Share

Chapter 5

I rushed through Aries that was sitting on the floor. Nasipa ko pa ang bote ng alak sa tabi niya. 

He’s drunk.

“Shit! Ano bang nangyari sa ‘yo?!”

Kinuha ko ang braso niya at inalalayan siyang tumayo. The blood in his left arm continues to flow. Nagpapanic ko siyang pinaupo sa upuan at sinabihang huwag siyang gagalaw.

Agad akong naghanap ng first aid kit. Nang makita ko ‘yon sa cabinet na nasa taas ay nanginginig ang kamay ko nang hawakan ang braso ni Aries. Ayokong gumawa ng malakas na ingay dahil baka magising ko si Nanay Flor at Ate Sab.

Kumuha ako ng planggana at naglagay ng tubig doon para panghugas sa sugat ni Aries. Nang bumalik ako sa pwesto niya ay nakatungo ito sa braso. Umangat ang tingin niya at ngumiti ito nang makita ako. Only his lips are smiling but his eyes are tired.

“Look.” He raised his left arm and his right hand is holding a piece of broken glass. “This piece of shit does not even hurt.”

He grip the broken glass that made me cover my mouth with my hands. What the fuck are you doing with yourself, Aries?! Dahil sa higpit ng pagkakahawak niya roon ay tumulo na ang dugo sa kamay niya.

“Aries, stop!” Pinipilit kong agawin sa kaniya ang bubog pero mahigpit pa rin ang pagkahawak niya roon na tila hindi alintana ang sakit. “Aries, you’re hurting yourself!”

“I can’t feel the pain... I want to feel the pain.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumawa ito na para bang pinagkakatuwaan pa ang ginagawa.

He’s really drunk! He’s laughing but his eyes says it all. He is in pain. So much pain that he got used to it.

“Ano ba! Itigil mo nga ‘yan. Bakit ka ba naglasing?” Nagtagumpay rin ako sa pagkuha ng bubog saka inilagay ‘yon sa gilid ng lababo.

“Shhh huwag kang maingay, baka marinig ka ni Nanay Flor. Sabihin mo hindi ako uminom.” He touched my lips with his index finger.

I disgustingly looked at him. Lasing na nga talaga siya. Kung bakit ba kasi ito uminom at pagkatapos ay sasaktan ang sarili.

Sinimulan ko na lang hugasan ang mga sugat niya. I bit my lower lip. Bakit ba nagkaganito si Aries? Is he always like this when he’s drunk? Ibang-iba siya sa tahimik na Aries na kilala ko. As of now, he’s transparent. 

Inabot ni Aries ang bubog na inilagay ko sa lababo kaya agad nanlaki ang mata ko. Pilit kong inagaw iyon sa kamay niya dahilan para magkasugat na rin ako. Shit!

Pero hindi naman siya gano’n kalalim kaya hinayaan ko muna. Inilayo ko ang bubog kay Aries para hindi niya na ito maabot. Sinimulan kong gamutin ang sugat niya habang masamang nakatingin doon.

“Huwag kang magalaw,” banta ko dahil hindi na naman ito matigil kakagalaw.

Tumawa lang siya at mas lalong iginalaw ang braso nito dahilan para mapapikit ako ng mariin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya hanggang sa hinampas ko na ito dahil sa inis.

“Ouch!”

“Oh, kita mo na! Akala ko ba hindi ka nakakaramdam ng sakit, ha?” Inis kong inabot ang braso niya na namumula na ngayon dahil din sa paghampas ko.

Muli siyang tumawa saka tinitigan ang braso nito. “You’re right.”

Umiling lang ako saka pinagpatuloy ang paggamot doon. Maya-maya ay nakialam siya sa ginagawa ko at may kung anong hinahanap sa first aid kit. Salubong lang ang kilay ko na pinapanood siya hanggang sa hugutin nito ang alcohol at buksan ‘yon.

Napaawang ang labi ko nang ibuhos niya iyon sa sugat niya, at ilang segundo lang ang lumipas ay bigla itong napatayo.

“Ahh! ouch! wooh! shit!” Hindi niya malaman kung ano ang gagawin habang mahinang napapatalon at hinihipan ang sugat nito.

Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sitwasyon niya o matatawa sa katangahan niya.

I bit my inner lip, pinipigilan ang tawang gustong kumawala nang magtungo ito sa lababo para hugasan ang sugat.

Maya-maya ay bumalik siya sa inuupuan saka pinunasan ang braso gamit ang towel. Muli siyang naghagilap ng kung ano sa first aid kit. He groan in disappointment when he didn’t see what he’s looking for.

I sigh. “Ako na.” Muli kong kinuha ang braso nito at mabuti naman ay hindi na siya nagpumiglas nang simulan ko na ulit itong gamutin.

Pulang-pula na ito ngayon dahil sa binuhos niyang alcohol. Muli na naman akong napailing. Mukhang nawala na ang pagkalasing niya dahil hindi na ito masyadong magalaw.

Alcohol ang nagpalasing sa kaniya pero alcohol din pala ang magpapawala ng lasing niya. Muli na naman akong napailing.

Tahimik lang kami habang ginagamot ko ang sugat niya. Pero hindi ako matapos-tapos dahil sa titig niya! I can feel it. Tahimik na siya ngayon habang nakatingin sa akin at ako naman ay halos manginig na ang kamay!

“I visited my father in jail.”

Saglit akong napahinto nang sabihin niya ‘yon. Mabilis akong tumingin sa kaniya at nang makitang nakatingin pa rin ito sa akin ay agad din akong umiwas at pinagpatuloy ang ginagawa.

“Guess what? He’s doing fine. Fucking fine!”

Lumipat ang mga mata ko sa kamay nito nang bigla niyang ikuyom ‘yon.

“Bakit siya masaya? After what he did to my mom! He killed my mother! He has no fucking rights to be happy!” Hinampas niya ang lamesa dahilan para makagawa ito ng ingay.

“Calm down, Aries. Baka magising mo sila Nanay Flor at ate Sab,” suway ko sa kaniya.

Malalalim ang bawat paghinga niya. Nakatutok lang ako sa ginagawa habang hinihintay ang susunod niya pang sasabihin. Maybe he needs someone who’ll listen to him, to all of his rants. But he didn’t talk anymore. Instead, he rested his forehead on my shoulder.

I gasp. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya nabahala ako na baka marinig niya ‘yon. Pansamantala muna akong tumigil dahil baka mahulog ang ulo nito kung gumalaw man ako. I somehow want to comfort him.

“I am mad at him. I don’t think I can forgive him.” He said in a hoarse voice. “I always asks him, why did he kill my mom? Marami pang pangarap si mama para sa ‘kin... para sa ‘min. She also wants to live longer. But my father... my fucking father didn’t let her!”

Hinayaan ko lang siya habang sinasabi ang hinanaing nito. He’s always quiet so I really don’t know what he feels. But now, he suddenly became vulnerable. Ito ba ang palaging nakatago sa mga malalamig niyang mata?

Maya-maya ay natahimik siya kaya hindi ko na alam kung nakatulog na ba ito. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Itinapat nito ang tainga niya sa dibdib ko!

“Is this your normal heartbeat?”

Pinigilan ko ang paghinga ko dahil sa tanong niya. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili pero mas lalo lang nag-iinit ang mukha ko. Bakit ba gano’n niya na lang kabilis naiiba ang usapan?

“B-babalutan ko lang ng bandage ang sugat mo.” Tinulak ko siya dahilan para muli kaming magkaharap.

Mapupungay pa rin ang mga mata nito nang tumingin sa akin. Umiwas lang ako saka sinimulan nang lagyan ng benda ang braso niya. 

Nang matapos ako ay agad akong tumayo para bumalik na sana sa kwarto nang makita ko ang mga bubog sa sahig. Mariin akong napapikit saka huminga ng malalim bago pulutin isa-isa ang mga malalaking bubog.

Maya-maya ay tumayo rin si Aries saka nagsimulang magpulot ng mga bubog. Muli na naman akong napapikit.

“Matulog ka na,” I said in a warning tone.

Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy siya sa pagpulot na para bang walang narinig. 

“Aries.” Matalim ko siyang tiningnan. Sa sobrang talim ay tila naramdaman niya ‘yon kaya umangat ang tingin nito sa akin. 

His jaw dropped. Agad nitong inilagay ang mga napulot sa tabi ko saka nakangusong tumayo.

“Y-yes, ma’am.”

Pinanood ko lang siya hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa kwarto niya. Napabuga ako ng malalim na hininga nang ako na lang mag-isa ang nandito sa kusina. Napasandal ako sa upuan at muling kinapa ang dibdib ko. Napakabilis ng tibok nito!

Naramdaman kong mahapdi ang kaliwang palad ko kaya tiningnan ko ‘yon. Agad ding nanlaki ang mga mata ko dahil muli na namang nagsitulo ang dugo sa sugat kong halos makalimutan ko na!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status