Share

THE CEO'S SWEETHEART
THE CEO'S SWEETHEART
Author: Grace Ayana

Prologue

Author: Grace Ayana
last update Huling Na-update: 2024-07-13 15:05:32

“Aray!”

Napahiyaw si Tashi nang sumigid sa paa niya ang kirot. Sa pagmamadali niyang maisuot ang sapatos ay aksidenteng bumunggo ang binti niya sa kanto ng mesita sa kanyang harapan. Namimilipit siya sa sakit. Pinaghupa niya muna ang kirot bago nagpatuloy sa ginagawa.

Gahol na siya sa oras. Wala nang panahon para indahin ang sakit.

Unang araw ng trabaho niya at nangangamba siya na baka ma-late siya. Baka makalikha pa siya ng bad impression sa magiging amo niya. Kaya naman, halo-halo na ang emosyon sa dibdib- kaba, takot, excitement.

Hinablot niya ang black tote bag na nakapatong sa sofa. Sinigurado niya munang naka-lock ang pinto at dala niya ang keycard ng condo unit na tinutuluyan at nakipag-unahan na sa paglula sa elevator. Ayaw niya sa pakiramdam na nakukulong sa loob ng elevator, pero kailangan niyang sanayin ang sarili sa magiging bagong pang-araw-araw na routine.

Pagbaba niya sa building, naghihintay na si Marie sa kanya.

“Masyado ba akong matagal?” nag-aalalang tanong niya sa babae.

“You’re just on time. Lika na.”

Pinasakay siya nito sa sasakyan at ilang saglit pa ay binaybay na nila ang daan patungo sa magiging bago niyang opisina.

“Relax. Hindi istrikto si boss.”

Paano ba siya magri-relax kung ni hindi pa niya kilala ang boss niya? Basta ang alam niya, may kalakihan ang kumpanyang papasukan niya dito sa mismong business district ng Makati. Kung gaano kalaki, ‘di na nag-elaborate si Marie. Pero sa naglalakahihan at nagtataasang mga gusaling nakikita niya ngayon, mahirap paniwalaan ang deskripsyon nito.

“And besides, hindi mahirap ang maging secretary, ‘no?”

Never in her wildest imagination na inasahan niyang magiging sekretarya. Matapos ang pautay-utay niyang pag-aaral sa kolehiyo, naburo na siya sa pagtatrabaho sa isang logistics company hanggang sa magsara ito. This woman seated beside her is a blessing. Kung hindi dahil dito, baka nangangapa pa rin siya hanggang ngayon sa paghahanap ng trabaho sa kanila.

“Tashi, relax.”

Tinapik pa ni Marie ang braso nya.

“You’ll be okay.”

Kinampante niya ang sarili, bumuga ng hangin at tumitig ng tuwid sa kalsada. Ilang taon din silang nanirahan dito sa lungsod noon, pero sa pagtira niya ng ilang taon sa probinsya, pakiramdam niya ay mangangapa siya ulit sa mas mabilis na takbo ng buhay na kailangan niyang sabayan ngayon.

“The drive between the condo and the office is approximately thirty minutes, pwera na lang kung mabigat ang traffic,” si Marie habang tsinek ang traffic light sa intersection na hinintuan nila.

“Hanggang kailan ba ako pwedeng manatili sa condo na ‘yon, Marie?”

Natawa na naman si Marie. Marie is free-spirited. Worry niya lang na baka mas hahanap-hanapin ng amo ang pag-uugali ni Marie. Baka hindi siya magustuhan ng boss. Tahimik siya at kadalasang nangangapa sa mga bagong kakilala.

“Kasama na ‘yon sa package ng trabaho mo, ‘no.”

Ang generous naman pala ng boss. Sana nga mabait ito gaya ng sinabi ni Marie. ‘Yong dati pa naman niyang amo, ubod ng sungit.

“Oh, here we are.”

Iniliko ni Marie ang sasakyan sa isang kalsada papasok sa isang sa tingin niya ay paikot na driveway na patungo naman sa harapan ng isang matayog at modernong gusali.

“Marie, dito talaga?”

Tumaas lang ang kilay ni Marie. “What’s wrong kung ito nga ang magiging workplace mo?”

Napatingin siya sa façade ng gusali. It was sleek. Modern ang architecture at malaking bahagi ang napapalibutan ng salamin. Malayong-malayo sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Kapansin-pansin ang TPI na nakapaskin sa isang bahagi ng building. It stood for Trans-Pacific Industries.

“Ano, ayaw mo nang bumaba?”

“Sorry.”

Nagmamadali niyang tinanggal ang seatbelt at umibis ng sasakyan. Habang nakatitig ngayon sa mga empleyadong papasok sa building, natanong niya ang sarili kung okay lang ba ang kabuuang ayos niya.

“Don’t worry, you look presentable. Modest but presentable.”

While long sleeves na isinuksok sa may kaluwangang trousers at one-inch heeled shoes. Ang buhok niya ay nakatali sa nakasaayan niyang pony-tail. Walang anumang tikwas sa tuwid na tuwid niyang maitim at mahabang buhok. Kahit hindi nakasanayan, siniguardo niyang may kulay ang mga labi niya.

Sana nga, presentable siya.

“By the way, ‘yang ID card mo, siya na ring magsisilbing electronic gate pass mo.”

Umagapay siya sa mabilis na paglalakad ni Marie hanggang sa makapasok sila sa revolving door. Kung maganda sa labas ag gusali, mas lalo pa sa loob. May malawak itong waiting area sa lobby. Sa isang bahagi niyon, may isang miniature design ng isang barko na naka-lock sa isang eskaparate. Napahinto siya sa paglalakad at napatitig doon na para bang wala na siyang ibang nakikita. Kasabay niyon ay ang tila pagbabago sa ritmo ng pintig ng puso niya. Bigla na lang sumigid ang kaba. That miniature ship reminded her of something…of someone in her past.

“Good morning, Miss Marie!”

Ang malakas na boses na bumati kay Marie ang umagaw sa kanyang atensyon. Para siyang nahugot sa malalim na panaginip. Habang nakikipagbatian si Marie sa kausap nito, malaya niya namang inilinga ang paningin sa paligid. Kinakabisado niya ang bawat sulok ng lugar na ito.

“Masyado ba akong matabil?”

“Sort of.”

Nagkatawanan silang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalulan sa elevator. Sa loob ay panay ang bilin ni Marie sa kanya ng lahat ng mga bagay tungkol sa magiging boss niya. Tungkol sa paborito nitong restaurant, sa oras ng pagpasok at pag-uwi. Bits and pieces about her unknown boss na matiyaga niya namang in-input sa maliit niyang notebook.

“Don’t bother writing all the notes in there. May iPad na i-issue sa’yo. Mas mabilis ‘yon at mukhang twenty-first century.”

“Okay.”

Itinago niya sa tote bag ang notebook at ballpen at tahimik na nakinig sa iba pang bilin ni Marie hanggang sa tumunog ang elevator, hudyat na na narating na nila ang destinasyon. Bumukas iyon at unang-unang tumambad sa mga mata niya ang magandang disenyo ng isang pader na kagaya sa lobby ay may naka-display na namang miniature boat. Tuloy ay mas kabado siya. Kapag nakakakita siya ng barko, lumilipad kaagad ang utak niya sa hindi naman masyadong malayong nakaraan.

“Hey, halika na.”

She was brought back to the present.

“Tashi, hindi pwede ang kabado rito ha. Mabait si boss pero ayaw niyon ng tatanga-tanga.” Pigil-pigil ni Marie ang pagsaradong muli ng elevator door.

Nakakahiya lang.

She composed herself and stepped outside. Sa unang pag-apak niya pa lang sa makintab na sahig ay nalula na siya sa ganda ng paligid. Napahawak siya sa handle ng tote bag. Para yatang nasusuka siya sa kaba. Paano ba ang kumilos sa ganitong paligid? Mali yata talaga si marie, hindi lang basta may kalakihan ang kumpanyang paglilingkuran niya.

“Ito ang penthouse. The entire floor is occupied by whoever sits as CEO. Pero si boss, hindi palaging naglalagi rito. In his own words, this place is superficial.”

“Mababa ba ang loob niya?”

“Kind of. Well, she works anywhere. Pwedeng sa condo niya, sa bahay, sa chopper o sa loob ng barko o jet. Depende kung nasaan siya. He is always on the go kaya dapat, hindi ka babagal-bagal.”

Marie toured her to the entire floor. Iisang bahagi na lang ang hindi nila pinasok, ang pribadong silid ng amo.

“And this would be your desk.”

Tinapik-tapik ni Marie ang ibabaw ng desk na hinintuan nila. Malapit iyon sa private executive office ng boss. Maliis na iyon, wala nang kahit anong gamit ni Marie na naiwan.

“Anong oras kaya siya darating, Marie? I mean, ang boss.”

“Any minute from now.”

Para na siyang maiihi na matatae. Hindi naman siya ganito kanerbyoso pero bakit parang ang buong sistema niya na yata ang naaalog? Para lang kasing iba ang pakiramdam na nakaapak siya sa floor na ito. Parang sinusuntok ng kaba ang dibdib niya.

Nagpaalam siya kay Marie na magbanyo muna. Wala naman siyang ibang ginawa sa loob kundi ang bumuga ng hangin at pagkukuskusin ang mga palad. Namumutla na nga ang mga ‘yon.

“Relax lang, Tashi. May mas challenging na mga eksena pa ng buhay mo ang nakaya mo kaysa sa humarap sa bago mong amo.”

Isang malalim na hugot ng hangin at nagdesisyon siyang lumabas na.

“She’s here already, Sir.”

Naratnan niyang may kausap si Marie. Isang lalaking nakaupo sa gilid ng magiging desk niya at nakatalikod sa kanya.

‘Ito na ba ang magiging amo ko?’

Sa kabila ng kaba, nagawa niyang pag-aralan ang kabuuan nito mula sa likuran. Bagama’t nakaupo, alam niyang matangkad ito. Nakikita sa haba ng mga biyas. Inaasahan niyang nakasuot ito ng executive outfit pero naka-polo lang ito ng itim na tinupi hanggang siko. This man had a strong, muscular physique. Malinis ang gupit ng buhok at mukhang amoy malinis ito. Bumaba ang tingin niya sa kaliwang kamay nito na nakasuksok sa bulsa ng pants nito at ganoon na lang ang pagkunot ng noo niya.

IWC Portugieser.

She wouldn’t forget that brand. Kahit na hindi niya kayang bilhin.

“I like this one better than those with gold or silver straps.”

Parang naririnig niya sa likod ng kanyang utak ang boses na iyon. Manly with its deep timbre and a subtle hint of playfulness that could charm and captivate everyone around him.

Including her.

Napatitig siyang lalo sa likuran ng lalaki. Ang paraan ng paghagod nito ng mga daliri sa clean-cut namang buhok. Ang lapad ng mga balikat, ang kisig…

‘No!’

Tinututulan ng utak niya ang hinalang nabuo sa isip. But then that familiar scent.

Napatungo siya, napakagat sa labi habang mahigpit na nahawakan ang gilid ng kanyang damit.

"Oh, here she is, Sir. My personal recommendation, Nastasha Maria Dizon. Hey, Tashi, come here and meet the boss."

Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Napatotohanan ang hinala niya.

She was locked eyes with those beautiful pair of eyes staring back at her. ‘Yong titig na parang nanunuot sa kaluluwa na nagpapaligalig sa puso niya.

“Nastasha…”

The man mumbled her name like it was meant not to be remembered. Nawala ang ngiti sa mukha ng lalaking nakatayo na pala ngayon at nakatitig sa kanya.

“Tashi, meet Sir Waldorf Carvajal, your new boss.”

Wade.

This man used to be a significant part of her life. He wasn't exactly a lover or a friend, but they shared many passionate nights together. Paano ba ang aakto sa harapan nito ng propesyonal? Paano ba ang maging kaswal sa mga oras na kasama ito? Bakit sa lahat ito pa ang magiging amo niya? Of all people.

The new boss was once almost her lover.

Kaugnay na kabanata

  • THE CEO'S SWEETHEART   Stranger

    “Late again, Miss Dizon.”Pangatlong beses na na laging huli ang pagpasa ni Tashi ng plate sa architectural design, isa sa mga subjects niya sa architecture. Natural na masita siya ni Professor Lima. Buti na lang at tinanggap pa nito ang output niya. Pinagsabihan na siya nito noong huli niyang submission pero heto na naman siya, late na naman.“Sorry po, Prof. Gagawin ko po ang lahat para on-time na ang submission ko sa susunod.” Kahit alam niyang hindi sigurdo pero nangako siya. Bukod kasi sa pag-aaral, kailangan niyang itawid ang paghahanap-buhay. Part-time cleaning at paminsan-minsang pagtatrabaho sa isang bar bilang isang waitress ang nakikipag-agawan sa oras niya.“You better be, Miss Dizon. This plate,” itinaas ni Professor Lima ang plate niya, “this could have been graded higher than what I must give you.”Nauunawaan niya. Unfair nga naman sa iba na mas on time kung matapos. Bawat araw niya sa university ay parang tumatawid siya sa manipis na lubid. Konting-konti na lang at bak

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Squeegee

    “That’s all for today. I am expecting your plates to be on my desk by next week.”Paulit-ulit niyang niri-replay sa utak ang sinabi ng professor ng pinakahuling klase niya kagabi. Niri-remind at mini-motivate niya lang naman ang sarili. Mabilis siyang bumangon at naligo. Tulog pa ang mga boardmates niya kaya, todo ingat siya na huwag magising ang mga ito. Actually, halos wala na siyang tulog kakagawa ng requirements. Lahat ng oras niya, dapat maayos na nagagamit. Hindi niya afford na maglustay ng panahon.Kahit isang segundo.Ang haba ng magiging araw niya ngayon. Cleaning lady hanggang mamayang alas tres at mamaya, i-extra na naman siya sa club kung saan nagtatrabaho rin si Marie. Habang nagbibihis, sinilip niya ang phone. Wala pa namang message si Marie. Mag-aalas siete pa lang naman. Masyado siyang maaga para sa alas otsong usapan. Sinigurado niya munang walang kalat na maiiwan sa desk at working table niya. Ang mga plates na natapos, nasa ayos na rin. Pinulot niya ang backpack at

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Drinks

    Kanya-kanya silang toka ni Marie sa paglilinis. Siya sa sala. ito naman sa kitchen. May professional glass cleaners naman na nagmi-maintain ng exterior ng glass wall kaya ang inner side na lang ang aatupagin niya. maliban sa ilang basyo ng beer at naiwang dalawang wine glasses sa center table, wala namang gaanong kalat sa loob.“Ang sinop din ng may-ari nitong bahay, ‘no?”“Naku, day, huwag mo munang sasabihin at baka signal number ten ang silid.”“Bakit naman?” tanong niya habang nilalabhan ang basahang gamit sa sink. Tapos na siya sa sala at patapos na rin si Marie sa paglilinis sa kusina. Ref na lang ang inaatupag nito. Nalinis na rin nito pati CR sa kusina. “Hoy, bakit nga?” Na-curious siya.Ngumisi lang si Marie. “Huwag ka nang maraming tanong at ayokong lagyan ng SPG ‘yang utak mo.”Nanulis ang nguso niya. “Bahala ka.” Lumabas siya ng kusina kasunod si Marie. Silid na lang ang natitira nilang lilinisin. “Nasaan na nga pala ang mag-asawa?” naisipan niyang itanong. Nakakamangha la

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Jeep

    Muli, niligtas siya ng lalaking ito sa isang hindi kanais-nais na sitwasyon. Right on time when she needed someone to stand for her the most, Sir Wade came and rescued her. The stranger suddenly got a name.Wade.“Keep it on my tab.”A stranger with that raspy baritone. Naligtas na naman siya sa kompromiso gamit ang pera nito. Nakakahiya. Nakakapanliit ng self-esteem at the same time. Dapat, may sasabihin siya sa lalaki- magpasalamat at humingi ng dispensa. Kaya lang, kanina pa siya natutuod at hindi malaman kung ano ang gagawin o sasabihin. Namumuro na pati mga kamay niya sa kakakuskos sa mga ito.“Including Chenny’s bill.”Matapos ng komosyon kanina, sapilitang dinala ng dalawang tauhan ang babaeng natapunan niya ng drink sa labas ayon sa utos din ng lalaking ito. Halos nagwawala na ang Chenny na ‘yon pero hindi rin umobra sa lalaki.“You wanna say something?”Napakislot siya ng wala sa oras. Pabigla na lang kasi itong lumingon sa kanya. Napaka-intimidating pa ng boses nito. ‘Yon ba

    Huling Na-update : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Book

    Tashi survived the week. Nabayaran niya ang renta sa boarding house. Hindi na siya nangangambang ma-evict anytime. Nakakapaglakad na siya ngayon na hindi kabado na baka makasalubong ang landlady. Kung may natira man siyang pera, maingat niya iyong ginagasta. Just in time sa susunod na padala ni Tita Loida.Kung kailan nito maisipan.Saka na muna siya magwo-worry. Igugugol niya muna ang buong isip sa pag-aaral. Sa araw na ito, buong umaga siyang nag-attend ng klase. Ang hapon niya naman ay ginugol niya sa library. May quiz sila sa Differential Calculus. Sa lahat, ‘yon ang masasabi niyang pamatay na minor subject. Sa silid-aklatan na rin niya tinapos ang isa pang plate sa Architectural Design. Wednesday, nasa dorm ang tatlo niyang kasama at hindi maiwasang maging maingay ang buong silid. Kailangan niyang makapag-concentrate.Saka niya naisip, cramming week ngayon, walang tulugan dahil papalapit na ang midterm. Ibig sabihin, bayaran na naman. Bago bumalik sa dorm, nakigamit muna siya ng

    Huling Na-update : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Meeting

    Just like that, pinasok niya ang trabahong mahigpit niyang inayawan noon. But desperate moments require a desperate measure. Ngayon lang naman. Pangako niya sa sarili, hindi na mauulit. Habang napapasubo sa ganitong ‘trabaho’, pipilitin niyang gawing tama ang tsansa na ibinigay ni Tita Cornelia sa kanya. Kahit pa nga binubugbog ng kaba ang dibdib niya at pinuputakte ng hiya ang sarili.Mula sa taxi’ng kinauupuan, bumaling siya sa labas ng bintana. The last twenty-four hours had been rigid. Sa loob lang ng maikling panahon, nag-transform siya bilang ibang babae. Ni hindi niya mapaniwalaan ang nakitang ayos sa salamin.Ang bilis lang ng mga pangyayari. Kahapon, dinala siya ni Marie sa malaking bahay ni Tita Cornelia. Ipinakilala at sinabi ang kailangan niya.“She’s fresh, innocent, alluring. Konting ayos lang at mas lulutang ang ganda mo,” si Tita Cornelia habang binabaybay ng titig ang kabuuan niya. “You could be our clients’ favorite.”“Dun…dun lang ako sa hanggang…companionship lang

    Huling Na-update : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Kotse

    Apektado siya sa presensya ni Sir Wade. Ang composure na dahan-dahan niyang na-build up sa harap ni Mr. Robinson kanina ay nangangambang maglaho.Nagkita lang naman sila ni Sir Wade nang ilang ulit, hindi pa nga malalim ang kanilang pagkakakilala. Gayunpaman, hindi siya mapakali.Hindi siya makagalaw ng tama. Tila lumulutang ang pakiramdam niya. Wari niya, hindi sumasayad ang pwet niya sa malambot na kutsong inuupuan. Umakyat sa napakataas na tuktok ang pagkailang hindi dahil sa hindi siya marunong gumamit ng mga kubyertos. Sa pag-aambisyon ng Tita Loida noon na umangat ang buhay, inaral nito ang lahat ng table etiquette at pati sila ay tinuruan. Naku-conscious siya dahil sa lalaking ito na nakaupo sa mismong tapat niya. Pakiramdam niya kasi, sinisayasat nito ang mga kilos niya.‘Tinitingnan ba niya ako?’Ewan.‘Ano kaya ang iniisip niya tungkol sa akin?’Marahil, masama.‘Hinuhusgahan niya kaya ako?’Malamang. Sumama siya sa isang matandang lalaki at ipinakilala pa bilang date nito.

    Huling Na-update : 2025-02-14
  • THE CEO'S SWEETHEART   Seatbelt

    “Seatbelt?”Natatarantang inabot niya ang seatbelt sa gilid ng upuan at dali-daling ikinabit sa katawan. Kaya pala hindi muna pinaandar ni Sir Wade ang kotse kasi natatanga na naman siya. Parang nagising sa mahimbing na pagtulog na mabilis na kumilos. Parang hindi na kakayanin ng sistema niya kung ito pa ang magkakabit niyon sa katawan niya. Baka mas lalong magwala sa pag-iingay at kaba ang dibdib niya. Nasa mukha pa naman nito na naiinis pa rin. Nasa manibela ang mga kamay pero inis na tsinek kung tama ba ang pagkakakabit niya. Dating taxi driver ang tatay niya, alam niya kung paano.Nang masigurong okay na siya, nagbigay ito ng tip sa valet at pinaharurot palayo ang kotse. Galit kaya ito? Ang bilis kasi ng takbo nila. Heto at mahigpit siyang napapakapit sa seatbelt at sa edge ng upuan. Sa minsang pagliko nito, halos sumubsob siya sa balikat nito sa lakas ng impact.Syempre, takot siyang magreklamo. Bakulaw kaya ang lalaking ‘to.“Damn!”Ang lakas ng mura nito. Para itong may kinayay

    Huling Na-update : 2025-02-14

Pinakabagong kabanata

  • THE CEO'S SWEETHEART   Yate

    Natapos rin ang madugong exam week sa wakas. Natapos ang buong linggo na wala si Sir Wade. Kung saan nagpunta, ‘di niya alam. Hindi naman sila ‘yong tipong nagtatawagan. May numero sila sa isa’t-isa pero nahihiya siyang mag-text. Basta pagkatapos ng gabing ‘yon, nawala na naman itong bigla kinaumagahan.Expected naman niya na.“Tashi, sama ka naman sa amin.”Lagi na lang siyang humihindi kapag nagyayaya sina Thea.“Grabe siya o, hihindi na naman.”Kinuha ni Thea ang bag niya at isinukbit sa balikat.“Thea…”“No buts, no ifs!”Mga babae lang naman ang kasama niya. Hindi naman siguro magagalit si Sir Wade. Kakain lang naman. Napatingin siya sa spot kung saan laging naghihintay si Mang Pancho. Masyado pa namang maaga at wala pa ito. ‘Di na rin masama na pagbigyan ang kaklase. Sa totoo lang, nakakakunsensyang gumasta nang alam niyang kailangang-kailangan ng pera ang pamilya niya.“Sige na nga.”Pinagbigyan niya na si Thea. Sa isang mall sila humantong at pumasok sa isang pizzateria. Lumul

  • THE CEO'S SWEETHEART   Mesmerized

    “Sir Wade!”Ang bilis niyang nakaahon sa kama at lumabas ng silid. Ang sala kaagad ang tinalunton niya. Walang katao-tao sa sala, maging sa garahe.“Umalis na ba?”Parang kabute na biglang sumulpot na lang si Sir Wade at bigla na namang nawala. Napabuntong-hininga siya. Humakbang pabalik sa loob na may pananamlay na yumakap sa kanya. Pagtapat niya sa kusina, nalingunan niya ang dining table na may nakapatong sa ibabaw. Napahakbang siya palapit doon. Ang ngiti ay ‘di maiwasang puminta sa kanyang mukha nya habang sinuyod ng tingin ang mga natatakpang mga pakain.“At least, nag-iwan ka ng pagkain.”Breakfast ang natatanging bakas na naiwan ni Sir Wade.Paglipas ng mga araw, hindi na naman nagpakita si Wade. Hell week officially started. Sa unang araw pa lang, halos hindi na siya makahinga sa back-to-back exams at submissions ng ilang projects. Idagdag pa ang mga umaagaw na requirements sa iba-ibang subject. May practical exams pa sa PE.“One down!” si Thea na tila nakahinga ng maluwag na

  • THE CEO'S SWEETHEART   Missed

    Buong gabi siyang ginulo ng halik na ‘yon. Buong gabing naiisip kung paano humagod ang mga labi ni Sir Wade sa kanya. Heto at kung anong oras na ay hindi pa niya natatapos ang ginagawa. Kahit sa paghiga niya para magnakaw ng ilang oras na tulog, nabubulabog ang isip niya. Naroroong magtatalukbong siya ng kumot, mapakagat sa unan o sa daliri. Tila lang kasi may nais kumawalang tili sa lalamunan niya.At the same time, naroroon din ang hiya.Nahihiya siya sa mga nanay at tatay. Nahihiya siya lalo na sa Tita Merriam. Kaya naman, atrasado rin ang balak niya na tawagan ito. Ang boses pa naman ng tita niya, napakamalumanay. Nakakakunsensya na ganito na ang mga ginagawa niya. Basta, okay na sa kanya na nalaman mula sa kapatid na nakalaya na ito. Ang susunod na kabanata na lang na pagtutuunan nila ay ang kasong kakaharapin nito.Kinabukasan paggising niya, hindi kaagad siya umahon sa kama. Nakiramdam muna siya sa paligid. Kung may mga kaluskos ba siyang maririnig mula sa silid ni Sir Wade o m

  • THE CEO'S SWEETHEART   Lesson

    Pagdating sa bahay, inayos niya kaagad ang takeout food na inorder ni Sir Wade para sa hapunan. Para raw hindi na siya maabala sa studies niya. Ililipat na niya sana sa mga sisidlan ang mga ‘yon nang bigla na lang siyang napatanga habang nakatitig sa bagong rolyo ng tissue sa countertop. Sa pinakagitna ng island counter ay may malaking basket na napupuno ng iba’t-ibang prutas.Nangunot ang noo niya kakaalala kung sinong namalengke. Pagbukas niya ng ref, natuklasan niyang ang daming laman niyon. Meat, poulty, fish, fruits and vegetables. Katabi ng canned juices ang sandosenang beer.“Matigas ang ulo mo. Ayaw mong mamili, so I brought the groceries home.”Awang ang mga labi niyang napalingon sa nakatayong si Sir Wade sa bungad ng kusina. Pumasok ito at nagbukas ng ref na kakasarado niya pa lang. Beer ang kinuha.“Ang dami naman ng supplies.”“Don’t worry, malakas akong kumain.”Maglalagi na nga siguro ito sa bahay. Madalas ding magkakasabay silang kakain.“Requirement ba na ipagluluto k

  • THE CEO'S SWEETHEART   Temporary

    Mag-aalas onse na pero nasa bahay pa rin si Sir Wade. Natapos na niya at lahat ang nakabinbing assignments pero hindi pa rin ito umaalis. Ang balak sanang pagtambay sa sala upang doon mag-aral para sa quiz, hindi niya nagawa. Habang nasa harapan ng study table, panay ang silip niya ritokay. Kaharap nito ang laptop at tila nalulukot na ang noo nito sa kung anumang binabasa. Wala naman siyang natatandaang may dala itong anumang gamit kanina ah. Pero bahay nga naman nito itong kinaroroonan nila at may office pa ito dito sa bahay, malamang, hitik sa gamit iyon ng lalaki.Bumalik siya sa ginagawa at tinapos ang paperwork.Hindi pa man umiinit ang puwet niya nang makarinig ng kalabog sa labas. Dali-dali siyang napasugod sa labas. Sa kusina pala nanggaling ang ingay. May nahulog na kung ano sa sahig. Sa countertop, may nakalapag ding pakete ng noodles at gumugulong-gulong pang lata ng beef loaf.“Aw! Shit!”Kalaking tao pero de lata lang pala ang katapat ni Sir Wade. Ang laking mama pero muk

  • THE CEO'S SWEETHEART   Taken

    She didn’t exactly know how she survived dinner. Basta natapos na napunan naman ang gutom niya. Matapos ang nangyari, at makalipas ang ilang sandaling pinaghupa ang nagwawalang dibdib, nadatnan niya sa kusina si Sr Wade, nakalukot ang manggas at kasalukuyang inilipat ang chinese takeout food sa mga sisidlan.“Dig in,” paanyaya nito sa kanya na parang walang anumang nangyari.Ang unfair lang, halos mamatay-matay na siya sa kaba at hiya pero balewala para kay Sir Wade ang halika na iyon. Siya itong eng-eng na hindi mapakali at panay ang pakiramdam sa bawat kilos nito. Every time na nagtatama ang mga mata nila, parang binabanat ang buhok niya sa anit. Parang nagsa-sommersault ang bituka niya sa tiyan. Kaya ba kapit na kapit ang mga babae rito kasi nga kahit simpleng halik lang, nawiwindang na ang diwa niya.Matapos kumain, siya na ang nagboluntaryong magligpit.“Sige na, ako naman. Nakakahiya na kasi sa’yo.”“Fine.” Isinarado nito ang gripo at nagpunas ng mga kamay. “We will talk later,

  • THE CEO'S SWEETHEART   Kiss

    Binubugbog na sa kaba ang dibdib niya. pinauupo siya nito sa mga hita nito. Napalunok siya. Napatingin siya sa mukha nito. Baka kasi nagbibiro lang ito.Seryoso ito.Pang-ilang ulit na niyang napalunok. Hindi siya sigurado kung anong klaseng upo ang gagawin. Paharap, patagilid, patalikod? Nevertheless, she sat on him.“Fuck!”Nagmura na naman ito. Ano na naman ba ang mali niya? Saka niya napagtanto, ang eskandaloso ng ayos nila. Umupo siyang nakabukaka ang mga hita at hawak ito nang mariin sa balikat. Kahit may pagitan ang mga katawan nila, still, ang sagwa kapag nakikita ng iba. Nakakahiya.Hinawakan ni Sir Wade ang baywang niya at halos mahigit na ang hininga niya. May kakapalan naman ang pajama top pero parang nanunuot sa balat nya ang init ng mga palad nito. In ust a matter of seconds, parang bulak siya nitong nahigit palapit pa rito. Para nang sasabog ang dibdib niya nang mapagtantong halos magdikit na ang kanila. ‘Yong kilabot na kanina pa nabubuhay sa sistema niya, mas lalong d

  • THE CEO'S SWEETHEART   Kaba

    Masarap na amoy ng pagkain mula sa kung saan nagpagising sa diwa niya kinabukasan. Napabalikwas siya ng bangon nang makitang mataas na ang araw sa labas.“Nasa kama na ako?”Sa couch siya natulog kagabi. Paggising niya ngayong umaga, nakamulatan niyang nasa malaking kama na siya ni Sir Wade. Nag-sleepwalking siya? O sadyang may naglipat sa kanya kagabi? Si Sir wade! Totoo pala at hindi panaginip ang lahat? Kung anu-ano pa ang sinabi niya kagabi.“Magsi-sex na po ba tayo, Sir?”Natutop niya ang bibig. Ang laswa ng mga sinabi niya. Nakakahiya. Pero teka! May nangyari ba sa kanila? Nakapa niya ang sarili. Walang nagbago sa sarili niya maliban sa tila gumagaang pakiramdam at suot niya pa rin hanggang ngayon ang damit na ipinahiram ni Sir Wade sa kanya.Malakas na kalansing ng kung ano mula sa kung saan ang narinig niya mula sa bahagyang nakaawang na pintuan ng silid. Dali-dali siyang bumangon nang hindi pinagkaabalahang silipin ang sarili o maghilamos. Basta niya itinali ang buhok at luma

  • THE CEO'S SWEETHEART   Hele

    Nilapag ni Sir Wade ang dalang brown bag sa ibabaw ng countertop at nagsimulang kumuha ng mga plato sa drawer. Ang bilis ng mga kilos nito. Parang nagmamadali. Siguro nga gutom na. Tinangka niyang tumulong pero nayayamot siya nitong nilingon.“Sit there,” turo nito sa isa sa mga upuan.Nabitin ang mga gagawin sana niyang paglapit dito at dahan-dahang umupo.“Sige po.”Tamang antabay na lang ang ginawa kung kailan ito matatapos. Marami-rami ring pagkain ang t-in-ake out nito. Naaamoy na niya ang sinigang, ang adobo at kung anu-ano pang ulam na isinalin na ngayon sa kanya-kanyang sisidlan. Pinagmeryenda naman siya ni Sir Rex kanina pero nagugutom na naman siya.In just a few minutes, nasa harapan na niya ang nakapaglalaway na mga pagkain. Pati kubyertos ay ito ang naglagay. Kumain na lang ang kailangan niyang gawin.“Hindi mauubos ang pagkain kapag tinititigan mo lang. Eat and enjoy the dinner, Tashi.”Paano ba mag-enjoy kung ito ang kasama sa hapag? Baka hindi siya matunawan dahil sa p

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status