Share

Chapter 4

Sinobra ba sa tanghali ang gising ko? Bakit ganito na agad kainit?

I was just standing at the kitchen doorway, hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa pagpasok o babalik na lang sa kwarto?

For pete’s sake, Aries is topless! At saktong pagpasok ko ng kusina ay sakto ring pagtanggal niya ng apron so I can clearly see his six pack abs! Tanging sweatpants lang ang suot niyang pang-ibaba.

Tumikhim ako saka mabilis na tumungo sa coffee maker nang hindi pinapahalatang apektado ako sa presensya niya. 

“Day off?” tanong ko na lang bago maupo sa upuan at uminom ng kape.

Tumango siya saka naglagay ng dalawang plato sa lamesa. Saka ko lang naramdaman ang gutom nang maamoy ang niluto niyang caldereta.

“Kagigising mo lang?”

Awkward akong ngumiti saka tumango. Nawili kasi ako sa pagbabasa kagabi at hindi ko namalayang alas-dos na pala ng madaling araw kaya tinanghali na ako ng gising.

Silence...

Hindi ako sanay sa katahimikan pero tila natutop ang bibig ko dahil sa nasisilayan ngayon. Hindi ko alam kung saan ba ako naiinitan, sa panahon, sa kape, o sa katawan ni Aries? Napailing ako sa naisip saka sumimsim ng kape.

May instant pandesal na pala ako.

“I like the view.”

Agad ding nanlaki ang mga mata ko at halos tampalin na ang bibig dahil wala itong preno kung makapagsalita! Tangina, kanino ba kasi ako nagmana? Parang ngayon ko pa pinagsisihan na napakadaldal ko.

Dahan-dahang lumipat ang tingin ko kay Aries at hinihiling ko na lang na sana ay kainin na ako ng lupa. He’s staring at me! I don’t know how long it was, pero base sa tingin niya ay para bang nakikita nito ang kaloob-looban ng mata ko. Am I that transparent?

Maya-maya ay umangat ang sulok ng labi niya dahilan para magpanic ako.

“I.. I mean... Uh... Ano... Iyong l-lupa na napagkasunduan natin! Tama, m-maganda kasi ‘yong view roon. Ocean and sunset. Ikaw? B-bakit gustong-gusto mong makuha ‘yon?” Muli akong sumimsim ng kape at halos mapaso pa dahil mainit pa nga pala ‘yon! Ayan, Sachiko, bakit ka ba kasi natataranta?

“To fulfill my late sister’s dream.”

Tumango lang ako saka muling uminom ng kape. Nang muli kong iangat ang tingin sa kaniya ay nagsasandok na ito ng pagkain at isa-isang inilapag sa mesa. I can’t suppress my smile thinking that Aries is husband material.

Ilang minuto ang lumipas at nakasuot na ngayon ng gray t-shirt si Aries habang tahimik kaming kumakain. Ito ang unang beses na natikman ko ang luto niya at masasabi kong masarap ‘yon. Saan kaya niya natutunang magluto? Kung close ko lang siguro siya ay kanina pa ako nagpaulan ng papuri tungkol sa luto nito.

Pero bakit parang kami lang ata ang tao rito sa bahay?

“Nasaan pala si Manang Flor?”

“Grocery.”

I nod. “Si ate Sab?”

“Grocery.”

Tanghaling tapat sila naggrocery? Bumuntong-hininga na lang ako. Baka nagbonding pa ang mag-ina. Sinabi rin ni Aries na sa labas daw sila kakain kaya huwag na raw namin silang hintayin.

Pero hindi ako sanay sa katahimikan. Hindi ba dapat nagkukwentuhan kayo kapag kumakain dahil iyon lang ang oras na magkasama kayo? And why the fuck am I thinking like we’re real couple? Muli na naman akong napailing pero hindi ko talaga mapigilang magtanong.

“Bakit ka nag architect?”

Tumigil siya sa pagsubo at ngumunguya pa nang tingnan ako. Uminom muna siya ng tubig saka nagkibit-balikat. “It’s my sister’s dream.

Kumunot ang noo ko. I suddenly got curious why he’s continuing his sister’s dream instead of his. Alam kong matagal nang patay ang ate niya; she was only fifteen years old and Aries was only twelve years old that time. Nakwento kasi ni kuya ‘yon sa akin at sinabi niya rin kung gaano ka-close ang magkapatid. Mahirap nga siguro talagang mawalan ng kapatid. Bigla kong naalala si kuya. Kahit bwesit ako do’n, mahal ko pa rin naman ‘yon, siya lang ang naging kakampi ko magmula nang mamatay si mommy. Siguro ay mawawalan din ako ng gana kung ako ang nasa posisyon ni Aries.

“How about your dream?” I asked.

“I don’t have dreams,” he said. “I don’t have passion.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Then what is drawing to you?”

“Obligation,” agaran nitong sagot.

Napaawang ang labi ko. I thought he loves drawing? I thought it was his passion? Magaling naman siya ah, maganda ang mga gawa niya kaya bakit hindi niya na lang iyon mahalin?

I heaved a deep sigh. “Are you even happy with your life right now?”

Tila natigilan siya dahil sa tanong ko. Kalaunan ay uminom ito ng tubig dahil tapos na siyang kumain saka kinuha ang pinagkainan namin at inilagay ito sa lababo.

“I just... I guess... I’m just existing.”

Mas lalo akong naguluhan. With his life right now, hindi pa ba siya kuntento roon? Alam kong may business siyang pinapalago and so far, maayos naman ang takbo non. Masasabi kong successful na rin siya sa edad na twenty-six at nakukuha niya na lahat ng gusto niya. 

Siguro nga ay talagang balewala lahat ng iyon kung mag-isa ka lang sa buhay.

Aries heaved a sigh when he saw the confusion on my face. He lean against the edge of sink ang crossed his arms over his chest.

“I really don’t have dreams. When I was a child, I thought I would die early. Hindi ko makita ang sarili ko sa hinaharap o sa posisyong meron ako ngayon.”

I suddenly got interested so I fold my arms over the table and look at him as if he’s the interviewee. He just smiled bitterly.

“Siguro ay nabubuhay lang ako dahil wala lang. Wala akong gusto... I don’t have purpose. That’s why I chose to follow my sister’s dream.”

“Masaya ka ba?”

Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang ‘yon lumabas sa bibig ko. I bit my lower lip but still waiting for his answer.

“Maybe? Let’s just say that I don’t dislike this... but I don’t like this either.” He turned around to face the sink and began to wash the dishes. 

Hindi na rin ako muling nagtanong pa dahil base sa sagot niya ay mukhang ayaw niya nang patagalin pa ang usapan tungkol doon.

Sa saglit na usapan namin na ‘yon ay tila nalaman ko ang kalahati ng talambuhay niya. I knew him since we were in high school but this is the first time that we talked about something personal. Ngayong nakatira kami sa iisang bubong ay tila unti-unti kong nakikilala si Aries.

I suddenly has the urge to dig more. I want to know more about him. I feel like the man I used to address as gloomy has really had dark experiences. Nahihirapan akong basahin siya. He’s quiet and I can feel the wall he built in between us.

Nagpaalam siya kinahapunan na may pupuntahan raw siya at baka gabihin na ng uwi. Hindi niya sinabi kung saan at hindi na rin ako nagtanong pa dahil wala naman akong pakialam.

Hating-gabi na ng bigla akong maalimpungatan. Narinig kong parang may nahulog na babasaging bagay mula sa kusina. Kwarto ko kasi ang pinakamalapit sa kusina kaya rinig na rinig mula rito ang kung anumang bagay na ‘yon. 

Agad na akong napatayo nang pangalawang beses na akong makarinig ng pagkabasag. Tiningnan ko ang wall clock at ala-una pa lang ng madaling araw. Nakauwi na ba si Aries? Hindi ko na kasi ito naabutan dahil maaga akong natulog.

Kinukusot ko pa ang mata ko nang magtungo ako sa kusina. Nakapatay naman ang ilaw rito kaya bigla akong natigilan nang may mapagtanto. Hindi kaya magnanakaw? Pero ano namang gagawin niya sa kusina? Biglang gumapang ang kaba sa buong sistema ko kaya agad kong dinampot ang payong na nakasabit sa railings 

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa payong nang makita ang basag-basag na mga baso sa kusina. Sinundan ko lang ang pinanggaling nila hanggang sa mapadpad iyon sa imahe ng isang taong nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader.

My jaw dropped and as I saw the blood coming from his arms, my legs starts to tremble. Napatakip ako sa bunganga dahil sa nasaksihan. It’s dim but I could tell who’s he!

Agad kong binuksan ang ilaw at kasunod no’n ang pagtakbo ko palapit sa kaniya. “Aries! What the hell happened?!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status