"Oh, Hi, Sach! What made you come here?"Dire-diretso ako ngayon sa pagpasok sa opisina ni Calisto. Ni hindi ko siya pinansin nang batiin ako, basta na lang akong umupo ngayon sa couch na naroon habang nakakrus ang mga braso at masama ang tingin sa kaniya."H-hey, what did I do?" nagtataka na ngayong tanong niya nang makita ang masama kong titig.Pinaningkitan ko siya ng mata. "You know what, we should discuss something," panimula ko kaya naman kumunot ang noo nito sa pagtataka.Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang makausap ko si Alyssa. Hindi na masakit ang balakang ko ngayon, mabuti na nga lang at hindi rin nagkaroon ng internal bleeding kaya binigyan na lang ako ng gamot para mawala ang pasa at sakit nito.Isang linggo na rin akong nangangating pumunta rito. Hindi ako makalabas-labas ng bahay dahil todo bantay sa 'kin si Aries. Nalaman niya kasing balak kong puntahan si Cali kaya hindi ako nito pinapayagan. Mabuti na lang at n
How I wish I could smash this thick glass on the side of his head.Kanina pa mahigpit ang hawak ko sa baso ng tubig habang hinahayaan siyang ubusin ang pasensya ko kakadikta sa kung anong dapat kong gawin.“Did you hear me, Sachiko?”Yes, Dad. Rinig na rinig ko kung paano mo planuhin ang buhay ko nang hindi humihingi ng permiso galing sa ‘kin. Rinig na rinig ko kung paano mo ako kontrolin. Sawang-sawa na akong marinig mula sa ‘yo ang mga dapat kong gawin. But of course, I didn’t say that. I still have a bit of respect for him, pero kaunti na lang ‘yon dahil unti-unti niyang inuubos ‘yon.Inikot ko lang ang mata ko at nagpatuloy sa pagkain. Mas mabuti nang hindi ko siya sagutin kaysa makipagtalo pa ako. He wants me to marry this man na anak daw ng kaibigan niya. The reason? I don’t know, bakit pa nga ba siya mag-aabalang sabihin sa akin ang rason kung sa
“Sigurado ka na ba, Sachi?” Ngayon ay ako na ang nagtaka nang itanong ‘yon sa ‘kin ni kuya. Parang kahapon lang ay sila pa ang nangungumbinsi sa akin na magpakasal pero ngayong pumayag na ako ay halos hindi pa sila makapaniwala. Though, given naman na ang pagpayag ko dahil wala rin naman akong magagawa. “Hindi ba ito naman ang gusto niyo?” Umirap ako sa kanila. Ako na kasi mismo ang nag-approach kay Dad para ma-organize na ang wedding. Good thing, nandito rin si kuya sa office ni Dad kaya hindi ako masyadong naiilang sa kaniya. We’re not close kahit pa tatay ko siya. “Alright. Let’s organize the wedding immediately.” Napangisi ako. This means, mapapasaakin na ang lupang matagal ko nang hinihiling sa kaniya. Pinag-usapan na namin ‘yon at sinabi niyang buong-buo niyang ibibigay sa amin ang lupa. Mainam na raw na sa akin at kay Aries mapupunta ‘yon dahil kampante siyang ma
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang ikasal kaming dalawa. Hindi naman gano’n kahirap ang pag-adjust ko dahil madali lang pakisamahan ang mga katiwala ni Aries. Nakilala ko na si Nanay Flor na matagal niya na palang katiwala. Mabait siya at maalaga talaga, kaya hindi rin mapakawalan ni Aries. “Good morning, ‘Nay,” saad ko agad nang makita siyang naghahain ng pang-umagahan. She’s in her mid 50’s already at tatlong dekada nang pinagsisilbihan ang pamilya Vincenzo. Ito lang kasi ang nagsilbi at nag-alaga kay Aries simula nang maulila na siya kaya malaki ang utang na loob niya sa kaniya. Itinuturing niya na rin itong parang tunay na ina. That’s what he told me, kaya pwedeng nanay na rin daw ang itawag ko sa kaniya. “Good morning, hija. Heto, magkape ka muna.” Inabutan niya ako ng kapeng natimpla na kaya napangiti ako. Bigla kong naalala si mommy na ganito rin kaalaga sa akin no’ng nabubuhay pa siya. “Sa
Sinobra ba sa tanghali ang gising ko? Bakit ganito na agad kainit?I was just standing at the kitchen doorway, hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa pagpasok o babalik na lang sa kwarto?For pete’s sake, Aries is topless! At saktong pagpasok ko ng kusina ay sakto ring pagtanggal niya ng apron so I can clearly see his six pack abs! Tanging sweatpants lang ang suot niyang pang-ibaba.Tumikhim ako saka mabilis na tumungo sa coffee maker nang hindi pinapahalatang apektado ako sa presensya niya.“Day off?” tanong ko na lang bago maupo sa upuan at uminom ng kape.Tumango siya saka naglagay ng dalawang plato sa lamesa. Saka ko lang naramdaman ang gutom nang maamoy ang niluto niyang caldereta.“Kagigising mo lang?”Awkward akong ngumiti saka tumango. Nawili kasi ako sa pagbabasa kagabi at hindi ko namalayang
I rushed through Aries that was sitting on the floor. Nasipa ko pa ang bote ng alak sa tabi niya.He’s drunk.“Shit! Ano bang nangyari sa ‘yo?!”Kinuha ko ang braso niya at inalalayan siyang tumayo. The blood in his left arm continues to flow. Nagpapanic ko siyang pinaupo sa upuan at sinabihang huwag siyang gagalaw.Agad akong naghanap ng first aid kit. Nang makita ko ‘yon sa cabinet na nasa taas ay nanginginig ang kamay ko nang hawakan ang braso ni Aries. Ayokong gumawa ng malakas na ingay dahil baka magising ko si Nanay Flor at Ate Sab.Kumuha ako ng planggana at naglagay ng tubig doon para panghugas sa sugat ni Aries. Nang bumalik ako sa pwesto niya ay nakatungo ito sa braso. Umangat ang tingin niya at ngumiti ito nang makita ako. Only his lips are smiling but his eyes are tired.“Look.” He raised his left ar
Just when I stepped outside of my room, Aries’s door falls open. We both froze. Bigla akong napaiwas ng tingin habang siya ay tumikhim. “Good morning,” he casually said. Tipid akong ngumiti. “Morning.” Nauna na akong maglakad papunta sa kusina at sumunod din siya. We’re silent until we reach the kitchen and thank God, Nanay Flor was already there. “Oh, mabuti at gising na kayo. Kumain na kayo,” aya niya saka naghanda ng mga pagkain sa mesa. Umupo ako at kumuha ng slice bread. I’m a left handed person kaya nang hawakan ko ang kutsara gamit ang kaliwang kamay ay napadaing ako nang maalalang may sugat nga pala ako roon. Ano ba naman ‘to! Napakaliit na sugat pero ang hapdi. Ginamit ko na lang ang kanang kamay ko para sana maglagay ng palaman pero dahil hindi ako sanay roon ay napabuga ako ng malalim na hininga. Hanggang sa bigla
“What’s the meaning of this, Sachiko?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pakaseryoso ng mukha niya. Ni hindi ako makapagsalita! Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. At ipinagpasalamat ko nang biglang dumating ang waiter para kunin ang order namin. Mabilis ding sinabi ni Calisto ang order namin at muling bumalik ang atensyon sa akin. Nakataas ang kilay niya habang hinihintay ang sagot ko. “Uh... I... I b-bought this ring.” “You bought it? Ha! Don’t fool me, Sach. I know you. Ni hindi ka mahilig sa jewelries unless you’re on photoshoot or fashion show.” I bit my lower lip. We worked together for how many years, at kilalang-kilala niya na ako. Mapagkakatiwalaan ko rin naman siya, pero hindi ko lang alam ang tungkol dito. He’s still my agent, pwedeng masira ang career ko... or bumagsak ang pangalan ko. “Cali. Can we just talk ag