Set-up to Love you
Naomi is a 22 years old woman who suffers in lots of problems cause by one of the company’s site explosion. To help their company survive, she needs to marry Maxwell from the Willford’s clan to solve the company’s scandalous gossips while her father is laying in the hospital bed half dead. Everything went fine, not until Shekinah joins the scene and ruin their marriage with the help of Maxine, Maxwell’s sister. Xian Khairro also invade the relationship of Maxwell and Naomi, he also wants to ruin Maxwell’s image and get Naomi all for himself. He kidnapped Naomi and killed Maxwell through the yatch explosion. Will Naomi’s father be able to survive from the threat of death? What will happen to Naomi after knowing that the man she really love died from saving her? Is Maxwell really dead? If yes, how will Naomi continue her journey without Maxwell? What if Maxwell is still alive, how did he able to survive from the yatch explosion?
Basahin
Chapter: Ikadalawampu’t-apat na Kabanata“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Maxwell sa kaniya at tumawa naman si Krueger.“Anong ginagawa ko rito? Nandito ako upang angkinin ang babaeng nais ko!” sigaw nito saka tinutukan ng baril si Maxwell.Kinabahan naman ako sa nangyayari kaya hinawakan ko si Maxwell sa kamay at mas lalong hinigpitan din nito ang kaniyang pagkakahawak sa akin.“Surprise! Anong balita? Magkakaanak na pala ang karibal ko!” sigaw ni Shekinah sa amin saka ito lumapit sa akin at hinawi ang buhok ko.“Shekinah! Anong kaguluhan ito?” tanong sa kaniya ni Maxine kaya tiningnan nito si Maxine saka ngumiti.“Oh! Ang aking sister-in-law na hilaw HAHAHA sayang at hindi napasaakin si Maxwell, ang hina mo kasing kasangga!” singhal nito kay Maxine at tinapik ang balikat nito.“Kung hindi niyo man ako nakikilala, hayaan niyong ipakilala ko ang aking sarili. Ako si Kyron Krueger at narito ako upang kunin ang babaeng nais ko!” saad nito saka tumawa na parang demonyo.Ito ang muntikan nang pumatay sa amin ni Maxwell. Patul
Huling Na-update: 2022-05-08
Chapter: Ikadalawampu’t-tatlong Kabanata“K-Kambal? Anong kasarian nila?” tanong ni Maxwell na halatang excited kaya naman ay na-excite din ako.Tumingin ako sa monitor kasabay ng paghawak ko sa kamay ni Maxwell. Hinawakan din nito nang mahigpit ang aking kamay.“Congratulations po! Babae at lalaki po ang mga anak ninyo!” masiglang sagot sa amin ng doktor.Niyakap naman ako kaagad ni Maxwell saka niya hinaplos ang aking tiyan. Hinalikan pa nito ang aking noo kasabay ng paghalik nito sa aking tiyan.“Maiwan ko po muna kayo ma’am, sir!” paalam bg doktor at lumabas na nga ito.“Salamat naman at malusog ang mga anak natin kahit abnormal ang nanay nila. Salamat Naomi sa pagbibigay mo sa akin ng biyaya at bagong rason para mabuhay!” Naiyak ako dahil sa sinabi ni Maxwell nginit agad ko rin naman siyang binatukan.“Aray ko naman! Bakit mo ako binatukan? Para saan iyon?” tanong nito sa akin sabay himas sa kaniyang ulo.“Sa pagsabi mo sa akin na abnormal ako!” sagot ko sa kaniya saka ako tumayo at nagbihis na upang makaalis na kami ri
Huling Na-update: 2022-05-08
Chapter: Ikadalawampu’t-dalawang Kabanata“Dad! Si Naomi kasi eh!” sumbong nito sabay kamot sa kaniyang ulo.“Naomi? Anong ginawa mo sa anak ko?” tanong sa akin ng kaniyang ama kaya naman ay nalipat sa akin lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng kwarto na ito.“Bagay naman po ito sa kaniya sir ah! Hindi ba Maxwell?” tanong ko kay Maxwell saka siya tiningala at niyakap.“Ah oo! Bagay nga sa akin, baka umiyak ka na naman!” singhal nito sa akin saka niya ako hinalikan sa noo.“Ang sakit niyo naman sa mata HAHAHA umupo na nga kayo at tayo ay magsisimula na!” sabi ng babaeng may edad na.Naupo naman ako sa gilid ni Maxwell at habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako sa kaniya nang nakangiti. Proud ako sa asawa kong ito. Kapag tumitigil siya sa pagsasalita ay pumapalakpak naman ako.Ilang oras lamang ang nakalilipas ay natapos na rin sa wakas ang kanilang pagpupulong. Habang palabas ang mga tao sa kwartong ito ay isa-isa rin nilang hinaplos ang aking buhok na may halong ngiti. Ang babait ng mga tao dito, hindi kagaya sa kump
Huling Na-update: 2022-05-08
Chapter: Ikadalawampu’t-isang KabanataNagising ako na masakit ang buong katawan habang nakahilata rito sa aking kama. Nakita ko naman sina mommy at daddy na nagtatalo sa labas ng aking kwarto sapagkat nakabukas lang naman ang pinto.Pagtingin ko sa aking gilid ay nakita ko si Maxwell na prenteng nakasandal sa upuan habang nakahalukipkip at nakapikit.Hinawakan ko ang kamay nito na siyang dahilan upang dumilat siya. Nginitian ko siya saka siya tumayo at nilagay nito ang kaniyang palad sa aking noo.“Maxwell! Anong nangyari?” tanong ko rito at nakita ko namang napatingin sa direksyon namin sina mommy at daddy.“Nahimatay ka Naomi!” saad nito at umatras upang bigyan ng space ang aking mga magulang.“Bakit hindi mo sinabi anak?” tanong sa akin ni daddy na siyang dahilan upang kumunot ang aking noo.“Ano pong sasabihin ko?” tanong ko rito at pinilit kong tumayo ngunit pinigilan nila ako.“Na buntis ka.” Napatingin kaagad ako kay Maxwell na tahimik lamang sa gilid.“D-Daddy! M-Mommy? Sinabi niyo po ba?” tanong ko rito at kaunti
Huling Na-update: 2022-05-08
Chapter: Ikadalawampung Kabanata“Positive? S-Sandali! Magiging ninang na ako? Omo! Seryoso iyan?” tanong nito sa akin kaya naman ay tumango lamang ako.“Patingin nga ako! Baka joke time ito!” Inagaw nito sa akin ang pregnancy test saka tiningnan nang mabuti.“Natatakot ako!” saad ko kaya naman ay tiningnan ako nito sa mata saka siya ngumiti.“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala! Dapat natin itong ipaalam kay Maxwell, panigurado, matutuwa iyon!” Kinuha niya ang kaniyang telepono at akmang tatawagan na sana si Maxwell nang bigla kong kunin ito at pinigilan siya.“Huwag! Hindi pwede! Walang dapat makaalam nito, lalong lalo na si Maxwell.” Tumalikod ako at lumabas saka naglakad-lakad sa tabing-dagat.Sasabihin ko ba ito kay Maxwell? Ngunit kapag nalaman ito ni Maxine ay paniguradong magagalit iyon.Pinutol ko na rin ang koneksyon namin ni Maxwell kaya hindi ko ipapaalam sa kaniya ang pagbubuntis na ito. Hindi pa naman sigurado ’di ba? Magpapacheck-up pa ako para makasigurado.Dahil sa balitang ito ay agad naming naisip
Huling Na-update: 2022-05-08
Chapter: Ikalabing-siyam na KabanataIsang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Napahawak ako rito saka ko tinignan nang masama si Maxine. Itinaas nito ang kanang kilay niya saka ako nginisian.“M-Maxine!” saad ko saka ko siya hinawakan sa braso.“Huwag na huwag mo akong hahawakan! Traydor ka! Akala ko ba ay may pinirmahan ka nang kontrata? Ano pang silbi ng kontratang iyon kung makikipagkita ka pa rin sa kapatid ko? Nakipaghalikan ka pa talaga!” sigaw nito sa akin saka ako sinampal-sampal.Napahawak ako sa dalawa kong pisngi habang patuloy pa rin nilang sinasampal. Tahimik lang akong umiiyak habang nakayuko at walang kalaban-labang napaupo sa sahig.“Masakit ba? Ha Naomi? Masakit ba?” sigaw sa akin ni Shekinah, alam ko naman na sa kaniya na si Maxwell pero deserve ko ba ito?Tumayo ako saka ko tinulak si Shekinah na siyang dahilan upang matumba siya. Nang mapahiga na ito sa sahig ay saka ko siya pinatungan sabay sabunot dito.“Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso para saktan ako? Higad ka! Kung tutuusin nga ako
Huling Na-update: 2022-05-08