“Seatbelt?”
Natatarantang inabot niya ang seatbelt sa gilid ng upuan at dali-daling ikinabit sa katawan. Kaya pala hindi muna pinaandar ni Sir Wade ang kotse kasi natatanga na naman siya. Parang nagising sa mahimbing na pagtulog na mabilis na kumilos. Parang hindi na kakayanin ng sistema niya kung ito pa ang magkakabit niyon sa katawan niya. Baka mas lalong magwala sa pag-iingay at kaba ang dibdib niya. Nasa mukha pa naman nito na naiinis pa rin. Nasa manibela ang mga kamay pero inis na tsinek kung tama ba ang pagkakakabit niya. Dating taxi driver ang tatay niya, alam niya kung paano.
Nang masigurong okay na siya, nagbigay ito ng tip sa valet at pinaharurot palayo ang kotse. Galit kaya ito? Ang bilis kasi ng takbo nila. Heto at mahigpit siyang napapakapit sa seatbelt at sa edge ng upuan. Sa minsang pagliko nito, halos sumubsob siya sa balikat nito sa lakas ng impact.
Syempre, takot siyang magreklamo. Bakulaw kaya ang lalaking ‘to.
“Damn!”
Ang lakas ng mura nito. Para itong may kinayayamutan na napahawak at napahilot pa ang kaliwang kamay sa sentido habang nanatili sa manibela ang kanan. Halos wala na ring gitla sa pagitan ng mga kilay nito nang lumingon sa kanya.
“Shit!”
Ano na naman? Nagmura na naman ito nang mapadako sa mga hita niya ang mga mata. Sinundan niya ang paningin nito at ganoon na lang ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mukba nang makitang halos wala nang natatakpang bahagi ng mga hita niya. Sa bilis ng pagpapatakbo nito kanina, nalilis na palang lalo ang maikli na nga niyang damit.
Dali-dali niya iyong inayos at pinagdikit ang legs. Sobrang kahihiyan na talaga ito. Kagat niya ang ibabang labi na napatitig sa labas. ‘Di talaga kaya ng sikmura niya na tingnan si Sir Wade na may kung anong trip sa buhay.
Naramdaman niya na lang ang paghina ng takbo nila. Mas payapa na ang biyahe. Wala nang mura na mariirnig pa mula sa katabi. Over the next few minutes, ang tahimik sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung saang parte na sila ng Makati o kung nasa Makati pa ba sila. Nag-alangan siyang magtanong kahit nang lumiko ang sasakyan sa isang drive-thru.
“Double cheeseburgers, large fries, coke and apple pie,” kausap nito sa crew pagkababa ng window.
Nagugutom ito? Tig-dalawa kasi ang inorder nito. Nakamamangha lang. Sa yaman nito, kumakain din naman pala ng fast food. Matapos magbayad at makuha ang order, inayos muna nito sa glass holders ng center console ng sasakyan ang dalawang containers ng coke at ang ibang pagkain at nag-drive ulit. Hindi kinain ang binili. Ginawa lang perfume at heto ang sikmura niya, nag-react kaagad.
Baka masunggaban niya ang pagkain, minabuti niya na lang na enjoy-in ang pagtitig sa paligid. Ang payapa ng bahaging ito ng lungsod lalo na sa gabi. Para silang sinisilip ng nagtataasang mga gusali at mangilan-ngilang mga puno sa paligid. Nakakagutom ang halimuyak. Kanina, hindi niya na-enjoy ang dinner. De numero kasi ang kilos niya.
“Sir, nasaan na po tayo?” ‘di nakatiis na tanong niya.
“Salcedo.”
Ang kuripot ng sagot.
Nag-menor ang kotse hanggang sa huminto sila sa harap mismo ng isang park. Jaime C. Villanueva Park ang nakalagay na pangalan sa pader. Ang ganda ng park sa gabi. May mga tao sa loob pero hindi naman ganoon karami.
“Sir?” untag niya rito pero mukhang wala naman itong narinig. Pinatay nito ang makina ng kotse at bumaba ng kotse na bitbit ang takeout food at ipinatong sa hood.. Maang na napatitig na lang siya rito mula sa salamin. Iniwan nito ang mga pagkain at naglakad palapit sa gawi niya at binuksan ang sasakyan.
“Get off.”
Dito na ba siya ibababa ng lalaking ito? Hindi siya pamilyar sa parteng ito.
“Baba ka na.”
Napaatras siya nang bahagya itong dumukwang at napalapit ang mukha nito sa kanya. Narinig na naman niya itong nagmura bago umalis sa pagkakaharang sa pintuan. Mabilis siyang bumaba at sumunod dito sa harapan ng sasakyan at tahimik niyang inantabayanan ang bawat kilos nito.
Balak ba nitong mag-picnic? Inilatag nito ang dalawang tissue sa ibabaw ng sasakyan at ipinatong doon ang takeout foods. Ang mas lalong nakamamangha ay nang ibigay nito sa kanya ang isang burger. This man just didn’t fail to surprise her.
“A-akin ‘yan?”
Palipat-lipat ang mga mata niya sa malaking sandwich at sa mukha nito.
“Habit mo ba talaga na laging nagtatanong?”
Nakakasorpresa lang kasi.
Napatitig siya sa burger. Sa likod ng kanyang utak, alam niyang ang dami pa niyang nakabinbing aralin sa boarding house pero mas nanaig ang gutom. Tutal, gutom na rin lang, tinanggap niya ang pagkain. Hindi na masyadong mainit pero hindi naman malamig at ang sarap ng aroma sa ilong. Sinimulan niya iyong balatan. Sa unang kagat, ramdam niya ang linamnam. Saktong sa pangatlong kagat ay napadako ang mga mata niya kay Sir Wade. Halos mabulunan siya nang matuklasang titig na titig ito sa kanya.
Nagmumukha na ba siyang patay-gutom? Mabilis niyang napahid ng tissue ang gilid ng bibig. Baka may nasamid na sauce.
“Huwag ka nang mahiya. Just eat it.”
Tinapik ni Sir Wade ang isang bahagi ng harapan ng kotse na kinasasandalan nito. Binibigyang utos siya na sumandal doon gaya ng ginawa nito. She found herself under his spell. Sinunod niya ito. Ngayon ay pareho na silang nakaharap sa park habang tahimik na kumakain.
“Madalas po kayo rito?”
“I come here when I need peace and quiet.”
Peace and quiet pala hanap nito kaya nanahimik siya. Sa pagkain siya nag-concentrate.
Malamig pa rin ang dampi ng hangin sa balat kaya halos yakap na niya ang sarili habang sumige sa pagsubo. She was munching while occasionally rubbing her arm with her hand. Ang lamig na lang kasi. Nang bigla ay maramdaman ang pagsayad ng kung ano sa balikat niya. Nabitin sa ere ang burger. Mulagat ang mga mata at namumutok pa ang pisngi na napatitig siya sa katabi. Nahubad na nito ang suot na executive jacket. It landed on her shoulders. Nabawasan ang panlalamig niya.
“Stop whining. It's cold.”
Inalis nito ang takip ng drink at inilang lagok lang ang mahigit na kalahating laman.
“P-paano po kayo?”
Baka kasi hindi ganoon kakapal ang undershirt nito. Baka tatagos sa tela ang lamig. Pero mukha namang hindi apektado ang bumakat nitong masels sa braso kada galaw nito.
“I’m fine.”
“Okay po. Thank you.”
ilang beses pa lang niyang nakasalamuha ang lalaking ito pero sa bawat pagkakataon, parang laging may sorpresa. Habang tinititigan niya ang mukha nito, napaisip siya, ang dami-dami pa sigurong magagandang bagay na masarap tuklasin tungkol sa lalaking ito. This man is more than just a handsome face who towered over her. Napahawak siya sa tela at dinama iyon. Heto na naman ang walang katuturang pagsikdo ng dibdib. Nang wala namang dahilan.
“Stop staring at me as if I did a crime.”
“Sorry.”
Nilipat niya ang paningin sa unahan at nilunok ang bukol ng pagkain sa kanyang bibig. Kung criminal man ito, ito na siguro ang pinakagwapong criminal sa balat ng lupa. Kuripot man sa ngiti pagdating sa kanya, nasisilip niya naman ang mabuti nitong kalooban.
“Sir?”
Bahagyang sulyap lang ang tugon nito.
“Salamat dito sa pagkain. Salamat sa lahat.”
“I’m hungry as well. That’s it. Don’t be too sentimental. Don’t mistake it for charity.”
Napangiti siya. Sa mundong laging maramot ang mga tao, may isang Wade Carvajal na nagbibigay ng unsolicited na tulong sa kanya kahit ‘di niya hilingin. It was more than enough to be thankful for. For the next few minutes, they ate silently. Naubos ang pagkain nang walang anumang pinag-uusapan.
“Saan kita ihahatid?”
Nasa loob na sila ng sasakyan at kasalukuyan nitong bunubuhay ang makina.
“Doon lang po sa may malapit lang po sa TIP.”
Muli nilang binaybay ang kahabaan ng kalsada sa malamig na gabi. Ng tahimik at walang pinag-uusapan. Hanggang sa narating nila ang tinutuluyan. Ilang metro ang layo mula sa boarding house siya nagpahinto. Magtataka ang mga kasama niya kapag nakita siyang umibis sa isang magarang kotse at nakasuot pa ng ganitong damit. Akmang huhubarin niya iyon para isoli pero umayaw ito.
“Mas kakailanganin mo ‘yan.”
Bumaba ang paningin ni Sir Wade sa kanyang mga hita. Namula ang mukha niya. Ang iksi nga naman ng damit niya.
“Keep it.”
“Sige po, salamat po ulit, Sir Wade.”
Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito. Kusa na siyang umibis ng sasakyan. Pero matigas nga yata siguro ang ulo nito. Natuklasan niya na lang na nakatayo na ito sa labas ng sasakyan nito. Naipagpasalamat niya na lang na medyo malalim na ang gabi. Wala nang masyadong tambay sa labas, wala nang mga boardmates na nakikitang pagala-gala sa katabing karenderya at computer shop.
“Tashi?”
Nagtatakang napalingon siya sa lalaki. Tashi at hindi Ana ang binanggit nitong pangalan niya.
“Bakit?”
Naging matiim ang mga titig ni Sir Wade. He was pensive.
“Why do you have to do it?”
Matapos ang mahaba-habang sandaling tila tinimbang nito ang mga sasabihin, namutawi sa bibig nito ang tanong na iyon.
“Why did you have to come with...”
Nag-pause si Sir Wade at tumitig muna sa paligid. Parang sinisiguradong walang sinumang makakarinig sa sasabihin nito. Alam na niya ang ibig nitong sabihin.
“Kailangan ko ho ng pang-tuition.”
Wala siyang mabasang reaksyon mla rito. Nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Bumuntong-hininga ito pagkatapos. “You had a long day, Tashi. Pumasok ka na. Kailangan mo nang magpahinga.”
She bet there was more to that question. Nagpatuloy siya sa paghakbang. Bago tuluyang pumanhik sa main entrance ng tinutuluyan, nilingon niya pa ang kinaroroonan ni Sir Wade. Nakatayo pa rin ito kung saan niya ito iniwanan, nakatitig sa kanya, parang nakaantabay kung kailan siya makakapasok ng safe.
That act alone made her heart melt.
Pagdating niya sa floor nila, sumilip pa siya sa kalsada.
“Bakit hindi ka pa umaalis?”
Nakasandal pa rin ito sa hood ng sasakyan at nakatungo.
“Ano ba kasi ang iniisip mo?”.
Umalis siya sa bintana nang makarinig ng kaluskos sa may hagdanan at dali-daling pumasok sa loob ng kwarto. Ang landalady niya iyon, tsinek kung nakauwi na ba ang lahat. Alas onse na kasi, curfew na nila. Katunayan, tulog na nga ang mga kasama niya sa silid. Hinubad niya ang high heels at naglakad palapit sa deck niya. Inalis niya ang make up at maingat syang nagbihis. Tinupi ng maayos ang itim na damit na pinahiram ni Tita Cornelia sa kanya pero ang blazer ni Sir Wade, itinabi niya sa kama.
‘Ikaw muna ang magiging kumot ko ngayon.’
Dinala niya sa ilong ang isang bahagi niyon at ninamnam ang bango. Her breath caught as she inhaled his scent, a blend of warmth and familiarity and it wrapped around her like a blanket. Saka niya natagpuan, nakangiti na pala niya iyong sininghot. Para lang kasing ang gaan ng pakiramdam niya. Parang may kung anong pintong nagbubukas sa puso niya at pumasok ang kakaibang pakiramdam. Kahit sa pagtulog, hindi nawala ang ngiti niya.
Nalagpasan ni Tashi ang madugong midterm exams. Finals na naman ang bubunuin niya. Umaasa siyang magiging okay na si Tita Loida pagdating ng araw na ‘yon. Hanggang hindi klaro ang pangako nito, aalipinin niya muna ang katawan sa bawat raket na kaya niyang gawin. Kahit paggawa ng plates ng isang kaklase na hindi nakayang i-cope up, pinatos na niya. As much as possible, magiging pinakahuling option ang paghingi ng tulong kay Tita Cornelia.“Magsabi ka lang, okay? Nakakapanghinayang ka kasi. Mukhang magiging best seller kita lalo na kapag nailagay ko na ang picture mo sa website. Ang mga kliyente, gusto nila ‘yong natural na ganda, lalo na ang inosenteng tingnan na kagaya mo.”‘Hindi ako aabot sa puntong ‘yon,” ang pangako niya sa sarili. “Hinding-hindi na.”Hangga’t may mapagkukunan. Laking tuwa niya nga kanina nang makatanggap siya ng call mula kay Marie. Pinababalik siya ni Miss Sheena sa bar.“Pwede ka raw ba sabi ni Jay? Ako ang pinatawag sa’yo. Syempre, ‘di ko basta-basta ibibigay
Malinaw naman ang mga sinabi ni Sir Wade pero nahirapan siyang isaksak iyon sa kanyang utak. Masyado na sigurong malaki ang paghanga na ibinigay niya sa lalaking ito at ayaw niyang paniwalang kaya nitong mag-alok sa kanya ng ganoong bagay.Ang baba ng tingin nito sa kanya.Nasasaktan siya.Naapakan nito ang pride niya.Kahit ilang beses siyang isinalba nito, kahit ilang pagkakautang pa magkaroon siya rito, wala itong karapatan na maliitin siya ng husto. Kung ibang lalaki pa siguro, mauunawaan niya. Hindi lang alam ni Sir Wade kung gaano siya nanliliit sa pakiramdam. Buong akala niya ay iba ito. Inilagay niya ito sa pedestal ng paghanga pero katulad din pala ito ng iba.Nakakasama ng loob.May pagkamahinhin ang kilos niya pero nagawa niyang mabilis na tumayo at buksan ang pinto.“Tashi, damnit!”‘Damit mong mukha mo!’Umaalon ang dibdib na mas lalo niyang binilisan ang paghakbang. Humabol si Sir Wade sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Sa kalagitnaan ng hallway, humarang ang malakin
“Ano na naman ba ang ginawa mo?”Tonong naninisi si Ma’am Sheena. Ang disgusto sa mukha nito, hindi kayang itago. May pairap pa itong titig sa kanya.“Ke bago-bago mo, ang dami mo nang dalang perwisyo.”Pasok sa isang tainga, labas sa kabila. Ganoon lang dapat. Wala namang silbi kung didepensahan ang sarili. Talagang nainis nga si Ma’am Sheena. Sinadya ni Ma’am Sheena na i-assign siya sa restocking ng mga inumin sa shelves. By the end of the night, hindi na niya nakita pa si Sir Wade. Maging kinabukasan at sa sumunod na mga gabi pa, walang Wade na napadpad sa bar.Hindi dapat pero hinahanap-hanap niya ito.Minsan, kapag naglalakad siya patungo sa sakayan ng jeep, bigla na lang siyang napapalingon sa paligid nang wala namang dahilan. Kapag umaakyat na siya sa slid nila at napapatapat sa bintana, karaniwan na sa kanya ang sumilip sa ibaba.‘Para kang gaga, Tashi.’Ang lalim ng hugot niya ng hugot sa dibdib.“Tash, bilisan mo. Kanina pa nagri-ring ang phone mo. Kapatid mo yata ‘yong call
Ang bilis ng mga pangyayari. Kagabi lang, pinangako niya sa sarili na hinding-hindi siya lulusong sa inalok nito, wala pang bente kwatro oras ang nakalipas, binabali na niya. Life is just unfair. Sa mga katulad pa niya talaga umulan ng malas na lahat ay nasalo niya. Sa isang iglap, ang isang bagay na pinangako niyang hinding-hindi niya susukuhan, siya nang tinatakahak na landas sa ngayon. Nakaupo siya ngayon sa backseat ng isang sasakyan na sumundo sa kanya sa boardinghouse kanina.“S-saan ninyo po ako dadalhin?” nag-aalangan niyang tanong sa lalaking nasa harap ng manibela.“Kung saan ka gustong maabutan ni boss.”Saan?Mukhang malayo na mula sa bangkong pinagdalhan nito sa kanya kanina ang tinatahak niya. Sumandal siya sa upuan at tumitig sa labas. Ngayon pa ba siya mag-aalala kung saan siya nito dadalhin? ‘Yong kaluluwa niya, parang nakasanla na. Kapag may pera nga naman, walang imposible. Naipadala na niya ang mahigit sa isang daang libong pangpiyansa ni Tita Merriam.“Nasaan ka?”
Nilapag ni Sir Wade ang dalang brown bag sa ibabaw ng countertop at nagsimulang kumuha ng mga plato sa drawer. Ang bilis ng mga kilos nito. Parang nagmamadali. Siguro nga gutom na. Tinangka niyang tumulong pero nayayamot siya nitong nilingon.“Sit there,” turo nito sa isa sa mga upuan.Nabitin ang mga gagawin sana niyang paglapit dito at dahan-dahang umupo.“Sige po.”Tamang antabay na lang ang ginawa kung kailan ito matatapos. Marami-rami ring pagkain ang t-in-ake out nito. Naaamoy na niya ang sinigang, ang adobo at kung anu-ano pang ulam na isinalin na ngayon sa kanya-kanyang sisidlan. Pinagmeryenda naman siya ni Sir Rex kanina pero nagugutom na naman siya.In just a few minutes, nasa harapan na niya ang nakapaglalaway na mga pagkain. Pati kubyertos ay ito ang naglagay. Kumain na lang ang kailangan niyang gawin.“Hindi mauubos ang pagkain kapag tinititigan mo lang. Eat and enjoy the dinner, Tashi.”Paano ba mag-enjoy kung ito ang kasama sa hapag? Baka hindi siya matunawan dahil sa p
Masarap na amoy ng pagkain mula sa kung saan nagpagising sa diwa niya kinabukasan. Napabalikwas siya ng bangon nang makitang mataas na ang araw sa labas.“Nasa kama na ako?”Sa couch siya natulog kagabi. Paggising niya ngayong umaga, nakamulatan niyang nasa malaking kama na siya ni Sir Wade. Nag-sleepwalking siya? O sadyang may naglipat sa kanya kagabi? Si Sir wade! Totoo pala at hindi panaginip ang lahat? Kung anu-ano pa ang sinabi niya kagabi.“Magsi-sex na po ba tayo, Sir?”Natutop niya ang bibig. Ang laswa ng mga sinabi niya. Nakakahiya. Pero teka! May nangyari ba sa kanila? Nakapa niya ang sarili. Walang nagbago sa sarili niya maliban sa tila gumagaang pakiramdam at suot niya pa rin hanggang ngayon ang damit na ipinahiram ni Sir Wade sa kanya.Malakas na kalansing ng kung ano mula sa kung saan ang narinig niya mula sa bahagyang nakaawang na pintuan ng silid. Dali-dali siyang bumangon nang hindi pinagkaabalahang silipin ang sarili o maghilamos. Basta niya itinali ang buhok at luma
Binubugbog na sa kaba ang dibdib niya. pinauupo siya nito sa mga hita nito. Napalunok siya. Napatingin siya sa mukha nito. Baka kasi nagbibiro lang ito.Seryoso ito.Pang-ilang ulit na niyang napalunok. Hindi siya sigurado kung anong klaseng upo ang gagawin. Paharap, patagilid, patalikod? Nevertheless, she sat on him.“Fuck!”Nagmura na naman ito. Ano na naman ba ang mali niya? Saka niya napagtanto, ang eskandaloso ng ayos nila. Umupo siyang nakabukaka ang mga hita at hawak ito nang mariin sa balikat. Kahit may pagitan ang mga katawan nila, still, ang sagwa kapag nakikita ng iba. Nakakahiya.Hinawakan ni Sir Wade ang baywang niya at halos mahigit na ang hininga niya. May kakapalan naman ang pajama top pero parang nanunuot sa balat nya ang init ng mga palad nito. In ust a matter of seconds, parang bulak siya nitong nahigit palapit pa rito. Para nang sasabog ang dibdib niya nang mapagtantong halos magdikit na ang kanila. ‘Yong kilabot na kanina pa nabubuhay sa sistema niya, mas lalong d
She didn’t exactly know how she survived dinner. Basta natapos na napunan naman ang gutom niya. Matapos ang nangyari, at makalipas ang ilang sandaling pinaghupa ang nagwawalang dibdib, nadatnan niya sa kusina si Sr Wade, nakalukot ang manggas at kasalukuyang inilipat ang chinese takeout food sa mga sisidlan.“Dig in,” paanyaya nito sa kanya na parang walang anumang nangyari.Ang unfair lang, halos mamatay-matay na siya sa kaba at hiya pero balewala para kay Sir Wade ang halika na iyon. Siya itong eng-eng na hindi mapakali at panay ang pakiramdam sa bawat kilos nito. Every time na nagtatama ang mga mata nila, parang binabanat ang buhok niya sa anit. Parang nagsa-sommersault ang bituka niya sa tiyan. Kaya ba kapit na kapit ang mga babae rito kasi nga kahit simpleng halik lang, nawiwindang na ang diwa niya.Matapos kumain, siya na ang nagboluntaryong magligpit.“Sige na, ako naman. Nakakahiya na kasi sa’yo.”“Fine.” Isinarado nito ang gripo at nagpunas ng mga kamay. “We will talk later,
Natapos rin ang madugong exam week sa wakas. Natapos ang buong linggo na wala si Sir Wade. Kung saan nagpunta, ‘di niya alam. Hindi naman sila ‘yong tipong nagtatawagan. May numero sila sa isa’t-isa pero nahihiya siyang mag-text. Basta pagkatapos ng gabing ‘yon, nawala na naman itong bigla kinaumagahan.Expected naman niya na.“Tashi, sama ka naman sa amin.”Lagi na lang siyang humihindi kapag nagyayaya sina Thea.“Grabe siya o, hihindi na naman.”Kinuha ni Thea ang bag niya at isinukbit sa balikat.“Thea…”“No buts, no ifs!”Mga babae lang naman ang kasama niya. Hindi naman siguro magagalit si Sir Wade. Kakain lang naman. Napatingin siya sa spot kung saan laging naghihintay si Mang Pancho. Masyado pa namang maaga at wala pa ito. ‘Di na rin masama na pagbigyan ang kaklase. Sa totoo lang, nakakakunsensyang gumasta nang alam niyang kailangang-kailangan ng pera ang pamilya niya.“Sige na nga.”Pinagbigyan niya na si Thea. Sa isang mall sila humantong at pumasok sa isang pizzateria. Lumul
“Sir Wade!”Ang bilis niyang nakaahon sa kama at lumabas ng silid. Ang sala kaagad ang tinalunton niya. Walang katao-tao sa sala, maging sa garahe.“Umalis na ba?”Parang kabute na biglang sumulpot na lang si Sir Wade at bigla na namang nawala. Napabuntong-hininga siya. Humakbang pabalik sa loob na may pananamlay na yumakap sa kanya. Pagtapat niya sa kusina, nalingunan niya ang dining table na may nakapatong sa ibabaw. Napahakbang siya palapit doon. Ang ngiti ay ‘di maiwasang puminta sa kanyang mukha nya habang sinuyod ng tingin ang mga natatakpang mga pakain.“At least, nag-iwan ka ng pagkain.”Breakfast ang natatanging bakas na naiwan ni Sir Wade.Paglipas ng mga araw, hindi na naman nagpakita si Wade. Hell week officially started. Sa unang araw pa lang, halos hindi na siya makahinga sa back-to-back exams at submissions ng ilang projects. Idagdag pa ang mga umaagaw na requirements sa iba-ibang subject. May practical exams pa sa PE.“One down!” si Thea na tila nakahinga ng maluwag na
Buong gabi siyang ginulo ng halik na ‘yon. Buong gabing naiisip kung paano humagod ang mga labi ni Sir Wade sa kanya. Heto at kung anong oras na ay hindi pa niya natatapos ang ginagawa. Kahit sa paghiga niya para magnakaw ng ilang oras na tulog, nabubulabog ang isip niya. Naroroong magtatalukbong siya ng kumot, mapakagat sa unan o sa daliri. Tila lang kasi may nais kumawalang tili sa lalamunan niya.At the same time, naroroon din ang hiya.Nahihiya siya sa mga nanay at tatay. Nahihiya siya lalo na sa Tita Merriam. Kaya naman, atrasado rin ang balak niya na tawagan ito. Ang boses pa naman ng tita niya, napakamalumanay. Nakakakunsensya na ganito na ang mga ginagawa niya. Basta, okay na sa kanya na nalaman mula sa kapatid na nakalaya na ito. Ang susunod na kabanata na lang na pagtutuunan nila ay ang kasong kakaharapin nito.Kinabukasan paggising niya, hindi kaagad siya umahon sa kama. Nakiramdam muna siya sa paligid. Kung may mga kaluskos ba siyang maririnig mula sa silid ni Sir Wade o m
Pagdating sa bahay, inayos niya kaagad ang takeout food na inorder ni Sir Wade para sa hapunan. Para raw hindi na siya maabala sa studies niya. Ililipat na niya sana sa mga sisidlan ang mga ‘yon nang bigla na lang siyang napatanga habang nakatitig sa bagong rolyo ng tissue sa countertop. Sa pinakagitna ng island counter ay may malaking basket na napupuno ng iba’t-ibang prutas.Nangunot ang noo niya kakaalala kung sinong namalengke. Pagbukas niya ng ref, natuklasan niyang ang daming laman niyon. Meat, poulty, fish, fruits and vegetables. Katabi ng canned juices ang sandosenang beer.“Matigas ang ulo mo. Ayaw mong mamili, so I brought the groceries home.”Awang ang mga labi niyang napalingon sa nakatayong si Sir Wade sa bungad ng kusina. Pumasok ito at nagbukas ng ref na kakasarado niya pa lang. Beer ang kinuha.“Ang dami naman ng supplies.”“Don’t worry, malakas akong kumain.”Maglalagi na nga siguro ito sa bahay. Madalas ding magkakasabay silang kakain.“Requirement ba na ipagluluto k
Mag-aalas onse na pero nasa bahay pa rin si Sir Wade. Natapos na niya at lahat ang nakabinbing assignments pero hindi pa rin ito umaalis. Ang balak sanang pagtambay sa sala upang doon mag-aral para sa quiz, hindi niya nagawa. Habang nasa harapan ng study table, panay ang silip niya ritokay. Kaharap nito ang laptop at tila nalulukot na ang noo nito sa kung anumang binabasa. Wala naman siyang natatandaang may dala itong anumang gamit kanina ah. Pero bahay nga naman nito itong kinaroroonan nila at may office pa ito dito sa bahay, malamang, hitik sa gamit iyon ng lalaki.Bumalik siya sa ginagawa at tinapos ang paperwork.Hindi pa man umiinit ang puwet niya nang makarinig ng kalabog sa labas. Dali-dali siyang napasugod sa labas. Sa kusina pala nanggaling ang ingay. May nahulog na kung ano sa sahig. Sa countertop, may nakalapag ding pakete ng noodles at gumugulong-gulong pang lata ng beef loaf.“Aw! Shit!”Kalaking tao pero de lata lang pala ang katapat ni Sir Wade. Ang laking mama pero muk
She didn’t exactly know how she survived dinner. Basta natapos na napunan naman ang gutom niya. Matapos ang nangyari, at makalipas ang ilang sandaling pinaghupa ang nagwawalang dibdib, nadatnan niya sa kusina si Sr Wade, nakalukot ang manggas at kasalukuyang inilipat ang chinese takeout food sa mga sisidlan.“Dig in,” paanyaya nito sa kanya na parang walang anumang nangyari.Ang unfair lang, halos mamatay-matay na siya sa kaba at hiya pero balewala para kay Sir Wade ang halika na iyon. Siya itong eng-eng na hindi mapakali at panay ang pakiramdam sa bawat kilos nito. Every time na nagtatama ang mga mata nila, parang binabanat ang buhok niya sa anit. Parang nagsa-sommersault ang bituka niya sa tiyan. Kaya ba kapit na kapit ang mga babae rito kasi nga kahit simpleng halik lang, nawiwindang na ang diwa niya.Matapos kumain, siya na ang nagboluntaryong magligpit.“Sige na, ako naman. Nakakahiya na kasi sa’yo.”“Fine.” Isinarado nito ang gripo at nagpunas ng mga kamay. “We will talk later,
Binubugbog na sa kaba ang dibdib niya. pinauupo siya nito sa mga hita nito. Napalunok siya. Napatingin siya sa mukha nito. Baka kasi nagbibiro lang ito.Seryoso ito.Pang-ilang ulit na niyang napalunok. Hindi siya sigurado kung anong klaseng upo ang gagawin. Paharap, patagilid, patalikod? Nevertheless, she sat on him.“Fuck!”Nagmura na naman ito. Ano na naman ba ang mali niya? Saka niya napagtanto, ang eskandaloso ng ayos nila. Umupo siyang nakabukaka ang mga hita at hawak ito nang mariin sa balikat. Kahit may pagitan ang mga katawan nila, still, ang sagwa kapag nakikita ng iba. Nakakahiya.Hinawakan ni Sir Wade ang baywang niya at halos mahigit na ang hininga niya. May kakapalan naman ang pajama top pero parang nanunuot sa balat nya ang init ng mga palad nito. In ust a matter of seconds, parang bulak siya nitong nahigit palapit pa rito. Para nang sasabog ang dibdib niya nang mapagtantong halos magdikit na ang kanila. ‘Yong kilabot na kanina pa nabubuhay sa sistema niya, mas lalong d
Masarap na amoy ng pagkain mula sa kung saan nagpagising sa diwa niya kinabukasan. Napabalikwas siya ng bangon nang makitang mataas na ang araw sa labas.“Nasa kama na ako?”Sa couch siya natulog kagabi. Paggising niya ngayong umaga, nakamulatan niyang nasa malaking kama na siya ni Sir Wade. Nag-sleepwalking siya? O sadyang may naglipat sa kanya kagabi? Si Sir wade! Totoo pala at hindi panaginip ang lahat? Kung anu-ano pa ang sinabi niya kagabi.“Magsi-sex na po ba tayo, Sir?”Natutop niya ang bibig. Ang laswa ng mga sinabi niya. Nakakahiya. Pero teka! May nangyari ba sa kanila? Nakapa niya ang sarili. Walang nagbago sa sarili niya maliban sa tila gumagaang pakiramdam at suot niya pa rin hanggang ngayon ang damit na ipinahiram ni Sir Wade sa kanya.Malakas na kalansing ng kung ano mula sa kung saan ang narinig niya mula sa bahagyang nakaawang na pintuan ng silid. Dali-dali siyang bumangon nang hindi pinagkaabalahang silipin ang sarili o maghilamos. Basta niya itinali ang buhok at luma
Nilapag ni Sir Wade ang dalang brown bag sa ibabaw ng countertop at nagsimulang kumuha ng mga plato sa drawer. Ang bilis ng mga kilos nito. Parang nagmamadali. Siguro nga gutom na. Tinangka niyang tumulong pero nayayamot siya nitong nilingon.“Sit there,” turo nito sa isa sa mga upuan.Nabitin ang mga gagawin sana niyang paglapit dito at dahan-dahang umupo.“Sige po.”Tamang antabay na lang ang ginawa kung kailan ito matatapos. Marami-rami ring pagkain ang t-in-ake out nito. Naaamoy na niya ang sinigang, ang adobo at kung anu-ano pang ulam na isinalin na ngayon sa kanya-kanyang sisidlan. Pinagmeryenda naman siya ni Sir Rex kanina pero nagugutom na naman siya.In just a few minutes, nasa harapan na niya ang nakapaglalaway na mga pagkain. Pati kubyertos ay ito ang naglagay. Kumain na lang ang kailangan niyang gawin.“Hindi mauubos ang pagkain kapag tinititigan mo lang. Eat and enjoy the dinner, Tashi.”Paano ba mag-enjoy kung ito ang kasama sa hapag? Baka hindi siya matunawan dahil sa p