“Nasa’n po si Aries?” bungad ko kaagad nang makauwi at makasalubong si Nanay Flor. Tila nagulat naman ito nang makita ang pagkaseryoso sa mukha ko.
“Nasa kwarto niya, hija, matutulog na raw,” naguguluhang sagot niya. “Teka. Nag-away ba kayo?”Hindi ako kaagad nakasagot. Umiwas lang ako ng tingin nang biglang maging mausisa ang tingin niya sa akin.“Hindi po.”“Sigurado ka? Bakit parang hindi maganda ang timpla ng mukha niya kanina?”Agad ding bumalik sa kaniya ang tingin ko. At saan naman sasama ang loob niya?“Bakit daw po?”“Pagod siguro sa trabaho. Halos hindi na nga ako masagot kanina,” umiiling-iling na aniya. “Oh siya, maiwan na kita at tatapusin ko ‘tong mga labahan. Kumain ka na lang diyan kung nagugutom ka na.” Paalam niya kaya napatango na lang ako.Nang umakyat ako at makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ni Aries ay napahinto ako roon. Tinitigan ko muna ito ng mga ilang segundo bago napagdesisyunHindi ko na nagugustuhan pa ang inaasal ni Aries. Lumipas na ang dalawang linggo na naging malamig ang pakikitungo nito sa akin. One week from now, lilipad na akong New York para sa paghahanda sa fashion show. Pero mukhang magbabaon ata ako ng sama ng loob.“Sach.”Saka lang ako nabalik sa realidad nang marinig ang boses ni Calisto. Narito pala ako ngayon sa apartment niya at pinag-uusapan namin ang tungkol sa fashion show. Hindi ko na napakinggan pa ang sinasabi niya kanina dahil natulala lang ako kaiisip sa pakikitungo sa ‘kin ni Aries.“Did you hear what I said?”Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa tanong niya. I didn’t. Lumilipad ang isip ko.Umiling lang ako saka isinandal ang sarili sa couch. “Sorry. What was it again?”I heard him sigh. “You’ve been spacing out lately. Is there a problem?”“I don’t know. Wala lang siguro akong gana.”“And why?” Tumaas ang kilay niya.Saglit pa akong napatingin
Isang linggong rehearsals, muntik na akong hindi makahabol dahil maraming bumabagabag sa isipan ko. But still, I made it. And now, here I am, on the dressing room, wearing a black skater dress with black high heel boots. Nakalugay ang hanggang bewang kong buhok na pinaharap sa kaliwang balikat at naka-curl sa baba.“Just be calm, Sach, okay?”Tanging ang mata ko lang ang gumalaw nang tingnan si Calisto sa reflection ng salamin habang inaayusan ako ng stylist ko.I’m actually calm. Na-eexcite na nga ako, e. Ang tagal kong hinintay ang araw na ‘to at hindi ko hahayaang masira lang ‘yon basta-basta ng kaba ko.“Do you need water?” Cali asked. Nasa katabing upuan ko lang siya.“Nah, I’m fine.”Saglit akong napatitig kay Cali. Ang formal ng ayos niya ngayon. Hindi halatang agent ko siya because he can be a model himself. Actually, ilang beses ko na siyang kinukulit na magmodelo pero hindi niya raw gusto ang spotlight. Ewan ko ba, para
Ilang linggo lang naman kaming hindi nagkita pero parang ang laki na ng pinagbago niya. Usually ay matured ito tingnan kapag nakapang-pormal na suot pero ibang-iba ang ayos niya ngayon.Naka-brown coat ito at black turtleneck long sleeve. Nakapamulsa siya ngayon habang nakatingin pa rin sa akin. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa tsokolate niyang mga mata at hindi pa rin makapaniwalang narito nga talaga siya.Until I heard someone cleared his throat. Doon lang ako nabalik sa realidad at nang lingunin ang nasa likod ko ay seryosong nakatingin sa akin si Cali. Nakakunot naman ang noo ni David na tila nagtatanong kung anong nangyayari.“Sachi, can we talk?”Muli akong napalingon kay Aries. His voice traveled down my stomach. Ilang linggo ko ring hindi narinig ‘yon at para pa akong nanibago ngayong nagsalita siya.“Sach, do you know him?” David asked.Napansin ko ang mga taong napapatingin sa amin. Most of them are confuse. Of cours
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo. Pangunahing dahilan ay ang alak at dinagdagan pa ‘to ng isang bagay na kailangan kong isipin.Naaalala ko ang nangyari kagabi at hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit bigla akong nagdesisyon na hindi na babalik pa ng Pilipinas. Pero ngayon, nagdadalawang-isip na naman ako!I want to pursue my career, pero bigla akong nagkaroon ng doubt sa sinabi ni Aries. Now, this is the battle between family or career.Mas lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip kaya naman nagdesisyon na lang akong iligo ‘yon. At nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos, may towel pang nakapulupot sa ulo ko at nakabathrobe pa ako nang may kumatok sa pintuan.Oh God, please, sana hindi si Aries ‘yon.Nagtungo ako malapit sa pintuan saka ito binuksan pero bumungad kaagad ang pamilyar na amoy ni Cali pagbukas ko nito.Nagsalubong ang kilay ko nang makitang nakaayos siya at may isang maleta sa gilid niya.“Where are you go
Nagising ako na masakit ang ulo dahil sa tigas ng unan ko! Sumiksik na lang ako roon habang mariing nakapikit pero ang tigas talaga nito.Saglit akong napahawak sa ulo ko habang nakapikit pa rin at inaantok. Pero dahil sa bango ng naamoy ko ay tila unti-unting nawawala ‘yon kaya mas sumiksik pa ako roon.Kailan pa ako nagkaroon ng matigas na unan? Binalewala ko na lang ‘yon until I heard a snickers.“Hmm...” ungol ko lang na aka niyakap ang nahabang unan sa tabi ko. Mas sumiksik pa ako roon hanggang sa may maramdamang akong humawak sa tuktok ng ulo ko.“Wake up, sleepyhead.”Is that my alarm? Kinapa ko ang bedside table pero nalaglag lang ang kamay ko dahil wala akong nahawakang table. Kumunot ang noo ko at dahan-dahang iminulat ang mga mata.Pero agad din iyong nanlaki nang makita ang hindi pamilyar na kwarto! Kinapa ko ang unan ko. Dibdib. I groped a chest! Agad akong napabangon pero nang malaglag ang kumot hanggang bewang ko a
Silence...Deafening silence...Ilang beses pa akong napakurap.“Is that true?” My trust issue as always.Napalunok ito nang makitang walang emosyon ang mukha ko.“Y-yes.”Naningkit ang mga mata ko. “But I’m fully naked. How come you didn’t took advantage of my body?”“Well.... Yes, we made out first pero hindi umabot sa puntong nagkaroon tayo ng sexual intercourse because you passed out before we actually do that.”Marahan akong napapikit. Hingang malalim, Sachiko. Dahan-dahan akong tumayo mula sa inuupuan at lumapit sa kaniya.Until...“A-aray! Sachiko! Ah! Masakit! Ouch!”“Masasaktan ka talagang lintek ka! Pinakaba mo akong punyeta ka!” Mariin kong piningot ang tainga nito kaya naman napatayo na siya mula sa inuupuan niya habang pilit na tinatanggal ang pagkakapingot ko sa tainga niya.“S-sorry na nga, e! Aray! Sachi! Masakit!”Saka ko lang iyon binitawan nang maki
Nangangawit na ang panga ko kakangiti but I just couldn’t erase my smile. We had lots of fun today. Kahit saglit lang ‘yon ay labis na ang saya ko. I don’t know, basta kasama ko si Aries ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. I like this feeling, though. Para akong lumulutang. Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang huminto na kami sa kaniya-kaniyang pintuan ng kwarto. Nakatingin lang ako sa pintuan niya habang may inaalala. “I still don’t remember what happened last last night,” nakangusong saad ko kaya naman mahina itong tumawa. “Too bad for you.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Paano ba ako napunta sa kwarto mo? Can you help me recall it? Maybe answering my questions will do.” Kumibit-balikat ito. “Why recall it when we can do it again?” Namilog ang mata ko. “Gago ka ba?!” Muli itong tumawa habang nakatingin sa baba. Nang muling umangat ang tingin niya sa akin ay kagat na nito ang labi niya. What the hell! It made me turn on! “Akala ko ba gusto mong maalala?” Nagsimula
Alas-otso na ng umaga pero hindi pa rin ako nakakapagbihis. Wala na si Aries sa kwarto ko dahil bumalik muna ito saglit sa kwarto niya para maligo.Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakaupo at nasandal sa headboard ng kama, iniisip ang nangyari kagabi hanggang kaninang madaling araw.Yes. Umabot kami hanggang alas-kwatro ng madaling araw!Hindi ko naman akalain na gano’n katigang si Aries at naka-apat na rounds kami! Gusto niya pa ngang umisa pero ubos na ang condom nito kaya doon lang kami tumigil. At sa apat na ‘yon, magkakaibang posisyon at lugar. In bed, bathroom, bathtub, pati na rin ang standing position. Shocks! Hindi ko akalain na magiging gano’n kainit ang ganap namin. Napakatahimik at seryoso niyang tao pero tangina, mapaglaro pagdating sa kama.Napailing na lang ako nang lumalalim na ang pag-iisip ko. Iba na ‘to. I still feel sore at isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi pa ako makatayo.Pangalawa ay iniisip ko