Maaga akong nagising ngayon para maghanda ng pang-umagahan. Sinadya ko talagang ako ang magluto dahil inuumpisahan ko na ang plano ko kay Aries.
Humihikab pa si Nanay Flor nang makita akong nagluluto sa kusina.“Good morning, ija. Ako na riyan,” alok nito pero ngumiti lang ako sa kaniya.“Ako na po. Sinadya ko talagang magising ng maaga para ipagluto kayo.” Malawak akong ngumiti rito.“Aba? Anong mayro’n? Mukhang maganda ang araw mo ngayon, ah?”“Nagpapaka-misis lang po.” Umikot ang mata ko habang sinasabi ‘yon. As if.“Nako...” Nang-aasar na saad ni Nanay Flor. Mahina akong napatawa saka nagpatuloy sa pagluluto.“Ano ba ‘yang niluluto mo, hija?”Malapad akong napangiti. Of course this is my specialty, hindi ‘to mahihindian ni Aries. Gustong-gusto ito ng lola ko no’ng nasa Cali pa ako. Ito rin ang paborito ni Kuya at ito lang din talaga ang alam kong lutuin bukod sa mga instant at madadaling luto.Lumap“Something’s odd with you,”Saglit akong napasulyap kay Aries nang itanong niya ‘yon saka muling tinutok sa pag-aayos ng necktie ang ginagawa.“Nasa good mood lang ako,” palusot ko.Nakita ko kasi siya kanina na hirap sa pag-ayos ng necktie dahil sa pagmamadali at halos hindi pa nga ako napansin. Ako na lang ang nagpresinta na mag-ayos tutal kailangan ko muna siyang paamuhin.Medyo nalilito pa nga lang ako sa pag-ayos kaya natatagalan ako rito, dagdag pang titig na titig siya sa akin habang ginagawa ko ‘yon. Maya-maya ay pumamulsa siya saka ako tinaasan ng kilay. “Ilang araw ka nang ganiyan. Did something happen?”Saglit akong natigil sa ginagawa saka napaisip. Sa pagkakaalala ko ay pangatlong araw na ngayon simula nang lutuan ko siya na hindi niya rin naman nakain.“Wala naman.”Napangiti ako nang sa wakas ay nakuha ko rin ang pagkakaayos ng necktie. Kasabay din non ang pagkunot ng noo niya.He slight
Sabay-sabay kaming kumakain ngayon at halos mapunit na ang labi ko kakangiti dahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang balitang dala ni Cali.“Oo nga pala, hija. Ano ba ‘yong tinutukoy mong pangarap na natupad mo na?” biglang tanong ni Nanay Flor kaya napatingin ako sa kaniya.Natutok na rin ang tingin ni Aries at Ate Sab sa akin kaya mas lalo akong napapangiti.“Matutupad pa lang po. I will be a runway model on VS fashion show next month,” proud na saad ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Ate Sab habang si Aries naman ay natigilan sa pagnguya. Natahimik silang lahat kaya mas lalong hindi ko na mapigilan pa ang pagkakangiti ko. This is the power of VS!“S-seryoso ba ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Ate Sab kaya naman sunod-sunod ang pagtango ko sa kaniya. Hindi pa rin makapagsalita si Aries at ngayon ay mas halata na ang pagkagulat sa hitsura niya.Ngumisi lang ako rito saka muling itinuon ang atensyon kay Ate Sab.
“So now, what’s your plan?”I stopped from drinking my juice when I look at Cali who’s sitting across from me. Narito kami ngayon sa kabubukas lang na restaurant sa mall. I decided to treat him here, since pareho kaming mahilig mag-explore ng places at kainan. Gusto ko sana sa ibang lugar kaso wala na kaming oras dahil hapon na rin. And to my surprise, malapit pala ang mall na ito sa architectural firm na pinagtatrabahuhan ni Aries.I crossed my arms over my chest as I lean on my chair. “Stick to my plan. Malapit ko nang makumbinsi si Aries.”“Are you sure?”I furrowed my brows as I look at him. “Yes.”Kumibit-balikat siya. “Confident, huh?” He also crossed his arms, mirroring my position.Ngumisi ako. “Bakit hindi? Malapit ko nang makuha ang lupa, Cali.”“One month from now, right?”“Maybe... a week from now.”He chuckles and also drank his juice. “Too confident.”“Hindi mo kasi nakikita kung
“Nasa’n po si Aries?” bungad ko kaagad nang makauwi at makasalubong si Nanay Flor. Tila nagulat naman ito nang makita ang pagkaseryoso sa mukha ko.“Nasa kwarto niya, hija, matutulog na raw,” naguguluhang sagot niya. “Teka. Nag-away ba kayo?”Hindi ako kaagad nakasagot. Umiwas lang ako ng tingin nang biglang maging mausisa ang tingin niya sa akin.“Hindi po.”“Sigurado ka? Bakit parang hindi maganda ang timpla ng mukha niya kanina?”Agad ding bumalik sa kaniya ang tingin ko. At saan naman sasama ang loob niya? “Bakit daw po?” “Pagod siguro sa trabaho. Halos hindi na nga ako masagot kanina,” umiiling-iling na aniya. “Oh siya, maiwan na kita at tatapusin ko ‘tong mga labahan. Kumain ka na lang diyan kung nagugutom ka na.” Paalam niya kaya napatango na lang ako.Nang umakyat ako at makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ni Aries ay napahinto ako roon. Tinitigan ko muna ito ng mga ilang segundo bago napagdesisyun
Hindi ko na nagugustuhan pa ang inaasal ni Aries. Lumipas na ang dalawang linggo na naging malamig ang pakikitungo nito sa akin. One week from now, lilipad na akong New York para sa paghahanda sa fashion show. Pero mukhang magbabaon ata ako ng sama ng loob.“Sach.”Saka lang ako nabalik sa realidad nang marinig ang boses ni Calisto. Narito pala ako ngayon sa apartment niya at pinag-uusapan namin ang tungkol sa fashion show. Hindi ko na napakinggan pa ang sinasabi niya kanina dahil natulala lang ako kaiisip sa pakikitungo sa ‘kin ni Aries.“Did you hear what I said?”Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa tanong niya. I didn’t. Lumilipad ang isip ko.Umiling lang ako saka isinandal ang sarili sa couch. “Sorry. What was it again?”I heard him sigh. “You’ve been spacing out lately. Is there a problem?”“I don’t know. Wala lang siguro akong gana.”“And why?” Tumaas ang kilay niya.Saglit pa akong napatingin
Isang linggong rehearsals, muntik na akong hindi makahabol dahil maraming bumabagabag sa isipan ko. But still, I made it. And now, here I am, on the dressing room, wearing a black skater dress with black high heel boots. Nakalugay ang hanggang bewang kong buhok na pinaharap sa kaliwang balikat at naka-curl sa baba.“Just be calm, Sach, okay?”Tanging ang mata ko lang ang gumalaw nang tingnan si Calisto sa reflection ng salamin habang inaayusan ako ng stylist ko.I’m actually calm. Na-eexcite na nga ako, e. Ang tagal kong hinintay ang araw na ‘to at hindi ko hahayaang masira lang ‘yon basta-basta ng kaba ko.“Do you need water?” Cali asked. Nasa katabing upuan ko lang siya.“Nah, I’m fine.”Saglit akong napatitig kay Cali. Ang formal ng ayos niya ngayon. Hindi halatang agent ko siya because he can be a model himself. Actually, ilang beses ko na siyang kinukulit na magmodelo pero hindi niya raw gusto ang spotlight. Ewan ko ba, para
Ilang linggo lang naman kaming hindi nagkita pero parang ang laki na ng pinagbago niya. Usually ay matured ito tingnan kapag nakapang-pormal na suot pero ibang-iba ang ayos niya ngayon.Naka-brown coat ito at black turtleneck long sleeve. Nakapamulsa siya ngayon habang nakatingin pa rin sa akin. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa tsokolate niyang mga mata at hindi pa rin makapaniwalang narito nga talaga siya.Until I heard someone cleared his throat. Doon lang ako nabalik sa realidad at nang lingunin ang nasa likod ko ay seryosong nakatingin sa akin si Cali. Nakakunot naman ang noo ni David na tila nagtatanong kung anong nangyayari.“Sachi, can we talk?”Muli akong napalingon kay Aries. His voice traveled down my stomach. Ilang linggo ko ring hindi narinig ‘yon at para pa akong nanibago ngayong nagsalita siya.“Sach, do you know him?” David asked.Napansin ko ang mga taong napapatingin sa amin. Most of them are confuse. Of cours
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo. Pangunahing dahilan ay ang alak at dinagdagan pa ‘to ng isang bagay na kailangan kong isipin.Naaalala ko ang nangyari kagabi at hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit bigla akong nagdesisyon na hindi na babalik pa ng Pilipinas. Pero ngayon, nagdadalawang-isip na naman ako!I want to pursue my career, pero bigla akong nagkaroon ng doubt sa sinabi ni Aries. Now, this is the battle between family or career.Mas lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip kaya naman nagdesisyon na lang akong iligo ‘yon. At nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos, may towel pang nakapulupot sa ulo ko at nakabathrobe pa ako nang may kumatok sa pintuan.Oh God, please, sana hindi si Aries ‘yon.Nagtungo ako malapit sa pintuan saka ito binuksan pero bumungad kaagad ang pamilyar na amoy ni Cali pagbukas ko nito.Nagsalubong ang kilay ko nang makitang nakaayos siya at may isang maleta sa gilid niya.“Where are you go