Chapter: sc“Never fall in love with a Santibanez nor a Romero.” Bata pa lang ako, naririnig ko nang madalas na sinasabi iyon ng aking ina. Walang araw na lumipas na hindi iyon tumutunogna parang sirang plaka sa aking tainga. Parang alarm clock, parang embedded sound sa cellphone. Minsan, natatawa na lang akong umaangil. “Mommy, I am too young for love. ‘Di ba, Daddy?’ Kapag ganoon na ang tanong ko na tila naiinis, isang kindat at ngiti sabay gulo sa aking mahabang buhok lang ang sagot ng ama ko. Mom was the boss of the household. Young and innocent, isinaulo ko rin ang bilin ng nanay ko. Sobrang naisaulo ko na kahit na sinong lalaking nakikita ko, disgust ang mararamdaman ko sa kanila lalo na kapag nagpapakita na ng motibo. Love, for me, was something too overrated, but at the same time, too underrated, as well. Ang gulo ng ideya ko. Basta, love to me was disastrous. If it wasn’t someone like my father, eh, huwag na lang. Sakit lang ng ulo. No man, no relationship, mas okay. I feel safer. Bei
Last Updated: 2023-01-29
Chapter: 92Sa araw ng binyag, parang fiesta sa buong farm. It was indeed a great welcome for Noelle Margarette to the Christian world. Tila naman ramdam ng anak nila ang saya sa paligid. Kahit isang beses ni hindi ito umiyak, kahit na nga pinagpapasa-pasahan ng mga ninong at ninang. Sina TJ at ang kambal naman ay masayang nakikipaglaro sa mga anak nina Harrison at Hannah at mga anak ni Becca. Babysitter ng mga bubuwit ang mas matatandang mga anak ni Kuya Noah. Their laughter was like a beautiful music in the air."I'm sorry, Ate, I'm late again.""At least, dumating ka, Exir."Inayos niya sa lalagyan ang cake na bitbit ni Exir. He arrived with a nice lady in tow. Mukhang in love na ang isang ito. "Cali?""Alam mo naman 'yon, Ate."Muli, hindi na naman nakadalo si Cali. Something was really up with her. Isang araw ay tatanungin niya ito, babae sa babae. For now, ang kasiyahan muna. Ayaw niyang mahahaluan ng lungkot ang masayang atmosphere sa paligid. Ang saya lang ng lahat. Lalo na ang pakinggan
Last Updated: 2023-01-29
Chapter: 91“Saan ko ba ililista si Phil, sa ninang o sa ninong?” “Kurot sa singit, you like?” nakatikwas ang kilay na agarang sagot ni Phil sa pabirong hirit ni Hannah. Tumayo pa ito at umaktong binabatukan ang babae. Malakas ang naging tawanan nila. Kasalukuyan silang nasa den ng bagong tayong bahay nina Hannah at pinagkakaabalahan ang paghahanda para sa binyag ni Baby Snoe. Noe eventually became Snoe. Paano ay nahirapang bigkasin iyon ng pangalawang anak ni Hannah. “Ay, hindi! Ikaw ang gagawin naming assistant ng paring magbibinyag kay baby.” "Ay, bet kong maging sakristan." Sa lakas ng hagalpakan nila ng tawa, nagising tuloy ang mga anak nila ni Hannah na magkatabi sa kani-kaniyang crib. Nag-contest sa pag-iyak ang dalawang bata. Kaya naman, kanya-kanya silang buhat sa mga bulinggit. Mahigit isang taon na ang kay Hannah, anim na buwan naman ang sa kanya. “Ayan, mga mahadera, nagising tuloy.” Tumayo si Phil at niligpit ang lahat ng kalat sa parihabang mesa. “Mabuti pa itigil na muna na
Last Updated: 2023-01-29
Chapter: 90Matuling lumipas ang mga araw. Parang ang bilis ding lumaki ng tiyan ni Meredith. Sa tatlong pagbubuntis niya, itong isang ito ang pinakamadali. Dagdag pa na napapalibutan siya ng mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Early stage pa lang ng pregnancy, kung anu-anong regalo ang natatanggap niya. Katunayan, puno na kaagad ng gamit ang closet ng bagong nursery na pinaayos ni Caleb. All throughout her pregnancy, hindi nawala sa tabi niya si Mommy Audrey. Pansamantalang naka-on hold ang paglalagalag nito at ni Daddy Henry at halos sa bahay na nga naglalagi ang mga ito. She was her mother-in law's top priority. “Hindi mo luto ito, Mommy.” Hinalo-halo niya ang ginataang mais sa mangkok habang nagbukas naman ng canister ng cream ang biyenan na ipinanghahalo nito sa tinimplang kape. Nakadalawang subo na siya sa pagkain.“Paano mo nasasabi?” “May cheese kasi.” Napangiti si Mommy Audrey. “Talagang kabisado mo ang luto ko, ano?” There was pride in her voice.“Every hint of spice and co
Last Updated: 2023-01-22
Chapter: 89May mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang punong-tainga. May tila rin naghalong tila tumutusok at nakakakiliting kung ano sa balat niya. Was she still dreaming? Sumamyo kasi sa ilong niya ang pamilyar na scent ng asawa niya.Nasa Japan pa si Caleb. Kausap niya ito kahapon."Hmm, it smells nice."Boses iyon ni Caleb. Ibinuka niya ang namimigat na mga talukap. And there, Caleb's playful grin and lustful stares greeted her eyes. Tuluyan na ngang nagising ang diwa niya. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakaluhod sa harapan niya. Nakabakod sa katawan niya ang matititpunong mga braso na nakatukod sa sandalan ng upuan. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na sa wakas ay nahahawakan at naaamoy na niya ito. She couldn’t contain her happiness."Caleb…""Hello baby."He moved his face closer to her. Naglapat ang mga labi nila habang masuyong humahagod ang buko ng mga daliri sa kanyang mukha. Malambing ang pagkakahagod na tila nag-i-engganyo sa ka
Last Updated: 2023-01-22
Chapter: 88Sumabog ang palakpakan sa buong venue nang matapos ang presentation ng nakahilerang mga toddlers sa stage. Itinuon ni Meredith ang camera sa anak niyang si Maddie at sunod-sunod na kinunan ito ng larawan. Ang cute ng anak niya sa suot nitong white tutu. Habang lumalaki ito, mas lalo namang gumaganda at mas naging prominente ang talent nito sa dancing. Sa isang pag-click niya ng camera, on point niyang nakunan ang anak na kumakaway sa gawi nila. Litaw ang maliliit na pares ng mga ngipin.“She looks so pretty.”Hindi mapuknat ang palakpak at papuri ni Hannah. Nagiging malikot ito na kumakaway-kaway pa sa anak niya.“Careful .” Bumaba ang tingin niya na maumbok nitong tiyan. “Baka mapingot ako ng mister mo. Halos ayaw ka ngang pasamahin sa akin ng isang ‘yon.” Nasa bakasyon sina Mommy Audrey at Daddy Henry. Si Caleb naman ay nasa business trip kaya, ang buntis ang binitbit niya sa recital.Napahinto sa pagpalakpak si Ninang Hannah at nakaingos na lumingon sa kanya. “Pitikin ko ‘yong betlo
Last Updated: 2023-01-20
Chapter: 13“Miss Margaux, sigurado po ba kayo na gusto ninyong dumulog sa mesa?”Nalito siyas a tanong ni Ate Celia. But then, when she stepped inside, her feet almost froze at the sight before her. Isang babae ang halos nakakandong sa lalaki at halos naghahalikan ang dalawa. O baka nga naghahalikan na. Ang exposed na likuran ng kung sinumang babae kasi ang mas nakikita niya na may butterfly tattoo pa. At malamang na ang nakaupo sa dining chair.ay ang demonyong walang pangalang lalaki.Talaga bang hindi na makapaghintay ang mga ito na makapagsolo sa isang mas pribadong lugar? Atat na atat?Nababastusan siya sa nakikita. Naieskandalo.She had been in the modeling industry for quite a number of years, yet she had never been this promiscuous. ‘Ang lalandi ng mga ito!’Isang may kalakasang tikhim ang umagaw ng kanyang atensyon. Mula iyon kay Ate Celia. Napatingin siya sa babae. Pati na rin ang dalawang haliparot sa dining room ay naagaw ng sigurado siyang sinadyang ingay ni Ate Celia ang pansin. Pa
Last Updated: 2024-07-30
Chapter: 12 She stood her ground. May kapalit mang pera ang ginagawa niya pero hindi siya basta-basta bibigay sa utos nito kung pakiramdam niya ay nalalabag ang pagkatao niya. Hindi siya p****k for God’s sake!“Hindi ako p****k para gawin ang utos mo.”She was surprised by her own bravery. Nag-iisa siya sa balwarteng ito, walang magtatanggol sa kanya. There was no one to call for help anytime soon. The man stared at her with a piercing gaze. Sa totoo lang, nakakatakot ang lalaking ito. Para itong tahimik na bulkan na nakakatakot kapag sumabog. Sa abot ng makakaya, hindi siya nangiming makipagsukatan ng titig kahit na nga binubundol ng kaba ang dibdib.“You are here to do one goddamn job, and that is to pleasure me.”Ginalit niya ang lalaki. He could see it in how his jaw tightened, his eyes narrowed, and his lips were pursed. Yet, she showed no sign of fear. She would never back down. “Kung gusto mo akong ikama, gawin mo, but don’t ever make me do things that violate my worth as a woman.”Kita
Last Updated: 2024-07-22
Chapter: 11 - StripSurprisingly, naging mahimbing ang pagtulog niya sa kabila ng katotohanang katabi niya ang lalaking ‘yon. Napanatag na rin kasi ang loob niya nang marinig ang patag na paghinga nito sa kanyang likuran, tanda na nakatulog na rin ito. Maingat pa niya itong nilingon at ganoon na lang ang relief na naramdaman nang matuklasang hindi naman pala totally naked ang katabi niya. May suot na itong jogger pants. Nakaunan sa dalawang braso ang ulo, one leg over the other.At least, nagbihis.The feeling is enough to make her feel at ease.Paggising niya, nag-iisa na lang siya sa kama.It was such a relief.Bumangon siya at nag-ayos ng sarili. Sabi kahapon ni Manang, may mga personal na gamit nang nakahanda para sa kanya. Naghalungkat siya sa walk-in closet. Una niyang nakita ang mga lalagyan ng damit ng lalaki. Black, gray, navy blue and white and pawang kulay na nakikita niya sa mangilan-ngilang nakasabit na suits at polo. Ang mga pantalon naman, puros itim, gray at khaki.“At least, he knows khak
Last Updated: 2024-03-23
Chapter: 10“Eat.” Kanina pa sila nakaupo ng lalaki sa harapan ng sixteen-seater dining table kaharap ang masasarap na mga pagkaing nakahain. Lobsters, Beef, soup. Lahat ng nakahain, pawang masasarap pero hindi niya makuhang ganahang kumain. Tumataas ang anxiety level niya habang lumalalim ang gabi. Natatanaw niya mula sa malalaking French windows ng villa na kinaroroonan sa ngayon na madilim na madilim na nga sa labas. Hanggang sa naakita niya na lang na may laman ng pagkain ang plato niya nang ibalik niya ang tingin sa plato. Awtomatikong napatingin siya sa lalaki. Nasa mukha nito ang disgusto sa ikinikilos niya sa harapan ng pagkain. Paano ba naman kasi siya gaganahang kumain kung ang buong isipan niya ay kinakain din ng lahat ng posibilidad na maaaring mangyari? Para siyang suspect na naghihintay ng hatol. Habang tumatagal na nakaupo siya kasama ang lalaking ito, tumitindi ang pakiramdam na tila sinisilaban ang puwet niya. Kinakabahan siya. “I said eat.” Baka mamaya, magalit niya ang mal
Last Updated: 2024-03-19
Chapter: 9Dalawang araw simula nang ma-confine ang ama, iniuwi na rin niya ito kaagad sa bahay. Bilin ng doctor, iwasan ang stress at masyadong pisikal na trabaho. Quite a challenge for his father to follow. Nasanay itong umikot ang buhay sa hacienda at sa refinery. Wala nang mas makapagpapababa ng morale nito kundi ang hindi nito nagagawa ang nakasanayang gawin simula nang magbinata ito.“I couldn’t imagine a day without doing anything.”Nilingon niya ito. His eyes were weary and sad as he looked out the window. Tinatahak nila ngayon ang natitirang bahagi na may mga bago nang nakatanim na mga tubo.“Dad, come on. Huwag mo munang isipin ‘yan.”Inabot niya ang kamay ng ama. His callous hand said everything- his aspirations, his happiness, the completeness of his being. Her father, as rough as the calluses on his hand, possessed a hidden softness she knew all too well.Pagdating sa bahay, nakaabang na kaagad sina Nanay Belya para i–welcome ang ama niya. May nakahandang masaganang tanghalian per
Last Updated: 2024-03-10
Chapter: 8Nagpupuyos ang kalooban ni Margaux habang mahigpit na hawak ang manibela. Sa tindi ng nagbabagang emosyon sa dibdib niya, lumampas pa siya sa speed limit na nararapat. That man went beyond the line. Katulad din pala ito ng governor, mapagsamantala. He was also a predator like Tito George. Ang lahat ng paghanga sa puso niya para sa lalaking iyon, natabunan ng galit sa pagkakataong ito. “Ah!” Malakas niyang binayo ang manibela sa inis at prustrasyon. Kanina, gustong-gusto niyang murahin ang lalaki pero hindi niya ginawa. Mas bababa ang tingin nito sa kanya. Baka mas lalong makasama sa pamilya niya. “Ang kapal ng lalaking ‘yon! Kapal! Sobrang kapal!” Inihimpil niya muna ang kotse sa gilid ng daan at hinamig ang sarili. Pakiramdam niya, sasabog ang dibdib niya. Humarap siya sa talahiban na hinintuan at hinamig ang sarili. She couldn’t keep driving when her heart was raging in anger. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan at makailang ulit na bumuga ng hangin. Baka makatulong na
Last Updated: 2024-03-09
Chapter: Epilogue“Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?” Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya. “Shhh…almost there, Love.” Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver. Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa
Last Updated: 2021-11-23
Chapter: 50Buong akala niya ay sa mismong hotel sila mananatili, but Chad had something better in mind. Sakay ng ATV ay tinahak nila ang bahagi ng property na puro punongkahoy ang naraanan. Humantong sila sa isang malawak na bahagi ng lupain kung saan may nakatayong matayog na punungkahoy sa gitna. Sa itaas niyon ay ang magandang pagkakagawang treehouse. "Tree house?" nai-excite niyang tanong sa asawa. “Yes, Love. Hindi pa ito tapos talaga. I planned on building a mini-park here para sa mga anak natin.” He hugged her from the back. Dumausdos ang palad nito sa impis niyang puson. “This baby will surely enjoy here.” Napalingon siya sa asawa na awang ang bibig. “A-alam mo na?” Ngumisi ito. “Makamandag yata ang semelya ko.” Sa halip na siya ang mangsorpresa, siya pa itong nasorpresa nito. “You’ve been careless. Nakita ko sa bag mo ang pregnancy test.” Hinawakan nito ang panga niya at pilit na hinuli ang bibig upang magawaran ng masuyong halik sa labi. He caressed her face lovingly. “Thank you fo
Last Updated: 2021-11-15
Chapter: 49Walking down the aisle was every woman’s absolute dream. Today, one woman's prayer was realized. Finally. Ang saya sa puso ni Vanessa ay nag-uumapaw lalo pa ngayon na ang tatay niya mismo ang maghahatid sa kanya sa altar patungo kay Chad habang umalingawngaw ang kantang Haplos sa paligid. 'Oh, Chad.' Ipinangako niya sa sarili noon na ikakasal lang siya sa taong mahal niya, sa bestfriend niya. Her feelings for him were kept secret for years. Malamlam ang tsansa niyang magkaroon ng katuparan iyon pero lihim niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal. Ni sa hinagap, hindi niya inakalang magkatotoo. Looking at Chad at the end of the aisle, she can't help but reminisce about the past. She was heartbroken many times. She came this far with all those heartbreaks and pains. She cried a lot. Kapag nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lihim siyang nagseselos at nasasaktan. Despite all those pains, her love for him never swayed, it never faltered, not a bit. Umani man siya ng s
Last Updated: 2021-11-15
Chapter: 48Good things come to those who wait, ika nga. As for Vanessa, she waited long enough for this day to finally arrive- her wedding day. “You look so lovely, Nessa.” Mikaela was all praises for her. Ito ang tumatayong maid of honor niya. Tatlong araw na itong nasa Maynila at iniwanan na lang ang business sa assistant. Mula nang dumating ito ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Aside kay Mika, naroroon din ang iba pang mahahalagang tao sa buhay niya. “At ang ganda ng damit mo, anak,” naiiyak ding bulalas ni Nanay Vicky ng paghanga habang nakatitig sa kanya. Buong pamilya nito ang pinasundo ni Chad para dumalo sa kasal nila. May part nga si Elaine sa entourage. Chad made sure that all important people in her life were present in this milestone. Pero hi
Last Updated: 2021-10-10
Chapter: 4747 Driving her back to her house added this heaviness in his heart. Idagdag pa ang pangngatiyaw nina Derek. Baka kung saan daw niya iliko si Van. Sa lahat ng pangngantiyaw ay nagiging pula na ang mukha ni Vanessa. Finally, they both enjoyed piece and quiet. But he was far from being peaceful. Ginugulo siya ng nag-uumapaw na sexual tension sa katawan niya. It was even manifested by his bulging manhood. Kapag hindi pa napakawalan ang nasa ilalim ng kanyang pantalon ay baka mabaliw na siya. Vanessa is his fiancée at may nangyari na sa kanila ng maraming beses pero nakakahiyaan niyang hilingin dito ang isang bagay na ngumangatngat sa kanyang utak. “Are you okay?” Napansin marahil ni Van ang pag-igting ng kanyang mga panga at ang paggitiw ng ugat sa kanyang braso. Is he okay? No, he isn’t okay, will never be . Nakatuon sa kalsada ang pansin niya ngunit pasimpleng bumitaw ang kanang kamay at dahan-dahang naglakbay palapit sa nobya. Dumapo iyon sa binti ni Van.
Last Updated: 2021-09-12
Chapter: 46Being away with Van was difficult. He missed her so much. They had been away for so long and enduring another separation was unbearable. Pero ito ang kiasa-isang kundisyon ni Tita Marion, he had no option than to adhere to it. Pasasaan ba at magkakasama rin sila nang tuluyan ni Van. Hahabaan niya muna ang pasensya at pagtitimpi. Siya naman ngayon ang magtitiis. Bumuga siya ng hangin. Nagdesisyon siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napadako ang mga mata niya sa kabilang side ng king-sized bed. Vanessa was supposed to be lying beside him here. It was supposed to be their matrimonial bed. The same bed he made love to her countless times. Kung bakit ba kasi niya mas piniling magmukmok sa bahay na ito. Binibisista siya ng pangungulila kay Van sa bawat beses na sumasagi sa isip niya ang lahat ng namagitan sa kanila sa loob ng mga araw na ibinuro niya ito rito. Ilang linggo nang ganito. Vanessa and he were denied of the freedom they were supposed to enjoy as a
Last Updated: 2021-09-12
Chapter: TeaserNagkulay kahil ang maitim na kalangitan. Ang apoy na nagmumula sa sunog sa malawak na tubuhan ay lumikha ng kakaibang tanawin- it created a beautiful contrast against the pitch black sky. Kung sana ay spectacle iyon pero hindi lang iyon basta tanawin, kabuhayan iyon na pinanday ng amang si Deogracias at ng mga ninuno niya sa loob ng mahabang panahon.Sa isang iglap lang ay nagbabantang magiging abo ang lahat. Napalingon siya sa paligid. Ang lahat ng mga tauhan sa hacienda ay may hawak na timba ng tubig, magkatulong na inapula ang apoy na sa ilang saglit lang ay kakalat at tutupok sa lahat ng madantayan. Paroo't-parito ang mga iyon. Incoherent words are coming from each of them.Ang tunog ng paglamon ng apoy sa mga pananim na humalo sa hiyawan at sigawan ang prominenteng ingay na namayani sa paligid. It was defeaning.Nakakasakit ng kalooban ang namamalas sa ngayon. It was too heartbreaking.Her eyes are directed to that one man na sa unang pagkakataon ay kakikitaan ng pagsuko at pagk
Last Updated: 2024-03-12
Chapter: EpilogueNagsasalimbayan ang mga dahon ng mga halaman sa burol, pati na ng punong kamatsile ay sumasayaw sa ihip ng hangin habang ang mga ibon sa kalangitan ay tila lumilikha ng magandang awitin sa buong kapaligiran.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka bumaba sa kinalululanang kabayo.Ang burol, ang kubo, ay gano’n pa rin. Ang tanging nagbago lang ay ang mas pagtanda ng puno. Unti-unti nang nalalagas ang mga dahon niyon.Napahakbang siya palapit sa puno, sa mismong kinauukitan ng mga initials nila ni Eli.Napangiti siya.It feels like yesterday.Nakikini-kinita pa niya ang mahal na asawa habang nakangiting hinahalikan sa lilim ng puno."Ha-ha-ha.!"At parang naririnig pa rin niya ang mga matutunog na halakhak ni Eli. Sa mga mumunting bagay ay kaagad na itong napapatawa at napapahalakhak.Napatingin siya sa paligid.This place screams of Elisa. The only woman he loves. His ultimate destiny. His soulmate. Ang tanging babaeng mamahalin niya sa habangbuhay."Dad, ang daya mo talaga. Kap
Last Updated: 2024-02-27
Chapter: Kabanata 33Cali and Elixir were born eight minutes apart. A beautiful baby girl and a handsome baby boy. Kuhang-kuha ng kambal ang mga features ni Lorenzo.Complete family. Ganoon ang pakiramdam niya.Sa loob ng maraming taon na nabuhay siya, ngayon niya lang tahasang masasabing kumpleto ang pagkatao niya. Ang pagiging maybahay at ina ang epitome ng tinatawag na kabuuan ng pagkababe niya.She was more than happy.“Look at them.”Napangiti siya sa nakikitang tuwa sa mukha ng asawa. Kung may mas masaya man sa mga oras na ito, ang asawa na niya marahil.“They are beautiful, Eli.”Hindi matawaran ang saya ni Audrey habang buhat ang isa sa mga kambal. Ang buong hacienda yata ay nagdiriwang sa pagdating ng mga anak niya. Ang Daddy Manolo na kasalukuyang may iniindang karamdaman, halos ayaw nang ipahiram kay Viviana si Cali.“Manolo, ako na naman.”Nagkakangitian na lang sila ni Lorenzo habang naaaliw sa pag-aagawan ng mga biyenan sa mga apo ng mga ito. Naisisgurado niya na magiging busog sa pagmamahal
Last Updated: 2024-02-27
Chapter: Kabanata 32"Para saan 'yan?"Kaagad na inilapag ni Eli ang hawak na knitting stick at yarn. Gumagawa siya ng mittens matapos burdahan ang mga lampin. Sabi ni Lorenzo, pwede naman daw silang bumili ng ready-made pero ini-insist niyang gawin ito. Lahat ng magiging gamit ng kambal nila, may personal touch niya.Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo sa rocking chair ngunit sinenyasan siya nitong manatili."Don't bother."Lumapit ito at hinalikan siya at ang maumbok na niyang tiyan.Lorenzo looks so tired. Tuluyan na nitong niyakap ang pamamahala ng hacienda. Katwiran nito, dito sila masaya. Si Audrey na ngayon ang humalili sa binakante nitong pwesto. Thankfully, nagkabati rin ang mag-anak. Madalas ngang sabihin ni Audrey sa kanya na lahat ng magagandang nangyayari sa kanila ay siya ang dahilan. Sa papanong paraan ay di niya matukoy. And Caleb, how much he missed that boy, ang isa sa mga dahilan nang pagkakalapit nila ni Lorenzo."Ako ang mag-aalaga sa pinsan ko, Tita Eli," sa tuwina ay pangangako ni
Last Updated: 2024-02-27
Chapter: Kabanata 31"Don't you think kailangan na nating umuwi, Lorenzo?"Magkatabi silang naupo sa isang bench paharap sa Brooklyn Bridge habang nakasandal siya sa balikat ng asawa. Kagagaling lang nila sa ospital para sa karagdagang tests niya. Nagyaya ang asawa niya na tumambay muna sila sa Brooklyn Bridge Park. Isa ito sa mga pampa-relax niya. Ang sarap lang kasing maupo rito at titigan ang ilog at ang ibang namamasyal sa park. Isa sa mga patients na kasama niya sa isang support group para sa mga cancer patients ang nag-introduce sa kanya sa park na ito.Kalaunan, naging routine na rin nilang mag-asawa.“Naririnig mob a ako, Enzo?”Bumuntong-hininga ang asawa. It was a sigh of frustration. “Saan na naman ba galing ‘yan, Eli?”Ramdam niyang ayaw nito sa tinatakbo ng usapan. "Naaawa na kasi ako sa'yo."Tiningnan siya nito nang tuwid sa mga mata. "Don't be. I'm tough."He is, pero hindi niya sigurado kung hanggang saan aabot ang pasensya nito, ng tapang. Hinaplos niya ang mukha ng asawa. "Akala mo ba
Last Updated: 2024-02-27
Chapter: Kabanata 30Isang buwan matapos ang kasal nila ay naisaayos ang mga papeles kakailanganin ni Eli, lumipad sila ni Lorenzo patungo sa ibang bansa. Isang facility sa New York ang pinuntahan nila. Sa US, sinubukan nila ang lahat ng paraang pwedeng magpapahaba ng buhay niya. Kahit mahirap., sinubukan niya ang lahat ng tests na ginagawa sa kanya. Sa totoo lang, nahihirapan siya. Minsan, nakakaramdam siya ng panghihina.Sa lahat ng hirap na pinagdaanan, hindi siya iniwanan ni Lorenzo.Kapag inaatake siya ng sakit ay naroroon kaagad ito sa tabi niya. Lorenzo never complained. Basta lang nakasuporta sa kanya. He was with her every step of the way. Ito ang nagsisilbing taga-push niya sa mga pagkakataong pinanghihinaan siya ng loob. Lagi itong nakasuporta, laging nagpaparamdam ng pagmamahal. Kahit ang mga anxieties at mood swings niya ay nakakaya nitong tanggapin.Ang pasensya nito ay abot hanggang sukdulan.Minsan, nahihiya siya sa sarili, nakakaramdam ng insecurities lalo na kapag nakikita sa salamin an
Last Updated: 2024-02-27