto nang marinig ang pangalan. Wade. Weird. Ganoon din kasi ang nabasa niyang pangalan kanina.
“Baka nakakita ng ka-hook up,” biro ng sa tingin niya ay may pinakahindi matinong gagawin. Paano, may hikaw pari ilong nito.
Nagtawanan ang mga ito. Natanong niya tuloy sa isip niya kung lahat ba talaga ng Wade, mahilig sa babae. Naalala niya na naman ang kliyente nila at ang maraming condom sa drawer.
“Seriously, he’s looking for that spoiled brat cousin of his.”
“Who is probably too drunk by now.”
“And too unruly, if I may add.”
Masamag makinig sa usapan nang may usapan kaya lumabas na siya. Pabalik ng counter, nalingunan pa niya mula sa glass wall ng bar ang pool area. Parang walang katapusang party sa labas. May isang babae pang umakyat sa isang platform at walang patumaggang nagsasayaw na para nang adik. Gumigiling sa pole habang hawak sa kamay ang isang bote ng alak.
Napapailing siya. Nagsasayang ng pera ang mga ito. Samantalang sila, kayod kalabaw para kumita.
“Jay, follow up ko ‘yong dagdag na order ng VIP 5.”
Pagbalik sa counter, ‘yon kaagad ang inatupag niya.
“It’s all prepared, cutie.”
Kumindat pa sa kanya ang lalaki. Ngintian niya na lang ang biro ni Jay. Dapat hindi madaling napipikon. ‘Yon ang turo ni Marie.
“Si Marie nga pala?”
“Nagpasabi na mauuna na. Tumawag ang nanay niya.”
Mag-isa pala siyang uuwi ngayon. “Sige, thank you.” Kinuha niya ang dalawang margarita at apat na scotch at inayos sa bitbit na bar tray. Nakahanda na sana siyang humakbang nang sa pagpihit niya ay isang babae ang direktang sumuray sa kinatatayuan niya. Natabig nito ang hawak niya. Bumuway ang balanse niya. Huli na nang mapagtantong gumalaw na ang apat na margarita at tuluyang nahulog ang mga iyon sa sahig. Parang slow motion na nasundan niya ng tingin ang pagtilamsik ng laman ng baso sa sahig. Habang nakatitig sa mga basong nahulog, para namang nakikkita niya ang nakasulat na halaga ng bawat drink.
Paano niya babayaran?
Worst, baka hindi na siya pabalikin dito dahil sa kalamyaan niya.
“What the hell!”
Nalukot na mukha ng magandang babae sa harapan niya. Nabasa ng drinks ang crop top nitong blusa. Pati pala buhok nito ay natapunan. Kaagad niyang inilapag sa mesa ang hawak na walang lamang bar tray at kinuha ang bimpo na hindi pa nagagamit mula sa bulsa ng apron niya at pinunasan ang damit ng babae.
“Ewe!” Malakas na sinalya ng babae ang braso niya. Mas nagalit ito. “How dare you!”
Nanggagalaiti na ang babae. Parang nandidiri na pinagpag ang bahagi ng damit na nadantayan ng malinis namang bimpo. Napalapit na ang isang babaeng tingin niya ay kasamahan nito na kagaya nito, provocative din ang kasuotan.
“Look what you did!” Nakukunsume nitong tinitigan ang sarili. “This is a designer dress, you idiot!”
Kahit nakakaramdam ng pagkainsulto, walang magagawa kung sasagutin niya ito. Siya pa rin ang talo. Customer is always right.
“I’m sorry, Ma’am. Babayaran ko na lang ‘yong natapong drinks.”
Suntok sa buwan ang sinabi niya.
“Do you even have money, you, imbecile!”
Napipika man sa sinabi ng malditang babae pero walang ibang choice kundi magpakumbaba. Helpless na sininop niya ang mga kalat. Pati si Jay ay lumabas na ng counter at tinulungan siyang sinupin ang basag na mga baso. Dali-dali namang may nag-mop sa basang sahig. Pagtayo niya, nakita niyang nakatitig na sa kanya ang ibang naroroon.
“Jay, anong nangyari?”
Lagot na talaga. Ang manager, nasa mismong harapan na niya ngayon. Masama kaagad ang tingin nito sa kanya habang napaka-apologetic naman sa babae. Sumulasok na ang kaba sa dibdib niya.
“I am so sorry for this mess.”
Mas lalong naging galit ang ekspresyon ng natapunan na babae. “I want her fired,” walang kagatol-gatol na saad nito. “Instantly!”
Otomatikong napatingin siya rito. Alam niyang nakabadya na sa pagmumukha niya ang worry. Pinakahuli niyang nanaisin na mawalan ng mapagkakakitaan lalo ngayong gipit na gipit sila. Nakahanda na siyang magmakaawa nang may lalaking nagsalita sa kanyang likuran.
“That’s enough, Chenny!”
May kalakasan ang musika sa loob pero tila nangibabaw ang maawtoridad na boses mula sa likuran. Dahan-dahan siyang napalingon. Ang kaba ay mas lalong tumindi nang makilala ang nagmamay-ari ng napakaayang boses na sa hindi malamang dahilan ay tila may pamilyar na timbre. Walang iba kundi ang lalaking sumagip sa kanya sa café—ang parehong lalaking nakita niya sa condominium. Of all people, ito na naman ang nakakrus ng landas niya.
Muli, niligtas siya ng lalaking ito sa isang hindi kanais-nais na sitwasyon. Right on time when she needed someone to stand for her the most, Sir Wade came and rescued her. The stranger suddenly got a name.Wade.“Keep it on my tab.”A stranger with that raspy baritone. Naligtas na naman siya sa kompromiso gamit ang pera nito. Nakakahiya. Nakakapanliit ng self-esteem at the same time. Dapat, may sasabihin siya sa lalaki- magpasalamat at humingi ng dispensa. Kaya lang, kanina pa siya natutuod at hindi malaman kung ano ang gagawin o sasabihin. Namumuro na pati mga kamay niya sa kakakuskos sa mga ito.“Including Chenny’s bill.”Matapos ng komosyon kanina, sapilitang dinala ng dalawang tauhan ang babaeng natapunan niya ng drink sa labas ayon sa utos din ng lalaking ito. Halos nagwawala na ang Chenny na ‘yon pero hindi rin umobra sa lalaki.“You wanna say something?”Napakislot siya ng wala sa oras. Pabigla na lang kasi itong lumingon sa kanya. Napaka-intimidating pa ng boses nito. ‘Yon ba
Tashi survived the week. Nabayaran niya ang renta sa boarding house. Hindi na siya nangangambang ma-evict anytime. Nakakapaglakad na siya ngayon na hindi kabado na baka makasalubong ang landlady. Kung may natira man siyang pera, maingat niya iyong ginagasta. Just in time sa susunod na padala ni Tita Loida.Kung kailan nito maisipan.Saka na muna siya magwo-worry. Igugugol niya muna ang buong isip sa pag-aaral. Sa araw na ito, buong umaga siyang nag-attend ng klase. Ang hapon niya naman ay ginugol niya sa library. May quiz sila sa Differential Calculus. Sa lahat, ‘yon ang masasabi niyang pamatay na minor subject. Sa silid-aklatan na rin niya tinapos ang isa pang plate sa Architectural Design. Wednesday, nasa dorm ang tatlo niyang kasama at hindi maiwasang maging maingay ang buong silid. Kailangan niyang makapag-concentrate.Saka niya naisip, cramming week ngayon, walang tulugan dahil papalapit na ang midterm. Ibig sabihin, bayaran na naman. Bago bumalik sa dorm, nakigamit muna siya ng
Just like that, pinasok niya ang trabahong mahigpit niyang inayawan noon. But desperate moments require a desperate measure. Ngayon lang naman. Pangako niya sa sarili, hindi na mauulit. Habang napapasubo sa ganitong ‘trabaho’, pipilitin niyang gawing tama ang tsansa na ibinigay ni Tita Cornelia sa kanya. Kahit pa nga binubugbog ng kaba ang dibdib niya at pinuputakte ng hiya ang sarili.Mula sa taxi’ng kinauupuan, bumaling siya sa labas ng bintana. The last twenty-four hours had been rigid. Sa loob lang ng maikling panahon, nag-transform siya bilang ibang babae. Ni hindi niya mapaniwalaan ang nakitang ayos sa salamin.Ang bilis lang ng mga pangyayari. Kahapon, dinala siya ni Marie sa malaking bahay ni Tita Cornelia. Ipinakilala at sinabi ang kailangan niya.“She’s fresh, innocent, alluring. Konting ayos lang at mas lulutang ang ganda mo,” si Tita Cornelia habang binabaybay ng titig ang kabuuan niya. “You could be our clients’ favorite.”“Dun…dun lang ako sa hanggang…companionship lang
Apektado siya sa presensya ni Sir Wade. Ang composure na dahan-dahan niyang na-build up sa harap ni Mr. Robinson kanina ay nangangambang maglaho.Nagkita lang naman sila ni Sir Wade nang ilang ulit, hindi pa nga malalim ang kanilang pagkakakilala. Gayunpaman, hindi siya mapakali.Hindi siya makagalaw ng tama. Tila lumulutang ang pakiramdam niya. Wari niya, hindi sumasayad ang pwet niya sa malambot na kutsong inuupuan. Umakyat sa napakataas na tuktok ang pagkailang hindi dahil sa hindi siya marunong gumamit ng mga kubyertos. Sa pag-aambisyon ng Tita Loida noon na umangat ang buhay, inaral nito ang lahat ng table etiquette at pati sila ay tinuruan. Naku-conscious siya dahil sa lalaking ito na nakaupo sa mismong tapat niya. Pakiramdam niya kasi, sinisayasat nito ang mga kilos niya.‘Tinitingnan ba niya ako?’Ewan.‘Ano kaya ang iniisip niya tungkol sa akin?’Marahil, masama.‘Hinuhusgahan niya kaya ako?’Malamang. Sumama siya sa isang matandang lalaki at ipinakilala pa bilang date nito.
“Seatbelt?”Natatarantang inabot niya ang seatbelt sa gilid ng upuan at dali-daling ikinabit sa katawan. Kaya pala hindi muna pinaandar ni Sir Wade ang kotse kasi natatanga na naman siya. Parang nagising sa mahimbing na pagtulog na mabilis na kumilos. Parang hindi na kakayanin ng sistema niya kung ito pa ang magkakabit niyon sa katawan niya. Baka mas lalong magwala sa pag-iingay at kaba ang dibdib niya. Nasa mukha pa naman nito na naiinis pa rin. Nasa manibela ang mga kamay pero inis na tsinek kung tama ba ang pagkakakabit niya. Dating taxi driver ang tatay niya, alam niya kung paano.Nang masigurong okay na siya, nagbigay ito ng tip sa valet at pinaharurot palayo ang kotse. Galit kaya ito? Ang bilis kasi ng takbo nila. Heto at mahigpit siyang napapakapit sa seatbelt at sa edge ng upuan. Sa minsang pagliko nito, halos sumubsob siya sa balikat nito sa lakas ng impact.Syempre, takot siyang magreklamo. Bakulaw kaya ang lalaking ‘to.“Damn!”Ang lakas ng mura nito. Para itong may kinayay
Nalagpasan ni Tashi ang madugong midterm exams. Finals na naman ang bubunuin niya. Umaasa siyang magiging okay na si Tita Loida pagdating ng araw na ‘yon. Hanggang hindi klaro ang pangako nito, aalipinin niya muna ang katawan sa bawat raket na kaya niyang gawin. Kahit paggawa ng plates ng isang kaklase na hindi nakayang i-cope up, pinatos na niya. As much as possible, magiging pinakahuling option ang paghingi ng tulong kay Tita Cornelia.“Magsabi ka lang, okay? Nakakapanghinayang ka kasi. Mukhang magiging best seller kita lalo na kapag nailagay ko na ang picture mo sa website. Ang mga kliyente, gusto nila ‘yong natural na ganda, lalo na ang inosenteng tingnan na kagaya mo.”‘Hindi ako aabot sa puntong ‘yon,” ang pangako niya sa sarili. “Hinding-hindi na.”Hangga’t may mapagkukunan. Laking tuwa niya nga kanina nang makatanggap siya ng call mula kay Marie. Pinababalik siya ni Miss Sheena sa bar.“Pwede ka raw ba sabi ni Jay? Ako ang pinatawag sa’yo. Syempre, ‘di ko basta-basta ibibigay
Malinaw naman ang mga sinabi ni Sir Wade pero nahirapan siyang isaksak iyon sa kanyang utak. Masyado na sigurong malaki ang paghanga na ibinigay niya sa lalaking ito at ayaw niyang paniwalang kaya nitong mag-alok sa kanya ng ganoong bagay.Ang baba ng tingin nito sa kanya.Nasasaktan siya.Naapakan nito ang pride niya.Kahit ilang beses siyang isinalba nito, kahit ilang pagkakautang pa magkaroon siya rito, wala itong karapatan na maliitin siya ng husto. Kung ibang lalaki pa siguro, mauunawaan niya. Hindi lang alam ni Sir Wade kung gaano siya nanliliit sa pakiramdam. Buong akala niya ay iba ito. Inilagay niya ito sa pedestal ng paghanga pero katulad din pala ito ng iba.Nakakasama ng loob.May pagkamahinhin ang kilos niya pero nagawa niyang mabilis na tumayo at buksan ang pinto.“Tashi, damnit!”‘Damit mong mukha mo!’Umaalon ang dibdib na mas lalo niyang binilisan ang paghakbang. Humabol si Sir Wade sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Sa kalagitnaan ng hallway, humarang ang malakin
“Ano na naman ba ang ginawa mo?”Tonong naninisi si Ma’am Sheena. Ang disgusto sa mukha nito, hindi kayang itago. May pairap pa itong titig sa kanya.“Ke bago-bago mo, ang dami mo nang dalang perwisyo.”Pasok sa isang tainga, labas sa kabila. Ganoon lang dapat. Wala namang silbi kung didepensahan ang sarili. Talagang nainis nga si Ma’am Sheena. Sinadya ni Ma’am Sheena na i-assign siya sa restocking ng mga inumin sa shelves. By the end of the night, hindi na niya nakita pa si Sir Wade. Maging kinabukasan at sa sumunod na mga gabi pa, walang Wade na napadpad sa bar.Hindi dapat pero hinahanap-hanap niya ito.Minsan, kapag naglalakad siya patungo sa sakayan ng jeep, bigla na lang siyang napapalingon sa paligid nang wala namang dahilan. Kapag umaakyat na siya sa slid nila at napapatapat sa bintana, karaniwan na sa kanya ang sumilip sa ibaba.‘Para kang gaga, Tashi.’Ang lalim ng hugot niya ng hugot sa dibdib.“Tash, bilisan mo. Kanina pa nagri-ring ang phone mo. Kapatid mo yata ‘yong call
Natapos rin ang madugong exam week sa wakas. Natapos ang buong linggo na wala si Sir Wade. Kung saan nagpunta, ‘di niya alam. Hindi naman sila ‘yong tipong nagtatawagan. May numero sila sa isa’t-isa pero nahihiya siyang mag-text. Basta pagkatapos ng gabing ‘yon, nawala na naman itong bigla kinaumagahan.Expected naman niya na.“Tashi, sama ka naman sa amin.”Lagi na lang siyang humihindi kapag nagyayaya sina Thea.“Grabe siya o, hihindi na naman.”Kinuha ni Thea ang bag niya at isinukbit sa balikat.“Thea…”“No buts, no ifs!”Mga babae lang naman ang kasama niya. Hindi naman siguro magagalit si Sir Wade. Kakain lang naman. Napatingin siya sa spot kung saan laging naghihintay si Mang Pancho. Masyado pa namang maaga at wala pa ito. ‘Di na rin masama na pagbigyan ang kaklase. Sa totoo lang, nakakakunsensyang gumasta nang alam niyang kailangang-kailangan ng pera ang pamilya niya.“Sige na nga.”Pinagbigyan niya na si Thea. Sa isang mall sila humantong at pumasok sa isang pizzateria. Lumul
“Sir Wade!”Ang bilis niyang nakaahon sa kama at lumabas ng silid. Ang sala kaagad ang tinalunton niya. Walang katao-tao sa sala, maging sa garahe.“Umalis na ba?”Parang kabute na biglang sumulpot na lang si Sir Wade at bigla na namang nawala. Napabuntong-hininga siya. Humakbang pabalik sa loob na may pananamlay na yumakap sa kanya. Pagtapat niya sa kusina, nalingunan niya ang dining table na may nakapatong sa ibabaw. Napahakbang siya palapit doon. Ang ngiti ay ‘di maiwasang puminta sa kanyang mukha nya habang sinuyod ng tingin ang mga natatakpang mga pakain.“At least, nag-iwan ka ng pagkain.”Breakfast ang natatanging bakas na naiwan ni Sir Wade.Paglipas ng mga araw, hindi na naman nagpakita si Wade. Hell week officially started. Sa unang araw pa lang, halos hindi na siya makahinga sa back-to-back exams at submissions ng ilang projects. Idagdag pa ang mga umaagaw na requirements sa iba-ibang subject. May practical exams pa sa PE.“One down!” si Thea na tila nakahinga ng maluwag na
Buong gabi siyang ginulo ng halik na ‘yon. Buong gabing naiisip kung paano humagod ang mga labi ni Sir Wade sa kanya. Heto at kung anong oras na ay hindi pa niya natatapos ang ginagawa. Kahit sa paghiga niya para magnakaw ng ilang oras na tulog, nabubulabog ang isip niya. Naroroong magtatalukbong siya ng kumot, mapakagat sa unan o sa daliri. Tila lang kasi may nais kumawalang tili sa lalamunan niya.At the same time, naroroon din ang hiya.Nahihiya siya sa mga nanay at tatay. Nahihiya siya lalo na sa Tita Merriam. Kaya naman, atrasado rin ang balak niya na tawagan ito. Ang boses pa naman ng tita niya, napakamalumanay. Nakakakunsensya na ganito na ang mga ginagawa niya. Basta, okay na sa kanya na nalaman mula sa kapatid na nakalaya na ito. Ang susunod na kabanata na lang na pagtutuunan nila ay ang kasong kakaharapin nito.Kinabukasan paggising niya, hindi kaagad siya umahon sa kama. Nakiramdam muna siya sa paligid. Kung may mga kaluskos ba siyang maririnig mula sa silid ni Sir Wade o m
Pagdating sa bahay, inayos niya kaagad ang takeout food na inorder ni Sir Wade para sa hapunan. Para raw hindi na siya maabala sa studies niya. Ililipat na niya sana sa mga sisidlan ang mga ‘yon nang bigla na lang siyang napatanga habang nakatitig sa bagong rolyo ng tissue sa countertop. Sa pinakagitna ng island counter ay may malaking basket na napupuno ng iba’t-ibang prutas.Nangunot ang noo niya kakaalala kung sinong namalengke. Pagbukas niya ng ref, natuklasan niyang ang daming laman niyon. Meat, poulty, fish, fruits and vegetables. Katabi ng canned juices ang sandosenang beer.“Matigas ang ulo mo. Ayaw mong mamili, so I brought the groceries home.”Awang ang mga labi niyang napalingon sa nakatayong si Sir Wade sa bungad ng kusina. Pumasok ito at nagbukas ng ref na kakasarado niya pa lang. Beer ang kinuha.“Ang dami naman ng supplies.”“Don’t worry, malakas akong kumain.”Maglalagi na nga siguro ito sa bahay. Madalas ding magkakasabay silang kakain.“Requirement ba na ipagluluto k
Mag-aalas onse na pero nasa bahay pa rin si Sir Wade. Natapos na niya at lahat ang nakabinbing assignments pero hindi pa rin ito umaalis. Ang balak sanang pagtambay sa sala upang doon mag-aral para sa quiz, hindi niya nagawa. Habang nasa harapan ng study table, panay ang silip niya ritokay. Kaharap nito ang laptop at tila nalulukot na ang noo nito sa kung anumang binabasa. Wala naman siyang natatandaang may dala itong anumang gamit kanina ah. Pero bahay nga naman nito itong kinaroroonan nila at may office pa ito dito sa bahay, malamang, hitik sa gamit iyon ng lalaki.Bumalik siya sa ginagawa at tinapos ang paperwork.Hindi pa man umiinit ang puwet niya nang makarinig ng kalabog sa labas. Dali-dali siyang napasugod sa labas. Sa kusina pala nanggaling ang ingay. May nahulog na kung ano sa sahig. Sa countertop, may nakalapag ding pakete ng noodles at gumugulong-gulong pang lata ng beef loaf.“Aw! Shit!”Kalaking tao pero de lata lang pala ang katapat ni Sir Wade. Ang laking mama pero muk
She didn’t exactly know how she survived dinner. Basta natapos na napunan naman ang gutom niya. Matapos ang nangyari, at makalipas ang ilang sandaling pinaghupa ang nagwawalang dibdib, nadatnan niya sa kusina si Sr Wade, nakalukot ang manggas at kasalukuyang inilipat ang chinese takeout food sa mga sisidlan.“Dig in,” paanyaya nito sa kanya na parang walang anumang nangyari.Ang unfair lang, halos mamatay-matay na siya sa kaba at hiya pero balewala para kay Sir Wade ang halika na iyon. Siya itong eng-eng na hindi mapakali at panay ang pakiramdam sa bawat kilos nito. Every time na nagtatama ang mga mata nila, parang binabanat ang buhok niya sa anit. Parang nagsa-sommersault ang bituka niya sa tiyan. Kaya ba kapit na kapit ang mga babae rito kasi nga kahit simpleng halik lang, nawiwindang na ang diwa niya.Matapos kumain, siya na ang nagboluntaryong magligpit.“Sige na, ako naman. Nakakahiya na kasi sa’yo.”“Fine.” Isinarado nito ang gripo at nagpunas ng mga kamay. “We will talk later,
Binubugbog na sa kaba ang dibdib niya. pinauupo siya nito sa mga hita nito. Napalunok siya. Napatingin siya sa mukha nito. Baka kasi nagbibiro lang ito.Seryoso ito.Pang-ilang ulit na niyang napalunok. Hindi siya sigurado kung anong klaseng upo ang gagawin. Paharap, patagilid, patalikod? Nevertheless, she sat on him.“Fuck!”Nagmura na naman ito. Ano na naman ba ang mali niya? Saka niya napagtanto, ang eskandaloso ng ayos nila. Umupo siyang nakabukaka ang mga hita at hawak ito nang mariin sa balikat. Kahit may pagitan ang mga katawan nila, still, ang sagwa kapag nakikita ng iba. Nakakahiya.Hinawakan ni Sir Wade ang baywang niya at halos mahigit na ang hininga niya. May kakapalan naman ang pajama top pero parang nanunuot sa balat nya ang init ng mga palad nito. In ust a matter of seconds, parang bulak siya nitong nahigit palapit pa rito. Para nang sasabog ang dibdib niya nang mapagtantong halos magdikit na ang kanila. ‘Yong kilabot na kanina pa nabubuhay sa sistema niya, mas lalong d
Masarap na amoy ng pagkain mula sa kung saan nagpagising sa diwa niya kinabukasan. Napabalikwas siya ng bangon nang makitang mataas na ang araw sa labas.“Nasa kama na ako?”Sa couch siya natulog kagabi. Paggising niya ngayong umaga, nakamulatan niyang nasa malaking kama na siya ni Sir Wade. Nag-sleepwalking siya? O sadyang may naglipat sa kanya kagabi? Si Sir wade! Totoo pala at hindi panaginip ang lahat? Kung anu-ano pa ang sinabi niya kagabi.“Magsi-sex na po ba tayo, Sir?”Natutop niya ang bibig. Ang laswa ng mga sinabi niya. Nakakahiya. Pero teka! May nangyari ba sa kanila? Nakapa niya ang sarili. Walang nagbago sa sarili niya maliban sa tila gumagaang pakiramdam at suot niya pa rin hanggang ngayon ang damit na ipinahiram ni Sir Wade sa kanya.Malakas na kalansing ng kung ano mula sa kung saan ang narinig niya mula sa bahagyang nakaawang na pintuan ng silid. Dali-dali siyang bumangon nang hindi pinagkaabalahang silipin ang sarili o maghilamos. Basta niya itinali ang buhok at luma
Nilapag ni Sir Wade ang dalang brown bag sa ibabaw ng countertop at nagsimulang kumuha ng mga plato sa drawer. Ang bilis ng mga kilos nito. Parang nagmamadali. Siguro nga gutom na. Tinangka niyang tumulong pero nayayamot siya nitong nilingon.“Sit there,” turo nito sa isa sa mga upuan.Nabitin ang mga gagawin sana niyang paglapit dito at dahan-dahang umupo.“Sige po.”Tamang antabay na lang ang ginawa kung kailan ito matatapos. Marami-rami ring pagkain ang t-in-ake out nito. Naaamoy na niya ang sinigang, ang adobo at kung anu-ano pang ulam na isinalin na ngayon sa kanya-kanyang sisidlan. Pinagmeryenda naman siya ni Sir Rex kanina pero nagugutom na naman siya.In just a few minutes, nasa harapan na niya ang nakapaglalaway na mga pagkain. Pati kubyertos ay ito ang naglagay. Kumain na lang ang kailangan niyang gawin.“Hindi mauubos ang pagkain kapag tinititigan mo lang. Eat and enjoy the dinner, Tashi.”Paano ba mag-enjoy kung ito ang kasama sa hapag? Baka hindi siya matunawan dahil sa p