Share

Jeep

Author: Grace Ayana
last update Last Updated: 2025-02-14 16:16:34

Muli, niligtas siya ng lalaking ito sa isang hindi kanais-nais na sitwasyon. Right on time when she needed someone to stand for her the most, Sir Wade came and rescued her. The stranger suddenly got a name.

Wade.

“Keep it on my tab.”

A stranger with that raspy baritone. Naligtas na naman siya sa kompromiso gamit ang pera nito. Nakakahiya. Nakakapanliit ng self-esteem at the same time. Dapat, may sasabihin siya sa lalaki- magpasalamat at humingi ng dispensa. Kaya lang, kanina pa siya natutuod at hindi malaman kung ano ang gagawin o sasabihin. Namumuro na pati mga kamay niya sa kakakuskos sa mga ito.

“Including Chenny’s bill.”

Matapos ng komosyon kanina, sapilitang dinala ng dalawang tauhan ang babaeng natapunan niya ng drink sa labas ayon sa utos din ng lalaking ito. Halos nagwawala na ang Chenny na ‘yon pero hindi rin umobra sa lalaki.

“You wanna say something?”

Napakislot siya ng wala sa oras. Pabigla na lang kasi itong lumingon sa kanya. Napaka-intimidating pa ng boses nito. ‘Yon bang nakakataranta at nakakapanginig ng mga tuhod. Napapahiyang nagbaba siya ng paningin. Para lang kasing nakakahiyang titigan ito sa mga mata.

“Sorry po at salamat.”

Halos hindi na niya marinig ang boses niya. Kagat-labing napatungo siya. Hinagilap niya ang pasasalamat na kanina pa niya tinahi sa utak.

“Sir, thank you po ulit. Ang laki na po ng utang ko sa inyo. Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran pero kahit ano pong iuutos ninyo, gagawin ko.”

Mas lalong naging pormal ang awra ng gwapong mukha nito. Lumipas ang ilang segundo na tinunghayan lang siya ng lalaki. Tumatagos na titig.

“Anything?”

Sunod-sunod na tango ang tugon niya. Pwede siyang utus-utusan nito. Pwede siyang gawing tagalinis kahit walang bayad. Gladly, ipagluluto niya ito, ipagpaplantsa, ipaglilinis at ipaglalaba ng libre.

“Anything, huh?”

Namaybay ang mga mata nito mula sa mukha niya, patungo sa kanyang kabuuan na pakiwari niya ay may kung anong kilabot na idinulot sa kanya. Naging conscious siya. Naiilang siya na ewan. Hindi niya alam kung paano niyang matatagalan ang paninitig nito. May kakaiba lang kasi sa mga titig nito. Given na maganda ang pares ng mga mata nito pero parang sinusukat naman ang kaluluwa niya.

Ang nakakainis pa, naging prominente ang malakas na pagbayo ng dibdib niya. Nagkaroon bigla ng kaguluhan sa buong sistema niya.

“Do me a favor. Go home.”

Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Iba ang expectations niya.

“You don’t belong here.”

Walang anumang tumalikod ang lalaki at naglakad palayo. Both perplexed and in awe, nasundan niya na lang ng titig ang malapad na bulto ng katawan ni Sir Wade na ngayon ay dahan-dahan nang humalo sa karamihan. Saka pa lang nag-sink in ang sinabi nito. Naalarma siyang tumitig kay Ma’am Sheena.

“Ma’am Sheena, ‘di po ako maaaring umuwi-”

“Gawin mo na lang ang sinabi niya.”

‘Di man lang siya pinatapos ni Ma’am Sheena. Isang sobre ang inilapa nito sa counter at iniusog palapit sa kanya. Katulad ng nilalagyan ng sahod na natanggap niya noong unang dalawang beses niya rito. Nahihiwagaang napatitig siya roon.

“Para saan po ‘yan, Ma’am?”

Napairap ang manager. Ang tanga lang naman kasi ng tanong niya. “Tanggapin mo na lang.”

Iniwanan nito ang sobre sa counter at umalis. Kung ‘di lang talaga siya gipit, paiiralin niya sana ang pride. ‘Di na nagpadala sa hiya na tinanggap niya ang sobre nang hindi binilang kung magkano ang laman. Mabilis siyang nagtungo sa locker room. Hinubad niya ang waist apron at maingat na tinupi. Tali ng buhok ang isinunod niya. Parang nakahinga ang talukap niya mula sa malinis at mahigpit na pagkaka-bun ng kanyang buhok. Tamang suklay lang ang ginawa niya at tuluyan na ngang nilisan ang silid.

“Uwi ka na niyan?” takang tanong ng gwardiya sa staff exit na bumusisi sa laman ng bag niya.

“Napaaga ho, Kuya.”

“Baka masyado mong ginalingan.”

Ngiti na lang ang isinagot niya sa gwardiya. Masyado niya ngang ginalingan kaya maagang napauwi. Heto, nagsisimula pa lang mapuno ang parking space ng bar at mabuhay ang gabi ng mga parokyano, siya ay papaalis na.

Nagsimula siyang maglakad palabas ng staff exit na tila namimigat ang mga balikat. Nakailang hakbang na siya nang mahagip ng paningin niya ang isa sa mga sasakyang nakaparada sa parking lot. Hindi ang modelo ng magarang kotse ang lumamon ng buong atensyon niya kundi ang lalaking nakasandal sa hood niyon.

“Sir Wade?”

Nakatungo ito habang umiinom mula sa bote ng mineral water. Tila may kasunduan ang mga mata at paa nito na doon lang nakatingin. Nasa vicinity na nagkalat ang mga bar at nightclubs pero mineral water ang nilalagok ng mamang ito.

Dapat kasama na nito ang mga kaibigan sa VIP room.

May hinihintay kaya ito?

Sa hindi matukoy na dahilan, naaliw siyang titigan ito mula sa malayo. Para lang kasing nakakaengganyong panoorin ang bawat galaw nito. Kung paano nitong tunggain ang bote, kung paanong tititig sa mga paa at paraanan ng mga daliri ang buhok.

“Nasaan na nga pala si Wade? Tagal namang nakabalik.”

“Baka nakakita na naman ng ka-hook up.”

Naalala niya ang usapan sa VIP room. Sa hitsura ba naman ni Sir Wade at sa estado, madali lang itong makakahanap ng babae na papayag sa lahat ng gusto nito. Kaya siguro ang dami nitong ipong condom. ‘Yong Wade na may-ari ng condo unit at ang Wade na tinititigan niya ngayon, sigurado siyang iisa lang. Ngayon niya lang napagtanto, kaboses nito ang lalaking nasa loob ng unit.

Kasama ring dumaan sa isip niya ang kabuuan ng babaeng naratnan sa unit. Ang ganda ng babaeng ‘yon.

Sa hindi sinasadya, bigla siyang nakaramdam ng mistulang disgusto sa kaloob-looban. Para lang kasing ayaw niya sa naglalarong mga haka-haka sa isip.

‘Bakit naman?’

May sasakyang humarang sa harapan niya. May dalawang sumunod pa. Naharangan ang paningin niya. Nanlitid na nga ang ugat niya sa kasisilip sa kabilang dako pero tuluyan nang naglaho si Sir Wade sa mga mata niya. Binalak niya pa naman sanang magpasalamat.

Sa susunod na lang.

Nagpatuloy siya sa paghakbang hanggang sa narating ang sakayan ng jeep. Nakiisa siya sa pila ng mga pasaherong nag-aabang. Pagsayad ng pwet niya sa upuan, saka naman parang bumuhos ang lahat ng pagod niya, ganoon din ang biglang pagsalakay ng antok. Thankfully, nasa pinakadulong bahagi siya, may masasandalan ang ulo niya.

Sa dami ng mga nangyari sa nakalipas na isang oras, parang gusto niya na lang matulog. Ngunit kapipikit pa lang ng mga mata nang bigla namang nambulahaw ang phone. Pikit-mata niyang hinagilap iyon sa loob ng bag at sinagot.

“Hello.” Halos hindi na maliwanag ang sagot niya dahil sumabay ang paghihikab.

“Pauwi ka na niyan?”

“Oo, Marie. Nasa jeep na ako.”

Suspetsa niya, natimbrehan na ito ni Jay tungkol sa nangyari. “Okay ka lang naman ba? Hindi ka sinabon ni Ma’am Sheena?”

“Hindi naman.”

Paano siyang masasabon kung parang maamong kuting ang babae sa harapan ni Sir Wade.

“Hay, buti naman. Sige na at mukhang pagod ka. Tawagan na lang kita mamaya.”

“Okay,” humihikab na namang sagot niya.

Sa talagang inaantok siya. Kailangan niyang maghabol ng tulog dahil mamaya, ang natitirang plates na naman ang aatupagin. ‘Di pa man nagtagal, napadilat na naman siyang muli nang umalog ang jeep na sinasakyan niya. Parang nawala ang antok niya, lalo pa at ang lakas ng pagmumura ng katabi niyang babae.

“Manong, magdahan-dahan naman!”

Naalibadbaran siya sa bunganga nito. Ibinaling niya ang mukha patungo sa labas at nakahanda na sanang pumikit nang makita ang sasakyang nakasunod sa kanila.

Blue. Glossy. Magara. Pamilyar.

Ito ang sasakyang nakita niya kanina kung saan nakasandal si Sir Wade. Napatuwid siya ng upo. Tuluyan na ngang napako ang mga mata roon. Inaninag niya ang nagmamaneho pero hindi niya makita. Pero ‘yong pakiramdam na tila nakatitig sa kanya ang kung sinuman ang sakay niyon ay hindi mabura-bura. ‘Yong dibdib niya para nang nagdadabog. Bigla na lang sinalakay ng kaba.

‘Sinusundan ba niya ako?’

Napapailing na natatawa siya sa naiisip. Sa dami ng pinuproblema, naisip pa talaga niya ang ganung bagay.

‘Ewan ko sa’yo, Tashi. Para kang timang.’

Binawi niya ang paningin. Sumiksik siya sa sasakyan at pinigilan ang sariling sumilip sa likuran. Pero sadyang may katigasan ang bungo niya. Sa muling pagsilip, nakita niya na lang na lumiko ang kotse pakanan hanggang sa tuluyan na ngang lumiit at nawala sa paningin niya.

Palayo nang palayo ang jeep, nagkahugis naman ang tila kahungkagan at panghihinayang sa dibdib.

Makikita niya pa kaya ito?

Ang bar lang ang masasabing common place na maaaring pagsalubungan ng mga landas nila. Ngayon, ‘di siya sigurado kung pababalikin pa ba siya ni Miss Sheena. Mas lalong alanganin kung sa mga paglilinis na gagawin nila ni Marie ay matotoka pa rin sa Verdant Heights.

Ang weird ng mga iniisip niya.

Weirdo at kailangang maalog at maalis sa utak. Dahil baka mamaya, maging isang hindi kapani-paniwalang pantasya.

 

Related chapters

  • THE CEO'S SWEETHEART   Book

    Tashi survived the week. Nabayaran niya ang renta sa boarding house. Hindi na siya nangangambang ma-evict anytime. Nakakapaglakad na siya ngayon na hindi kabado na baka makasalubong ang landlady. Kung may natira man siyang pera, maingat niya iyong ginagasta. Just in time sa susunod na padala ni Tita Loida.Kung kailan nito maisipan.Saka na muna siya magwo-worry. Igugugol niya muna ang buong isip sa pag-aaral. Sa araw na ito, buong umaga siyang nag-attend ng klase. Ang hapon niya naman ay ginugol niya sa library. May quiz sila sa Differential Calculus. Sa lahat, ‘yon ang masasabi niyang pamatay na minor subject. Sa silid-aklatan na rin niya tinapos ang isa pang plate sa Architectural Design. Wednesday, nasa dorm ang tatlo niyang kasama at hindi maiwasang maging maingay ang buong silid. Kailangan niyang makapag-concentrate.Saka niya naisip, cramming week ngayon, walang tulugan dahil papalapit na ang midterm. Ibig sabihin, bayaran na naman. Bago bumalik sa dorm, nakigamit muna siya ng

    Last Updated : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Meeting

    Just like that, pinasok niya ang trabahong mahigpit niyang inayawan noon. But desperate moments require a desperate measure. Ngayon lang naman. Pangako niya sa sarili, hindi na mauulit. Habang napapasubo sa ganitong ‘trabaho’, pipilitin niyang gawing tama ang tsansa na ibinigay ni Tita Cornelia sa kanya. Kahit pa nga binubugbog ng kaba ang dibdib niya at pinuputakte ng hiya ang sarili.Mula sa taxi’ng kinauupuan, bumaling siya sa labas ng bintana. The last twenty-four hours had been rigid. Sa loob lang ng maikling panahon, nag-transform siya bilang ibang babae. Ni hindi niya mapaniwalaan ang nakitang ayos sa salamin.Ang bilis lang ng mga pangyayari. Kahapon, dinala siya ni Marie sa malaking bahay ni Tita Cornelia. Ipinakilala at sinabi ang kailangan niya.“She’s fresh, innocent, alluring. Konting ayos lang at mas lulutang ang ganda mo,” si Tita Cornelia habang binabaybay ng titig ang kabuuan niya. “You could be our clients’ favorite.”“Dun…dun lang ako sa hanggang…companionship lang

    Last Updated : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Kotse

    Apektado siya sa presensya ni Sir Wade. Ang composure na dahan-dahan niyang na-build up sa harap ni Mr. Robinson kanina ay nangangambang maglaho.Nagkita lang naman sila ni Sir Wade nang ilang ulit, hindi pa nga malalim ang kanilang pagkakakilala. Gayunpaman, hindi siya mapakali.Hindi siya makagalaw ng tama. Tila lumulutang ang pakiramdam niya. Wari niya, hindi sumasayad ang pwet niya sa malambot na kutsong inuupuan. Umakyat sa napakataas na tuktok ang pagkailang hindi dahil sa hindi siya marunong gumamit ng mga kubyertos. Sa pag-aambisyon ng Tita Loida noon na umangat ang buhay, inaral nito ang lahat ng table etiquette at pati sila ay tinuruan. Naku-conscious siya dahil sa lalaking ito na nakaupo sa mismong tapat niya. Pakiramdam niya kasi, sinisayasat nito ang mga kilos niya.‘Tinitingnan ba niya ako?’Ewan.‘Ano kaya ang iniisip niya tungkol sa akin?’Marahil, masama.‘Hinuhusgahan niya kaya ako?’Malamang. Sumama siya sa isang matandang lalaki at ipinakilala pa bilang date nito.

    Last Updated : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Seatbelt

    “Seatbelt?”Natatarantang inabot niya ang seatbelt sa gilid ng upuan at dali-daling ikinabit sa katawan. Kaya pala hindi muna pinaandar ni Sir Wade ang kotse kasi natatanga na naman siya. Parang nagising sa mahimbing na pagtulog na mabilis na kumilos. Parang hindi na kakayanin ng sistema niya kung ito pa ang magkakabit niyon sa katawan niya. Baka mas lalong magwala sa pag-iingay at kaba ang dibdib niya. Nasa mukha pa naman nito na naiinis pa rin. Nasa manibela ang mga kamay pero inis na tsinek kung tama ba ang pagkakakabit niya. Dating taxi driver ang tatay niya, alam niya kung paano.Nang masigurong okay na siya, nagbigay ito ng tip sa valet at pinaharurot palayo ang kotse. Galit kaya ito? Ang bilis kasi ng takbo nila. Heto at mahigpit siyang napapakapit sa seatbelt at sa edge ng upuan. Sa minsang pagliko nito, halos sumubsob siya sa balikat nito sa lakas ng impact.Syempre, takot siyang magreklamo. Bakulaw kaya ang lalaking ‘to.“Damn!”Ang lakas ng mura nito. Para itong may kinayay

    Last Updated : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Offer

    Nalagpasan ni Tashi ang madugong midterm exams. Finals na naman ang bubunuin niya. Umaasa siyang magiging okay na si Tita Loida pagdating ng araw na ‘yon. Hanggang hindi klaro ang pangako nito, aalipinin niya muna ang katawan sa bawat raket na kaya niyang gawin. Kahit paggawa ng plates ng isang kaklase na hindi nakayang i-cope up, pinatos na niya. As much as possible, magiging pinakahuling option ang paghingi ng tulong kay Tita Cornelia.“Magsabi ka lang, okay? Nakakapanghinayang ka kasi. Mukhang magiging best seller kita lalo na kapag nailagay ko na ang picture mo sa website. Ang mga kliyente, gusto nila ‘yong natural na ganda, lalo na ang inosenteng tingnan na kagaya mo.”‘Hindi ako aabot sa puntong ‘yon,” ang pangako niya sa sarili. “Hinding-hindi na.”Hangga’t may mapagkukunan. Laking tuwa niya nga kanina nang makatanggap siya ng call mula kay Marie. Pinababalik siya ni Miss Sheena sa bar.“Pwede ka raw ba sabi ni Jay? Ako ang pinatawag sa’yo. Syempre, ‘di ko basta-basta ibibigay

    Last Updated : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Yamot

    Malinaw naman ang mga sinabi ni Sir Wade pero nahirapan siyang isaksak iyon sa kanyang utak. Masyado na sigurong malaki ang paghanga na ibinigay niya sa lalaking ito at ayaw niyang paniwalang kaya nitong mag-alok sa kanya ng ganoong bagay.Ang baba ng tingin nito sa kanya.Nasasaktan siya.Naapakan nito ang pride niya.Kahit ilang beses siyang isinalba nito, kahit ilang pagkakautang pa magkaroon siya rito, wala itong karapatan na maliitin siya ng husto. Kung ibang lalaki pa siguro, mauunawaan niya. Hindi lang alam ni Sir Wade kung gaano siya nanliliit sa pakiramdam. Buong akala niya ay iba ito. Inilagay niya ito sa pedestal ng paghanga pero katulad din pala ito ng iba.Nakakasama ng loob.May pagkamahinhin ang kilos niya pero nagawa niyang mabilis na tumayo at buksan ang pinto.“Tashi, damnit!”‘Damit mong mukha mo!’Umaalon ang dibdib na mas lalo niyang binilisan ang paghakbang. Humabol si Sir Wade sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Sa kalagitnaan ng hallway, humarang ang malakin

    Last Updated : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Kapit

    “Ano na naman ba ang ginawa mo?”Tonong naninisi si Ma’am Sheena. Ang disgusto sa mukha nito, hindi kayang itago. May pairap pa itong titig sa kanya.“Ke bago-bago mo, ang dami mo nang dalang perwisyo.”Pasok sa isang tainga, labas sa kabila. Ganoon lang dapat. Wala namang silbi kung didepensahan ang sarili. Talagang nainis nga si Ma’am Sheena. Sinadya ni Ma’am Sheena na i-assign siya sa restocking ng mga inumin sa shelves. By the end of the night, hindi na niya nakita pa si Sir Wade. Maging kinabukasan at sa sumunod na mga gabi pa, walang Wade na napadpad sa bar.Hindi dapat pero hinahanap-hanap niya ito.Minsan, kapag naglalakad siya patungo sa sakayan ng jeep, bigla na lang siyang napapalingon sa paligid nang wala namang dahilan. Kapag umaakyat na siya sa slid nila at napapatapat sa bintana, karaniwan na sa kanya ang sumilip sa ibaba.‘Para kang gaga, Tashi.’Ang lalim ng hugot niya ng hugot sa dibdib.“Tash, bilisan mo. Kanina pa nagri-ring ang phone mo. Kapatid mo yata ‘yong call

    Last Updated : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Bungalow

    Ang bilis ng mga pangyayari. Kagabi lang, pinangako niya sa sarili na hinding-hindi siya lulusong sa inalok nito, wala pang bente kwatro oras ang nakalipas, binabali na niya. Life is just unfair. Sa mga katulad pa niya talaga umulan ng malas na lahat ay nasalo niya. Sa isang iglap, ang isang bagay na pinangako niyang hinding-hindi niya susukuhan, siya nang tinatakahak na landas sa ngayon. Nakaupo siya ngayon sa backseat ng isang sasakyan na sumundo sa kanya sa boardinghouse kanina.“S-saan ninyo po ako dadalhin?” nag-aalangan niyang tanong sa lalaking nasa harap ng manibela.“Kung saan ka gustong maabutan ni boss.”Saan?Mukhang malayo na mula sa bangkong pinagdalhan nito sa kanya kanina ang tinatahak niya. Sumandal siya sa upuan at tumitig sa labas. Ngayon pa ba siya mag-aalala kung saan siya nito dadalhin? ‘Yong kaluluwa niya, parang nakasanla na. Kapag may pera nga naman, walang imposible. Naipadala na niya ang mahigit sa isang daang libong pangpiyansa ni Tita Merriam.“Nasaan ka?”

    Last Updated : 2025-02-16

Latest chapter

  • THE CEO'S SWEETHEART   Yate

    Natapos rin ang madugong exam week sa wakas. Natapos ang buong linggo na wala si Sir Wade. Kung saan nagpunta, ‘di niya alam. Hindi naman sila ‘yong tipong nagtatawagan. May numero sila sa isa’t-isa pero nahihiya siyang mag-text. Basta pagkatapos ng gabing ‘yon, nawala na naman itong bigla kinaumagahan.Expected naman niya na.“Tashi, sama ka naman sa amin.”Lagi na lang siyang humihindi kapag nagyayaya sina Thea.“Grabe siya o, hihindi na naman.”Kinuha ni Thea ang bag niya at isinukbit sa balikat.“Thea…”“No buts, no ifs!”Mga babae lang naman ang kasama niya. Hindi naman siguro magagalit si Sir Wade. Kakain lang naman. Napatingin siya sa spot kung saan laging naghihintay si Mang Pancho. Masyado pa namang maaga at wala pa ito. ‘Di na rin masama na pagbigyan ang kaklase. Sa totoo lang, nakakakunsensyang gumasta nang alam niyang kailangang-kailangan ng pera ang pamilya niya.“Sige na nga.”Pinagbigyan niya na si Thea. Sa isang mall sila humantong at pumasok sa isang pizzateria. Lumul

  • THE CEO'S SWEETHEART   Mesmerized

    “Sir Wade!”Ang bilis niyang nakaahon sa kama at lumabas ng silid. Ang sala kaagad ang tinalunton niya. Walang katao-tao sa sala, maging sa garahe.“Umalis na ba?”Parang kabute na biglang sumulpot na lang si Sir Wade at bigla na namang nawala. Napabuntong-hininga siya. Humakbang pabalik sa loob na may pananamlay na yumakap sa kanya. Pagtapat niya sa kusina, nalingunan niya ang dining table na may nakapatong sa ibabaw. Napahakbang siya palapit doon. Ang ngiti ay ‘di maiwasang puminta sa kanyang mukha nya habang sinuyod ng tingin ang mga natatakpang mga pakain.“At least, nag-iwan ka ng pagkain.”Breakfast ang natatanging bakas na naiwan ni Sir Wade.Paglipas ng mga araw, hindi na naman nagpakita si Wade. Hell week officially started. Sa unang araw pa lang, halos hindi na siya makahinga sa back-to-back exams at submissions ng ilang projects. Idagdag pa ang mga umaagaw na requirements sa iba-ibang subject. May practical exams pa sa PE.“One down!” si Thea na tila nakahinga ng maluwag na

  • THE CEO'S SWEETHEART   Missed

    Buong gabi siyang ginulo ng halik na ‘yon. Buong gabing naiisip kung paano humagod ang mga labi ni Sir Wade sa kanya. Heto at kung anong oras na ay hindi pa niya natatapos ang ginagawa. Kahit sa paghiga niya para magnakaw ng ilang oras na tulog, nabubulabog ang isip niya. Naroroong magtatalukbong siya ng kumot, mapakagat sa unan o sa daliri. Tila lang kasi may nais kumawalang tili sa lalamunan niya.At the same time, naroroon din ang hiya.Nahihiya siya sa mga nanay at tatay. Nahihiya siya lalo na sa Tita Merriam. Kaya naman, atrasado rin ang balak niya na tawagan ito. Ang boses pa naman ng tita niya, napakamalumanay. Nakakakunsensya na ganito na ang mga ginagawa niya. Basta, okay na sa kanya na nalaman mula sa kapatid na nakalaya na ito. Ang susunod na kabanata na lang na pagtutuunan nila ay ang kasong kakaharapin nito.Kinabukasan paggising niya, hindi kaagad siya umahon sa kama. Nakiramdam muna siya sa paligid. Kung may mga kaluskos ba siyang maririnig mula sa silid ni Sir Wade o m

  • THE CEO'S SWEETHEART   Lesson

    Pagdating sa bahay, inayos niya kaagad ang takeout food na inorder ni Sir Wade para sa hapunan. Para raw hindi na siya maabala sa studies niya. Ililipat na niya sana sa mga sisidlan ang mga ‘yon nang bigla na lang siyang napatanga habang nakatitig sa bagong rolyo ng tissue sa countertop. Sa pinakagitna ng island counter ay may malaking basket na napupuno ng iba’t-ibang prutas.Nangunot ang noo niya kakaalala kung sinong namalengke. Pagbukas niya ng ref, natuklasan niyang ang daming laman niyon. Meat, poulty, fish, fruits and vegetables. Katabi ng canned juices ang sandosenang beer.“Matigas ang ulo mo. Ayaw mong mamili, so I brought the groceries home.”Awang ang mga labi niyang napalingon sa nakatayong si Sir Wade sa bungad ng kusina. Pumasok ito at nagbukas ng ref na kakasarado niya pa lang. Beer ang kinuha.“Ang dami naman ng supplies.”“Don’t worry, malakas akong kumain.”Maglalagi na nga siguro ito sa bahay. Madalas ding magkakasabay silang kakain.“Requirement ba na ipagluluto k

  • THE CEO'S SWEETHEART   Temporary

    Mag-aalas onse na pero nasa bahay pa rin si Sir Wade. Natapos na niya at lahat ang nakabinbing assignments pero hindi pa rin ito umaalis. Ang balak sanang pagtambay sa sala upang doon mag-aral para sa quiz, hindi niya nagawa. Habang nasa harapan ng study table, panay ang silip niya ritokay. Kaharap nito ang laptop at tila nalulukot na ang noo nito sa kung anumang binabasa. Wala naman siyang natatandaang may dala itong anumang gamit kanina ah. Pero bahay nga naman nito itong kinaroroonan nila at may office pa ito dito sa bahay, malamang, hitik sa gamit iyon ng lalaki.Bumalik siya sa ginagawa at tinapos ang paperwork.Hindi pa man umiinit ang puwet niya nang makarinig ng kalabog sa labas. Dali-dali siyang napasugod sa labas. Sa kusina pala nanggaling ang ingay. May nahulog na kung ano sa sahig. Sa countertop, may nakalapag ding pakete ng noodles at gumugulong-gulong pang lata ng beef loaf.“Aw! Shit!”Kalaking tao pero de lata lang pala ang katapat ni Sir Wade. Ang laking mama pero muk

  • THE CEO'S SWEETHEART   Taken

    She didn’t exactly know how she survived dinner. Basta natapos na napunan naman ang gutom niya. Matapos ang nangyari, at makalipas ang ilang sandaling pinaghupa ang nagwawalang dibdib, nadatnan niya sa kusina si Sr Wade, nakalukot ang manggas at kasalukuyang inilipat ang chinese takeout food sa mga sisidlan.“Dig in,” paanyaya nito sa kanya na parang walang anumang nangyari.Ang unfair lang, halos mamatay-matay na siya sa kaba at hiya pero balewala para kay Sir Wade ang halika na iyon. Siya itong eng-eng na hindi mapakali at panay ang pakiramdam sa bawat kilos nito. Every time na nagtatama ang mga mata nila, parang binabanat ang buhok niya sa anit. Parang nagsa-sommersault ang bituka niya sa tiyan. Kaya ba kapit na kapit ang mga babae rito kasi nga kahit simpleng halik lang, nawiwindang na ang diwa niya.Matapos kumain, siya na ang nagboluntaryong magligpit.“Sige na, ako naman. Nakakahiya na kasi sa’yo.”“Fine.” Isinarado nito ang gripo at nagpunas ng mga kamay. “We will talk later,

  • THE CEO'S SWEETHEART   Kiss

    Binubugbog na sa kaba ang dibdib niya. pinauupo siya nito sa mga hita nito. Napalunok siya. Napatingin siya sa mukha nito. Baka kasi nagbibiro lang ito.Seryoso ito.Pang-ilang ulit na niyang napalunok. Hindi siya sigurado kung anong klaseng upo ang gagawin. Paharap, patagilid, patalikod? Nevertheless, she sat on him.“Fuck!”Nagmura na naman ito. Ano na naman ba ang mali niya? Saka niya napagtanto, ang eskandaloso ng ayos nila. Umupo siyang nakabukaka ang mga hita at hawak ito nang mariin sa balikat. Kahit may pagitan ang mga katawan nila, still, ang sagwa kapag nakikita ng iba. Nakakahiya.Hinawakan ni Sir Wade ang baywang niya at halos mahigit na ang hininga niya. May kakapalan naman ang pajama top pero parang nanunuot sa balat nya ang init ng mga palad nito. In ust a matter of seconds, parang bulak siya nitong nahigit palapit pa rito. Para nang sasabog ang dibdib niya nang mapagtantong halos magdikit na ang kanila. ‘Yong kilabot na kanina pa nabubuhay sa sistema niya, mas lalong d

  • THE CEO'S SWEETHEART   Kaba

    Masarap na amoy ng pagkain mula sa kung saan nagpagising sa diwa niya kinabukasan. Napabalikwas siya ng bangon nang makitang mataas na ang araw sa labas.“Nasa kama na ako?”Sa couch siya natulog kagabi. Paggising niya ngayong umaga, nakamulatan niyang nasa malaking kama na siya ni Sir Wade. Nag-sleepwalking siya? O sadyang may naglipat sa kanya kagabi? Si Sir wade! Totoo pala at hindi panaginip ang lahat? Kung anu-ano pa ang sinabi niya kagabi.“Magsi-sex na po ba tayo, Sir?”Natutop niya ang bibig. Ang laswa ng mga sinabi niya. Nakakahiya. Pero teka! May nangyari ba sa kanila? Nakapa niya ang sarili. Walang nagbago sa sarili niya maliban sa tila gumagaang pakiramdam at suot niya pa rin hanggang ngayon ang damit na ipinahiram ni Sir Wade sa kanya.Malakas na kalansing ng kung ano mula sa kung saan ang narinig niya mula sa bahagyang nakaawang na pintuan ng silid. Dali-dali siyang bumangon nang hindi pinagkaabalahang silipin ang sarili o maghilamos. Basta niya itinali ang buhok at luma

  • THE CEO'S SWEETHEART   Hele

    Nilapag ni Sir Wade ang dalang brown bag sa ibabaw ng countertop at nagsimulang kumuha ng mga plato sa drawer. Ang bilis ng mga kilos nito. Parang nagmamadali. Siguro nga gutom na. Tinangka niyang tumulong pero nayayamot siya nitong nilingon.“Sit there,” turo nito sa isa sa mga upuan.Nabitin ang mga gagawin sana niyang paglapit dito at dahan-dahang umupo.“Sige po.”Tamang antabay na lang ang ginawa kung kailan ito matatapos. Marami-rami ring pagkain ang t-in-ake out nito. Naaamoy na niya ang sinigang, ang adobo at kung anu-ano pang ulam na isinalin na ngayon sa kanya-kanyang sisidlan. Pinagmeryenda naman siya ni Sir Rex kanina pero nagugutom na naman siya.In just a few minutes, nasa harapan na niya ang nakapaglalaway na mga pagkain. Pati kubyertos ay ito ang naglagay. Kumain na lang ang kailangan niyang gawin.“Hindi mauubos ang pagkain kapag tinititigan mo lang. Eat and enjoy the dinner, Tashi.”Paano ba mag-enjoy kung ito ang kasama sa hapag? Baka hindi siya matunawan dahil sa p

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status