Naomi is a 22 years old woman who suffers in lots of problems cause by one of the company’s site explosion. To help their company survive, she needs to marry Maxwell from the Willford’s clan to solve the company’s scandalous gossips while her father is laying in the hospital bed half dead. Everything went fine, not until Shekinah joins the scene and ruin their marriage with the help of Maxine, Maxwell’s sister. Xian Khairro also invade the relationship of Maxwell and Naomi, he also wants to ruin Maxwell’s image and get Naomi all for himself. He kidnapped Naomi and killed Maxwell through the yatch explosion. Will Naomi’s father be able to survive from the threat of death? What will happen to Naomi after knowing that the man she really love died from saving her? Is Maxwell really dead? If yes, how will Naomi continue her journey without Maxwell? What if Maxwell is still alive, how did he able to survive from the yatch explosion?
view more“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Maxwell sa kaniya at tumawa naman si Krueger.“Anong ginagawa ko rito? Nandito ako upang angkinin ang babaeng nais ko!” sigaw nito saka tinutukan ng baril si Maxwell.Kinabahan naman ako sa nangyayari kaya hinawakan ko si Maxwell sa kamay at mas lalong hinigpitan din nito ang kaniyang pagkakahawak sa akin.“Surprise! Anong balita? Magkakaanak na pala ang karibal ko!” sigaw ni Shekinah sa amin saka ito lumapit sa akin at hinawi ang buhok ko.“Shekinah! Anong kaguluhan ito?” tanong sa kaniya ni Maxine kaya tiningnan nito si Maxine saka ngumiti.“Oh! Ang aking sister-in-law na hilaw HAHAHA sayang at hindi napasaakin si Maxwell, ang hina mo kasing kasangga!” singhal nito kay Maxine at tinapik ang balikat nito.“Kung hindi niyo man ako nakikilala, hayaan niyong ipakilala ko ang aking sarili. Ako si Kyron Krueger at narito ako upang kunin ang babaeng nais ko!” saad nito saka tumawa na parang demonyo.Ito ang muntikan nang pumatay sa amin ni Maxwell. Patul
“K-Kambal? Anong kasarian nila?” tanong ni Maxwell na halatang excited kaya naman ay na-excite din ako.Tumingin ako sa monitor kasabay ng paghawak ko sa kamay ni Maxwell. Hinawakan din nito nang mahigpit ang aking kamay.“Congratulations po! Babae at lalaki po ang mga anak ninyo!” masiglang sagot sa amin ng doktor.Niyakap naman ako kaagad ni Maxwell saka niya hinaplos ang aking tiyan. Hinalikan pa nito ang aking noo kasabay ng paghalik nito sa aking tiyan.“Maiwan ko po muna kayo ma’am, sir!” paalam bg doktor at lumabas na nga ito.“Salamat naman at malusog ang mga anak natin kahit abnormal ang nanay nila. Salamat Naomi sa pagbibigay mo sa akin ng biyaya at bagong rason para mabuhay!” Naiyak ako dahil sa sinabi ni Maxwell nginit agad ko rin naman siyang binatukan.“Aray ko naman! Bakit mo ako binatukan? Para saan iyon?” tanong nito sa akin sabay himas sa kaniyang ulo.“Sa pagsabi mo sa akin na abnormal ako!” sagot ko sa kaniya saka ako tumayo at nagbihis na upang makaalis na kami ri
“Dad! Si Naomi kasi eh!” sumbong nito sabay kamot sa kaniyang ulo.“Naomi? Anong ginawa mo sa anak ko?” tanong sa akin ng kaniyang ama kaya naman ay nalipat sa akin lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng kwarto na ito.“Bagay naman po ito sa kaniya sir ah! Hindi ba Maxwell?” tanong ko kay Maxwell saka siya tiningala at niyakap.“Ah oo! Bagay nga sa akin, baka umiyak ka na naman!” singhal nito sa akin saka niya ako hinalikan sa noo.“Ang sakit niyo naman sa mata HAHAHA umupo na nga kayo at tayo ay magsisimula na!” sabi ng babaeng may edad na.Naupo naman ako sa gilid ni Maxwell at habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako sa kaniya nang nakangiti. Proud ako sa asawa kong ito. Kapag tumitigil siya sa pagsasalita ay pumapalakpak naman ako.Ilang oras lamang ang nakalilipas ay natapos na rin sa wakas ang kanilang pagpupulong. Habang palabas ang mga tao sa kwartong ito ay isa-isa rin nilang hinaplos ang aking buhok na may halong ngiti. Ang babait ng mga tao dito, hindi kagaya sa kump
Nagising ako na masakit ang buong katawan habang nakahilata rito sa aking kama. Nakita ko naman sina mommy at daddy na nagtatalo sa labas ng aking kwarto sapagkat nakabukas lang naman ang pinto.Pagtingin ko sa aking gilid ay nakita ko si Maxwell na prenteng nakasandal sa upuan habang nakahalukipkip at nakapikit.Hinawakan ko ang kamay nito na siyang dahilan upang dumilat siya. Nginitian ko siya saka siya tumayo at nilagay nito ang kaniyang palad sa aking noo.“Maxwell! Anong nangyari?” tanong ko rito at nakita ko namang napatingin sa direksyon namin sina mommy at daddy.“Nahimatay ka Naomi!” saad nito at umatras upang bigyan ng space ang aking mga magulang.“Bakit hindi mo sinabi anak?” tanong sa akin ni daddy na siyang dahilan upang kumunot ang aking noo.“Ano pong sasabihin ko?” tanong ko rito at pinilit kong tumayo ngunit pinigilan nila ako.“Na buntis ka.” Napatingin kaagad ako kay Maxwell na tahimik lamang sa gilid.“D-Daddy! M-Mommy? Sinabi niyo po ba?” tanong ko rito at kaunti
“Positive? S-Sandali! Magiging ninang na ako? Omo! Seryoso iyan?” tanong nito sa akin kaya naman ay tumango lamang ako.“Patingin nga ako! Baka joke time ito!” Inagaw nito sa akin ang pregnancy test saka tiningnan nang mabuti.“Natatakot ako!” saad ko kaya naman ay tiningnan ako nito sa mata saka siya ngumiti.“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala! Dapat natin itong ipaalam kay Maxwell, panigurado, matutuwa iyon!” Kinuha niya ang kaniyang telepono at akmang tatawagan na sana si Maxwell nang bigla kong kunin ito at pinigilan siya.“Huwag! Hindi pwede! Walang dapat makaalam nito, lalong lalo na si Maxwell.” Tumalikod ako at lumabas saka naglakad-lakad sa tabing-dagat.Sasabihin ko ba ito kay Maxwell? Ngunit kapag nalaman ito ni Maxine ay paniguradong magagalit iyon.Pinutol ko na rin ang koneksyon namin ni Maxwell kaya hindi ko ipapaalam sa kaniya ang pagbubuntis na ito. Hindi pa naman sigurado ’di ba? Magpapacheck-up pa ako para makasigurado.Dahil sa balitang ito ay agad naming naisip
Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Napahawak ako rito saka ko tinignan nang masama si Maxine. Itinaas nito ang kanang kilay niya saka ako nginisian.“M-Maxine!” saad ko saka ko siya hinawakan sa braso.“Huwag na huwag mo akong hahawakan! Traydor ka! Akala ko ba ay may pinirmahan ka nang kontrata? Ano pang silbi ng kontratang iyon kung makikipagkita ka pa rin sa kapatid ko? Nakipaghalikan ka pa talaga!” sigaw nito sa akin saka ako sinampal-sampal.Napahawak ako sa dalawa kong pisngi habang patuloy pa rin nilang sinasampal. Tahimik lang akong umiiyak habang nakayuko at walang kalaban-labang napaupo sa sahig.“Masakit ba? Ha Naomi? Masakit ba?” sigaw sa akin ni Shekinah, alam ko naman na sa kaniya na si Maxwell pero deserve ko ba ito?Tumayo ako saka ko tinulak si Shekinah na siyang dahilan upang matumba siya. Nang mapahiga na ito sa sahig ay saka ko siya pinatungan sabay sabunot dito.“Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso para saktan ako? Higad ka! Kung tutuusin nga ako
“Anong pinagsasasabi mo? Umayos ka nga! Parang kanina lang tayo nag-anuhan tas kung ano-ano na pinagsasasabi mo riyan!” singhal ko sa kaniya at natawa lamang ito.“Kanina lang? Sigurado ka bang kanina lang tayo gumawa ng kababalaghan? If I remember it correctly, may nangyari sa atin dati, sa bahay pa nga iyon ng mommy mo eh!” saad nito kaya naman ay tinakpan ko kaagad ang kaniyang bibig saka ko tiningnan ang paligid.“Mahiya ka nga Maxwell! Kung ano-ano ang mga lumalabas sa bibig mo!” saad ko at binatukan siya.“Aray! Walang sakitan! Patapos na ako, hintayin mo na lang ako.” Tumalikod na ako at dumiretso sa kaniyang sasakyan.Nagpatugtog lamang ako ng musika rito habang hinihintay siyang dumating. Ang tagal naman ng isang iyon! Ilang kawali ba ang kinain niya? Ampotchi naman oh!Mga ilang minuto pa ang nakalilipas habang sinasabayan ko sa pagkanta ang musika ay siya ring pagdating ni Maxwell habang may dala-dalang mga kahon ng pagkain. Nagtaka naman ako saka niya ako sinenyasan na buks
Napatingin ako sa paligid kasabay ng mga bulungan na aking naririnig. Ang alam ng lahat dito ay si Xian na kasintahan ko dahil iyon naman ang gusto ni Maxine.“Xian! Anong pinagsasasabi mo?” tanong ko rito at ngumisi lamang siya.“Akala mo wala akong alam? Naomi, nakita ko kayo! Nakita ko kung paano ka halik-halikan ng lalaking iyan!” sigaw nito sa akin saka lumapit kay Maxwell at inambahan ng suntok.“Sige! Kapag dumapo iyang kamao mo sa mukha ko, hindi ka na sisikatan ng araw rito!” pagbabanta ni Maxwell sabay tutok ng kaniyang baril kay Xian.Saan nanggaling ang baril na iyan? Wala namang baril dito kanina? Nagsigawan ang mga tao sa paligid dahil sa ginawa ni Maxwell kaya naman ay tiningnan ko siya ng masama saka ko binaba ang kamay nitong may hawak na baril. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya rito kaya hindi ko ito makuha.“Maxwell! Ano ba? Ibaba mo iyan! Baka maiputok mo pa!” singhal ko rito saka niya binaba ang kaniyang baril na may halong ngisi.“Pasalamat ka Xian! Mataga
Binuksan nito ang likod ng sasakyan saka kami pumasok, hindi pa rin namin binibitawan ang labi ng isa’t-isa.“M-Maxwell!” tawag ko sa pangalan niya. Huminto naman ito at tiningnan ako sa mga mata.“Hmm?” sagot niya sa nagtatanong na mga mata.“Mali ito! May Xian na ako at mayroon ka na ring Shekinah!” singhal ko sa kaniya na siyang dahilan upang bumitiw siya sa pagkakahawak sa aking batok.“Pero ikaw ang aking asawa! Kahit saang anggulo mo tingnan, ang relasyon natin sa kanila ang mali at tayo ang tama!” saad nito at naupo sa gilid ko.“Hindi mo kasi naiintindihan Maxwell! Kapag nakita tayo ni Maxine o kahit sino pang may kaugnayan kay Maxine ay paniguradong malalagot tayo!” sigaw ko sa kaniya kaya napatingin naman siya sa akin nag masinsinan.“Maxine? Anong kinalaman ng ate ko sa ating dalawa?” tanong nito sa akin at napakuyom pa ito ng kaniyang kamao.“Wala!” sagot ko at tumingin sa labas upang makawala sa kaniyang nakakasindak na tingin.“Magsabi ka sa akin Naomi! Anong kinalaman n
*Ring...Ring...Ring*Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga at tiningnan ko kung anong oras na kaya naman ay dali-dali akong pumunta ng banyo at sinagot ang tawag.“Oh?” tanong ko sa kabilang linya.“Ma’am Naomi! Kailangan po kayo dito ng kumpanya, isa sa mga site natin ay may sumabog na bomba at maraming napinsala dahil sa pangyayaring ito at kasama na rito ang inyong ama na kasalukuyang nasa hospital ngayon.” Napaupo ako sa aking narinig pagkatapos kong hubarin ang aking damit.“Anong ibig mong sabihin? Saang hospital dinala si daddy?” tanong ko sa kaniya at dali-dali na rin akong naligo dito sa banyo.Sa oras na natanggap ko ang mensaheng ipinadala sa akin ng aking sekret
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments