How I wish I could smash this thick glass on the side of his head.
Kanina pa mahigpit ang hawak ko sa baso ng tubig habang hinahayaan siyang ubusin ang pasensya ko kakadikta sa kung anong dapat kong gawin.
“Did you hear me, Sachiko?”
Yes, Dad. Rinig na rinig ko kung paano mo planuhin ang buhay ko nang hindi humihingi ng permiso galing sa ‘kin. Rinig na rinig ko kung paano mo ako kontrolin. Sawang-sawa na akong marinig mula sa ‘yo ang mga dapat kong gawin. But of course, I didn’t say that. I still have a bit of respect for him, pero kaunti na lang ‘yon dahil unti-unti niyang inuubos ‘yon.
Inikot ko lang ang mata ko at nagpatuloy sa pagkain. Mas mabuti nang hindi ko siya sagutin kaysa makipagtalo pa ako. He wants me to marry this man na anak daw ng kaibigan niya. The reason? I don’t know, bakit pa nga ba siya mag-aabalang sabihin sa akin ang rason kung sa dulo rin naman ay mapapapayag niya ako?
“Sachiko, I’m asking you.”
Mariin kong pinikit ang mata ko dahil sa inis. Huminga ako ng malalim saka walang emosyon na tumingin sa kaniya.
“Do I have a choice? Kayo pa rin ang masusunod. You don’t even need my approval dahil nakaplano na lahat. The wedding, the theme, the venue, sayang naman kung tatanggi pa ako, ‘di ba?”
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. This is suppose to be my homecoming celebration. Apat na taon akong tumira sa California for good at biglaang napauwi dahil sa balitang may sakit si Dad. Pero iba ang naabutan ko rito, he’s not sick at all. Pinauwi niya ako para magpakasal. Ni hindi ko pa nga kilala ang tinutukoy niya. I’ll just go with the flow. Alam kong susuko rin sa akin ang magiging fiancé ko dahil sa ugali ko.
“Sachi, huwag mong bastusin si Dad.”
Nalipat ang tingin ko kay kuya Isaiah. He’s my older brother. Dalawa lang kaming magkapatid pero mas malapit siya kay Dad at ako ay kay Mom. But unfortunately, my mother died five years ago.
Umirap lang ako saka tumayo na sa hapagkainan. Nawalan na ako ng gana.
“I’m done.” I’m done with this conversation, I’m done with this topic, I’m done with you all.
“Sachi, ija. Huwag naman sana sumama ang loob mo sa daddy mo. This is for your own good.”
And here’s tita Amelia, the second wife of my dad slash his mistress when my mom was still alive.
“Correction. Matagal nang masama ang loob ko sa inyo.” I smile widely at first until it became sarcastic.
Hindi ko na sila hinintay pa na makapagsalita dahil nauna na akong umalis doon. Kahit na tinatawag pa ni kuya ang pangalan ko ay hindi na ako lumingon. We’re good, actually. But I am disappointed that he approved our father’s decision for me. Simula nang mawala si mommy, si kuya ang naging kakampi ko kaya malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kaniya.
Pero this time, magtatampo muna ako dahil hindi niya man lang pinigilan si Dad. Bahala siya sa buhay niya!
Kararating ko lang pero gano’ng klaseng balita agad ang bumungad sa akin. Simula nang mamatay ang mommy ay puro na lang masasamang balita ang natatanggap ko. First, ang planong muling pag-aasawa ni Daddy na hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon. Pangalawa ay ang balitang may sakit si Dad kaya napauwi ako ng Pilipinas, pero hindi naman pala totoo. At ang pangatlo ay ang plano ng Daddy na ipakasal ako sa taong hindi ko naman kilala at mahal.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
Namalayan ko na lang ang sarili na papunta sa lugar na pinakagusto ko noong buhay pa si Mommy. Ang lupa namin na ‘to ang natitira kong pag-asa para magstay sa Pilipinas. Ayokong tumira sa bahay dahil makikita ko lang doon si Dad at Tita Amelia. Si kuya naman ay may sarili nang pamilya. Isa pang tampo ko sa kaniya ay noong nagpakasal ito two years ago pero hindi ako naka-attend dahil nasa California pa ako no’n. Akala mo kasi tatakasan siya ni ate Celestine, atat magpakasal samantalang twenty-four pa lang naman siya no’n.
Napangiti ako nang makarating dito. I have lots of memories here. Hindi pa rin pala ito nagbabago. May hilera ng puno sa magkabilang gilid at damuhan sa gitna. My favorite part here is the ocean view and sunset. Tanaw mula rito ang dagat at magandang tumambay kapag sunset dahil kitang-kita mula sa kinauupuan ko.
Sa rami naming lupa, ito ang pinakagusto kong makuha. But unfortunately, Dad won’t let me. Alam niya kasing resort ang ipapatayo ko which is ayaw niyang mangyari. Dapat daw ay private property lang ito.
“You’re blocking the view.”
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang baritonong boses na ‘yon. Lumingon ako sa likod at nakita ang isang lalaking nakasandal sa puno habang naka-bend ang isang paa at nakapatong sa hita nito ang isang scetchbook. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko man lang napansin ang lalaki gayong mas nauna pa ata siya rito kaysa sa akin.
“Who are you? Bakit ka nandito? This is a private property. Trespassing ka!” Akusa ko agad sa lalaki dahilan para matawa ito.
“I have permission to enter in this lot. Ikaw ang trespassing.”
“My Dad owns this lot.”
“Exactly. Your Dad, but not you.”
Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi niya. Gusto kong mapag-isa pero dahil sa lalaking ito ay nawalan ako ng peace of mind. Pamilyar siya pero hindi ko na matandaan kung saan ko siya nakita. I lived in California for 4 years kaya hindi na kataka-taka kung bakit hindi ko matandaan ang mga taong dati kong nakasalamuha rito.
“Anak ako ni Dad kaya may karapatan akong pumunta rito. Tsaka, sino ka ba? At bakit ka nandito?”
“Kailan ka pa nakarating?” Pagbabalewala lang niya sa tanong ko.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko, pero may halong pagtataka na ngayon dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung tungkol saan ang tinatanong nito, tungkol ba sa kung kailan ako nakarating dito sa lote, o kung kailan ako nakarating sa Pilipinas?
Nang makita niya ang reaksyon ko ay napabuntong-hininga siya. “Your brother is right, makakalimutin ka nga.”
Napaawang ang labi ko nang sabihin niya iyon. Agad na pumasok sa isip ko ang nag-iisang tao lang naman na kaibigan ng kuya ko.
“Aries?”
Ngumisi lang siya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Hindi ko akalaing dito ko pa siya makikita. He’s my brother’s best friend!
“Oh my God. That Aries the-dark-gloomy-anti-social-person?” I quoted with my fingers.
Nawala ang pagkakangisi niya na tila na-disappoint sa pag-describe ko sa kaniya. “I’m not gloomy!”
“Well yeah, not anymore. At least now you look lively...” Pinasadahan ko ito ng tingin pababa. “And professional.”
Tinitigan ko siya. Hindi kami close kahit pa best friend siya ni kuya. He’s anti-social, ‘yon ang pagkakaalam ko. Kahit pa noong pumupunta siya sa bahay ay hindi naman kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap dahil lagi lang akong nakakulong sa kwarto. Ni hindi ko nga alam kung paano sila naging close samantalang hindi naman friendly si kuya at tahimik si Aries. Siguro ay dahil matagal din silang naging magkaklase since high school, samantalang ako naman ay tatlong taon ang agwat ng edad sa kanila.
But seeing Aries now, ang layo niya na sa dating gloomy at tila pasan-pasan ang problema ng buong mundo. Ang tanging alam ko lang tungkol sa kaniya ay wala na rin itong nanay habang ang tatay niya naman ay nakakulong. He also had older sister but she died fourteen years ago. So basically, mag-isa na lang siya sa buhay. Pero mukhang hindi naman na malaking problema pa ‘yon dahil base sa ayos niya ay mukhang successful na siya.
Umangat ang tingin ko sa kaniya nang bigla itong tumayo at lumapit sa akin. Pinanood ko lang siya sa ginagawa hanggang sa makaupo ito sa tabi ko at doon ipinagpatuloy ang pagd-drawing.
“Seriously? Sa tabi ko pa talaga?” reklamo ko. This is the first time na mag-usap kami ng casual.
Hindi niya agad ako sinagot dahil busy na ito sa pagd-drawing. Sinilip ko ang ginuguhit niya at napaawang ang labi ko sa mangha nang makita ‘yon. It was a house, at nakatayo ‘yon sa loteng mismong kinauupuan namin.
“Like what I said, you’re blocking the view.” Naka-pokus lang ito sa pagd-drawing at hindi na ako tinapunan pa ng tingin.
Hindi na lang ako sumagot dahil natutok na sa ginuguhit niya ang atensyon ko. Maganda ang design, sketch pa lang ‘yon pero parang gusto ko na agad pagawan ng blueprint. Obvious naman na architect siya, my brother is an architect, my mother and father is also an architect. I belong to a family of architect.
Ako lang ang walang kahilig-hilig sa pagdrawing. But I love fashion, pinangarap kong maging isang fashion designer kaya pinag-aralan ko rin ang pagd-drawing. But I think drawing na mismo ang sumuko sa akin dahil kahit pa passion ng pamilya ko ang pagd-drawing ay hindi ako biniyayaan ng talento sa pagguhit. So instead of fashion designer, I pursued modeling.
“I’m planning to build a house here,” saad ni Aries nang mapansin ang titig ko sa iginuguhit niya.
Kumunot ang noo ko. “Here? As in dito talaga? Ni hindi nga sa ‘yo itong lupa, this is not for sale either. And I’m telling you, there’s no way you’ll get this lot. Huwag mo nang subukan pa.”
“You’re wrong. May isang paraan para makuha ko itong lupa.”
“And what is it?”
Tinigil niya muna pansamantala ang pagd-drawing saka seryosong tumingin sa akin. “Pakakasalan kita.”
Silence...
Deafening silence...
Hanggang sa mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin dahilan para mapaawang ang labi ko.
“I-ikaw ang ipapakasal sa akin ni Dad?”
Tumango ito saka muling tinuloy ang pagguhit.
“Ikaw ang anak ng dating kaibigan ni Dad?”
“Uh-huh.”
Hindi ako makapaniwala dahil matagal ko nang kilala si Aries pero hindi ko man lang nalaman na siya pala ang anak ng dating kaibigan ni Dad. Pero nakakulong ang tatay niya, so ibig sabihin ay nanay nito ang tinutukoy na kaibigan ni Dad!
“Wow. What a small world. And you’re telling me na ibibigay sa ‘yo ni Dad itong lupa kapag nagpakasal tayo?”
Muli siyang tumango habang nakatutok pa rin ang tingin sa ginagawa. “Yup. Sa atin.”
“You mean... itong buong lote? 5 hectares?!”
“Oo nga.”
Nilibot ko ang tingin sa buong lote. Napakaluwang nito at ibibigay lang ni Dad sa amin kapag nagpakasal kami. I badly want the lot kaya tila nabuhayan ako nang malamang ibibigay niya iyon sa amin. But the problem is... ayoko ng commitment.
“Lame,” sagot ko dahilan para mapatingin sa akin si Aries.
“Akala ko ba ay gusto mo rin itong makuha?”
“Yes pero hindi ako aabot sa puntong magpapakasal para lang makuha ito.”
Napabuntong-hininga siya dahil sa sinabi ko. Para itong nag-iisip at maya-maya lang ay umangat ang sulok ng labi niya na pinagtakhan ko.
“Then how about this? We will get married and once na naipangalan na sa atin ang lupa, we will file a divorce. Wala nang magagawa ang daddy mo roon. At pwede nating paghatian ito dahil maluwang ang lupa.”
Muli na naman akong nabuhayan dahil maganda ang offer niya! Pero agad ding bumagsak ang balikat ko nang may mapagtanto. Walang divorce sa Pilipinas!
I turned him down.
Muling na naman itong nag-isip. “Let’s just put it this way. Ipalabas nating nagcheat ka.”
Napaawang ang labi ko. “What the fuck! I’m not a cheater!”
“Mas lalo naman ako!”
Inirapan ko siya. Bakit ba gustong-gusto nitong makuha ang lupa? Aabot pa talaga siya sa point na magpapakasal para lang do’n? Nakuha ko naman ang puntong kawalan nga itong lupa dahil sa lawak at ganda ng view. Pero marami pa namang iba riyan, hindi lang naman ito ang may ganitong view.
Maya-maya ay may biglang pumasok na ideya sa utak ko. I grin at him. “Ganito na lang. Let’s say you abused me. Siguradong si Dad na mismo ang gagawa ng paraan niyan para mawalan ng bisa ang kasal natin.”
Natigilan siya sa sinabi ko at tila nagdilim ang mga mata niyo. Bigla akong kinabahan dahil ngayon ko lang nakita sa kaniya ang ekspresyon na ‘yon.
“I’m not like my father.” Saka nito binalik ang atensyon sa sketchpad.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa napagtanto. Oo nga pala, Aries’s father is abusive at ‘yon ang dahilan ng pagkamatay ng nanay niya.
“Anyways. Let’s not talk about it yet. Ang mahalaga sa ngayon ay makuha natin itong lupa. So... what do you think?” Pag-iiba niya sa usapan saka ito muling tumingin sa akin.
He’s looking intently at me. Ilang beses pa akong napakurap dahil doon. Hanggang sa namalayan na lang namin na pagabi na pala at sabay kaming napatingin sa sunset.
Maririnig mula rito ang paghampas ng alon sa malalaking bato pero napakapayapa pa rin pakinggan dahil sa mga huni ng ibon.
Napangiti ako habang pinapanood ang sunset. I love sunsets. Para bang sinasabi nito na tuloy lang ang buhay dahil tuloy-tuloy sa pag-ikot ang mundo. That whatever you did this day will bring another joy for tomorrow. Of course it will bring darkness first, but there’s a moon to serve as light. Hihintayin mo na lang ang kinabukasan para itama ang kung anumang maling nagawa ng kahapon.
Muli akong napatingin sa katabi na nakatingin na pala sa akin. I know that this answer will fill us both darkness. But that’s life, kailangan nating magsakripisyo para umusad, kailangan nating magpakapraktikal.
Well, it’s better to take the risk than lose the chance. So I smirk. “Deal.”
“Sigurado ka na ba, Sachi?” Ngayon ay ako na ang nagtaka nang itanong ‘yon sa ‘kin ni kuya. Parang kahapon lang ay sila pa ang nangungumbinsi sa akin na magpakasal pero ngayong pumayag na ako ay halos hindi pa sila makapaniwala. Though, given naman na ang pagpayag ko dahil wala rin naman akong magagawa. “Hindi ba ito naman ang gusto niyo?” Umirap ako sa kanila. Ako na kasi mismo ang nag-approach kay Dad para ma-organize na ang wedding. Good thing, nandito rin si kuya sa office ni Dad kaya hindi ako masyadong naiilang sa kaniya. We’re not close kahit pa tatay ko siya. “Alright. Let’s organize the wedding immediately.” Napangisi ako. This means, mapapasaakin na ang lupang matagal ko nang hinihiling sa kaniya. Pinag-usapan na namin ‘yon at sinabi niyang buong-buo niyang ibibigay sa amin ang lupa. Mainam na raw na sa akin at kay Aries mapupunta ‘yon dahil kampante siyang ma
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang ikasal kaming dalawa. Hindi naman gano’n kahirap ang pag-adjust ko dahil madali lang pakisamahan ang mga katiwala ni Aries. Nakilala ko na si Nanay Flor na matagal niya na palang katiwala. Mabait siya at maalaga talaga, kaya hindi rin mapakawalan ni Aries. “Good morning, ‘Nay,” saad ko agad nang makita siyang naghahain ng pang-umagahan. She’s in her mid 50’s already at tatlong dekada nang pinagsisilbihan ang pamilya Vincenzo. Ito lang kasi ang nagsilbi at nag-alaga kay Aries simula nang maulila na siya kaya malaki ang utang na loob niya sa kaniya. Itinuturing niya na rin itong parang tunay na ina. That’s what he told me, kaya pwedeng nanay na rin daw ang itawag ko sa kaniya. “Good morning, hija. Heto, magkape ka muna.” Inabutan niya ako ng kapeng natimpla na kaya napangiti ako. Bigla kong naalala si mommy na ganito rin kaalaga sa akin no’ng nabubuhay pa siya. “Sa
Sinobra ba sa tanghali ang gising ko? Bakit ganito na agad kainit?I was just standing at the kitchen doorway, hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa pagpasok o babalik na lang sa kwarto?For pete’s sake, Aries is topless! At saktong pagpasok ko ng kusina ay sakto ring pagtanggal niya ng apron so I can clearly see his six pack abs! Tanging sweatpants lang ang suot niyang pang-ibaba.Tumikhim ako saka mabilis na tumungo sa coffee maker nang hindi pinapahalatang apektado ako sa presensya niya.“Day off?” tanong ko na lang bago maupo sa upuan at uminom ng kape.Tumango siya saka naglagay ng dalawang plato sa lamesa. Saka ko lang naramdaman ang gutom nang maamoy ang niluto niyang caldereta.“Kagigising mo lang?”Awkward akong ngumiti saka tumango. Nawili kasi ako sa pagbabasa kagabi at hindi ko namalayang
I rushed through Aries that was sitting on the floor. Nasipa ko pa ang bote ng alak sa tabi niya.He’s drunk.“Shit! Ano bang nangyari sa ‘yo?!”Kinuha ko ang braso niya at inalalayan siyang tumayo. The blood in his left arm continues to flow. Nagpapanic ko siyang pinaupo sa upuan at sinabihang huwag siyang gagalaw.Agad akong naghanap ng first aid kit. Nang makita ko ‘yon sa cabinet na nasa taas ay nanginginig ang kamay ko nang hawakan ang braso ni Aries. Ayokong gumawa ng malakas na ingay dahil baka magising ko si Nanay Flor at Ate Sab.Kumuha ako ng planggana at naglagay ng tubig doon para panghugas sa sugat ni Aries. Nang bumalik ako sa pwesto niya ay nakatungo ito sa braso. Umangat ang tingin niya at ngumiti ito nang makita ako. Only his lips are smiling but his eyes are tired.“Look.” He raised his left ar
Just when I stepped outside of my room, Aries’s door falls open. We both froze. Bigla akong napaiwas ng tingin habang siya ay tumikhim. “Good morning,” he casually said. Tipid akong ngumiti. “Morning.” Nauna na akong maglakad papunta sa kusina at sumunod din siya. We’re silent until we reach the kitchen and thank God, Nanay Flor was already there. “Oh, mabuti at gising na kayo. Kumain na kayo,” aya niya saka naghanda ng mga pagkain sa mesa. Umupo ako at kumuha ng slice bread. I’m a left handed person kaya nang hawakan ko ang kutsara gamit ang kaliwang kamay ay napadaing ako nang maalalang may sugat nga pala ako roon. Ano ba naman ‘to! Napakaliit na sugat pero ang hapdi. Ginamit ko na lang ang kanang kamay ko para sana maglagay ng palaman pero dahil hindi ako sanay roon ay napabuga ako ng malalim na hininga. Hanggang sa bigla
“What’s the meaning of this, Sachiko?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pakaseryoso ng mukha niya. Ni hindi ako makapagsalita! Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. At ipinagpasalamat ko nang biglang dumating ang waiter para kunin ang order namin. Mabilis ding sinabi ni Calisto ang order namin at muling bumalik ang atensyon sa akin. Nakataas ang kilay niya habang hinihintay ang sagot ko. “Uh... I... I b-bought this ring.” “You bought it? Ha! Don’t fool me, Sach. I know you. Ni hindi ka mahilig sa jewelries unless you’re on photoshoot or fashion show.” I bit my lower lip. We worked together for how many years, at kilalang-kilala niya na ako. Mapagkakatiwalaan ko rin naman siya, pero hindi ko lang alam ang tungkol dito. He’s still my agent, pwedeng masira ang career ko... or bumagsak ang pangalan ko. “Cali. Can we just talk ag
Nakaayos na ako at handa na sa pag-alis nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Aries at iniluwal siya mula roon.Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita ang ayos ko saka ako pinasadahan ng tingin pababa.“Where are you going?” he asked.“Work,” tipid na sagot ko.Kinuha ko na ang pouch ko at palabas na nang bigla ulit siyang magsalita.“Wala akong maalalang may trabaho ka na, Sachiko.”Bumuntong-hininga ako habang nakaharap pa rin sa pintuan. Hangga’t maaari ay ayokong ma-stuck dito sa bahay niya kaya napagdesisyunan ko munang puntahan si Cali. Pero para makaalis na ako sa pamamahay na ‘to ay hinarap ko siya.“Do you still remember the second rule?” I asked. Saglit pa itong napaisip saka ako tinaasan ng kilay.Hindi siya sumagot kaya umayos ako ng pagkak
Funny how I spent the entire night crying. Masakit pa rin ang pang-upo ko kaya hindi na ako masyadong nakatulog. Iniyak ko lang lahat at hindi ko alam kung bakit gano’n ako naging ka-emosyonal. I’m sensitive, yes, pero insensitive siya, e!Ni halos ayoko nang lumabas ng kwarto. May init na rin sa labas pero nakadapa pa rin ako sa kama habang nakabaon ang mukha sa unan. Dagdag pang masakit ang ulo ko dahil medyo naparami ang inom ko kagabi.Alam kong may mali rin ako, pero hindi ko alam kung bakit gano’n kalala ang impact sa ‘kin ng sinabi niya. I was offended, nanahimik na lang sana siya mas tanggap ko pa.Maya-maya ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok.“Sachiko, gising ka na ba? Anong oras na.”Rinig ko ang boses ni Ate Sab. Kanina pa ako gising at pinapakiramdaman lang ang bahay kung umalis na ba si Aries. Ayokong makita ang p