SINUNDAN ni Halina nang tingin ang second hand ng magarang wall clock nila sa room. Pagtingin niya sa relong pambisig niya, mga twenty seconds na lang bago mag-dismiss ang professor nila sa subject na Data Structures.
Kasalukuyang kumukuha si Halina ng Computer Science ngayon dito sa unibersidad malapit sa kanila. Wala namang question ang magulang niya sa kursong kinukuha nila. Sabi ng Daddy niya, natutunan naman ang pag-manage ng business kaya hindi kailangang business course ang kunin niya. Kaya Computer Science agad ang kinuha niya.
Actually, may rason kung bakit ito ang kinuha niyang kurso. Hindi naman ano ang dapat na itanong sa kanya. Sino. Sino ba ang dahilan kung bakit CS ang kinuha niyang kurso. Dahil lang naman sa lalaking nakilala niya noong 4th year high school siya. Iyon kasi ang kurso na gusto nito ayon sa babaeng kausap nito. At hindi niya akalaing makikita rito ang lalaking iyon. Kaya masaya lagi ang araw niya sa unibersidad na ito.
“Tic…” Sumilay ang magandang ngiti kay Halina nang sabayan ang second hand minute. “Tac…” dugtong pa niya nang makitang tumapat sa 3 o’clock ang relo.
Nagkatinginan ang mga kaklase ni Halina sa kanya nang bigla siyang tumayo. Ganoon din si Mr. Bustamante kaya napangiwi siya.
“Yes, Miss Hernandez?”
“S-sir, time na?” alanganin pa siya ng mga sandaling iyon dahil may hawak pa na libro ang guro niya.
“Time?” Tumingin pa ang guro sa relong pambisig nito. “If I remember, majority sa inyo nag-agree na mag-extend ng ten minutes dahil sa topic natin. Kaya bakit ka tumayo, Miss Hernandez? Hmm?”
Aw! Wala siyang narinig kanina.
Napatingin siya kay Pia nang hilahin siya nito paupo.
“Kakasabi ko lang sa ‘yo na mag-extend tayo, tumayo ka naman,” pabulong na sabi ni Pia sa kanya.
Inilapit ni Halina ang sarili dito. “Hindi ko nga narinig.”
Tumaas ang isang kilay ni Pia. “Talagang hindi dahil sa wall clock ka nakatingin.”
Kumamot na lang si Halina. “Are we good, Miss Hernandez?”
“Yes, sir,” walang buhay niyang sabi, sumandal din siya at nakinig na lang dito hanggang sa i-dismiss sila nito.
“Library tayo?” tanong ni Pia sa kanya.
Umiling si Halina. Nagmamadali siyang nagligpit ng mga gamit at pagsuot ng bag.
“May pupuntahan lang ako. P-pero kung hindi ko makita ang sadya ko, sunod ako. Alright?”
Tumango si Pia sa kanya.
Si Pia ang isa sa kasundo niya sa mga kaklase. Hindi niya naman masasabing close sila, pero lagi silang magkatabi kaya sila ang laging magkasama. Sila rin nagkakasama sa groupings.
Isa lamang si Pia sa scholars sa unibersidad na ito. Isa itong football team player kaya nakakuha ito ng scholar dito. Pero mula ito sa simpleng pamilya. At siya lang daw ang kumakausap dito. Well, sabi niya nga, sanay siya sa hirap kaya kahit sino kinakaibigan niya. Pero hindi close na close, huh. Wala pa kasi siyang maituturing na close friend. Friend lang.
Natagpuan ni Halina ang sarili sa labas ng computer laboratory. Kakabukas lang din noon kaya nakita niya ang ilang estudyante na naroon. May mga papalabas at merong mga nakaupo lang. Isa na ang hinahanap niya sa papalabas kaya napaayos si Halina nang tayo.
“Hi, Goddy!” ani ni Halina nang magtama ang mata nila ng binata.
Si Goddy ang tinutukoy niya kanina. Ito ang dahilan kung bakit kursong Computer Science ang kinuha niya.
Tumango lang sa kanya ang binata bilang pagtugon. Hanggang ganoon lang talaga ang pakikitungo nito. Pero ayos lang sa kanya.
Nang maalala ang pagkaing pinabili niya sa driver niya ay kinuha niya iyon. Kasalukuyang humahakbang na ito palayo sa kanya.
Mabilis na hinarang ni Halina ang sarili kay Goddy nang mailabas ang pagkain.
“Para sa ‘yo, o. Sobra kasi ang pinadala ni Mommy. Sayang naman kasi kung itatapon ko,” nakangiting sabi niya rito.
Nagbaba nang tingin ang six-footer na si Goddy hawak ni Halina. Sa taas nito, medyo nakatingala siya rito. Para talaga itong basketball player. Kaya talagang tinanggap ito sa Basketball. Hoggers ang pangalan ng basketball team nila dito sa Avelino University. Anak ito ng Janitor nila dito. At namana nito ang height nito sa ama. Sobrang close rin nito sa mga gurong nagtatrabaho rito, maging sa Dean ng university. Kaya siguro naging scholar din ito.
“Salamat, Miss.” Sabay kuha nito.
“Halina. Halina Hernandez, Goddy,” paalala na naman niya rito.
Sa ilang beses na paglapit niya rito, nabanggit na niya ang pangalan niya, pero di pa rin nito magawang banggitin ang pangalan niya.
“Salamat ulit dito. Mauna na ako,” pagkasabi nito ay humakbang ito palayo sa kanya. Wala na siyang magawa kung hindi ang ihatid ito nang tanaw.
Masaya na siyang kinuha nito ang pagkaing binigay niya. Sana naman mabusog ito.
May isang subject pa sila kaya nagpasyang pumunta na lang si Halina sa library. May isang subject silang kailangan niya ng research kaya pumunta na lang siya doon. Meron din naman sa internet pero kumpleto rin ang nasa library nila. Digital na rin kaya walang problema.
Napatigil si Halina nang makita si Goddy. Huminto ito sa mismong harap ni Pia. Hindi pa pala ito nakakapasok sa library.
“The heck,” anas niya nang makitang inabot ni Goddy ang pamilyar na paper bag. Agad namang kinuha iyon ni Pia ar tiningnan ang loob.
Naningkit ang mata niya nang kunin ni Pia ang nasa loob na burger at kinagat iyon. Tinaas pa nito sa harapan ni Goddy at pinakita kung gaano kalaki ang kagat nito. May pa-okay sign pa ito habang nakangiti.
Akmang hahakbang siya palapit nang may pumigil sa kanya.
“Sumabay ka raw sa akin mamaya.”
Sumimangot si Halina bago nilingon ang nagsalita.
“No, thanks.” Imbes na tumuloy, tumalikod siya at naghanap ng matambayan.
“Pinuntahan mo na naman siya?”
Napapikit si Halina nang marinig na naman ang boses ni Kalei.
“You’re annoying me!”
Nakangisi si Kalei nang sulyapan niya. Tumabi ito sa kanya.
“Manhid ka ba?” tanong ni Kalei sa kanya. Hindi tuloy nawala ang pagsimangot niya.
“Ikaw, manhid ka ba? Ayaw kitang kausap.” Inirapan pa niya ang kakambal.
“Ilang beses na kitang nakikita na nilalapitan ka niya pero hindi ka niya kinakausap nang matagal. Kapag ganyan, hindi ka niya type, Halina.”
“Pwede bang paki-zipper ng bibig mo? Ang sakit mo magsalita.”
“Well, kailangan mong tanggapin kahit na masakit. Move on, Halina. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Dapat kang matuwa because I found you beautiful. Smart ka. But, um, tanga pagdating sa bagay na ‘to.”
“So, kailangang ipamukha sa akin, huh? ”
“Yes. Para magising ka.”
Sa sobrang inis ay nagpapadyak siya ng paa bago iwan ang kakambal. She found herself sa likurang bahagi ng building. Tumambay siya doon para magpalipas nang inis sa kakambal. At nag-iisip din siya nang paraan kung paano siya mapansin ni Goddy.
Nang sumunod na araw, bago siya pumasok sa unibersidad ay pinapadaan niya ang driver niya sa bahay nila Goddy. Nakita niya ito at niyakag na sumakay pero tumanggi ito.
Lagi siyang tinatanggihan nito kahit ng mga sumunod na araw. Pero hindi siya sumuko. Kahit sa pagkain, binibigyan niya ito. Hindi man lang kasi niya ito nakitang kumakain, kaya sinasabay niya sa pag-take out.
“Masarap ’yan!” aniya nang iabot ang slice ng cake na naka-microwavable container.
“Hindi ka ba nagsasawa kakabigay sa akin, Miss?”
“Paano ako magsasawa? Hindi mo pa magawang tandaan ang pangalan ko. I’m Halina— Halina Santillan Hernandez.” Sabay kindat dito pero tinaasan lang siya ng kilay ng gwapong binata.
“Nagmamadali ako kaya kukunin ko ulit.”
“Okay—” Biglang umalis na nga si Goddy sa harapan niya. Naiwan na naman siyang nakangiti.
At least, kinuha nito.
Halata ang saya sa labi niya nang bumaba ng building na iyon. Nakasalubong niya ang kakambal pero hindi niya ito napansin, kaya pumitik pa ang kamay nito sa harapan niya nang harangin siya.
“Saya natin, a. Bakit? Kinuha niya ulit ang binigay mo?” may pang-aasar ang himig ng kakambal.
“Yes. At dyan magsisimula ang aming love story.” Nangangarap pa siya ng mga sandaling iyon habang nakatingin sa kawalan. Nakangiti dahil sa magandang simula na naisip niya.
Napatingin siya kay Kalei nang tumawa ito nang malakas.
“Ilang beses mo na siyang binigyan. Ang tanong, kinain ba niya?”
“Naman! Sila ang tipong hindi magsasayang ng pagkain!”
“Ah. Okay. So, ano ’to?” Sabay pakita sa kanya ng cellphone nito. Mayamaya ay pinindot nito ang play button ng video.
Literal na natigilan si Halina nang makita kung sino ang umubos ng binibigay niya kay Goddy. Walang iba kung hindi si Pia. At ang video na iyon, compilation ng same scene kung saan inaabot ni Goddy ang mga pagkaing bigay niya at pinapakain sa kaklase.
“Now, sagutin mo ako. Kinakain ba ni Goddy?”
“K-Kalei…” Sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kakambal.
Namalayan na lang ni Halina na hila-hila siya ni Kalei papunta sa canteen. At doon, nakita niya si Pia at Goddy na magkasabay na kumakain. Iba ang hawak ni Goddy pero ang kay Pia, ang slice ng cake na binake pa niya.
All this time, akala niya kinakain ni Goddy ang mga bigay niya nang palihim. Umaasa siya rito. Oo, nakita na niya noon na binigay niya kay Pia, pero binalewala niya iyon sa pag-aakalang nagkataon lang iyon. Pero ngayon, hindi.
Sapo ni Halina ang dibdib nang talikuran ang mga ito. Nakasunod si Kalei sa kanya, panay ang salita pero hindi niya naririnig.
Pero kahit na ganoon, hindi siya sumuko. Mas lalo niyang pinag giitan ang sarili kay Goddy. Dumadalas ang pag-aabang niya rito para bigyan ito ng pagkain, kinukuha naman nito. Hindi na niya nakita na binigay nito kay Pia kaya baka nakita na nito ang kahalagahan niya. Saka sinundan niya si Pia isang beses, hindi man lang niya nakitang hinatid o pinu-pursue ito ni Goddy.
Nang sabihin niya sa driver niyang dadaan sila bahay nila Goddy, kumontra ito dahil male-late na siya, pero siya pa rin ang nasunod.
Agad niyang binati si Goddy at inalok na sumakay pero tinanggihan siya nito. At hindi niya inaasahan na tatanungin siya nito sa kanyang intensyon sa pagbigay ng pagkain lagi, maging ang pagpunta rito.
“Isn’t it obvious? I like you, Goddy.”
“Pero hindi kita gusto, Miss Hernandez. Si Pia ang napupusuan ko…”
Ilan lamang ’yan sa sinagot ni Goddy noong una na ikinakirot ng dibdib niya. Sinabi pa niya rito na handa niyang iwan ang maalwang buhay kung naiilang ito sa status nila subalit sinagot siya nito na hindi nito kayang turuan ang puso nito. Tanging si Pia lang ang napupusuan nito. Ngayon, alam na niya kung bakit pinapakain niya lagi si Pia, dahil gusto pala nito. At hindi rin nito kayang umanong makipagrelasyon sa gaya niyang mayaman dahil sa langit at lupang agwat nila.
Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya may bumab4yo sa puso niya hanggang sa tumigil sa pagtibok.
Nang dahil sa kabiguang iyon, napilitan siyang mag-transfer ng ibang unibersidad, kung saan nagsimula siyang maging cold sa lahat— lalo na sa mga mahihirap gaya ni Goddy at ni Pia. Binansagan pa nga siyang Ice Princess kalaunan. Ang tanong ba, mapaninindigan niya kaya ang pagiging cold sa oras na makita ulit ito?
MABILIS ang kilos ng personal driver ni Halina pagkahinto ng sasakyan sa parking lot ng A&K Couture para ipinagbukas siya ng pinto ng sasakyan. Agad na yumuko ang dalawang guard na dumaan sa kanya nang makababa siya, subalit wala siyang reaksyon. Parang wala lang ang mga ito. Normal na iyon sa mga tauhan niya kaya wala siyang narinig mula sa mga ito.Mula nang mag-take over siya sa kumpanya ng ina, ganoon na siya kalamig sa mga tauhan niya, kaya walang bago sa pakikitungo. Kahit noong magtapos siya ng kolehiyo ay malamig na siya sa mga tao— lalo na sa mga mahihirap, sa hindi niya ka-level. Hindi siya nakikipag usap sa mga ito.Bago pa siya makarating sa elevator ay inunahan siya ng driver niya para pumindot ng button. Seryosong pumasok siya at pumuwesto sa pinaka gitna, ang driver niya, hindi sumakay. Ayaw niyang may kasabay sa elevator. Saka may naghihintay na sa kanya sa taas, si Fanny— ang secretary niya.“Good morning, Miss Halina.” Sabay kuha sa kanya ng clutch bag niya. “Naka-
APAT na katok pa si Goddy bago sumagot ang bunsong kapatid. “Hindi nga sabi ako sasama, Kuya!” sigaw nito mula sa loob ng silid nito.“Bakit ba kasi biglang nagbago ang isip mo?”“Eh, sa ayaw ko na nga!”“Okay! Hindi na kita pipilitin!”Hindi na sumagot ang kapatid kaya inayos na niya ang suot niya. Navy blue shirts at pinatungan niya lang suit na kulay gray na coat. Maong pants naman ang sa ilalim niya. Nabili niya lang ito sa murang halaga para sa reunion na gaganapin.Agad na pumara siya ng trickle papunta sa labasan. At mula naman sa labasan nila ay sumakay siya ng jeep. Pinagtitinginan siya ng ilan dahil sa semi-formal na ayos niya. Pero bagay naman sa kanya kahit na halatang pinaglumaan na ang suot. Sa ukay niya lang kasi nabili.Isa siya sa organizer ng reunion nila, pero sa mga CCTV siya naka-assign, para sa security.“Hi, Seth!”“Good God, dumating ka na, Goddy. Pa-set up naman ng projector, please,” pakiusap nito sa kanya.“I will, sir.” Ahead siya rito pero dito ito nagta
“MANONG, sa ZL Lounge po tayo,” aniya sa driver nang makapasok sa sasakyan na pinara niya. Nilingon niya ang dalawa na parang nagtatalo. Mukhang siya pa ang rason ng kanilang pagtatalo. Kaya tama lang na umalis siya. “Saang branch. Ma’am?” “QC na lang ho,” sagot niya. Tumango naman ang driver at tinipa ang address niyon. Pamilyar na siguro. Marami talaga kasing branch na ito dito sa Metro Manila. Agad na binigyan siya ng bartender nang makita siya. Alam na nito ang inoorder niya kaya kahit na hindi na siya magsabi ay alam na nito ang titimplahin. “Thanks,” aniya, at kinuha iyon. Naghanap siya ng pwesto. Pinili niya ang pinakadulo. Nakita siya ng staff kaya sinamahan siya nito hanggang sa sadyang pwesto. Tinanong pa siya nito kung ano ang gusto niya. Sabi niya, tatawagin na lang niya ito kung meron. Hindi malaman ni Halina kung ilang order siya nang maiinom. Basta nang maramdaman ang pagiging tipsy ay nagpahinga siya. Pero nang marinig din ang nakakaengganyong tugtugin ay tumay
“YEAH, sure.” Ngumiti si Halina pero hindi man lang umabot sa mata niya. Naroon din ang pagkasarkastiko ng boses niya.Nang makaupo ang mga ito ay tumayo naman siya.“Saan ka pupunta, Halina? Aalis ka na?” tanong ni Seth sa kanya nang tumayo siya.“Comfort room. Wanna join?” in her sarcastic voice, kaya napalunok si Seth.“N-no.” Ngumiti siya rito, sabay kuha ng clutch bag. Hindi na siya babalik. Hindi niya kailangang ibaba ang sarili para sa mga ito. Saka hindi kaya ng sikmura niya makipag plastikan sa mga ito.“Where are you going?” tanong ng kapatid nang makasalubong niya.“Uuwi, malamang.”“What? Hindi ka ba makiki-join sa amin?”“Seriously, Kalei? Alam mo ang past namin tapos ise-set up mo kaming tatlo? Kapatid ba talaga turing mo sa akin o hindi?”“I’m doing this for you, Halina. I want my sister back…” Napatitig siya sa kapatid.“Lagi tayong nagbabangayan noon pero I love it. ‘Yon ang love language natin. Pero nitong nagdaang mga taon? I don’t like it. Kahit sila Mommy at D
ALAM agad ni Fanny na may mali kaya inihanda na niya ang sarili habang nakasunod sa boss. Ngayon lang niya nakita si Goddy Vasquez pero kung pagbabasehan sa tingin ng boss ay magkakilala ang mga ito. “Who hired him?” “Galing po siya sa main. Today pa lang po ang interview na pinost ng HR.”Matagal na natigilan ang boss kaya napaisip siya. “Call Kalei. Now.” Sabay upo nito sa swivel chair nito. Sapo nito ang ulo nito. Hinilot din nito. At ang bibig nito ay naglalabas lang naman ng mura na ito lang ang nakakarinig.“Fanny! What are you waiting for?” sigaw nito.“Sorry, Ma’am.” Sabay talima ni Fanny palabas.Pagbalik ng secretary ay may dala itong wireless phone at nakahanda nang iabot sa kanya.Tumingin si Halina saglit kay Fanny at kinuha ang hawak nitong phone.“You’re done here, Fanny.” Sabay paikot nito ng upuan kaya nagmadali ulit palabas si Fanny.Nang marinig ni Halina ang pagsara ng pintuan ng opisina ay saka siya humarap sa mesa niya at tinapat ang telepono sa tainga.“Bring
“FANNY! Anong nangyari dito? Bakit ganito ang output?!” sigaw ni Halina na ikinatalima ng secretary.“Miss Halina,”Tinuro niya ang new design nilang ipinatong nito kanina. “‘Yan ba ang ni-request ko, huh? Hindi, ‘di ba?”“‘Yan po ang finorward sa akin ni Olivia na i-approve niyo raw. I thought okay na po ‘yan.”“Damn! Pang-grade one naman na gawa ‘yan! Ang linaw-linaw ng instruction ko tapos ibibigay niya sa akin nang malayo sa sinabi ko?”“Ipapaulit ko na lang po sa kanya.”Napahilot siya sa noo. “God, wala na tayong oras, Fanny. Sa Wednesday na ang meeting!” “Tanong na lang po ako sa design team kung merong may kaya.”“Yes, please.” Sumandal siya at inihinga ang ulo sa headrest. Nang may naalala ay nagpahabol siya sa secretary. “Except him,” paalala niya rito. “Noted, Miss Halina.”“Ay, wait! Ako na lang!” Tumayo siya. Mahirap na baka si Goddy ang madala nito.Nagmadali siyang pumunta sa department nila Goddy. Napaikot siya ng mata nang makita ito, tumayo pa talaga para salubungi
NAGSAWA na si Halina sa result na pine-present ni Olivia kaya nagpasya siyang maaga na lang uuwi nang araw na iyon. Monday na Monday, badtrip siya. Isang araw na lang kasi, Wednesday na.Dumaan siya sa design team nila para i-check na rin ang gawa ng mga ito. Nag-half day lang kasi si Fanny dahil naospital nga ang ina nito. Si Irma naman, may mga pinagawa siya kaya hindi na niya inabala.Usually, sinasalubong siya ni Goddy kapag pumapasok sa department nito. Pero nang mga oras na iyon, hindi nito ginawa. Kaya naman tumingin siya sa opisina nito. Patay ang ilaw. Wala rin ito sa tabi ni Bobbet kaya nakakapagtaka.“Wala po si Goddy, ma’am. Hindi po pumasok.” Mabilis na binaling niya ang tingin niya sa isang staff niya.“I’m not asking,” aniya. “Pakisabi sa lahat, ‘yong mga pinapaayos ko para sa Wednesday. Alright?”“Noted po. Announce ko na lang po sa kanila.”Hindi na siya sumagot, tumalikod na siya. Pakiramdam niya kasi ng mga sandaling iyon ay napahiya siya. Inaayawan niya ang presens
“MUKHANG naliligaw ka yata, Ma’am Halina.” Kita ni Halina ang pang-aasar sa mukha nito. Kahit na sa boses din kaya nakaramdam siya ng inis.“Goddy—”“Sa pagkakatanda ko, Mr. Vásquez ang tawag mo po sa akin.”“R-right, Mr. Vásquez. Pwede ka bang makausap?”Tumingin ito sa relong pambisig nito. “One minute lang ang kaya kong maibigay sa ‘yo, dahil sobrang late na po, ma’am.”Napapikit si Halina. Parang ginagaya nito ang ginawa niya nakaraan.“I’ll double your rate today, gawin mo lang ang ipapagawa ko.”“Bakit ho ako, ma’am? Si Olivia ho ba, nasaan?”“Tinanggal ko na siya dahil hindi niya ma-meet ang mga gusto ko.”“You think ma-meet ko rin ang standard mo, ma’am? What if—”“H-hindi ka ire-refer ni Kalei kung hindi ka magaling.” Ah, ang hirap sabihin! “Whatever the result is, I’ll pay for your time, plus night differential pay.”Tumaas ang kilay nito na hindi nakatakas sa paningin niya.“So, okay lang sa ‘yo na makatrabaho ako?”Napalunok siya sa tanong nito. Gusto nga ba niya? Pero sa
“GODDY,” anas ni Halina nang makita ang higpit na pagkakahawak nito sa kamay niya. Hinatid siya nito sa labas ng gate at parang ayaw siyang bitawan nito. Si Gayle naman nakatanaw sa kanila. Hindi siya magaling magbasa pero lungkot ang nakita niya sa mukha nito, gaya ni Goddy. “A-aalis na ako.” Kasunod niyon ang pagkagat niya ng labi para pigilan ang sarili na maging emosyonal sa harapan ni Goddy. Matagal bago siya nito binitawan. Ngumiti ito nang alangan sa kanya. Hindi niya napigilang haplusin ang mukha nito. Nasasaktan man siya sa desisyon niya pero ito ang dapat. Lalo pa sa pinakita kanina ni Pia, natatakot siya para sa anak. Bali-baliktarin man ang lahat, siya ang may mali. Kabit pa rin siya dahil legal ang kasal nila. Napa-imbestigahan na niya at legal ang kasal ng dalawa. Hindi lang ginagamit ni Pia ang apelyido ni Goddy sa hindi niya alam na kadahilanan. At kung iisipin niya ang mga sinabi ni Mang Ruben, may laman. Baka nga may kinalaman ito sa nangyari sa ama ni Goddy. K
“Mahal, kain na.”Hindi siya nagmulat. Wala siyang nararamdamang gutom sa ngayon. Maiintindihan naman siguro ng anak niya. Saka may kumain naman sila kanina nang mag-stop over sila.“Mahal.” Naramdaman ni Halina ang halik ni Goddy sa balikat niya subalit nagtulug-tulugan siya. Tumigil naman ito. Sa pag-aakalang lumabas na si Goddy, kumilos siya at humarap. Bigla niyang binalik sa dating posisyon nang mapagtantong nasa loob pa pala ang binata. Siguro binuksan at sinara lang nito ang pintuan kanina. Sumiksik siya sa sulok nang sumampa rin si Goddy. Pero hindi rin nagtagal ay hinapit siya ng binata palapit dito. Niyakap rin siya nito nang mahigpit. Napapikit si Halina nang halikan siya nito sa pisngi. Sa tingin niya, bahagyang nakasilip ito sa kanya. “Talk,” aniya. “Simulan mo na.”Nagpakawala ito nang buntong-hininga. “Alam kong huli na pero sorry talaga, Mahal. Isa lang ang alam kong totoo sa lahat, kung gaano kita kamahal. At dahil sa pagmamahal na iyon, binago ang pananaw ko. Ang
HINDI man lang nag-abalang buksan ni Halina ang ilaw ng kanyang condo nang makapasok. Hindi na siya nakaabot kahit man lang sa sala. Sumandal siya sa dahon ng pintuan at hinayaang dumausdos ang sarili hanggang sa mapasalampak. Kasabay din niyon ang paghagulhol niya.Kanina pa niya pinipigilan iyon. Hindi niya hinayaan na umiyak siya sa sasakyan dahil sa ipinagbubuntis niya. Paano kung maaksidente siya? Sobra ang galit niya sa ama ng anak ngayon pero walang kasalanan ang batang nasa sinapupunan niya. Kaya kailangan niyang maging matatag kanina. Walang sinuman ang pwedeng makakita ng kanyang kahinaan ngayon.Hindi alam ni Halina kung gaano siya katagal doon, napatayo lang siya nang marinig ang pagtunog ng doorbell. May sumusubok din na gamitin ang passcode, pero hindi mabuksan dahil naka-double lock sa loob. She knew. Si Goddy ang nasa labas kaya tumayo siya at pumunta sa silid at hinayaan ang tao sa labas na malapit nang magwala. Iginala niya ang paningin sa loob ng silid. Kahit saan
MABUTI na lang at dumating si Violet, nadagdagan ang kadaldalan ni Halina. Hindi siya madaldal pero kailangan, para takpan ang nararamdaman niya ngayon. Marunong din naman siyang mamlastic.“Oo nga pala. Bakit pala umuwi ka nakaraan agad?” tanong sa kanya ni Pia nang mapunta ang usapan. Noong um-attend siya ng birthday ng anak ni Violet ang tinutukoy nito.“Sumama lang ang pakiramdam niya. Pero okay naman na siya, nakainom naman agad siya ng gamot. Right?” Si Violet.“Yes. Dahil lang sa kinain ko a day before ang party kaya sumama ang pakiramdam ko,” aniya. Ngumiti siya kay Pia. “Anyway, nakita ko ang asawa mo. Naka-motorsiklo siya. ‘Di ba?”“Uy, nakita mo?” Si Violet. “Hindi siya tumuloy kasi sa loob. Sinundo lang si Pia sa labas. Sayang at hindi ko nakita.” Tumingin ang katabi kay Goddy. “Si Goddy, noh?” tanong ni Violet, sa binata ang tingin.Tumingin siya kay Goddy at ngumiti, pero nag-iwas nang tingin ang binata sa kanya. Hindi siguro nito alam ang sasabihin.“Naka-motor ngayon si
HINDI alam ni Halina kung gaano siya katagal sa loob ng sasakyan. Bumalik lang siya sa sarili nang may mag-park sa kabilang side. Tumingin siya sa gate ng apartment ni Goddy. Nagsisimula nang umulan din noon, pero wala siyang lakas na paandarin ang sasakyan. Hindi na rin niya alam kung tutuloy pa siya. Natatakot siya. What if nandoon si Pia?Nagpasyang umalis na lang si Halina. May dala siyang pagkain na pandalawahan kaya sa bahay ni Owen siya nagpunta.Hindi niya alam kung saan pupunta ngayon kaya sa kaibigan niya na lang. Saka medyo matagal na rin mula nang huli silang mag-usap. Bitbit ang pagkain na binili niya kanina nang pindutin niya ang doorbell ng apartment ni Omar. Gulat na gulat ito nang makita siya. Mukhang nagising niya ito. “Himala,” anitong nakangiti nang kunin nito sa kanya ang dala niya.“Hindi ba pwedeng ma-miss ka?”“‘Di nga?”“Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala!” Actually, ni hindi sumagi sa isipan niya si Omar dahil kay Goddy. Full ang schedule niya that time
HABANG sinusundan ang papalayong bulto na iyon, ang dami nang naglalaro sa isipan ni Halina. Mga katanungang sa tingin niya na kapag nasagot at nag-positive ay ikakalugmok niya. But why? Ano ba ang rason? Ganoon ba katindi ang kasalanan niya? Ilang beses na ini-untog ni Halina ang ulo sa manibela, tumigil lang siya nang marinig ang katok sa bintana ng kanyang sasakyan. Enforcer pala. Nagtanong ito kung may problema. Mabuti at hindi na ito nagtanong ng marami. Hanggang sa makarating ng opisina ay malalim ang iniisip niya. Hindi pumapasok sa isipan niya ang mga sinasabi ni Fanny. Ni hindi nga niya namalayan na umalis na ito. Wala siyang ginawa sa upuan niya kung hindi ang paikut-ikutin iyon. Tumigil lang siya nang makaramdam nang pagkahilo. Bigla niyang nakapa ang tiyan niya. Hindi pa nga pala siya nagpapa-check up. Gusto niya sanang kasama si Goddy sa unang check up, pero mukhang hindi na mangyayari. Unti-unti nang nababalot ang sarili niya nang takot. Takot na mag-isa niyang bubuh
“M-MAHAL…”Halata ang pagkabigla ni Goddy nang pagbuksan siya ng pinto. Pero kahit na ganoon, basta na lang niyang niyakap ito nang mahigpit.“I-I love you, Goddy,” anas niya.“May problema ba, mahal?” tanong nito imbes na sagutin siya.Nag-angat siya nang tingin. “I said, I love you,” ulit niya.“I love you too,” anito sa wakas.Alam niyang medyo may pag-alinglangan pero nasabi pa rin nito kaya masaya siya kahit na papaano.“Then marry me tonight. Please? May kakilala akong judge na pwedeng magkasal sa atin.”“P-pero nag-usap na tayo rito. Hind pa ako handa. Saka kailangang ayusin ko pa ang problema ko bago mag-settle down.”“Ano pa bang problema ang meron ka, Goddy? Kung pera ’yan, kaya kitang buhayin— kahit ang pamilya mo. Ang kapatid mo, ipapadala ko sa US para makalakad ulit siya. At si Mang Ruben? Mag-hire ako ng magaling na doctor para gumaling siya. Kaya ano pa ang problemang tinutukoy mo? Kung pera, marami ako niyan, Goddy.”May lifeline ako. Kahit na hindi ako magtrabaho, ma
SOUNDS na nagmumula stereo ng sasakyang ang tanging maririnig lang ng mga sandaling iyon. Gaya ng plano ni Halina, hindi siya pumasok, umattend siya ng birthday party ng anak ni Violet. Nagdala na lang siya ng sasakyan dahil baka abutin ng gabi siya. Mahirap yata ang sasakyan palabas ng subdivision.Pagkatapos na ipakita ang invitation na sinend sa kanya ni Violet sa email, pinapasok naman siya agad ng guard. Binigyan pa siya ng papel nito kung saan naroon ang sketch ng bahay ng sadya.Marami nang naka-park sa loob kaya sa labas siya ng malaking bahay nag-park. Pero hindi pa man siya nakakalabas ng sasakyan nang matanaw ang babaeng pababa ng taxi. Walang iba kung hindi si Pia.Napahilot siya sa sintido niya. Nawala sa isipan niyang itanong kung dadalo ba ito. Kung alam lang niya, hindi na sana siya pumunta.Pumasok na naman niya sa isipan ang nangyari kagabi matapos na makita si Pia.Bumigat ang dibdib niya dahil sa sagot ng nobyo kagabi. Hindi naman talaga siya nagmamadali na magpaka
“SABIHIN mo nga ang totoo, Kalei. Bakit nga ba nailipat si Goddy sa A&K?” seryosong tanong niya sa kapatid nang maupo ito.Saglit itong natigilan, pero hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Dahil isa siya sa napili. ‘Di ba, nasabi ko na sa ’yo na wala akong alam kung bakit siya inilipat?”“Uulitin ko ang tanong, Kalei. Bakit siya ang inilipat?!” bahagyang nang tumaas ang boses niya rito kaya napalunok na ang kapatid.“H-Halina…”Napapikit siya. “Isa pang tanong. Bakit—”“Fine! Ako na ang dahilan kung bakit nailipat siya. Pero problema ba ’yon ngayon? Akala ko ba kayo na?”“Paano mo siya napapapayag na magtrabaho sa akin?”“Actually, hindi naman ako nahirapan na mapapayag si Goddy.”“Hindi ka nahirapan dahil natakot siya sa banta mo? Ganoon ba?”Kumunot ang noo niya. “What are you talking about? Anong banta? Never akong nagbanta sa kanya, Halina. The moment na natanggap niya ang notice, pumayag agad siya. And then, kinausap ko siya, kung pwede, um, makipagbati sa ’yo. That’s all. Dahil gu