Share

Chapter 2

Author: AVA NAH
last update Huling Na-update: 2025-02-16 15:16:03

APAT na katok pa si Goddy bago sumagot ang bunsong kapatid. 

“Hindi nga sabi ako sasama, Kuya!” sigaw nito mula sa loob ng silid nito.

“Bakit ba kasi biglang nagbago ang isip mo?”

“Eh, sa ayaw ko na nga!”

“Okay! Hindi na kita pipilitin!”

Hindi na sumagot ang kapatid kaya inayos na niya ang suot niya. Navy blue shirts at pinatungan niya lang suit na kulay gray na coat. Maong pants naman ang sa ilalim niya. Nabili niya lang ito sa murang halaga para sa reunion na gaganapin.

Agad na pumara siya ng trickle papunta sa labasan. At mula naman sa labasan nila ay sumakay siya ng jeep. Pinagtitinginan siya ng ilan dahil sa semi-formal na ayos niya. Pero bagay naman sa kanya kahit na halatang pinaglumaan na ang suot. Sa ukay niya lang kasi nabili.

Isa siya sa organizer ng reunion nila, pero sa mga CCTV siya naka-assign, para sa security.

“Hi, Seth!”

“Good God, dumating ka na, Goddy. Pa-set up naman ng projector, please,” pakiusap nito sa kanya.

“I will, sir.”  Ahead siya rito pero dito ito nagtatrabaho kaya naroon ang paggalang niya rito.

Pagkatapos niyang i-set up ang projector sa tabi ng stage ay pumasok na siya kung saan naroon ang mga monitor. Palitan naman sila kaya makakalabas din siya mamaya para makisaya. 

Panay ang alis niya sa CCTV control room na iyon para i-check ang ilang camera na hindi gumagana. May mga pinalitan din sila sa labas kaya pagod siya nang bumalik. Sabi sa kanya ni Seth, kapag hindi dumating ang naka-assign sa presentation mamaya ay siya rin daw ang magha-handle niyon.

Kakaupo niya lang sa upuan nang sikuhin siya ng kasama. Ka-batch niya rin ito, pero hindi sila magkaklase.

“Sandali! Si ano ‘yan, ‘di ba? Alam ko kilala mo siya!”  

Napatitig siya sa monitor kung saan ito nakatingin, pinalakihan din nito pagkaturo nito sa kanya.

“Goddy, ano nga ang pangalan niya? ‘Di ba, siya ang stalker mo?”

Napaawang siya ng labi nang makilala ang babaeng tinutukan ng spotlight. Indeed, kilala niya ang babaeng iyon. How could he forget her?

“H-Halina,” aniyang hindi inaalis ang tingin sa screen. 

Paano ba naman niya makakalimutan ang dalaga? Araw-araw siyang hinahatiran nito ng pagkain. Mukhang masasarap pa. Kaso binibigay niya lang noon kay Pia— na siyang napupusuan niya. Subalit biglang nahinto ito nang tapatin niya tungkol sa nararamdaman niya. 

“Grabe… Lalo siyang gumanda. Kita mo? Halos sa kanila nakatingin! Kahit sino naman kasi mapapatingin sa kanya. Single pa kaya siya?”

Walang duda. Napakaganda naman niya talaga. Kahit naman noon pa. Usap-usapan si Halina dati sa kanila. Sana nga raw sila na lang ang ginusto ng dalaga imbes na siya. Ilang hagod pa ang ginawa niya sa dalaga bago lumunok. 

Sa pagkakaalam niya, kapag tinutukan ng ilaw— ng spotlight, candidate na ‘yan para sa King and Queen of the Night na pakulo ng batch nila. Bago matapos naman ang announcement niyon.

Hindi niya alam kung gaano katagal na nakatingin sa bagong dating, pero napabaling siya sa likuran niya nang may tumawag sa kanya.

“Goddy, tawag ka ni Sir Seth!”

Umisang sulyap pa si Goddy sa malaking screen bago lumabas at hinanap si Seth. Pero imbes na mahanap si Seth, natagpuan niya ang sarili nakatingin sa babaeng kausap ng ilang kaklase at schoolmate nila.

Kapansin-pansin naman talaga kasi ang suot ni Halina ngayon. Kahit siya ay napahanga. Maliban sa maganda at bagay rito ang suot nito, hindi iyon ang tema nila, happy colors dapat. Kaya walang nakasuot na itim pagdating sa mga babae, siya lang. Kaya malamang nasa kanya ang atensyon ng lahat. 

***

SA KABILANG BANDA, nakatuon sa kanilang magkapatid ang tingin ng mga halos na naroon sa loob ng function hall ng unibersidad na iyon. Saktong may tumama na spotlight kasi sa kinatatayuan nilang magkapatid. 

“What kind of trip is this?” inis na bulong niya.

“Relax. Sa pagkakaalam ko, bago mag-end ang party may ia-announce na King and Queen of the night. Malay mo, isa sa atin ang manalo,” nakangiting sabi ni Kalei.

“The heck! Prom lang ang peg?” Hindi pa rin niya inaalis ang himig na naiinis, pero hindi niya pinahalata sa mukha. Seryoso siya sa paningin ng mga ito.

Natawa lang ang kapatid. Alam nitong wala siyang interes sa mga ganoong event. Kaya hinila niya na ito palayo sa pintuan na iyon. Agad na hinanap ng mga mata niya si Seth. Hindi niya ito makita kaya sumama na lang siya kay Kalei. 

“Damn! She’s still hot, bro!”

Tumingin siya sa lalaking sumalubong sa kanila ng kapatid. Pamilyar ang mukha nito kaya napaikot siya ng mata nang rumehistro ang dating mukha nito sa balintataw niya. Walang iba, kung hindi ang playboy tropa ni Kalei, na si Wilfredo.

“Hi, Halina! Hey, do you remember me?” At tinuro pa nito ang sarili.

“No,” mabilis niyang sagot na ikinatawa ng kapatid. “I have amnesia, so please stop asking me. You’re making my head hurt, you know?” Sabay hilot ng ulo kuno. 

Akmang magsasalita pa si Wilfredo nang itaas niya ang kamay niya.

“I’ll punch you kapag magsalita ka pa dyan,” inis na sabi niya.

Kasunod niyon ang asaran ng mga kaibigan ng kapatid dito.

Hindi ba nito nahalata na sinasadya niya? Na ayaw niya itong makausap. Dati pa itong gustong magpapansin sa kanya, pero binabara niya na agad. Feeling gwapo kasi nito talaga noon pa.

Inabala na niya ang mata ulit para hanapin si Seth. Pero talagang mukhang ayaw magpakita sa kanya ng kaklase. 

Muling umikot ang paningin ni Halina. Sa pagkakataong iyon, iba naman ang hinahanap niya. Wala rin kaya nakahinga siya nang maluwag, kaya naman naglakad siya papunta sa bar counter. Humingi siya ng isang cosmo at tumambay muna roon. Nagsisimula na nga ang program ng mga ito. Panay lang din ang lingon sa kanya ng kapatid para siguro i-tsek siya.

Akmang uubusin niya ang laman ng kopita niya nang makita si Seth. May kasama ito, isa sa dati nilang kaklase— si Maryam.

Para kay Halina, hindi siya mag-e-enjoy dito kaya lumapit siya kay Seth para magpaalam na talaga.

“Halina Hernandez! How are you, huh? I’m so happy na naka-attend ka.” Hinagod siya nito nang tingin. Halata sa mga mata nito ang paghanga sa kanyang suot.

“Pinilit mo ako, malamang,” aniya.

Natawa ito. “Oo nga pala. Anyway, aalis ka na ba agad?”

“Yeah. Okay lang ba?” 

“Hindi ba pwedeng maya na?” May tiningnan ito sa papel na hawak nito. “Mga 30 minutes pa or 1 hour. Please?”

Napahaba siya ng nguso. Ano pa nga ba? Saka wala naman ang iniwasan niya kaya okay lang siguro. 

Bumalik siya sa tabi ng kapatid niya. Nagsimulang maging pulutan na naman ng mga ito si Wilfredo. May girlfriend ito, tapos kung kani-kanino lumalandi. Talagang nasa dugo na nito ang pagiging malandi. Talagang sinasagad siya nito dahil sa kanya na naman nabaling ang atensyon nito.

“Sabihin mo lang, Halina. Hihiwalayan ko agad ang girlfriend ko kapag sinabi mo,” 

Hindi niya ito pinansin, siniko lang niya si Kalei para sabihin sa kaibigan nito na tigilan siya.

“‘Wag mo na lang siyang pansinin,” ani lang ng kapatid.

Gano’n na nga lang ang ginawa niya. Ginawa niya ring pampalipas oras ang inorder niyang isang glass ng cosmo. Nag-check din siya ng mga emails niya. Wala siyang interes sa sinasabi sa stage. Hindi naman kasi siya grumaduate dito. 

Natigilan siya nang makita ang reply mula kay Fanny. 

Bago siya umalis nang araw na iyon, binilin niya sa secretary na tanggalin nito ang babaeng pinagalitan niya. Ngayon lang niya nabasa ang reply nito na humihingi umano nang paumanhin si Gayle sa kanya. Sana raw ilipat na lang ito kahit sa mas mababang position— ayon ito sa screenshots na sinend sa kanya ng secretary. Pero hindi na niya pwedeng bawiin ang desisyon, tanggal na talaga ito. Basta sinabi niya, sinabi na niya.

“Halina?”

Napaangat si Halina nang tingin nang marinig ang pangalan niya. Gayon na lang ang pagkatigil niya nang mapagsino iyon. Sa sobrang tagal siguro kaya nakalimutan niya ang boses na iyon. 

“Ikaw nga! My God!”

Walang buhay na tumingin siya sa dalawang taong nasa harapan niya, magkahawak ang mga kamay ng mga ito. Walang iba kung hindi si Pia at Goddy. Titig na titig sa kanya ang huli, habang ang kasama nito ay masaya pagkakita sa kanya.

“Kumusta ka na? Long time no see!” masayang tanong ni Pia sa kanya. 

“I’m good,” seryosong sagot niya. 

“Mabuti naman. Na-miss kita, a. Ang tagal mo akong hindi pinansin.”

“Busy lang.” Nagbaba na siya nang tingin sa hawak na cellphone. Nawala na sa isipan niya ang isasagot kay Fanny dahil sa dalawang nasa harapan niya. 

Wala na siya sa mood mag-check ng email, pero pinilit niya para ma-ignore ang dalawa. Laking pasalamat siya nang makaramdam ang mga ito. Nag-angat lang siya nang tingin nang makalayo ang dalawa. Nagkatinginan sila magkapatid mayamaya.

“I have to go,” aniya rito.

“Alright. Ihahatid na kita,” sagot ng kakambal. 

“No need. Mag-book na lang ako ng masasakyan.” Sabay pakita ng app na binuksan niya.

“You sure?”

“Yes.”

“Ihahatid na kita sa la—”

“‘Wag na, Kalei. Kaya ko na ang sarili ko.” 

Tumango naman ito. Halata sa mga mata ng kapatid ang simpatya. Pero wala naman ito sa kanya. Kaya lang siya aalis dahil hindi niya kayang makipag plastikan sa mga ito.

Muli niyang sinulyapan ang gawi ng dalawa. Nag-uusap ang mga ito sa tabi ni Seth. Mukhang nagkatuluyan nga ang dalawa.

Napangiti siya nang mapakla.

Naglalakad siya noon nang mapatingin sa stage. Si Seth ang tinawag. Tumingin din ito sa kanya kaya sinenyasan niyang uuwi na siya. Umiling at nagsalita ito. Kahit na hindi niya marinig, naintindihan niya base sa bibig nito. Nginitan niya ito at kumaway na lang pagkuwa’y sa daan ang tingin.

Binilisan ni Halina ang hakbang para makalayo sana doon, pero ang malas niya. Nakaramdam siya nang tawag ng kalikasan, kaya naman iginiya niya ang sarili sa banyo. Mabuti na lang at walang tao sa loob ng restroom, nakalabas din siya agad.

Akmang hahakbang siya nang makita ang lalaking nakasandal sa may pader. Nakasuksok ang mga kamay nito sa bulsa. Para bang may hinihintay ito. Pero wala namang pumasok sa banyo na Pia, kaya sino ang hinihintay nito? 

Pero ang pamilyar na kirot sa dibdib niya ay unti-unting nabubuhay dahil sa lalaking ito. Kaya hindi na dapat niya ito nakikita. 

Kumilos lang siya nang bumaling ito sa kanya. Ngumiti ito pero hindi niya pinansin. 

Lalagpasan niya sana ito nang hawakan nito ang kanyang pulsuhan.

“Take your hands off me,” malamig niyang utos.

“Pwede ba tayong mag-usap?”

“For what?”

Binitawan siya nito. “G-gusto lang kitang kumustahin.”

Natawa siya nang pagak. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kay Pia? I’m good! At nakita mo naman sa kalagayan ko, ‘di ba?” sa masungit niyang himig, sabay hagod ng kamay sa sarili.

“N-narinig ko. I mean, after kasi nating mag-usap that day hindi na kita nakikita noon.”

Napakunot siya ng noo. “Kung naalala mo pa ang sinabi mo, sinunod lang kita, Goddy. Nakakaintindi naman ako kaya bakit pa ako lalapit sa ‘yo?” Muntik nang pumiyok ang boses niya, mabuti na lang at nakontrol niya. “Saka pwede bang kalimutan mo na iyon? Kasi sa totoo lang, nakalimutan ko na, pinaalala mo lang.”

Hindi ito nakaimik kaya sinamantala niyang humakbang. Pero bigla nitong hinawakan ulit ang kamay niya para pigilan.

“S-sorry,” anito na ikinatigil.

Sasagot sana siya nang mapagtantong nakatingin sa kanila si Pia. Mukhang kanina pa ito doon, at narinig nito ang pinag-usapan nila ni Goddy.

Napansin ni Goddy ang tinitingnan niya kaya napabitaw ito sa kamay niya. 

Hindi siya ang lumapit kay Goddy gaya noon kaya wala sana siyang marinig mula rito. Pero subukan niya lang.

Dinaanan niya lang si Pia, dali-dali siyang humakbang para makalabas na sa function hall na iyon. May mga nakasalubong siya na mga kakilala pero hindi niya pinansin. 

Malapit na siya sa gate nang marinig muli ang boses ni Pia.

“Halina!”

Tumigil naman siya para bumaling dito.

Napakuyom siya ng kamay nang makitang nakabuntot na naman si Goddy dito. Ayaw lang mawala sa paningin? 

“May kailangan ka?”

“W-wala. Pero may itatanong lang ako.” Si Pia.

“What is it?”

“D-dahil ba kay Goddy kaya hindi mo na ako pinansin noon?” 

Tumaas ang sulok ng labi niya, pero may pagka-sarkastiko iyon. 

“Galit ka ba dahil ako ang niligawan niya imbes na ikaw? I know, gusto mo siya noon.”

“Seriously, Pia? Hinabol mo lang ako para tanungin ‘yan? Ang tagal na no’n, o.” Tumingin siya kay Goddy pagkuwa’y binalik kay Pia.

“Y-yes. Kasi hanggang ngayon, ramdam kong iniiwasan mo ako. Sana naman ‘wag mong idamay ang friendships natin. Nanghinayang ako sa pagkakaibigan natin.”

Natawa nang pagak si Halina.

“Friendships? Are we friends? When? Sa pagkakatanda ko, wala akong kaibigan noon sa school na ito. Classmate, meron. At isa ka na doon.”

“H-Halina…”

“Magkaiba ang salitang kaibigan sa classmate, Pia.” Ni hindi nga niya nasabi rito ang lalaking napupusuan niya noon. Wala siyang sekretong sinabi kaya hindi niya maituturing na kaibigan naman talaga si Pia. Kaya lang siguro nito inassume dahil lagi silang magkausap sa loob ng classroom.

Hindi niya inaalis ang pagiging seryoso. “Saka bakit naman ako magagalit sa ’yo? Hindi naman naging kami ni Goddy, e. Kaya wala akong karapatang magalit sa ’yo. At kaya ako uuwi agad ngayon, dahil tinakasan ko lang ang asawa ko. Panay na kasi ang tawag sa akin.” Kunwa’y tumingin pa siya sa cellphone niya. “Kung wala ka nang itatanong, aalis na ako.” Sabay talikod sa mga ito.

Hindi na niya nakita ang reaksyon ni Pia— lalo na ni Goddy. Talagang hindi niya binigyan nang chance ang mata na dumaan dito.

Kasabay nang paghakbang niya ang pagkuyom niya ulit nang kamao para pigilan ang nararamdamang nabuhay na naman. Akala niya, hindi na ito babalik dahil umiwas na siya. Binago na niya ang sarili, pero heto, parang bumalik lang siya sa nakaraan. Sana pala hindi na siya dumalo ngayon kung alam niyang magkikita silang tatlo. 

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Reah Joy Sastrillo
𝙏𝙝𝙖𝙣𝙠𝙨 𝙢𝙨𝘼
goodnovel comment avatar
Chergelyn Mata
thanks.. maraming tayong aabangan, kina Tristan at Sarah, then kina DK din
goodnovel comment avatar
Lyrech Lezah
Baka kapatid ni Goddy yong si Gayle...tatagan mu barrier mu Halina baka bumigay ka din agad...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Falling For My Cold Lady Boss   Prologue

    SINUNDAN ni Halina nang tingin ang second hand ng magarang wall clock nila sa room. Pagtingin niya sa relong pambisig niya, mga twenty seconds na lang bago mag-dismiss ang professor nila sa subject na Data Structures. Kasalukuyang kumukuha si Halina ng Computer Science ngayon dito sa unibersidad malapit sa kanila. Wala namang question ang magulang niya sa kursong kinukuha nila. Sabi ng Daddy niya, natutunan naman ang pag-manage ng business kaya hindi kailangang business course ang kunin niya. Kaya Computer Science agad ang kinuha niya.Actually, may rason kung bakit ito ang kinuha niyang kurso. Hindi naman ano ang dapat na itanong sa kanya. Sino. Sino ba ang dahilan kung bakit CS ang kinuha niyang kurso. Dahil lang naman sa lalaking nakilala niya noong 4th year high school siya. Iyon kasi ang kurso na gusto nito ayon sa babaeng kausap nito. At hindi niya akalaing makikita rito ang lalaking iyon. Kaya masaya lagi ang araw niya sa unibersidad na ito.“Tic…” Sumilay ang magandang ngiti

    Huling Na-update : 2025-02-12
  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 1

    MABILIS ang kilos ng personal driver ni Halina pagkahinto ng sasakyan sa parking lot ng A&K Couture para ipinagbukas siya ng pinto ng sasakyan. Agad na yumuko ang dalawang guard na dumaan sa kanya nang makababa siya, subalit wala siyang reaksyon. Parang wala lang ang mga ito. Normal na iyon sa mga tauhan niya kaya wala siyang narinig mula sa mga ito.Mula nang mag-take over siya sa kumpanya ng ina, ganoon na siya kalamig sa mga tauhan niya, kaya walang bago sa pakikitungo. Kahit noong magtapos siya ng kolehiyo ay malamig na siya sa mga tao— lalo na sa mga mahihirap, sa hindi niya ka-level. Hindi siya nakikipag usap sa mga ito.Bago pa siya makarating sa elevator ay inunahan siya ng driver niya para pumindot ng button. Seryosong pumasok siya at pumuwesto sa pinaka gitna, ang driver niya, hindi sumakay. Ayaw niyang may kasabay sa elevator. Saka may naghihintay na sa kanya sa taas, si Fanny— ang secretary niya.“Good morning, Miss Halina.” Sabay kuha sa kanya ng clutch bag niya. “Naka-

    Huling Na-update : 2025-02-13

Pinakabagong kabanata

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 2

    APAT na katok pa si Goddy bago sumagot ang bunsong kapatid. “Hindi nga sabi ako sasama, Kuya!” sigaw nito mula sa loob ng silid nito.“Bakit ba kasi biglang nagbago ang isip mo?”“Eh, sa ayaw ko na nga!”“Okay! Hindi na kita pipilitin!”Hindi na sumagot ang kapatid kaya inayos na niya ang suot niya. Navy blue shirts at pinatungan niya lang suit na kulay gray na coat. Maong pants naman ang sa ilalim niya. Nabili niya lang ito sa murang halaga para sa reunion na gaganapin.Agad na pumara siya ng trickle papunta sa labasan. At mula naman sa labasan nila ay sumakay siya ng jeep. Pinagtitinginan siya ng ilan dahil sa semi-formal na ayos niya. Pero bagay naman sa kanya kahit na halatang pinaglumaan na ang suot. Sa ukay niya lang kasi nabili.Isa siya sa organizer ng reunion nila, pero sa mga CCTV siya naka-assign, para sa security.“Hi, Seth!”“Good God, dumating ka na, Goddy. Pa-set up naman ng projector, please,” pakiusap nito sa kanya.“I will, sir.” Ahead siya rito pero dito ito nagta

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 1

    MABILIS ang kilos ng personal driver ni Halina pagkahinto ng sasakyan sa parking lot ng A&K Couture para ipinagbukas siya ng pinto ng sasakyan. Agad na yumuko ang dalawang guard na dumaan sa kanya nang makababa siya, subalit wala siyang reaksyon. Parang wala lang ang mga ito. Normal na iyon sa mga tauhan niya kaya wala siyang narinig mula sa mga ito.Mula nang mag-take over siya sa kumpanya ng ina, ganoon na siya kalamig sa mga tauhan niya, kaya walang bago sa pakikitungo. Kahit noong magtapos siya ng kolehiyo ay malamig na siya sa mga tao— lalo na sa mga mahihirap, sa hindi niya ka-level. Hindi siya nakikipag usap sa mga ito.Bago pa siya makarating sa elevator ay inunahan siya ng driver niya para pumindot ng button. Seryosong pumasok siya at pumuwesto sa pinaka gitna, ang driver niya, hindi sumakay. Ayaw niyang may kasabay sa elevator. Saka may naghihintay na sa kanya sa taas, si Fanny— ang secretary niya.“Good morning, Miss Halina.” Sabay kuha sa kanya ng clutch bag niya. “Naka-

  • Falling For My Cold Lady Boss   Prologue

    SINUNDAN ni Halina nang tingin ang second hand ng magarang wall clock nila sa room. Pagtingin niya sa relong pambisig niya, mga twenty seconds na lang bago mag-dismiss ang professor nila sa subject na Data Structures. Kasalukuyang kumukuha si Halina ng Computer Science ngayon dito sa unibersidad malapit sa kanila. Wala namang question ang magulang niya sa kursong kinukuha nila. Sabi ng Daddy niya, natutunan naman ang pag-manage ng business kaya hindi kailangang business course ang kunin niya. Kaya Computer Science agad ang kinuha niya.Actually, may rason kung bakit ito ang kinuha niyang kurso. Hindi naman ano ang dapat na itanong sa kanya. Sino. Sino ba ang dahilan kung bakit CS ang kinuha niyang kurso. Dahil lang naman sa lalaking nakilala niya noong 4th year high school siya. Iyon kasi ang kurso na gusto nito ayon sa babaeng kausap nito. At hindi niya akalaing makikita rito ang lalaking iyon. Kaya masaya lagi ang araw niya sa unibersidad na ito.“Tic…” Sumilay ang magandang ngiti

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status