Grabe ang init kasi. Nakakatamad ang init dito kaya walang maisulat heheheh.
MABUTI na lang at dumating si Violet, nadagdagan ang kadaldalan ni Halina. Hindi siya madaldal pero kailangan, para takpan ang nararamdaman niya ngayon. Marunong din naman siyang mamlastic.“Oo nga pala. Bakit pala umuwi ka nakaraan agad?” tanong sa kanya ni Pia nang mapunta ang usapan. Noong um-attend siya ng birthday ng anak ni Violet ang tinutukoy nito.“Sumama lang ang pakiramdam niya. Pero okay naman na siya, nakainom naman agad siya ng gamot. Right?” Si Violet.“Yes. Dahil lang sa kinain ko a day before ang party kaya sumama ang pakiramdam ko,” aniya. Ngumiti siya kay Pia. “Anyway, nakita ko ang asawa mo. Naka-motorsiklo siya. ‘Di ba?”“Uy, nakita mo?” Si Violet. “Hindi siya tumuloy kasi sa loob. Sinundo lang si Pia sa labas. Sayang at hindi ko nakita.” Tumingin ang katabi kay Goddy. “Si Goddy, noh?” tanong ni Violet, sa binata ang tingin.Tumingin siya kay Goddy at ngumiti, pero nag-iwas nang tingin ang binata sa kanya. Hindi siguro nito alam ang sasabihin.“Naka-motor ngayon si
HINDI man lang nag-abalang buksan ni Halina ang ilaw ng kanyang condo nang makapasok. Hindi na siya nakaabot kahit man lang sa sala. Sumandal siya sa dahon ng pintuan at hinayaang dumausdos ang sarili hanggang sa mapasalampak. Kasabay din niyon ang paghagulhol niya.Kanina pa niya pinipigilan iyon. Hindi niya hinayaan na umiyak siya sa sasakyan dahil sa ipinagbubuntis niya. Paano kung maaksidente siya? Sobra ang galit niya sa ama ng anak ngayon pero walang kasalanan ang batang nasa sinapupunan niya. Kaya kailangan niyang maging matatag kanina. Walang sinuman ang pwedeng makakita ng kanyang kahinaan ngayon.Hindi alam ni Halina kung gaano siya katagal doon, napatayo lang siya nang marinig ang pagtunog ng doorbell. May sumusubok din na gamitin ang passcode, pero hindi mabuksan dahil naka-double lock sa loob. She knew. Si Goddy ang nasa labas kaya tumayo siya at pumunta sa silid at hinayaan ang tao sa labas na malapit nang magwala. Iginala niya ang paningin sa loob ng silid. Kahit saan
“Mahal, kain na.”Hindi siya nagmulat. Wala siyang nararamdamang gutom sa ngayon. Maiintindihan naman siguro ng anak niya. Saka may kumain naman sila kanina nang mag-stop over sila.“Mahal.” Naramdaman ni Halina ang halik ni Goddy sa balikat niya subalit nagtulug-tulugan siya. Tumigil naman ito. Sa pag-aakalang lumabas na si Goddy, kumilos siya at humarap. Bigla niyang binalik sa dating posisyon nang mapagtantong nasa loob pa pala ang binata. Siguro binuksan at sinara lang nito ang pintuan kanina. Sumiksik siya sa sulok nang sumampa rin si Goddy. Pero hindi rin nagtagal ay hinapit siya ng binata palapit dito. Niyakap rin siya nito nang mahigpit. Napapikit si Halina nang halikan siya nito sa pisngi. Sa tingin niya, bahagyang nakasilip ito sa kanya. “Talk,” aniya. “Simulan mo na.”Nagpakawala ito nang buntong-hininga. “Alam kong huli na pero sorry talaga, Mahal. Isa lang ang alam kong totoo sa lahat, kung gaano kita kamahal. At dahil sa pagmamahal na iyon, binago ang pananaw ko. Ang
“GODDY,” anas ni Halina nang makita ang higpit na pagkakahawak nito sa kamay niya. Hinatid siya nito sa labas ng gate at parang ayaw siyang bitawan nito. Si Gayle naman nakatanaw sa kanila. Hindi siya magaling magbasa pero lungkot ang nakita niya sa mukha nito, gaya ni Goddy. “A-aalis na ako.” Kasunod niyon ang pagkagat niya ng labi para pigilan ang sarili na maging emosyonal sa harapan ni Goddy. Matagal bago siya nito binitawan. Ngumiti ito nang alangan sa kanya. Hindi niya napigilang haplusin ang mukha nito. Nasasaktan man siya sa desisyon niya pero ito ang dapat. Lalo pa sa pinakita kanina ni Pia, natatakot siya para sa anak. Bali-baliktarin man ang lahat, siya ang may mali. Kabit pa rin siya dahil legal ang kasal nila. Napa-imbestigahan na niya at legal ang kasal ng dalawa. Hindi lang ginagamit ni Pia ang apelyido ni Goddy sa hindi niya alam na kadahilanan. At kung iisipin niya ang mga sinabi ni Mang Ruben, may laman. Baka nga may kinalaman ito sa nangyari sa ama ni Goddy. K
“TOTOO ba ang balita, Kuya? Ikaw ang dahilan kung bakit nahulog ang sasakyan ni Halina sa dagat? Paano kung makulong ka? Paano kami?”“Hindi ’yan totoo, Gayle! Alam mong nakainom ako nang araw na iyon kaya paano… paanong nandoon ang motorsiklo ko?” naguguluhang tanong ni Goddy din.“Gabi ka uminom, Kuya. ‘Yan ang pagkakaalala ko.” Tumitig pa sa kanya si Gayle. “Alam kong naghihiganti ka lang sa kanya, pero ang patayin siya, hindi mo dapat ginawa…”“Hindi ko nga siya sabi pinatay! Hindi ko magagawa iyon sa kanya.”“Pero bakit sa iyo nakaturo ang lahat ng ebidensya?”“H-hindi ko alam,” tanging sambit ni Goddy. Nagkatinginan si Goddy at Gayle nang marinig ang katok mula sa labas. Nasa ospital sila ngayon dahil inatake ang ama nang makita ang balita kay Halina at ang tungkol sa akin. Nag-away pa kaming dalawa. Kaya ganoon na lang ang konsensya ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagigising ang Tatay niya. “K-Kuya, b-baka mga pulis na ’yan. M-magtago ka kaya?”Napapikit si Goddy. “Hindi ko
“A-ang baby ko?!” Biglang nag-hysterical si Halina nang maalala ang batang nasa sinapupunan niya. Tumingin siya sa babaeng nakatayo sa gilid niya. “Nasa maayos ka at ang nasa sinapupunan mo?” Ngumiti ang babae. Sa tingin niya, nasa 50’s pa lang ito. “Safe ang bata. Talagang matindi ang kapit niya dahil baka mag-alala ka.” Ang mga ngiti nito ay nakakahawa kaya sumilay din ang ngiti sa labi ng dalaga. Saka lang din napagtanto ni Halina na nasa hospital siya.“Ay, hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Daniela Belmonte. Pinahinto ng mag-asawang tumulong sa ’yo ang kotse ko para humingi ng tulong at madala ka rito.” Ngumiti ulit ang ginang. Nagsalin ito ng tubig sa baso. “Mayamaya, babalik na ang mga iyon— bumili lang ng makakain sa labas.” Sinuyod niya ito, mukhang galing sa may kaya ito. Mabuti na lang at walang pag-aalinlangan na tinulungan nito ang mag-asawang tumulong sa kanya.Inalalayan siya nito maupo at para mapa pinainom ng tubig.Napaisip siya bigla kung ibibig
“BAKIT nga po pala hindi na nag-hire ng kasambahay si Ma’am Daniela?” tanong ni Halina.Naghuhugas siya noon ng seafood na binili ni Zacharias. “Wala naman daw lagi sila kaya on call na lang. Gaya ngayon.”Si Bituin na ang tagalinis ng malaking bahay kapag wala si Daniela. Mas madalas kasi ito sa ibang bansa dahil nandoon umano ang mga anak.Tapos na sila sa pagluluto pero hindi pa niya nakikita ang mag-ina. Ang anak raw ni Daniela, nasa silid nito, samantalang ang ginang ay pauwi pa lang. Lumabas daw kasi ito at may pinuntahan.Sakto lang ang paglatag nila ng mga plato sa mesa ang siyang pagdating ni Daniela. Nang makita siya nito ay agad na nagpaalam ito sa kanila para kunin ang pasalubong para sa anak.“Sana magustuhan ni Troy ang mga laruan. May mga chocolate din dyan.”Dalawang paper bag na malaki ang binigay nito sa kanya. Bukod din ang kay Bituin para sa pamilya nito.“Ang dami naman ho nito. Mga mamahalin pa po.” Hangga’t maari, hindi niya sinasanay ang anak sa mga mamahalin
HINDI makatulog si Goddy kakaisip sa babaeng iyon. Kahit na anong gawin niya, lumalabas pa rin ito sa balintataw niya. Parang nabuhay si Halina sa katauhan nito. Ang mukha at ang boses? Parehas na parehas. Sa pangangatawan at sa estado ng pamumuhay lang sila nagkaiba. Ang ending, pinautos niya sa bata ang pagbili dahil natatakot siya. Hindi siya natatakot dahil sa multo o kung ano, baka bigla niya itong mayakap nang mahigpit. Tapos baka may asawa ito sa paligid kaya iniwasan niyang lumapit. Ng mga sumunod na araw, kahit na walang ipapabili sa tindahang iyon, lagi siyang dumadaan. Iniiwasan lang niyang makita siya nito. Umabot pa sa punto na kinuhaan na niya ito ng video. At kakapanood niya sa video nito, maa lalo lang siyang nalilito.Para talagang si Halina ang babaeng iyon. Ang mga ngiti nito, walang pinagkaiba talaga. Kaya lalong naguguluhan siya. Parang gusto na niyang lapitan ito.“May ipapabili po ba kayo sa palengke, Nay? Aalis po ulit ako, e.”“Wala akong ipapabili. Ang dam

HINDI alam ni Halina kung gaano siya katagal sa loob ng sasakyan. Bumalik lang siya sa sarili nang may mag-park sa kabilang side. Tumingin siya sa gate ng apartment ni Goddy. Nagsisimula nang umulan din noon, pero wala siyang lakas na paandarin ang sasakyan. Hindi na rin niya alam kung tutuloy pa siya. Natatakot siya. What if nandoon si Pia?Nagpasyang umalis na lang si Halina. May dala siyang pagkain na pandalawahan kaya sa bahay ni Owen siya nagpunta.Hindi niya alam kung saan pupunta ngayon kaya sa kaibigan niya na lang. Saka medyo matagal na rin mula nang huli silang mag-usap. Bitbit ang pagkain na binili niya kanina nang pindutin niya ang doorbell ng apartment ni Omar. Gulat na gulat ito nang makita siya. Mukhang nagising niya ito. “Himala,” anitong nakangiti nang kunin nito sa kanya ang dala niya.“Hindi ba pwedeng ma-miss ka?”“‘Di nga?”“Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala!” Actually, ni hindi sumagi sa isipan niya si Omar dahil kay Goddy. Full ang schedule niya that time