Isang buwan na ang nakalipas simula nang ma-promote ako. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon, kaya sobra akong saya at thankful. Akala ko babalik na naman si Benedict sa pagiging walang reaction, pero hindi sobrang saya rin niya para sa akin.
Hindi ko na rin nakita ang janitor na nakausap ko sa rooftop. Hindi naman sa kung ano, pero ayoko muna siyang makita dahil sa nangyari. Pero wala pa ring katapusan si Ekang sa kaka-promote ng "walking ulam" niya na ‘yan. Kesyo minsan daw nakikita niya ito sa kumpanya. Hinahayaan ko na lang siya at pinapalabas pasok sa tenga ang sinasabi niya.
"Ang baho naman, Ekang," sabi ko sabay takip ng ilong nang buksan niya ang pagkain.
Agad naman siyang sumimangot sa ginawa ko.
"Hoy, babaita! Baka nakakalimutan mong paborito mo 'to? Sinigang ‘to, teh! Magic ulam natin ‘to! At saka ilang araw ka nang ganyan. Baka naman nasosobrahan ka na sa trabaho? Ilang araw ka nang nahihilo, moody, at nagsusuka," sabi niya habang ngumunguya.
Umirap lang ako at uminom ng tubig. Syempre, na-promote ako, ibig sabihin nag-level up din ang mga gawain ko. Pero hindi naman ako nagrereklamo, sadyang lahat na lang kasi napapansin ni Ekang.
Kinabukasan, hindi ko maiwasang hindi gawing big deal ang mga napapansin niya. Lalo na nang maalala kong hanggang ngayon, hindi pa rin ako dinadatnan. Hindi ko man maiwasan, pero bigla akong kinakabahan nang wala namang rason. Imposible, lalo na’t alam kong walang nangyari sa amin ni Benedict.
Pero habang lumilipas ang mga araw, hindi na ako tinigilan ni Ekang. Halata na rin ang pagbabago sa akin, kaya binilhan niya ako ng pregnancy test. Labag man sa loob ko, pero alam ko namang negative ang lalabas. Stress lang siguro ito kaya ako nagkakaganito.
Tumulo ang luha ko nang makita ang dalawang linya.
Paano? Ano’ng nangyari? Bakit?
Mahigit isang oras akong nanatili sa banyo, umiiyak habang nakatitig sa pregnancy test. Puro katanungan na hindi ko alam kung saan hahanapin ang sagot. Puro imposibleng what if’s.
"Sweetheart, okay ka lang ba?"
Napatigil ako nang marinig ang boses ni Benedict. Paano niya nalaman na nandito ako?
Sign na ba ito na dapat ko nang sabihin sa kanya? Sigurado akong sa tagal naming magkasama, alam kong hindi niya ako huhusgahan. Alam niya kung anong klase akong babae.
Pagkalabas ko sa CR, bumungad sa akin ang nagtatakang mga mata niya.
"Ano’ng nangyari?"
Nilibot ko ang paligid at siniguradong walang makakarinig sa amin.
"Puwede mamaya na lang sa kotse mo?" bulong ko.
"Huh? Hindi na. Dito na lang. Busy na ako mamaya."
Huminga ako nang malalim at dahan-dahang pinakita sa kanya ang pregnancy test. Hindi naman siguro masama ang naging desisyon kong sabihin sa kanya, lalo na’t si Benedict ito.
Pero nawala ang kampante kong naramdaman nang makita ko ang gulat at galit sa mga mata niya.
"C-Cheater!"
Napatigil ako nang bigla siyang sumigaw nang malakas, dahilan upang agawin ang atensyon ng mga kasamahan namin sa trabaho. Lumakas ang tibok ng puso ko at sinubukan siyang pakalmahin, pero lalo lang siyang nagsisigaw.
"Let me explain," pakiusap ko, pero malakas niya akong kinabig.
Kung anu-anong masasakit na salita ang pinagsisigawan niya, puro akusasyon. Napaluha ako at tila wala nang naririnig na bulungan sa paligid—maliban na lang sa mga masasakit niyang salita. Ang taong inaakala kong makakaintindi sa akin ang siya pang unang humusga.
Marami nang nanonood, at lalo pang dumami ang nakatingin nang lumapit ang head ng department namin.
"What is happening here?" seryosong tanong ng boss namin.
"Ma’am, niloloko po ako ng girlfriend ko!"
"Benedict naman..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ang head namin.
"Labas ang personal matter—"
"Iba't ibang lalaki po ang kasama niya palagi! Inside and outside the company! Imagine that—ang ganda-ganda ng title niya sa kumpanya, pero puwede pang ikasira ng reputation natin dahil sa panglalandi niya! This will affect the company!"
Mas lalo akong napahagulgol habang umiiling.
Halos lahat ng tao ay nagulat—at mas lalo pa nang ipakita ni Benedict ang mga printed pictures ko kasama ang ilan sa mga katrabaho namin. Mga larawan ko kasama sila, pati mga candid shots na kuha sa labas ng kumpanya. Mga walang malisya, mga aksidenteng nakakatabi ko lang, pero ngayon… naging ebidensya ng kasinungalingang akusasyon laban sa akin.
Tatlong araw ang lumipas simula nang matanggal ako sa trabaho—kasabay ng pagkawala ng posisyon ko sa kumpanya. Sinubukan kong kausapin si Benedict, pero hindi niya ako hinayaang makalapit. Wala akong ibang malapitan kundi si Ekang, na hindi ako iniwan. Hindi ko rin pinahalata sa dalawa kong kapatid ang problema na dala ko. Ayoko mai-stress sila at pati pag-aaral nila madamay pa. Alam ko na kaya ko pa naman at pipilitin na kakayanin. Dahil hindi lang ang mga kapatid ko ang kailangan kong isipin, kundi ang anak na nasa sinapupunan ko.
Nagpa-check-up na rin kami sa OB, at doon ko tuluyang natanggap ang katotohanang buntis talaga ako. Pakiramdam ko, para akong nananaginip. Ang bilis ng mga pangyayari.
Dahil nasa trabaho si Ekang, naisipan kong magpahangin sa labas. Patuloy padin ang Lola ni Ekang sa pagbantay sa tindahan. Buti nalang maliban sa naipon kong sahod may nakukuha akong pera sa tindahan kahit papano.
Pumunta ako sa isang convenience store dahil bigla akong natakam sa chocolate. Pagkatapos magbayad, naupo muna ako at pinagmasdan ang paligid. Doon ko napansin ang isang pamilyar na lalaki—ang janitor na kinainisan ko sa rooftop.
Napairap ako at binalak siyang hindi pansinin, pero nagtagpo ang mga mata namin. Napatingin ako sa iniinom niya… Starbucks.
Pumasok siya sa convenience store at naupo sa tapat ko na para bang ininmbitahan kong maupo.
"I didn’t see you these past few days in my—the company."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw din," sagot ko, pero iba ata ang naging interpretasyon niya at ngumisi.
"Well, I was busy outside the countr—company. Cleaning different buildings."
Tiningnan ko lang siya nang malamig. Umirap naman siya sa hangin at uminom muli ng kanyang Starbucks. Bigla siyang napatigil at napatingin sa iniinom niya.
"Ay, ninakaw ko lang 'toh."
Limang buwan ang nakalipas. Masasabi kong mahirap ang mga panahong iyon, lalo na’t buntis ako at ang kasalukuyang trabaho ko ay hindi ganoon kalakihan ang sahod, hindi tulad ng dati kong trabaho. Dagdag pa rito, nag-aaral pa ang dalawa kong kapatid. Ngunit kahit mahirap, hindi ko sila hinayaan na magtrabaho. Gusto man nilang tumulong, hindi ko sila pinayagan. Sa halip, bumabawi sila sa pamamagitan ng mga gawain sa bahay.Marami akong napasukang trabaho, pero buti na lang at malakas-lakas ang kita ng tindahan ko. Patuloy itong binabantayan ni Lola ni Ekang, habang si Ekang naman ay walang sawang tumutulong sa amin. Hindi ko alam kung paano siya nagkakaroon ng malaking pera, pero sabi niya, "Tsaka ko na ikukuwento kapag sureballs na." Gaga talaga!Samantala, si Benedict ay hindi pa rin ako kinakausap. Naka-block ako sa lahat ng social media niya, hindi sinasagot ang mga tawag at text ko. Ilang buwan ko rin siyang iniyakan. Hindi ko inasahan ang kanyang pagtataksil. Ang lalaking minahal
“Are you sure you're okay here?” nag-aalalang tanong sa akin ni Sir Kez. Dahil meron siyang pupuntahang branch ng kanyang small business at hindi pa raw niya alam kung kailan siya makakabalik. Kaya eto ang trabaho na gagawin ko dito. Parang mas more on tagabantay-bahay ang portion.“Promise po, okay na okay lang po,” nakangiti kong sabi. Tumango-tango naman siya. “But… my—I mean, that man will be staying here for the meantime.”Isa 'yan sa mga pinagtataka ko. Kaano-ano ba niya yung janitor na 'yun? Parang ang casual lang nila sa isa't isa.Pero nakakahiya namang magtanong, lalo na't kabago-bago ko pa lang dito. Masasabi ko namang okay pa naman ang araw-araw ko nung andito si Sir Kez, kasi parang hindi ako maloloko-loko ng janitor na 'yun. At oo, nakalimutan ko na ang pangalan niya.“Huwag po kayong mag-alala,” nakangiti kong sabi. Mga ilang minuto pa siyang naninigurado bago tuluyan na ring umalis. May mga bodyguard naman daw, pero hindi ko alam kung saang parte ng bahay sila naroroo
Ilang minuto na kaming naghahalikan ng lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit nadadala ako. Ganito ba talaga kapag buntis? Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ko. O baka magaling lang talaga humalik itong siraulong ito?Napasabunot ako sa buhok niya nang kagatin niya ang labi ko at sinipsip ang dila ko, hindi ko mapigilan na hindi mapaungol. Nararamdaman ko naman ang isang kamay niya na humahaplos sa katawan ko. Sa paghahalikan naming dalawa, parang may nangyari nang ganito, pero imposibleng totoo. Sa sobrang stress, nag-iinit ang katawan ko at kung ano-ano na ang naiisip ko.Humiwalay ako sa halikan naming at hinihingal na napatitig sa kanya. Napalunok ako nang makita kung gaano siya kinakain ng lust. Halatang-halata mo sa mga mata niyang parang gutom na gutom.Napatingin ako sa labi niyang namumula at nakabuka ng kaunti. Akala ko ay tapos na, pero hinalikan nanaman niya ako at agad naman akong nagpaubaya.Napaungol ako ng malakas nang panggigilan niya ang dibdib ko. Hindi man ak
“Ano ba naman itong pinag-oorder mo?” nakasimangot kong tanong ng makita ang napakaraming kahon sa tapat ng gate.Sinilip ko siya sa likuran ko na naglalakad papunta sa akin, walang suot na pang-itaas at naka-sweatpants na gray. Kaya hindi maiwasan na hindi… bumakat, nevermind.“If you say thank you, mas matutuwa pa ako.” Tinaasan ko siya ng kilay.“May sanib ka na naman ba? At bakit naman ako magpapasalamat?” Tinawag naman niya ang mga bodyguard ni Sir Kez at inutusan ang mga ito. Akala mo naman siya ang boss.Ang lakas talaga ng sanib. Napailing na lang ako at dahan-dahang naglakad papasok sa bahay. Umupo ako sa sofa habang hinahaplos-haplos ang tiyan ko.“Palaki na ng palaki ang baby ko ah,” malambing kong bulong habang nakangiti nang malaki. “Put it here.”Napaangat naman ako ng tingin nang makita ang lalaking walang pang-itaas habang tinuturo kung saan ipapalagay ang mga kahon na pinabili niya. At nang makuntento na siya sa kung ano ang pinalagay sa mga bodyguard, pinaalis niya n
“You know what, we’re so bored here.” Umirap ako habang patuloy sa pagdidilig. “Kung ikaw, oo. Ako hindi. Paalala ko sa’yo, buntis ako at hindi pwede sa mga kalokohan.” “What if… what if we kiss again? See, we won’t get bored.” Ang dami nanamang naiisip nito. Isang linggo na ang nakalipas, pero pakiramdam ko kabisado ko na ang ugali ng isang ito. Parang sanay na sanay na ako sa mga lumalabas sa bunganga niya. Katulad na lang ngayon. “Halikan mo ang pader.” “We're both single. And it might help you to forget your lil ex.” Tinutok ko sa kanya ang hose kaya saglit siyang nabasa. “Gising ka na?” Akala ko maiinis siya, pero bigla siyang tumayo at tinanggal ang white t-shirt niyang nabasa. Kaya halatang halata ang abs niya sa loob. Pinatay niya ang gripo at lumapit sa akin bago hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. “I wanna taste those sexy lips again,” bulong niya. Naiinis ako sa sarili ko ng makaramdam ng init sa katawan. Kalma, Kiara. Normal sa buntis ang ganito. Saktong yu
“Pwede ba? Naglilinis ako dito, mamaya ka na sa kakahalik mo.” Inis kong siniko siya.Dahil nag-text na kasi sa akin si Sir Kez na pabalik na siya. Kaya syempre, kailangan magmukhang malinis ang bahay na pinag-iwanan niya. Tapos itong lalaki naman na ito, simula nang pumayag ako, walang oras na hindi kami naghahalikan. Parang pakiramdam ko nga namamanhid na ang labi ko sa panggigigil niya. Ako naman, feel na feel ang init ng katawan.Ewan ko ba, simula nang mapunta ako dito at dahil sa pagbubuntis ko, nagbabago nalang ako ng biglaan. Pero sinabihan ko ang lalaking ito na kapag andiyan na si Sir Kez, balik na ulit kami sa dati. Mahirap na, baka katulad sa pinagta-trabahuhan ko dati, ma-issue ako at matanggal. Hindi na pwede, lalo pa’t nasa college na ang kapatid kong si Maru, senior high school naman si Tania. Malaki-laking pera na ang kakailanganin nila.“Come on,” bulong niya sa tenga ko mula sa likuran habang hinahalik-halikan ang leeg ko.Jusko, eto na naman po tayo. Hinaplos-haplo
“Why am I not allowed to go home early?” Nakangisi sabi ni Sir Kez. Yumuko naman ako bilang paggalang. Samantalang ang lalake na ‘to ay nakasimangot. Kung makaasta, akala mo anak siya ni Sir Kez. “Mabuti naman po at nakauwi kayo ng ligtas,” magalang na sabi ko. Sinilip ko naman ang katabi ko na nakasimangot pa rin. “Ikaw, Kvein. Hindi mo ba ako babatiin?” umirap muna ito bago pekeng ngumiti. “You should enjoy your stay there.” Pagkasabi niya nito, umalis na siya. Siraulo talaga. “Anyways, ganyan talaga ang batang ‘yan. Okay naman kayo dito nang umalis ako?” Bigla akong nakaramdam ng hiya. “O-Opo,” tumango-tango naman ito. “I need to rest. Ikaw din, you should get some rest.” Dahil wala na ring gagawin, naisipan kong magpahinga na nga lang din sa kwarto ko. Sakto namang tumatawag si Ekang sa cellphone ko kaya agad ko itong sinagot. “Hello, Ekang. Musta?” “Ikaw, kamusta ka diyan? Hindi ka naman nila inaapi?” Natawa ako bigla. Kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na mabait
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na andito na si Sir Kez, lalo na tuwing nakikita ko ang busangot na mukha ni Kvein. Parang bata talaga. Katulad na lang ngayon, kumakain kami ng tanghalian habang nakaupo si Sir Kez sa gitna. Magkatapat naman kami ni Kvein. Kanina pa kami nag-uusap ni Sir Kez tungkol sa kung ano-ano, pero siya'y tahimik lang habang kumakain.“We should visit an OB this week.” Napatigil ako sa pagsubo at napatingin kay Sir Kez. “Po?” “Malapit ka na mag-6 months. You should have check-up every month. Don’t worry, hindi ko ikakaltas sa sahod mo,” nakangiti niyang sabi sa akin. Napahaplos naman ako sa tiyan ko. Sino ang hindi tatanggi sa ganyang offer? Para sa anak ko, sige. “Maraming salamat po, sir. Kung busy po kayo—“ “No worries, there is always time for rescheduling—“ hindi na natapos ang sasabihin ni Sir Kez ng pinutol ito ni Kvein. “I’ll come with her,” malamig niyang sabi na ikinangiti ng malaki ni Sir Kez. “Much better.” Hindi na nasundan pa ang usapan t
Napahiwalay ako kay Kvein nang marinig ang pinto na bumukas. Paglingon ko, si Maru na kakauwi lang galing school. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan naman ni Kvein ang pisngi ko. Napakunot-noo si Maru nang makitang umiyak ako kaya agad niyang sinarado ang pintuan at lumakad papunta sa amin ni Kvein."May problema ba, Ate? May...may masakit ba sa'yo? Ano na naman ang ginawa ni Benedict?" Mabilis akong umiling nang marinig ko ang takot at galit sa boses niya.Bumuntong-hininga muna ako at hinaplos ang pisngi niya. "Nakwento ko lang kay Kuya Kvein mo yung buhay natin noon." Natigilan naman si Maru sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. "Akala ko tungkol na naman kay Benedict.""Ang aga ata ng uwian mo ah." Pagbabago ko ng usapan at agad naman siyang naupo sa katabing sofa."May pinatapos lang kasi sa amin, Ate. Kaya tinapos ko agad kasi gusto ko nang makasama ka agad." Napangiti ako sa sinabi ng aking kapatid."Did you eat already? Or do you want to eat something?" tanong ni Kvein na agad na
Halos isang linggo na kami dito sa bahay at sa araw-araw na dumadating, sinisigurado ko na sulit na sulit ito. Pero kahit naman gusto kong magkasama kami buong araw, alam ko na hindi pwede, kasi may mga pasok pa sila. Kaya habang wala pa sila, ang ginagawa ko naman ay kalikutin ang buong bahay, naghahanap kung ano ang pwedeng ipaayos o pwedeng linisin.Pero siyempre, hindi ko iyon magagawa kasi halos lahat ng dapat kong gawin ay si Kvein ang gumagawa. Hindi ko maiwasan na hindi mapaluha habang pinagmamasdan ko ang bahay na ito. Sa bawat sahod ko, simula sa pinakaunang trabaho ko, paunti-unti akong nag-iipon para sa bahay na ito. Nakatira kami sa isang subdivision na hindi naman mahal.Maliit pa ang bahay na ito noon. Kasi once na bayad ka na sa bahay, pwede mo na siyang palakihin o ipagawa ng gusto mo. Kaya ang inuna ko muna ay pag-ipunan ang monthly na bayad sa bahay. Hanggang sa napunta ako sa dating kumpanya na pinapasukan ko. Nakaipon at nabayaran na.Paunti-unti, pinapaayos ko an
“Ate, ang gaganda naman ng mga damit dito. Ang mamahal pa,” bulong ni Tania habang nakahawak sa braso ko.Napagpasyahan kong dalhin sila sa mall para bumili ng mga kailangan at syempre kahit papaano ay mga gusto nila, kasi minsan-minsan lang naman. Nasa isang menswear store kami at tinutulungan ni Kvein si Maru na mamili ng kung ano-ano. Ako naman ang magbabayad; napag-usapan na rin namin 'yan ni Kvein kanina bago umalis.Kasi syempre itong lalaki na 'to hindi naman pumasok sa trabaho, tapos pabawas na ng pabawas ang savings niya dahil sa amin. Kaya agad kong ibinigay kay Maru yung debit card ko para siya na ang pumunta sa cashier.Habang busy ang dalawa, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang ilang babae na nakatingin kay Kvein; yung iba pasulyap-sulyap lang, habang yung iba ay nakatitig at palihim na pinipicturan.Okay lang 'yan, hanggang tingin lang naman sila—Kiara, ano na namang iniisip mo? Girlfriend? Girlfriend?“Maru, pumunta ka na sa cashier.” Hindi ko napansin na nasa harap k
Pagsapit ng gabi, bigla akong na-stress kung saan matutulog si Kvein. Kahit na magaan na ang loob sa kanya ng mga kapatid ko, nahihiya pa rin ako na sa isang kwarto kami matutulog. Ewan ko ba, feeling virgin ang momentum ko pero hindi ako mapakali.Pinagmamasdan ko silang tatlo na nagkukwentuhan. Parang close na close na sila. Tinignan ko naman ng matagal si Kvein, hindi plastic ang pakikitungo niya sa mga kapatid ko. Parang matagal na niyang kilala.Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag ganito. Yung magkakasundo yung mga mahal mo sa buhay. Hindi napipilitan para lang magpalakas sa akin. Kasi kay Benedict, ni minsan, never ko pa silang nakitang tatlo ganito. Parang bihira pa ngang magkaroon sila ng salitan na usapan. Kadalasan, mga di pa nga tatagal ng limang segundo yung usapan nila.Kasi noon pa man, pinapakita na sa akin ng mga kapatid ko na ayaw nila kay Benedict. Masama raw ang kutob nila at minsan, inaattitude-dan sila. Masakit dahil mga mahal ko hindi magkasundo. Kaya hindi
“Atee, di mo naman sinabi na uuwi ka. Edi sana nakaluto ako,” agad kong sinabi at niyakap si Maru. Mas gumwapo itong kapatid ko na 'to ah. “Hindi na, may binili ang Kuya Kvein niyo na makakain natin ngayong tanghalian,” nakangiti kong sagot. Tama naman ang term na ginamit ko; mamaya mag-iinarte na naman kasi ang isa diyan.Sumilip naman si Maru kay Kvein, binalik ang tingin sa akin, at ngumiti. “Nasa magandang kamay ka, Ate.”Huh? Bigla akong napakunot-noo sa sinabi ng kapatid ko na 'to. Sinilip ko si Kvein na nakikipagkwentuhan kay Tania. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti, kahit palagi kami nagkakainisan at tanging sa landian lang kami nagkakasundo, masasabi kong komportable akong dinala ko siya dito sa bahay namin. Masaya akong magaan ang loob ng mga kapatid ko sa kanya.Lalo na’t alam kong nasaktan at nagalit din sila sa nangyari kay Benedict, kaya hindi ko inaasahan na tatanggapin agad nila si Kvein kahit hindi pa nila lubos na kilala.“Paano mo naman nasabi?” tanong ko kay M
Masayang-masaya ako habang nag-aantay kami ni Kvein ng pagkain dito sa isang restaurant. Hindi naman kasi talaga ako madalas mag-day off. Lalo na't sobra ang pag-iingat ng mga kapatid ko sa akin. Pansamantala kaming nag-uusap palagi sa Messenger. Kaya sobrang saya ko nang napag-isipan ni Sir Kez na mag-stay ako sa bahay ko muna habang wala pa siya.Napalingon ako kay Kvein na abala sa kanyang cellphone habang nakakunot ang noo. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano napa-oo si Sir Kez na sumama sa akin dito. Napairap na lang ako ng maalala ang pagtatalo nilang dalawa."No, I’m coming with her." Parang naiiyak si Sir Kez nang makita niyang may dalang maleta. "We already talked about this, Kvein." Napalingon ako kay Sir, na parang sukong-suko na siya kakapilit kay Kvein na huwag bumuntot sa akin."No," nakasimangot na sagot ni Kvein. Parang bata. Hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko. Excited na akong makaalis kasi syempre, sayang ang oras. Gusto ko nang mayakap ang mga kapatid k
“What? Don’t tell me you’re ashamed?”Sinilip ko si Kvein na may mapaglarong ngisi sa labi na parang tuwang-tuwa.“Gaga ka ba? Si Sir Kez 'yun. Boss natin,” sabi ko at binato siya ng unan. Tawa naman siya ng tawa. At nang mahimasmasan na siya sa kaligayahan niya, inabot niya sa akin ang kamay at naiinis na tinanggap ko naman iyon.“Boss mo lang.” Umirap na lang ako. Wala namang sisisihin dito. Nasarapan din naman ako.Napanguso na lang ako sa iniisip at umiling bago sabay na lumabas ng kwarto ko kasabay ni Kvein. Bawat hakbang, lakas ng tibok ng puso ko ang naririnig ko. Kinakabahan ako. What if madismaya sa amin si Sir Kez? I mean, nakakadismaya naman talaga. Hindi naman niya kami… I mean ako lang pala, boss ko lang daw e. Hindi naman niya ako binabayaran para lumandi. Tapos ko naman na ang trabaho ko pero nakakahiya pa rin! Boss ko, narinig ang mga ungol ko?Napalunok ako ng makitang nakaupo si Sir Kez sa sofa na walang expression sa mukha.Eto na nga ba ang sinasabi. Sapul ka talag
“Grabe! Maniniwala ka kaya sa sasabihin ko?” kinikilig na sabi ni Ekang. Ka-video call ko siya habang nagluluto ng tanghalian. Wala pa si Sir Kez kasi may aasikasuhin daw sa negosyo niya. Wala rin si Kvein at hindi ko alam kung bakit wala. Kaya nagluto na lang ako just in case kung sino man ang gustong kumain mamaya. Sakto naman, panay tawag ni Ekang at may maganda raw siyang ibabalita. “Ano naman yun?” tanong ko habang hinahalo ang niluluto ko.“Ganito kasi yan, papasok na sana ako kanina nang hanapin ako ni Tania. Una, kabado pa ako sa benta, teh, kasi yung sigaw ni Tania hindi normal…. So ako naman, dali-daling pinuntahan si Tania. Tapos agad niya akong hinatak sa labas ng bahay niyo…Mygad, teh! Akala ko nananaginip ako…pero, shems, hindi. Nasa tapat talaga ng bahay yung apo ng boss natin!” Dahil sa sinabi niya, nabitawan ko ang sandok na hawak ko at kinuha ang cellphone na sinandal ko muna. “Anong sinabi mo? Apo ng boss natin? Bakit?”Sinilip ko muna ang niluluto ko, at salamat
“Atee! Musta?” Napangiti ako ng makita ang maligayang mukha ng kapatid kong si Tania habang nag-video call.“Okay naman, kayo? Musta kayo dyan…si Kuya Maru mo?” Napanguso siya saglit bago sumagot.“Nahihiya raw po siya sa inyo, Ate. Pero nung nabasa niya ang lsm mo, ayun, maliwanag na ulit ang mukha niya.” Natawa naman ako bigla sa sinabi ni Tania, salamat kung ganun.“Oo nga pala, Ate. Nabigla po talaga kami nung una sa mga bodyguard. Hindi ko naman inakala na ganun ang bodyguard na ipapadala ng katrabaho mo.” Dagdag niya.“Bakit? Normal na guard. Yung mga nasa mall o mga building, ganun. Yun kasi ang sabi ng katrabaho ko sa akin e.” Kumunot ang noo ko dahil dun. “Hindi, Ate! Promise, kung makita mo lang. Parang mga pang-mayaman, ganun.” Pinanliitan ko lang si Tania ng mata bago bumuntong hininga. “Basta ang importante, safe kayo dyan.”Ilang oras pa kami nag-usap ni Tania bago niya binaba ang tawag dahil may pasok na raw siya. Malaya na akong makagalaw kasi tapos na ako sa daily